You are on page 1of 448

You're In Danger

PROLOGUE

"I'm sorry, Style."

I closed my eyes. I still remember how he left me with those 3 words. 3 damn
words.. We've been together for 3 years! What did I do to deserve this?

"Friend?! Just a friend?! Tell me, honestly! Who the heck is she?!"

My mom is a jealous ass and my Dad is a jerk. What's new? Everyday, every hour,
every minute and every second in my life, I've always heard those phrases 'Who the
heck is she?' and 'She's just a friend'.

I don't understand how everyone thinks I'm so lucky because I came from a rich,
perfect, elegant family. But the truth is.. this family sucks. Big time.

Tumayo ako sa kama at kinuha ang pad paper 'ko at ang lapis. Bumaba ako sa hagdan
at nilagpasan 'ko lang si Mommy at Daddy na patuloy pa rin ang pagtatalo. I just
want to run away from everything.

Umupo ako sa park ng University na pinapasukan 'ko. Hoping to find some peace. I
watched people come and go while my hands are busy sketching and designing some
clothes that I made myself.

Unti unti 'ko nang napapansin na nababasa na ang papel na hawak 'ko but I tried my
best to ignore it.

"Stop crying."
Bulong 'ko sa sarili 'ko.

"Miss." May tumabi sa'king lalaki. Pinunasan 'ko ang luha 'ko at hindi 'ko siya
tinignan. Why would I waste my time on some random stranger?

"Leave me the f*ck alone." I hissed.

"Knock knock." Humigpit ang hawak 'ko sa lapis. "Huy, knock knock kako."

"I said.. Leave. Me. Alone." Madiin na ang pagkakasabi 'ko. Kapag hindi pa siya
umalis, sasaksakin 'ko siya ng lapis.

"Hiphop."

Lalong uminit ang dugo 'ko nang ituloy niya pa ang knock knock niya. Damn him!
"Shut the f*ck up."

"Napakasungit mo, naman. Mag kno-knock knock lang, eh. Inaano ka ba ng knock knock
'ko?" He's really pissing me off.

"Fine." Huminga ako ng malalim. Para tumigil na siya.. "Hiphop who?"


"Hiphopatawad mo~ Minahal kita agad~" Tumingin ako sa kanya but I immediately
avoided his eyes. Feel na feel pa niya pagkanta niya. "Uy, natawa. Havey 'ko 'no?"

Fine. Sa sobrang kacorny-han niya, natawa ako ng mahina.

"Umiiyak ka kasi, eh." He stood up and handed me his handkerchief. "Bye. Aalis na
'yung panganib." And with that, he walked away with his hands inside the pocket of
his black skinny jeans.

Panganib? What is he talking about?

***

He said, "You're my style." And I said, "You're in danger."

A/N:

Anong meaning ng panganib? Hulaan~ New story, everyone! Support, support, please.
Mwaaa. :* Ayoko naman mabored this vacation so here's a new KathNiel story to share
to everyone. <3

=================

DS 1 ~ Panganib

Danger's POV

Nilagay 'ko ang isang marble sa bingo card 'ko. "BINGO!!" Tumayo ako at sumigaw.
"Bingo ako! Bingo!" Tumakbo ako sa harapan. Nagtawanan pa sila nang nadapa ako pero
tumayo ulit ako at tumakbo sa harap. "Sir! Bingo ako!" Tuwang tuwa pa 'ko.

Aba, sinong hindi matutuwa? May prize kaya 'yon! 1,000 din 'yun.
"Ina mo, Panganib! Ikaw nanaman!" Sabi ni Sir Nakalimutan sabay bigay ng prize 'ko.
Nagmadali ako lumabas ng lugar na 'yon. Diyan lang sa maliit na barangay.

Pumunta ako sa bilihan ng fishball at tumambay doon habang kumakain ng kung ano
anong street foods. "Kain pa, nak." Inabutan ako ni Ate Grasya ng isa pang stick ng
kwek kwek. Ngumiti lang ako at kumain. "Nanalo ka nanaman, ano?"

"Siyempre!" Pinunasan 'ko bibig 'ko. "Gwapo, eh!" Kumindat pa 'ko sabay tayo. "Una
na po ako, Ate. Maglalaro pa kami ng baraha, eh."

Naglakad ako papunta sa bahay ng kaibigan 'ko. Sigurado, nandoon na silang lahat at
ako na lang ang hinihintay.

"Nandiyan na ang Panganib!" Sigaw ni Jon pagkadating 'ko. Sanay na ako sa 'Nandiyan
na ang panganib' na sigaw kapag dadating ako. Anong magagawa 'ko? Eto pangalan 'ko,
eh. Weirdo talaga ng magulang 'ko. Bakit eto pinangalan

sa'kin?

***

"Akin na, akin na mga loser!" Tuwang tuwa nanaman ako habang kinukuha ang mga pusta
nila. Panalo nanaman ako mga tsong! "Una na 'ko! Pagaling muna kayo." Malokong sabi
'ko sabay labas dahil babatuhin nanaman nila ako ng mga barya.

"Danger Jairus Frost!" Tumakbo kaagad ako nang isigaw ni Kuya Ricky ang buong
pangalan 'ko. Sigurado, kanina pa nila ako hinahanap. "Danger! Bumalik ka dito!"

Mga limang nakablack na lalaki na ang humahabol sa akin pero sige pa rin ako sa
takbo. Nakakainis, bakit ba nila ako sinusundan?

Akala 'ko mga chicks lang ang naghahabol sa'kin, pati pala lalaki nabihag ng
kagwapuhan 'ko.

Nagtago ako sa likod ng malaking puno dito sa may tabi ng university na pinapasukan
'ko. "Haha! Bobo!" Sabi 'ko nang lagpasan nila ang kinaroroonan 'ko. "Tsk tsk, mga
bulag talaga."

Naglakad-lakad ako. Yumuko ako dahil ayoko na makilala nila ako. Ang hirap talaga
kapag gwapo.

Nakakita nanaman ako ng babaeng umiiyak. Pang ilan na ba 'to? Kahapon naman, 'yung
babaeng masungit. Knock knock lang, eh. Akala mo aanuhin siya.

"Miss." Nilabas 'ko ulit panyo 'ko at inabot sa kanya. "Knock knock." Umupo ako sa
tabi niya.

"W-who's there?"

Sabay hikbi pa. Ayoko talagang nakakakita ng mga babaeng umiiyak, eh. Pumapangit
kasi sila.

"Assuming daw."

"Assuming daw who?"

Umubo pa ako bago kumanta. "Assuming daw.. But I won't fall. I am Titaaaniuuummm."
Natawa ako sa sobrang kacorny-han 'ko. "Bye. Alis na 'yung panganib." Tumayo ako at
naglakad ulit paalis.

"Danger!" Lumingon ako ulit kay Kuya Ricky. Jusko, paano?! Nakita nanaman nila ako.
Siyempre, tumakbo ako!
"Ano ba, Ricky boy! Wag niyo nga ako hinahabol! Alam 'kong habulin talaga ako ng
mga chix! Wag naman pati kayo!" Sigaw 'ko habang tumatakbo. Nabubunggo 'ko na nga
ang mga tao kakatakbo 'ko.

"Jairus!" At ang pangalawa 'ko namang pangalan ang sinigaw. Mamaya, apelyido 'ko na
'yan. "Wag ka tumakbo!"

"Ano gusto mo, gumapang?!" Sigaw 'ko pabalik. "Excuse po." Lumusot ako sa gitna
nung dalawang babaeng magbestfriend na ayaw maghiwalay. "Ayoko gumapang! Hassle!"

"Hinahanap ka ng Daddy mo!"

Huminto kaagad ako sa pagtakbo 'ko sabay sapo sa noo 'ko. "Shit,

ano nanaman ba kailangan ni Dash sakin?"

"Huli ka." Hinawakan nung dalawa niyang tauhan ang magkabila 'kong braso.

"Teka! Hands off!" Tinanggal naman nila ang kamay nila sa braso 'ko. "Naakit
nanaman kayo sa biceps 'ko, eh.. Haha! Ricky boy, ako na magdadrive. Nasan kotse
'ko?"

Inabot naman nila sa'kin ang susi ng Lambo 'ko. Sumakay ako at nagdrive habang
limang itim na sasakyan ang nakasunod sa akin. Hayyy.. Ayos din ang ganitong buhay.
Tipong di man ako laging malaya, lagi naman akong gwapo.
***

"Yo yo yo!" Bati 'ko kay Mother pagkapasok 'ko ng mansion. Binatukan kaagad niya
ako. "Aray! Ano nanaman ginawa 'ko?"

"Ikaw, bata ka. Napaka-pasaway mo talaga! Hindi 'ko maintindihan kung bakit
dumadayo ka pa sa ibang barangay para lang sumali sa mga palaro nila. Para saan ba?
Pera? Danger, may pera ka naman, ah!"

Tumawa ako. "Chillax. Mag judge ka muna." Inabutan 'ko si Mommy ng judge at umupo
sa tabi niya. "Boring kasi dito, Ma! Achievement din kaya 'yun kapag napapanalo 'ko
'yung mga laro. Highblood ka nanaman, eh."

"Jairus!" Rinig 'kong sigaw ni Daddy. "Nandiyan ka na?"

"Wala pa po!" Sigaw 'ko pabalik.

Binatukan nanaman ako ni Mommy. "Ano ba kailangan mo, Dash? Pera ba? Mabibigyan
kita non." Tanong 'ko sabay akbay sa kanya.

"Namo, magbihis ka na!" Kinurot niya 'yung tagiliran 'ko.

"Grabe! Palagi na lang akong nasasaktan sa pamilyang ito. Pagod na pagod na 'ko."
Pagdadrama 'ko. "Hanggang kailan ba ako magiging anak? Hanggang kailan ba ako
magiging kapatid?" Tumawa ako. "Oh, Kiko na kiko ano? Di nanaman kayo makarelate!
Puro luma kasi pinapanood niyo, eh!"

Tumakbo ako papasok ng kwarto 'ko dahil bibingo nanaman ako kay Mommy. Nilock 'ko
ang pinto at hinubad ang t-shirt 'ko sabay kuha ng twalya.
Pagkatapos 'ko maligo, sinuot 'ko na ang nakahandang damit para sakin. White na
long sleeves polo tsaka black na pantalon. "Party nanaman.." Bulong 'ko. May bagong
branch nanaman sigurong binuksan si Mommy.

Kami ang nagmamay-ari ng 'Shadows' na clothing line na sikat na sikat sa buong


mundo. Yun nga lang, wala akong masyadong hilig sa mga damit damit na 'yan. Ang
gusto 'ko, photography. Pero wala namang may pake kaya bumaba na lang ako
pagkatapos 'ko mag ayos.

Lumapit si Mommy at inayos ang buhok 'ko. "Jayden, wag naman 'yung tusok tusok!"
Reklamo 'ko kay Mommy.

Binatukan

niya nanaman ako. "Gumalang ka!"

"Jayden, wag naman PO 'yung tusok tusok." Ulit 'ko.

Babatukan niya sana ulit ako pero nakatakas ako. Bumelat pa 'ko bago 'ko kinuha ang
susi ng pinakamamahal 'kong Lamborghini Aventador.

Style's POV

"Damn this party. Why am I here in the first place?" I whispered to myself while
I'm roaming around the large venue of this party that my Dad attended.. with me.
I'm kinda fine with it because I'm fond of designing and sketching some clothes.

But I can't bear to see my Dad flirting with every woman in this party. I won't
tell Mom, of course because she has ways to find out anyways.

I got myself a glass of vodka and sat at one of the elegant chairs in this party.
"Ay, bobo!" I heard a familar voice. Lumingon ako sa kanan 'ko at nakita 'ko siya
na pinupulot ang mga basag na baso at nilalagay sa tray.

It's him. Why is he here?

After cleaning the mess, he sat beside me and sighed. "Uy!" Gulat pa siya nang
mapansin niya kung sino ako.

"Why are you here?" I asked him.

"Ahhh.." He bit his lip. "Waiter ako dito. Haha!"

Waiter? "If you're a waiter.. get me another glass of vodka." Napakamot pa siya sa
ulo niya at may binulong.

"Patakas na ako, eh.. Hay.." But he obeyed. Bumalik siya nang may dala nang
dalawang glass ng vodka. "Pwede na po ba ako umalis, Ma'am?" He smiled. "Or.. gusto
mo sumama sakin?"

What? "Are we close?" I rolled my eyes on him.

"Inaalok lang, eh." Bulong niya pa. "Baka kasi nabobored ka na, labas lang tayo."
"Are you a rapist, kidnapper or something?" I stared at him. Baka mamaya..
mapanganib pa 'ko.

"Etong mukhang 'to?" He pointed at his face. "Kung naghihirap ako, aba hindi
kidnapper ang papasukin 'ko!"

"What? A stripper?" I rolled my eyes.

"Pwede din." Tumawa siya. "Ayaw mo talaga sumama? Alam 'kong panganib ako pero
hindi naman kita ipapahamak."

That 'panganib' again. What does it mean?

"Danger!" Gulat na lumingon siya sa lalaking nakasuit.

"Shet, si Ricky boy nanaman!" Hinawakan niya ang kamay 'ko at sinama niya ako sa
pagtakbo niya.

Danger's POV

"Hoo.." Nag inhale exhale ako. Grabe, nakakapagod talaga takasan 'yung Ricky boy na
'yun, eh.

"What was that?!" Reklamo nanaman ng masungit na babae.

"Wala 'yun.. Die hard fan 'ko lang 'yun." Pagdadahilan 'ko sa kanya. Nasa garden
kami ng venue ng party na 'to. Nagdisguise pa naman ako bilang waiter para lang
makatakas. Nahuli rin naman ako. Iba talaga si Ricky. "Ano pangalan mo?"
"And why would I say my name?" Masungit na tanong niya nanaman. "Here's your
handkerchief, by the way." Inabot niya sa'kin ang panyo 'ko.

"Sayo na." Araw araw naman akong nawawalan ng panyo dahil binibigay 'ko sa mga
babaeng umiiyak. "Kaizen Style Dalton." Basa 'ko sa name tag niya.

Tinakpan niya naman kaagad. Huli na, eh. "Now that you already know my name, what
will you do?"

"Wala naman.." Hahanapin 'ko nga FB niya mamaya. Hehe. Papalike lang ako ng profile
pic. "Bakit ka nga pala umiiyak noong isang araw?"

Umiwas siya ng tingin at umupo sa damuhan. Nagdadrawing nanaman siya ng mga damit.
Maya maya, naririnig 'ko na lang yung hikbi niya.

Jusko, paano?! Umiiyak nanaman siya. "My life.. is miserable. I want to die."

____________________________________________________________________________

First chapter. Sana successful. Hahaha! Thank you very much guys sa suporta. Really
really really thankful! I love you! :*

=================

DS 2 ~ Nagyeyelong Panganib

Double Update! Natuwa ako sa mga comments niyo. Thank you so much!

Style's POV

I never cried in front of anybody. Not even in front of Xyris, my ex. My damn ex
who left me without a reason. The day this man found me crying was the same day my
ex broke up with me. I don't have any friends. Maybe just 3 or 4 but I don't want
to talk to them about my problems.
They would judge me.

"Umiiyak ka nanaman.. Hay.." Kanina ko pa hindi naririnig ang boses niya habang
umiiyak ako. I'm somehow thankful na hindi siya nagsalita. That means hindi niya
ako jinujudge. "Naiiyak ka ba kapag nakakakita ka ng gwapo?"

I glared at him.

"Oh, biro lang." He sat beside me. "Tama na ang iyak. Ilabas mo problema mo. Hindi
naman kita huhusgahan, eh. Tsaka hindi mo naman ako kilala."

Nag isip ako sandali kung sasabihin ko. But I guess.. Since he's just a stranger, I
ended up crying while telling him everything. Every damn thing.

Danger's POV

Basang basa na 'yung balikat 'ko kakaiyak niya. May panyo naman siya pero sa
balikat 'ko siya umiiyak. Sayang naman 'tong long sleeves 'ko. Branded pa naman.

"Hindi solusyon ang pagpapakamatay, Kaizen." Sabi 'ko sa kanya. "Oo, nahihirapan
ka. Oo, naiwan ka. Oo, problemado ka. Pero hindi ka naman mag isa, eh."

"I'm alone." Hay salamat, umayos na siya ng upo. Basang basa na 'yung balikat 'ko,
eh! Tapos kinakabahan pa ako, baka makita nanaman ako ni Ricky Boy. Mabilis pa
naman mata nun kapag pogi.

"Are you alone right now?" Lumalabas tuloy ang skills 'ko sa pag e-english dito kay
Dalton, eh. "No, right? You have me."

Hay, pati sarili 'ko pinapamigay 'ko na. Sayang naman ang mga babaeng nag aagawan
sa'kin. "Thanks, stranger." Pinunasan niya ang luha niya at tumayo. "I hope we
won't see each other again."

At umalis na siya pagkatapos nun. Tinangay niya na rin ang panyo at puso 'ko. Joke
lang, siyempre. Pagkatayo 'ko, bumalik ako sa loob at hinanap ang magulang 'ko.
Para akong bata na nawawala sa grocery store.

***

"Talo nanaman kayo, mga tsong!" Nilapag 'ko ang baraha at kinuha ang mga pera nila.
Nakakatuwa talaga kapag nananalo ka, ano?

"Kailan ba kami nanalo sa'yo, Panganib?" Tanong naman ni Lucas sa'kin. Isa sa mga
kaibigan 'ko dito sa maliit na barangay. Lima kaming magkakatropa simula bata. Si
Jon, si Lucas, si Kiba, Ako at 'yung isa pumuntang ibang bansa para mag aral. Si
Xyris. Bestfriend 'ko 'yon, eh! Kaso umalis!

"Napakayaman mo na, ibalato mo na lang samin 'yan!" Sabi ni Kiba sa'kin. Parang
pangalan ng aso. Haha!

"Hindi ako mayaman."

Tanggi 'ko naman. Ayoko talagang mamuhay ng mayaman, eh. Nagpapanggap na nga lang
akong mahirap lalo na kapag nasa school para simple lang ang pamumuhay 'ko.

"Lokohin mo lolo mong nakabarong!" Sambit naman ni Jon. Kinuha 'ko ang mga pera
nila.

"Ano? DOTA na?" Alok 'ko sa kanila.

"Kinuha mo na nga pera namin, mag aaya ka pa sa computer shop!" Reklamo ni Lucas.
Astig nga kapag pinagsama si Jon at si Lucas magiging Jon Lucas. Artista 'yon,
diba? Haha. Wala lang, gusto 'ko lang sabihin.
"Hoy, Panganib! Hinahanap ka na ng butler niyo, oh!" Turo ni Kiba sa bintana. Agad
naman akong dumapa sa sahig para magtago. Hayy, kahit kailan talaga si Kuya Ricky,
ayaw ako pagbigyan, eh. 19 years 'ko na siyang tinatakasan! Hindi pa ba siya sanay?

Porket gwapo ako, ayaw ako pakawalan, eh.

"Wala na?" Tanong 'ko. Tumango naman si Kiba kaya tumayo na 'ko at dahan dahang
lumabas. Baka mamaya, makita nanaman ako ni Ricky Boy.

Naglakad ako papunta ulit sa tindahan ng fishball at umupo. Binigyan naman kaagad
ako ni Ate Grasya nang dalawang baso. Suki ako dito, eh.

"Iho, tumakas ka nanaman sa inyo?" Tanong neto sa'kin. "Naku, bakit ka ba


tumatakas? Ang ibang bata nga, gustong gusto makaranas ng yaman. At ikaw naman na
sobrang yaman, dito nakatambay sa

kanto kumakain ng street foods."

Umakbay ako kay Ate Grasya. "Ate.. Ganito lang 'yan, eh. Minsan, nakakasawa na rin
ang sobrang yaman. Kapag wala kang yaman, walang mampaplastik sayo. Kaya mas mabuti
nang magpanggap na mahirap. Mas simple 'yun, diba?" Binayaran 'ko ang nakain 'ko at
pumunta sa mga area ng mga squatter.

Dito 'ko palaging gusto kumuha ng litrato. Litrato ng mga batang mahihirap pero
nakakangiti at nakakatawa pa rin. Sabi 'ko naman sa inyo na mahilig ako sa
photography.

"Kain mabuti, Leila." Pinat 'ko ang ulo ng isang batang babae. "Kayo din, Jev at
Lena. Pati kayo, Flora at Laura. Kayong lahat, magpakalusog kayo." Ngumiti ako bago
tumayo. Kinuhanan 'ko sila ng last na picture bago ako nagpaalam sa kanila.
Naghulog ako ng sampung piso para sa coke in can sa machine na 'to. Pero nalaglag
at gumulong sa baba 'yung sampo 'ko.

"YUNG SAMPO 'KOOOOO!!!" Sigaw 'ko. "HINDI MAAARI!" Dumapa ako sa sahig at sinilip
ang baba ng machine. Triny 'ko kung magkakasya ang kamay 'ko pero hindi gumana.
Olats! "YUNG SAMPO 'KO GUMULONG! YUNG SAMPO 'KO! SAMPO 'YUN!" Inis na sigaw 'ko
sabay sipa sa machine. "Magnanakaw ng sampo!"

Naglakad na lang ako

palayo kahit mukha akong natalo sa pustahan. Para akong ninakawan ng limang milyon
dahil lang sa sampo na 'yun. Hindi 'ko kayang tanggapin! Para akong namatayan ng
anak!

"Bwisit!" SInipa 'ko ang maliit na bato. "Yung sampo 'ko!" Pagmamaktol 'ko pa.

"DANGER!"

Lumingon ako kay Ricky Boy. Wala ako sa mood tumakbo dahil sa sampo 'ko kaya
hinayaan 'ko na lang sila lumapit sa akin. "Himala! Hindi ka tumakbo!" Sabi ni
Ricky boy sa'kin. "Oh, anong problema?"

Ngumuso ako. "Yung sampo 'ko.. nalaglag sa baba ng machine." Pagrereklamo 'ko.
"Lika! Tulungan niyo ako! Kuhanin natin!" Tuwang tuwa 'kong sabi. Nakakita ako ng
pag asa.
"Jusmeyo, Danger! Sampo lang 'yun! May isang milyon ka sa credit card mo. May
sampung libo ka sa wallet mo. Sampo lang, para kang namatayan."

Sumimangot ako. "Ehh.. sayang 'yun, eh! Pinanalo 'ko yun sa pustahan namin! Sayang
naman 'yung coke, uhaw na ako, eh."

"Bakit hindi ka bumili sa ibang tindahan?" Tanong naman niya.

"Ricky boy, 'yung sampo na 'yun. Yun lang ang barya 'ko sa wallet. Alangan magbigay

ako ng one thousand para sa isang coke?" Si Dash kasi, eh. Puro buo binibigay sa
akin. "May barya ba kayo diyan?" Tanong 'ko sa mga higit lima niyang tauhan.

"Ako po, sir." Nag abot ng bente si Kuyang.. hindi 'ko kilala. Kuyang Nakalimutan
na lang ang tawag natin. Yun ang tawag 'ko sa mga taong hindi 'ko kilala, eh.

"Salamat." Naglakad ako para maghanap ng tindahan dito sa barangay. Sunod naman
sila ng sunod sa akin. Yung iba nakakotse pa.

Para naman akong anak ng presidente, eh! Pero hayaan 'ko na lang. Nauuhaw na kasi
talaga ako at wala akong makitang tindahan.

Sa wakas, nakakita rin ako ng tindahan. Bumili ako ng isang coke at isang fita
crackers biscuit. Naglakad ulit ako habang kumakain. Sunod naman ng sunod si Ricky
boy at mga tauhan niya. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao, eh. Akala siguro
artista ako. Well, hindi 'ko sila masisisi. Haha!
"Hinahanap na po kayo ni Ma'am Jayden." Sabi ni Ricky Boy. Tapos na ako
makipagbingo kaya sumama na lang ako. Sumakay ako sa limo dahil hindi 'ko dala ang
Lambo 'ko.

Nilabas 'ko ang cellphone 'ko habang pauwi. Binuksan 'ko ang facebook at sinearch
ang FB ni Istilo.

In-add 'ko kaagad gamit ang facebook 'ko na ang pangalan

ay 'Nagyeyelong Panganib' para walang makakilala sa akin o makapagsearch sa


pangalan 'ko. Pero ang profile picture 'ko naman ay maayos-ayos.

Minessage 'ko kaagad si Istilo.. Istilo ba o Pamamaraan? Ano bang tagalog ng Style?
Bahala na. Ang sabi 'ko..

Nagyeyelong Panganib: Hi. pede palike ng profile pic? pakishare na rin.

Nagyeyelong Panganib: pati cover.. hehe.

Nagyeyelong Panganib: exhange tayo ng likes.

Pero hindi ako nirereplyan. Baka hindi online. Hanggang sa makarating ako sa
mansion, wala pa rin kaya tinago 'ko na lang ang phone 'ko at binati ulit si Mommy.

"Yo yo yo, Jayden!" Sabi 'ko sa kanya. Agad namang lumipad ang magazine na hawak
niya papunta sa mukha 'ko. "Aw! Wag 'yung napakagwapo 'kong mukha, Ma. Mahalaga
'to." Sunod naman niyang binato ang dibdib 'ko. "Wag rin katawan 'ko! Mahal 'to!"
"Pasaway, jusko!" Napahawak pa siya sa ulo niya. "Hindi 'ko na alam gagawin 'ko
sayong bata ka! Kanino ka ba nagmana?!"

"Sakin, sakin! Hehehe!" May lumabas na lalaki sa kusina. Aba, dala dala pa niya ang
isang tub ng ice cream namin. Iba talaga si Tito Tayler! Kaya tropa 'ko 'to, eh!

"Pahingi naman ako ng ice cream namin, Tayler!" Pero nilayo niya sa'kin. Aba! Ice
cream namin 'yun, ah! Tinde din. "Bat ka nga pala nandito?" Inakbayan 'ko siya.

"Naubusan ako ng ice cream sa bahay kaya ice cream niyo naman uubusin 'ko. Hehe!"
Nagpeace sign pa siya. Hindi talaga tumatanda 'tong si Tito Tayler, eh!

"Ma!" Tawag 'ko kay Mommy. "Jayden!" Tawag 'ko sa pangalan niya. Lumingon naman
siya. Sanay na sila ni Daddy na pangalan ang tinatawag 'ko sa kanila. Tanggap na
nila 'yun. Hehe! Tropa tropa kami, eh! "Akyat lang ako." Paalam 'ko.

Umakyat ako sa kwarto 'ko. Nadaanan 'ko si Daddy kaya binati 'ko na rin. "Yo yo yo,
Dash!"

"Yo yo yo mo mukha mo!" Pambabara niya sa'kin. "Lika dito! Sukatin mo 'to." Binato
niya sa'kin ang isang t-shirt na astig 'yung design.

"Astig 'to, ah! Akin na lang!" Sabay takbo papunta sa kwarto 'ko. Sinuot 'ko na
kaagad ang t-shirt. "Astig! Glow in the dark!" Binuksan 'ko ang ilaw ng kwarto 'ko
at dumapa sa kama.
Kinuha 'ko ang laptop 'ko at nagbukas ulit ng facebook. Uyy, nagreply si
Pamamaraan!

Kaizen Style Dalton:

stfu.

Ouch! Sakit sa damdamin!

Nagyeyelong Panganib: sinaktan mo ang puso 'ko.

Kaizen Style Dalton: shut up or i'll block you.

Nagyeyelong Panganib: anong twitter mo? may twitter ka ba? Instagram? Tumblr?
Wattpad?

Kaizen Style Dalton: what do you want?!

Nagyeyelong Panganib: edi username mo. hehe. sige na!

Seen 6:05 PM.

Pero hindi ako natinag! Hindi ako makakapayag!

Nagyeyelong Panganib: huy, pls pls pls pls.

Nagyeyelong Panganib: maawa at mahabag

Nagyeyelong Panganib: gwapo naman ako, diba?

Nagyeyelong Panganib: ipapanganib kita, sige. haha


Nagyeyelong Panganib: huy

Nagyeyelong Panganib: estilo!

Kaizen Style Dalton: Ugh! Fine! Twitter: @kaizenstyle and the same with my IG. Now,
shut the f*ck up!

Nagyeyelong Panganib: Ahh. Hehe, sige! Followback, ah! Bye!

Seen 6:07PM

Nagyeyelong Panganib: Huy.

Kaizen Style Dalton: What is it again?!

Nagyeyelong Panganib: like mo na profile 'ko pls. hehehe. thank you.

Seen 6:08PM

Nagyeyelong Panganib: paki-share na rin. hehe.

____________________________________________________________________________

More on comedy yata 'tong Panganib Estilo. Hay. Hahaha! Thank you so much guys sa
suporta! :**

=================
DS 3 ~ Estilo

Danger's POV

"Seenzoned!" Umiling ako at in-ex ang facebook tab pagkalog out 'ko. Bumalik ako sa
pagdodota namin nila Jon dito sa computer shop malapit sa kanila. "Napakainit
naman!" Reklamo 'ko habang naglalaro. "Kasalanan 'ko 'to, eh!" Dugtong 'ko.

Nagtinginan sa'kin si Jon, Lucas at Kiba sabay batok. Tumayo pa si Kiba para
makibatok. Bugbugin 'ko siya diyan, eh! Napagdiskitahan nanaman ang batok 'ko. Okay
lang 'yun, wag lang ang mukha 'kong napakagwapo dahil kahinaan 'to ng kababaihan.

"Hoo! Bobo!" Umiling ako at tumayo. "Tapos na oras 'ko, mga tsong. Kahit anong laro
naman, talo pa rin kayo! Pagaling muna, ha." Tinapik 'ko ang balikat nilang tatlo
at lumabas na 'ko ng computer shop dala dala ang button up 'kong shirt dahil
napakainit doon. Hinubad 'ko na lang at nagsando.

Nagsigawan naman kagaad ang grupo ng kababaihan na nakatambay sa tindahan nang


makita ako. Sus, sanay na ako. Ngumiti lang ako sa kanila at bumili ng biscuit.

"Ate, pabili ng skype." Sabi 'ko sa tindera. Kumunot naman noo niya.

"Skype?"

"Skype flakes. Hahaha!" Tumawa ulit ako sa sobrang kacorny-han 'ko. Mais, eh! "Sky
Flakes po, pagbilan." Ngumiti ako. Hindi natawa si Ate, hindi kasi nagets, eh. Iba
talaga lengwahe ng mga gwapo.

Mabuti na lang at may barya ako ngayon dahil nanalo nanaman ako sa pustahan. Kaya
eto, makikipagbingo nanaman ako sa matatanda doon sa court ng barangay.

"Hello, Sir Nakalimutan!" Bati 'ko sabay kuha ng card 'ko. "Start na ba? O
hinihintay niyo po ako?" Kumindat pa 'ko sabay upo sa tabi ng isang matandang
babae. "Hello po." Bati 'ko sabay ngiti.

"Ay napakagwapo namang bata!"

"Alam ko po 'yon. Hehe." Ngumiti lang ako at nagsimula na ang bingo. Maya maya,
ramdam 'ko na! Bibingo nanaman ako!

Nilagay 'ko ulit ang marble sa card 'ko sabay sigaw ng isang malakas na..
"BINGO!!!!" Gaya ng pang araw araw kong ginagawa, tumakbo ako sa harapan para
kuhanin ang prize 'ko pagkatapos icheck ni Sir Nakalimutan.

"Ano bang swerte ang meron sa'yong Panganib ka?" Inabot niya ang envelope sa'kin.
"Matinik ka talaga, ano?"

"Siyempre!" Sumaludo ako. "Una na po ako!" Naglakad ako palabas. Tuwang tuwa ako na
may 1,000 na ulit ako na pinanalo 'ko.

Habang naglalakad ako, nakakita ako ng batang umiiyak kaya nilapitan 'ko. Lumuhod
ako sa harap niya. "Bakit ka umiiyak?" Tanong 'ko.

Tinuro niya ang lalaking naglalakad

palayo. Tumayo naman ako at hinabol ang lalaking mukhang gangster pa. "Boss, ano
ginawa niyo sa bata?" Tanong 'ko.

"Wala kang pakealam, Iho!" Sabi nito sa'kin. Napatingin ako sa hawak niyang wallet
na pang babae at pang bata.

"Wallet niyo ho ba 'yan?" Tanong 'ko. Tinignan niya ako ng masama. "Hindi po ba
wallet 'yan nung bata? Magnanakaw!"
"Manahimik ka!"

"Ibalik niyo 'yan o tatawag ako ng pulis!" Nakakapikon 'tong tanda na 'to, ah.
Kapag ako nag Jackie Chan dito! Mukha ko pa lang, taob na 'to, eh.

"Gusto mo makatikim?!" Lumapit siya sakin at kinwelyohan ako. Sasapakin niya na


sana ako nang hawakan ng dalawang tauhan ni Ricky boy ang magkabila niyang braso.
Sakto pala ang dating netong si Ricky Boy, eh!

Kinuha 'ko ang wallet ng bata at lumuhod ulit sa harapan niya. "Nasaan magulang
mo?" Tanong 'ko sa kanya.

Umiling lang siya. Halata naman na nanlilimos lang siya dahil iniwan na siya ng
magulang niya. Binuksan 'ko ang wallet niya at nakitang bente lang ang laman.
Nilabas 'ko ang wallet 'ko at nilagyan 'ko ng 1,000 ang wallet niya. "Wag mong
gagamitin ang perang 'to sa masasamang bagay, ha? Kumain ka ng masusustansyang
pagkain tapos bumili ka ng mga damit. Okay ba 'yon?" Ngumiti ako at nakipag apir sa

kanya.

Kinuhanan 'ko siya ng litrato sabay lingon kay Ricky Boy. "Salamat, Ricky boy!
Takas na ulit ako!" Sabay takbo 'ko palayo sa kanya. Hahaha! Kawawa naman si Ricky
Boy, napapagod na kakahanap sa'kin.

Sabi na kasi sa inyo, ayokong nakakakita ng mga babaeng umiiyak. O ng mga batang
umiiyak. Kahinaan 'ko na ata 'yon, eh. Ewan.. Basta may dahilan.

***

"Mother, dear!" Gulat na bati 'ko sa nanay 'ko dahil pagpasok 'ko ng Limo, nandoon
siya, nakaupo. Nahuli nanaman kasi ako ni Ricky boy, eh. "What are you doing here?"
Umupo ako at sinara ang pinto.
"Obvious ba, Danger? Kanina pa kita iniintay." Inikot niya ang mata niya. "Pasaway!
Pasaway! Ang tigas ng ulo mo!"

Natawa tuloy ako sa sinabi niya pero secret 'ko na 'yun kung bakit ako natawa.

"Bakit? May party nanaman ba?" Tanong 'ko sabay alok sa kanya ng Sky Flakes.

"No, pero kailangan mo 'ko samahan sa mall para bilhan ng mga bagong damit si
Dawn." Ahh, ngayon na pala ang uwi ng little sister 'ko na 'yon. Galing New York
'yun dahil nagbakasyon siya doon.

Tumango na lang ako at sinuot ulit ang polo shirt 'ko. Maya maya, nakarating na rin
kami sa mall kaya naman bumaba na ako at naging sunod-sunuran na lang kay Mommy.
Gusto

'ko sana tumakas kaso ang daming tao. Hindi ako makakatakbo.

Ang gulo rin ni Mommy. Bilhan daw ng mga bagong damit eh may sarili kaming clothing
line. Baka ang ibig niyang sabihin ay kuhanan ng bagong damit si Dawn. Doon rin
naman kami napunta sa sarili naming clothing line.

Napakadaming tao nanaman ang bumibili. Sobrang laki kasi ng branch dito.
Pinagtitinginan pa nila si Mommy dahil nakikilala nila. Siya ang may ari, eh.

Lumayo layo tuloy ako kay Jayden nang di niya napapansin. Ayokong nakikilala ako.
Masyadong hassle.
Naglakad lakad ako sa loob ng store namin. Sa kabutihang palad, nakita 'ko si
Estilo na nagtitingin ng mga damit. Tadhana nga naman.

"Huy!" Ginulat 'ko siya. Napasigaw tuloy siya. "Hehe, hello!" Bati 'ko. Tinignan
niya kaagad ako ng masama. Ano nanaman ginawa 'ko sa kanya? "Galit ka sa gwapo?
Sorry na!"

"Shut up." Inirapan niya ako at namili ulit ng mga damit. "Why do you keep on
bugging me, Stranger?"

Mali ata. Danger pangalan 'ko, hindi stranger. Pero okay na rin, magkatunog naman,
eh.

"I-like mo na kasi profile pic 'ko." Reklamo 'ko. "Tapos hindi mo pa ako
finollowback. Ganyan ba ang asta mo sa mga gwapong katulad ko?" Sinundan 'ko siya
habang nagiikot ikot siya.

"Why are you here?" Pag iba niya ng topic. "No offense but what level are you?
Rich? Poor?" Napagkamalan nanaman niya akong mahirap.

"Poor lang." Ngumiti ako. "Nagtitingin lang ako ng damit dito.. Alam mo na,
nangangarap." Tumawa ako sa kalokohan 'ko.

Hindi niya ako pinansin at pinagmasdan ang mga damit. Dinadrawing niya ata. Kakaiba
talaga 'to, eh. Manong ako na lang idrawing niya tapos ipakalat niya sa buong
mundo. Sigurado, papatok 'yun!

"Gusto mo kumain?" Tanong 'ko. Naaakit ako sa french fries ng McDo, eh. "Libre mo.
Hehe."

Tinignan niya ako ng masama "Are you kidding me?"

"Sige na! Wala akong kasama, eh. Gutom na gutom pa 'ko." Nagpout ako para lang
tamaan siya ng charms 'ko. Effective naman dahil naglakad siya palabas. Sumunod
naman ako.

"Thank you dito." Sabi 'ko habang punong puno ng french fries ang bibig 'ko.
Pagkatapos 'ko lunukin, nagsalita ulit ako. "Anong tawag sa patatas na nagulat?"

"What?" Bored na sabi niya.

"Edi.. Surfries. Hahahahaha!"

Tumawa ulit ako. Narinig pa ata nung nasa kabilang table kasi tumawa din sila. Luh,
gusto sila din. Haha! Iba talaga kapag gwapo ang nag joke. Havey na havey.

Nagmake face lang si Estilo at inirapan ako. Napakasungit nanaman. "Funny."


"Sa palagay 'ko.. Ang ibig mong sabihin ay 'Gwapo'." Pagcorrect 'ko sa kanya. "Huy,
akala mo nakalimutan 'ko na? Yung followback 'ko at like!"

Umiling lang siya at nilabas ang phone niya. "Done. Now stop bothering me." Tumayo
siya at naglakad paalis. Gusto 'ko sana siya sundan kaso hindi pa ubos ang french
fries 'ko kaya hinayaan 'ko na lang siya umalis.

Mas mahalaga ang pagkain. Hehe.

***

"Jusko, paano?" Nakakita nanaman ako ng babaeng naiyak. Pati ba naman dito sa mall,
meron?! Nilapitan 'ko siyempre. "Hi." Umupo ako sa tabi niya.

Hindi siya nagsalita.

"Knock knock." Sabi 'ko ulit.

"Who's there?" Tumingin siya sa'kin. Namamaga pa ang mata niya.

"Civil war." Nae-excite tuloy ako sa knock knock 'ko, eh.

"Civil war who?"


Tumawa muna ako sabay kanta. "Civil war ang tunay na mahirap~ Civil War ang tunay
na may malasakit~"

"Huh?" Naguguluhang tanong niya. Ay hindi nagets! Isa pa nga.

"Knock knock. Sarreh sarreh." Ngumiti ako at ngumiti rin siya. Iba talaga kapag
gwapo! Walang effort pero napapangiti ang kababaihan.

"Sarreh sarreh who?"

"Bahay kubo.. kahit munti.. ang halaman doon ay sarreh sarreh." Tumawa ulit ako at
inabutan 'ko siya ng panyo. "Tama na ang iyak, Ate." Sabay alis 'ko.

Nawalan nanaman ako ng panyo. Sabi sa inyo, araw araw ako nawawalan ng panyo, eh!
Okay lang mawalan ng panyo, wag lang mawalan ng kagwapuhan.

Bumalik ako sa store namin. Nandoon pa rin si Mommy at may inaasikaso nanaman.
"Jayden!" Bati 'ko.

"Kanina pa kita hinihintay." Sabi niya sabay bato ng mga paperbags sa'kin. "Tara!
Buhatin mo 'yang bata ka."

Binuhat 'ko na lang. "Hindi porket macho ako, gagantuhin mo 'ko." Reklamo 'ko pa.
"Manahimik ka diyan."

Tumahimik na lang ako dahil wala na akong maisip na punchline. Hahaha! Nauubusan
rin naman ako kahit papaano.

Pagkatapos 'ko ihatid sa sasakyan lahat, bumalik ako sa loob. Siyempre, tumakas
ulit ako 'no! Nag ikot ikot pa ako at naglaro sa arcade.

"Pusang gala!" Lumuhod ako sa tapat ng nilalagyan ng token. "Gutom ka ba?! Bakit mo
kinain token 'ko?! Langyang buhay 'to, oh!" Sinilip 'ko pa sa loob sabay sipa ulit
sa machine. "Nawalan na nga ako ng sampung piso, pati ba naman token 'ko gusto
kuhanin?! Ibalik mo!"

Tumayo ako at hinanap ang nagooperate ng basketball na tayo para ireklamo ang token
'ko. 6 pesos din isang token 'no! Mahal 'yun!

"Kuya!" Tawag 'ko sa lalaking nakablue. "Kinain nung basketball na 'yun yung token
'ko!" Reklamo 'ko.

"Hindi ako trabahador dito!" Galit na sabi niya.

"Ayy.." Pinigilan 'ko ang tawa 'ko. "Sorry. Nakablue, eh.." Sabay takbo palabas.
Baka mabugbog pa ako nun, eh. Kawawa ang mukha 'ko pag nagkataon.

"WHAT DO YOU MEAN?!" Napahinto ako nang marinig 'ko ang boses ni estilo. Naglakad
naman kaagad ako at hinanap kung saan galing.

Nakita 'ko siya sa may cashier ng store namin. "Gumagana 'yan! That's my credit
card!" Reklamo pa niya.
Lumapit ako. "Ano problema?" Tanong 'ko.

"It's none of your business!" Sabi niya sa'kin. "Ugh!"

Wala na atang laman 'yung credit card niya. Tutulungan ko ba o tutulungan?


Malalaman niya na mayaman ako, eh.

Tumingin ako sa babae sa cashier. Tinanguan 'ko siya, kapag hindi niya pa nagets
'yon.. Nako. Maiitindihan 'ko naman. Mahirap intindihin ang gwapo.

"Ahh.. Ma'am, next time niyo na lang po bayaran." Sabi ni Cashier sabay ngiti.

"Really?" Tanong ni Estilo. "Thank you so much! I will remember you!" Kinuha niya
ang plastic, resibo at umalis. Sumingit naman ako at binigay ang credit card 'ko.

"Hassle! Ako pa magbabayad!" Reklamo 'ko sabay habol kay Estilo.

"Didn't I say? Stop bothering me!" Naglakad siya ng mabilis kaya sinundan 'ko ulit.
"What do you want?!" Sigaw niya sabay harap sa'kin.

Nagtinginan tuloy mga tao. "Wag ka sumigaw! Umeeksena ka, eh. Pinagtitinginan tuloy
nila ako. Ako lang, ha." Sabay ngiti 'ko pa. "Wala ka atang pera, hatid na

kita!"
Tinignan niya 'ko ng masama. "Shut up. Do you even have a car?" Inirapan niya 'ko.

Meron! Sampo!

Pero hindi 'ko sinabi 'yun. "Jeep tayo. Sasamahan kita." Wala siyang choice kundi
sumama sa katulad 'kong gwapo. Wala siyang pera at credit card lang ang dala niya.
Ayy, teka. Paano siya nakapunta dito?

"My dad left me here. He said he'll pick me up at 7. But I don't want to see his
freaking face again." Page-explain niya. Galing, nabasa niya utak 'ko.

"Jeep nga tayo." Sabi 'ko sa kanya. Nag isip pa siya bago tumango. Lumabas kami ng
mall at nag abang ng jeep.

Hayup! Kamalas-malas naman, oo. Naulan pa!

Sakto daan ng jeep kaso isa na lang kulang kaya sumakay na kami. Kandong 'ko na
lang siya. No choice, eh. Alangan ako ang kandungin diba?

Halatang awkward siya. Ako rin naman, ah! Ang bigat niya kale! Tapos pangatlong
beses 'ko pa lang 'to magjeep. Hehehe.
"Bayad ho. Dalawa. Isang kandong." Inabot 'ko ang bente. Wala na akong pake sa
sukli. Hindi 'ko naman alam kung magkano, eh.

"Saan bahay niyo?" Tanong 'ko.

"I said, I don't want to see my Dad's face." Sagot niya. "Why would I go home?"

Ha? "Eh saan ka pala pupunta?"

"Duh. Your house."

Ano daw?! Sa bahay namin?! Teka! Baka magulat si Dash! Hindi dahil gwapo ako. Kundi
dahil naguwi ako ng babae sa bahay namin!

Iba talaga 'tong si Estilo. Ang tindi, din. Bakit sa bahay 'ko pa? Hala! Teka!

"Estilo." Tawag 'ko.


"What?" Nilingon niya 'ko.

