You are on page 1of 1

I.

Panuto: Sumulat ng isang replektibong sanaysay ukol sa karanasan sa napiling mode of

learning.

Lahat ay nasa iba't ibang antas ng pamumuhay kaya lahat din ay may iba't ibang karanasan sa
buhay gaya na lamang ng karanasan na napiling mode of learning. Lahat ay may kalayaan pumili ng
mode of learning, gaya ko na ang napili ay soft modular na kung saan ay ibibigay ng guro ang modules sa
kaniyang estudyante sa pamamagitan ng Google classroom. Ang Google classroom ay nangangailangan
ng internet na kung anong meron samin at sobrang hina, ngunit sa iba'y hindi, lahat iba-iba, gayon narin
sa karanasan na mayroon sa sitwasyon natin ngayon.

Sa lagay ko, naranasan ko ng maghabol sa deadline sapagkat sobrang hina ng aming internet
connection kailangan ko pang humanap ng lugar sa labas ng aming bahay na mayroong signal upang
makita ang aking modules. Minsan rin ay sinasabay ko na ang pagsagot sa aking modules sa oras ng
aking pagkain dahil baka mawalan nanaman ng internet connection. Naranasan ko narin kapalan ang
aking mukha para maki-hotspot dahil wala ng pera, naubos sa kakaload at ang Wi-Fi ay walang internet
connection. Sobrang hirap mag-adjust sapagkat hindi ito ang pamamaraang nakasanayan sa pag-aaral sa
sobrang hirap naisip ko na lamang na huminto sa pag-aaral sapagkat hindi ko gaanong naiintindihan ang
aking pinag-aarlan kakarampot ang aking natutunan kahit anong sikap ang aking gawin. Ngunit ang
kaisipang paghinto ko sa pag-aaral ay nawala na parang bula sa tuwing naiisip ko ang hirap ng iba, ng
aming guro. Hindi lang ako pati narin ang iba pang mga estudyante lamang ang nahihirapan kundi narin
ang aming guro na umiintindi sa amin palagi. Kung naghihirap kami ay lalo na sila daan-daang
estudyante ang kanilang kailangan i-handle ngunit hindi sila nagrereklamo idagdag pang stress sila sa
pag-handle sa amin ay nagagawa pa nila kaming intindihin na kung minsa'y nahuhuli sa pasahan. Sa
tuwing naiisip ko ito'y namo-movitate akong sumagot at pilit na iniintindi ang pinaghirapan nilang
modules, nagpapasalamat akong mayroon akong ganung mga guro.

Sa madaling sabi lahat ay naghirap, at may mahihirap na karanasan, estudyante man o guro. Dahil
sa sitwasyong mayroon tayo ngayo'y nakakaranas tayo ng mas mahihirap pang pagsubok.

You might also like