You are on page 1of 7

Science 3

Pangalan:__________________
___________________________
Baitang at Pangkat: ______________________ Iskor: _______

UNANG MARKAHAN
S.Y 2022-2023
Gawaing Pagsasanay Bilang 1

1. Naiwan mo sa mesa ang isang platitong may tubig. Kinahapunan napansin


mong natuyo na ito. Ano ang nangyaring pagbabago sa tubig?
A. Ang tubig, mula sa pagiging liquid ay naging solid.
B. Ang tubig, mula sa pagiging gas ay naging liquid.
C. Ang tubig, mula sa pagiging liquid ay naging gas.
D. Ang tubig, mula sa pagiging gas ay naging solid.

2. Alin sa mga sumusunod na liquid ang hindi madaling matuyo sa kamay?


A. mantika B. sanitizer C. alcohol D. acetone

3. Ang mga bata sa ikatlong baitang ay nagdala ng naphthalene ball para sa


kanilang experiment. Nilagay nila ito sa init ng araw. Ano ang mangyayari
sa naphthalene ball kapag nainitan?
A. Ito ay nagiging solid. C. Ito ay nagiging liquid.
B. Ito ay nagiging gas. D. Walang pagbabago.

4. Ang tubig na naging vapor ay isang pagbabagong sumailalim sa proseso ng


____________?
A. Melting B. Freezing C. Evaporation D. Sublimation

5. Alin sa mga sumusunod na proseso ang tawag sa pagbabagong anyo ng


solid tungo sa gas?
A. sublimation C. melting
B. freezing D. evaporation

6. Sa mga gawaing bahay, alin ang nangangailangan ng init para maging gas
ang liquid na materyal at magamit ito nang tama?
A. Pag-iigib ng tubig sa kapitbahay.
B. Pagtatapon ng basura sa basurahan.
C. Pagsasampay ng mga basang damit.
D. Pagsasagawa ng waste segregation.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 1


Learning Resource Management and Development Section
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Science 3
7. Alin sa sumusunod na mga solid
ang nagiging gas kapag naiinitan at nahahanginan?
A. asin, sabon at asukal
B. bato, kahoy at tinapay
C. kandila, krayola, at mantekilya
D. mothball at air freshener
8. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng proseso ng sublimation?

A. pagputok ng bula B. dry ice na nagiging vapor


C. patak ng ulan D. natutunaw na yelo

9. Ano ang mangyayari sa dami ng tubig sa loob ng beaker?

A. Dahil sa init ng araw, ang tubig sa beaker na isang liquid ay unti unting
umiinit at nagiging maliliit na particles na nagiging gas.
B. Ang tubig sa beaker na isang solid na nainitan ng araw ay unti-unting
lumiliit at nagiging small particles na nagiging gas.
C. Dahil sa init ng apoy, ang tubig sa beaker na isang uri ng solid ay unti-
unting natunaw at nagiging liquid.
D. Wala sa nabanggit.

10. Tumulong ka kay nanay sa pagluluto. Ikaw ang nagsaing ng bigas, ano ang
karaniwang kapansin-pansin sa iyong isinaing?

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 2


Learning Resource Management and Development Section
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Science 3
A. Kumulo ang sinaing na
bigas, dumami ang tubig at naging lugaw na ito.
B. Kumulo ang sinaing na bigas, dumami ang tubig at naging kanin na
ito.
C. Kumulo ang sinaing na bigas, nawala ang bigas at naging tubig na
ito.
D. Kumulo ang sinaing na bigas, nawala ang tubig at naging kanin na
ito.