Iniwas 'ko ang tingin 'ko. "Crush mo ba ako?"

____________________________________________________________________________

Napakahangin ni Panganib. Asar. Hahaha.

GUYS HINDI PA PO AKO NAGHAHANAP NG HANDLER. SASABIHIN KO NAMAN PO KUNG KAILAN.

=================

DS 4 ~ Crush mo ako?

Double update again. Thank you po talaga! <3


Danger's POV
"What?!" Gulat na sabi niya sa'kin. Biglang huminto ang jeep at may bumabang
pasahero kaya pinalipat 'ko na si Estilo sa tabi 'ko. "Are you insane?! I have a
boyfriend!"

Umiling ako. "Ex-boyfriend." Pagcorrect 'ko. "Hindi makamove on, te?" Grabe,
mahirap pala talaga magka boyfriend/girlfriend ano? Tas mahal na mahal mo pa. Hirap
makamove on. Buti pa 'ko.. Gwapo lang. Walang pake sa mga ganyan.

"F*ck you." Sabi niya sa'kin. Ang lutong nun, ah! "You don't know how I feel."

Bumuntong hininga ako. "O, sige na, sige na. Baka umiyak ka pa, eh." Tumango tango
na lang ako. "Hindi tayo pwede sa bahay namin. Maliit lang 'yun tapos.." Biglang
tumunog ang phone 'ko. Shet, iphone pala gamit 'ko.

Nagpatay malisya na lang ako. Kunghari hindi akin 'yun. Sigurado, si Mommy 'yun.
Shit.. Susunduin 'ko pala si Dawn sa airport!

"Ano.. Estilo. Umuwi ka sa bahay niyo. May pupuntahan pa kasi ako, eh." Sabi 'ko sa
kanya. Totoo naman, eh. "Saan ba bahay niyo? Ihahatid na muna kita." Baka mapano pa
'to. Sa akin rin ang sisi kapag nagkataon, 'no!
"Whatever. I can manage." Inirapan niya ako. Sa gwapo 'kong 'to, iniirapan ako?!
"Puntahan mo na ang pupuntahan mo."
"Sigurado ka? Baka kung saan

ka makarating." Sabi 'ko pa. Huminto na rin naman ang ulan, eh. Kaya oks lang na
bumaba ako malapit sa village namin.
"I said, I can manage."
Tumango na lang ako at nag para sa kanto malapit sa village namin. Pagkababa 'ko,
bumaba rin si Estilo. Hala, wag mo sabihing magkaparehas pa kami ng village!
Sinusundan talaga ako neto. Crush ata ako.
Iniwan niya lang ako at naglakad papasok ng village namin. Shet, parehas nga kami.
Tadhana talaga, oh. Sinundan 'ko na lang ulit siya at lumayo ng konti para hindi
niya ako makita. Sabay takbo 'ko papunta sa bahay namin. Medyo basa pa 'ko dahil sa
ulan kanina.
"Sir!" Agad namang kumilos ang mga katulong namin at inabutan ako ng twalya.
Napakamot na lang ako sa ulo 'ko at umakyat sa kwarto 'ko para maligo. Pagkatapos,
kinuha 'ko na ang susi ng Porsche 911 GT3 'ko na kulay puti. Meron rin kasi akong
black, red at orange.
Pumunta ako sa garahe namin at nagdrive paalis. Sinuot 'ko pa shades 'ko para pogi.
Hahaha! Binuksan 'ko na lang rin ang bintana para feel na feel 'ko ang polluted
air.
Tumingin ako sa rearview mirror at nakita 'ko ang limang itim na kotse na nakasunod
sa akin. Hayy, hanggang airport ba naman 'tong sila Ricky boy. Hinayaan 'ko na
lang. Akala tuloy ng mga nadadaanan 'ko anak ako ng presidente. Pero ang totoo, isa
lang akong anak na gwapo.
Pagkadating 'ko ng airport, nandoon na agad si Dawn na nakashades pa. Kanina pa
siguro siya dahil halata sa mukha niya na naiinip na siya.
"Kuya!" Binaba niya lahat ng dala niyang gamit at yumakap

sa'kin. Mas bata siya sa akin ng dalawang taon. Bale 17 na siya. "Nuks! Walang
pinagbago, ah!"
"Gwapo pa rin." Sabay kindat 'ko.
"Sinungaling pa rin!" Tumawa siya at pumasok sa loob ng kotse 'ko. Doon pa nga sa
driver's seat. Kinuha naman agad nila Ricky boy ang gamit ng kapatid 'ko sabay
pasok 'ko sa shotgun seat.
"Marunong ka ba magdrive?" Tanong 'ko sabay lagay ng seatbelt.
"Trust me! Nagplanax ata ako!" Sabi niya. Sinuot niya ulit ang shades niya sabay
tapak ng madiin.
"AY PUTANG--!!!" Hindi 'ko na tinuloy ang mura 'ko. Para kaming lumipad pagkadrive
niya. Napahawak kaagad ako sa magkabilang gilid ng upuan 'ko. "WALANJO, DAWN!
MARUNONG KA BA TALAGA MAGDRIVE?!" Lumalagpas na kami ng 80! "AYOKO PA MAMATAY!
MABABAWASAN NG GWAPO SA MUNDO!"
"Wag kang magulo, Kuya! Nagcoconcentrate ako!" Sabay tapak ulit ng madiin. Overtake
siya ng overtake. Sigurado, ticket ang uwi namin neto. OVERSPEEDING SIYA, JUSKO!
"Bagalan mo!" Pero mas binilisan pa niya. Nagdasal na ako ng mahina. Talagang
pinapatay ako ng kapatid 'ko. Huhuhu. Galit din ata sa gwapo 'to. "IHINTO MO ANG
KOTSE, DAWN!" Sigaw 'ko.
Hininto niya naman sabay tingin sa'kin. "Bakit naman, Kuya?" Inosente pa ang tingin
niya. Aba, matinde din! "Nag eenjoy na ako, eh." Nagpacute pa siya.
Lumabas ako ng sasakyan at binuksan ang driver's seat. "Tabi diyan!" Sabi 'ko.
"Ayoko!"

Madiin na sabi niya.


"Kotse 'ko 'yan."
"Pake 'ko!" Sinara niya ulit ang pinto sabay harurot paalis.
PUUUUUSANG GALA. INIWAN AKO DITO SA GITNA NG HIGHWAY! MAY SAPAK TALAGA ANG KAPATID
'KO NA 'YON, EH!
Buti na lang nakasunod sila Ricky Boy. Nakisakay ako at pinahabol 'ko si Dawn. Baka
mamaya may mangyaring masama sa.. kotse 'ko. Hindi 'ko siya mapapatawad!
Walanghiya talaga 'yung kapatid 'ko na 'yon. Akala ata nasa action movie siya. Ang
bilis magpatakbo. Kotse 'ko pa ang ginamit! Isusumbong 'ko talaga siya kay Jayden,
kala niya!
***
"Hello, Kuya!" Bati ni Dawn sa'kin pagkapasok 'ko ng mansion. Prente siyang nakaupo
sa sofa, akala mo walang ginawang masama.
"DAAAAAAAAAAAAAAASH!!!" Tawag 'ko kay Daddy para isumbong si Dawn. Agad namang
nagpanic si Dawn at tinakpan ang bibig 'ko. "Ano ba, Dawn! Naiinggit ka nanaman sa
lips 'ko, eh!"
"Ano 'yun?" Bumaba si Dash sa hagdan at nakitang nag aaway kami ni Dawn.
"Maghiwalay nga kayo! Kakauwi pa lang ni Dawn, nag aaway na kaagad kayo! Hindi
talaga kayo pwede pagsamahin."
"Dash, alam mo ba!" Tinuro 'ko si Dawn. "Etong anak mong babae na 'to! Nagdrive
lagpas 120!" Sumbong 'ko.
"120?! ANG O.A MO KUYA, SINUNGALING!" Hinampas ako ni Dawn at tumakbo naman ako
para makaiwas.
"Bigat ng kamay mo!" Sabi 'ko sa kanya.
"Nabuhat mo? Nabuhat mo?"
"DAWN VENICE FROST!

MAG USAP TAYO SA TAAS!" Galit na sabi ni Dash. Nagbelat ako kay Dawn bago siya
umakyat.
Huh! Kala niya, ha! Hindi niya matatalo ang gwapo!
"Danger! Nandiyan na si Dawn?" Sabay pasok ni Mommy sa bahay. "Wag mong sabihing
hindi mo sinundo ang kapatid mo! Malilintikan ka sa--"
"Chill! Sinundo 'ko, ho! Nandoon sa taas, pinapagalitan ni Dash."
"Araw araw naman talaga kayong pinapagalitan. Nako, saan ko ba kayo pinaglihi at
napakapasaway niyong dalawa?! Ang sakit sakit niyo sa tadyang!" Reklamo niya sabay
baba ng mga pinamili niya sa kusina. "Ilang beses 'ko ba kayo iniri at ganyan ang
kakulitan niyong magkapatid? Ang sarap sarap niyong ipaampon na lang, eh!"
Tumawa na lang ako ng mahina. "Hindi ba nagawa mo na sa'kin 'yun, Ma?" Tumikhim ako
sabay akyat sa kwarto 'ko. Naglaro na lang ako ng Xbox para matanggal ang
pagkabadtrip 'ko.
***
"Hep! Hindi sa'yo 'yan." Kinuha 'ko ang biscuit kay Icee at binigay kay Ynna.
"Dapat patas palagi." Umupo ako sa isang maliit na upuan habang kinukuhanan 'ko
sila ng litrato. Ang mga batang naiwan ng magulang. Ang mga batang naghihirap. Tsk.
"Kuya, ano po trabaho niyo?" Tanong ni Icee sa'kin.
"Ako?" Kunghari akong nag isip. "Artista sana ako, eh.."
"Ano po nangyari? Hindi ka po nakuha?"
"Sus. Ni-reject 'ko sila. Kung nag artista ako edi malalaos si Daniel Padilla,
diba?"

Tinaas baba 'ko ang kilay 'ko. Mukhang hindi sila naniniwala sa'kin. Hayyy. "Anong
tawag sa bananang tumatakbo?" Tanong 'ko.
"Running banana?"
"Tumatakbong saging!"
"Male, male." Umiling ako. "Siret na?"
"Ano pala, Kuya?"
"Edi.. Jaging. Hahaha!" Tumawa naman silang lahat sa joke 'ko. Kaya ang saya
magjoke sa bata, eh. Havey na havey palagi kahit mais. "Alis na 'ko mga bata."
Tumayo ako at kinuhanan sila ng litrato.
"Ahh.. Trinity, Camil, Krystalene, Myan.. Jericho, Jill, Anna, Elsa, Alyana Marie,
Florante, Laura.. Alis na ako. Kain ng mabuti! Next time, tuturuan 'ko na kayo
magbasa." Naglakad na ulit ako palabas ng eskinita at tumambay sa tindahan na
malapit. Nagfacebook ako at minessage si Estilo.
Nagyeyelong Panganib: Anniversary ng purefoods tender juicy hotdog ngayon. Ipasa mo
'to sa 10 tao bago mag 12AM today kung hindi magiging hotdog ka. Wag kang tumawa!
Yung kaibigan 'ko, footlong na. Ipasa mo na!
Natawa tuloy ako. Eh, sa pinasa lang sa akin, eh! Siyempre, sinunod 'ko. Mamaya
maging gwapong cheesedog ako. Nakakatakot 'yon.
"Ate, isa pa ngang pepsi." Inabutan naman ako ng tindera ng bote. Tinignan 'ko ang
message 'ko kay Estilo.
Seen 4:30PM
Nagyeyelong Panganib: Na-speakless ka nanaman sa kapogian 'ko.
Tumingin ako sa tindera. "Ate, anong apelyido ni Neil?" Ngumiti ako.
"Ano?"
"Edi

cutter. Hahahaha! Eto ho bayad 'ko." Nilapag 'ko ang bente sabay alis. Hindi 'ko na
kinuha ang sukli. Tulong din 'yun sa kanya ano.
"Nandito na si Panganib!" Sigaw nanaman ni Jon. Umupo ako sa tabi ni Lucas habang
umiinom ng pepsi.
"Mga pre, may joke ako." Sabi ni Kiba. Tumingin naman kami sa kanya. "Anong
apelyido ni Sisa?"
"Sus, alam 'ko na 'yan." Sabi ni Lucas. "Edi mistrit. Haha!"
Binatukan 'ko siya sa kacorny-han niya. "G*go! Montano kaya! Sisa Montano. Haha!"
Nagtawanan naman sila.
"Pare-parehas lang kayong korni." Sabi naman ni Jon.
"Batukan kita sa tyan, eh!" Sabi 'ko sa kanya. "Kahit corny ako, gwapo pa rin ako
at mukha ka pa ring poso negro."
"Baliktad ata!" Ganti niya.
Tumawa na lang kami at naglaro ng jackstone. Para maiba naman. Akala niyo babae
lang pwede maglaro neto?
"Hoy, ang duga! Walang saklolo!" Reklamo ni Lucas.
"Walanjo! Walang siopao!" Sabi 'ko naman. "Nagkakadugaan na tayo dito, eh!"
"Talsik mantika back to one!" Sabi naman ni Kiba.
"Manahimik nga kayo! Basta exhibition na ako! Ang gulo niyo!" Sabi naman ni Jon.
"Ay tongue ina, gumulong sa ilalim 'yung bola." Reklamo ni Jon sabay tayo. "Ayoko
na! Nagdudugaan lang tayo, eh!"
"May garter ba kayo diyan?" Tanong 'ko. "Tara ten twenty. Haha!"
***
Pawis na pawis kami pagkatapos maglaro ng kung ano ano. Chineck 'ko ang facebook
'ko kung may message. Uy meron nga.
Kaizen Style Dalton: Where are you?
Huh? Bat naman tinatanong neto kung nasaan ako? "Una na 'ko, mga tol." Nagpaalam
ako at lumabas.
Nagyeyelong Panganib: Nasa daan. Bakit ho?
"DANGER JAIRUS FROST!" Lumingon ako kay Ricky Boy. Hala sige takbo, Panganib! Ayoko
pa umuwi sa amin. Magkaaway pa 'ata' kami ni Jayden, eh.
Hinahabol nanaman ako ng mga die hard fans 'ko. Tsk.
Nagtago ako sa may eskinita sabay check ng message ni Estilo.
Kaizen Style Dalton: I need you.
Eh?
Nagyeyelong Panganib: Wag ganyan, Estilo. Ang bastos mo naman, eh.
Natawa na lang ako. Ano nanaman kailangan sa'kin neto? Hindi man lang pinansin ang
chain message 'ko.
Kaizen Style Dalton: I have a problem.
Umiiyak nanaman 'to, panigurado.
Nagyeyelong Panganib: Nasan ka?
Kaizen Style Dalton: 7/11, outside the village.
Nagyeyelong Panganib: Diyan ka lang. Puntahan kita.
Napakamot na lang ako sa ulo 'ko. Estilo, estilo.. Sabi mo wag kita guluhin pero
ikaw ang naglalapit ng sarili mo sa'kin.
____________________________________________________________________________
:"""> Tinangay ang panyo at puso na itu.
Thank you talaga sa comments guys. Palagi siyang nasa 400+ tapos may mga feedbacks
pa sa mga korni na joke ni Panganib. Huhuhu. Thank you talaga! I love you!
Mag 17K na kaagad 'tong DS. Thank you! <3

=================

DS 5 ~ I need you

Danger's POV

"Dito na lang ho, Kuya." Bumaba ako ng tricycle at nagbayad kay Kuyang Driver.
Sinuot 'ko ang hoodie 'ko at hinanda ang panyo. Naglakad ako papasok ng 7/11 at
nakita 'ko si Estilo na nakaupo at nakayuko. "Huy." Kinalabit 'ko siya at umupo sa
tabi niya. Hindi siya nagsalita. "Problema?" Inabot 'ko sa kanya ang panyo at
kinuha naman niya.

"Naglayas ako." Sabi niya sabay iyak. "My dad's so mad at me and my mom. He's
drunk." Pinunasan niya ang luha niya. "They're fighting again and I'm so tired of
it.. I ran away from home." Humikbi siya at hindi ako nagsalita. "Also, I stalked
my ex-boyfriend's profile.. He's with a girl.."

Lumapit ako lalo at niyakap siya. Anong magagawa 'ko? Eto lang kaya 'kong gawin,
eh. Basang basa na tuloy ulit ang hoodie 'ko. Dinala 'ko talaga 'tong hoodie 'ko
para hindi mabasa 'yung t-shirt 'ko, eh. Glow in the dark pa naman 'yun. Nagnakaw
ulit ako sa kwarto ni Dash. Haha!

"3 damn years! Ganun kadali sa kanya na ipagpalit ako?" Bulong niya. "Siya na lang
ang meron ako.."

Hindi ulit ako nagsalita. Hinayaan 'ko lang siya magsalita ng magsalita hanggang sa
tumahan na siya. Tumigil na siya sa kakaiyak kaya hinubad 'ko na ang hoodie 'ko.
Safe na shirt 'ko, eh. Hehe.

"Saan mo gusto pumunta?" Tanong 'ko sa kanya. Naglayas, eh. Saan 'ko 'to dadalhin?
Alangan sa bahay namin!
"Anywhere.." Tumayo ako at binilhan siya ng tubig. Ininom niya naman. Hay salamat.
Akala 'ko susungitan pa rin ako neto pagkatapos niya basain ang hoodie 'ko!

Okay lang, gwapo pa rin naman ako kahit wet look.

"Saan nga? Dadalhin kita don." Wag lang sa aking palasyo. Haha, mais! "Saan?
Quezon? Cebu? Batangas? Baguio? Bataan? Pampanga? Saan mo gusto pumunta?"

May mga bahay kasi kami don. Haha! Ewan 'ko ba sa magulang 'ko kung bakit ang dami
daming bahay sa iba't ibang lugar, eh. "Are you serious?" Tanong niya naman. "I
have no money."

Ako meron. "Ahh.. Libre 'ko muna. Utang. Haha! Saan mo nga gusto pumunta?"

"I just need to rest." Uminom ulit siya ng tubig. "Where's your house?" Eto na nga
ba ang sinasabi 'ko, eh! Ang uwi.. sa bahay 'ko pa rin. Hindi nga pwede, eh.
Magkaaway 'ata' kami ni Jayden. Awkward pa 'yun kaya ayoko pa rin umuwi.

"Wala akong bahay, eh." Pagdadahilan 'ko. Hahaha! Ang lupet din ng naiisip 'kong
mga dahilan. Bakit 'ko nga ba tinatago sa kanya na mayaman kami? Siguro

dahil baka magbago trato niya sa'kin pag nalaman niyang mayaman ako. Okay na 'ko
dito sa pagsusungit niya. Nakakathrill.

"Really?" Inirapan niya ako. "Stop lying, will you?"


Nagsisinungaling din naman minsan ang mga gwapo, 'no! Anong kala neto? "Mag hotel
ka na lang. Lika, babayaran 'ko muna." Tinulungan 'ko siya makatayo.

"How about you?" Tanong niya sa'kin.

"Bakit? Concern ka?" Tinaas baba 'ko ang kilay 'ko sa kanya sabay ngisi. "Doon ako
sa bahay ng kaibigan 'ko." Pagsisinungaling 'ko ulit.

Lumabas kami ng 7/11 at nagtricycle papunta sa malapit na hotel. Five star 'to, ah.
Kawawa nanaman ako neto, eh.

"Seriously? Afford mo 'to?" Tanong niya sa'kin. Tinulak 'ko na lang siya papasok sa
presidential suit at naiwan ako sa labas. Hindi ako papasok, 'no.

"Oo nga. Wag ka mag alala." Ngumiti ako. "Text mo 'ko kapag babalik ka na sa inyo,
ah. Wag ka na umiyak ulit."

Tumango lang siya.

"Knock knock." Sabi 'ko sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Saging
bananacue."

"Saging bananacue, who?"

Masungit na tanong niya.

"Akala 'ko ikaw ay saging.. bananacue sa aking paningin~" Tumawa ulit ako sa joke
'ko. Mais nanaman. Di bale, gwapo naman ako. "Hahaha! Bye na, Estilo! Ako na bahala
sa bayarin." Nilagay 'ko ang dalawa 'kong kamay sa bulsa 'ko at sumakay sa
elevator.
Bumaba ako sa lobby at binalikan ang babae sa counter. "How much?" Tanong 'ko sa
kanya. Natulala tuloy siya. Iba talaga kapag gwapo.

"23,999 Sir." Napangiwi kaagad ako. Jusko, paano?! Bakit kasi doon pa niya naisipan
magstay sa presidential suit?! Anak mayaman talaga 'yon, eh.

"Nahiya pa kayo gawing 24,000." Bulong 'ko. Wala na akong nagawa kundi ibigay ang
credit card 'ko sabay alis pagkabayad 'ko.

Nagtricycle ulit ako pauwi at hinanda ang sarili 'ko. "Kunghari walang nangyari,
Panganib.." Bulong 'ko sa sarili 'ko bago pumasok ng bahay. Nakita 'ko sila na nasa
kusina, kumakain na ng dinner.

"Jairus, lika, kumain ka na dito." Sabi ni Jayden sa'kin. Ngumiti lang ako.

"Busog pa 'ko." Sabi 'ko sabay akyat sa kwarto 'ko. Bwiset, nagugutom na ako, eh.
Pero okay lang 'yun. Kakain na lang ako mamaya. Awkward pa ako kay Mommy, eh.

***

"Tsamba ka lang, tol! Tsamba!" Binatukan 'ko si Lucas. Naglalaro kami ng hulaan ng
susunod na commercial sa TV. Haha, mga walang magawa sa buhay.

"Susunod diyan.. Finally Ariel!"

"Dove akin." Sabi naman ni Jon.

"ABS CBN TV Plus." Sabi ni Kiba.

"Surf!" Sabi ni Lucas.


Hinintay namin ang susunod na commercial. Narinig 'ko pa lang ang intro napasigaw
kaagad ako. "HOO, BOBO!"

Wala, eh. 'Mga kapitbahay, di na 'ko mapakali' ang intro. Nakatsamba pa 'tong si
Kiba. Porket mukhang aso, eh! Buti pa 'ko, gwapo.

"Akin na 'yung lima. Akin na!" Sabi naman niya. Kumuha ako ng lima sa bulsa 'ko at
inabot sa kanya. Mga sugarol, eh. Pati ba naman commercial pinagpupustahan.

"Sus, wag ka magmagaling na nakaka fifty ka na!" Sabi 'ko sa kanya. "Kapangalan mo
pa rin 'yung siberian husky ng kapitbahay namin!" Inismiran 'ko siya. Bitter ako,
eh. Hindi 'ko mapanalo 'tong pustahan na 'to!

"JOOOOONNN!!!" Sigaw ng nanay ni Jon. Napahalagpak kaagad kami ng tawa.

"Hoy, Jon. Hanap ka na ni Magdalena." Sabi ni Lucas sa kanya. Umiling lang si Jon
at tumayo. Pagbalik niya may dala na siyang sampung piso.

"San punta, tol?" Tanong ni Kiba sa kanya.

"Bibili, Ariel." Inis na sabi niya. Sinamahan namin siya, siyempre. Bibili rin kami

ng meryenda namin, 'no. Hindi kami pinapakain netong si Jon, eh.

"Magkano ho?" Tanong ni Jon sa tindera.


"8 pesos." Sabi ng tindera.

"WALANJO! 8 PESOS?!" Napasigaw tuloy ako, eh. "ATE, 7.50 NA LANG ANG ARIEL."
Pagrereklamo 'ko pa.

"Hahaha! Siraulo 'tong si Panganib. Ni singkong bulag hindi pinapalagpas, eh." Sabi
naman ni Kiba.

"Shh! Kiba! Sit! Stay!" Pang aasar 'ko pa.

"Hahaha, inamo!"

"Hayaan mo na." Nagbayad si Jon at sinuklian siya ng dalawang candy dahil wala daw
barya. Napakaduga.

Sa susunod nga candy ibabayad 'ko kapag wala rin akong barya.

***

Habang nakatambay kami nila Jon, Lucas at Kiba dito sa tapat ng tindahan, naglalaro
ulit kami ng baraha. "Unggoy ungguyan tayo!" Pag alok naman ni Kiba.

"Tangna, edi panalo diyan si Lucas. Lugi." Hirit 'ko naman. Hindi kasi ako marunong
nun, eh. Hahaha! Bwiset.

"Kapal talaga ng mukha netong si Panganib." Sabi ni Lucas.


"Kapal talaga ng gwapong mukha ni Panganib. Thanks, pre." Nagflying kiss pa ako sa
kanya. "O siya, siya. Tara na at maglaro. Turuan niyo na lang ako."

Naglaro na kami ng unggoy-ungguyan. "Ohoyy, isa na lang ako!" Tuwang tuwa 'kong
sabi. Binunot naman na ni Jon ang baraha 'ko kaya ligtas na ako. Pinanood 'ko na
lang sila magbunutan doon. Nagkakadugaan na nga, eh. Tinuturo 'ko kasi kung ano
dapat ang bunutin. Puahaha.

Tumunog ang phone 'ko. "Wait lang mga pre." Sinagot 'ko ang tawag ni Estilo. "Yo!"

{Where are you? I already left.}

"Ahh.. nasa bahay ng kaibigan 'ko. Bakit?" Tinignan 'ko ng masama sila Jon na
nakatitig sa akin. Nakangiti pa ng nakakaloko.

"Ikaw, ah. May chicks ka na pala!" Sabi naman ni Kiba.

Nilayo 'ko muna ang phone. "Wag ka tumahol, Kiba! Manahimik ka." Binalik 'ko na
ulit sa tenga 'ko. "Bakit? Pupuntahan mo 'ko?"

{I have nowhere to go. I don't want to go home yet.}

"Sakay ka ng tricycle tapos sabihin mo sa unang kanto ng Malaya." Turo 'ko sa


kanya. "Kapag naligaw ka.. edi tanga. Haha!"

{What?!}

"Haha! Sabi ko text mo ko pag nandito ka na. Susunduin kako kita." Binabaan ako
pagkatapos 'ko sabihin

'yun. Naspeakless nanaman sa kapogian 'ko, eh. Walang masabi. "Hindi 'ko chicks
'yon!" Pagtatanggol 'ko sa sarili 'ko.

"Susunduin.. Nako." Umiling iling pa si Lucas.

"Sinong bakla ba 'yung kausap mo, Panganib?" Tanong naman ni Jon.

"Wala!" Bulyaw 'ko. "Sino talo?" Pag iiba 'ko ng topic.

"Edi si Jon. Kailan pa ba nanalo 'yan?" Sabi naman ni Lucas. Tuwang tuwa akong
tumayo at kinuha ang pulbo at make up. Walang pusta kaya make up ang dare. Buti na
lang talaga hindi ako nagpatalo.

Kahit makeup-an naman nila ako, gwapo pa rin ako. Hindi mababago 'yon.

Habang nilalagyan 'ko ng lipstick si Jon na kinakalat kalat 'ko pa, siyempre. Bigla
na lang dumating si Ricky Boy. Ano ba 'yan, nag eenjoy na ako, eh!
"Mamaya ka na umeksena, Ricky Boy!" Pagbawal 'ko habang hawak 'ko pa rin ang
lipstick. Pero tumakbo kaagad ako nung huhulihin na sana nila ako. Para naman akong
kriminal, eh.

Hinahabol habol nanaman ako. Hindi kaya bumibigay na itong si Ricky Boy? Talaga nga
namang mababakla ka kapag nakita mo ang gwapong nilalang na katulad 'ko.

Pamatay 'to, no.

Habang natakbo ako, nakita 'ko si Estilo na kakababa lang ng tricycle kaya
napahinto ako. "Huy."

Hingal na hingal pa ako.

Tumingin siya sa akin at tumingin sa hawak 'ko. "Stranger."

Sabi nang hindi 'yun ang pangalan 'ko, eh. "Ano nanaman?"

"Are you.." Tinuro niya ang hawak 'ko. "..gay?"

Hayup! Yung lipstick pala dala dala 'ko pa rin. "Ahh, wala 'to." Binato 'ko sa
likod ang lipstick.
"Aray!" Nanlaki agad mata 'ko sabay lingon. "DANGERRR!!!"

Hinawakan 'ko ulit ang kamay ni Estilo at tumakbo kami palayo kay Ricky boy. Kawawa
naman, may tuldok pa sa noo dahil natamaan ng lipstick. Haha!

Hinatak 'ko si Estilo papasok sa eskinita. Nang lagpasan na nila ricky boy ang
kinaroroonan namin, lumabas kaagad kami.

"Ano nanaman ba 'yun?! Why are they chasing you?!" Reklamo nanaman ni masungit.
"Are you a criminal or something?!"

"Kapag hinahabol, kriminal kaagad? Di ba pwedeng habulin lang talaga ako? Tsk.
Pagmasdan mo ang mukha 'ko." Tinuro 'ko ang mukha 'ko. "Unique ang kagwapuhang
'to.. dapat iniingatan 'to."

"What are you? An endangered specie?" Inirapan niya 'ko.

"Oo. Nanganganib." Hanggang ngayon, hindi

pa rin niya ako kilala. Haha! Magpakilala na kaya ako?

"DANGER!" Napasapo ako sa noo 'ko nang dumating nanaman si Ricky Boy. Hindi ba sila
napapagod kakahabol sakin?
"Ano nanaman ba, Ricky boy? Autograph ba ang gusto mo?" Panloloko 'ko pa.

"Hinahanap 'ka po ng kapatid mo." Kung hindi si Dash at Jayden ang naghahanap sa
akin.. si Dawn naman.

Palagi talaga akong hinahanap-hanap. Gwapo, eh.

"You have a sibling?" Tanong naman ni Estilo. Muntik 'ko na makalimutajn na nandito
siya, ah.

"Bakit mo nga pala ako hinahanap?" Tanong 'ko sa kanya. "Bakit ka nandito, I mean."

"Yung utang 'ko. How much?" Tanong niya.

"Wala, mura lang. Wag mo na bayaran." 24,000, Danger! Mura ba 'yon?! Mapapamura ako
neto, eh. "Uuwi ka na ba? Ihahatid na muna kita."

"Are you sure?" Tanong niya pa.

"Oo! Makisakay muna tayo kay Ricky boy." Kinindatan 'ko si Ricky boy para sumakay
sa trip 'ko. "Tropa 'ko 'yan, eh. Sakay." Binuksan 'ko ang pinto ng limo. Pumasok
naman siya. Kinausap 'ko muna si Ricky boy. "Kunghari sayo yung kotse. Ang alam
niya mahirap lang ako, eh. Haha! Wag mo rin akong i-Sir o mag po, ha."

Pumasok na rin ako sa loob. "Saan ka ba nakatira?" Tanong 'ko pagkapasok namin ng
village nila.

"Right there." Turo niya sa isang malaking bahay. Huminto kami sa tapat. Bababa na
sana siya pero..

May eksenang nangyayari sa bahay nila. Bumukas ang gate at lumabas ang Mommy niya
ata na umiiyak at dala dala ang isang maletta.

Nanigas si Style sa nakita niya. Hindi siya makagalaw. "Drive.." Bulong niya.

"S-saan?"

"ANYWHERE!!! JUST F*CKING GET ME OUT OF THIS DAMN PLACE!!!" And she burst into
tears.

____________________________________________________________________________

It's Style. Haha.

BTW, DEDIC LIST OPEN. COMMENT NA LANG PO NG "PADEDIC" WAG NA HO MAGMESSAGE.


=================

DS 6 ~ Madaling Araw

Double Update again~

Danger's POV

Inabot 'ko ang pangatlong ice cream na binili 'ko para kay Estilo. Hindi 'ko alam
kung paano papatahanin 'to kaya nanghingi ako ng advice kay Tito Tayler. Puro ice
cream ang sinabi pati mga flavors pa. Parang siraulo talaga 'yun, eh.

Sinunod 'ko naman. Haha! "Naglayas mommy mo?" Tanong 'ko sabay upo sa tabi niya.
Mag gagabi na nandito pa rin kami sa park malapit sa village.

"Palagi naman.." Bulong niya.

"Anong trabaho ng parents mo?" Tanong 'ko sa kanya para maiba naman 'yung topic.
Hindi na siya umiiyak, eh.

"My dad is a governor and my mom is a doctor." Sagot niya. "How about you?"

Patay. Ako na ang tinanong. "Ahh.. Si Jay-- Si nanay.. tindera. Tapos tinutulungan
siya ng tatay 'ko." Totoo naman, ah! Tindera ng damit si Jayden diba? Tapos
nakikitulong si Dash sa kanya. Ganun din 'yun!

"How about your sibling? What's her/his name? How old is he/she?"

"Babae kapatid 'ko mas bata sakin ng dalawang taon. Ang pangalan niya.." Nag isip
ako. "..Madaling-araw. Haha!"

Sabi sa inyo, hindi ako sinungaling bata, eh.


"Madaling araw?" Kumunot ang noo niya. "Are you kidding me?"

"Hindi, ah. Yun nga 'yung pangalan niya, eh." Ang kulit naman. Totoo naman kasi,
eh! "Hanggang anong oras mo balak magstay dito?"

"If you want, you can go home aleady."

"Baliw ba ako para iwan kita dito mag isa?" Umiling ako. "Hindi safe dito. Baka
mapanganib ka lang, ako pa may kasalanan non."

"My mom will be back tomorrow or the day after tomorrow.. Who knows. Babalik at
babalik naman siya. Sanay na ako." Niyakap niya ang tuhod niya. Binigay 'ko sa
kanya ang hoodie 'ko. "What for?"

"Try mo lutuin." Tinignan niya 'ko ng masama. "Malamig. Isuot mo, baka magkasakit
ka pa." Naks, concern. Hahaha! Gentleman naman ako kahit papaano!

"Thanks." Sinuot niya naman 'yung hoodie 'ko. "Your perfume.." Ay shet, naamoy niya
'yung pabango 'ko. "It smells like.. Clive Christian's No. 1.. It costs 2,350
dollars.."

"Talaga?" Nagpatay malisya ako. "Astig, ah. Alam mo mga ganun?"

"Stranger, I'm studying fashion." Umiling na lang siya. "How about you?"
"Photography." Sabi 'ko naman. Ayoko imana 'yung clothing line nila Mommy.

Wala akong alam doon. Si Dawn na lang.

"Can I see your photos?"

Napangisi ako. "Nandito na nga ako sa harap mo gusto mo pa makita mga pictures 'ko.
Baka mainlove ka lang." Hinampas niya ako.

"What I mean is.. diba you're studying photography? I said patingin ng mga shots mo
not ng mga pictures mo."

Hinubad 'ko ang dslr na nasa leeg 'ko at inabot 'ko sa kanya. Palagi 'kong dala 'to
dahil araw araw ako tumutulong sa mga bata diyan sa tabi tabi.

"It's all about.. poor children." Sabi niya habang nagtitingin. "You love their
laughters and smiles?"

"Oo naman. Even though they're suffering, they're lucky they can still smile and
laugh like the other children do." Seryoso talaga ako sa mga usapang ganito, eh.
Lumalabas tuloy ang skills 'ko sa pag e-english kapag seryoso. Haha!

"Why?" Tanong niya.

Tumikhim ako. "Ahh.. Akin na. Pipicture-an kita. Ngiti ka, ah." Kinuha 'ko ang
camera sa kanya at pinicture-an siya. Mga stolen at yung iba nakatingin siya habang
kumakain ng ice cream. "Ganyan ka na lang palagi. Ganda mo diyan."

Inirapan niya lang ako.


"Alam mo.. ang tanga ng ex mo, 'no?" Tumingin siya sa'kin.

"Why?" Naguguluhang tanong niya.

"Kasi pinakawalan ka niya.. Sus, kapag nakita 'ko yung ex mo papabugbog 'ko 'yun.
Bobo, eh." Ngumiti ako. Para naman gumaan ang loob niya.

Tumawa siya. Buti napicture-an 'ko 'yun. "I know right?"

"Hindi ka pa rin ba uuwi?" Tanong 'ko. Tumayo naman siya at nagpagpag ng damit.

"I will. I'm sure Dad's not there."

"Hatid na kita."

Naglakad kami papunta sa bahay nila. Nakapatay lahat ng ilaw at halatang walang
tao. "Mag isa ka lang?" Tanong 'ko sa kanya.

"Hmm, yep." Tumango siya. "Go." Pagtaboy niya sa'kin.

"Hindi ba kita pwede ihatid hanggang loob?" Di ako panatag, eh! Baka mamaya may
akyat bahay gang sa loob. Concern ako, siyempre.

"Okay." Nagtatakang sabi niya sabay pasok sa loob. Binuksan niya lahat ng ilaw at
hanggang sa taas, hinatid 'ko pa siya. "You can go now."

"Sige. Pero wait lang."


"What?"

"Anong apelyido ni Chuckie?" Naisip 'ko lang dahil umiinom ako ngayon, eh.

"What?" Bored na tanong niya.

"Chan. Chuckie Chan. Hahahaha!" Tumawa siya sandali sabay sara ng pinto. Aba,
muntik na matamaan ang mukha 'kong gwapo. Sabi nang dapat iniingatan 'to, eh.

Pagkalabas 'ko, nilock 'ko 'yung front door nila tsaka 'yung gate. Chineck 'ko pa
kung nalock o hindi bago ako naglakad pauwi sa amin. Medyo malapit lang naman, eh.

"Yo yo yo!" Bati 'ko pagkapasok ng bahay. Tapos na ata sila magdinner.

"May pagkain sa kusina, Danger." Sabi ni Jayden sa'kin. Nakaupo siya sa may sofa
mag isa. "Kumain ka na ba?"

Umiling ako. "Hindi ako gutom." Sabi 'ko ulit. Aakyat na sana ako nang tawagin niya
ulit ako. "Bakit?" Lumingon ako.

"Danger, anong problema?" Tanong niya sa'kin. Umiling lang ako. Wala namang
problema, eh. Naa-awkward-an lang talaga ako sa nasabi 'ko. "Hindi ka ganyan, eh.."

"Wala nga kasi, Ma." Sabi 'ko ulit. "Pasensya na sa nasabi ko nung isang araw."
Ayan, nagsorry na 'ko. "Kalimutan mo na lang 'yun. Awkward, eh."
"I'm so--"

Umiling ako. "Wag ka magsorry. Yan nanaman tayo, eh." Ngumiti na lang ako. "Alam
'ko naman. Naiintindihan

'ko." Sabay akyat 'ko sa kwarto 'ko.

Binagsak 'ko ang sarili 'ko sa kama at tumingin sa kisame. Hindi ako sanay sa mga
drama drama na 'yan! Pang mga panget lang 'yun at hindi ako panget.

Isa akong gwapong nilalang na habulin ng mga chicks.

Kinuha 'ko na lang ang laptop 'ko at pinasa doon ang mga shots ni Estilo sabay post
'ko sa facebook nung isang picture na kumakain siya ng ice cream habang nakapeace
sign. Tinag 'ko siya.

Nagyeyelong Panganib: Ice cream pa, Estilo. -with Kaizen Style Dalton.

Kakapost 'ko lang may mga naglike kaagad. "Kaizen Style Dalton and Xyris White
likes this." Basa 'ko sa notification 'ko. "Langya 'tong si Xyris, palike like na
lang. Sabi 'ko magskype kami ngayon, eh!" Reklamo 'ko pa.

Chinat 'ko na lang si Estilo.

Nagyeyelong Panganib: Anong apelyido ni Goliath?

Kaizen Style Dalton: Stop. -_-


Nagyeyelong Panganib: Weh, mali!

Kaizen Style Dalton: What are you saying?

Nagyeyelong Panganib: Prutas kaya. Goliath Prutas. Hahahaha! Eksdi.

Seen 8:43PM

Nagyeyelong

Panganib: Nahimatay ka na ba kakatawa at sineseen mo na lang ako? Haysxzt.

In-ex 'ko ang chat namin ni Estilo at in-open ang chat namin ni Xyris.

Nagyeyelong Panganib: Bro!

Xyris White: Yo, Panganib! Musta?

Nagyeyelong Panganib: Oks lang. Akala ko magskype tayo?

Xyris White: Miss mo nanaman kapogian 'ko, eh.. Hahaha! Sabi na nga ba't nababading
ka na sakin.

Nagyeyelong Panganib: Talaga, fafa Xyris. <33 Pa-fs.

Xyris White: Ulul. Haha, nandito kasi 'yung mga pinsan 'ko, eh. May reunion dito sa
bahay.
Nagyeyelong Panganib: Oh? Lakad mo naman ako sa mga spokening dollars mong pinsan!
XD

Xyris White: Ilalakad kita? Aso, ata?

Nagyeyelong Panganib: Pakshet mo, puti.

Xyris White: Biro lang. May boyfriend na yung mga yun, eh. Wait, brb.
Magbebreakfast na 'ko.

Nagyeyelong Panganib: Ge.

Xyris White: Ang ganda nung babae sa pinost mong picture. Ge, bye na.

In-ex 'ko na ang chat box namin at in-open ang message ni Estilo. Dinner na sa
amin, breakfast pa lang kay Xyris. Haha, magkabilang mundo theme song namin. Yiee.
Dejk.

Bestfriend 'ko lang 'yon simula bata ako. Siya 'yung batang palagi akong
tinutulungan at sinasamahan dati. Ang laki ng utang na loob 'ko doon, eh.

Kaizen Style Dalton: My ex keeps on liking my photos! -_-"

Nagyeyelong Panganib: Hayaan mo na lang.

Kaizen Style Dalton: One of the reasons why I can't get over him.

Nagyeyelong Panganib: Hindi mo kasi sinusubukan, eh.


Kaizen Style Dalton: I'm trying! -_- Okay, bye. I need to draw.

Sineen 'ko na lang siya. Gantihan lang 'yan, 'no! Hahaha! Palagi na lang ako ang
naseseen. Palagi kasi sila naiispeakless sa kagwapuhan 'ko kaya ganon. O kaya
nahimatay.

***

"Napakabagal naman, Dawn!" Sigaw 'ko sa bintana ng McLaren P1 'ko na kulay black.
Nagmamadaling pumasok sa shotgun seat si Dawn. "Sabi nang wag pinaghihintay ang
gwapong katulad 'ko, eh. Mahal kaya oras 'ko."

"Weh? Magkano?"

Hindi 'ko siya sinagot. Nagdrive na lang ako papunta sa pinakamalaking branch ng
Shadows. Kukuha daw siya ng mga bagong damit.

Sa akin pa nagpasama. Manong kay Ricky boy na lang. Tutal, nakasunod rin naman sa
amin. Dala pa ang mga tauhan niya.

Alam na alam niya kasing tatakas ako, eh. Haha!

Nakarating na kami at pumasok sa malaking store dito sa pinakamalaking mall. Sinuot


'ko kaagad ang hoodie at cap 'ko at nilagay ang dalawa 'kong kamay sa bulsa ng
hoodie 'ko. Sumunod lang ako sa kanya.

"Pink or Peach?" Tanong niya sa'kin sabay kuha ng dalawang dress.

"Parehas lang 'yon."

"It's different!" Reklamo pa niya. "Whatever." Nilagay niya sa basket ang dalawang
damit at pumunta naman sa mga sapatos. Nagsukat siya ng mga boots doon.

"Mukha kang majorette. Magmartsa ka na! Tenenenenenenen~ Tententen~" Pang aasar 'ko
sa kanya. Inis niyang hinubad ang white na boots at akmang ibabato pa sa'kin. "Hep!
Wag sa mukha 'ko! Kaingat-ingatan 'to!"

Inirapan niya na lang ako at kumuha ng iba pang sapatos. Napakadaming binibili
netong si Dawn, eh. Akala mo mauubusan ng damit sa bahay.

Pagkatapos niya bumili, pinabuhat niya lahat sa mga tauhan ni Ricky boy. Ako naman
sumakay sa kotse 'ko. Balak 'ko ulit pumunta kela Jon para maglaro.

Pero 'tong kapatid

'ko nakasunod nanaman sakin, eh. Wala akong choice kundi isama siya. Binilisan 'ko
ang takbo ng kotse 'ko para maligaw 'ko sila Ricky boy. Ayoko nang napakaraming
nakasunod sa'kin.

Hininto 'ko ang kotse sa tapat nila Jon at bumaba. Sumama naman 'tong si Dawn.

"Nandito na si Panganib!" Sigaw ni Lucas. Nagulat siya nang makita ang kapatid 'ko.
"At.. dala niya yung chicks niya!"

Nagmadali sa pagbaba ng hagdan si Kiba at Jon. Nadapa pa.


"Hep! Kiba, be friendly, ah. Wag mo kakagatin 'to." Sabi 'ko kay Kiba. Pinakyu lang
ako. "Hindi 'ko chicks 'to." Turo 'ko kay Dawn. "Gusto daw niya sumali sa laro.
Kapatid 'ko 'to."

"HA?! MAY KAPATID KA?!"

***

"Hanggang dito ba naman." Reklamo 'ko kay Dawn habang nasa tapat kami ng tindahan.
Pinapanood lang kami nila Kiba na mag away. "Ate pagbilan nga ng Joseph."

"Joseph, iho?" Tanong ni Ate.

"Joseph Fruit. Hahaha!" Tumawa ako. Umiling lang si Ate at binigyan ako ng
bubblegum na 'yun.

"Ako, Ate. Pagbilan ng Beast. Hehehe." Umeksena nanaman 'tong si Dawn. Sisikmuraan
'ko to sa batok, eh!

