You are on page 1of 3

A. Naibibigay ang mahalagang impormasyon sa pagbuo ng sulatin.

Isulat ang hinihinging impormasyon sa bawat bilang.

1. Tatlong uri ng memorandum

a. Memorandum para sa Kahilingan


b. Memorandum para sa Kabatiran
c. Memorandum sa Pagtugon

2. Hakbang sa pagsulat ng adyenda

a. Magdala ng memo na maaring nakasulat sa papel o kaya naman ay


isang e-mail na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa
o layunin sa ganitong araw, oras, at lugar.
b. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng
kanilang pagdalo o e-mail naman kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.
Ipaliwanag din sa memo na sa mga dadalo, mangyaring ipadala o ibigay sa gagawa ng
adyenda ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minuto
na kanilang kailangan upang pag-usapan ito.
c. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng
mga adyenda o paksa ay napadala na o nalikom na. Higit na magiging sistematiko
kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan
makikita ang agenda o paksa, taong magpapaliwanag, at ang oras kung gaano ito
katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang gumawa ng agenda ay kailangang maging
matalino at mapanuri kung ang mga isinumiteng agenda o paksa ay may kaugnayan sa
layunin ng pulong. Kung sakaling ito ay malayo sa paksang pag-uusapan, ipagbigay-
alam sa taong nagpadala nito na ito ay maaring talakayin sa susunod na pulong.
d. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo, mga dalawa o isang
araw bago ang pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong, at
kung kalian at saan ito gaganapin.
e. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

3. Mahalagang bahagi ng Katitikan ng Pulong

a. Heading
b. Mga kalahok o dumalo
c. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang Katitikan ng Pulong
d. Action Items o Usaping Napagkasundunan
e. Pabalita o Patalastas
f. Iskedyul ng susunod na pulong
g. Pagtatapos
h. Lagda

You might also like