You are on page 1of 3

St. Michael’s School, Inc.

Las Piñas City


Unang Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Pangalan: ___________________________________________ Iskor: ____________

Baitang/Pangkat: ____________________________________ Petsa: ____________

I. Multiple Choice
Panuto: Bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng katapatan?


a. pagsasauli ng gamit ng iba c. pagsasabi ng totoo
b. paglilihim ng nagawang kasalanan d. pagtatama ng maling marka
2. Habang naglalakad si Aling Rosita sa palengke ay aksidenteng nalaglag n’ya
ang kanyang pitaka. Kasunod ka n’yang naglalakad. Ano ang nararapat mong
gawin?
a. pabayaan na lamang ang pitaka
b. ibigay kay aling Rosita ang pitaka
c. kunin ang pitaka at itago
d. ibigay na lamang sa iba ang pitaka
3. Mayroon kang isang daang piso at bumili ka ng isang kilong bigas sa
tindahan sa halagang apatnapu’t limang piso. Napansin mong sobra ang
naibigay sa iyong sukli. Ano ang nararapat mong gawin?
a. pagtawanan ang pagkakamali ng nagtitinda
b. itago ang sobrang sukili
c. sabihin sa nagtitinda na kulang ang sukli
d. ibalik ang sobrang sukli
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng konsepto ng pagkakaisa?
a. paggawa ng proyekto c. bayanihan
b. sama-samang pag-awit d. lahat ng nabanggit
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi wasto?
a. pagsisinungaling sa miyembro ng pamilya
b. pangongopya sa oras ng pagsusulit
c. pakikialam sa gawain ng iba
d. pagbibigay ng tulong sa kapus-palad.
6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pagpapakita ng paggalang sa iba?
a. pagsasabi ng po at opo
b. paggalang sa paniniwala at opinyon
c. paggawa ng gawain ng ibang tao kahit walang pahintulot mula sa taong
gagawa ng gawain
d. pagbibigay ng pagkakataon sa ibang tao upang maipakita n’ya ang kaya
n’yang gawin.
7. Sa aling mga sumusunod na sitwasyon maipapakita ang pagkakaisa?
a. paggawa ng proyekto c. paglalaro ng tag of war
b. sambayang pagbigkas d. lahat ng nabanggit
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi magbibigay sa iyo ng positibong
damdamin sa pag-aaral?
a. Pakikilahok sa pangkatang gawain
b. Pakikibahagi sa talakayan sa klase
c. Pagpapaliban ng mga gawaing eskwela
d. Pagtatanong sa guro
9. Alin sa mga sumusunod ang positibong epekto sa pamilya ng mararahas
na pelikula?
a. magkakaroon ng pagkakaunawaan sa pamilya
b. mangingibabaw ang pagmamahalan
c. hindi magkakaroon ng puwang ang gulo sa pamilya
d. wala sa nabanggit
10. Alin sa mga sumusunod ang magbibigay sa atin ng positibong
damdamin?
a. pag-aaral b. kapaskuhan c. kaarawan d. lahat ng nabanggit
11. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng paggalang?
a. pangongopya c. pagsisinungaling
b. pagsasabi ng masama d. lahat ng nabanggit
12. Alin sa mga sumusunod ang magbibigay sa atin ng impormasyon?
a. dyaryo b. internet c. magazine d. lahat ng nabanggit
13. Nais ni Tonying na makabasa ng impormasyon tungkol sa paparating na
bagyo. Anong uri ng media ang maaari n’yang gamitin?
a. dyaryo b. internet c. magazine d. Wala sa nabanggit
14. Bago naniniwala sa Butchoy sa isang balita o impormasyon ay nagsasagawa
muna siya ng pananaliksik. Alin sa mga sumusunod ang katangian
ipinapakita ni Butchoy?
a. mapanuring pag-iisp c. walang tiwala
b. segurista d. pagiging maduda
15. Alin sa mga sumusnod ang hindi nagpapakita ng mapanuring pag-iisip?
a. agad na nagtitiwala c. agad na pagsangayon
b. agad na pagbibigay ng tiwala d. lahat ng nabanggit

II. TAMA O MALI


Panuto: Isulat ang letrang T kung wasto ang pahayag at M naman kung
mali.