"Beast?"

"Hehe. Beast Kwit. Hehehe." Binatukan 'ko nga. Ang corny, eh!

"Di bagay sayo mag joke! Mga gwapo lang dapat." Sabi 'ko sa kanya sabay upo sa tabi
ni Lucas. "Diba pre? Kaya di rin bagay sayo magjoke, eh."
Kinurot niya naman 'yung tagiliran 'ko. "Bibingo ka sa'kin, Panganib."

***

"Mag order ka na!" Tinulak 'ko si Dawn sa counter ng Jollibee. Magtetake out daw
kami, eh.

"Anong io-order 'ko?!" Reklamo naman niya.

"Hello, Ma'am, Sir. Welcome to Jollibee." Bati ng nasa counter.

"Ahh.." Nag isip ako. "Isa nga pong Jolliwater."

"Jolliwater?" Tumawa ang nasa counter. Sus, havey nanaman ako. "Ano pa po, Sir?"
Tignan mo, tignan mo! Ako lang ang tinanong. Ang gwapo 'ko talaga!

"Ikaw na!" Tulak 'ko kay Dawn sabay hanap ng upuan. Sa hindi inaasahang..
pagtatagpo ng mga mundo. May minsan lang na nagdugtong.. Damang dama na ang ugong
ito.

Haha, napakanta. Nakita 'ko kasi si Estilo! Ano ginagawa niyan dito?

"Dito po!" Turo ni Dawn sa table namin.


Nanlaki ang mata 'ko. "PUTANG--! NAPAKADAMI MO NAMANG INORDER?!" Napakadaming paper
bag ang nilapag sa table namin. "Parang isang taon kang hindi nakakain, ah?!"

"Hindi mo kasi ako sinagot kung anong oorderin 'ko kaya inorder 'ko lahat ng nakita
'ko!" Aba, siya pa yung galit, ah! "Kasalanan mo 'to, eh!"

"Paano 'ko naman naging kasalanan 'yon?! Jolliwater lang inorder 'ko, ah! Wala pang
bayad 'yon!"

"Naubos tuloy pera 'ko!"

"Sinong may kasalanan?"

"Edi ikaw!"

"Edi tanga!"

"Edi wow!"

Napatigil ang pagtatalo namin nang biglang may kumalabit sa'kin. "Stranger."

Napasapo ako sa noo 'ko. Bad timing ka, Estilo!

"Omg!" Napatakip si Dawn sa bibig niya. "IKAW BA?!" Kumunot agad noo 'ko.

"What?" Tanong ni Style.


Umakbay sa akin si Dawn. Shit. Parang alam 'ko na plano neto.. "IKAW PALA 'YUNG
BABAENG PINAGNANASAAN NI KUYA SA LAPTOP NIYA. ALAM MO BA! INEEDIT NIYA PA MGA
PICTURES MO SA MGA PICTURES NG MGA MODEL NG FHM."

P*TANG INA, DAWN!!!

____________________________________________________________________________

Hahaha, bwisit.

PS: Aso po namin si Kiba. Siberian husky po siya. Hahaha, doon po galing ang
pangalan ni Kiba dito. HAHAHA.

GUYS CLOSE NA ANG DEDIC LIST. DOON AKO SA COMMENTS SA LAST CHAPTER MAGBEBASE.
INUULIT KO. CLOSE NA HO ANG DEDIC LIST. WALA NANG MAGMEMESSAGE SA AKIN, AH.

=================

DS 7 ~ Scars

Danger's POV

Tinakpan 'ko ang bibig ni Dawn. "Estilo, wag ka maniwala dito. Ganto talaga ang mga
takas sa mental.. Pagpasensyahan mo na ha." Ngumiti ako at tinignan ng masama si
Dawn. "Alis na kami. Pinasyal 'ko lang to. Ilang taon nang hindi nakakalabas sa
mental hospital. Kawawa naman, diba? Hehe." Kinuha 'ko ang mga paperbags at hinatak
palabas si Dawn.

Humalagpak siya sa tawa pagkapasok namin ng kotse 'ko. "Hahahaha! Grabe, Kuya! Baka
maniwala siya! Haha!"

"Tongue ina ka, manahimik!" Inistart 'ko ang kotse at nagdrive paalis. Kanina pa
tawa ng tawa si Dawn. Itutulak 'ko to pababa, eh. "Nakakahiya ka, alam mo 'yon?!"

"Haha! Hindi 'ko alam 'yon. Ang alam 'ko lang.. Ang ganda ganda 'ko!" Tumawa ulit
siya. "Sino ba 'yun? Girlfriend mo?"
"Hindi 'ko girlfriend 'yun." Hininto 'ko ang kotse sa tapat ng bahay namin at
bumaba. Hanggang sa pagpasok, tawa pa rin ng tawa si Dawn. "Jayden! Yung anak mong
babae na 'to, eskandalosa sa jollibee!" Sumbong 'ko kay Jayden.

"Ano nanaman bang ginawa mong bata ka?" Sabi ni Jayden habang nagluluto. "Nako, wag
niyo akong simulan, ha. Kayong magkapatid kayo. Iinit ulo 'ko!"

"Eto, yelo, Mame." Kumuha si Dawn ng yelo sa freezer at dinikit sa ulo ni Jayden.
"Para lumamig ulo mo. Hahaha--Araaay!" Napahawak si Dawn sa braso niya nang
hampasin ng mahina ni Jayden.

"Matagal pa ba 'yan?" Pumasok si Dash sa kusina. "Gutom na 'ko."

"Eto, yelo, Dade." Lumapit naman si Dawn kay Dash. "Kainin mo 'to. Hahaha--Aray!"
Ayan, siraulo kasi.

Style's POV

"Mom." I stood up the moment I saw my mom entered the living room. She's back. See?
"Let me help you." I helped her carry her bag upstairs.

"Thanks, Style." Ngumiti siya sa akin. "Are you eating well? Are you alright?"

"Yes, Mom." Even though 3 days na akong hindi kumakain. "And thank you for fixing
my credit card."

"I'm sorry, Style.." She hugged me. Believe me, I tried to fight the urge to burst
into tears again. "Do you want to leave the house? With me?"

I bit my lip. No.. I want this family to be fixed.. I'm so tired.

"OhmyGod." She looked at


my left wrist. Agad 'ko namang tinago sa likod 'ko. "Style.. Darling.. No.." She
looks like she's gonna cry when she saw my scars. "You've been.. Y-you've been
hurting yourself?"

I remained silent.

She cried in front of me.. helplessly. And I didn't notice the tears streaming down
my face. I'm f*cking hurt. It hurts seeing her cry.

"Style.. Why? W-why.. I'm sorry.." Niyakap niya ulit ako ng mahigpit. "I'm sorry..
Please stop this.. Please stop hurting yourself.. Stop cutting your wrist.. Please,
Style.. Please."

"This is nothing." Bumitaw ako at pumasok sa kwarto 'ko. I locked the door and
cried all night. Why am I like this?

Kinuha 'ko ang bandage at inikot 'ko sa wrist 'ko. She saw it.. She saw the scars..
the bruise. "And she's gonna ask me why?! Bullsh*t!"

I hurt myself everytime I hear them fighting over a woman! I hurt myself everytime
I see something that gives me pain! I hurt myself even though I'm already hurting
inside! I hurt myself.. because I wanted to kill myself!

No.. No, Style.. You can't. You need to live. Silly me.. having suicidal thoughts.
It hurts to know that I can't do anything to change this damn family.
"Xyris White.." In times like this, dapat nandito siya at cinocomfort ako. Siya ang
karamay 'ko kapag nag aaway ang parents 'ko. Siya na lang ang meron ako. "You left
me.. alone in this cruel world."

***

Danger's POV

"Saan ka pupunta?"

"Mahal kita, Danger." Tinalikuran niya ako at naglakad palayo. Palayo sa akin na
iyak ng iyak sa gitna ng kalsada. Hinabol 'ko siya. Kahit ang dami 'ko nang sugat
dahil nadadapa-dapa na ako.. Hinabol 'ko pa rin siya.

*BEEEEEP

"AH!"

Nagising ako bigla. Pawis na pawis ako at madilim pa rin sa loob ng kwarto 'ko.
Napahawak ako sa dibdib 'ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso 'ko. "Hoo.." Naginhale
exhale ako bago bumaba sa kusina para uminom ng tubig.

Sumandal ako sa may lamesa. "Wag mo na alalahanin 'yun." Sabi 'ko sa sarili 'ko.
"Ang mahalaga.. Gwapo ka pa rin, diba?" Tumango tango ako at tumingin sa bintana.
Nandiyan na ang araw. Unti unti na siyang tumataas.

Tumingin ako sa orasan. 5:30 AM.


Umakyat ulit ako sa kwarto 'ko at nagsuot ng jogging pants at hoodie. Pagkatapos,
lumabas ako ng bahay

at nagjogging na lang.

Ilang oras 'ko din inikot 'tong buong village bago ako tumambay sa 7/11. Wala lang,
palamig lang. Tsaka siyempre bumili ako ng tubig at trolli. "Ate.." Kalabit 'ko kay
Ate sa kabilang table. Naiyak, eh.

"Wala ho ako sa mood.. Sorry.." Sabi niya.

"Hmm.. Paano icheer ng Baby Rubber ang Mommy Rubber?" Tanong 'ko. Tumingin naman
siya sa'kin.

"Paano?"

Umubo ako. "GO MA!" Oyy, napatawa 'ko siya dun. Hahaha! "Anong english ng
bulaklak?"

"Flower?" Tumigil na rin siya kakaiyak.

"Cottonton. Hahahaha!" Bwiset, mais. Pero natawa siya. Kinuha 'ko ang tissue na
kasama sa big bite at lumapit sa kanya. Pinunasan 'ko 'yung luha niya. "Wag ka na
iiyak, ha? Di yun kawalan." Ngumiti ako bago lumabas ng 7/11.

Nilabas 'ko ang cellphone 'ko at tinignan ang chat sa'kin ni Xyris.

Xyris White: Bro!

Negyeyelong Panganib: Bakit?


Xyris White: Wala lang. Di ako makatulog, eh. Kamusta?

Negyeyelong Panganib: Oks lang naman ako palagi, ah. Oo nga pala,

nakita 'ko yung last na chat mo. Yiee, krass mo si Estilo?

Xyris White: Crush? Haha! Di 'no. Close kayo?

Negyeyelong Panganib: Hindi naman. Bakit? Kilala mo siya?

Xyris White: Oo.. Friends kami dito sa facebook.

Negyeyelong Panganib: Ahh. Yung sapatos daw nila Jon, ipadala mo na! Hahaha!

Xyris White: Para akong nagtatrabaho sa abroad, ah?! Nag aaral pa lang ako! Haha,
sabihin mo napadala 'ko na. Wag silang atat.

Negyeyelong Panganib: Birthday ni Kiba ngayon.

Xyris White: Oo nga. Pakisabi happy birthday! Pinadala 'ko na kamo 'yung dog food.
Hahaha! XD

Negyeyelong Panganib: G*go! Hahaha, sige. Bye. Uwi muna ako samin.

Tinago 'ko na ulit 'yung phone 'ko at naglakad papasok ng bahay. Naligo ako at
nagbihis bago bumaba ulit. Mamaya pa ako pupunta kela Kiba. Tulog pa 'yun,
panigurado.

"Mommy! Bilhin mo na kasi yung gusto 'kong kotse!" Rinig 'kong sabi ni Dawn sa
living room.
"Wag kang magulo, Dawn! Sumasakit ulo 'ko sayo!"

"Okay lang 'yun, Mommy! Mas masakit kapag wala kang ulo. Hehehe."

Kinuha 'ko ang magazine sa may lamesa at inikot sa kamay 'ko

sabay hampas sa ulo ni Dawn. Wala lang, wala akong magawa, eh.

"Kuya!" Inis na sabi niya sa'kin. "Para saan yun?!"

"Wala, tinesting 'ko lang kung matigas ba ulo mo." Sabay takbo 'ko sa kusina.
Halatang may balak nanaman akong imurder nun, eh. Bumalik ako na may iniinom ng
chuckie. "Dawn, sardinas ka ba?"

"Bakit nanaman?!"

"Ligo ligo din." Ngumisi ako at umakyat ulit sa kwarto 'ko. Bumaba lang naman ako
para sirain 'yung araw ni Dawn, eh. "Himala, walang text si Estilo ngayon." Humiga
ako sa kama at binuksan ang aircon sabay kuha ng laptop.

Nagtwitter na lang ako. Puro 'Napakainit sa Pilipinas' ang nakikita 'kong tweet.
Summer kasi, eh. Napapaisip tuloy ako..

Talaga bang kumakalat na ang hotness 'ko?

@yelongpanganib: sorry dahil napakahot 'ko.


Kakatweet 'ko pa lang nun ang dami na kaagad nagreply at favorite. Pati na rin
retweet. Sikat ako, eh! Gwapo 'ko kasi.

'Talagang napakahot mo, Danger!'

'Isang topless picture naman diyan!'

'Ako na magpupunas ng pawis mo, baby!'

Baby? Ano 'ko? Sanggol?

@yelongpanganib: Anong kabaligtaran ng kaluluwa?

@kaizenstyle: @yelongpanganib would you please stop ruining my timeline with your
jokes?

@yelongpanganib: @kaizenstyle.. edi kalulunok. Hahaha! Hello, Estilo. Miss mo ako?

Ay shet, ang daming nagfavorite non. Nagseselos na tuloy mga nagkakacrush sa'kin,
eh. Puahaha!

@kaizenstyle: @yelongpanganib assuming.

@yelongpanganib: @kaizenstyle oo nga pala, bat di ka nagtetext?


Ang dami ulit nagfavorite nun. Akala ata nila girlfriend 'ko si Estilo!

@kaizenstyle: @yelongpanganib I'm busy sketching.

Finavorite 'ko na lang at hindi 'ko na sinagot. Baka maissue pa kami niyan, eh.
Teka.. Issue.. yung ginagamit pampunas. Weh, mais.

Buti na lang at blinock 'ko si Dawn sa twitter. Kundi hihirit nanaman 'yun! Epal
'yun, eh. Pampam.

Maya maya, napagdesisyunan 'ko na lumabas na ng bahay at maglakad papunta sa bahay


nila Kiba. Nandito rin 'yun sa loob ng village. Oo, mayaman 'yun. Di lang halata.

Habang naglalakad ako,

nakita 'ko si Estilo na kakalabas lang ng bahay nila. Napansin 'ko kaagad yung
bandage niya sa may pulsuhan nung buksan niya ang pinto ng kotse niya.

Umiling na lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad 'ko.

*BEEEEEP
"Amp!" Lumingon ako sa kotse. Muntik na ako mabangga! "Langya, Estilo! Bulag ka
ba?!" Bulyaw 'ko.

Bumaba siya ng kotse niya at lumapit sakin. "Are you hurt?" Tanong niya.

"Hindi naman.." Naging malambot kaagad boses 'ko. Naks, concern siya sa'kin. "Bulag
ka ba? Ang laki laki ng daan, oh!"

"Sorry.. My eyes are just.. blurry.." Yumuko siya. Hinawakan 'ko kaagad ang baba
niya at tinaas para makita ang mukha niya.

"Umiiyak ka nanaman. Araw araw na lang." Nilabas 'ko ang panyo ko at pinunasan ang
luha niya. "Ano nanaman problema mo?"

"Nothing.." Bulong niya.

Tumingin ulit ako sa pulsuhan niya. Yung isa, nakabandage at yung isa tinatago niya
sa likod niya.

"Ilabas mo." Sabi 'ko.

"What?" Nagpatay malisya siya.

"Yung right wrist mo."


Umiling kaagad siya at umatras. "No!"

"Style, ilabas mo." Lumapit ako at hinawakan ang kanan niyang braso. "Ipakita mo
sa'kin."

Sumimangot siya at hinayaan akong kuhanin ang pulsuhan niya. Bumuntong hininga ako.

"Kaya ka ba aalis para bumili ng panibagong bandage?" Tanong 'ko.

"Yeah." Binawi niya ang wrist niya.

"Wengya, Style. Kailan ka ba natutong maglaslas?!" Para akong tatay na


pinapagalitan ang anak niya. Naglalaslas siya mga tol! Sinong hindi magagalit
doon?! "Talagang nagpapakamatay ka, ano?!"

"YES AND IT'S NONE OF YOUR BUSINESS!" Sigaw niya. Tumulo nanaman ang luha niya.
"I'M DEPRESSED, DANGER!"

Depressed..

Teka.. Danger?

____________________________________________________________________________
Baka hindi ako makapagupdate bukas dahil baka umalis kami kaya eto. Advance. :)))

=================

DS 8 ~ Suicidal

Style's POV

"Danger?" He asked me, surprised because I called him by his name.

"Why? I've heard it a thousand times from your friend, Ricky. You think I'm too
stupid to not realize that it's your name?" I rolled my eyes.

"Ahh." He smiled again and held my left hand. "Lika, gamutin natin 'yan." Pumasok
kami sa isang malaking bahay sa same village. Is this his house or his friend's
house? "KIBAAA! ARF ARF!" He shouted.

"Ano nanaman bang-- Uy, may chicks nanaman siya, oh." I guess, it's the Kiba guy.
He's tall, he's white and his hair is messy. In short, he's attractive. "Yan naba
'yon?"

"Shh! Behave! Nasan first aid kit niyo?" Hinatak ulit ako ni Danger sa loob ng
restroom at sinara ang pinto. What are we doing here inside the restroom?!

May kinuha siya sa may medicine cabinet. Dahan dahan pa niyang binuksan. "Baka
magising 'yung sleeping pills. Hahaha!" Saka niya 'ko binuhat ako paupo doon sa may
sink. Kinuha niya ang right wrist 'ko at nilagyan ng betadine.

"Masakit?" He asked me. "Eh.. tanga ka, eh." Hinipan niya ang sugat bago nilinis at
pinaikutan ng bandage.

I was surprised

when he kissed the top of the bandage. "Why did you do that?"

"Mas mabilis daw gumaling kapag kinikiss." I don't know why.. May something sa
ngiti niya. It can melt every girl's heart in an instant. It can make you smile
too. Nakakahawa.

*BLAG

Tumingin kami sa pinto nang biglang bumukas. "Ayyy! Sorry, sorry! Nakakaistorbo ba
'ko?" And sino naman 'to? "Sorry! Taeng tae na talaga ako! Doon na lang kayo sa
kwarto ni Kiba! Doon niyo na ituloy ang MOMOL niyo! Parang awa!"

Umiling si Danger at binuhat ako pababa ng sink. "Maubusan ka sana ng tissue at


tubig, Jon! MAGMOMOL KA MAG ISA!" Sabi pa ni Danger bago isara ang pinto.

Hawak pa rin niya ang kamay 'ko at hinila niya 'ko papunta sa may terrace. Sumandal
siya at binitawan ang kamay 'ko.

The view is amazing. "You think I'm suicidal." His eyes widened. "You think?"

"Hindi, ah!" Tanggi niya kaagad. "I think you're a destroyed work of art. But
still.. every art has it's own beauty."

I smiled. "I'm an art, then?"

"I don't think you're suicidal at all." I'm somehow amazed of his english skills.
"Alam

mo.." Humarap siya sa'kin. "Maganda ka, eh. Dapat 'yung mga ganyang ganda.. hindi
sinisira 'yan. Iniingatan. Tignan mo 'ko. Iniingatan 'ko 'tong napakagwapo 'kong
mukha. Ikaw din sana."

I chuckled. Conceited lil guy. "Ikaw ang pangalawang lalaking nagsabi sakin niyan."
"Sino 'yung una? Daddy mo?"

"No. My ex. My dad never told me I am beautiful." I smiled. A sad one. "Kahit isang
beses lang.. Wala."

"Totoo. Ang dami ngang likes noong pinost 'kong picture mo, eh. Famous. Puro
picture mo na nga lang ipopost ko para maraming likes. Mga galawan!"

"Tss.. Ang ligaya mo 'no? May naging girlfriend ka na ba?"

Danger's POV

Tumikhim ako. "Hmm.. Nagugutom ka na ba? Tara, kain na tayo." Nauna akong pumasok
ulit at sumunod naman siya sa'kin.

"Nandiyan na ang panganib!" Sigaw nanaman ni Lucas pagkakita sa'kin. Kami lang ang
inimbitahan ni Kiba sa birthday niya. Galit sa tao aso 'ko, eh. Dejk. "Ehem.. Baka
pwedeng.. Ehem. Ipakilala sa amin 'yung.. Ehem.. Chicks mo."

"Ahh.. Si Style nga pala." Tinuro 'ko si Style. "Alaga 'ko."

Hinampas ako ni Style.

"Aray, ha. Pero okay lang, wag lang 'yung mukha 'ko ang saktan mo. Ikamamatay ng
kababaihan 'yun." Ngumisi ako at kinuhanan siya ng pagkain. Umupo kami sa may
living room at naglaro ng baraha habang kumakain.

"Hoo, bobo. Hoo, bobo." Paulit ulit 'kong bulong sabay baba ng baraha 'ko. "Alas!
Akin na mga pusta niyo!"
"Hayy, porket may chicks ka lang!" Sabi ni Jon.

"Porket natae ka?" Ganti 'ko. "Kiba, pinapasabi ni Puti, pinadala na daw niya yung
dog food. Happy birthday daw."

"Sino si Puti?" Tanong sa'kin ni Estilo. Kanina pa siya nanonood sa amin. Buti
hindi siya nabobored.

"Wala, bestfriend 'ko lang 'yon." Ngumiti ako. "Pero mas gwapo pa rin ako."

Tumayo ako at kumuha ng ice tea saka umupo ulit sa tabi ni Estilo. Cellphone lang
siya ng cellphone. Gusto na kaya niya umuwi?

"Bored ka na?" Tanong 'ko sa kanya.

"No. Just continue."

Tumango ako at nakipaglaro ulit. "Bingo na lang kasi! Boring neto!" Reklamo 'ko pa.
Unggoy ungguyan nanaman ang nilalaro, eh! Parang bata! Porket talo lang.

"Bingo?

Eh lahat ng swerte nasayo!" Sabi naman ni Lucas.

"Siyempre, nasakin na ang lahat. Lalong lalo na ang kagwapuhan 'kong taglay.
Panalong panalo 'to, mga brad!" Napailing pa ako. "Di niyo matatalo 'to!"
Nagsitayuan sila. "Tara basketball sa likod." Pag aaya ni Kiba sabay pumunta sa
bakuran nila. May court kasi doon, eh. Siyempre sumunod ako at sumunod rin si
Estilo sa akin. Baka mapano pa 'to, eh.

Pinasa sa'kin ni Lucas ang bola. Pumunta naman ako sa gtitna at nagshoot. "Panis!!
3 points!" Pagmamayabang 'ko pa. Binato tuloy ako ni Jon at tumama sa ulo 'ko. "Ano
ba, Jon?! Naiinggit ka nanaman sa pagka-brainy 'ko, eh!"

Nang mapagod ako kakabasketball, umupo na lang ako sa tabi ni Estilo na umiinom ng
tubig. Inabot niya sa'kin ang baso at uminom rin ako. Sunod niyang inabot 'yung
panyo 'ko. "Salamat." Kinuha 'ko at pinunasan ang pawis 'ko.

"Are you always like this?" Lumingon siya sa'kin. "Playi--" Napatigil siya nang
iharang 'ko ang kamay 'ko sa gilid ng mukha niya at binato pabalik ang bola. Muntik
na siya don.

"Tangna, ingat ingat din! Pag ito natamaan, kayo tatamaan sakin!" Sabi 'ko kela
Kiba. Nagpeace sign lang ang mga loko at bumalik sa paglalaro.

Humarap ulit ako kay Estilo. "Oo, walang magawa, eh. Tutal, bakasyon naman.
Nakakabagot din sa bahay."

"Right.." Sumandal siya. "My dad and my mom were fighting again this morning. When
will I ever experience peace?"

"Palagi ka bang naglalayas?" Tanong 'ko sa kanya. "Saan ka pumupunta? Wala ka bang
kaibigan?"

"I have friends. But I just don't want to talk to them about my shitty life. You
know, girls are evil. They can use it against you."
"Hindi mo ba sila pinagkakatiwalaan? Ang tunay na kaibigan, hindi ka huhusgahan."

"I trust them. I'm just.. somehow ashamed of my life." Umiling siya.

"Alam mo ba, noong bata ako ang dami 'kong pangarap sa buhay." Ngumiti ako at
tumingin siya sa'kin. "Pero iba na talaga ngayon 'no? Ako na 'yung pinapangarap.
Hayy.. Buhay pogi."

Tinignan niya 'ko ng masama at tinapunan ako ng tubig sa may pantalon 'ko. "Bagay
sayo 'yan." Tumawa siya.

"Amp!!!!" Napatayo kaagad ako at triny 'ko punasan pero basa pa rin, eh. "May tama
ka ano?!"

"Panganib, laro da-- Whoaaa.." Napatigil

si Lucas nang makita ang pantalon 'ko. Lumingon naman sila Kiba.

"Ay p*ta! Sa bahay 'ko pa, ha!" Sabi ni Kiba sa'kin.

"I just came ang drama. Hahahahaha!" Binato 'ko ng tsinelas si Jon. Pakabastos ng
g*go! "Kaninong tsinelas 'to?"

"Kay kiba. Nginangatngat niya 'yan." Tumingin ulit ako kay Estilo.
"Sabihin mo lang Estilo kung gusto mo na hubarin 'ko yung pants 'ko, hindi 'yung
gagawa ka pa ng paraan para hindi halata." Ngumisi ako.

"What?!" Napatigil rin siya sa kakatawa niya. "Gross!"

"Nakooo.. Kung alam 'ko lang.. minamanyak mo na 'ko." Umiling iling ako.
"Magpapalit ako, baka gusto mo sumama?" Pang aasar 'ko pa.

"No way, maniac!"

"Wag ka na magpalit, matutuyo rin 'yan!" Sabi naman ni Jon. "Tara, laro na! 2 by 2
raw!"

***

Huminto ako sa paglalakad pagdating 'ko sa tapat ng bahay nila Estilo. Hinatid 'ko
lang naman dahil mag gagabi na. "Alis na 'ko?" Tanong 'ko.

"Yeah, thanks." Papasok na sana siya pero tinawag 'ko ulit siya. "What is it
again?"

"May joke ako about sa puno." Sabi 'ko.

"Ano?" Sumandal siya sa gate at tinaasan ako ng kilay. "Make sure it's worth my
time."

"Ayoko pala." Ngumiti ako. "Medyo green, eh. Hahaha!"

Kumunot ang noo niya.

"Hmm.. May secret ako about sa mayonaisse." Lalong lumaki ang ngiti 'ko. "Kaso
ayoko sabihin sayo."

"Why?" Tanong ulit niya.

"Baka i-spread mo, eh. Hahaha!" Kinagat 'ko ang labi 'ko para pigilan ulit ang tawa
'ko. "Alis na 'ko! Ingat!" Nilagay 'ko ang dalawang kamay sa bulsa 'ko at naglakad
paalis. Hindi 'ko na tinignan reaction niya. Hahaha, slow din 'yun minsan, eh.

Pagdating 'ko sa bahay, pagmumukha kaagad ni Dawn ang bumungad sa akin. Paano ba
naman, eh. Nagpagawa ng standee niya na life-size pa sa may labas ng front door
namin.

Binuhat 'ko ang standee at pumasok sa loob. "Jayden, Dash!" Sabay lapag 'ko ng
standee ni Dawn. "Bakit niyo hinahayaan 'yung aso natin sa labas?!"

Kinuha ni Dawn ang magazine at binato sa'kin. Pero dahil magaling ako, nakailag ako
at natamaan niya si Dash.

"Dawn Venice Frost!" Galit na sabi ni Dash. Bumelat ako kay Dawn sabay akbay sa
standee niya. Ang kapal din ng mukha magpagawa ng standee, eh. Pero mabuti na din
'yun. Panakot din 'to sa magnanakaw

'no.

"Itapon mo na nga 'to." Turo 'ko sa standee.

"At bakit?!" Inismiran ako ni Dawn. "Ayaw mo ba makita nila ang kagandahan ng bahay
natin dahil may magandang nilalang na nakatira sa loob?"
"May magandang lalaki na nakatira sa loob. Tama ka diyan." Nagthumbs up ako. "Okay
'tong standee mo pero wag mo ilagay sa may tabi ng front door. Nagmumukhang maid of
the day."

"Alam mo 'yang mukha mo napaka--"

"Gwapo." Ngumiti ako. "Thanks, Dawn! I like the way you think." Sabay akyat 'ko sa
kwarto 'ko. Tapos na ang mission 'ko na sirain ang gabi ng kapatid 'ko.

Dumapa ako sa kama at nagtwitter.

@yelongpanganib: Para akong hininga.. palaging hinahabol. ;-)

@midnightfrost: @yelongpanganib, para kang hininga. mabaho.

Ay lintek, blinock 'ko na 'to, ah?! Hinack nanaman niya siguro twitter 'ko at
inunblock ang sarili niya. Pumunta agad ako sa profile niya. "Block midnightfrost.
Yes."

'Talaga, Panganib! Pati nga ako hinahabol habol ka, eh.'

'Pwede bagalan mo pagtakbo mo, para naman maabot na kita.'

'Hahayaan

mo rin ba akong maghabol sayo? :)'


Ang daming reply. Bumalik na lang ako sa timeline 'ko, alangan replyan 'ko pa isa
isa. Ang mga gwapo kaya, tamad.

@kaizenstyle: April Fools tomorrow.. My whole life is a joke tho.

Weh? April Fools na bukas?

Lumabas kaagad ako ng kwarto 'ko at nagmadaling bumaba sa may hagdan. "BIRTHDAY NA
NI DAWN BUKAS!" Sigaw 'ko. "KASI ISA SIYANG MALAKING JOKE. HAHAHAHA." Sabay balik
'ko sa kwarto 'ko bago pa tumama sakin ang standee ni Dawn na siya mismo ang
nagbato. Powerful si Ate.

@yelongpanganib: @kaizenstyle Tulog na!! Eksdi.

@kaizenstyle: @yelongpanganib I'm not sleepy.

@yelongpanganib: @kaizenstyle Tawagan kita, may sasabihin akong importante.

Hindi siya sumagot kaya tinawagan 'ko na siya sa phone.

{Why?} Bungad niya.


"Gusto mo makarinig ng joke?" Tanong 'ko.

{Yeah?}

"JOKE. HAHAHAHAHA." Sabay baba 'ko ng phone. Wala akong magawa, eh. Halos lahat
sila tinawagan 'ko para sabihin 'yun. Sunod sunod na text ang nareceive 'ko.

Puro mura.

***

"KUYAAAAAAAA!!!" May sumampal sa'kin kaya bigla akong napabangon. Ang dilim pero
kita 'ko ang mukha ni Dawn. "KUHANIN MO NA MGA GAMIT MO MAY SUNOG!!!" May hawak
siyang karton na punong puno ng damit niya.

"HA?!" Napatayo kaagad ako at dahil bangag ako, sumabit 'yung paa 'ko sa kumot at
nadapa ako sa sahig. "SAAN?! SINONG NABUNTIS?!" Tanong 'ko.

"SUNOG KAKO!!! DALIAN MO NASA LABAS NA SILA MAME!!" Sinampal sampal niya pa ako
para magising ako.

Tumayo kaagad ako kahit nakasabit pa ang kumot sa paa 'ko. Kinuha 'ko ang cellphone
at wallet 'ko sabay takbo 'ko pababa ng hagdan. Napakadilim pa at walang tao.
Nakaboxers lang ako at wala akong pang itaas.

"BOO!"
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!!"

Nalaglag ako sa hagdan at bumagsak ako sa sahig.

"APRIL FOOOOOLS!!!" Tuwang tuwang sabi ni Dawn. "HAHAHAHAHA-HA-HA..HA.." Napatigil


siya sa kakatawa at binuksan ang ilaw. "KUYA!! ANONG NANGYARI SAYO?!"

"King ina, Dawn.. T-tumawag ka ng ambulansya." Sabi 'ko habang nakahawak sa ulo
'ko.

"KUYA! DUGO! WAAAH! DUMUDUGO, KUYA! TEKA! MAMEEEE!! DADEEEEE!!! MAMAMATAY NA SI


KUYA!!!!" Tumakbo paakyat si Dawn at kinatok ang pinto nila Jayden.

____________________________________________________________________________

Wala man lang akong ginawa noong April Fools. Hay. :(

Janella Salvador as Dawn Venice nga pala. Multimedia.

=================

DS 9 ~ April Fools

Double Update!

Danger's POV

"MAMAMATAY NA SI KUYAAA!! MAME, DADEE!" Kumatok ulit si Dawn sa kwarto nila Jayden.
Agad namang tumakbo pababa sila Jayden at lumuhod sa tabi 'ko. "MAME, ANG TANGA NI
KUYA NAHULOG SA HAGDAN!"
"DANGER, OKAY KA LANG?! AMBULANSYA, DAWN! DALIAN MO!" Sigaw ni Jayden. Tatayo na
sana si Dawn pero naunahan 'ko siyang tumayo.

"April fools!" Tuwang tuwang sabi 'ko sabay punta sa CR para hugasan ang red na
powder sa may buhok 'ko. Akala ba ni Dawn hindi 'ko alam 'yang pinaplano niya? Mas
matalino ako sa kanya 'no! Hahaha! Pagkababa 'ko agad akong binatukan ni Jayden.

"Walanghiya ka talaga! Pinakaba mo kami!" Sabi ni Jayden.

"Sinayang mo tulog 'ko, eh." Umiling iling si Dash at umakyat sa taas. Tawa lang
ako ng tawa at si Dawn ang sama ng tingin sakin. Kami na lang natira sa baba.

Tumingin ako sa orasan. 3:30 AM. Walanjo talaga 'tong si Dawn kung mang gising, eh.
"Ano? Naloko ka 'no?" Ngumisi ako.

"Bwisit ka! Gaganti ako!" Napapadyak siya at umakyat sa kwarto niya. Sayang naman
'yung kahon niyang props sa sunog kuno niya.

Umakyat ulit ako sa kwarto 'ko at nagsuot ng t-shirt. Umupo ako sa dulo ng kama 'ko
at nagisip ng prank kay Kiba, Jon at Lucas. Isama niyo na rin si Estilo.

May

prank na 'ko kay Daddy at Mommy. Puahahaha, mamaya sila sakin. Pinaghandaan 'ko
kaya 'tong April fools kagabi.

Habang nag iisip ako narinig 'ko ang napakalas na tili ni Dawn. Pinigilan 'ko ang
tawa 'ko sa narinig 'ko. Siyempre, kalokohan 'ko ulit 'yun.

"GAGANTIHAN TALAGA KITA DANGER JAIRUS FROST! PAGKATAPOS MO LAGYAN NG PAGMUMUKHA NI


SADAKO 'TONG TOILET BOWL 'KO!!!" Rinig 'kong sigaw ni Dawn sa labas ng pinto 'ko.
Hindi lang 'yan ang ginawa 'ko, Dawn..

Tumawa ulit ako at natulog. Gumising ako ng mga 7:30 at bumaba sa kusina. Binuksan
'ko ang ref at kinuha ang cereal na pinatigas 'ko sa freezer at nilapag sa may
lamesa. Nilagyan 'ko ulit ng gatas.

Sakto, bumaba si Dash.

"Aga mo, ata?" Sabi niya sa'kin sabay upo sa mataas na lamesa.

"Hindi ako nakatulog, eh. Gusto mo?" Alok 'ko sa cereal. "Kukuha na lang ulit ako."
Ngumisi ako pagkatalikod 'ko at kumuha ng panibagong bowl. Umupo ako sa tabi ni
Dash at pinanood 'ko siya kumuha ng kutsara.

"King ina ka, Danger!" Bumaba kaagad ako ng upuan sabay takbo 'ko sa living room
habang tawa ako ng tawa. Baka ibato pa niya sa'kin 'yung yelo niyang cereal.
Hahaha!

"Bakit ang ingay?" Bumaba si Jayden at pumunta sa kusina. Ngumiti ako. "Nasan 'yung
air freshener?" Gawain niya 'yun, eh. Gusto niya mabango 'yung bahay.

"Eto!" Kinuha 'ko ang air freshener or should I say.. Air horn, at binigay sa
kanya. Binalutan 'ko pa 'yun para magmukhang air freshener na di-spray.

Kinuha niya sa kamay 'ko at tinakpan 'ko kaagad ang tenga 'ko.
*EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEENGGGGGGGGGGGG

"PUNYETA!!!!" Binitawan ni Jayden 'yung air horn. Napahawak siya sa dibdib niya.
"DAAAASH!! ANO BANG GAGAWIN NATIN SA ANAK MO NA 'TO!!!" Reklamo niya sabay pasok sa
kusina.

Tawa ulit ako at kinuha ang cellphone 'ko. Tinawagan 'ko sila Jon, Lucas at Kiba
para pumunta dito at maglalaro kami ng Xbox. Nilagyan 'ko 'yung front door namin ng
papel. Nakalagay 'Sira ang doorbell. Sumigaw na lang ng Ding dong'

Sunod 'ko namang tinawagan si Dawn. Maya maya, galit siyang naglakad pababa at
huminto sa harap 'ko. Nakapamewang siya at pinakita sa akin ang cellphone niya na
punong puno ng rubber band.

"Ano?" Nagpatay malisya ako.

"BAKIT MO NILAGYAN NG MGA RUBBER BAND?!" Sigaw niya.

"Edi tanggalin

mo. Hahaha!" Ang dami pa naman nun. Inis niyang kinuha ang air horn at pinindot sa
tapat ng tenga 'ko. "AHH!!" Napahawak ako sa tenga 'ko. Para akong nabingi.

"Huh! Mamaya ka sa'kin." Ngumisi siya at umakyat sa taas. May pinaplano nanaman
siya. Hindi ako takot 'no!

Biglang tumunog ang phone 'ko at sinagot 'ko kaagad ang tawag ni Estilo. {...}
"Hello?"

{...}

"Huy. Bakit?"

{..S-st..}

"Ano?" Napatayo ako. "Magsalita ka, huy. Okay ka lang?"

{..ranger.. come.. here..} Yung boses niya nanghihina na ewan. Kinuha 'ko kaagad
ang sapatos 'ko at sinuot. {..please.}

Tumakbo ako papunta kela Estilo. Kinatok 'ko ng kinatok ang front door at napansing
nakabukas ito. "STYLE!" Sigaw 'ko. Walang sumagot.

Umakyat ako at napansin 'ko ang mga bakas ng dugo sa sahig. Sinundan 'ko at
binuksan ang pinto ng CR. Halos mahimatay ako nang makita 'ko na puro dugo ang CR.

Meron sa pader na bakas na kamay na pababa. Meron rin sa salamin at merong blade sa
may bathtub. Lumabas kaagad ako ng CR at hinabol ang hininga 'ko.

"STYLE!"

Sigaw 'ko ulit. "NASAN KA?!"

Huminto ako sa tapat ng kwarto niya at kinatok ng kinatok. No choice, binuksan 'ko
na at bigla na lang akong nabagsakan ng baso ng malamig na tubig.
"APRIL FOOLS, STRANGER!" Tuwang tuwa siyang bumaba ng kama at lumapit sa'kin.
"HAHAHAHA, LOOK AT YOU!" Pinicture-an niya ako.

Akala 'ko ako na ang hari ng pranks ngayon.. "Basa na 'ko!" Reklamo 'ko. Inabutan
niya naman ako ng twalya at tinulungan punasan ang buhok 'ko. "Kinabahan ako,
Estilo. Akala 'ko.."

"What?" Umupo siya sa kama niya.

"Akala 'ko.." Bumuntong hininga ako. "..nagpakamatay ka na."

Nagulat siya sa sinabi 'ko at ngumiti ng malungkot. "Well.. that's not impossible
tho." Nahugot 'ko ang hininga 'ko. "But don't worry. I'll let you know first so you
could stop me."

Tumango ako. "Wala kang kasama? Nasa trabaho magulang mo?"

"Yes." Sabi niya. "You want to go for a walk?"

"Basa ako, oh." Turo 'ko sa sarili 'ko. Hindi naman ako masyadong basa pero 'yung
buhok 'ko at yung balikat ng t-shirt 'ko, basa.

"Can't you feel

it?" Natatawang tanong niya.

"Ano?"
"Your hand.. Haha!"

Tumingin kaagad ako sa kamay 'ko na napakalagkit. Walanjo! Nilagyan ng peanut


butter 'yung door knob niya. Bakit hindi 'ko napansin 'yun?!

"Saan CR?" Tumayo ako at pumasok sa tinuro niyang kwarto. Hinugasan 'ko ang kamay
'ko at tumingin sa salamin. "Ay shet." Napatakip ako sa bibig 'ko. "Napakagwapo mo
naman!"

Tumingin ako sa mga gamit ni Estilo dito sa CR niya. Mga shampoo, sabon,
toothbrush, toothpaste. May nakita rin akong blade. Kinuha 'ko at lumabas. "Estilo,
itatapon 'ko na 'to, ah." Turo 'ko sa blade.

Nanlaki ang mata niya. "W-why?"

"Obvious ba?" Binuksan 'ko ang bintana at binato sa malayo saka 'ko sinara ulit.
"Para hindi ka na maglaslas. Ako nag aalala sayo, eh."

Ngumiti siya. "Okay, sir."

"Uuwi muna ako samin." Pagpapaalam 'ko. "Text kita mamaya." At lumabas na 'ko ng
bahay nila. Siyempre, nilock 'ko ulit para safe siya doon.

Nasa tapat pa lang ako ng bahay namin naririnig 'ko na ang sigaw nila Jon.

"DING DONG!!! DING DONG!!"


Tawa ako ng tawa habang palapit ako. Mga uto-uto talaga, eh. Lumapit ako at
tinanggal 'ko ang papel sabay pindot sa doorbell.

"AY P*TA GUMAGANA PALA." Sabi ni Kiba.

"Halos mamalat na kami dito kakasigaw!" Reklamo naman ni Jon.

"King inang April Fools 'yan! Mukha mo pa lang naman, Panganib, joke na, eh!"
Babatukan 'ko 'tong si Lucas, eh.

"Pasok." Binuksan 'ko ang pinto at pumasok kami. Dumeretso kaagad sila doon sa play
room at ako, kumuha ng soda in can. Apat na pepsi. Isa sa akin, siyempre.

Pero nilapag 'ko muna sa table at binaliktad 'ko 'yung bukasan. {Multimedia}
Kinagat 'ko na lang ang labi 'ko para pigilan ang tawa 'ko pagpasok 'ko ng play
room. "Inom muna kayo mga tol." Nilapag 'ko ang mga pepsi sa may lamesa.

Tumayo naman sila at nagsikuhanan. Ako, prenteng umupo ako sa couch, habang sila,
hirap na hirap sa pagbukas ng pepsi. Aalugin 'ko nga sana kaso magkakalat lang
dito.

"Abnormal ba 'tong pepsi niyo at ayaw mabuksan?!" Reklamo ni Kiba.

"Pinipikon na 'ko neto, ah!" Sabi naman ni Jon.

"Tanga, baliktad. Bobo!" Sa wakas, napansin na rin ni Lucas. Limang minuto na ata
nilang binubuksan 'yon, eh. Nakakaawa. Hahaha! "Effort ka talaga sa April Fools
ano, Panganib? Yearly mo na ata kaming pinaprank, eh."

Nagsimula na silang maglaro ng kung ano ano. Parang arcade kasi 'tong playroom. Um-
order din ang mga loko ng pizza.

Bumaba ako para kuhanin 'yung mga basong binutasan 'ko sa may taas paikot para
kapag ininom, tutulo. Kinuha 'ko rin ang isang 1.5 na bote ng royal at umakyat
ulit. Dala dala 'ko na 'yung pizza.

"Pahinga muna kayo diyan. Andito na 'yung pizza." Sabi 'ko. "Ayan 'yung baso. Ang
magkalat, baog, ah."

Sila, nagkuhanan ng baso at ako naman binuksan 'ko na ang pizza at pinaliguan ng
hot sauce. Pinaliguan 'ko talaga para kawawa sila.

"AY PUTANG--!" Napahawak kaagad si Jon sa tshirt niya nang matapunan ng royal.
Kawawa, sa kanya natapat 'yung butas na baso.

"Ohoy, alam na kung sino ang baog." Bulong 'ko kay Kiba. Tumawa siya at siniko ako.
"April fools, pare. Eto tissue." Inabutan 'ko siya ng tissue at umiling na lang
siya. Tinignan pa 'yung tissue, eh! Akala mo naman may ginawa rin ako don. Hahaha!

"Tabi diyan, gutom na 'ko." Hinawi kami ni Lucas at kumuha ng isang slice ng pizza
sabay kagat. Iniwas 'ko kaagad ang tingin 'ko at kumain rin ng akin. Sanay na ako
sa maanghang.

Kinuha 'ko na ang bottled water.


"AAAAHHH T*NG INA KA PANGANIB!!! HUBEG!!!!"

***

Lumabas kami ng playroom at bumaba para magbasketball sa may barangay nila Jon.
Bago 'ko pa masuot ang sapatos 'ko, napamura kaagad ako. "DAWN!" Sigaw 'ko sabay
kuha ng sapatos 'ko na bali-baliktad ang sintas.

