You are on page 1of 1

Si Haring Tamaraw at si Daga

Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya ay malaki, mabilis at malakas.
Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan. Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan.
Dumating siyang pagod na pagod. Kaagad siyang nakatulog sa ilalim ng punong Narra. Dumating si Daga.
Tuwang-tuwa siyang naglalaro sa may puno ng Narra. Sinaway siya ng mga ibon na nakadapo sa mga
sanga ng puno. Ipinaalam nilang natutulog si Haring Tamaraw. Dali-daling tumakbong paalis si Daga.
Hindi sinasadyang natapakan ni Daga ang paa ni Haring Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw at naipit
ang paa ni Daga. Umirit si Daga.

Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga at bilang parusa, kakainin sana niya
ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw. Nangakong hindi na siya uulit at sinabi pang baka siya’y
makatulong kay Haring Tamaraw pagdating ng panahon. Pinakawalan at pinatawad ni Haring Tamaraw si
Daga. Nagpasalamat naman si Daga.

You might also like