You are on page 1of 8

1

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9


Activity Sheet No. 6.1
First Edition, 2020

Published in the Philippines


By the Department of Education
Region 6 – Western Visayas

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.

This Learning Activity Sheet is developed by DepEd Region 6 – Western Visayas.


ALL RIGHTS RESERVED. No part of this learning resource may be reproduced or
transmitted in any form or by any means electronic or mechanical without written permission
from the DepEd Regional Office 6 – Western Visayas.

Development Team of EsP Activity Sheet

Writer/s: Mary Rose Bolves

Illustrator/s: Eldiardo E. de la Peña

Layout Artist/s: Antonio O. Rebutada

Schools Division Quality Assurance Team:


Claudia T. Villaran
Gethel A. De Guzman
Jona S. Demaraye
Marineth I. Villena
Division of Escalante City Management Team:
Clarissa G. Zamora, CESO VI
Ermi V. Miranda, PhD
Ivy Joy A. Torres, PhD
Jason R. Alpay
Alma C. Sinining
Regional Management Team
Ma. Gemma M. Ledesma,
Dr. Josilyn S. Solana,
Dr. Elena P. Gonzaga,
Mr. Donald T. Genine
Mirriam T. Lima

2
Introductory Message

MABUHAY!

Ang EsP 9 Learning Acivity Sheets na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod ng Bacolod sa
pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6- Kanlurang Visayas at
sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning Management Division. Inihanda
ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating mga mag-
aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K
to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang
kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap
na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning Facilitator:

Ang EsP 9 Learning Acivity Sheet na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang
kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang
bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Para sa mga mag-aaral:

Ang EsP 9 Learning Acitivity Sheet na ito ay binuo upang matulungan ka,
na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon sa iyong paaralan,
pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto nga bawat gawain.

3
Learning Activity Sheets
Pangalan ng Mag-aaral:
Grado at Pangkat:
Petsa:

GAWAING PAMPAGKATUTO SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA

• Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral. (Week


3a/EsP9TT-IIc-6.1)

PANIMULA

Ang Mabuti
Ang mabuti ang laging pakay at layon ng tao. Ang isip at puso ang gabay para
kilatisin kung ano talaga ang mabuti. May matinong pag-iisip, pagsusuri,
pagtitimbang at paglilinis sa mga motibasyon ang kasabay ng pagkilala sa mabuti.
Ang tanungin ang tanong na “Mabuti ba?” bago pa gawin ang isang bagay ay tanda
na ng masikap na paghahangad na matupad ang mabuti. Ang mabuti ay ang siyang
kilos ng pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapalago ng sarili at
ng mga ugnayan.

Ang Tama: Iba sa Mabuti

Ngunit sapat nga ba talaga ang paghahangad sa mabuti at pagkilos sa


inaakalang mabuti? Paano kung ang inaakalang mabuti ay nakasasakit o makasisira
lamang? Mahirap ang paniniwala na sapat na ang mabuting intensyon para
kilalaning mabuti ang gawain.

Iba ang mabuti sa tama. Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagbuo
ng sarili. Ang tama ay ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan,
lawak, at sitwasyon. Halimbawa: Mabuti ang uminom ng gamot. Ngunit marapat ding
tingnan ng doktor ang kakayahan ng pasyente na bumili ng gamot at ang mga
partikular na reaksiyon ng pasyente sa bisa ng gamot na ibibigay. Mabuti ang gamot,
ngunit may tamang gamot para sa isang tao ayon sa sakit na mayroon siya. May
ibang gamot na nagdudulot ng mga allergies sa mga partikular na tao. May mga
gamot na hindi epektibo sa ibang tao. Ganito ang prinsipyo ng generics. Ang
pasyente na ang bahalang humanap ng hihiyang sa kaniya batay sa reseta ng
doktor. Tulad din sa Likas na Batas Moral, preskripsiyon ang mabuti, ang tama ay
angkop sa tao.

4
Ang Kaisa-isang Batas: Maging Makatao

Iba-iba man ang pormula ng likas na batas moral, tinuturo nito ay isa lamang:
hindi ko kakasangkapanin ang tao. Na ituturing ko bilang may pinakamataas na
halaga ang tao. Na gagawin ko ang lahat upang ingatan at payabungin ang tao.

Lahat ng Batas: Para sa Tao

Dito nga nakaangkla ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng


Tao (Universal Declaration of Human Rights) ng mga Nagkakaisang Bansa (United
Nations). Hindi ito nilikha o inimbento o pinagsang-ayunan lamang ng mga bansa
dahil magandang pakinggan na kunwari may dignidad ang tao! Talagang nakikita
nila, mula sa iba’t ibang mukha ng mga tao sa iba’t ibang sulok ng mundo, na
mahalagang ingatan ang dignidad ng tao. Naniniwala silang ang pag-unlad ng isang
bansa at ng mundo ay magmumula sa pagkilala sa pantay na mga karapatan. Ang
pagbibigay ng kalayaang isakatuparan ang mga pagnanais nila ang siyang
makapagpapatibay sa mithiing ito ng kaunlaran at kapayapaan.