"Tol, pati sapatos namin dinamay ng kapatid mo." Sabi ni Kiba. Ganun din sa kanila.
Yung ribbon nasa kabilang dulo. Punyemas. "Lintek na April Fools. Palagi na lang
kaming nabibiktima, ha."

Natagalan pa kami bago ayusin ang sintas dahil napakahigpit ng ginawa ni Dawn.
Nilagyan pa ata ng glue at ang lagkit sa kamay. Napakadugyot talaga nun, eh!

Kinuha 'ko ang susi ng Ford CD4 para kasya kaming apat. Sumakay kami at nagdrive
ako papunta sa may barangay nila Jon.

"Anong first name ni Janno?" Tanong ni Lucas habang nagdadrive siya. Oo, siya
pinagdrive 'ko dahil tinatamad ako.

"Ano?" Tanong ni Kiba.

"Eduman. Hahahaha! Eduman Janno. HAHAHAHA." Parang gusto 'kong balutan ng tape
'yung bibig ni Lucas.

"Ako naman. Anong first name ni Keno?" Tanong naman ni Kiba.


"Alam 'ko na 'yan! Krisa? Krisa Keno. HAHAHAHA!" Tumawa si Jon sabay batok kay
Kiba. "Ugok. Anong first name ni Nemo?"

"Sarahgero. Ano? Sarahgero Nemo?! Napakacorny!" Umiling ako. "Anong apelyido ni The

Rock?"

"Ano?" Sabay sabay pa sila.

"Obama. Hahaha! The Rock Obama. HAHAHAHA!" Hininto ni Lucas ang sasakyan at
binuksan ang pinto 'ko.

"Labas!" Utos niya.

"Kotse 'ko 'to, pre.." Pagpapaalala 'ko.

"Oo nga pala. Haha!" Sinara niya ulit at nagdrive. Mga bwiset 'to! Ang havey havey
'ko, eh! Tsk. "Astig, ah. Nakasunod pa rin satin si Kuya Ricky."

Kailan ba 'ko papakawalan niyan? Haha, bodyguard 'ko kasi 'yan, eh. Kung nagtataka
kayo. Butler kung baga. Parang ganon na ren.

***

Umupo ako sa may bench at uminom ng tubig. Nagbabasketball kami kalaban namin 'yung
mga lalaki na taga-barangay din nila Jon. Mga mayayabang na kasing edad lang namin.

"Ano? Kaya pa?" Pang aasar nung isa.


"King ina, pigilan niyo 'ko. Tatanggalin 'ko ngipin niyan." Bulong 'ko. Bungi, eh.

"Isa pa!" Sabi naman nung isa. "Walang sukuan. 2-2 na, eh. Isang laro pa para
malaman na kung sino talaga ang magaling."

Mukha 'ko pa lang, walang wala ka na.

"Wag kang mayabang." Maangas na sabi ni Kiba. Tapang ng aso 'ko.

Kinuha 'ko ang phone 'ko. Walanjo, pupuntahan daw ako ni Estilo! Bahala siya. Pikon
na pikon na ako dito sa limang lalaki na 'to, eh. Apat lang kami tas lima sila.
Partida.

"Hindi kami mayabang, pare. Laro na." Pinasa nung isa kay Kiba 'yung bola. Nagtiim
bagang siya at sinenyasan kami na makipaglaro na ulit.

Binakuran 'ko 'yung lalaking may kulay 'yung buhok. Nagmukha lang siyang taga
tabing-dagat. Ang baho pa! "Galing bumakod, ah." Pang aasar niya sa'kin. "Mas
matangkad ka sakin pero mas magaling ako sayo."

"Mas matangkad ako sayo at mas gwapo ako sayo. Mas mabango pa ako kaya talo ka pa
din." Sinabi 'ko talaga 'yun, 'no! Pitikin 'ko ano niya, eh.

Pinasa sa'kin ni Lucas ang bola at agad akong tumalon para ishoot. Pagkababa 'ko,
sumigaw kaagad si Jon.
"PANGANIB! GIRLFRIEND MO!"

Lumingon kaagad ako kay Estilo na naglalakad palapit. Sumenyas ako ng time out muna
tapos nilapitan 'ko siya. "Tinotoo mo talaga?"

"Yeah." Tumango siya. "You're playing basketball, again?"

Naglakad kami papunta sa may upuan kung saan nandoon mga gamit namin. "Oo. Diyan ka
lang. Hintayin mo matapos 'tong laro."

Bumalik ako sa court at napansing nakatingin sila kay Estilo. "Game." Sabi 'ko.
Kinuha na ulit ni Lucas ang bola at nagshoot tapos napunta na kay Boy Maangas,
pinasa niya kay Boy Bungi na nasa may gilid malapit kay Estilo.

"Ah!" Napahawak si Style sa ulo niya ng tamaan ng bola. Lumapit naman si Boy
Maangas kay Estilo.

"Sorry, Miss. Okay ka lang?" Hinawakan niya 'yung ulo ni Style.

Nilagay 'ko ang dila 'ko sa pisngi 'ko. Halata namang sinadya 'yun ng g*go! "Balik
na sa laro!" Sigaw 'ko.
Kinuha na ulit ni Boy Bungi ang bola at nagshoot, hindi pumasok. Rebound. Tapos
nakuha ni Jon kaya tumakbo sa kabila at boom. 3 points ang loko.

"Girlfriend mo?" Tanong ni Boy Maangas sa akin habang hinaharangan niya 'ko.

"Anong pakealam mo?" Pagsusungit 'ko.

"Maganda.. Lakas ng charms.. Sexy." Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Ituloy niya pa,
mauuwi sa sapakan 'tong basketball. "Malaman, ah? Nakama mo na ba?"

"DANGER!!!"

Tumingin ako kay Boy Maangas na nasa sahig at dumudugo ang labi. "Kahit hindi 'ko
girlfriend 'yun, babae pa rin 'yon. Hindi sila minamahal para ikama at hindi sila
ikakama para mahalin. Rumespeto kang gago ka habang may pasensya pa 'ko sayo."

____________________________________________________________________________

Hot hot. Hihihi. Makaka10 chapters na pala agad tayo. Astig.

=================

DS 10 ~ Loyalty

Danger's POV

"Wag kang masyadong magpakabanal, pare!" Tumayo si Boy Maangas at tinulak ako.
Umatras lang ako at tinignan siya ng masama.

"Hindi ako nagpapakabanal. Sinasabi 'ko lang ang totoo. Magkaiba tayo mag isip."
Ganti 'ko. Lumapit siya sa'kin at pinunasan ang dugo niya sa labi.

"Wait! Pause! Kuha ako popcorn!" Sigaw ni Jon. Hindi na ako nag abala tumingin sa
kanya.

"Hindi niyo ba pipigilan si Panganib?" Rinig 'kong tanong ni Lucas kay Kiba at Jon.
"Mapanganib 'yan, hoy. Baka pumatay 'yan. Haha!"

"Yun nga ang maganda, eh. Alam niyo naman na kaya niya 'yan." Sabi ni Kiba.

Umiling lang ako. "Ayoko ng sapakan dahil nanonood si Estilo. Isang sapak ka lang,
okay na." Tinalikuran 'ko siya at pumunta sa pwesto ni Style. Kinuha 'ko ang gamit
'ko at hinatak siya paalis. "Ikaw na bahala sa kotse 'ko." Bulong 'ko kay Lucas
bago ako umalis.

Umupo ako sa tabi ng tindahan ni Ate Grasya habang umiinom ng pepsi. Si Estilo
naman nasa tabi 'ko pero hindi siya nagsasalita.

"Wag mo na isipin 'yon." Sabi 'ko sa kanya nang kumalma na ako. "Sabi niya kasi mas
gwapo siya sa'kin kaya sinapak 'ko. Big deal, eh. Ayoko sa mga sinungaling. Haha."

"Really? Yun lang ba?" Tanong niya pa. Mukhang hindi ako pinagkakatiwalaan neto,
ah. Hahaha, pero hindi naman talaga dapat dahil nagsinungaling ako. "You wouldn't
be so mad just because of that."

Alangan sabihin 'ko na pinagnanasaan siya nung lalaki? Matakot pa siya. "Wala nga.
Trust me, nagplanax ako."

Ngumiti siya. "Don't lie to me, Danger. I'm treating you as a friend."

Na-boom panes ako dun, ah. Don't lie to me daw, eh wala akong ginawa kung hindi
magsinungaling sa kaantasan 'ko sa buhay. Wow, so deep nakita 'ko si Adele na
nagroroll. "Hindi 'ko mapapangako sayo 'yan."
Tama, tama. Hindi ako mangangako na hindi ako magsisinungaling sa kanya. "Okay,
fine. That was given. But.. I want you to.." Hindi niya tinuloy.

"To ano?" Pagpilit 'ko. "Sabihin mo na."

"To stay loyal to me." Yumuko siya at pinaglaruan ang daliri niya. "You said I'm
not alone because I have you. You're my only friend who knows about my current
situation.."

Ngumiti ako sa kanya. "Wag ka mag alala, Estilo. Hindi ako madaldal. Hindi 'ko
ipagsasabi kahit kanino kung gaano ka-bullsh*t ang buhay mo."

Tinignan niya ako.

"Hindi kita tatraydurin di gaya ng ibang kaibigan diyan sa tabi tabi." Ngumisi ako
at kumain ng fishball. "Safe ka sa panganib. Loyal ako sayo, pramis."

"Thanks." Ngumiti siya. "I've already mentioned my friends in front of you, right?"
Tumango ako. "They're girls. Four kaming magkakaibigan but the other one is in the
hospital."

"Hospital?" Para akong kinilabutan. Ayoko sa mga hospital.. Trauma. "Sige, tuloy mo
lang." Kahit nagzone out ako ng konti.

"My mom is a doctor, right? Siya ang nag aalaga sa friend 'ko so no worries. Hmm..
And 'yung dalawa naman, magkaaway kami ngayon, eh."

"Ha? Bakit?"
"My fault. Sa sobrang galit 'ko sa parents 'ko that time, pati sila nadamay 'ko."
Umiwas siya ng tingin. "I'm too busy with my shitty life.. hindi 'ko na sila
naiisip. I'm too scared.. kapag nagkita ulit kami they will ask me some questions.
Why? How? What? And I feel like.. I'm running away from them."

Umiling ako. "Ganyan siguro talaga mag away ang mga babae, 'no? Kaya minsan
nakakatakot galitin ang babae." Tumawa ako.

"Really."

"Ang maipapayo 'ko lang.. Trust them if they're worth your tust. Ganun lang kadali
'yon. Pero wag basta basta magtitiwala. Sabi 'ko nga, madaming traydor ngayon."
Tumayo ako at tinulungan 'ko siya tumayo.

"Where are we going?" Tanong niya sa'kin.

***

"Kuya!!!" Nagtakbuhan kaagad palapit sa'kin ang mga bata pagkadaan 'ko sa eskinita.
Nandito ulit ako sa bakanteng lugar kasama sila.

Nagbend ako pababa para guluhin ang mga buhok nila. "Kamusta? Hindi ako nakapunta
kahapon, ah. Ay oo nga pala.." Lumingon ako kay Estilo na halatang hindi mapakali.
"Si Estilo nga pala, kaibigan 'ko."

"HELLO ATE ESTILO!" Sabay sabay na sabi nila. Tumawa tuloy ako at umupo. Lumapit
naman sa akin si Estilo na naka cross arms.

"I don't like children." Inis na sabi niya.

Ngumiti lang ako. "Bat naman? Paano tayo magkakaanak niyan?" Banat 'ko pa sabay
"Joke lang." Kasi tinignan niya 'ko ng masama.
"I'm serious. I don't like children.. They are too thirsty for attention and it
annoys me."

Ang laki naman ng galit netong si Estilo sa mga bata. Akala mo dati hindi siya
naging bata, eh. Pero naiintindihan 'ko naman.

"Pasensya na kayo sa kanya, ha. Wag niyo na lang pansinin."

Sabi 'ko sa mga bata sabay lapag 'ko ng plastic na puro pagkain. Binigyan 'ko sila
isa isa para patas. "Ano sasabihin?" Sabi 'ko kay Heidi pagkaabot 'ko ng pagkain.

"Napakagwapo mo po, Kuya. Salamat po."

"Kuha!" Buti naman at sinusunod nila ang sinabi 'ko. Puahaha! "Galing mo Heidi.
Heidi Wow. Hahahaha!" Weh, mais.

"What are you? Sagip Kapamilya?" Natatawang tanong ni Estilo sa'kin. "You like
children that much?"

Binaba 'ko ang camera 'ko at tumingin sa kanya. "Hindi naman.. But I like to see
their smiles." Sabay kuha 'ko ulit ng litrato.

"You didn't answer me the last time I asked why." Lumapit siya sa'kin. "Why,
Danger?"

Umiling lang ako at hindi siya pinansin. Pinagpatuloy 'ko ang pagkuha 'ko ng
litrato. "Knock knock." Sabi 'ko sa mga bata.

'Who's there?" Sabay sabay na tanong nila.

"Melon."

"Melon who?"

Umubo ako. "Melon.. melon sinta.. Buko ng papaya. Hahahaha! Mais." Pero natawa
sila, ha. Mga bata talaga ang babaw ng kaligayahan. "Knock

knock."

"Who's there?"

"Lady Gaga."

"Lady Gaga who?"

"Ehem.. Kung lady gaga ka.. sa piling ng iba. HAHAHAHAHA." Bwiset, ako natawa sa
sarili 'kong joke. Siyempre, sino pa bang tatawa sa joke 'ko kundi ako. Kapag
havey, edi masaya.

"Please, shut up, Stranger." Inirapan ako ni Estilo.

"Wag ganyan! Nasasaktan ang ego 'ko." Sabay hawak sa dibdib. "Tumawa ka naman. Be
supportive. Diba Rey?" Sabi 'ko sa bata. "Alam 'ko apelyido mo."
"Ano po?"

"Pinyoko. Hahahaha! Joke lang." Bata pala 'to. Medyo baboy. Buti hindi niya nagets
kundi lagot ako neto.

"Mauna na kami, ha? Heidi, Rey, Ari, Joanna, Juan, Anne, Gwy Ganda, Jun, Louis,
Keanna, Angel, Marie.. and friends. Una na kami!" Ngumiti ako bago 'ko hinatak
paalis si Estilo. Naglalakad kami papunta kela Jon.

"Knock knock." Hindi ako natinag. Kailangan 'ko patawanin si Estilo! "Huy, knock
knock."

"What?!"

Halatang 'so-done-with-your-knock-knock-jokes' ang mukha niya.

"Fire apoy." Havey 'to. Sana.

Tinaasan niya 'ko ng kilay. "Fire apoy who?"

"If fire apoy.. I think I could understand.. How it feels to love a girl, I swear
I'd be a better man. Hahahaha!" Halatang pinipigilan niya 'yung ngiti niya. "Ngiti
na 'yan!"

Umiling siya at nakarating na rin kami sa tapat ng bahay nila Jon. Pagkapasok namin
sumigaw kaagad si Lucas. "Nandiyan na ang Panganib!"

"Kamusta date?" Pang aasar ni Kiba.


"Timing ka, bro. Joke time kami ngayon." Sabi ni Jon.

Umupo kami ni Estilo. "Araw araw naman joke time mukha mo, pare." Sabi 'ko sabay
tawa. "Deh, loko lang. Sige nga. Parinig ng mga jokes niyo. Kapag ako hindi natawa
diyan, ah."

"Ako muna. Knock knock." Panimula ni Lucas.

"Who's there?" Tanong 'ko.

"Who hu."

"Who hu who?"

Tumabi sa'kin si Lucas at nilagay ang kamay sa balikat 'ko. "Wag ka na umiyak
pare.. Tahan na." Nang marealize

'ko na, tinulak 'ko siya paalis.

"Ul*l! Chansing ka nanaman."

"Ako na ako na!" Sabi ni Kiba.

"Kiba, kalma lang. Stay."

"Knock knock. Tikoy." Hindi pinansin 'yung pang aasar 'ko. Tuwang tuwa siguro
talaga siya sa knock knock niya, eh.
"Tikoy who?"

"Parang tikoy yata kaya.. pag sa buhay ko'y wala ka." Pigilan niyo 'ko, hahampasin
'ko ng kahoy 'tong si Kiba. "HAHAHAHA, PANIS."

"Ayoko na!" Sabi 'ko. "Waley lahat!" Pero natawa 'ko sa loob-looban 'ko. Secret
lang 'yon.

"Teka, ako pa! Duga naman!" Sabi ni Jon. "Knock knock! Chicken!"

"Chicken who?" Bored na pagkakasabi 'ko.

"I'm chicken bout how.. people fall in love in mysterious ways.."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA GUTOM LANG YAN PARE." Kinuha 'ko 'yung unan at binato
sa pagmumukha niya. "Wala bang nakakatawa diyan?"

"Knock knock.." Tumingin kaming lahat kay Estilo. Aba, himala. Nahihiya pa siya at
pinapaglaruan ang daliri niya.

"TARA UWI NA TAYO, ESTILO."

Tumayo ako at hinatak siya patayo. Sinimangutan niya 'ko.

"But I have a knock knock joke!" Reklamo niya pa. "Danger!!!" Inis na sabi niya
nang hatakin 'ko na siya palabas.

"Wag ka na magknock knock." Natatawang sabi 'ko. Naiimagine 'ko pa lang..


kinikilabutan ako, eh. Hahahaha! "Hindi bagay, I swear."
Inirapan niya 'ko at sumakay kami ng jeep pauwi. Hinatid na ni Lucas sa bahay 'yung
kotse o kaya naman si Ricky boy ang naghatid. Ewan.

"Bayad ho." Inabot 'ko sa driver ang bente. "Dalawa ho. Isang gwapo."

"Saan 'yung bente?" Tanong ni manong.

"Kakabigay 'ko lang ng benta nawala niyo na po kaagad?" Hala siya. Sayang naman
'yung bente. Pinaghirapan 'ko rin 'yon.

"Saan kako galing yung bente, iho?" Tanong ni manong.

"Sa bulsa 'ko ho." Ano kaya 'yon? Itatanong pa kung saan galing. Sa brief ba?

"Saan kayo galing?"

"Diyan lang po nakipagbasketball tapos sa bahay ng kaibigan 'ko nakipag joke joke
tapos umuwi na ho kami kaagad."

Napakachismoso ni manong. Badtrip.

"Saan kako kayo sumakay?"

"Hindi ba sa jeep

niyo?"
"Saan kako kayong lugar sumakay?"

Ahh, yun pala. "Sa malaya p--" Hinawakan 'ko kaagad bewang ni Estilo nang biglang
pumreno 'yung jeep. Bastusan! "Okay ka lang?" Tanong 'ko.

"Y-yeah." Umiwas siya ng tingin.

"Sa malaya po kami galing." Ulit 'ko kay manong driver. Maya maya, napupuno na
'yung jeep. Mayrong nagkekwentuhan na sobrang ingay, merong nakaheadphones, merong
nagsesenti sa may tabi ng pinto, meron ding may dala ng napakaraming pinamili sa
palengke at meron ding gwapo.

Siyempre, ako 'yon.

"Saan ulit ang baba nung bente?" Tanong nanaman ni manong sa'kin.

"Naglalakad ba?" Bulong 'ko. "Diyan po sa may Night Village."

Maya maya, hininto na 'yung jeep at bumaba na kami. Sinira ni manong 'yung gabi
'ko, ah! Badtrip! "Thanks, Stranger." Sabi ni Estilo pagkatapos 'ko siya ihatid
ulit sa bahay nila. "Loyalty." Pagpapaalala niya.

"Oo. Makipagbati ka na nga pala sa mga kaibigan mo." Sabi 'ko. "Nakaaway mo rin
'yung kaibigan mo sa hospital?"

"No. Sky is not included."


"Sky?" Ulit 'ko.

"Why?"

Ngumiti ako. "Wala, naalala 'ko lang yung langit. Gabi na pala. Bye na." Hinintay
'ko siya makapasok bago ako umuwi sa amin. "Langya, distracted ka nanaman!" Reklamo
'ko sa sarili 'ko pero mas nakakadistract pa rin talaga ang standee ni Dawn sa may
front door.

Pumasok ako sa loob. "Sabi nang itapon na 'to, eh!" Turo 'ko sa standee.

"KUYA, CHAT MO DAW SI KUYA XYRIS PAGKAUWI MO." Sabi ni Dawn habang nanonood ng TV.
Umakyat ako sa kwarto 'ko at kinuha ang phone 'ko.

Nagyeyelong Panganib: Problema, tol?

Xyris White: May sasabihin ako.

Nagyeyelong Panganib: Ano? Na nababakla ka na sakin? Alam 'ko yon.

Xyris White: Hindi yun. Seryoso.

Nagyeyelong Panganib: Ano nga?

Xyris White: Panganib!! Pauwi na 'ko ng Pilipinas!!! :)))))


____________________________________________________________________________

Haruuuu. Napakawaley. Nauubusan na ako ng jokes guys paano na ito. Hahahaha!

Tumawa kayo sa mga jokes pls benta sakin, eh. Hahahahahaha! Eksdi.

=================

DS 11 ~ April 2

{Medyo SPG mga Fifi. Hahahaha!}

Danger's POV

Nagyeyelong Panganib: WEH?! TOTOO?! SUSUNDUIN KITA! NASAAN KA NA?!

Xyris White: Pare, April Fools. Hahahaha! X))

Nagyeyelong Panganib: Siraulo. Namo!! Porket gwapo ako, niloloko mo na ako.


Manloloko ka talaga, Xyris. Break na tayo.

Xyris White: Sorry na baby. ;) Miss mo lang ako kaya gustong gusto mo na umuwi ako
diyan, eh.

Nagyeyelong Panganib: Teka, nasusuka na 'ko. Kailan uwi mo? Seryoso! Miss ka na
namen, bh0xsz!

Xyris White: Matagal-tagal pa pero this year, uuwi ako. Pangako 'yan! :))) May
kailangan ako balikan, eh.

Nagyeyelong Panganib: May nakalimutan ka? Hahaha, may tawag diyan, eh.

Xyris White: Oo. Ano?

Nagyeyelong Panganib: T-A-N-G-A.


Xyris White: Siguro nga, tanga ako. Hahaha! Double meaning, Panganib. Sinasaktan mo
nanaman ako.

Nagyeyelong Panganib: Hindi kita sasaktan kasi mahal kita. HAHAHAHAHAHAHA G*GO. Uwi
na!! O kaya puntahan kita diyan. Kikiss kita. HAHAHAHA.

Xyris White: Miss 'ko na ang yakap at halik mo. HAHAHAHAHAHAHA. T*ng ina ka, baka
isipin ng iba totoo.

Nagyeyelong Panganib:

Hindi ba? Hahahahahaha! Biro lang. Kakagising mo pa lang ano? O hindi ka pa


natutulog?

Xyris White: Oo. May iniistalk pa 'ko, eh! ;)

Nagyeyelong Panganib: Wag mo na ako i-stalk. Matulog ka muna. Makakapaghintay naman


ang kagwapuhan 'ko, eh.

Xyris White: Oh? Meron ka non? Nabigyan ba kita? Hahahaha!

Nagyeyelong Panganib: Wag ako, Puti, mukha kang fifi.

Xyris White: Hindi tayo magkamukha. Saan nanaman galing yang fifi mo. Haha! Berdeng
salita ba 'yan.

Nagyeyelong Panganib: Diyan lang sa twitter. Trending, eh. Hahahaha! Makiuso ka


kasi, Puti. Porket nasa ibang bansa ka na.. #Ibakatalagaboy

Xyris White: Matulog ka na, Panganib. Tama na kakanood. Hahaha! Hilig sa.. #fifi

Nagyeyelong Panganib: BAKA NGA. Ako ba 'yon?! Haha, ikaw rin. Umaga na diyan, hindi
ka pa rin tulog.
Xyris White: Oo nga pala, kakagawa 'ko lang ng IG. Ano un mo?

Nagyeyelong Panganib: Ayoko. Baka i-hack mo... :))))

Nagyeyelong Panganib: Deh joke lang. Hihihififihihi @yelongpanganib. Follow mo 'ko,


followback kita. Hehehezz.

Xyris White:

Ge, matulog ka na. Wag mo na ako isipin.

Hindi 'ko na sinagot. SPG talaga 'tong si Xyris. Hayyy, kung ano ano nalalaman, eh.
Hahaha, ako pala 'yon. Trending sa twitter, eh. Nacurious ako kaya ganon. Kanina pa
kaya ako natatawa sa mga trending sa Twitter. Nagkakagulo, eh. Feeling 'ko, alam na
rin nila Kiba ang trending. Tinext ako, eh.

{Kiba: Alam mo 'yung fifi? Yun 'yung pagkatapos ng 49. Hehehehe. Fifi one, fifi
two, fifi three..}

Nagreply ako. {Alam mo rin bang napakacorny mo.}

{Jon: Anong isda ang bastos? Hahahaha. Edi fifish. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.}

Nagreply ulit ako. {K.}

{Lucas: Napanood mo na 'yung fifi shades of grey? Penge copy. Hehehe.}


Nagreply ako. {Isearch mo na lang, tinatamad ang gwapo.}

Nagreply siya. {Ahh.. oo nga. Tinatamad din ako, eh. Wag na pala. :)))}

Bigla na lang ako chinat ni Estilo kaya binalik 'ko ang tingin 'ko sa screen.
Walanghiyang mga kaibigan 'yan, ang cocorny ng jokes. Weh, nagsalita ang havey.

Kaizen Style Dalton: My ex is stalking me.

Nagyeyelong Panganib: Kilig ka naman? Haha.

Kaizen Style Dalton: Hmmm.. :)))

Nagyeyelong Panganib: Ayaw talaga mag move on, eh.

Kaizen Style Dalton: Madali sabihin, mahirap gawin.

Nagyeyelong Panganib: Anong tawag sa bear na walang ngipin?

Kaizen Style Dalton: What?

Nagyeyelong Panganib: Gummy Bear. HAHAHAHAHAHA. Anong tawag sa manok na palaban?

Kaizen Style Dalton: What? -_-

Nagyeyelong Panganib: TEKKENJOY. HAHAHAHAHAHAHA. Anong tawag sa maliit na


tsunami? :)))
Kaizen Style Dalton: What?!

Nagyeyelong Panganib: EDI..TSUNANO. HAHAHAHAHA.

Seen 6:54 PM

Nagyeyelong Panganib: ty sa seen

Seen 6:55 PM

Nagyeyelong Panganib: ty sa flood seen.

In-ex 'ko ang chat box namin ni Estilo. Langya, wala na akong magawa sa buhay 'ko
ngayong bakasyon kundi magbingo, makipaglaro, makipagpustahan, kain, internet,
sabay tulog.

Binuksan 'ko na lang ang folder ng mga litratong kinukuha 'ko at nagsimula nang mag
edit. Pagkanext 'ko, mukha ni Estilo ang bumungad. Inedit 'ko ng konti at pinost
'ko sa facebook.

Nagyeyelong Panganib: Tama na kakaisip sa problema, Estilo. Ako na lang isipin


mo :))) -with Kaizen Style Dalton

Banat 'ko lang 'yon kasi candid shot, eh. Mukhang ang lalim ng iniisip niya sa shot
na 'yon habang nakatingin sa malayo.

Kaizen Style Dalton, Xyris White, Kiba Reyes and 484 other people likes this.
Oh, ang daming likes talaga kapag si Estilo ang pinopost 'ko, eh. Hahaha, palagi
'ko na gagawin 'to.

Nagcomment pa ang mga loko.

Kiba: #pagibignakaya

Jon: #parehoangnadarama

Lucas: #itobaangsimula

Kiba: #hindinamaFIFIgilanpagibignaito

Jon: Panira yung fifi mo, brad..

Lucas: Akala 'ko sikreto lang naten na meron ka non.

Hindi 'ko na sinagot ang mga loko. Eto nanaman sila sa kabastusan nila, eh. Hahaha.
Buti pa 'ko, good boy. Tsaka gwapo na din.

"Kuya!!"

May kumatok sa pinto 'ko. Kilala niyo naman kung sino. Siyempre, hindi 'ko
pinagbuksan. Kahit naman hindi 'ko gawin 'yon papasok at papasok pa rin 'yan.
"Basahin mo 'to, nakita 'ko sa tumblr! Hahahaha!"

Lumapit siya sa'kin at pinakita ang cellphone niya. Binasa 'ko naman, hinanda 'ko
na ang sarili 'ko sa kakornihan ni Dawn.
*R4PE SCENE*

Babae: Tulong! Tulong!

Rapist: Huwag ka ng humingi ng tulong, kaya 'ko na to mag isa! Malandi ka ha!

"Lintek. Ano nakakatawa diyan?" Binatukan 'ko siya pagkabasa 'ko. "Napakabastos mo,
bumalik ka na nga sa kwarto mo!"

Ngumuso siya at lumabas. Aba, hindi sinara 'yung pinto! Ayaw na ayaw 'ko pa naman
ng ganon. Siyempre tumayo ako at pumunta sa kwarto niya. Binuksan 'ko rin ang pinto
at sinipa pabukas saka ako bumalik sa kwarto 'ko.

***

"Ate, kailan ako babalikan ni Mommy?" Tanong ng bata sa nakakatanda. "..iniwan na


ba niya ako? Hindi na ba niya ako babalikan?"

"Hindi 'ko alam.. pero babalik siya. Kukuhanin ka niya ulit." Umiyak ang bata kaya
nataranta ang nakakatanda. Lumuhod siya sa harapan ng bata at pinunasan ang luha
neto. "Wag ka umiyak bata.."

Umiling ang bata at naglakad palayo habang umiiyak. Iyak siya ng iyak na hindi niya
na alam kung saan siya pumupunta.

*BLAG

Bigla akong nauntog pagkabangon 'ko. Madilim pa rin sa kwarto 'ko at ang bilis
nanaman ng tibok ng puso 'ko. Hindi ako nagsalita at nakahawak lang ako sa dibdib
'ko hanggang sa bumagal ang tibok ng puso 'ko. Pero ayaw, eh..
"Tubig.. Hoo.." Tumayo ako at bumaba sa kusina. Muntik pa 'ko malaglag ulit sa
hagdan dahil wala ako sa sarili 'ko. Pagkainom 'ko ng tubig, sumandal ako sa lamesa
at pinaypayan ang sarili 'ko. "Kalma, Danger.. Kalma.. Hoo.."

Sinuntok suntok 'ko pa ng mahina ang dibdib 'ko para lang kumalma ako habang
nagiinhale exhale. Umakyat ulit ako at naghilamos ng mukha sabay tingin sa salamin.
"Sinong gwapo?" Tanong 'ko sa salamin. "Ikaw, Danger.. Ikaw ang gwapo." Ngumiti ako
sa sarili 'ko sabay upo sa dulo ng kama 'ko.

Minsan.. naiisip 'ko na lang.. Ang galing nila Jayden at Dash dahil nakagawa sila
ng gwapong nilalang na katulad 'ko. Kailangan 'ko sila bigyan ng medal.

Tumingin ako sa alarm clock. 5:46 AM, April 2.

"King inang April 2 'yan." Umiling ako at sinuot ang hoodie at sapatos 'ko. Lumabas
ulit ako ng bahay para magjogging sa labas.

Habang nagjojogging ako, nakakita ako ng batang umiiyak sa tapat ng isang bahay
dito sa village namin. Siyempre, lumapit ako.

"Hi." Lumuhod ako sa harap niya. "Bat ka umiiyak?"

Tumingin siya sa'kin at pinunasan ang luha niya. Sunod siyang tumingin sa bike at
sa tuhod niya. "S-sugat.."

"Ang aga mo naman magbike." Sabi 'ko. "Patingin nga." Inalis 'ko ang kamay niya na
tinatakpan ang sugat niya. Napangiwi kaagad ako nang makita 'yon. "Nasaan magulang
mo?"
"Work.." Sagot niya.

"Ahh, paano ba natin gagamutin 'yan.." Tumayo ako. "Diyan ka lang. Bibili ako ng
band aid, ha?" Ngumiti ako bago umalis.

Pumasok ako sa malapit na convenience store at binili ang isang box ng band aid.
Bumili rin ako ng pagkain, bottled water, bulak tsaka ng betadine bago 'ko
binalikan 'yung bata.

"Wag kang sisigaw, ah." Sabi 'ko sabay buhos ng tubig sa sugat niya at nilinis bago
'ko nilagyan ng band aid. "Masakit?" Tanong 'ko. Batang babae siya, anak mayaman at
mukhang 4 or 5 years old pa lang.

"Thank you.." Sabi niya sa'kin.

"Ano pangalan mo?" Tanong 'ko.

"DAEZEN!" Lumingon ako sa lalaking tumakbo papalapit sa bata. "Are you okay? Are
you hurt? I've been looking for you!"

Tumayo na ulit ako at aalis na sana

pero hinawakan ako sa balikat nung lalaki. "Thank you for taking care of my sister,
dude." Sabi niya.

Tumango na lang ako at naglakad pauwi sa amin. Baka magising si Style at makita
niya ako dito na paikot ikot, eh.

Pagkapasok 'ko ng bahay, dumeretso ako sa kusina. Para akong inatake sa puso nang
makita 'kong may lalaking nagtitingin ng kung ano sa ref namin.
Kumuha ako ng deadly weapon.. Kutsara, saka dahan dahan akong lumapit.

"DANGER!"

"AAAAHH!!"

Napaatras kaagad ako nang makita 'ko ang isang lalaki na hawak hawak na ang isang
tub ng ice cream namin.

"Uy, thank you!" Kinuha niya ang kutsara sa kamay 'ko at sinimulang kainin 'yung
ice cream.

"TAYLER NAMAN!" Reklamo 'ko kay Tito. Kinabahan ako don. "Bat nandito ka nanaman?"
Tanong 'ko pa.

"Diba nga! Ubos na ice cream samin!" Umupo siya sa may couch at kumain ulit. "Wala
ba kayong cone? Mas masarap kapag may cone." Reklamo niya pa.

"Edi ikaw bumili!"

"Deh, may dala ako!" Nilabas niya ang box ng mga cone at nagsimula nang isalin
'yung ice cream doon. Handang

handa talaga siya, ha. Planado ang pagnanakaw niya ng ice cream.

"Sino nagpapasok sayo?" Tanong 'ko sa tirador ng ice cream.

"Edi si Jayden! Hehehehe. May kinuha lang sa taas."


"Gising na si Mommy?" Tanong 'ko.

"Hindi mommy mo! Daddy mo!" Ahh, jayden din pala pangalan ni Dash. "Mamaya pa
magigising si Beb. Hehehehe."

Tignan mo 'to. Beb pa rin ang tawag kay Jayden kahit may asawa na. Matindi din, eh.

"Alam mo, may ipapabasa ako sayo! Libro 'to ng Dad--" Tuwang tuwa niyang nilabas
ang librong dala niya at iaabot niya na sana sa'kin ng biglang sumigaw si Dash.

"TAYLER!!!!!!"

Nanlaki ang mata ni Tayler sabay tayo kaagad at nahulog 'yung ice cream sa lapag.
Para siyang nakakita ng bangkay. "H-hindi.." Bulong niya sabay luhod sa ice cream
niyang tapon na. "Hindi pwede!!!"

Nakakatakot siya parang dinadasalan niya 'yung ice cream.

"Bakit ka pa nakita? Bakit pa nakilala? Kung ang puso 'ko ay iiwan mo lang at
sasaktan. Huhuhuhu." Iniyakan niya pa.
"Dash!!! Pinainom mo ba ng gamot 'yung kaibigan mo!!" Sigaw 'ko. Bumaba naman si
Dash at lumapit sa amin.

"Oo. Nasobrahan nga, eh." Sagot niya. "Hoy, Tayler, tumayo ka diyan."

"Bahala ka diyan, Jayden! Pagkatapos mo 'ko patayin sa libro!" Iyak niya ulit.
"Kasalanan mo 'to! Lahat ng 'to!" Turo niya sa ice cream.

"Linisin mo 'yan, ha. Nagkakalat ka pa dito." Umiling si Daddy.

"ISUSUMBONG KITA KAY BEB! HUHUHU!"

Tumayo na ako at dahan dahan akong umalis. Nababaliw na si Tayler, delikado 'yon.
Kaya tumakas na kaagad ako at pumasok sa kwarto 'ko.

Nagulat ako nang bagsakan ako ng walis tambo sa ulo tsaka ng timba pagkabukas 'ko
ng pinto. Nadulas pa ako kaya tumama ang likod 'ko sa sahig.

"WAAAAAAAH HAPPY APRIL TWO!!!! HAHAHEHEHIHOHUHOU!!"


"DAAAAAAAAAAAWWNNNN!!!!!" Sigaw 'ko. Natwist ata 'yung ankle 'ko at ang sakit ng
balakang 'ko.

Pagkatapos non.. nakita 'ko na lang ang sarili 'ko sa hospital bed.

____________________________________________________________________________

Get well soon, Panganib. HAHAHAHA.

=================

DS 12 ~ Hospital

Danger's POV

"Oy lumpong shanghai!!"

"Hahahaha, kawawa parang nabugbog."

"Kota sa hospital!!"

Nagsipasukan sa hospital room 'ko ang tatlong itlog sabay upo sa tabi 'ko.
Pinagtatawanan nanaman ako ng mga loko. "Ano ba! Umalis nga kayo dito! Bawal pangit
dito."

"Bat ka nandito?" Pambasag naman ni Jon sa akin. "Nasaan nga pala 'yung girlfriend
mo? Alam na ba niya 'to?"

Girlfriend? "Wala akong girlfriend." Sino ba girlfriend 'ko?

"Si Style!" Sabi naman ni Lucas. "Hindi ba girlfriend mo 'yon? Ang sweet niyo nga,
eh. Lumalablayp."

Umiling lang ako. "Hindi 'ko girlfriend 'yun."


"Oo nga pala.. Ano nararamdaman mo? Kamusta?" Tanong ni Kiba habang naghihiwa ng
apple sa may coffee table. Wala ang pamilya 'ko dito, umuwi saglit. Kaya etong mga
mokong naman ang pumalit. "Takot ka sa hospital, eh."

Tumango naman sila Jon at tumingin sa akin. Interesado rin sila malaman ang
kalagayan 'ko. "Wala.. Ayoko lang lumabas. Okay na 'ko dito." Tumingin ako sa
bintana. "Kahit ayoko ng amoy."

"Ayaw din ng hospital sa amoy mo 'no." Sabi naman ni Lucas. "Haha, biro lang. Yun
pa rin ba 'yung dahilan? Tagal na non, ah."

"Mahirap makalimot." Sabi 'ko naman. "Pero mas mahirap maging gwapo." Sabay ngiti
'ko pa para maiba 'yung topic.

"Binisita mo na ba siya?" Tanong naman ni Kiba sabay abot sakin ng apple. "O takot
ka pa rin?"

Umiling ako. "Hindi 'ko na dapat siya binibisita."

"Hindi mo naman kasi kasalanan 'yun, Danger.." Sabi naman ni Jon.

"Danger.." Ulit 'ko. "Kaya pala ganto pangalan 'ko, 'no? Nagbibigay ako ng panganib
sa iba. Tsk tsk."

"Pare, gusto mo ng maiinom? Bibili ako sa labas." Tumayo si Lucas. "Pepsi na lang,
ah." Sabay labas niya.
Humarap ako sa kabilang side ng kama para hindi ako nakaharap sa kanila at
sinubukan 'kong matulog. Ayoko ng topic. Hindi ako makapagjoke, eh.

"Ahh.. Labas muna kami." Napatingin kaagad ako kay Kiba nang tumayo siya.

"Ikaw na muna bahala diyan, Style." Sabi naman ni Jon bago sila lumabas.

Umupo kaagad ako sa hospital bed at tumingin kay Style na naglalakad palapit
matapos isara ang pinto. "Hi. I've heard it from Lucas. Nakasalubong 'ko

siya sa labas because nandito rin ako. May binibisita lang."

Tumango ako. "Nag explain ka pa. Iniistalk mo lang ako, eh." Pang aasar 'ko.

"How are you?" Tanong niya sabay upo sa tabi 'ko. "Are you okay?"

"Sprain lang tsaka sa balakang. Sakit, eh. Pampam kasi si Madaling Araw." Reklamo
'ko pa. "Ikaw? Kamusta?"

"What?"

"Diba inistalk ka ng ex mo? Nalaman mo? Nag usap na ba ulit kayo?" Tanong 'ko sa
kanya. Ngumuso naman siya at umiling. "Eh 'yung magulang mo?"

"My mom's staying at the hospital for a couple of days and my dad is currently at
Cebu for a conference or something like that. So.. yeah. I'm experiencing peace at
home."
"Mag isa ka lang palagi?" Kumunot noo 'ko. "Baka pasukin ka ng akyat-bahay gang
diyan. Nilolock mo naman 'yung mga pinto?"

"Yes. You treat me like I am really suicidal.." Yumuko siya. "I know, Danger. Even
if you said you don't think I'm suicidal at all but deep inside.. I know you think
that I would hurt myself when you're not around. So do I."

"Have you stopped.. cutting?" Tanong 'ko sa kanya.

Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. "I stopped..

but I'm tempted to do it again." Nagulat ako sa sinabi niya. "You know why I'm here
at the hospital? For my checkup.. psychological problems. Depression is one of
them."

Kinagat 'ko ang labi 'ko at uminom ng tubig. Grabe.. Si Estilo, depressed. Naaawa
ako sa kanya. Iniisip 'ko pa lang na nakikipagkita siya sa isang psychologist..
Wew. "Anong sabi ng doctor?"

"She said I should not stay at home. Sabi niya kailangan 'ko daw lumabas-labas at
magpakasaya." Tumawa siya ng sarkastiko. "But isn't that impossible? My source of
happiness.. already left me. My source of happiness.. is already gone."

"Hmmm.." Nag isip ako. "Anong tawag sa maraming chromosome?"

"What?"

"CHROMOMORE. HAHAHAHAHA." Tumawa ako pero tinignan niya lang ako ng masama. Awts,
mais pala 'yon. Isa pa. "Anong tawag sa motor na masaya?"
"What?"

"Edi.. YamaHAHAHAHAHAHA." Pinagdasal 'ko na sana matawa siya. Sinagot naman ni Lord
ang prayers 'ko dahil tumawa nga siya. "Eh yung malungkot?"

"What?"

"HUHUHUHunda." Natawa ulit siya doon kaya napangiti ako. "Oh diba? Ako na source of
happiness mo. Hindi naman kita

iiwan, eh."

Ngumiti siya at umayos ng upo. "Are you sure, Mr. Panganib?"

"Sa dami dami ng baon 'kong jokes, papasayahin kita. Pramis!" Tinaas 'ko pa 'yung
kanang kamay 'ko. "Ms. Style, hindi 'ko sinasabing kalimutan mo 'yung ex mo dahil
buhay mo 'yan. Pero ang gusto 'ko mangyari.. Wag mo isipin na sa kanya lang umiikot
ang mundo mo. Madami namang ibang tao diyan na kaya kang pasayahin, eh. Isa na 'ko
don."

"Well.. I can try. Thanks, by the way." Kumuha siya ng isa pang apple at kumain.
"Hmm, kailan ka makakalabas?"

"Baka bukas o sa pangalawang bukas." Sabi 'ko naman. "Bakit? Miss mo 'ko?" Ngumisi
ako.

"Duh!" Inikot niya ang mata niya at nilabas ang pad paper niya. Nagdadrawing
nanaman siya ng mga damit.

"Wala kang balak umuwi?" Tanong 'ko.

"Pagkabalik ng mga friends mo." Sabi niya habang nagdadrawing. "I have questions,
Stranger."
Pagkasabi niya pa lang non, alam 'kong tungkol nanaman sa akin 'yun. "Ahh,
magpapahinga na muna ako." Tinalikuran 'ko siya at humiga. Ayoko muna sa mga tanong
na 'yan. Magsisinungaling at magsisinungaling rin naman ako sa kanya.

Bat ba hindi 'ko na lang aminin? Mas madali 'yon diba? "Estilo." Humarap ako sa
kanya. "Paano kapag nalaman mong

mayaman ako?"

Tinignan niya ako saglit sabay balik sa ginagawa niya. "Probably, I'll ask you
why.. why did you lie to me. Give me a good reason and everything will be okay,
again."

Napalunok ako. Ano nanamang irarason 'ko? "Ahh.. may aaminin ak--"

"PARE, ETO NA 'YUNG PEPSI!" Pumasok si Lucas sa loob at agad namang napahinto nang
makitang kasama 'ko si Style.

"Sabi sa'yo wag kang pumasok, eh! MOMOL time nila!" Sabi ni Jon. Kinuha 'ko kaagad
ang apple at binato sa kanya. Nasalo naman niya. "Wag ka magsayang ng pagkain,
Panganib!"

"Wala na, sinira mo na 'yung alone time. Tsk." Pumasok na sila Kiba at kanya kanya
silang upo sa may couch. "Tuloy niyo lang, wag niyo kami pansinin. Kunghari wala
kami dito."

Bumuntong hininga ako. "Estilo.. kasi--"


"HOY AKIN NA 'YUNG APPLE!"

"SAYONG SAYO NA TUTAL MUKHA KANG LECHON."

"NASAN ANG APPLE ANG DRAMA. HAHAHA."

Tinignan 'ko ng masama sila Kiba. Sabi wag daw sila pansinin, eh ang ingay ingay!
Tinikom nila ang bibig nila nang mapansin na nakatingin ako. "Estilo.. wag kang
maga--"

"HALA NAGPADAGDAG DAW NG ANO SA DIBDIB SI BABS?"