_____16. Ang pagkakaisa ay magdudulot ng tagumpay.


_____17. Hindi lahat ng tulong na ating ibinibigay sa iba ay akma sa
kanilang pangangailangan.
_____18. Ang pagsasabi ng totoo ay nagkakahalaga ng malaking salapi.
_____19. Mahalaga ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip upang
makaiwas tayo sa mga impormasyong ikakapahamak natin.
_____20. Isa ang pahayagan sa maaari nating mapagkunan ng impormasyon.
_____21. Ang katapatan ay maipapakita kahit walang nakakakitang iba.
_____22. Wasto lamang na kunin ang gamit na hindi mo pag-aari.
_____23. Ang pangongopya sa pagsusulit ay mahalaga upang ikaw ay
pumasa.
_____24. Nailalapit natin ang ating sarili sa Diyos sa tuwing tayo ay
nagsisinungaling.
_____25. Hindi wasto ang pagsisinungaling sa ating mga magulang.
_____26. Ang katapatan ay isang pag-uugaling maaring matutunan.
_____27. Ang katapatan ay naipapakita sa kilos at salita.
_____28. Walang maidudulot na mabuti sa atin ang pakikilahok sa
talakayan sa klase.
_____29. Ang paggawa ng proyekto sa paaralan ay magbibigay sa atin ng
positibong damdamin.
_____30. Ang lahat ng patalastas sa telebisyon ay magbibigay sa atin ng
positibong damdamin.

III. Enumeration
Panuto: Ibigay ang iba’t ibang uri ng media na maari nating mapagkunan
ng mga impormasyon.

31. _______________ 33. _______________ 35. _______________


32. _______________ 34. _______________

IV. ANALOHIYA
Panuto: Bilugan mula sa kwento ang limang (5) salita o mga salitang hindi
nagpapakita ng katapatan

Ang Batang Matapat?

Isang umaga sa bahay ng pamilya Hugo ay kumakain ng almusal ang batang si Tonying. Kasabay
n’ya sa hapagkainan ang kanyang mga magulang at nakatatandang kapatid na si Blitz. Naunang
natapos kumain ang kanilang ama’t ina kaya’t nagtungo ang mga ito sa kusina upang ilagay
sa lababo ang pinagkainang mga gamit. Habang kumakain si Tonying ay hindi n’ya sinasadyang
matabig ang baso sa kanyang tabi at ito ay nalaglag at nabasag. Upang hindi mapagalitan ay
itinuro n’yang ang kanyang kuya ang nakabasag ng baso. Pinagalitan ang kanyang kuya dahil
sa pagsisinungaling ni Tonying. Habang pinagsasabihan ng kanyang ina ang kanyang kuya ay
tinatawanan pa ito ni Tonying. Matapos ang pangyayari ay nagpaalam naman ang kanilang ama
na aalis na at papasok na sa trabaho. Mga ilang minuto matapos umalis ng kanilang ama,
napansin ni Tonying na may limangdaang pisong naiwan ang kanyang ama sa kanilang sofa.
Dahil s’ya lamang ang naiwang mag-isa sa sala, ibinulsa agad-agad ni Tonying ang pera at
dali-daling lumabas ng kanilang bahay upang mag-laro. Habang naglalakad si Tonying malapit
sa kanilang bahay ay may nakita s’yang nagtitinda ng laruan. Naisip n’ya agad ang perang
nakita n’ya sa kanilang sala kaya’t ipinambili n’ya ito ng laruang robot at sasakyan.
Tinanong s’ya ng nagtitinda kung bakit ang dami n’yang pera. Sinabi ni Tonying na ito ay
kanyang ipon. Nang makauwi si Tonying ay naroroon na ang kanyang ama at ito ay nagtatanong
kung nakita ba nila ang nawawalang pera nito, subalit sinabi ni Tonying na wala s’yang
nakita. Kalaunan ay nalaman din ng kanyang mga magulang ang mga kasinungalingan ni Tonying
at s’ya ay tinuruan ng leksiyon para dito. Wakas

V. PAGSULAT
Panuto: Sumulat ng limang pangungusap na nagpapahayag ng katapatan. 2 pts.

1. _________________________________________________________________________

2. _________________________________________________________________________

3. _________________________________________________________________________

4. _________________________________________________________________________

5. _________________________________________________________________________

________________________
Lagda ng magulang

You might also like