Ang bawat estado rin ay nagsisikap iangkop sa kani-kanilang mga kultura ang
pagkilala sa karapatang pantao. Ipinahayag nila sa kanilang konstitusyon ang mga
karapatan ng bawat mamamayan at ang paggarantiya ng estado na bigyang
proteksiyon ang mga karapatang ito. Ang mga batas naman na nililikha ng
pamahalaan ay mga mekanismo at pamamaraan upang isakongkreto ang unibersal
at pangkalahatang pagpapahalaga sa tao. Kaya may batas:

1. laban sa pananakit at pang-aabuso sa mga bata dahil tao ang mga bata,
2. na magbibigay ng budget sa edukasyon dahil kailangang mahubog ang pag-
iisip at karakter ng mga tao,
3. na magtatalaga ng pinuno ng bayan (eleksiyon) dahil mahalaga ang boses ng
lahat ng tao sa pagpapatakbo ng kolektibong kasaysayan.
Ang lahat ng batas ay para sa tao, hindi ang kabaligtaran nito.

Likas na Batas Moral: Batayan ng mga Batas ng Tao

Hindi perpekto ang mga batas. Subalit, muli babalik tayo sa depinisyon ng
mabuti – sapat na ang laging pagtingin sa kabutihan at ang pagsisikap na matupad
ito.

Ang Likas na Batas Moral ay hindi instruction manual. Hindi ito isang malinaw
na utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba’t ibang pagkakataon. Gabay lamang ito
upang makita ang halaga ng tao.

Matutupad ba natin ang likas na batas moral sa ating bayan? Isang simpleng
sagot: habang may nakatingin sa mabuti - nagtataka, nagtatanong - tiyak na
hahakbang tayo papalapit sa mabuti.

Ano ang pinakaunang hakbang? First do no harm.

5
MGA SANGGUNIAN

Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9, pp. 65 - 78


https://www.google.com/searchq=republic+act+para+sa+mga+bata&rlz=1C1
GGRV_enPH816PH816&oq=Republic+act+para+sa&aqs=chrome.0.0i457j0j6
9i57j0l5.34322j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8

https://www.google.com/searchq=republic+act+para+sa+pagtatalaga+ng+mg
a+pinuno+ng+bayan&rlz=1C1GGRV_enPH816PH816&oq=republic+act+para
+sa+pagtatalaga+ng+mga+pinuno+ng+bayan+&aqs=chrome..69i57.174041j0
j9&sourceid=chrome&ie=UTF-8

https://www.google.com/search?rlz=1C1GGRV_enPH816PH816&ei=M7WgX
72sPJX8wAPYvZigCg&q=republic+act+6675+tagalog+version&oq=republic+a
ct+6675+tagalog&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQARgAMgUIIRCgATIFCCEQoAE6B
AgAEEc6BQgAEMkDOgIIADoGCAAQFhAeOgQIIRAVOgcIIRAKEKABUK23A
liw2QJgl8CaABwAngAgAHrB4gB3TGSAQ8wLjEuMi4zLjEuMy4yLjGYAQCgA
QGqAQdnd3Mtd2l6yAEIwAEB&sclient=psy-ab

MGA GAWAIN

A. Panuto: Basahin ang sumusunod:

1. Batayang Aklat sa Edukasyon Sa Pagpapakatao 9, pp. 65-75.


2. Basahin ang mula 2 ,3 at 4 na link na nasa mga Sanggunian

B. Pagsasanay/Aktibidad

Gawain 1: MGA BATAS NA NAAAYON SA LIKAS NA BATAS MORAL


Panuto: 1. Tukuyin ang mga batas na naaayon sa Likas na Batas Moral.
2. Gamit ang graphic organizer sa ibaba, isulat ang mga batas na natukoy.
3. Maaaring dagdagan ang mga bilog.

6
Halimbawa: R.A.
7610 - Proteksyon
laban sa Pang-aapi
ng mga Bata.

Likas na
Batas
Moral

C. Mga Batayang Tanong


1. Ano ang basehan mo sa piniling batas?
2. Ano ang kahalagahan ng mga batas na ito sa tao?
3. Bakit ito ang napili mo?

1. Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik


15 10 5
Pagkakabuo Angkop at wasto May ilang Walang
ang mga salitang salitang kaugnayan at
ginamit sa ginamit na hindi wasto ang
pagbubuo hindi angkop mga salitang
at wasto ginamit
Nilalaman Mabisang Hindi Hindi
naipahayag ang gaanong naipahayag
mensahe naipahayag nang mabisa
ng mabisa ang nilalaman
ang mensahe ng mensahe

REPLEKSIYON

Bilang mag-aaral, mahalaga ba para sa iyo ang paksang-araling ito? Bakit?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

7
8
Gawain 1: Mga Halimbawa ng Batas
1. Republic Act 7610 - Proteksyon laban sa pang-aapi ng mga bata
2. Republic Act 9155 - Edukasyon para sa mga bata
3. Republic Act 7160 (1991 Local Government Code) - Pagtatalaga ng mga pinuno ng bayan
4. Republic Act 9003 – Solid Waste Management
5. Republic Act 6675 (Generics Act of 1988)- Karapatan na makinabang sa mura at may kalidad na mga gamot
(Generics), atbp.
C. Mga Batayang Tanong:
1. Likas na Batas Moral – maging makatao. Ipinapahayag ng mga batas na ito ang ikabubuti ng tao upang mamuhay ng
matiwasay sa lipunan.
2. Mahalaga ang mga batas na ito upang mapangalagaan ang karapatan ng tao.
3. Ito ang napili ko dahil ang mga batas na ito ay nagbibigay karapatan sa tao na mabuhay nang marangal at may dignidad, pati
na ang mga kabataan.
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like