"HA?! EDI TATLO NA?!"

"BOBO!!!"

Pinikit 'ko ang mata 'ko at minasahe ang sentido 'ko. Siguro nga, hindi pa ito ang
oras para sabihin kay Estilo 'yon. Lintek kasi 'tong sila Kiba! Itatali 'ko yan
mamaya.

"What was that again?" Tanong naman ni Estilo.

"Wala, sabi 'ko, sa tingin mo anong magandang gawin sa mga taong maiingay? Batukan
sa tyan, sabunutan sa mukha, sikmuraan sa binti, ano?" Pagpaparinig 'ko.
"GUSTO 'KO YUNG SABUNUTAN SA MUKHA!" Nagsuggest pa 'tong si Jon. "Pero wag mo sakin
gagawin. Libreng libre si Lucas."

"Libre? Hoy, mahal ang katawan 'ko. Porket kasi ikaw, 250 ka lang tagasayaw sa mga
bar."

"Haha! Kaya pala nanghihiram ka ng 250 sakin nung isang araw, Lucas." Sabi naman ni
Kiba.

"Ul*l."

Umiling ako. "Estilo, umuwi ka na kaya?"

"Right." Tumayo siya at inayos ang gamit niya. "I almost forgot I need to visit
Skylar."

"Skylar, diba 'yun yung SGASKJDAGSGHADSA."

"BYE, STYLE!" Sabay sabay na sabi nila. Hindi ako nagsalita.

"Wag kang mag isip ng kung ano ano, brad." Sabi naman ni Lucas. "Tokneneng 'tong si
Jon, napakadaldal kasi!"

"Hahaha tokneneng to me. Tenenententenenen.."


"Ina mo, Jon! Wag ka na magjoke. Wala sa mood si Panganib."

Tumingin ulit ako sa bintana. "April Two."

____________________________________________________________________________

Ano itu. Hahaha. Number 2 ang DS sa Fanfiction. Yeheeeyyy!!

Kaka-fifi 'ko at kakatweet 'ko ng kung ano anong kalokohan finollow ako ni Kuya
Kevin Padilla. Hahahaha I kennat.

=================

DS 13 ~ Date or Nah

Danger's POV
"DANGER!" Takbo, Danger! Takbo! Pero paano ako makakatakbo eh kakagaling 'ko lang
sa hospital at sprain. "HINDI KA DAW MUNA PWEDE LUMABAS!" Hinabol ako ni Ricky Boy
at tumakbo pa rin ako kahit hindi pa masyadong magaling ang kaliwa 'kong paa.

"Pwede! Sabi 'ko!" Mas binilisan 'ko ang takbo 'ko. Kung hindi lang talaga ako
pinilayan ni Dawn, maliligaw 'ko 'tong sila Ricky Boy, eh. Bwisit talaga 'yung
kapatid 'ko na yon. At tuwang tuwa pa siya na na-hospital ako, ha. Pinadalhan niya
ako ng flowers na pangpatay.

"Lagot ho kami kay Ma'am!" Sabi niya ulit. Nandito kami naghahabulan sa may labas
ng village. Ready na 'ko sumakay ng tricycle, eh! Kaso nahuli ako nila Ricky Boy na
tumatakas kaya hinabol ako. Na-boom panes ako don.

"Okay lang! Di naman ako!" Sigaw 'ko ulit sabay takbo ng mabilis. Kumikirot na ulit
'yung kaliwa 'kong paa. "Estilo!" Tawag 'ko nang makita 'ko 'yung kotse niya na
papaalis na sana. Binuksan niya ang bintana at nagulat nang makita ako.

Agad naman akong sumakay sa shotgun seat at nagdrive kaagad siya paalis. "What are
you doing?" Tanong niya sa'kin.

"Ahh, paparazzi. Hinahabol ako. Tsk." Sabi 'ko. Naka black skinny jeans ako tsaka
white v-neck tapos nakahighcut.
"Your perfume again.." Sabi niya. Ganoon ba ka-amoy 'yung pabango 'ko at naaamoy
niya? "Magshoshopping ako.. Are you coming with me?"

Kinilabutan ako naiisip 'ko pa lang na ipapabuhat

niya sa akin lahat ng paperbags at mga pinamili niya. Hoo, sasama kaya ako?

"Last minute shopping because uuwi na ulit si Daddy and my mom. Tapos na ang
peace." Umiling siya at binilisan ang pagdadrive niya. "So? Are you coming with
me?"

Kawawa naman 'to. Walang kasama. "Ahh, sige. Bahala na." No choice. Kailangan 'ko
samahan 'to. Baka mapano pa, eh. Konsensya 'ko rin 'yon.

"We're here." Nagpark siya at lumabas ng kotse. Siyempre, lumabas din ako. Alangan
doon na ako habang buhay.

"Gandang kotse." Sabi 'ko pagkakita 'ko ng kotse niya. Lamborghini Aventador na
kulay red.

"Duh." Inikot niya ang mata niya at naglakad kami papasok sa entrance ng mall. May
naalala tuloy akong banat dito, eh. 'Kapag ako naging boyfriend mo, entrance lang
ng mall ang makakapagpahiwalay sa atin.'

Nakita 'ko na lang bigla ang sarili 'ko sa tapat ng store namin. Jusko, paano?!
Dito pa talaga?! "Omg! It's her!" Turo ni Estilo sa isang babae sa may counter na
may sinusulat.

King ina, nandito si Jayden! Lagot ako neto, eh! Tas baka isigaw niya pa sa buong
mundo na anak niya ako. Edi buking. "Estilo, bibili lang ako ng ice cream." Bago pa
ako makaalis hinawakan niya ang dulo ng t-shirt 'ko at hinatak ako palapit sa may
counter.

Nagdasal na ako na sana makisakay sa trip 'ko si Jayden. "Hi!" Sabi ni Estilo
pagdating sa counter. Tumaas ng tingin si Jayden at tumalikod

ako kaagad. "You are Mrs. Jayden Frost? Right?" Tuwang tuwa na sabi ni Estilo.

Nakatalikod pa rin ako kay Jayden kahit alam 'kong naghihinala na siya na ako
talaga 'yon. Anak niya kaya ako. Kilalang kilala niya yung itsura at hukbo ng
katawan kahit nakatalikod. "Yes, hello." Sabi ni Jayden. Naramdaman 'ko ang tingin
niya sa'kin.

"Can I have your sign, please?" Magalang na tanong ni Estilo at nag-abot ng pentel
pen tsaka ng damit na bibilhin niya pa lang. Siyempre sinisilip 'ko sa gilid 'ko
kung anong ginagawa nila.

"Sure." Yumuko ulit si Jayden para pirmahan 'yung damit. Sinubukan 'kong kumawala
sa hawak ni Estilo pero ang higpit talaga, eh. Baka mapunit niya 'yung damit 'ko
kapag pinilit 'kong makatakas. Kapag napunit 'yon.. edi pagkakaguluhan ako ng
kababaihan. Hindi maganda yon, tsong. "Here. Enjoy your shopping." Rinig 'kong sabi
ni Jayden. "Is he your boyfriend?"

Patay! Sigurado ako na kilala niya talaga ako! Pero pwede ring hindi.. "No!"
Kinurot ni Estilo ang bewang 'ko. "Stranger, say hi." Bulong niya sa'kin.

Napakamot ako sa tungki ng ilong 'ko bago ako humarap kay Jayden. Iniwas 'ko ang
tingin 'ko sa kanya. "H-hello.. po." Lintek! Kitang kita 'ko sa mukha ni Jayden na
natutuwa siyang makita na nahihiya ako. Para niya akong nahuli na may babae.

"Well, hello there, mister." Ngumisi si Jayden at pinanlakihan 'ko siya ng mata.

"Mauna na po kami. Thank you!" Sabi ni Estilo

sabay bitaw sa akin. Humarap muna ako kay Jayden bago 'ko siya sundan.

"Mamaya ka sakin sa bahay." Sabi ni Jayden sabay ngisi. "Kaya pala.. Kaya pala wala
ka palagi sa bahay, ha? Eto ba ang bago mong libangan?"

"Hindi nga kasi, Jayden!" Inis na sabi 'ko. "Sinasamahan 'ko lang siya kasi
kaibigan 'ko siya." Page-explain 'ko.

"Ipagkakalat 'ko 'to sa bahay mamaya." Ngumisi ulit siya. "Sige na, samahan mo na
'yung 'KAIBIGAN' mo."

Bumelat muna ako bago 'ko sinundan si Estilo na namimili na ng damit. Sunod lang
ako ng sunod sa kanya habang nakapamulsa ako sa pantalon 'ko. Pinagtitinginan rin
ako ng kababaihan pero kay Estilo 'ko tinutuon ang pansin 'ko na busy bumili ng
damit.

"Hold this." Binigay niya sa akin ang bag niya at pumasok sa fitting room. Mukha
akong tanga na naghihintay dito sa labas at nakasandal sa may pader.

Maya maya, bumalik na ulit si Estilo at kinuha ang bag niya sakin. Pero pinaghawak
niya naman ako ng basket na puno ng mga damit niya. "Hmmm.. Black or white?" May
tinaas siyang coat.

"Black." Sabi 'ko.


"But I prefer white."

"Nagtanong ka pa." Muntik na 'ko umirap pero hindi 'ko ginawa. Haha, baka hampasin
ako netong si Estilo, eh. "Estilo, wala ka bang baga?" Tanong 'ko.

"What? Why?" Naguguluhang tanong niya.

"Wala lung. Hahahahaha!" Tumawa ako at nakarinig

rin ako ng tawa sa may likuran. Tignan mo, tignan mo! Pati sila, natawa sa joke na
'yon. Pero si Estilo, hindi nagets, eh. Slow din talaga minsan. "Anong tawag sa
dalawang binti?"

"What?"

"Kwarenta. Hahahahaha!" Kumunot ang noo niya. Wag mo sabihing.. Haruuu, jusko.
Nagjoke pa ako. "Hindi mo alam yung kwarenta 'no?" Tumango siya. "Forty yon. Forty!
Jusko, paano?!"

"Ooohh.." Tumango tango siya. Saang bundok ba 'to galing at walang alam sa mga
ganung lengwahe? "Let's go." Sinundan 'ko siya sa counter at hinintay 'ko siyang
makapagbayad doon sa same girl noon. Binayaran niya 'yung pinamili niya pati yung
sa dati. Sus, kukuhanin 'ko na lang 'yung pera mamaya. Utang niya yon saken.

Kinuha niya ang mga paper bags at inabot sa akin. Hindi na ako nagulat doon at
binuhat 'ko na lang kahit kinakawawa niya ang biceps 'ko.

"Saan tayo?" Tanong 'ko.

"I'm hungry. Have you eaten your lunch already?" Tanong niya sakin. Umiling naman
ako at pumasok siya sa KFC. Akala 'ko pa naman sa restaurant ako dadalhin neto.
Haha. "What do you want to eat?" Tanong niya pagdating namin sa counter.

"Kung ano 'yung sayo." Mas madali 'yon. Wala akong alam masyado sa mga fast food
kaya si Dawn palagi pinagoorder 'ko.

"Okay. Find a table." Utos ni Ma'am sa akin kaya naghanap na ako ng table. Walang
table for two kaya table for four ang pinili 'ko. Nilagay 'ko na lang mga paperbags
niya sa bakanteng upuan at hinintay siya.

/>
Maya maya tumunog ang phone 'ko. Sinagot 'ko naman. "Jon. Bakit?"

{Enjoy ka ba sa date niyo?} Natatawang tanong niya at narinig 'ko rin ang tawanan
nila Kiba at Lucas. Agad akong napatingin sa paligid 'ko.
"Nasan kayo?"

{Diyan lang sa tabi tabi.. nagmamatyag. Ibigay mo na ang isang milyon bago sumapit
ang ika-pito ng gabi. Wag mong kakalimutan na hawak 'ko ang mga mahal mo sa buhay..
Hindi ako magdadalawang isip na-}

"Manahimik ka nga, dami daming sinasabi. Nasaan kayo?" Ulit 'ko.

{Hahaha, biro lang. Hanapin mo kami, wag kang bulag.}

Tumingin ulit ako sa paligid 'ko at tumingin sa gilid 'ko. Napahawak ako sa dibdib
'ko sa sobrang gulat nang makita silang tatlo sa may tabi ng glass wall. Nilagay pa
nila pisngi nila sa salamin kaya mukha silang tanga.

Tinaas ni Kiba ang middle finger niya at winagayway sa'kin. Tumawa lang ako at
sinenyasan 'ko na lumayas sila sa harapan 'ko. Pero ayaw, eh. Lumabas ako saglit at
pinuntahan sila. "Mga bata, wala akong barya. Sa iba kayo manglimos." Sabi 'ko.

"Koya, kahit painom lang nung coke." Pagmamakaawa ni Lucas. "Uhaw na po kami,
Koya."

"La ko pake!" Sabi 'ko.

"Matapobre!" Kunghari pang umiyak si Lucas. "Tara na mga tol, nakakaistorbo tayo sa
date nila ng girlfriend niya."

"Oo nga. Goodluck, pare." Tinapik ni

Kiba ang balikat 'ko at bumulong. "Wag kayo mauwi sa home run. Masama yon." Sabay
tawa niya.

"Bye, Panganib!" Kumaway si Jon at umalis na sila kaya bumalik ako sa table namin
ni Estilo. Nandoon na siya at hinihintay ako bago kumain.

Habang kumakain, siyempre nagkekwentuhan rin kami. Awkward kaya yon kapag tahimik
lang kaming dalawa. Hindi ako sanay. "May tatlo akong joke, Estilo."

"What?" Uminom siya ng coke.

"Joke joke joke. Hahahahaha!" Nasamid siya bigla kaya natawa ako lalo. Kinuha 'ko
ang panyo 'ko at pinunasan 'yung bibig niya. "Dugyot, te." Natatawang sabi 'ko.
"I hate you." Tumawa siya. "What's fifi, by the way?" Tanong niya sa'kin.

"Ahh.. Yun 'yung lumilipad.. Fifis. Hahaha!" Kumunot uli 'yung noo niya at tinaasan
ako ng kilay. "Hirap talaga magjoke sa slow, eh. Tara na nga!" Tumayo ako at kinuha
'yung mga gamit niya. Pumunta kami sa parking lot para ilagay doon ang mga gamit
bago kami bumalik sa loob.

"Ang duga!" Reklamo ni Style nang kuhanin 'ko sa kamay niya ang bola at shinoot
doon sa ring. Sa arcade kami nakarating, eh. "Let me!" Pagmamaktol niya.

"Di ka naman marunong." Pang aasar 'ko pa.

"Then teach me." Umirap siya at naglagay ulit ng token. Token, diba 'yun yung laro.
Sila Xiao Yu.. Asuka.. Kunimitsu.. Hahahaha! Sige bye. "Hey, it's starting
already!" Nagsnap siya ng daliri sa mukha

'ko kaya bumalik ako sa katotohanan.

Pumunta ako sa likod niya at kinuha ang bola. Para 'ko siyang niyayakap sa likod
kaya medyo na-awkward-an ako pero oks lang. Pinahawak 'ko sa kanya ang bola at
tinulungan 'ko siya magshoot. Hindi nashoot dahil ang lamya niya. Hahaha!

"Ayusin mo." Bulong 'ko sabay kuha ulit ng panibagong bola. Hinawakan 'ko 'yung
kamay niya at shinoot ang bola. "Yung totoo? Lamya neto. Magsnickers ka muna."

"Tss! I can do this!" Kinuha niya ang bola at tinulungan 'ko ulit siya. Nasa likod
niya pa rin ako. Walanjo, bakit ang akward neto. At bakit ako lang ang na-aawkward-
an.

Natapos ang laro kaya umayos na ulit ako ng tayo. Humarap siya sa'kin kaya nagulat
ako. Ako lang ba o ang lapit niya sakin masyado?

"That was fun!" Sabi niya. "Are you okay?" Tanong niya sakin.

Umubo ako at kinapa ang leeg 'ko gamit 'yung likod ng kamay 'ko. "Oo. Ha-ha. Mainit
lang."{Multimedia} "Hot 'ko kasi, eh."

"I want to try that!" Turo niya sa may air hockey. Siyempre sumunod ako para may
kalaro siya. Kinuha niya na 'yung.. hindi 'ko alam kung anong tawag don. Parang
plate tapos tinira niya kaya nashoot sa may butas sa side 'ko.

Hayup. Hahaha. Pagkatapos namin maglaro ng kung ano ano, pinapalit na namin 'yung
ticket. "You choose." Sabi niya.

"Ayaw mo ng bear?" Tanong 'ko.

"Reminds

me of my ex." Sabi niya kaya pinapalit 'ko na lang sa pagkain 'yung ticket. Lumabas
na kami at umupo sa may bench habang kumakain ng ice cream. "How to move on.."

Nagkibit balikat lang ako. "Ewan. Hindi 'ko pa nararanasan." Kinagat 'ko ang dila
'ko. "Ahh, tara na? Uwi na tayo. May pupuntahan pa kasi ako, eh."

"Yeah, me too."

***
Bumaba ako sa may dining room para kumain. Kakaupo 'ko pa lang nagsalita na si
Jayden. "Si Danger, may girlfriend na."

Napatigil ako sa pag-kain 'ko at tinignan ng masama si Jayden.

"I KNOW, MAME! I KNOW!" Sabi naman ni Dawn. "ACTUALLY HABANG MAGKASAMA KAMI NI KUYA
MAY LUMAPIT NA BABAE SA KANYA TAPOS SABI 'KO INEEDIT NI KUYA YUNG MUKHA NIYA SA MGA
MODEL NG FHM. HAHAHAHA. GIRLFRIEND NIYA PALA YUN?"

Kinuha 'ko ang kutsara 'ko at naglagay ng bean doon saka 'ko pinalipad sa
pagmumukha ni Dawn.

"Wala ka bang balak ipakilala samin 'yan?" Sabi naman ni Dash.

"Hindi 'ko nga girlfriend 'yun!" Inis na sabi 'ko. "Ang kulit naman, eh. Kapag may
kasamang babae, girlfriend kaagad? Diba pwedeng kaibigan muna?"

"Hindi na uso 'yon!" Sabi naman ni Jayden.

"Wushu." Bulong 'ko at pinagpatuloy ang pag-kain 'ko. Pagkatapos, umakyat ako sa
kwarto 'ko at nagfacebook. Ang daming nagchachat pero hindi 'ko sinasagot. Masyado
akong gwapo para diyan.

Biglang tumunog ang phone 'ko kaya sinagot 'ko naman. "Elo?"

{Stranger!}

Kumunot ang noo 'ko. "Estilo?" Rinig na rinig 'ko ang malakas na tunog sa
background.

{You knowww whattt.. Kakauwi lang nila *hik* Daddyyy.. Nag away na shila.. Hihi.}

"Nasan ka ba?" Tanong 'ko. Tumayo kaagad ako at kinuha ang hoodie 'ko at wallet
'ko. Pati na rin ang susi ng kotse 'ko.

{Ewann.. Nagpaparty party..}

"Saan nga?!" Inis na sabi 'ko pagkasakay ng kotse 'ko.

{Hmm.. Diamond?}

Diamond.. Yung bar. "Diyan ka lang, pupuntahan kita. Itaboy mo lahat ng lalaking
hahawak sayo diyan, Estilo, naiintindihan mo ba 'ko?"
____________________________________________________________________________
Itaboy mo lahat ng lalaking hahawak sayo diyan. Hihihi. Nawa'y dumami ang kilig
moments. Ew. Haha.

=================

FICTIONAL CHARACTERS ACCOUNT

Hi everyone! Gusto ko sabihin na hindi na po ako nagpa-audition kay Panganib,


Estilo at Xyris. Ako na lang mismo naghanap.

Eto nga pala ang twitter at facebook nila.

Kaizen Style Dalton


Twitter: @kaizenstyle
FB: Kaizen Dalton
Danger Jairus Frost
Twitter: @yelongpanganib
Facebook: Nagyeyelong Panganib

Xyris White
Twitter: @xyriswhite
Facebook: Xyris White

YUNG IBANG CHARACTERS LIKE DAWN, SKYLAR, KIBA, ETC. Hindi pa po ako naghahanap.
Magpopost po ako sa group ng DS kung kailan. Hindi na po ako magnonote. Basta
nakajoin ho kayo sa group, informed kayo.

Join po kayo sa group for more information about sa mga handlers at accounts. Kung
gagawa sila ng bago or mga ganun.

Group name: Fifty Shades of Gwy HAHAHA

PS: Sana po hindi na ako makatanggap ng mga messages na. "Ako na lang po kay Dawn"
"Gusto ko po maging handler" "Kailan po kayo maghahanap ng handler"

LAHAT NG SAGOT SA TANONG NIYO NANDOON PO SA POST KO SA GROUP. :)))

Yun lamang po at maraming salamat.

-Naiistress na author. Hahaha.

=================

DS 14 ~ Drunk

Danger's POV
Hininto 'ko ang sasakyan sa tapat ng bar at nagmadaling pumasok sa loob. Naamoy 'ko
na kaagad ang amoy ng uso, alak, pawis at halos mabingi ako sa lakas ng tunog.

Napakadaming tao kaya nahirapan akong hanapin si Estilo. Hindi 'ko siya matawagan,
panigurado hindi niya naririnig.
"Hi, handsome. Want a drink?" May lumapit pa sa'king mga babaeng labas ang
cleavage. Umiling kaagad ako at hindi sila pinansin. Kailangan 'ko hanapin si
Estilo! Bakit ba kasi umiinom siya mag isa?! Pwede naman niya ako isama, ah!

"Don't! Don't!" Napahinto kaagad ako at napatingin sa pinanggalingan ng boses.


"Don't touch me, okay?!"

"Estilo." Bulong 'ko kaagad at nagmadali akong lumapit sa kanya. Hinawi 'ko talaga
ang mga tao na nagsasayawan, mga lasing.

Nag init ang dugo 'ko nang makitang pilit siyang hinahawakan nung lalaki na kasing
edad 'ko lang.

"I said, don't touch me!" Inis na sabi ulit ni Estilo. Lumapit ako at inakbayan
siya.

"Get your f*cking hands off my girl." Sabi 'ko sa lalaki at tinignan siya ng
masama. Kumunot ang noo niya. Bumaba ang kamay 'ko sa bewang ni Estilo at nilapit
siya sa'kin. "Fuck off."

Nagsukatan kami ng tingin ng lalaki, si Estilo ay nakatulala lang. Lasing siya at


naaamoy 'ko ang alak sa kanya.

"Okay, fine." Tinaas ng lalaki ang dalawa niyang kamay at naglakad paalis. Humarap
ako kay

Estilo at tinignan 'ko siya mula ulo hanggang paa.

"Damit ba 'yan?" Inis na sabi 'ko. "Sana nag panty at bra ka na lang, eh!" Paano ba
naman, napakaikli ng suot at nakatube pa.

Hinubad 'ko ang hoodie 'ko at pilit isinuot sa kanya bago 'ko siya alalayan papunta
sa may kotse 'ko. Wala na akong pakealam kahit magtanong siya kung kaninong kotse
'yon, makakalimutan niya rin yan panigurado. Sobrang sabog, eh.
"W-wait! Where are we going?" Inosenteng tanong niya pagkadrive 'ko paalis. "I
don't want to go home yet! No!!!" Tinakpan 'ko ang tenga 'ko gamit ang isa 'kong
kamay nang sumigaw siya. Nasigaw pa, nasa tabi niya lang ako!

Naisipan 'kong doon 'ko na lang siya sa hotel dalhin, kesa naman sa bahay namin at
sa condo 'ko. Pangit tignan at baka matakot pa siya.

Pinasakay 'ko siya sa likod 'ko at naglakad ako papasok sa elevator pagkatapos 'ko
kuhanin ang susi. Habang nasa elevator, kung ano ano ginagawa niya! Ang likot likot
niya!

"Lintek! Masakit kaya!" Tinanggal 'ko ang pagsabunot niya sa buhok 'ko. "Naiinggit
ka ba sa buhok 'ko? Gupitan kita!" Sabi 'ko sa kanya. Tumawa siya ng malakas. Ano
kayang nakakatawa doon?

Bumukas ang elevator at pumasok sa may hotel room. Sinipa 'ko ulit pasara ang pinto
at binuksan ang ilaw.

"Stranger.." Bulong niya sakin habang buhat 'ko pa rin siya. "Bakit tayo nasa
hotel?" Nilipat

niya ang kamay niya sa may leeg 'ko at dahan dahang binaba sa balikat 'ko.

"Estilo, wag kang magulo!" Sinampal 'ko paalis ang kamay niya at naglakad papunta
sa may kama para makatulog na siya. Pero dahil sa sobrang likot niya, pati ako
nasama sa kama pagkalapag 'ko sa kanya. "Sorry! Likot, eh!" Tatayo na sana ako pero
hinawakan niya ang collar ng damit 'ko.

Hayup!! Ano bang gusto neto?!


"Stay there." Binaba niya ang kamay niya sa dibdib 'ko. "I like this."

Halos mahimatay ako sa pinag gagagawa niya. Nasa ibabaw niya ako! "Estilo, matulog
ka na nga." Tatayo na sana ulit ako pero hinatak niya ulit ako. Hindi ako makaalis
sa ibabaw niya at nakasuporta lang ang dalawa 'kong kamay sa gilid niya. "Ano bang
problema mo?"

"I want.. to forget."

Kumunot ang noo 'ko sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Help me forget everything." Sabi ulit niya.

"Ha? Gusto mo magka-amnesia? Hindi 'ko alam kung pano 'yon! Wag naman 'yung
imposible." May tama na talaga 'tong si Estilo! Malala na! Porket gwapo ako, kaya
ko nang gawin lahat? Hindi tama yon.

"F*ck me.."

Napanganga ako sa sinabi niya. "A-ano?!" Natense lahat ng parte ng katawan 'ko. Ano
bang pumapasok sa isip niya?! Ganito

ba talaga 'to kapag lasing?!


"..until I forget everything." Dugtong niya pa.

Pumikit ako sandali. "Ayoko." Tinanggal 'ko ang kamay niya at nagmadaling umayos ng
tayo. Inayos 'ko ang damit 'ko. "Matulog ka na." Inangat 'ko ang kumot hanggang sa
bewang niya para lang matakpan 'yung binti niya. Exposed masyado.

"Why?!" Reklamo pa niya. Kwela din netong si Estilo! Itatanong pa kung bakit!

"Lasing ka lang." Kumuha ako ng tubig sa may mini ref at inabot sa kanya. Pero
hindi niya ininom. Nakatingin pa rin siya sakin at naghihintay ng sagot.

"Am I ugly? Not sexy? Not gorgeous? Not attractive?" Naramdaman 'kong paiyak na
siya kaya nagpanic ako.

"Maganda ka." Uminom ako ng tubig at tumingin sa kanya. "Sexy ka, oo. Hindi ka
pangit. Nirerespeto lang talaga kita."

Nakatingin lang siya sakin at sunod siyang tumingin sa bag niya na nasa may side
table. Kinuha 'ko naman ang bag niya at tinignan ang laman.

"Cutter." Kinuha 'ko ang cutter. "Hindi, Estilo. Hindi ka pwedeng maglaslas." Wala
ngang blade, cutter naman ang dinala. "Nababaliw ka na ba?" Umupo ako sa tabi niya.

"I'm sleepy.." Humikab siya. "D-don't.." Humiga siya at pumikit. Don't ano?
"..leave me."

***
Style's POV
I

woke up with a hangover. Now, I regret drinking a lot of alcohol last night. Wait..
where the f*ck--

"Why is he here?" Tinignan 'ko ang lalaking nakaupo sa gilid ng kama 'ko. I slept..
all night holding his hand? "Stranger..?"

He flinched and I immediately stood up. I don't want to wake him up. He seems tired
so I tried my best to be silent.

Uminom ako ng tubig at sumandal sa pader pagkatapos 'ko bumili ng gamot at magorder
ng breakfast. Pero, nauna na akong kumain kaya hinihintay 'ko na lang siya
magising.

*riiingg riiingg

My eyes stared at his phone. Someone's calling him and tulog pa siya so I answered
the call. "Hello?"

{WHOA, pare, pakinggan niyo 'to!} Narinig 'ko sa kabilang line. {Hello?} I heard
another voice. {Si Danger?} And.. another one. Let's assume that the voice belongs
to Kiba guy.

"Hi, this is Style and Danger is.." Sumulyap ako sa kanya. "..sleeping?"

{PARE, HOME RUN NGA ANG UWI!}


{Seryoso?! 6:45 AM pa lang, magkasama na sila?}
{Bobo, malamang kagabi pa sila magkasama! Hindi na birhen si Panganib mga tol!}
"Estilo." Tumingin ako kay Danger na may kagat kagat na toasted bread. "Sino 'yan?"
Kinuha niya ang phone at sinagot.

/>
I shrugged. Umupo na lang ako sa sofa and I tried recalling the memories last
night. I'm really nervous about this.

Maybe I should just ask Danger. "Danger." I called him. "What happened last night?"

I have this.. weird transformation when I'm drunk.

Danger's POV
Binaba 'ko ang phone at tumingin kay Estilo. "What happened last night?" Tanong
niya sa akin. Namula ako at umiwas ng tingin.

"W-wala naman.." Umiling ako at uminom ng tubig. "Uhm.. Knock knock." Naghalungkat
nanaman ako ng jokes kagabi habang hinihintay 'ko siya makatulog.

"Who's there?"

"So good."

"So good who?"

Ngumiti ako. "Ehem ehem.. So good mga kapatid! Tayo ay magsama-sama, iwagayway na
ang bandera, rakenrol hanggang umaga! Hahahaha!" Oh ha.. Nakita ko lang yon. Haha!
"Isa pa, knock knock."

"Who's there?" Inirapan na niya ako.

"Two minutes. Haha."

"Two minutes who?"

Pinigilan 'ko ang tawa 'ko. "Two minutes.. saking mata. Magtapat ng nadarama~
Hahahaha!"

"Funny. Now tell me what happened last night." Ay shet, hindi pa rin ako ligtas
doon?!

"Anong pagkain ang buntis kaagad?"

"DANGER." Pagbawal niya.

"Edi.. Instant mami. Hahahaha!" Tinignan niya ako ng masama kaya napatigil ako sa
pagtawa 'ko. "Hehehe, ano ulit yun?"

"What happened last night?" Pinaglaruan niya ang daliri niya. "Tell me, please."

Sasabihin 'ko ba? Baka magfreak out 'tong si Estilo, eh. "Wala nga. Medyo ang likot
mo lang at sinubukan mo akong akitin pero olats." Tumawa ako ng pilit.
"I seduced you?!" Napatayo siya at napatakip sa bibig niya. "I'm sorry! Just forget
everything that I said last night. I was out of my mind."

"Alam 'ko." Tumango ako. "Ahh, nabayaran 'ko na nga pala 'yung bills. Mauna na ako,
ah." Naka-kotse kasi ako, baka mahuli pa ako, eh.

"O-okay." Umiwas siya ng tingin.

***
"Nandiyan na ang panganib!" Lahat sila nagtinginan sa akin at may nakakalokong
ngiti sa mukha.

Umiling na lang ako at umupo sa tabi ni Jon. "Wag niyo ako kulitin." Sabi 'ko sabay
kuha ng baraha. Nakatingin pa rin sila sa akin. "Ano ba?" Inis na tanong 'ko.

"Magkwento ka naman diyan." Sabi ni Lucas.

"Walang ikekwento."

"Weh? Tol, nasa hotel ka. Kasama si Estilo. Anong walang ikekwento?" Sabi naman ni
Kiba.

/>
"Walang nangyari. Lasing 'yung tao, mga brad." Pagpapaliwanag 'ko.

"Kahit kiss lang?" Tanong ni Jon. "Wala talaga? As in lawa?"


"Lawa." Ulit 'ko. "Alam mong di 'ko trip ang mga ganung gawain kaya manahimik ka."
Ayoko talaga ng mga ganitong topic, eh. Medyo baboy. "Bastos niyo. Game na nga!"

"Sus." Umiling si Kiba. "Baka bukas makalawa malaman na lang namin na kayo na, ah."

***
"BINGO!!!!" Tumayo ulit ako at tumakbo sa harapan. Pero nadapa nanaman ako at
nasira ang tsinelas 'ko. "WAAAH!!!" Tumayo ako at tumingin sa tsinelas 'ko.

Paano ako makakauwi?! Natanggal na 'yung nasa ibabaw! Sabi na nga ba't hindi
matibay 'tong tsinelas na nakuha 'ko sa may palengke, eh!

"Okay ka lang?" Lumapit si Sir Nakalimutan at binigay ang prize 'ko. Bilib nanaman
ang mga matatanda sa akin. May hawak kaya akong swerte. Hehehe.

"Hindi po. Yung tsinelas 'ko po, oh!" Turo 'ko sa tsinelas 'ko. "Ano ho ulit
pangalan niyo?" Tanong 'ko.

"Cedie, Panganib."

"Ahh.. Alam 'ko middle initial at apelyido mo. Hehehe." Ngumiti ako. "R King. Cedie
R King. Hahaha! Salamat po dito!" Paika ika akong naglakad palabas ng court.

"DANGER!"
/>
SINASABI 'KO NA NGA BA!

Tinanggal 'ko ang dalawang tsinelas 'ko at tumakbo ng naka-paa. Pinagdadasal 'ko na
wala akong matapakan na tae o bubog man lang.

Hala, sige ang takbo 'ko palayo kay Ricky Boy! Hindi kaya bumibigay na siya sa
akin? Pursigido talaga siya sa paghabol sa akin kasama 'yung mga tauhan niya. Mukha
na silang fansclub.

Nagtago ako sa likod ng poste. "Danger, kita ka pa rin namin." Sabi ni Ricky Boy.

"Hindi! Kunghari hindi niyo ako nakikita!" Sigaw 'ko habang nakatalikod pa rin at
inaayos ang tsinelas 'ko. Focus na focus talaga ako sa tsinelas 'ko, eh. "Walanjo,
ayaw na!"

Lumingon ako kay Ricky boy na naghihintay. "Ricky boy, iuwi mo nga muna ako sa
bahay at magpapalit ako ng tsinelas. Tapos tatakasan na ulit kita, okay ba yon?
Salamat!" Pumasok ako sa kotse na black at pinagdrive nila ako pauwi.

Pagkapasok 'ko, pinagalitan kaagad ako ni Jayden. "Ano ka bang bata ka! Ang dumi
dumi mo tignan! Tumakbo ka ng nakapaa ano?! Paano kung may matapakan kang bubog o
kung anong matulis, ha?! Mamaya may pako ka pang matapakan at matetano ka diyan!
Ospital nanaman ang bagsak mo! Hala, sige! Maglinis ka nga!"
Sana may Jayden remote ako para pwede 'kong ifast forward at i-mute. Hahaha, ang
daldal, eh.

Inabutan 'ko siya ng judge bago umakyat

sa kwarto 'ko at naligo ulit. Pagkatapos, umupo ako sa gilid ng kama 'ko. Wala
akong pantaas at nakalagay ang twalya 'ko sa may leeg 'ko. Basa pa ang buhok 'ko at
nakapantalon lang ako. "Paano na kaya, di sinasadya.."

Pinilit 'ko pa ayusin ang tsinelas 'ko pero wala talaga, eh! Ayaw na niya sa akin.
Huhuhu. I feel rejected.

Bibili nanaman tuloy ako ng bago, eh! Bahala na. Sinuot 'ko na lang ang sapatos 'ko
at nagsuot ng black na v-neck. Tumingin ako sa salamin at nag mirror shot. "Gwapo
'ko talaga." Siyempre pinost 'ko sa instagram. Hashtag OOTD.

Lumabas na ako ng bahay ulit at tinakasan si Ricky boy. Lumabas ako ng village at
umupo sa may tindahan ng mga street foods. Bumili ako ng hotdog. Mighty meaty
hotdog. Eksdi.

"Stranger?" Tumingin ako kay Estilo na mag isa lang na naglakad palabas ng village.
Himala, hindi nakakotse. "Why are you here?"

"Huh? Ah.." Nag isip ako ng palusot. "Hinihintay kita, eh. Hehe. Kakamustahin
kita."

"Oh? I'm still miserable."

"Ate, hotdog 'ko yan!" Tinaas na kasi ni Ateng nagtitinda ang stick, eh. Baka
ibigay sa iba kaya pinangunahan 'ko na. "Pero, okay ka na?" Humarap ako kay Estilo
habang kumakain ng hotdog.

"Not yet."

"Saan ka pupunta ngayon?" Tanong

'ko.

Kinagat niya ang labi niya. "At the park."

"Sama ako. Ate, eto bayad." Inabot 'ko ang bayad at sinabayan si Estilo sa
paglalakad. Tahimik lang siya at mukhang malalim ang iniisip niya. Araw araw talaga
hindi nawawalan ng problema 'to, eh.

Umupo kami sa ilalim ng puno. Hapon na rin, ah.

"May problema ka na--" Napatigil ako nang mapansin 'kong umiiyak na siya. Nagpanic
kaagad ako at nilabas ang panyo 'ko. Jusko, paano?! "Hindi pa nga ako nagsisimula,
naiyak ka na."

Wala akong dalang hoodie! Mababasa nanaman ang damit 'ko. Huhu. "Divorce.." Yun
lang ang nakaya niyang sabihin at naintindihan 'ko na. "I wanted to stop them.. I
t-tried.."

Nilagay 'ko ang kamay 'ko sa balikat niya at nilapit siya sa'kin. Hindi ako
nagsalita at hinayaan 'ko siyang magkwento. "My m-mom asked me.." Humikbi siya.
"..to choose. 'Kanino ka sasama? Sa daddy mo or sa akin?' H-how.. F*ck them both!"
Umiyak siya sa balikat 'ko. Yung t-shirt 'ko.. "Shh."

"I just want everything to be okay.." Sabi niya ulit. "..but this damn cruel world
is f*cking everything up."

Nanahimik ulit ako at sinandal ang ulo niya sa balikat 'ko. Nang kumalma na siya,
pinunasan 'ko ulit 'yung luha niya. "Palagi na lang bang ganito, Estilo? May araw
bang dadating na hindi ka na ulit iiyak ng ganto sa balikat 'ko?"

"I have something to ask.. Bakit ayaw na ayaw mo sa mga babaeng umiiyak?" Mahinang
tanong niya. "It's weird.."

"Wala lang. Ganun talaga, eh." Kinagat 'ko ang dila 'ko. "Oo nga pala, may sinabi
ka sa akin kagabi noong lasing ka."

Napatingin kaagad siya sa akin.

"Sabi mo.." Huminto ako. "Wag kitang iwan. Nagmakaawa ka pa at hinawakan ang kamay
'ko. Sa tingin 'ko, naaalala mo lang yung ex mo. Hehe. Pero sumunod pa rin ako
kasi--"
"It's for you." Napahinto ako. "I'm willing to beg in front of you.. Just please
don't leave me, Danger."

"Huh?"

"I'd die. I'm serious."


__________________________________________________________________
Hi guys! May handler na si Dawn~ Join kayo sa group at doon 'ko sasabihin ang
account niya kapag nakagawa na siya ng account.

By the way, 'yung mga jokes dito, nakikita 'ko lang yan pagala gala sa twitter or
tumblr. Pero 'yung ibang jokes at punchlines, sa akin talaga galing. :))

Blocked po ang fb ni Panganib. Yun lang.

=================

DS 15 ~ Ingat

UNA SA LAHAT ASAR NA ASAR AKO SA WATTPAD KASI NAWALA YUNG MGA COMMENTS SA LAST
CHAPTER 500+ YUN KAHAPON TAPOS NAGING 100+ NA LANG NGAYON SO ANO YON NAGEVAPORATE
LECHE TALAGANG WATTPAD 'TO PABAGO BAGO NA NGA PINAGLOLOLOKO PA ANG MGA AUTHOR
BWISIT.

ETO NA NGA! KAASAR 'TONG WATTPAD. #kalma

Danger's POV
Binuklat 'ko ulit ang mga drawing ni Estilo. Kanina 'ko pa tinitignan sa sobrang
dami ng mga design niya. May kulay pa ang iba at yung iba ay wala. Pwede na siyang
magtayo ng sarili niyang business, eh.

Nandito ako sa may tapat ng bahay namin. Pinahiram niya muna sa akin 'tong sketch
pad niya. "KUYA!" Biglang pumasok si Dawn sa kwarto 'ko. "WAAAAAAAH! MAY NALAMAN
AKO! MAY NALAMAN AKO!"

Tinaasan 'ko siya ng kilay. May nalaman siya, eh anong gagawin 'ko? Iuntog 'ko siya
sa pader para makalimutan niya?
"Magbabakasyon tayo kela Lolo! Hihihi." Tumatalon talon pa siya at nae-excite
talaga siya, ha.

"Lolo?" Napaisip ako. "Ha?! Saan?!" At napatayo na ako sa pagkakahiga 'ko sa kama.

"Los Angeles! Omg omg omg!! I'm so excited!! Hollywooood!" Bago pa ako ma-excite
naisip 'ko na ang kalagayan ni Estilo.

"Ilang araw daw tayo doon?" Seryosong tanong 'ko.

"Hmmm, 2 to 3 weeks daw or baka 1 month tayo doon!"

"Hindi ba pwedeng 1 week lang o kaya 4 days.." Paano si Estilo? Sabi niya wag 'ko
daw siya iiwan, mamamatay siya. At hindi pa

sila ayos ng pamilya niya. "Hindi na lang ako sasama." Humiga ako ulit.

"WHAT?!" Gulat na sabi ni Dawn. "ARE YOU SERIOUS?! HINDI PAPAYAG SI MOMMY! TSAKA
BIRTHDAY NI LOLO! TSAKA NANDOON SI KUYA XYRIS!"

Napaupo ulit ako. Shet, si Puti nga pala nandoon! "Wala rin akong magagawa." Bulong
'ko. "Sige na, lumayas ka na dito. Imbyerna mukha mo." Tinaboy 'ko siya palabas at
humiga ulit. Tinakip 'ko ang braso 'ko sa mata 'ko habang tinatawagan si Estilo.

{Hello? Stranger?} Bungad niya sakin.

"Estilo, may sasabihin ako." Sabi 'ko naman.

{What is it?}

"Ahh.. Magbabakasyon kami sa probinsya. Mga 2 weeks hanggang 1 month." Palusot 'ko.
{And so?}

"Okay ka lang ba mag isa muna?"

{Yes, I'm staying in my friend's house.}

"Oh? Bati na kayo?"

{Yes. But they still don't know my secrets. Besides, we can still chat, right? It
can do.}

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Sige. Bye." Binaba 'ko ang phone at tumayo
para kumain ng dinner sa baba. "Kailan ang alis?" Tanong 'ko pagkaupo 'ko.

"Bukas, 3:00 PM." Maikling sagot ni Dash habang kumakain. Tumango na lang ako at
pinagpatuloy ang pagkain 'ko. "Why? Mamimiss

mo girlfriend mo?"

"*cough* *cough*" Bigla akong nabulunan sa sinabi niya. "T-tubig!" Hinampas 'ko ang
kamay ni Dawn para ikuha niya ako. Pagkatapos 'ko uminom, tinignan 'ko ng masama si
Dash. "Wala akong girlfriend." Sabay inom 'ko ulit.

"Sus. Saan ka natulog noong isang gabi? Bakit wala ka sa kwarto mo?"

"*cough* *cough*" Nasamid naman ako. Wengya! Akala 'ko ligtas na ako doon! Hindi pa
pala. Umubo ubo muna ako bago magsalita. Pati si Jayden nakatingin na sa akin.
Lahat sila.
"Danger, binabalaan kita. Hindi pa ako handang magka-apo. Lumayo ka sa panganib."
Sabi naman ni Jayden.

"May pinuntahan lang ako!" Sabi 'ko.

"Babae." Sabi naman ni Dawn. "Amoy babae 'yung hoodie mo noon, pagkauwi mo ng
umaga, umalis ka ng 7:30 PM sumakay ka sa kotse mo at bumalik ka kinabukasan ng
7:33 AM. Wala ka sa bahay ng 12 hours, 3 minutes and 21.2 seconds."

Napablink ako sa sinabi ni Dawn. "Inorasan mo talaga ako, ah? May seconds pa. Aba
magaling."

"Walang sakit."

"At saan ka nga nang galing, Danger?" Ulit ni Jayden.

"Diyan lang ho sa kaibigan 'ko. Naglaro kami ng baraha tapos nakatulog po kaya
inumaga na ako ng gising." Kinagat 'ko ang dila 'ko.

"Totoo?" Tumaas ang kilay ni Dash.

Tumango lang ako at tumayo kaagad para umakyat sa kwarto 'ko.

Tatadtadin nanaman nila ako ng tanong. Masama ba 'yung magkasama kami ni Estilo
noong gabi na 'yon? Di 'ko naman siya nabuntis, ah! Kahit inalok niya ako. Tsk.

Pumunta na lang ako sa maliit na walk-in closet at nagayos na ng gamit 'ko para
hindi hassle bukas.
***
"Huhuhu, pare mamimiss kita." Bigla akong hinatak ni Kiba at niyakap.

"Group hug!" At sumunod naman si Jon at Lucas sa yakap. Walanjo, hindi ako
makagalaw! Iniipit nila ako hanggang sa hindi ako makahinga!