PREPARED BY: CHECKED BY:

DENISE M. DELA CRUZ MARY ANN S. DAWAG


(SCIENCE COORDINATOR)

LEONILA S. GANNABAN
MT in-charge

APPROVED BY:

CORAZON B. NATIVIDAD
PRINCIPAL IV

SUSI SA PAGWAWASTO
1 C 6 C
2 A 7 D
3 B 8 B
4 C 9 A
5 A 10 D

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 3


Learning Resource Management and Development Section
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Science 3

Pangalan:_____________________________________________
Baitang at Pangkat: ______________________ Iskor: _______
UNANG MARKAHAN
S.Y 2022-2023
Gawaing Pagsasanay Bilang 2

I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Mahalagang alam nating gamitin ang mga bagay na solid sa ating paligid,
alin sa sumusunod ang nagsasabi ng maling paggamit ng mga bagay?
A. Inilalagay ang matutulis na gamit sa lugar na hindi maaabot ng mga
nakababatang kaanak.
B. Inililigpit pagkatapos gamitin ang mga gunting, kutsilyo, at iba pang
bagay na maaaring makasakit.
C. May nakalaan na lalagyan ang mga bagay na matutulis at matatalas.
D. Pinapakialaman ang dumbbell ni tatay at iniiwan kung saan-saan.

2. Ano ang HINDI tamang gawin sa mga liquid na mayroong simbolo tulad
ng nagliliyab, nakalalason at corrosive?
SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 4
Learning Resource Management and Development Section
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Science 3
A. Itago ang mga liquid kung
saan hindi maaabot o mapapakialaman ng mga bata.
B. Isalin sa kung saan-saang lalagyan at pabayaang walang label.
C. Pag-ingatan ang paggamit sa mga liquid na ito.
D. Pagsama-samahin ang mga ito batay sa gamit.

3. Alin sa sumusunod ang simbolo ng nakalalason?

A. B. C. D.

4. Ano ang dapat gawin matapos gamitin ang kalan na may LPG (Liquified
Petroleum Gas) sa pagluluto?
A. Hayaang nakabukas ang kalan at tangke.
B. Hayaan lang itong nag-aapoy kahit walang niluluto.
C. Isara ang kalan at ang balbula ng tangke ng LPG.
D. Patayin ang kalan at hayaang nakabukas ang tangke.

5. Ang sumusunod ay ang mga dapat gawin sa mga gas na nagliliyab,


nakalalason at nakamamatay na nasa inyong tahanan maliban sa isa. Alin ang
HINDI kabilang dito?
A. Kapag naubos na ang laman na gas, gawing laruan ang lalagyan nito.
B. Ilayo sa kusina ang mga gas na nagliliyab at nakalalason.
C. Itago ang mga ito sa mga kabinet na hindi maaabot ng mga bata.
D. Lagyan ang bawat isa nito ng label.

II. Panuto: Isulat ang tsek (/) kung ang sitwasyon ay nagpapahayag ng
paraan ng melting o mga bagay na solid na kapag nainitan ay nagiging
liquid at kung hindi naman, isulat ang ekis (x).

1. Magluluto kayo ng buttered shrimp, kaya naglagay kayo ng


mantikilya sa kawali na nasa kalan.

2. Ang pagtutunaw ng floor wax ay nagpapadali ng gawain para


maipahid ito sa sahig ng pantay at maayos.

3. Ang paglalagay ng yelo sa baso at iwan ito sa mesa.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 5


Learning Resource Management and Development Section
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Science 3
4. Ang pagtitimpla at pag-inom
ng gatas ay mabuti para sa iyong kalusugan.

5. Isang maganda at makulay na paraan na paggawa ng likhang-sining


ay ang crayon melting .

PREPARED BY: CHECKED BY:

DENISE M. DELA CRUZ MARY ANN S. DAWAG


(SCIENCE COORDINATOR)

LEONILA S. GANNABAN
MT in-charge

APPROVED BY:

CORAZON B. NATIVIDAD
PRINCIPAL IV

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 6


Learning Resource Management and Development Section
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Science 3

SUSI SA PAGWAWASTO
1 D 6 /
2 B 7 /
3 A 8 X
4 C 9 X
5 A 10 /

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 7


Learning Resource Management and Development Section
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

You might also like