"Porket gwapo ako, chinachansingan niyo na ako?!" Reklamo 'ko. Binitawan naman nila
ako kaagad at kunghari pang nagpunas ng luha.

"Parang di 'ko yata kaya.. pag sa buhay ko'y wala ka.." Sabi ni Jon sabay punas
ulit ng mata niya.

"Aanhin ang pag ibig kung puso ay nag iisa.." Dugtong ni Lucas at nagemote.
Tumingin ako kay Kiba.

"Ano? Akala mo susundan 'ko sila? Ha? Sinong aking tatawagin? Sinong aking
hahanapin? Sino ang magpupuno saking paglalambing?" Siraulo!!

Tapos sabay sabay pa silang nag "Bakit ka pa nakita?! Bakit pa nakilala?! Kung ang
puso 'ko ay iiwan mo lang at sasaktaaaan!! Kung siya'y higit sa akin, naron man ang
pagdaramdam.. Ito.. ay aking.." Tumingin sila sakin at napaatras ako.
"..kakayanin.."

"KING

INA NIYO, ANG DADRAMA NIYO!" Inis na sabi 'ko sabay kuha ng tsinelas 'kong bago na
galing sa rated K at akmang hahampasin sila. "Parang hindi kasama, eh!"

Mga siraulo, pupunta rin naman sila. Pupuntahan kasi namin si Puti doon. Sagot ni
Kiba ang ticket. "Tara na nga!" Lumabas ako at sumakay sa van. Sumunod naman sila
dala ang mga gamit nila at nagdrive si Ricky boy papuntang airport.

"Ricky boy, ibaba mo muna kami sa may KFC. Kain lang kami." Sabi 'ko kay Ricky boy
kaya sinunod naman niya. Habang ako, nagpalit ng sapatos at nagsuot ng hoodie.

Pumasok kami sa KFC at tinawagan 'ko na si Estilo. {Yes, I'm here.} Sabi niya sa
kabilang linya at lumingon ako sa likod 'ko. "Hi, Stranger."

"Kaya pala.. Kakain daw, ah." Hirit ni Jon.

"Tara na mga pare, hanap na tayo ng table natin." Sabi ni Lucas.

"Tutal, sa ibang table uupo si Panganib. Puahaha." Umalis sila Kiba at iniwan kami
ni Estilo.

"Nag order ka na?" Tanong 'ko habang naupo kami sa table for two.

"Yup."

"Ahh, kanina ka pa dito?" Tanong 'ko.

"Not really. Just about 10 minutes ago." Sagot niya. "By the way, saang province
kayo magvavacation?"

"Ahh.. Sa.. Ano.." Nag isip ako. "Quezon." Kinagat 'ko ang dila 'ko. Probinsya ba
'yon? Bahala na, gwapo pa rin naman ako. "Estilo,

anong katabi ng singapore?"

"What?"

"Singafive. Hahahahaha!" Tumawa ako at kumunot ang noo niya. Hindi nanaman ho
nagets. "Eh ano 'yung isa pang katabi ng Singapore?"

"What are you talking--"

"Singarich. Hahahahahahaha!" Tumawa ako at natawa rin 'yung nasa katabing table. Oh
diba? Havey nga, eh. Wag niyong sabihing mais, kakatukan 'ko kayo.

"Are you crazy?" Inis na tanong niya at sakto dumating ang pagkain kaya kumain na
kami habang nagkekwento siya kung paano sila nagkabati ng mga kaibigan niya. "So
yeah, I told them my mom and dad are out so I'll be staying at Chie's house.
Actually, it's our house. Bahay namin ng mga kaibigan 'ko."

Tumango lang ako at kumuha ng tissue. Lumapit ako. "Chin up." Sinunod naman niya
ako at pinunasan 'ko 'yung bibig niya. Hinayaan niya lang ako at patuloy siya sa
pagkwento niya.

"Mga damoves talaga, eh." Pagpaparinig ni Kiba kaya lumingon ako at binato 'ko
'yung tissue sa kanya.

"Pre, ang dugyot, ah!" Sabi naman ni Jon dahil nashoot sa coke niya.

"Masarap daw ang coke kapag may tissue, g*go! Tikman mo pa!" Panloloko ni Lucas.
Alam naman niyang uto uto si Jon, eh.

"Your friends are like you." Sabi ni Estilo.

"Maliban sa gwapo ako, at sila hindi."

/>

"Aba, siraulo 'to, ah." Sabi ni Lucas, lumingon lang ako at bumelat.

"Nadamay pa kami, si Kiba lang naman ang mukhang inaso." Sabi ni Jon.

"Ina niyo, ako nanaman ba?!"


"Hep, wag nang maingay, Kiba. Finish your dog food muna."

"Wag bibigyan ng treats yan!"

Umiling ako at humarap ulit kay Estilo. Bakit ba kasi ang lapit ng table nila sa
amin?! Badtrip, eh.

Tumingin ako sa orasan. "2:00 na." Tumayo ako at tumayo rin si Estilo, pati rin
sila Kiba ay sumunod na sa amin palabas.

"Hmm, I'll go now?" Sabi ni Estilo.

Alanganin akong tumingin kela Kiba na nakaiwas ng tingin. Kunghari pa, nakikinig
naman sa usapan namin.

"Okay ka lang talaga?" Tanong 'ko.

Ngumiti siya sakin. "Danger, I'll be fine."

"Wala kang gagawin na hindi 'ko gusto, ah." Bilin 'ko. "Walang cutter. Walang
blade. Bawal yon."

"I know." Tumango siya. "Is that all?"

Lumapit ako at niyakap siya. "Ichat mo na lang ako pag may problema." Bulong 'ko.
"Woot wooot~ Wala kaming nakikita!" Kantyaw ni Kiba.

"Pre, inggit ako. Hug mo nga ko." Rinig 'kong sabi ni Jon.

"Hug mo yung

poste, bakla."

Binitawan 'ko si Estilo. "Knock knock."

"Who's there?" Ayos, sumasagot na talaga siya sa mga joke 'ko.

"Saging mangga."

"Saging mangga, who?"

"Ehem.. Tumingin saging mangga.. magtapat ng nadarama~ HAHAHAHA!" Ngumiti lang siya
at pinigilan ang tawa niya. "Isa pa. Knock knock. "

"Who's there?"

"Marty's Cracklings."

"Marty's Cracklings who?"


"Ehem.. Lunes nang tayo magcracklings lala, Marty's nang tayo'y muling nagkita..
Hahahaha!" Hoy, havey yon, maniwala kayo dahil tumawa siya at hinampas ako. "Ge na,
alis ka na. Hahaha!"

"Okay, okay." Tumango siya at aalis na sana pero hinawakan 'ko kamay niya.

"Estilo." Tawag 'ko.

"What?" Lumingon ulit siya sakin.

Lumapit ako at hinalikan siya sa noo. "Ingat."

***
"Mga pre, may joke ako!" Sabi ni Kiba habang nakasakay kami sa private plane.
Magkakatapat kaming apat.

"Ano?" Bored na tanong ni Lucas.

"Anong pagkain ang mabilis?"

"Sus, alam 'ko na 'yan." Umiling si Jon. "Fast food. Hahahaha! Ako

naman. Anong pagkain ang mas mabilis pa don?"

"Ano?" Tanong 'ko.

"Kwek kwek. Hahahaha!" Muntik na ako matawa don.


"Ano ang pinakamabilis?" Tanong naman ni Kiba. Tumingin kami sa kanya. "Sopas.
Hahahaha!"

Bwisit. Laos na laos na 'yung joke pero natatawa pa din ako. Sarap hampasin ng
bakal, eh. "Pre, maglalanding na!" Napahawak sa braso 'ko si Jon.

"Wops, chansing." Turo 'ko sa kamay niya. Takot kasi 'to sa mga take off at
landing. Hahahaha! Pakabakla talaga, eh. "Sige lang, namnamin mo lang ang biceps
'ko."

Maya maya, naglanding na ang eroplano at nakita 'ko na lang na nakasakay na kami sa
van papunta sa bahay ng lolo 'ko. Nasa kabilang van naman sila Dawn at sila Jayden.

"Wooow, ang laki." Sabi ni Lucas pagkababa ng van.

Binuhat ng mga tauhan ni Ricky Boy ang mga gamit namin at pinasok sa loob ng
mansyon. Sumunod naman sa akin sila Lucas papasok.

"Bro, ang laki ng bahay ng lolo mo." Puri ni Kiba.

"WELCOME MGA SIRAULO!!!!"


Tumingin agad kami sa nagmamadaling bumaba ng hagdan. Nadulas pa siya kaya nagslide
siya pababa. "Awww.. Ang sakit.." Sabi niya habang naglalakad palapit at kinakamot
ang likod niya.

"PUTI!!!!" Sabay sabay kaming tumakbo palapit at dinaganan siya.


_________________________________________________________________
Xyris White as Enrique Gil.
Kiba Reyes as Alexander Diaz.
Jon Dela Cruz {patawa yung pangalan} as Yves.
Lucas Wood as Jerome Ponce.

BWISIT PA RIN AKO SA WATTPAD, KAPAG ANG COMMENTS ULIT NETO AY NAWALA. NAKO NAKO
TALAGA.

=================

DS 16 ~ Puti

Danger's POV
"AAAAAAAAAHH DI AKO MAKAHINGAAAAAAA!!" Pilit kumawala si Puti sa pagkakadagan nila.
Ako na lang ang kulang kaya umatras ako ng umatras. "W-wag! Wag, Panganib! W-
waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaraaay!" Sigaw ni Puti pagkatakbo 'ko sabay talon padagan sa
kanila. Tawa ako ng tawa habang dinidiin 'ko pa ang sarili 'ko sa kanila.

"Puti, namiss ka din namin!" Malokong sabi 'ko sabay tayo. Kawawa naman si Puti,
nadulas na nga nadaganan pa. Sakit ng katawan neto, panigurado.

"Ayos ka lang?" Tinulungan ni Lucas makatayo si Puti. Pinagpagan niya ang damit
niya at tinignan kami ng masama.

"Ikaw ipadulas 'ko sa hagdan tapos tatanungin kita kung ayos ka lang?!" Inis na
sabi ni Puti. Natawa tuloy ako, eh. "Pero shet, is this real, is this real?!"
Napatakip pa siya sa bibig niya.

"Real na real na real na real." Sagot naman ni Jon.


"Boys, magpahinga muna kayo sa taas." Bumaba si Jayden at pumunta sa kusina para
tulungan ang Mommy ni Puti na magluto.

"Xy, paki-abot 'yung cellphone 'ko diyan." Sabi ng Mommy ni Puti. Agad namang
kinuha ni Puti ang cellphone sa ibabaw ng lamesa at naglakad papuntang kusina.

*BLAG

Nagtawanan kami nang sumalpak sa sahig ulit si Puti at nabitawan ang cellphone. "Di
pa rin nagbabago ang loko." Natatawang sabi 'ko.

"Sorry, Ma." Pinulot ulit ni Puti ang cellphone at inabot

bago bumalik sa amin. "Tara, nasa taas ang kwarto niyo."

Sumunod na lang kami sa kanya. Magkaibigan ang pamilya namin nila Puti kaya
nagiistay din sila dito. "Grabe, feeling 'ko ilang taon na ako dito." Sabi ni Puti
pagkaupo sa kama. Nandito kami sa malaking kwarto na may tatlong double deck. Astig
nga, eh.

"Inaantok na ako, tulog muna ako, ah." Tumango kami kay Kiba.

"Ako rin, antok na 'ko." Sabi naman ni Lucas at humiga na sa taas.

"Goodnight." Humiga na rin si Jon.

"Sige, mga brad. Tulog na kayo, maglalaro lang kami dito ng baraha ng tahimik."
Sabi 'ko. Tumayo si Xyris at pumunta sa may cabinet.
Bumalik siya at naglapag ng baraha. Naglaro kami ng kung ano anong pwedeng laruin
hanggang sa makatulog sila. "Show time na, Puti." Sabi 'ko. Tumayo kami ni Xyris,
ako pumunta sa banyo para mag igib ng mainit na tubig at kuhanin ang shaving cream.

Si Puti naman, kumuha ng ink.

Dahan dahan kaming pumunta sa mga natutulog. Sakto, nakalaylay ang kamay ni Lucas.
Nilagyan 'ko ng shaving cream. Si Puti naman, nilagyan ng ink ang kamay ni Kiba.

"Sigurado kang gagawin natin kay Jon 'to?" Alanganin na tanong 'ko kay Puti.
"Dugyot 'to, brad. Hahaha!"

"Papalabhan 'ko na lang 'yung sapin ng kama." Lumapit si Puti kela Kiba at Lucas.

Kiniliti

'ko 'yung mukha ni Lucas at siya naman kay Kiba. "Tsk.." Gumalaw si Lucas at
hinampas ang kamay 'ko. Kiniliti 'ko ulit kaya napabangon siya sabay kamot sa mukha
niya.

Kumunot ang noo niya at sa sobrang pagmamadali, naglikot siya at nahulog sa kama.

*BLAG

"HAHAHAHAHAHAHA!" Hindi 'ko na napigilan ang tawa 'ko nang tumingin siya sa
salamin.

"PUTANG-HMMM!!" Tinakpan 'ko ang bibig niya para hindi magising si Jon at Kiba.
Sabay naming pinanood si Kiba na nagkakalat ng ink sa mukha niya.
"Huh?" Nagulat si Kiba nang makitang nakatingin kami sa kanya.

"Good morning, tol." Natatawang sabi ni Puti.

"Natupad mo na pangarap mo, Kibs!" Sabi 'ko. "ANG MAGING AVATAR. HAHAHAHA!"

Parehas sila ng reaction ni Kiba at tumingin sa salamin. Tinakpan 'ko na kaagad ang
bibig niya bago siya sumigaw.

"Towel, oh." Inabot ni Puti ang towel para mawala 'yung ink at shaving cream.
"Lika, may gagawin tayo." Ngumiti si Puti at lumapit kaming lahat kay Jon na
tahimik na natutulog.

"Hala g*go, haha. Seryoso kayo diyan?" Tanong ni Kiba.

"Shhh." Pagbawal ni Puti at dahan dahang nilagay ang kamay ni Jon sa mainit na
tubig.

Maya maya.. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA NAIHI AMP*TA!"

Tawa kami ng tawa.

"TANGNA JON GUMISING KA. HAHAHAHA!" Sinampal sampal ni Lucas ang mukha ni Jon.

Nagising siya ng walang ka-alam alam at nakapikit pa rin ang mata. "PARE, MAY
SUMABOG SA KUSINA, TANGA BUMANGON KA DIYAN MAY SUNOG!!!!" Sigaw ni Kiba.
"HA?! T-TEKA!" Nagmadaling tumayo si Jon at tumakbo palabas ng kwarto pababa. Tawa
kami ng tawa at sumunod.

"Oh Jon, kain na muna kayo." Bungad ni Dash. "Teka, bakit basa ang short mo?"

"PFFT HAHAHAHAHA!" Pinigilan namin ang tawa namin. Sunod sunod kaming nakatayo sa
may hagdan. "SINONG NAIHI? HAHAHAHAHA!"

"Hindi na 'yan wet dreams, tol. HAHAHAHA!" Pang aasar ni Kiba.

"P*TANG INA NIYOOOO!!!!"

***
"Panghe mo, Jon. Hahaha!" Natatawang sabi 'ko habang sinasampay namin 'yung sapin
ng kama. Walangya, kami ang pinaglaba tuloy!

"Mga ul*l talaga kayo." Sabi ni Jon. "Sabi na nga ba't hindi dapat pinapagsama ang
magbestfriend na 'yan." Turo niya saming dalawa ni Xyris.

"Oo nga, pag pinagsama kami, ikamamatay ng kababaihan." Sabi ni Xyris sabay akbay
sa'kin. "Diba bes? Hihihi."

"Oo, bes. Hihi." Pagsakay 'ko sa trip niya.

"Kadiri!" Sabay sabay na sabi nila Kiba.


/>
"Grabe, speechless ako sa kahanginan niyo." Sabi ni Jon.

"Wag nang maging speechless, basta may fres ka." Nag abot ng candy si Xyris.

"Tengeneng mga linyahan 'yan, hindi pa rin nawawala." Reklamo ni Lucas.

***
Dumapa ako sa kama at naglaptop. Mamaya daw, eh ipapasyal na kami ni Xyris dito.
Chinat 'ko muna si Estilo.

Nagyeyelong Panganib: May apat na tanga.. ang bumasa neto ang panglima.

Kaizen Style Dalton: Shut the f*ck up.

Nagyeyelong Panganib: Aw.. Sinaktan mo ang puso 'ko. Sinaksak mo ng kutsilyo.


Binuhusan mo ng asido, pinukpok ng martilyo~

Kaizen Style Dalton: What?

Nagyeyelong Panganib: Sinaktan mo ang puso ko. Nilagyan mo ng turnilyo. Sinunog mo


ng posporo, hinampas mo ng tubo~

Kaizen Style Dalton: Please shut up, Danger.

Nagyeyelong Panganib: Sinaktan mo ang puso 'ko. Kinaskas mo ng sipilyo. Tinaktakan


ng Ajinomoto, ipinakain sa aso~

Seen 1:00 PM

Nagyeyelong Panganib: Sinaktan mo ang puso 'koo. Tinagpas ng jungle bolo.


Pinanglinis mo ng banyo, dinikdik mo ng maso~

Kaizen Style Dalton: Enough.

Nagyeyelong Panganib: Sabi 'ko nga. Hehe. Anong apelyido ni You wish?
Kaizen Style Dalton:

What?

Nagyeyelong Panganib: Manzano. You wish Manzano. HAHAHAHA EKSDI.

Kaizen Style Dalton: Very funny.

Nagyeyelong Panganib: Alam mo 'yung turkey?

Kaizen Style Dalton: What?

Nagyeyelong Panganib: 28.. 29.. Turkey. Turkey one, Turkey two, Turkey three :
( HAHAHAHAHAHA.

Kaizen Style Dalton: You know what, I'm done with your jokes.

Nagyeyelong Panganib: Ano sa chinese ang ipakita mo ang aking ina?

Kaizen Style Dalton: STOP.

Nagyeyelong Panganib: Siomai Mami. HAHAHAHAHAHAHAHA!!

Kaizen Style Dalton: ...

Nagyeyelong Panganib: Estilo, kiss na kita.

Kaizen Style Dalton: What?

Nagyeyelong Panganib: Miss* yun. Typo! Nakakaasaf

Kaizen Style Dalton: What?

Nagyeyelong Panganib: Nakakaasad*

Kaizen Style Dalton: Are you okay?

Nagyeyelong Panganib: Nakakaasar**! Lintek na keyboard!! Bye na nga!


Inis 'kong sinara ang laptop at sakto namang lumitaw si Puti. "Galit na galit?
Inano ka ng keyboard?" Nasa taas kasi siya ng double deck at sumilip.

"Wala, aalis na daw ba?" Tanong 'ko sabay punta sa cabinet para magbihis.

Naghoodie lang ako.

"Oo, nagkakagulo na sila sa labas, eh."

***
"PICTURE, DALI!" Tinaas ni Lucas ang camera at nagselfie kami kasama 'yung
hollywood sign sa malayo. "Dream come true!"

"Sabay sabay tayo magpalit ng DP, ah." Sabi naman ni Kiba. "Yung mga solo nga
lang."

"Hindi pwede." Tanggi 'ko. Malalaman ni Estilo na wala ako sa Quezon. "Ibang DP na
lang 'yung akin."

"Sige, ikaw bahala." Sabi naman ni Jon sabay upo namin doon sa may tabi ng kalsada.
Kanina pa kami paikot ikot dito at bumibili ng kung ano ano.

"Sa van na kayo magpahinga. Punta na tayong Disneyland." Sabi naman ni Puti.

Habang nasa van kami, sobrang ingay nila, hindi ako makatulog. Nagjojoke time
nanaman sila, eh.

"Bigay pa kayong joke, dali." Sabi ni Puti.

"Yung mukha ni Kiba." Sabi 'ko.

"Ouch, brad. Ako nanaman ba?!" Reklamo niya. "Anong cake ang inuubo?"

"Ano?" Tanong 'ko.


"COUGH CAKE. HAHAHAHAHAHAHA!" Napairap ako sa sobrang mais niya. Ewan 'ko, bitter
lang ako kasi wala akong maisip na joke. Hahaha.

"Eto piso, hanap ka ng kausap mo." Sabi ni Lucas. "Malayo pa ba? Excited na ako.
Hihihi."

"Daddy! Daddy! Gushto 'ko shamahan mo ako sha mga rides ha?" Sabi ni Jon kay Kiba.

"Ul*l, sinong

daddy mo?" Tinaboy niya paalis si Jon. Kawawa talaga 'tong si Jon, palaging
inookray. "Shet mga tol, ayan na 'yung disneyland nakikita 'ko na!!!"

***
"Tama 'yan, Kahoy. Mukha kang daga." Sabi 'ko pagkatapos 'ko lagyan ng headband ni
minnie mouse si Lucas.

"Ako si Jon Dela Cruz!" Kumuha ng espada si Jon. "Yun oh! Hahahaha!"

"Pitingini niyo, nahihilo pa rin ako sa mga lintek na baso na 'yon." Sabi ni Puti
habang minamasahe ang sentido niya. Hahaha, yung mga baso ata 'yun na paikot ikot
na sinakyan namin.

"BRO, SI CINDERELLA KUNIN NATIN SAPATOS!" Nag unahan tumakbo si Jon at Lucas
papunta sa cosplayer ni Cinderella. May minnie mouse pang suot na headband ang
dalawa. Hahahaha!

Siyempre, kami rin nila puti meron. Parang mga bakla lang. Haha. "Walang forever!"
Kantyaw ni Kiba sa isang couple na nagpapapicture doon sa may malaking mickey
mouse.

"Pre, anong magandang ibigay sa babae?" Tanong 'ko kay Puti.

"Bakit? May papasalubungan ka?" Sabi niya naman.

"Oo.." Aamin na ako kay Estilo na mayaman kami pagkauwi 'ko.


"Bukod sa t-shirt.. keychain.. headband.. sombrero, saan ba siya mahilig?" Tanong
niya.

"Sa.. damit?"

"Edi damit ibigay mo." Sabi 'ko nga, diba. "May kilala rin akong babaeng ganyan,
eh."

"Oh? Sino?" Tanong

'ko habang pumipili ng t-shirt.

"Hmm, sabihin na nating sobrang mahalaga siya sakin. Kaso ayoko sabihin sayo
pangalan." Walanghiya talaga 'to. "Pag uwi 'ko na lang sa Pilipinas, ipapakilala
'ko sayo."

"Sabi mo 'yan, ah." Pumunta ako sa counter para magbayad. Namula 'yung babae nang
makita ako. Pati ba naman english spokening dollars na babae naiinlove sa
kagwapuhan 'ko. "Thank you." Lumabas na kami nila Puti ng shop.

"MGA PRE, NAKUHA NA NAMIN YUNG SAPATOS NI CINDERELLA!"

***
"Pagod na ako!" Bumagsak kaming lahat sa may sahig pagkauwi namin. Isang buong araw
kaming nag gala, ha.

"Can I ask something?" Sabi ni Puti habang nakahiga pa rin kami sa sahig. "How's
Skylar?"

Nanuyo ang lalamunan 'ko at pinikit ang mata 'ko. "Ahh, ehh.." Nag aalanganin si
Kiba na magsalita.

"Binisita namin siya last week." Pag amin ni Jon. Tinakpan 'ko ang mata 'ko gamit
ang braso 'ko at pinilit na wag makinig sa usapan nila.
"Wala, eh. Hindi pa rin siya.." Naramdaman 'ko ang tingin nila sakin. "..gising."

"Don't worry, she'll be fine. She's a strong girl." Sabi ni Puti. "Danger, you
okay?"

Bumangon ako at umupo. "Oo naman, sus." Ngumiti ako.

***
"Hoo, talo ka nanaman, Madaling Araw!!" Sabi ni Puti habang nakikipag jackstone
kami kay Dawn.

Ilang linggo na nakalipas, wala na kaming magawa sa buhay namin kundi maglaro at
matulog. Halos maikot na namin buong L.A, eh.

"Ang duga!! Babae ako tapos matatalo ako sa ganto! No way!!" Reklamo niya.

"Bobo kasi, talsik mantika back to one nga, eh. Palaging tumatalsik. Hahaha!" Sabi
'ko.

"Bahala kayo!" Kinuha na ni Kiba ang bola at mga star tsaka naglaro.

"I LOVE YOU NA." Pagpapaalala 'ko sa kanya.

"I love you too, Panganib, wag ka mag alala." Malokong sabi niya habang naglalaro.

"Walang sulutan, tol." Umakbay sa akin si Puti.

"Sige, magpakasaya kayo. Masaya na kami ni Lucas." Sabi naman ni Jon.

"G*go ka ba? Magsaya ka mag isa mo!" Pambabara ni Kahoy.

"Ouch, pagkatapos nang nangyari sa atin iiwan mo na lang ako basta basta? Tinaas mo
ako, tol, eh.. Sobrang taas.. Ang hirap maiwan sa ere."

"Nadidistract ako!" Reklamo ni Kiba.


"I'm surrounded by gays." Sabi ni Dawn sabay irap.

"Kapag babae nag gagantuhan, walang malisya. Kapag lalaki, bakla na? Judgemental."
Sabi ni Kiba.

"Hindi ako judgemental!" Pagtanggol ni Dawn sa sarili niya.

"Oh, tama na. Baka magkabalikan kayo niyan. Puahaha!" Pangloloko ni Lucas. Pano, ex
ni Dawn si Kiba boy.

"No way." Sabay na sagot nila.

"Mandiri kayo, ah." Sabi ni Kiba.

Tumayo si Puti para kumuha ng makakain at maiinom namin. "Hoy, nasan na 'yung
bola?" Tanong 'ko kay Kiba. Siya ang huling naglaro, eh.

"Ha? Ewan 'ko, gumulong, eh." Sabi naman niya.

"Ayun! Kita 'ko na!" Gumapang si Jon papunta sa may pinto.

Sakto bumukas at pumasok si Puti. "Eto na ang mga bas- Waaaaaah!!!!"

Napasapo ako sa noo 'ko nang madulas siya at mabasag lahat ng basong dala niya.
"Jusko, diosdado, patawarin."
_________________________________________________________________\
Clumsy boy. :( Buti naman at hindi na nawala 'yung mga comments.
DAWN'S TWITTER: @midnightfrost_

=================

DS 17 ~ You're here

Danger's POV

"HAHAHAHAHA." Hindi 'ko na napigilan yung tawa 'ko habang ginagamot ang sugat ni
Jon sa kamay niya. Kanina pa namin pinipigilan 'yung tawa namin. "Buti nga sugat
lang inabot mo, eh. Sa kamay lang." Sabi naman ni Puti.

"King ina ka, kasalanan mo 'to, eh!" Sabi naman ni Jon.

"Kasalanan ni Kiba 'yon, pinagulong niya 'yung bola." Sabi ni Lucas.

"Kasalanan 'ko nanaman? Ako nanaman?!" Reklamo niya.

"Sige na, ako na may kasalanan!" Nagprisinta ako. "Makasalanan talaga ang mga gwapo
kaya sorry na, ha? Sorry naman." Paghingi 'ko ng tawad sa kanila.

"Sorry na din." Sabi naman ni Puti sabay kamot sa ulo niya. "Clumsy talaga ako, eh.
Alam niyo naman 'yun."

"Okay lang 'yan pre. Rexona, we won't let you down." Tinapik ni Jon ang balikat ni
Puti. Nagsapukan na sila doon.
Kinuha 'ko ang cellphone 'ko at tinignan ang chat 'ko kay Estilo. Nagreply na siya
sa wakas. Gising na siguro. Gabi na dito, eh.

Naks! Dito ay umaga, at diyan ay gabi, ang oras natin ay magkasalungat, aking
hapunan ay iyong umagahan, ngunit kahit na anong mangyari~ balang araw ay
makakapiling ka~

Nagyeyelong Panganib: Hi

Kaizen Style Dalton: What is it again?

Nagyeyelong Panganib: Ano

sa Japanese ang wait?

Kaizen Style Dalton: Google translate it.

Nagyeyelong Panganib: Alam 'ko kaya.

Kaizen Style Dalton: What?

Nagyeyelong Panganib: Hentai. HAHAHAHAHAHAHA!

Kaizen Style Dalton: EW, BASTOS!


Nagyeyelong Panganib: Anong pagkain ang cute?

Kaizen Style Dalton: What..

Nagyeyelong Panganib: Lechong Kawaii. HAHAHAHA!! EKSDI.

Kaizen Style Dalton: Funny funny funny.

Nagyeyelong Panganib: Very very very. Kilala mo 'yun? Artista 'yun, eh.

Kaizen Style Dalton: Who?

Nagyeyelong Panganib: Si Katy Verry. Hahahaha! Mais, sorry. Kamusta ka na


diyan? :)) Miss mo 'ko?

Kaizen Style Dalton: I'm okay.. Kailan uwi mo?

Nagyeyelong Panganib: Hmm.. Bakit? Gusto mo na ako umuwi?

Kaizen Style Dalton: I'm fine, Danger. Don't worry about me. No cutting.

Nagyeyelong Panganib: Galeeeeng. Ipagpatuloy mo 'yan! Eksdi. :)) Kain ka breakfast,


ha? Nandiyan ba mga kaibigan mo?
Kaizen Style Dalton: Yes, I'm with Chie and Nes.

Nagyeyelong Panganib: Chix ba 'yan?

Seen 9:30 PM

Hala?! Sineen ako?! Speakless nanaman ba

siya sa kagwapuhan 'ko o nagalit siya sa tanong 'ko? Biro lang naman 'yun, eh. Tsk
tsk.

"Danger, kain na daw." Tumayo na kami nila Kiba at pumunta sa dining room para
kumain. Kung ano ano pinagkekwentuhan namin.

"Actually, ayaw ni Danger imana 'yung business. And ayaw din ni Dawn. Nakakastress
na nga, eh." Sabi ni Jayden.

"Jayden, kung gusto mo ako na lang tagapicture sa mga models mo. Wag mo lang ibigay
sakin 'yang clothing line. Pambakla." Sabi 'ko.

"And mommy, mas gusto 'ko mag lawyer!" Sabi ni Dawn.

"Hayy, hindi 'ko na alam gagawin 'ko. Kanino 'ko ipapamana 'yun?" Tanong ni Jayden.
"Madali lang 'yan, Tita!" Sabi ni Puti. "Edi gumawa ng bagong tagapagmana.
Puahaha!"

"Yon! Tito Dash, alam na, ha!" Pang aasar ni Jon.

"3 points na 'yan." Si Lucas din.

"Basta wag mag iingay mamayang gabi baka di kami makatulog. Hahaha!" Ang babastos
talaga nila Kiba. Nasa hapag kainan, eh!

"Manahimik nga kayo at kumain na lang." Sabi ni Dash. Sus, kung alam 'ko lang..
Hahaha! Hindi 'ko na ata kakayanin magkaroon ng isa pang makulit na kapatid.

"Tumatanda na tayo.." Sabi ng Mommy ni Puti.

"Oo nga, eh. May girlfriend na ang anak 'ko."

"*cough

cough*" Bigla akong nabulunan sa sinabi ni Mommy. Inabutan ako ni Puti ng tubig.
"Wala *cough* po!" Tanggi 'ko.

"May nililihim ka na sakin, ah?" Sabi ni Puti.

"Alam mo namang ikaw lang." Bulong 'ko sabay tawa. "Hindi po, Tita. Wala po akong
girlfriend." Sabi 'ko kay Tita Lyn, mommy ni Puti.

"Eh eto namang si Xyris, wala rin. Nakareserba daw siya. Naku, ang kabataan."
Natatawang sabi ni Tita.

"Ikaw, ah. May nililihim ka na din sakin." Sabi 'ko kay Puti. Tumawa lang siya at
umiling.

"Wag kayo maglandian sa tapat ng hapag kainan." Sabi ni Kiba sa amin. "Nagseselos
ako. Hihihi."

"Kayo ba ay bakla?" Biglang tanong ni Dawn. Kinuha 'ko at tinidor at inakmang


tutuhugin 'ko 'yung mukha niya. "Mame oh!! Kailan ba tayo uuwi?" Segway ni Dawn.

"3 weeks na rin tayo dito. Halos maikot na namin buong L.A, eh." Siyempre may
photographs din ako ng L.A. Inihahanda 'ko na ang sarili 'ko sa darating 'kong
exhibit.
"Next week." Sabi ni Jayden. "Kung nagmamadali kayo, magpabook na kayo ng flight."

Tumango lang kami at umakyat na sa mga kwarto namin. Humiga ako sa kama habang
naglalaro ng baraha sila Puti.

Hindi pa rin nagrereply si Estilo.

Nagyeyelong Panganib: Huy selosa! :(

Kaizen

Style Dalton: Tss. I'm not.

Nagyeyelong Panganib: Sus, bat di ka nagreply? Tinanong 'ko lang kung chix, ah! Wag
ka mag alala. Ikaw pa rin pinakachix. Hahaha!

Kaizen Style Dalton sent a photo.

Pinindot 'ko ang picture at nakita 'ko ang dalawa niyang kaibigan. Napahawak ako sa
bibig 'ko.
Nagyeyelong Panganib: Wewwww. Ang gaganda. Mga kaibigan mo talaga 'yan? Dog lover
ba 'yan?

Kaizen Style Dalton: Yeah.

"Kiba! Lika dito! May papakilala akong chix sayo!" Sinenyasan 'ko si Kiba na
lumapit. Sumunod naman siya. "Ibebenta kita sa kanila, ha? Dog lover, eh."

"Ugok! Pero sino 'yung nakaputi? Napakagandang nilalang naman niyan." Sabi ni Kiba.

Tumingin ako sa kulay ng shirt 'ko. "Alam 'ko, Kiba. Napakagwapong nilalang talaga
nung nakaputi."

"Baka si Puti lang ang ibig niyong sabihin!" Singit ni Puti.

"Manahimik ka, matalo ka sana!" Sigaw 'ko pabalik.

"Kachat mo nanaman girlfriend mo. Long distance relationship, ah." Sabi ni Kiba
sa'kin.
"Lumayas ka na nga!" Sinipa 'ko siya paalis at tumingin sa phone 'ko. Shet, si
Estilo pala nagchachat.

Kaizen Style Dalton: You like them?

Kaizen Style Dalton: Pretty, right?

Kaizen Style Dalton: Hey,

you like them?

Kaizen Style Dalton: I'm f*cking talking to you, Danger!!!

Kaizen Style Dalton: Wow you really like them. Edi sa kanila ka na lang.

Kaizen Style Dalton: Bye.

Ano ba naman 'tong si Estilo, oo.

Nagyeyelong Panganib: Wag kang selosa, baby 'ko.


Seen 9:54 PM

Nagyeyelong Panganib: Hahaha, joke lang. Bakit mo 'ko pinapamigay? Diba loyal ako
sayo?!

Seen 9:54 PM

Nagyeyelong Panganib: Huy, sumagot ka. Galit ka na?

Seen 9:54 PM

Nagyeyelong Panganib: Sorry na. Kinausap 'ko lang yung aso dito kaya napatagal ang
reply 'ko.

Seen 9:55 PM

Nagyeyelong Panganib: Estilo naman, eh! Sanay ka ba sa mabibilis na reply? May


kinausap lang ako. Di 'ko gusto mga kaibigan mo, mas gusto 'ko yung babae sa gitna.
Naks!! Sorry na oh? PS: ty sa flood seen

Kaizen Style Dalton: Okay.

Nagyeyelong Panganib: Sabi nila kapag 'okay' daw ang sagot ng babae, hindi talaga
okay 'yon. Ano ba talaga?

Kaizen Style Dalton: I said, it's okay.


Nagyeyelong Panganib: Pero.. ano pangalan nung nakaputi? Hehehe.

Seen

5:57 PM

Ano kaya problema netong si Estilo? Tinatanong 'ko lang para sa aso 'ko, ah! Type
niya ata 'yung nakaputi, eh. Yung mahaba 'yung buhok tapos maganda't seksi daw.

"Ay lintek!" Biglang nawalan ng internet. "Pinatay nanaman ni Jayden 'yung wifi?!"

"Baka nga.." Sabi ni Lucas.

Binato 'ko ang cellphone 'ko sa kama at napilitan akong tumayo. Sakto, bumukas ang
pinto at pumasok si Jayden. "Matulog na kayo. Subukan mong buksan ulit ang wifi,
Danger.. hindi ka na makakauwi." Ngumiti siya kela Jon. "Goodnight boys." Sabay
labas.

"Walanjo!" Reklamo 'ko. "Pag sa inyo mabait? Duga talaga, oo."


"Chillax." Sabi ni Jon. "Wala akong judge tol. Sorry."

"May joke ako!" Sabi ni Kiba. Tumingin kami sa kanya. "Anong lugar ang walang
sibuyas?"

"Ano?" Tanong ni Puti.

"EDI LA UNION. HAHAHAHAHAHAHA KINGINA HAVEY SAKIN!" Hinampas niya pa si Jon sa


sobrang saya niya.

"Anong diaper ang tinatapon?"

"Ano?" Sagot 'ko kay Puti.

"Huggies. HAHAHAHAHAHA." Bakit ba ang saya saya nila?! Pati ako nahahawa, eh.
Hahaha! Shet 'yung

mga jokes kahit ang corny natatawa ako, eh. Parang gago.
"Eh anong diaper ang para sa panganay?" Tanong 'ko.

"Ano?"

"PAMPERS. HAHAHAHA!" Nauul*l na kami kakatawa, badtrip. Haha. "Anong apelyido ni


Willie?" Tanong 'ko ulit.

"Ano?"

"Willie The Pooh. HAHAHAHAHA G*GO TUMAWA KAYO. HAHA!" Pumalakpak pa si Lucas habang
tumatawa at nakahawak sa tyan. Ganto talaga kami pag nagkakasama-sama, eh. Tawa ng
tawa kahit waley.

"Support 'ko kayo mga brad." Nag thumbs up si Lucas. "Wala akong maisip na joke,
eh. Bukod sa mukha ni Kiba."

"Bakit ba palagi na lang ako?!" Reklamo niya.

"Teka, may joke na ako!" Sabi ni Jon.


"Oh, gabi na. Matulog na daw." Sabi ni Lucas sabay higa sa kama. Palagi talaga
netong inookray si Jon, eh. Hahaha!

"Inaaway mo nanaman ako Lucas babes. Sorry na kasi."

Speaking of.. Ay shet, galit pa rin ba si Estilo sakin?!

***

Tinaas 'ko ang camera 'ko at kinuhanan ng litrato ang isang lumang cafe dito sa
L.A. "Bakit ba sinama mo pa kami dito?" Reklamo ni Jon.

"Shh!" Pagbawal 'ko sabay kuha ulit ng litrato. "Ang ganda dito."

"Imbitahin mo kami sa exhibit mo sa future, brad." Sabi ni Puti.

"Oo naman." Sabi 'ko. "Tara,

kape."

Pumasok kami sa loob at nagpaalam ako kung pwede akong kumuha ng pictures. Pumayag
naman sila at nagpipicture ako doon habang nagkakape at kumakain sila Puti.
Habang nakaluhod ako, may kumalabit sakin kaya napalingon ako. "Hello." Sabi 'ko
kaagad sabay ngiti sa batang lalaki. Blonde siya.

"Hi, Mister. Do you like taking pictures?" Dahan dahan na sagot niya.

"Yes." Sagot 'ko. "Do you want me to take a picture of you?" Nagliwanag ang mukha
niya.

"My pleasure!" Umupo siya sa inuupuan niya at ngumiti sa camera. Kinuhanan 'ko rin
ang ngiti niya habang kumakain ng tinapay.

"Where's your parents?" Umupo ako sa tabi niya.

"I don't know." Ngumuso siya. "Must be in heaven."

"I'm sorry." Tumayo ako at pinat ang ulo niya. "Continue smiling."

Bumalik ako sa table namin habang tinitignan 'yung mga pictures. "Hilig mo talaga
sa bata." Sabi ni Puti.

"Smiles, Puti." Sabi 'ko habang nakatingin pa rin sa picture. "Yung ngiti talaga
nila, nakakatunaw ng puso!"

"Ngiting hindi mo nagawa dati." Bulong ni Puti. Napatingin kaagad ako sa kanya.
"Thank God I came and saved you."
"Matagal na 'yun.." Sabi 'ko

at tumingin ulit sa bata. May kasama na siyang matanda. Lola niya siguro. Tumunog
ang messenger 'ko at tinignan kung may nagchat.

Kaizen Style Dalton: Hi, this is Style's friend. I need to tell you something.

Napatayo kaagad ako. "Mga brad, ah.. uwi na tayo." Nagtytype ako habang nasa
sasakyan kami.

Nagyeyelong Panganib: Ano nangyari?

Kaizen Style Dalton: Hindi siya lumalabas ng kwarto niya since yesterday. Hindi
siya kumakain. The last time I saw her was also yesterday.. she came home with
bruises.

Nagyeyelong Panganib: Sinong may gawa?!

Kaizen Style Dalton: I think it's her dad.


Napamura ako at nagmadaling pumasok sa bahay. "Jayden! Uuwi na ako sa Pilipinas!"

"Ano?!" Lumabas si Jayden sa kwarto. "Bakit?!"

"Basta, basta. Uuwi na ako. May kailangan akong asikasuhin."

"H-huh?" Naguguluhang tanong niya.

"Uuwi ka na bro?" Tanong ni Puti.

"Ano? Iiwan mo kami dito? Isama mo naman kami!" Sabi ni Kiba.

"Oo na, oo na!"

***

*The next day*


"Napaaga tayo ng uwi, ah." Sabi ni Jon pagkalabas namin

ng airport. Wala akong ginawa sa byahe kundi isipin ang kalagayan ni Estilo.

Talagang umuwi ako mula L.A papuntang Pilipinas para sa kanya. Pag iniisip 'ko,
namamangha na lang ako sa sarili 'ko, eh. Napakagwapo 'ko.

"Alis na ako, mga tol." Sasakay na sana ako sa kotse 'ko pero pinigilan nila ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Lucas.

"Nagmamadali ako." Inis na sabi 'ko. "Sakay!" Sumakay sila sa kotse at nagdrive ako
papunta sa condo ng kaibigan ni Estilo. Palipat lipat 'tong si Estilo ng lugar, eh!

Pagkapark 'ko, tinawagan 'ko na si Estilo. "Nasa elevator na 'ko." Sabi 'ko sa
kanya.

{Okay.}

"Papunta na 'ko diyan." Binaba 'ko ang phone 'ko at hinintay makarating sa floor ng
kaibigan ni Estilo.
"Nasaan ba tayo, Panganib?" Tanong ni Kiba.

"Wag ka magulo, dito kita ibebenta." Pagbibiro 'ko.

"Bakit ako? Si Jon na lang ibenta mo. Mura lang 'yan. 250 with matching sayaw."

"Tama, tama." Pag agree ni Lucas.

Nagstop na ang elevator at kumatok na kaagad ako sa condo unit nung kaibigan ni
Estilo.

"Teka tama ba?" Tanong 'ko kay Kiba. "3027 ba.. o 3026?" Naguguluhang tanong 'ko.

"King ina, katukin mo na lang." Sabi ni Lucas.

Huming ako ng malalim bago ako kumatok. Napahawak ako sa braso ni Jon nang may
lumabas na babaeng nakamakeup at pinapaikot ang buhok niya sa daliri niya.
"Brad, dito mo ba ako ibebenta? Wag na lang." Bulong ni Kiba.

"Hi, boys." Ngumiti 'yung babae sa amin at napaatras ako. "Ikaw na ba ang tadhana
'ko? Ikaw na ba ang true love 'ko? Ikaw na ba ang lalaking matagal 'ko nang
hinihintay? Ikaw na ba ang papakasalan 'ko?" Nakatingin siya sa'kin at napalunok
ako.

"Whoa, pare, umuwi ka para dito?" Natatawang sabi ni Lucas.

"Ikaw na ba ang mamahalin 'ko habang buhay? Ikaw na ba ang makakakuha ng virginity
'ko? Ikaw na ba ang lalaking destined para sa akin?" Kinikilig na tanong nung
babae.

"Pre, alis na tayo dito." Bulong 'ko. "Natatakot na 'ko, eh."

"Hindi pwede, tol. Ikaw daw ang tadhana niya. Hahaha!" Sabi ni Kiba.

"Ahh, miss. Sorry, hindi ako 'yung lalaking 'yun. Wrong send, wrong send!"
Nagmadali akong tumakbo papunta sa kabilang condo unit. "Seryoso na sana 'to!"
Huminga ako ng malalim bago kumatok sa 3026. "Coming!" Sigaw nung babae sa loob.

Bumukas ang pinto at parang nagslow motion

'yung paligid ni Kiba. Napahawak pa siya sa'kin pagkakita niya sa babaeng mahaba
ang buhok at sobrang ganda.

"Pre, ako ata ang makakakita ng tadhana 'ko ngayon." Bulong ni Kiba. "Sa kanya mo
ba ako ibebenta? Kahit walang bayad, tol."

"Hi." Bati ng babae. "Kaizen's inside. She's not well. Ayaw niya lumabas ng
kwarto." Malungkot na sabi niya. "I'm Chienna Hayashi. Come in." Binuksan niya ang
pinto at pumasok kami. Inalalayan pa ni Jon at Lucas si Kiba.

"Agnes, they're here!" Sigaw ni Chie. May babaeng lumabas sa kusina. Maputi at
parang amerikana.

"Agnes, pre. Agnes can't believe that you are mine now.. Hahaha!" Biro pa ni Lucas.
"Hello, Agnes! Marunong ka magluto ng strawberry jam?" Natatawang tanong naman ni
Kiba.

"Yes." Ngumiti si Agnes at may nilabas sa ref. "You can taste it if you want."

"Si.. Style?" Tanong 'ko. Tinuro ni Chienna ang isang pinto. "Hindi pa siya
kumakain simula kahapon?"

"Yes. Ayaw niya lumabas."

Lumapit ako sa pinto at kumatok. Pinanood nila ako.

"Go away!" Sigaw ni Style sa loob.

Kumatok ulit ako. "Estilo.. Ako 'to."


Natahimik sa loob ng kwarto at bigla na lang bumukas ang pinto. Niyakap ako ni
Estilo ng mahigpit at binaon ang mukha niya. "Danger.. You're really here.." Sabay
iyak niya sa dibdib 'ko.

__________________________________________________________________

<3 <3 <3 Chienna as Chienna. Agnes as Liza {?} Di ko sure. Skylar as Sofia.

=================

DS 18 ~ You're All I Need

Danger's POV
Ilang akong napatingin sa mga kaibigan ni Estilo at kela Kiba. Nakatingin sila sa
amin ni Estilo. Sila Kiba na may nakakalokong ngiti at mga kaibigan ni Estilo na
nagulat sa ginawa niya.

Nilagay 'ko ang kamay 'ko sa likod ni Estilo habang nakayakap siya sakin. "Okay ka
lang?" Bulong 'ko.

"I think you need to talk to her." Sabi ni Agnes. "That room is free." Turo niya sa
kwartong pinanggalingan ni Estilo.

Ayaw ako bitawan ni Estilo kaya pumasok na lang ako sa kwarto habang nakayakap siya
sa'kin. Sinara 'ko yung pinto pero hindi 'ko nilock. Sumandal ako sa pinto habang
nakayakap pa rin siya sakin.

"Huy, wag kang umiyak." Bulong 'ko ulit. Niluwagan niya 'yung yakap niya pero hindi
niya ako binitawan. Umiiyak lang siya sa dibdib 'ko. "Gusto mo ba ng tubig? Ikukuha
kita."

"No.. Don't leave." Binaon niya ulit mukha niya sa dibdib 'ko at hinaplos 'ko ang
buhok niya habang umiiyak siya.

Hindi ako nagsalita at hinayaan 'ko lang siya na umiyak. Ano magagawa 'ko? Alangan
itulak 'ko siya. Haha. Basa na rin 'yung black v-neck 'ko pero okay lang 'yon. Si
Estilo naman 'yan, eh.

Hinawakan 'ko ang kamay niya nung kumalma na siya at umupo kami sa may couch. Ayoko
sa kama, baka kung ano isipin nila, eh.

"Okay ka na?" Tanong 'ko habang nakalagay pa rin ang kamay 'ko sa may balikat niya.

"No.. I will never be okay."

Nilabas 'ko ang panyo 'ko at binigay sa kanya. Tinignan 'ko siya ng mabuti. May
maliit siyang cut sa may pisngi niya at may pasa siya sa braso. "He was so mad at
me.. for leaving the house." Panimula niya. "..he said he was worried. He was drunk
again."

Nilapit 'ko pa siya sakin para masandal niya 'yung ulo niya sa balikat 'ko. "He
slapped me.."

Kinagat 'ko ang labi 'ko.

"So hard that I bumped into the desk. He held my wrist.. so tight it left a mark."
Tinaas niya ang pulsuhan niya at pinakita sakin ang pasa. "I didn't cry.. Because I
can't. Because I shouldn't. Because you're not there.. He apologized and I ran
away.. again." Umiyak ulit siya. "I was.. hurt. See that cutter right there?"
Tinuro niya 'yung cutter sa may bedside table. "I was tempted to cut.. but then I
remembered your words.. you don't want that. So I didn't."

Iniwas 'ko ang tingin 'ko sa cutter at inangat ang mukha ni Estilo sa'kin.
Pinunasan 'ko 'yung luha niya at nagbend para halikan ang sugat niya sa pisngi.
"Masyado kang maganda para madumihan." Hinalikan 'ko rin 'yung pasa niya sa wrist
niya.

Nakatingin lang siya sakin.

"Ganyan talaga ang buhay, Estilo, eh.. Parang niloloko ka paulit ulit hanggang sa
hindi ka na natutuwa." Sinandal 'ko ang ulo niya sa balikat 'ko. "Parang pinipikon
ka ng universe pero masyado ka nang pagod para makipag asaran."
"Naramdaman

mo na rin ba 'yun?" Bulong niya.

"Lahat ng tao binibiro ng buhay. Ikaw bahala kung mapipikon ka o makikisakay ka sa


trip."

"You treat your life like it's a joke."

"Totoo."

"When?" Tanong niya sa'kin. Kumunot ang noo 'ko. "Kailan ka biniro ng buhay?"

Natahimik ako sa tanong niya. Bakit napunta sakin? Siya kaya ang pinag uusapan
dito. "Gusto mo uminom ng tubig?"

Sumimangot siya. Tumayo ako at hinatak 'ko siya patayo. "Kapit lang." Natatawang
sabi 'ko dahil nakayakap siya sakin patalikod. Ayaw niya siguro talaga ipakita ang
mukha niya sa mga kaibigan niya.

Hinawakan 'ko ang kamay niya na nakayakap sa'kin at naglakad kami palabas. Napatayo
kaagad sila Chienna at sila Kiba.

"Ahh.. saan 'yung baso?" Tanong 'ko kay Chienna. Tinuro niya 'yung isang cabinet.

"Is she okay?" Tanong ni Agnes.

"Okay lang. Keri." Sabi 'ko at naglakad ulit papunta sa may kusina. Naglagay ako ng
tubig at inabot kay Estilo. Tinanggal 'ko ang yakap niya at humarap sa kanya.
"Nagugutom ka ba? Hindi ka pa daw kumakain simula kahapon. Bibilhan kita ng pagkain
sa baba."

"Don't leave.." Pagmamakaawa niya.

"Hala? Paano ako uuwi?" Natatawang tanong 'ko. "Gusto mo dito ako matulog?"
Nag isip pa siya at tumango habang umiinom.

"Imposible ka talaga!

Hindi pwede." Umiling ako at ngumuso siya. "Ayan.. ayan.. Sige, Estilo. Magpacute
ka pa para mapa-payag mo ko."

"I hate you!" Pinisil niya 'yung ilong 'ko. "Pumayag ka na!"

"Aray, masakit kaya!" Tinanggal niya 'yung kamay niya habang tumatawa. "Hindi ako
matutulog dito pero babantayan kita hanggang sa makatulog ka. Okay na ba yun?"

"I guess."

"May joke ako." Sumimangot siya at tinaasan ako ng kilay. "Anong first name ni
Kenji?"

"Kenji?"

"Di mo alam? Cotton kaya.. Cotton Kenji. HAHAHAHAHA!" Tumawa ako at hinampas niya
'ko.

"Not funny!" Inis na sabi niya.

"Anong english ng pighati?"

"What?"

"Porkchop. Hahahahahaha!" Kumunot ang noo niya. "Uy, slow. Alam mo 'yung cattle?"

"I know that joke."

"Doon nakatira ang printipe at printeta. Hahahahaha! Pusang gala, bat natawa ka pa
din?" Natawa kasi kahit alam na niya 'yung joke.

"Because it's funny." Ngumuso siya. "I have a joke."

"Wag na, Estilo. Tara na doon sa living room. Nag aalala na mga kaibigan mo sayo."
Tumawa ako at naglakad kami papunta sa living room. Umupo ako sa tabi ni Chienna at
umupo si Estilo sa tabi ni Agnes.
"Hanggang anong oras tayo dito, tol?" Tanong ni Jon sa akin.

"Magiistay ako dito

hanggang makatulog si Estilo, eh. Kung gusto niyo na umuwi, sige lang." Sabi 'ko.

"Ako kahit hanggang bukas pa." Sabi ni Kiba habang nakatingin sa katabi 'ko.
Binatukan 'ko.

"Ang landi mo!" Sabi 'ko.

"Nahiya naman ako sa inyo ni Style."

Umiling lang ako at kinausap si Chienna. "May pagkain ba kayo dito?" Tanong 'ko.

"Oh, yes." Ngumiti siya sa'kin. "Agnes cooked for Kaizen. By the way, you're her
boyfriend right?"

"Ha? Hindi, ah." Tanggi 'ko. "Kaibigan 'ko lang."

"Kaibigan din niya kami pero hindi niya kami nilabas noong kinatok namin siya sa
kwarto niya." Ngumisi siya sa'kin. "You're someone special to her. Don't leave her
like the other guy did. She's.. fragile at the moment."

"Can I sit?" Sabay kaming tumingin kay Estilo na nakatayo sa harap namin. Umupo
siya sa gitna namin ni Chienna. "What are you guys talking about?"

"Huh?" Sabay na tanong namin ni Chienna.

"Uhm.. We're talking about food." Tumayo si Chienna at sinenyasan ako na pupunta
lang siyang kusina.

"Siraulo, sundan mo!" Rinig 'kong sabi ni Lucas kay Kiba.

"Wait, kinikilig ako!"


"P*ta, babae ka ba?! Sundan mo na!" Tinulak tulak pa ni Jon si Kiba patayo.

"Ano ba, guys.. Ayokong sundan 'yung

tao baka gusto niya mapag isa.. Pero kung pinipilit niyo 'ko, sige. Mwahaha!"
Tumayo si Kiba at naglakad papuntang kusina.

"TAKSIL!" Sigaw 'ko pa. Nagflying kiss sakin. "TANTADO!"

"You seem happy talking to her." Sabi ni Estilo bigla. Napanganga tuloy ako.
"What's with that reaction?"

"H-huh? Sinong her?" Tanong 'ko at saka 'ko lang naalala si Chienna. "Ahh.. Hindi
naman. Pero parang masaya siya kausap."

"Yeah, whatever."

Ngumiti ako. "Ganda niya 'no? Japanese ba siya?"

"I think."

"Ilang years na kayo magkaibigan?"

"10."

"Mukha naman siyang babaeng pwede mong pagkatiwalaan. Yung itsura niya, parang ang
wife material."

"Yeah."

"May boyfriend ba siya?"


"YOU KNOW WHAT, JUST ASK HER IF YOU'RE THAT CURIOUS ABOUT HER!" Tumayo siya at
lumipat sa tabi ni Agnes.

"Whoa, pare. Anong ginawa mo?" Lumapit si Jon at Lucas. Tulala pa rin ako. Anong
problema ni Estilo?

"Ewan 'ko.. Tinanong 'ko lang kung may boyfriend si Chienna kasi mukhang type ni
Aso." Naguguluhang sabi 'ko.

"G*go, nagselos. Hahaha! Bobo mo naman!" Binatukan ako ni Lucas. "Bat mo kasi
itatanong sa girlfriend mo kung may boyfriend kaibigan niya? Parang balak mong
patusin, eh!

Wag ganon!"

"Ha?" Tanong 'ko. "Teka.. anong masama doon? Nagtatanong lang naman ako, ah! Tsaka
hoy, hindi 'ko nga sabi siya girlfriend."

"Ewan 'ko sayo, Panganib. Para namang wala kang experience sa mga ganyan. Tsk tsk."

"Hindi nga?! Ang gulo!"

"Ano na kaya nangyayari kay Kiba at Chienna sa kusina?" Tanong bigla ni Jon. Oo nga
'no? Ang tagal ng loko, ah. Hindi kaya nahimatay na yun?

Sakto, lumabas si Kiba na nakangiti. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa umpo
siya sa gitna namin. "Mga pre.."

"Ano? Kayo na?" Tanong ni Lucas.

"Tinutukan niya ako ng kutsilyo mga tol. Nakakakilig!!!" Tuwang tuwang sabi niya
pa.

"Hahaha, Panganib, kulang ata sa dog food ang aso mo, ah." Sabi ni Jon.

"Hayaan niyo, dadalhin 'ko sa vet mamaya." Umiling iling ako.


"Ano bang sinabi mo at tinutukan ka ng kutsilyo?" Tanong ni Lucas.

"Wala naman.. Sabi 'ko lang pahingi ako ng number niya. Hahahaha! Sabi niya 'I
don't like you!' Siguro kasi love niya ako. Hahaha, kilig much mga tol."

Tinakpan 'ko ang bibig 'ko para hindi ako makatawa ng malakas. Baka batuhin ako ni
Estilo bigla. Galit pa naman sakin 'yun.

"Magpaturo ka nga ng damoves kay Panganib." Sabi ni Jon. "Expert 'yan."

"Nagjoke pa nga ako sa kanya."

Sabi pa ni Kiba. "Sabi 'ko sinong superhero ang mukhang pwet? Sabi niya ako daw.
Hahahaha!"

"Sino ba?" Tanong ni Luicas.

"BUTTman mga tol. Hahahaha!" Tumawa siya. "Tapos isa pa. Sinong superhero ang
bulok?"

"Sino?"

"Edi si The Incredibulok. Hahahahaha! P*tangina havey!"

Umiling iling ako.

"Meron pa! Anong website ang masaya?" Hirit nanaman ni Kiba.

"Ano?"

"YAHOOOOO! HAHAHAHAHAHAHA!"

"Alam mo, Kiba ang sarap mong sibakin." Sabi 'ko. Binelatan lang ako. Kilig na
kilig ang siraulo kay Chienna. Tinamaan na talaga.

Speaking of.. Pinagseselosan ni Estilo kaibigan niya. Natatawa tuloy ako, eh.
"Estilo." Tawag 'ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin. "Estilo, uuwi na ako."
Tumayo ako at napatingin siya sakin.

"Okay." Inirapan niya ako.

Ngumiti ulit ako. "Sige.. Tara na mga pre." Tumayo na sila Kiba at naglakad na kami
palabas.

"WAIT!" Natawa ako nang pigilan ako ni Estilo. "Sabi mo hihintayin mo 'ko
makatulog!"

"Mukhang okay ka naman na, eh." Sabi 'ko ulit. Sumimangot siya. "Babalik ako."
Hindi 'ko pa pala naaayos 'yung gamit 'ko.

"Staaay!!" Pagmamaktol niya. "I'm not mad at you!"

Ngumiti ako at bumalik sa loob. Umupo

ulit sila Jon. "Paano pag namatay ako, Estilo? Hindi mo na ako mapipilit na
magstay."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi 'ko. Natulala siya sakin.

"Huy, okay ka lang?" Tanong 'ko.

"No.. no.." Umiling siya. "You c-can't! You can't die!"

"Paano lang naman.. Problema mo?" Para siyang nababaliw.

"You can't die, Danger. I will do everything! I will protect you! Just.. don't
leave."
Ginulo 'ko ang buhok niya. "Sabi nang hindi kita iiwan, eh. Haha!"

"Sweet." Lumabas na pala si Chienna sa may kusina at naglapag ng pagkain sa may


lamesa. "Kaizen, you need to eat."

"Kumain ka na. Susubuan pa ba kita?" Tanong 'ko kay Estilo.

"You won't dare!" Umupo siya sa dining at umupo ako sa tabi niya para panoorin siya
kumain.

"Hi Chie!" Tumingin ako kay Kiba na hindi pinansin ni Chienna. "Oh diba? Speechless
siya sakin!"

"Anong hayop ang hindi nalalaos?" Tanong ni Lucas.

"What?" Sagot ni Chienna.

"OSO. HAHAHAHAHA."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tumawa si Chienna sa joke ni Lucas. "You're funny!"

"LUH?! NAPAKACORNY NON!" Reklamo naman ni Kiba. "BAT KA NATAWA?! NAPAKALUMANG JOKE
NA NUN. PANAHON PA

'YUN NG LOLO 'KO SA TALAMPAKAN, EH!"

"Ul*l, bitter." Sabi ni Lucas.

"UNFAIR!!!"
"Anong tawag sa tinapay na masaya?" Sabi naman ni Jon.

"What?" Sagot ulit ni Chienna.

"FUN-DESAL. HAHAHAHAHA!"

"OHMYGOD HAHAHAHAHAHA! HAVEY!"

"T*NGINANG BUHAY 'TO, OO! NUNG KAYO NAGJOKE TAWA NG TAWA NUNG AKO HALOS SAKSAKIN
AKO NG KUTSILYO! BAKIT KA GANYAN CHIENNA BABES?!" Reklamo nanaman ni Kiba.

"Would you please shut up?" Masungit na sabi ni Chienna. "And I'm not your babes!"

"Aray 'ko be." Hirit 'ko.

"Porket ikaw may babae ka diyan, ah!" Sabi naman ni Kiba sa akin.

Tumingin ako kay Estilo. "Kain ng madami." Pagpapaalala 'ko.

"I don't want to be fat."

"Bakit? Kahit tumaba ka, oks lang sakin!" Sabi 'ko. "Oo nga pala, nasabi mo na sa
mommy mo ang nangyari?"

"No.." Umiling siya. "Isasama niya ako sa kanya kapag sinabi 'ko."

"Ahh.." Tumango tango ako.

"Don't you think he's familiar?" Nagulat ako nang ituro ako ni Agnes. Kumunot naman
ang noo ni Estilo.
"Huh? Why?" Tanong naman ni Chienna.

Nilagay ni Agnes ang kamay niya sa baba niya at nag isip. "Oh.. I know now."

"What?" Tanong ni Estilo.

"He's Danger." Tinuro ulit ako ni Agnes. Ano ba meron? Pati ako naguguluhan, eh.
Ganyan ba ako kasikat?

"Yes, he is. So?" Naguguluhang tanong ni Style.

"Danger Jairus Frost." Nagulat ako nang banggitin ni Agnes ang buong pangalan 'ko.

Shit. Shit.
_________________________________________________________________
:))))

=================

DS 19 ~ She Knew

Danger's POV
"Frost?" Ulit ni Estilo. Parang pinoprocess pa niya ang nalaman niya. "You're..
Danger Jairus Frost?"

Bumuntong hininga ako. "Oo, Estilo." Nakakunot pa rin ang noo niya habang
nakatingin sa akin.

"You're.. the son of.." Napatakip siya sa bibig niya. "You mean.. you're.. rich?"
Napatayo siya.

Kinagat 'ko ang labi 'ko. "Estilo, sorry hindi 'ko-"

"Why did you lie to me?!"

"Lagot ka, Agnes. Sabi sa'yo doon ka na lang sa La Presa, eh." Rinig 'kong sabi ni
Lucas. Tinignan 'ko siya ng masama at binalik ang tingin 'ko kay Estilo.

"W-wala! Ewan 'ko.." Wala akong masabi. "Ang gwapo 'ko kasi!" Wala talaga akong
maisip kaya 'yan na lang lumabas sa bibig 'ko.

"Are you f*cking kidding me?"

"Teka, sorry na! Hindi 'ko sinasadya! Maliit na bagay lang naman 'yun.. diba? Wag
ka magalit sakin."

"LQ sila, tara labas muna tayo." Tumayo si Jon at narinig 'ko na lang ang pagsara
ng pinto. Naiwan kaming dalawa ni Estilo dito.

"Maliit na bagay ba 'yung pinaniwala mo ako na mahirap ka tapos hindi mo pa inamin


sakin?" Kalmadong tanong niya.

"Natakot lang ako!"

"Natakot?! Saan?!"

"Baka magiba pakikitungo mo sa'kin kapag sinabi 'kong mayaman ako!"

"BAKIT?! YUN BA TINGIN MO

SA'KIN?!"
"Hindi 'yun ang ibig 'kong sabihin!"

Pumikit siya at huminga ng malalim. Ganun din ang ginawa 'ko. Pucha, wala akong
masabi. Biglaan, eh! Hindi ako prepared!

"Ano pala?! Ano ang ibig mong sabihin?!" Humarap siya sa'kin at tinignan ako ng
masama.

"Mas gusto 'ko kasi yung sinusungitan mo ako, mas gusto 'ko 'yung mababa tingin mo
sa'kin. Idol mo si Jayden, Estilo. Kahit itanggi mo pa, mag iiba pa rin pakikitungo
mo sa'kin kapag nalaman mong nanay 'ko siya."

"Kahit kailan hindi naging mababa ang tingin 'ko sayo!"

"EWAN!" Umiling ako at minasahe ang sentido 'ko. "Wala akong masabi. Maliit na
bagay.." Alam 'ko naman na magagalit siya pero hindi 'ko inaasahan na ganto siya
kagalit sakin.

"I HATE LIARS, DANGER! A LIAR IS NOT TRUSTWORTHY! NAGSINUNGALING KA SAKIN.


NAKAYANAN MO MAGSINUNGALING SA AKIN SA TINGIN MO PANINIWALAAN KO PA 'YUNG MGA
PINAPANGAKO MO?!"

"Sorry, na! Okay?!"

"THAT'S ALL?!"

Ano pala?! Anong gagawin 'ko?! "Ang gulo mo rin, Estilo, eh." Tinalikuran 'ko siya
at kinuha ang gamit 'ko. "Nagsorry na ako. Kausapin mo ako kapag kalmado ka na."
Lumabas ako ng condo unit at tinext sila Jon na pumunta na sa parking.

"Tol, kumalma ka nga." Sabi ni Lucas habang nagdadrive ako. "Para kumalma ka.. May
joke kami!"
/>
Hindi 'ko sila pinansin.

"Anong sabi ni Number 0 kay Number 8?" Tanong ni Jon.

"Ano?"

"Kuya, ang sikip ng belt mo. HAHAHAHAHAHAHA!" Inikot 'ko ang mata 'ko nang marinig
'ko ang joke niyang napakamais.

"Sinong superhero ang mataba?" Hirit naman ni Kiba.

"Sino?"

"SI FATMAN. HAHAHAHAHAHAHAHA! UL*L ANG HAVEY!" Binatukan niya si Lucas. Natawa ako
ng konti. Ang mais kaya! Buti pa 'ko havey na havey.

"Ako naman. Use Divisoria in a sentence." Sabi ni Lucas.

"Ge, use it." Sagot 'ko.

"Naglalakad ako nang mabunggo 'ko si Divi.. Sabi 'ko.. DIVI, SORI AH.
HAHAHAHAHAHAHA!"

P*tanginang joke 'yan. "Use Maybe not in a sentence." Sabi 'ko.

"Use it!"

"Masarap 'yung tinapay kapag maybe not butter. Hahahahahaha! Panis!" Kita mo, kita
mo! Tinawanan nila 'yung joke 'kong mais! Hahaha! "Iba talaga pag gwapo."

***
Matapos 'ko ihatid sila Kiba sa bahay nila, tumambay muna ako sa tindahan ni Ate
Grasya. Nakakadalawang baso na ako ng fishball, hindi 'ko pa rin maisip kung kailan
kami magbabati ni Estilo.

Nagsorry na ako, eh. Ano pa bang gagawin 'ko?


"Ate, s-sampung pisong f-fishball.." Napatingin ako sa babaeng umiiyak habang
bumibili. Tumingin ako sa mga fishball. May nakakaiyak ba doon? Ano kaya nakakaiyak

sa fishball?

Umupo siya sa may tabi 'ko habang pinupunasan 'yung luha niya. "Miss." Tawag 'ko.
Tumingin siya sakin. "May nakakaiyak ba sa fishball?" Nagtatakang tanong 'ko.

"Wala po.." Pinunasan niya luha niya. Nilabas 'ko ang panyo 'ko at inabot sa kanya.
"Salamat."

"May knock knock ako." Sabi 'ko. Tumingin ulit siya sa'kin at tumango. "Phone na
nokia."

"Phone na nokia who?"

"Ehem.. Phone na nokia, di sinasadya. Bat nahihiya ang puso 'ko? Hahahaha! Ngiti ka
naman!" Nginitian 'ko siya. "Isa pa. Knock knock."

"Who's there?" Ngumiti siya.

"The Hill And Cow."

"The Hill And Cow who?"

Mas lalo akong nangiti. Eh sa natatawa ako sa sarili 'kong joke, eh! "The Hill And
Cow ang sigaw ng puso 'ko.. Ikaw ang nasa isip 'ko~ Hahahaha! Yiee. Tatawa na 'yan.
Hahaha!"

"Corny!" Nakangiting sabi niya. Chix pa naman siya tapos umiiyak lang siya. Maputi,
eh. Chinita. Parang napadaan lang.
"Last na. Knock knock."

"Who's there ulit?"

"Japan."

"Japan who?"

"Ehem ehem.." Umubo ako bago kumanta. "People fall in love in mysterious ways..
Maybe it's a part of japan.. Hahahaha!" Sa wakas, tumawa na siya

kaya pwede na ako makaalis. "Wag ka na umiyak, ha? Sayang ganda mo. Sayo na 'yan."
Ngumiti ako bago naglakad paalis. Bibisitahin 'ko ang mga alaga 'ko!

"KUYAAAAAA PANGANIBBBB!!!" Nagtakbuhan ang mga bata sa akin at niyakap ang legs
'ko.

"Namiss 'ko din kayo, ah! Kumakain ba kayo ng mabuti?" Masyado akong naging busy
kay Estilo, hindi 'ko na sila nabibisita. "Naaral niyo na ba 'yung mga numbers?
Marunong na kayo magbilang?"

"Ako po, ako po!" Sabi ni Kristine. Ginulo 'ko ang buhok niya.

"Sige nga." Umupo ako sa maliit na upuan. "Game! Start ka sa one, ha."

"Hmm.. One.. Two.. Three.. Four.. Seven.. Six.. Five.. Ten.." Pinigilan 'ko ang
tawa 'ko. "Hanggang dun lang ako.. Hehe."

"GALING, AH!" Sabi 'ko. "Naka-arrange 'yon, ah.. Hahaha! Eh ikaw, bata?" Binuhat
'ko si Liit. "Namamayat ka, ah. Kumakain ka ba ng mabuti?"

"Wala po akong pagkain." Reklamo naman niya.

"Ay ganon?!" Kunghari nagulat ako. "Tsk tsk, masama 'yan, ah. Wag kayo mag alala,
may dala akooo!" Tinaas 'ko 'yung plastic.

"YEHEEEEYYY!"
"Oh pila, pila. Lahat ng bata mabibigyan." Tumawa ako at namigay ng pagkain. "Ano
ulit sasabihin?"

"Napakagwapo mo po, Kuya. Salamat po."

"GOOD GIRL." Tumawa ulit ako.

"Kuya, nasaan si Ate Estilo?" Tanong ni Pia. "Hindi na po namin siya nakikita."

"Ahh, ehh.." Nag isip ako ng palusot. "Busy kasi 'yun sa.. pag aaral. Hehehe. Kain
pa kayo." Napatulala ako sa kawalan. Si Estilo nga pala.. Magkaaway nga pala kami.
Hay nako, hindi 'ko na alam gagawin 'ko.

Pagkatapos 'ko makipag asaran sa kanila nagpaalam na ako para pumunta na sa bahay
nila Jon. Gusto 'ko makalimutan na magkaaway kami ni Estilo, kanina pa!

"Nandito na ang Panganib!" Sigaw ni Lucas. "Ano? Saan ka nanggaling?"

"Edi sa usual. Nagpictorial nanaman doon sa may eskinita." Si Jon na ang sumagot
para sakin. "Kakatapos lang namin magbaraha. Kain muna, tol." Inabutan nila ako ng
pagkain at umupo ako sa tabi ni Kiba.

"Anong problema neto?" Turo 'ko kay Kiba na nakangiti habang nakatulala sa hindi mo
malaman. Nakahawak pa siya sa pisngi niya.

"Sinampal ni Chienna. Kinilig ang gago." Natatawang sagot ni Jon.

"Kumain kasi kami sa baba habang nagtatalo kayo ni Estilo. Kinulit ng kinulit ni
Kiba si Chienna sa cellphone number. Nairita kaya sinampal. Hahaha!" Sabi naman ni
Lucas.

"Mga tol, pinag uusapan niyo ba kami ni Chienna babes 'ko?" Lumingon samin si Kiba.

"Kiba, may lakad tayo mamaya." Sabi 'ko.

"Huh? Saan?"

"Sa vet. Papacheck up

na kitang siraulo ka. Sinampal ka na kinilig ka pa? Iba ka talaga boy!" Tumawa ako.
"Nakuha mo naman ba 'yung cellphone number?" Tanong 'ko.

"Hindi nga, eh.. Pero may plano ako kung paano 'ko makukuha!" Ngumiti ulit siya.
"Nakakakilig talaga. Yung kamay niya.. sa pisngi 'ko.. ang lambot mga tol!
Hinawakan niya ang pisngi 'ko!"

"Wag niyo pansinin 'yan." Sabi ni Lucas. "Tinamaan na talaga kay Chienna."

"Idadaldal 'ko nga 'to kay Dawn. Hahahahaha!" Tumawa ulit ako sabay inom ng pepsi
sa plastic.

"Eh kayo ni Style? Ano na nangyari?" Tanong ni Jon.

"Olats mga tol. Di 'ko pa rin nakakausap." Sagot 'ko. "Hindi 'ko rin alam gagawin
'ko. Nagsorry naman na ako, eh."

"Hindi mo madadaan ang babae sa isang sorry lang! Hina mo naman, bro!" Sabi ni
Kiba.

"Porket sinampal ka ng babae mo?" Ganti 'ko.

"Manahimik ka. Kinikilig ako lalo, eh. Hihi." Binato 'ko ng unan si Kiba. "Padalhan
mo ng chocolates at bear si Style."
"Ang baduy mo naman." Sabi ni Jon. "Dapat kantahan mo!"

"Ang cocorny niyo. Lambingin mo lang sapat na. Pero kung ayaw pa rin, effort effort
din naman, Panganib!" Advice ni Lucas.

"Hindi ako marunong sa ganyan." Umiling ako. "Ang alam 'ko lang.. napakagwapo 'ko.
Gagamitin 'ko na lang ang charms 'ko. Galing

diba?!"

"Ul*l, hindi nga tinatamaan si Style ng charms mo, eh." Pambabara ni Jon.
"Haranahin mo! Kami 'yung back up dancers."

"Porket sanay ka na sumayaw sa mga bar?" Sabi naman ni Lucas.

"Wag na harana! Chocolates na lang para walang hassle!" Sabi ni Kiba. "Ang baduy mo
talaga, Jon! Wala ka sa OSO. HAHAHA!"

"Hindi 'ko naman girlfriend si Estilo." Sabi 'ko.

"WEEEEEEEEEEEHHHHHH." Sabay sabay na sabi nila.

"Hindi nga, ang kulit ng dugo niyo, ah!"

"Ano pala? Friends with benefits? Hahaha!" Binatukan 'ko si Kiba. "Kahit hindi mo
girlfriend, mageffort ka pa rin sa pagsosorry! Future girlfriend mo naman 'yan,
eh."

"Tama, tama. May utak ka din pala 'no?" Hirit ni Lucas kay Kiba. "Akala 'ko utak
pasas ka rin, eh."

"Hoy! Kung utak pasas ako, utak tae ka ng kambing."


"Anak ng, daming alam, ah."

"Ano ba! Ang ingay niyo." Reklamo 'ko. "Mamaya 'ko na iisipin ang gagawin 'ko kay
Estilo. Simulan niyo na 'yung laro."

***
"HOO, BOBO! AKIN NA, AKIN NA!" Kinuha 'ko ang mga pusta nila. "Ayos mga tsong!
Puahaha!"

"Wala na 'kong pampusta!" Sabi ni Kiba. "Pangdate na namin 'to ni Chienna babes."

"Baka nga idedate ka nun." Pambabara

ulit ni Lucas. Palagi talagang pambasag ng trip si Lucas, eh. Lololucas.

"Panalo ka nanaman. Walanjo!" Sabi ni Jon. "Teka may tumatawag." Nilabas niya ang
phone niya at sinagot. Nakatingin lang kami sa kanya. "P-po?!" Napatingin siya
sa'kin.

"Ano? Tingin ka?" Tanong 'ko.

"S-sige po.." Binaba niya ang phone. Natulala siya bigla. "Mga pre.."

"Ano?" Sabay sabay na tanong namin.

"Panganib.." Gulat pa rin siya.

"Ano nga?" Inis na tanong 'ko. Paintense pa kasi 'tong si Jon, eh. Sasabihin din
naman niya. Sino ba 'yung tumawag at gulat na gulat pa siy-
"Gising na si Skylar."

Napahinto ako sa sinabi niya. S-sino daw? Sinong..

"Panganib, gising na si Skylar." Ulit niya pa. Gulat rin ako at hindi ako
makagalaw. Parang sinapak ako sa dibdib ng ilang beses.
__________________________________________________________________
Dundundunduuunnn~ Wala talaga ako sa mood magjoke dito sa chapter na 'to kaya
feeling 'ko napakawaley lahat. Depende lang naman yun sa mood kung waley o havey.

Sorry na kung mais. Huhuhu. Alam 'ko, alam 'ko. Nauubusan na talaga ako ng joke.
Walang kwenta 'tong chapter na 'to. Sa huli lang ang pasabog. Minsan feeling 'ko,
hindi na nagiging Danger si Danger. Waaah, di 'ko na alam. Kaya ayan, binalik 'ko
yung usual niyang ginagawa. :(( Sorry guys.

BABAWI AKO SA NEXT CHAPTERS. PROMISE. Oo nga pala, tinatamad pa ako magdedic kaya
saka 'ko na lang lalagyan ng mga dedication ang past chapters.

#1 ang DS Sa Fanfiction!! Thank you very much!! <3

=================

DS 20 ~ Langit

Danger's POV
"Bibisitahin mo lang siya, Danger! Anong masama doon?!" Pilit pa rin akong
kinakausap nila Kiba. Umiling ako.

"Hanggang kailan mo ba siya iiwasan?" Reklamo naman ni Lucas. "Pare, si Skylar


'yon!"

"Tol naman, kawawa naman 'yung tao.." Isa pa si Jon.

Pumikit ako ng mariin at minasahe ang sentido 'ko. "Anong sasabihin 'ko?!" Inis na
sigaw 'ko. Pero sa loob looban 'ko, lubos akong nagpapasalamat na gising siya.

"Kung naguiguilty ka talaga, bisitahin mo siya at humingi ka ng tawad. Kilala mo


naman si Skylar, diba? Mabilis magpatawad. Anghel 'yon, eh." Sabi nanaman ni Kiba.
"Subukan mo lang, Danger."

Kinagat 'ko ang labi 'ko. Si Skylar.. Handa na ba ulit akong makita siya? Natatakot
ako, baka kapag hinawakan 'ko siya mawala ulit siya. Baka kapag napaiyak 'ko siya,
tuluyan na siyang mawala. Natatakot ako.

"Subok lang, Panganib. Rexona nga kami diba? We won't let you down. Sasamahan ka
naman namin, eh." Hinawakan ni Lucas ang balikat 'ko.

"Kaya mo 'yan, Danger." Sabi ni Jon at tinapik ang balikat 'ko.

Bumuntong-hininga ako. "Sige.."

***
Naglalakad pa lang kami papasok ng hospital, nanlalamig na ako at pinagpapawisan.
Nanunuyo ang lalamunan 'ko. Kinakabahan ako.

"Bro, kumalma ka lang." Inakbayan ako ni Kiba at pinisil ang pisngi

'ko. "Si Skylar 'yan. Si Skylar lang 'yan."

Nanlambot ang tuhod 'ko pagkahinto namin sa tapat ng room ni Skylar. Hindi 'ko alam
ang mararamdaman 'ko. Para akong sinasaksak sa dibdib. "Hindi 'ko kaya 'to." Bulong
'ko.

"Kaya mo 'yan!" Binuksan na ni Lucas ang pinto. Ang lakas ng tibok ng dibdib 'ko
habang sinusundan 'ko sila papasok.
"Skylar!" Tumakbo silang tatlo at niyakap si Skylar na nakaupo sa hospital bed.
Nakatingin lang ako sa kanya, tibok lang ng puso 'ko ang naririnig 'ko sa sobrang
lakas at bilis.

T*ngina, anong gagawin 'ko?! Buhay siya.. Buhay siya. Salamat..

Biglang nagtama 'yung tingin naming dalawa. Parehas kaming nagulat. Natense ang
buong katawan 'ko. "Panganib.." Nanlambot ang tuhod 'ko nang banggitin niya ang
pangalan 'ko.

"Langit."

"Bro, pwede na ba namin kayo maiwan muna?" Tanong ni Jon. Hindi pa ako nakakasagot,
nakalabas na sila at naiwan kami ni Skylar.

Dahan dahan akong naglakad at umupo sa tabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya.
Buhay siya, Danger..

"Are you okay?" Ako.. Ako pa ang tinatanong niya 'kung okay ako o hindi! Ako pa!
"I'm glad you're alive.." Nakita 'ko ang luha sa gilid ng mata niya.

Kinuha 'ko kaagad ang panyo 'ko at lumapit para punasan ang luha niya. "Diba sabi
'ko ayokong nakikita kang umiiyak?"

/>

Ngumiti siya at pinunasan ang luha niya. "I just can't help it.. Natutuwa ako kasi
buhay ka." Kinuyom 'ko ang kamao 'ko.

"T*ngina, Skylar!" Hindi na siya nagulat sa sigaw 'ko. "Bakit mo kasi ginawa
'yun?!"

Ngumiti ulit siya. "What? You expect me to let that car crash you down?"

"Okay na 'yun sakin kesa ikaw! Masagasaan na kung masagasaan bakit ka pa bumalik
para itulak ako?! Nakakagago kasi, Skylar, eh! T*ngina lang!" Galit na sabi 'ko sa
kanya pero nakangiti pa rin siya sa'kin. Yung ngiti niya parang humihingi siya ng
tawad.

"I'm sorry nag alala ka." Ngumuso pa siya. "Don't be mad at me, please. My head is
aching."

Huminga ako ng malalim. "Sorry. Sorry.." Yumuko ako para pigilan ang luha 'ko.
Bumabalik 'yung araw na 'yun. April 2.. Nung hinabol 'ko si Skylar. Nung niligtas
niya 'ko. Nung napanganib 'ko siya. "Sorry.."

"Don't cry.." Hinawakan niya ang pisngi 'ko at pinunasan ang luha 'ko. "Para ka
namang baby, eh! Haha! Wag kang umiyak.. Ganto na lang. Hmmm, knock knock!"

Tumawa ako bago ako sumagot. "Who's there?"

"Tuna pie!"

"Tuna pie who?"

"Ehemmm.. Tuna Pie, Tuna limit, tuna wall~ for a chance to be with you I'd rather
risk it all.. Tuna pie, tuna fever come what maaaayy~!" Ngumiti lang ako sa joke
niya.

/>
"Alam mo, napakacorny mo." Natatawang sabi 'ko. "Patuna tuna ka pa diyan."

"Hoy, ang kapal mo! Parehas lang kaya tayo!" Pinisil niya 'yung ilong 'ko.
"Panganib, namiss kita, ah?"

"Ako din, Langit." Ginulo 'ko ang buhok niya. "Magpahinga ka kaya muna? Baka pagod
ka pa sa tulog mo. Hahaha!"

"Nakakapagod ba macoma?! Teka, saan ka pupunta?"


"Bibilhan kita ng flowers. Secret lang, ha?" Ngumiti ako. "Papabantayan muna kita
kela Kiba."

"Sira! Haha, sige boss." Sumaludo siya sa'kin bago ako lumabas. Binilin 'ko muna
siya kela Kiba at umalis ako para bilhan siya ng prutas, bear na gustong gusto niya
tsaka flowers.

Ilang oras din ang nakalipas bago ako makabalik sa hospital. Kumatok ako sa room
niya. "Come in!" Sigaw ni Skylar.

Pumasok ako at napaatras kaagad ako nang makita 'ko si Estilo. Bakit.. Bakit siya
nandito?

Gulat rin siya nang makita niya ako. Nalipat ang tingin niya sa rose at bear na
hawak 'ko. I tried my best to ignore her stare. "Oh! Yung secret 'ko!" Inabot 'ko
kay Skylar 'yung rose at bear. "Gusto mo ng apple?"

"Sure." Ngumiti siya at humarap kay Estilo. Nakatingin pa rin siya sa'kin. "Kai-
Kai, this is Danger. My.. boyfriend?" Tumingin sa'kin si Skylar.

"Baka nga." Pang aasar 'ko. "Tomboy ka kaya."

"What?! Anong tomboy?! Ang kapal talaga

ng mukha mo! Bakla!" Hinampas niya ako at umilag ako.

"Shh! Wag kang magulo, babatuhin kita neto, sige." Tinaas 'ko yung apple na hawak
'ko. Hindi ako makakilos ng maayos dahil nandiyan si Estilo. Galit pa rin kaya siya
sakin?

"Fine, fine. This is Danger, my EX-GIRLFRIEND." Inemphasize niya pa talaga 'yung


GIRL ha. Sabi nang hindi ako bakla, eh. "Kidding aside. He's my ex boyfriend. Wait
nagbreak ba tayo? Am I right?" Tanong niya ulit sa'kin.

"You're Skylar." Pambabara 'ko. "Deh, biro lang. Assumera, nagbreak kaya tayo.
Ikaw, haaaa, sabi na nga ba't inlove ka pa rin sa kagwapuhan 'kong taglay."

"We know each other.." Mahinang sagot ni Estilo.


"Really?!" Ngumiti lang ako at inabot kay Skylar 'yung hiniwa 'kong apple.

"Gusto mo?" Alok 'ko kay Estilo. Hindi niya ako tinignan pero umiling siya. "Siya
ba 'yung Sky na tinutukoy mo?" Tanong 'ko kay Estilo. Tumango lang siya.

Galit pa rin ata siya sa'kin.

"Seriously, Danger. Anong label natin?" Natatawang tanong sakin ni Langit. Nagkibit
balikat lang ako. Masyado akong maraming iniisip ngayon.

"Saka na natin pag usapan 'yan kapag magaling ka na." Kinuha 'ko ang panyo 'ko ulit
at pinunasan ang bibig ni Langit. Ramdam 'ko pa rin ang titig ni Estilo.

"Pero magaling na ako, ah!"

"Oh? Bat nasa hospital ka pa

din?"

"Kakagising ko lang!"

"Hindi ka pa magaling."

"Magaling na ako."

"Hindi pa."

"Uh.. I think I need to go." Sabay kaming napatingin kay Estilo. Tumayo siya at
mabilis na naglakad palabas. Nakasalubong niya sila Kiba.

"Pre, bakit ganun itsura nun?" Tanong ni Jon pagkapasok.

"Anong itsura?" Hindi 'ko kasi nakita. Ayaw niya humarap sa akin kanina pa. Ano
kaya problema nun?
"Parang sinaksak sa dibdib, eh."

Nagkibit balikat lang ako. "Panganib, may jokes ka ba diyan?" Tanong ni Skylar. "Sa
tagal 'kong tulog kailangan 'ko ng bagong jokes."

"Ahh, meron. Pero hindi 'to joke." Ngumiti ako. "Sinong POOH ang kamukha 'ko?"

"Sino?"

"Edi yung POOHgi. Hahahahahahaha!" Tumawa siya bago siya magmake face. Kunghari pa
siya, havey naman. "Sino naman sa POOH ang pinakagwapo?"

"Sino?" Tanong niya.

"Ako POOH. HAHAHAHAHA!" Binato ako ni Kiba ng unan. "Nako, bitter ka nanaman diyan.
Meron pang isa. Anong tawag sa asong lumilipad?"

"Ano?"

"Edi wow. Hahahahahaha!" Tumawa ako at binatukan niya ako. "Wag mo 'kong
sinasaktan. Hahaha! May isa pa."

"Tama na!" Reklamo naman ni Jon.

"Manahimik ka, bumalik ka sa bar." Lumingon ulit ako kay Langit. "Anong tawag sa
robot na mahilig magtanim?"

"Ano?"
"Edi transfarmers. HAHAHAHAHA!"

"Calling 911." Hirit ni Lucas sa likod. "Ang saya saya mo nanaman, Panganib! Baka
nakakalimutan mo na galit sayo ang future girlfriend mo!"

Natigilan tuloy ako. Oo nga 'no?

"Future girlfriend?" Tanong naman ni Skylar. "Wow, may lovelife ka na kaagad."

"Hindi naman.. Tulog ka na kaya, muna? Masakit ulo mo, diba?" Tinulungan 'ko siya
makahiga. "Babalik ako bukas." Hinalikan 'ko siya sa noo bago kami umalis.

"Kayo na ba ulit?" Tanong ni Kiba. Umiling ako.

"Matagal na kaming wala, aso." Tanggi 'ko naman. "Kailangan 'ko lang muna manatili
sa tabi niya hanggang sa magaling na siya. Kailangan 'ko siya alagaan at bantayan.
Duty 'ko 'yon, eh."

"Mahal mo pa ba?" Natigilan ako sa tanong niya. "Bakit hindi ka makasagot?"

"Kasi hindi 'ko alam isasagot 'ko." Pag amin 'ko. "Mahirap magsalita ng patapos."

"Tama siya, Kiba. Pero Panganib.. Paano si Estilo?"

Estilo? "Bakit? Anong meron sa kanya?"

"Wala ka bang gusto sa kanya?" Muntik na 'ko matawa sa tanong ni Jon. Ano ba naman
'tong mga 'to.

/>
"Wala, kaibigan 'ko nga lang 'yun. Ang kulit." Napakamot ako sa ulo 'ko.

"Ehem. Kakasabi mo lang.. Mahirap magsalita ng patapos." Nakangising sabi ni Lucas


sa akin.

"Mga tol.. Mahal nun 'yung ex niya. At ako? Kailangan 'ko alagaan si Skylar. Hindi
kami talo, okay?" Pageexplain 'ko.

"Sigurado kang mahal niya pa ex niya?"

"Eh iniiyakan niya, eh." Mahinang sagot 'ko. "Bakit mo iiyakan kung hindi mo mahal?
Bakit mo iiyakan kung wala kang pakealam? Bakit mo iiyakan kung hindi siya mahalaga
sayo?"

"Boom, panis kayo, 'no!" Sabi ni Kiba. "Iiyakan ko na nga rin si Chienna babes 'ko
para malaman niyang may pake ako sa kanya. Wahaha!"

"Tindi mo. Paano ka maiiyak eh sinampal ka na nga kinilig ka pa." Sabi 'ko.

***
"KUYAAAAAAAAA! GISING NA SI ATE LANGIT?!" Bungad kaagad sa akin ni Dawn pagkapasok
'ko ng bahay.

"Oo nga! Tumawag 'yung mommy niya!" Sabi ni Jayden sa kusina.

"Oo." Tumango ako. "Kakagaling 'ko lang doon."

"Waaaaaaaaaah! Wag mong sabihing makikipagbalikan ka sa kanya?! Diba nagbreak kayo


noong April 2?! Diba dahil mag iibang bansa dapat siya?! Pero hindi natuloy?!"

Tinignan 'ko siya ng masama. "Isa pang daldal, ibabato 'ko sayo 'yung lintek mong
standee sa labas."
"Mommy

oh!!!" Sumbong niya. "Pero nagkabalikan na nga kayo?! Paano na 'yung girlfriend
mo?! Si Ate Style?! HINDI MO ALAM KUNG GAANO KASAKIT MAIWAN! HINDI MO ALAM KUNG
GAANO KASAKIT IPAGPALIT!"

"Hoy, wag mo akong itulad sa relasyon niyo ni Kiba, ha. Hindi pa kami
nagkakabalikan at hindi 'ko girlfriend si Estilo. Naiintindihan mo ba 'ko?"
Pagpapaliwanag 'ko.

"Wushu, hindi daw girlfriend." Bulong pa niya. "PERO MAY GUSTO KA SA KANYA DIBA!"

"Pero ang sarap mong batuhin ng standee diba?"

"MAMEEEEEEEEEEE!!"

Umiling lang ako at umakyat sa kwarto 'ko. Binagsak 'ko ang sarili 'ko sa kama 'ko.
Hindi 'ko alam kung bakit pati ako naguguluhan sa sitwasyon 'ko. Ano ba kami ni
Skylar? Ano ba kami ni Estilo? Ano ba nangyayari? Mahal 'ko pa ba si Skylar? May
gusto ba ako kay Estilo? Hindi 'ko na rin alam!

Gulong gulo na ako. Pero kailangan 'ko muna makipagbati kay Estilo. Kinuha 'ko ang
phone 'ko at tinawagan siya.

Puro ring lang.. hindi niya sinasagot. Ilang beses ako nagtry ulit pero hindi niya
pa rin sinasagot. Nag aalala na ako, ah. Palagi naman niyang sinasagot tawag 'ko,
ah?

***
Kinabukasan, binisita 'ko ulit si Skylar sa hospital. Habang sinusubuan 'ko siya ng
soup, pumasok sila Chienna. Nagulat pa sila nang makita ako.
"Skylar! Ang duga mo naman, eh! How come Agnes knows that you and Danger had

a special relationship?! Bakit ako, hindi mo sinabihan?" Reklamo ni Chienna.

"That's why he's familiar. Nakita 'ko siyang lockscreen ni Sky." Sabi ni Agnes.
Ngumiti lang ako.

"Ah.." Sinubuan 'ko ulit si Sky at pinunasan ang bibig niya. "Bibili lang ako ng
makakain sa may kanto. Iwan muna kita sa mga kaibigan mo." Tumayo ako pero bago ako
umalis kinausap 'ko si Chienna. "Si Estilo?"

"Style? She's at the condo. She said she wants to be alone."

"Sige, salamat."

Lumabas ako ng hospital at naghanap ng tindahan sa may kanto. Dala dala 'ko pa rin
yung camera ko dahil pagkatapos ko bisitahin mga alaga 'ko, dumeretso ako sa
ospital. Kaya ang bigat tuloy, eh pero sanay na ako.

"Ate, Zest-O nga." Sabi 'ko kay Ateng tindera. "Ate, alam mo ba kung bakit may
black eye ang juice?"

"Huh?" Nagtatakhang tanong niya sakin.

"Kasi po nasa-pack. HAHAHAHAHA! Salamat po." Inabot 'ko ang bayad at tumambay sa
tapat. May mga batang naglalaro sa tapat 'ko kaya kinukuhanan 'ko ng litrato.

Napako ang tingin 'ko sa isang batang naglalaro mag isa malayo sa mga bata.
Nagdadrawing siya sa semento gamit ang bato na may puti sa dulo. Magpipiko ata.
Tinaas 'ko ang camera at kinuhanan 'ko siya ng litrato bago 'ko nilapitan. "Hello."
Lumuhod ako sa harapan niya.

"Anong pangalan mo? Bakit naglalaro ka mag isa?"

Tinignan niya ako. "Ako po si Jander. Eh kasi naman, nag aaway sila ate, nanay at
tatay sa bahay."

Ngumiti ako. "May knock knock ako sayo."

"Ano po yun?"

"Ivy League."

"Ivy League who po?"

Umubo muna ako bago kumanta. "Ivy League I can fly.. Ivy League I can touch the
sky~ Hahahahaha!"

"Hindi ko po gets." Lalo akong natawa sa reaction niya.

"Sinong bayani ang naglalaro ng COC?"

"Sino po?"

"COC Rizal. Hahahahaha!" Tumawa ako at napalingon ako sa babaeng lumapit sa amin.

"Jander, tara na." Sabi nung babae habang umiiyak. Napatayo tuloy ako, eh. Nilabas
'ko ang panyo 'ko at inabot sa kanya.

"Ahh.. Anong pangalan mo?" Tanong 'ko. Tinignan ako ng babae.

"Jaile.." Mahinang sagot niya habang nakatingin sa panyong inaabot 'ko.

"Jaile? Hello, kulungan. Hehehe. Kuhanin mo na." Kinuha 'ko ang kamay niya at
nilagay ang panyo doon. "Knock knock."

"Who's there?"
"GOTO."

"Goto who?" Pinunasan niya 'yung luha niya.

"Ehem.. You goto believe in magic~! Tell me how two people find each other~! In a
world that's full of strangers~ Hahahaha!" Grabe, hindi siya

natawa. Ako lang natawa sa joke 'ko. Hahaha! "Hirap mo naman. Sinong superhero ang
plastic?"

"Sino?" Tanong niya ulit.

"Si PLASTIKman. Hahahaha!" Tumawa ako at medyo natawa na siya doon. Naks, iba
talaga ang kagwapuhan 'ko. "Tahan na, kulungan. Hindi bagay sa babae ang umiiyak
lalo na ikaw."

"Teka, nagpipicture ka?" Tanong niya sakin. Nakita niya yata 'yung camera 'ko.
Malamang, may mata!

"Bakit? Gusto mo picture-an kita?" Nginitian 'ko ulit siya. Killer smile, mga
tsong.

"Ay, hindi! Mahilig rin kasi ako sa larangan na ganyan." Sabi niya.

"Sige kapag nagkaexhibit ako, punta ka." Ngumiti ulit ako.

"Sige, titignan 'ko mga kuha mo."

Bigla 'ko na lang naalala na babalikan ko pa pala si Langit sa hospital. "Ahh, una
na ako, ha. Sayo na 'yung panyo. Remembrance. Wag mo lang aamuyin, baka mainlove
ka. Hahahaha!" Biro 'ko pa. Tinignan niya lang ako. "Ngiti ka muna bago ako
umalis."

Pero nakatingin pa rin siya.


"Huy, ngiti na dali." Pamimilit 'ko. Ngumiti siya ng tipid. "Ehh, okay na nga 'yan.
Bye na, ha?"

Naglakad na ulit ako pabalik sa hospital pero hindi pa ako nakakapasok, sumagi na
sa isip 'ko si Estilo.

Mag isa siya.

Sumakay ako sa kotse 'ko at nagdrive papunta sa condo nila. Nag aalala ako. Baka
kung ano

na nangyari doon.

"Estilo!" Katok 'ko sa condo unit nila. Ilang beses 'ko pinindot yung door bell
pero walang sumasagot. "Estilo, nandiyan ka ba?" Kinatok 'ko ulit.

"Ah!"

Nakarinig ako ng sigaw sa loob.

"F*ck!" Mura niya sa loob.

"T*NGINA ESTILO BUKSAN MO TO O SISIRAIN 'KO TONG PINTO NA 'TO!!!" Sinipa 'ko yung
pinto sa sobrang pag aalala 'ko.

"Danger?!" Sigaw niya ulit sa loob. "No! Don't! Don't come inside! I'm fine!"

"SISIRAIN KO NA TALAGA 'TO WALA AKONG PAKEALAM KUNG MAGBABAYAD AKO DITO!"
Sinipa 'ko ulit yung pinto at bigla na lang nagclick 'yung lock sa pinto. Pinihit
'ko 'yung doorknob at pumasok. Nakita 'kong mabilis na tumakbo sa CR si Estilo at
nilock 'yun.

"Anong ginagawa mo diyan?!" Sigaw 'ko. "ESTILO!!!! BAKIT MAY DUGO 'YUNG DAMIT MO?!"
Kinuha 'ko ang damit niya sa sahig. "NAGLALASLAS KA NANAMAN BA?! BUKSAN MO YUNG
PINTO!"

Kinalabog 'ko ulit 'yung pinto ng CR.

"NO! DON'T COME INSIDE!!!"

"DIBA SABI 'KO WAG KA NA MAGLALASLAS?! ANO NANAMAN BA 'TO?!"

"DANGER, I'M NOT-"

"BUKSAN MO 'TO!!!! SISIRAIN KO TALAGA 'TO!"

"NOO!! DANGER NO!!!!"

May nakita akong susi sa may lamesa kaya kinuha 'ko 'yun. "PAPASUKIN KITA DIYAN!"

Hinanap 'ko yung susi ng CR at nabuksan nga. Pinihit 'ko 'yung door knob. "ESTILO
ANO BANG GINAGAW--"

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!"
Bigla na lang may tumamang plastic ng napkin sa mukha 'ko.
__________________________________________________________________
Hahahaha pucha, bakit ako yung natatawa. Sorry na! Btw, nag-Collab ito with
ABSTRACT ATTRACTION by capitalsawi :))) Doon ang story ni Jaile~ :))

=================

DS 21 ~ Suffer

Danger's POV
"WAG NA WAG KANG DIDILAT IF YOU DON'T WANT ME TO STAB YOU WITH A KNIFE!!"

Nakapikit pa rin ako, pinoprocess 'ko ang nangyari. Bakit may napkin? Yung dugo ba
na 'yun hindi galing sa pulsuhan niya? "Hindi ka ba talaga naglaslas?"

"SHUT UP AND GET THE F*CK OUT!" Tumalikod na lang ako at lumabas ng CR. Bawal pa
rin ba ako dumilat? Baka mamaya saksakin ako nun talaga kapag nakitang nakadilat
ako, eh!

Ilang minuto bago 'ko naramdaman na bumukas ulit 'yung pinto ng CR at kinuha niya
'yung damit niya na may dugo sa kamay 'ko. Umalis siya saglit at bumalik sa harapan
'ko. "Open your eyes."

Siyempre, sinunod 'ko na. Baka mamaya makatulog na ako dito nang nakatayo.
Hehehehe.

"I didn't cut, Danger. I'm on my period. Masyado kang nag iisip ng kung ano ano.
Didn't I say I won't do that again because you don't want me to?" Pagpapaliwanag
niya. "And why are you here? I'm still mad at you for lying."

"Bakit nagmamadali ka umalis sa ospital kahapon?" Tanong 'ko at umupo sa may couch.

"Cramps. Sakit ng puson 'ko." Kaya pala parang sinaksak daw siya sa dibdib! Kawawa
naman siya, buti kaming mga lalaki hindi nagkakaroon ng ganyan. Paano kaya kapag
'yung mga lalaki meron din?
*IMAGINE*

"Naaano ka diyan, Panganib?" Tanong sa akin ni Kiba habang naglalaro kami ng


baraha.

"Kingina tol, ang sakit ng puson 'ko." Hinawakan 'ko ang puson 'ko. "May

buscopan venus ka ba diyan?"

"Ako, may dala ako. Meron din ako ngayon, eh. Ayos, sabay tayo!" Inabutan ako ni
Lucas ng gamot.

"Biglaan, may napkin ka ba diyan, brad?" Kinalabit 'ko si Jon para manghingi ng
napkin tutal nasa bahay niya naman kami. Ang sakit talaga ng puson 'ko, eh. "..with
wings ha."

"Tol, pang heavy flow lang meron ako dito, eh. Wag ka mag alala, cottony clean
naman, eh tapos mabango pa." Inabutan ako ni Jon ng napkin. "Paano na tayo
makakapagbasketball niyan? Meron ka! First day pa. Hindi kaya tagusan ka?"

Tumayo ako at tumingin sa likod 'ko. "May tagos ba?"

"Wala pa! Dalian mo na sa CR!" Tinulak ako ni Kiba papasok ng CR. Naglagay ako ng
napkin at lumabas kaagad.

"Dinedysmenorrhea na talaga ako, mga tol." Hinawakan 'ko ulit ang puson 'ko. "Kayo
muna maglaro, higa muna ako."

"Magsiswimming pa naman tayo sa biyernes! Paano na 'yan?" Sabi naman ni Lucas.

"Okay lang, 3rd day 'ko naman na!" Sabi 'ko ulit. "Wag niyo nga ako kausapin! PMS
ako ngayon!"

*END OF IMAGINATION*

"DANGER! ARE YOU EVEN LISTENING TO ME?!" Natauhan ako nang makita 'ko si Estilo na
nakapamewang sa harapan 'ko.
"Ah, sorry.. Nawala lang saglit sa mundo." Badtrip, bat kasi napunta ako doon sa
mundo ng mga lalaking may mens?! "Ano ulit sinasabi mo?"

/>

"I'm asking you what's your relationship with my friend." Umupo siya sa tapat 'ko
habang umiinom ng tubig. Kakainom lang ata niya ng gamot.

"Ex." Maikling sagot 'ko. "Pero walang official na breakup. Nahospital kasi kaming
dalawa nung araw na 'yon. Ang sabi niya lang sa akin aalis daw siya, may pupuntahan
tapos naglakad siya paalis. Ako naman, hinabol 'ko. Sa sobrang labo ng paningin
'ko, hindi 'ko na nakita 'yung sasakyan na dumaan. Tinulak ako ni Skylar at naumpog
ako sa semento." Sumisikip ang dibdib 'ko kapag naaalala 'ko 'yung nangyari. Para
akong sinasaksak ng paulit ulit. Siguro nga, hindi pa rin ako nakakamove on sa
pangyayaring 'yun.

"Then?" Tanong ni Estilo.

"Nawalan ako ng malay, nagising na lang ako sa hospital at nalaman 'kong nacoma si
Sky. Last year lang 'yun noong April 2. Sinisi 'ko sarili 'ko sa nangyari sa
kanya.." Yumuko ako. "Hindi 'ko mapatawad ang sarili 'ko. Parang naintindihan 'ko
na kung bakit Danger ang pangalan 'ko, eh."

"You shouldn't think like that.."

"Hindi 'ko na siya binisita simula nun. Hindi 'ko nga magawang lumapit sa kanya,
eh. Parang gusto 'ko patayin 'yung sarili 'ko kapag nakikita 'ko siyang nakahiga sa
hospital na 'yun nang walang malay." Habang nagkekwento ako, pinigilan 'ko 'yung
pagtulo ng luha 'ko. "Kaya kahit kailan hindi 'ko siya nilapitan. Masyado akong
mapanganib, baka isang hawak 'ko lang sa kanya, hindi na siya magising kahit
kailan."

Tahimik lang siyang nakikinig sa'kin.


"Araw araw.. hinihintay 'ko 'yung pag gising niya. Parang nawawalan na nga ako ng
pag asa. Ilang linggo 'ko rin iniyakan 'yun. Wala, eh.. Mahal 'ko, eh." Napatingin
siya sa'kin.

"So you already experienced loving someone." Yumuko siya. "I'm.. I'm sorry."

"Bakit?"

"You're too busy taking care of me and wiping my tears, you didn't have the time to
wipe yours. I didn't know.. Hindi 'ko alam na hindi lang pala ako 'yung nasasaktan.
I'm sorry for that." Pinaglalaruan niya ang daliri niya habang sinasabi niya 'yun.
Feeling 'ko maiiyak siya, eh. "Do you still love her?"

Napaisip ako. "Mahalaga siya sakin." Umiwas ako ng tingin. "Si Skylar.. ilang taon
din naging kami. Sa sobrang tagal namin, nahawa ako sa pagkamasiyahin niya. Sisihin
niyo siya kung bat ganto ako kacorny ngayon."

"Wow, I really should blame Sky for all of this." Nakangiti si Estilo habang
sinasabi niya 'yun. "Pati ba sa pagiging ayaw mo sa mga babaeng umiiyak dahil sa
kanya din?"

Tumango ako at umiling pagkatapos. "Oo na hindi.. Sinong lalaki ba ang gustong
makakita ng babaeng umiiyak? Siraulo lang ang gagawa nun. Isang gago. Parang 'yung
ex mong tantado."

"I guess.." Ngumiti siya ng tipid. "I think he's already happy in L.A.. While

I'm here.. still broken."

Lumipat ako ng upuan at umupo sa tabi niya. "Estilo, madami pang iba diyan na
pwedeng magpasaya sayo. Isa na ko dun dahil kaibigan mo 'ko. Nangako ako na hindi
kita iiwan diba? Kasi baka umiyak ka dahil nawalan ka ng gwapong lalaki sa buhay
mo. Sad life yun."
Hinampas niya ako ng malakas. "No time for your jokes."

"Hard! May bago kaya akong nahagilap na joke. Gusto mo marinig?" Sabi 'ko ulit.
Tinaasan niya lang ako ng kilay. Taray, te! "Anong animal ang madaya?"

"Ano nanaman?"

"Edi pucheat. HAHAHAHAHAHAHA!" Okay, mais. Tawa naman kayo ng konti. Salamat po.
"Anong tawag sa malaking tsunami?"

"What?" Bored na tanong niya.

"Edi.. Tsumami. Hahahahaha!" Oy, havey sakin 'yun wag niyong sabihing mais.
Hahahaha tsumami amp*ta. "Last na!" Magjojoke na sana ako nang bigla siyang humiga
sa may couch habang hawak ang puson niya.

"It hurts.." Bulong niya. Tumayo kaagad ako at lumuhod sa harapan niya. "Ahh.."

"Okay ka lang? Anong gusto mo? Gamot? Saan dito? Masakit ba talaga? Umaattack ba
'yan? Bat walang pasabi?" Nag aalalang tanong 'ko. Nakapikit lang siya at nakahawak
sa puson niya. Halatang masakit talaga. "Huy, magsalita ka naman."

"I c-can't.. It.. hurts.." Nagcurl siya at tinalikuran ako. Wala na akong choice
kundi ilabas ang

cellphone 'ko at tawagan si Jayden.

{La 'ko pera.} Yun ang bungad sakin ni Jayden.

"Jayden, ano gagawin kapag masakit 'yung puson?"

{Ha?!} Gulat na sabi niya. {DAAAASH!! DALAGA NA ANG ANAK MO!!!}


Napasapo ako sa noo 'ko. Lakas talaga ng tama ng nanay 'ko kaya may pinagmanahan
ako, eh. "Seryoso kasi!"

{Bakit ba? Meron ka ba? Haha!} Tumawa siya ng pagkalakas lakas at narinig 'ko rin
ang tawa ni Dawn sa background. {Mame sabihin mo papahiramin 'ko siya ng napkin!
Willing ako!}

"Manahimik!" Inis na sabi 'ko. Sinulyapan 'ko ulit si Estilo na namamalipit sa


sakit. "Si Estilo kasi, masakit puson!"

{Para naman pala sa girlfriend.} Bulong ni Jayden kay Dawn. {Ah ganto lang 'yan,
maglagay ng maligamgam na tubig sa ice pack. Oo, pangyelo yon pero pwede mo lagyan
ng maligamgam na tubig. Tapos hilutin mo 'yung puson niya gamit yun. PUSON LANG WAG
BABABA ANG KAMAY, MALILINTIKAN KA SA AKIN.}

Umiling na lang ako at pumunta sa may kusina nila. Naghanap ako sa cabinet ng ice
pack at nag init ng tubig. "Yun lang?"

{Painumin mo ng gamot kung masakit na talaga.}

Sinulyapan 'ko ulit si Estilo. "Naiiyak siya sa sakit."

{Ganyan talaga ang dysmenorrhea, bigla bigla na lang tatama. Minsan, sobrang sakit,

minsan mild lang. Hala sige, wag ka na umuwi dito at alagaan mo 'yung girlfriend
mo!}

"Jayden, hindi 'ko sabi girl-" Wala, pinatayan ako ng phone. Ayaw ako pauwiin?!
Pwede ba 'yon?!
Hinintay 'ko kumulo 'yung tubig at hinaluan 'ko ng malamig na tubig para maging
maligamgam saka 'ko nilagay sa ice pack. Nilapag 'ko muna sa table at binuhat 'ko
si Estilo para ilipat siya sa kwarto niya. "Okay ka lang ba?" Tanong 'ko nang
malapag 'ko na siya sa kama.

"You.. think?"

Kinuha 'ko ang ice pack at umupo sa tabi niya. "Ahh.. gusto mo ikaw na lang gumawa
neto? Kung di ka kumportable."

"I can't even move. It hurts." Kinagat 'ko ang labi 'ko at hinawakan 'yung dulo ng
shirt niya.

"Itataas 'ko ng konti, okay lang?"

"Stupid, puson hindi tyan.." Bulong niya ulit.

"Saan ba 'yung puson?" Tanong 'ko. Kinakabahan ako dito, ah! "Eeesh! Wag mo na
ibaba 'yung short mo, ano ba!" Tinakpan 'ko 'yung mata 'ko.

"I'm not." Sumilip ako sa pagitan ng kamay 'ko at nakita 'kong binaba niya lang ng
konti at tinuro 'yung puson. "Here, dummy."

"Ikaw na gumawa!" Hinagis 'ko sa kanya 'yung ice pack.

"I'm in pain!" Reklamo niya. Umupo ulit ako sa tabi niya sa may kama at nilagay
'yung ice pack sa puson niya. "..it's warm."

"Wag

kang umiyak, sobra bang sakit?" Tanong 'ko ulit. Nakahawak pa rin ako sa ice pack
at ginagalaw galaw 'ko ng konti. "Nakainom ka naman na ng gamot, ah?"

"Mamaya pa 'yun magiging effective.." Mahinang sagot niya habang nakapikit at


nakatakip ang braso sa mata niya. "Why are you even here?"
"Wala lang, nag alala lang ako sayo kasi mag isa ka. Mahalaga ka rin naman sa'kin,
eh." Sagot 'ko.

"You have a girlfriend, Danger.. hindi mo kailangan gawin-"

"Wala akong girlfriend, Estilo." Pagputol 'ko sa sinabi niya. "Nagkaroon lang
pero.. ewan. Magulo masyado."

"I'm going back home tomorrow." Napatingin kaagad ako sa kanya nang marinig 'ko
yun. "Susubukan 'kong kausapin si Daddy."

"Paano kung saktan ka niya ulit? Paano pag may nangyaring masama nanaman sayo?
Paano kung-"

"Don't worry. I can manage. Don't mind me. Just stay with Skylar tomorrow."
Nakatakip pa rin ang braso niya sa mata niya.

"Promise? Magiging okay ka?" Tanong 'ko.

"Promise."

"Galit ka pa rin ba sakin?"

"A little."

***
Style's POV
Kinabukasan, kinuha 'ko ang gamit 'ko at umuwi sa bahay namin. I admit, I'm
freaking nervous. After running away from them.. I came back.

The maids opened the door for me. Kinuha nila ang

gamit 'ko at pinasok sa kwarto 'ko. I kinda missed my home.

"Style? Darling? Is that you? Are you here?" I saw my mom walking downstairs. She
ran and hugged me tight. "Where have you been? Are you okay?! Are you hurt?!"

"Relax, mom. I'm staying at Agnes' condo unit." I explained. I hope she won't
notice the bruises that I got from my dad. "Is everything alright here?"

"I'm already fixing the divorce papers." Malungkot na sabi niya sa'kin. I know, she
loves my dad.. But she's too envious. I can't even handle her.

"Do you really have to?" I asked, one more time. "I want this family to be alright.
I want to experience having a happy family.. Is it too much to ask?" I already
started to cry. F*ck this, I'm crying in front of her again.

"Baby, I'm sorry.." Tinakpan niya ang mukha niya at umiling. Sorry?! Anong magagawa
ng sorry?!

"Ako na lang ba palagi ang gagawa ng paraan para magkaayos 'tong pamilya na 'to?
Why can't you two fix your f*cking problem with your f*cking attitude!!" I
exclaimed.

Suddenly, I feel so tired.. so exhausted. I just want to burst out everything.

"I'm sorry.."

"JUST ONCE, MOM! JUST ONCE!!! PLEASE THINK ABOUT ME, MY CONDITION BECAUSE I.. I
JUST WANT TO CLOSE MY EYES AND NEVER OPEN THEM AGAIN.. I'M SICK AND TIRED OF THIS
BULLSH*T." Pinunasan 'ko ang luha 'ko pero

kahit anong gawin 'ko tuloy tuloy pa rin sila sa paglabas. Hindi sila nauubos.

F*cking ridiculous.

"STYLE!" Umangat ang tingin 'ko kay Daddy na naglalakad palapit. "WHY ARE YOU
SHOUTING?"
Kumukulo ang dugo 'ko kapag nakikita 'ko ang mukha niya. I'm so mad at him I want
to bathe him with his own blood.

"Pumasok ka sa kwarto mo." Utos niya sa'kin. "Ngayon na. Wag kang lalabas hangga't
hindi 'ko sinasabi."

Masyado akong pagod para makipagtalo pa, tumakbo ako papasok sa kwarto 'ko at
padabog 'kong sinara ang pinto. Niyakap 'ko ang tuhod 'ko at umiyak ako ng umiyak.

Alone.. I'm alone again.

***
Nagising ako sa tunog ng phone 'ko. "Danger.."

{Estilo, okay ka lang ba diyan?}

Pinunasan 'ko ang luha 'ko. "Y-yeah.. I'm fine. Don't worry.." Skylar needs him.
Ayokong pumunta pa siya dito para lang patahanin ako. Kahit sa totoo lang.. gusto
'ko na mamatay.

{Sigurado ka?}

"I'm fine." I am not.

{Kailangan kita makita para alam 'kong okay ka lang talaga.}

Paano? My dad locked me up in my room for the past few days. Hindi ako makalabas.
"Next time."
I also want to see him and hug him. I need a shoulder to cry on but I can't.

{Bawal ang blade, cutter, kutsilyo at kahit anong deadly weapon. Naiintindihan mo
ba ako?}

Tumawa ako ng mahina at tinaas ang long sleeves na suot 'ko. May bagong bandage
nanaman ako. I laughed at the thought. "Of course." I lied.

{Good. Bye na?}

"Bye." Binaba 'ko ang phone even though I still want to talk to him. Pero ayokong
malaman niya na hindi talaga ako okay. I miss his presence. I miss Danger.

But he's not yours, Style.

"Ma'am, eto na po ang lunch niyo." Pumasok ang maid sa kwarto 'ko at naglapag ng
tray. Palagi na lang ganto, hindi ako pinapalabas ng kwarto at papadalhan na lang
ako ng pagkain.

They're cruel! Pinaparusahan niya 'ko for disrespecting them.

"Itabi mo 'yan." Sabi 'ko sa maid. "I'm not hungry."

"Ma'am, hindi pa po kayo kumakain simula last-"

"I SAID I AM NOT HUNGRY!" Agad niyang kinuha ang tray at lumabas ng kwarto. Pumikit
ako ng mariin para pigilan ang luha 'ko. I want myself out..

Konting tiis, Style. Kapag nakagraduate ka na, hindi mo na kailangan pa tumira sa


bahay na 'to. Magsasarili ka.. Aabutin mo pangarap mo. Hindi mo na sila kailangan.

"LET HER OUT!!"

"NO, DON'T YOU DARE!"

"MY DAUGHTER IS DEPRESSED! LOCKING HER UP WON'T HELP HER! YOU'RE JUST MAKING IT
WORSE!"

"I KNOW WHAT'S THE RIGHT THING TO DO WITH MY DAUGHTER! SHE NEEDS DISCIPLINE!"

"YOU ARE A F*CKING JERK!"

Tinakpan 'ko ang tenga 'ko. Ayokong marinig ulit ang pagtatalo nila. Pagod na ako.
Binging bingi na ako.

Tumayo ako at pumunta sa CR. Kinuha 'ko ang blade sa cabinet at tinitigan 'yun ng
matagal. "Escape.. You're my escape."
__________________________________________________________________
Kokontian 'ko na muna 'yung jokes sa isang chapter. Nauubusan na talaga ako, guys.
Hahaha! Pero naghahanap ako. TT^TT Waley nga lang. Hayst.

Wag magalit kay Sky. Una sa lahat.. Siya ang nauna. :( Sakit diba. Hahaha!

COMMENT NGA KAYO NG JOKES NA HAVEY. :( MGA KNOCK KNOCK GANON. PIPILI AKO. HIHI.

=================

DS 22 ~ Baymax

Danger's POV

"Pwede bang puntahan niyo si Estilo sa bahay nila? Ayaw niya na talaga sagutin
'yung tawag 'ko." Sabi 'ko kela Chienna habang palakad lakad ako dito sa kwarto ni
Skylar. Ilang linggo na rin at nakalabas na siya ng ospital, yun nga lang kapag
sumakit ang ulo niya, kailangan siya ibalik ulit.

"Relax." Hinawakan ni Sky ang kamay 'ko at pinaupo ako sa tabi niya. "She'll be
fine, I guess."

Hindi niyo kasi alam ang problema niya kaya nakakapagpetiks petiks pa kayo diyan.
Bakit kasi hindi sinasabi ni Estilo sa kanila kung gaano kahirap 'yung
pinagdadaanan niya? Gulo rin, eh.

Ilang linggo na niyang hindi sinasagot 'yung tawag 'ko! Sineseen niya lang rin ako
sa facebook tapos binabalewala niya 'yung mga text 'ko. Ano ba talagang nangyayari
sa kanya?

Nag aalala na ako, eh. Baka mamaya pinatay niya na 'yung sarili niya, hindi 'ko
kakayanin 'yun.

"Kung ayaw niyo, ako na lang ang pupunta!" Inis na sabi 'ko. Kinuha 'ko ang susi ng
kotse 'ko at umalis sa bahay ni Sky. Inaalagaan 'ko pa rin 'yun kahit wala na sa
ospital. Mahirap na, baka hindi pa siya okay.

Nagdrive ako at hininto 'ko sa tapat ng bahay nila. Nakakakaba naman pumasok, baka
palayasin ako ng tatay niya o kaya ng nanay niya pero.. bahala na! Kailangan 'ko
'tong gawin para masigurado 'ko na okay siya.

*ding dong
Pinindot 'ko ang doorbell at pinagbuksan ako ng isang katulong. "Sino po sila?"
Tanong niya.

"Panganib po. Matakot ka!" Natatawang sabi 'ko. Kumunot naman ang noo niya. "Ako si
gwapo. Nandiyan ba si Style?"

"Pasok po." Pumasok ako sa loob ng bahay nila at pinaupo ako doon sa sofa. Maya
maya, may bumabang lalaki kaya napatayo ako.

"Anong kailangan mo sa anak 'ko?" Ahh, eto pala 'yung gunggong na nananakit kay
Estilo. Sapakin 'ko siya diyan, eh!

"Kaibigan niya po ako. Danger Jairus Frost." Nilahad 'ko ang kamay 'ko.

"Frost? You must be the son of Dash Jayden Frost." Kinuha niya ang kamay 'ko at
nakipagshake hands. Wow, sikat pala 'yung tatay 'ko. Siguro ang daming kalokohan
nun noon kaya sikat. Puahaha.

"I just came to visit your daughter." Nag eenglish siya kaya mageenglish na rin ako
para naman kahit papaano ay hindi niya isipin na wala akong modo. Kahit sa totoo
lang gusto 'kong sipain 'yung ilong niya dahil sa ginawa niya kay Estilo!

Huh! Kala mo pogi!


"She's inside her room. She's grounded." Grounded mo mukha mo! "But if you insist,
I can trust her with you. I need to go." Nagpaalam siya sa akin at lumabas.

"Ate, saan 'yung kwarto ni Style?" Tanong 'ko sa katulong kanina.

"Doon po, Sir." Turo niya sa kulay puti na pintuan. Umakyat kaagad ako

at huminto sa tapat ng pinto na 'yun.

Nakakamiss din pala si Estilo, 'no?

"Lumalabas ba siya?" Tanong 'ko ulit sa maid.

"Hindi po siya kumakain. Ilang linggo na rin. Minsan tatlong beses lang sa isang
linggo ho siya kumakain. Bawal po kasi siya lumabas ng kwarto niya, nag aalala na
rin po kami. Eh, si Ma'am naman po palaging nasa hospital. May pasyente." Daldal,
ah. Pero okay na 'yon. Madaming impormasyon.

Nagagalit tuloy ako kay Estilo! Bakit hindi siya kumakain?! Lagot siya sa'kin
talaga!
*knock knock

"I SAID I'M NOT HUNGRY!!!" Sigaw agad niya pagka katok 'ko. Sungit! Pero atleast
buhay siya, ha. May gana pa siya sumigaw.

"Papakainin kita! Buksan mo 'to!" Sigaw 'ko rin. Natahimik ulit sa loob at biglang
bumukas ang pinto.

"Danger?!" Gulat siya nang makita ako. "W-why are you-" Pumasok ako sa kwarto niya
at sinara.

"Bakit ikaw? Bakit hindi ka kumakain? Bakit hindi mo sinasagot tawag 'ko? Bakit
hindi ka nagrereply sa text 'ko? Bakit sineseen mo mga PM 'ko? Bakit, ha. Estilo?
Sabihin mo nga!" Galit na sabi 'ko pagkapasok 'ko pa lang.

Kinagat niya ang daliri niya. "I'm sorry, I just thought you're too busy with Sky-"

"T*ngina, Estilo! Walang busy busy pagdating

sayo!"

Nagulat siya sa sinabi 'ko. Totoo naman, eh! Kahit gaano ako kabusy, kahit tumatae
pa 'ko, tatakbo ako papunta sa kanya kapag kailangan niya ako! Masyado niya akong
pinag aalala!
Nakatingin lang siya sa'kin at nakita 'kong tutulo na ulit 'yung luha niya. Namayat
siya at namamaga ang mata niya. King ina, hindi siya okay!! Bakit sinasabi niya
sakin na okay siya kung matatagpuan 'ko siyang ganito?!

"I'm sorry.." Tinakpan niya ang mukha niya at humikbi. Lumapit ako sa kanya at
niyakap 'ko siya ng mahigpit. "I'm tired.. of crying.." Nanginginig na siya habang
umiiyak sa dibdib 'ko.

Nilagay 'ko ang baba 'ko sa ulo niya at hinigpitan 'ko ang yakap 'ko sa kanya.
"Bakit hindi mo ako tinawagan?" Mahinahon na tanong 'ko sa kanya.

"I n-need you.. so much.." Humikbi ulit siya. "..but you're not mine.." Natahimik
ako sa sinabi niya. Nasasaktan talaga ako kapag nakikita 'kong umiiyak si Estilo.

"Pwede akong maging sayo, Estilo.." Bulong 'ko sa kanya. "Kahit isang araw lang..
kahit isang linggo.. isang buwan.. Kung gugustuhin mo, pwedeng pwede ako. Basta wag
ka lang mahirapan ng ganyan."

Kinuha 'ko ang panyo 'ko at pinunasan 'yung luha niya. Nakayuko lang siya sa'kin at
ayaw niya ako tignan.
Kinuha 'ko ang pulsuhan niya

at tinaas ang long sleeves niya. "Naglaslas ka?"

"Once.. Only once.." Umiiyak pa rin siya pero hindi na tulad ng kanina. "I'm
sorry.."

Hinalikan 'ko 'yung bandage. "Cut flowers, not your wrists."

"I'm sorry.." Tinakpan niya ang mukha niya habang umiiyak pa rin. Para siyang baby
na pinapagalitan ng tatay.

Hinawakan 'ko ang mukha niya at inangat sa'kin. "Labas tayo. Kailangan mo kumain ng
marami."

"But my dad-"

"Wag ka mag alala. Pinagkatiwala ka na ng tatay mo sa'kin. Lakas 'ko talaga! Ano?
Tara?"

Ngumiti siya at hinawakan ang kamay 'ko. "Teka, bati na ba tayo?" Tanong 'ko ulit.
"Malapit na." Tumawa siya.

***

"Lahat po 'to." Turo 'ko sa menu. Hinampas kaagad ako ni Style pagkasabi 'ko nun.
"Wag ka kumontra, ako naman magbabayad, eh."

"It's too much! I'm not that hungry anyway." Nag 'shh' sign ako sa kanya at um-
order ng napakadaming pagkain dito sa restaurant. Kailangan niya kumain ng madami
para bumalik 'yung katawan niya. "Tsk, why am I even here?" Tumingin siya sa
bintana ng mall.

"Kasi po.. para naman hindi ka mabaliw doon sa kwarto mo. Baka mamaya, kinakausap
mo na 'yung pader doon. Sabagay, wala rin namang pinagkaiba 'yun sa gwapong katulad
'ko. Nakakabaliw

din pala ako."

Tinignan niya ako ng masama. "Conceited bastard."

"Sus! Crush mo naman ako, eh!" Ngumisi ako. "Aminin~" Pangungulit 'ko pa. Inirapan
niya lang ako. "Alam mo, Estilo. Aminin mo na kasi na crush mo ako! Hindi naman
kita irereject, eh. Gusto mo tayo na? Haha!"

"Shut up, Danger." Umirap ulit siya. Ang sungit talaga! Akala 'ko ba tapos na 'yung
period niya? Wala pa rin palang pinagkaiba. "Baka ikaw, crush mo 'ko."
Napangiti tuloy ako. "Sinong hindi magkakacrush sayo?"

"Yung taong may girlfriend na." Tinignan niya ulit ako. Kulet, eh!

"Sabi nang hindi 'ko girlfriend si Skylar, eh." Ngumuso ako sa kanya.

"But you love her."

"Siyempre!" Inirapan niya ako. "Kaibigan 'ko kaya 'yun." Pagpapatuloy 'ko. "Selos
ka nanaman diyan."

"I am not jealous." Mahinang sabi niya habang nakatingin pa rin sa bintana. "You're
hers."

"Outdated!" Umiling iling ako. "Hindi 'ko talaga girlfriend si Sky."

"But nasa kanya ka pa din."

"Hoooo." Umiling ulit ako. "Nasaan ba ako ngayon, ha, Estilo? Hindi ba kasama kita
ngayon? Bat sinasabi mong nasa kanya

ako eh nasayo nga ako?"


Boom panes! Mga banat 'ko talaga, kakaiba. Walang makakatalo doon, mga tsong.
Mapanganib ata 'to!

"Oh really?" Tumingin siya sa'kin. "Don't make me fall, Danger Jairus Frost.
Because I shouldn't."

Ngumiti ako. "Bakit naman, Kaizen Style Dalton? Nafafall ka na ba?"

"In your wildest dreams."

"Kung alam 'ko lang.. Masyado kang indenial!" Tumawa ako at nag asaran pa kami bago
dumating 'yung pagkain.

"Danger! Enough!" Hindi na niya natuloy sasabihin niya dahil sinubo 'ko ulit sa
kanya 'yung kutsara. Kailangan niya kumain ng marami at tinutulungan 'ko siya!
"Masusuka na ako, eh!"

"Wag kang masuka, hindi ka naman buntis." Kumuha ulit ako ng pagkain at nilagay sa
kutsara. "Ah!" Sumunod naman siya. "Good girl! Talino ng unggoy 'ko, ah."

Kinuha niya 'yung kutsilyo.


"Biro lang! Walang pisikalan!" Bawi 'ko. Baka saksakin ako, eh. Hahaha! Nakakatakot
pa naman siya. Hindi mo alam kung tototohanin talaga niya, eh. Sayang naman ang mga
gwapong katulad 'ko. Bihira na lang ang mukhang 'to, mawawala pa? "May joke ako."

"Another corny joke. Ano 'yun?"

"Anong tunog ng jansport nung nalaglag?" Tinaasan niya 'ko ng kilay.

"Ano?"

"BAG!! HAHAHAHAHAHA!" Tumawa ako ng mahina. Mahina lang, nakakahiya naman sa ibang
kumakain dito. Baka mabusog agad sila kapag nakita nila ako.

"Funny." Umirap siya. "Danger, I need to tell you something."

Tumingin naman ako sa kanya habang kumakain ako.

"I missed you."


"*cough cough*" Bigla akong nabulunan nang sabihin niya 'yun. Tumatawa siya nang
iabot niya sakin 'yung inumin 'ko. Ano ba naman 'tong si Estilo! Bigla na lang
hihirit ng ganun, eh! "Nagulat ako don.. Hoo." Sabi 'ko pagkainom 'ko.

"Sorry." Ngumiti siya. "Hindi kita nakausap ng ilang weeks.."

"Wag ka mag alala. Namiss din kita. Sobra sobra pa." Tumawa ulit ako at tumayo na
pagkatapos 'ko magbayad. "Saan mo gusto pumunta? Libre 'ko ngayon!"

"I want to watch Big Hero 6." Tumango na lang ako at pumila kami doon sa sinehan.
Parang bata naman 'tong si Estilo!

Sabagay, ako din gusto 'ko panoorin. Hehehehe. Tagal 'ko kayang hinihintay sa
sinehan 'to. Balak 'ko nga idownload na lang pero since nag aya siya, go lang ng go
sa globe.

Bumili kami ng popcorn. Tig isa kami. Wag kayong mag assume na mangyayari 'yung
sabay kami kukuha sa popcorn tapos mag iislow mo tapos magkakatinginan. Ul*l.

/>
Nagstart na 'yung movie, tahimik lang ako at tahimik lang rin si Estilo na
nanonood. "Ang cute." Bulong niya pa.

"Di ako cute, gwapo ako." Bulong 'ko rin sa kanya. Kinurot niya 'yung braso 'ko.
Napakabrutal! "Astig 'no? Ako 'yung baymax mo. Your personal health care
companion."

"Really." Inirapan niya ako. Sama talaga! Bumabanat na nga ako, eh. Hehehehe.

Maya maya, nakita 'ko na lang na umiiyak na si Estilo. Natatawa tuloy ako kasi alam
'kong iniiyakan niya yung movie. Doon na kasi sa iiwan na ni baymax si Hiro.
Nakakaiyak nga 'yon pero natawa ako kay Estilo, eh!

"Cute mo." Natatawang sabi 'ko. Sinandal 'ko 'yung ulo niya sa balikat 'ko at
tinapik tapik ang balikat niya. "Iyakin."

Natatawa pa rin ako hanggang sa matapos 'yung movie. Ayaw niya pa tumayo. Masyado
siyang naiyak kay baymax. Hahahaha!

"Kaya mo pa? Hahaha!" Nakakatawa talaga. "Iyakin ka talaga, 'no? Haha! Anong
cellphone ang matanda na?"

"A-ano?" Sabi niya habang pinupunasan luha niya.


"Motolola. Hahahahahaha! Asawa ni Motololo. Hahahaha!" Tumawa siya saglit at tumayo
na siya.

"Ang cute naman nila."

"Sana may boyfriend din akong ganyan."

"Aww, ideal boyfriend."

Napalingon ako sa mga babaeng naglalakad pababa sa

may gilid namin. Ngumiti lang ako sa kanila at lumabas na rin kami ni Estilo. "Di
ka pa rin makagetover kay baymax? Bibilhan kita non, wag ka mag alala." Tumatawa pa
rin ako kasi ang kyot niya, eh.

"I want a baymax!" Reklamo pa niya.

"Ako nga! Ako 'yung baymax mo. Choosy ka pa, gwapo 'ko na ngang baymax. Naka
program ako para patahanin ka kapag umiiyak ka, pasiyahin ka kapag malungkot ka,
gamutin ka kapag may masakit sayo, tulungan ka kapag nahihirapan ka. Ayaw mo ba
nun?"

"Pero nagsakripisyo si Baymax at iniwan niya si Hiro."


"Bumalik naman si Baymax diba?" Mamaya mag away pa kami neto, eh. "Tara na nga,
bibilhan kita ng baymax mo kapag namimiss mo ko."

Pumunta kami sa toystore at nagtingin ng mga baymax na stuffs. "Tignan mo, umiilaw!
Lampshade!" Tinaas niya 'yung maliit na baymax.

"Oo sige, bahala ka. Kahit ano." Sabi 'ko habang nagtitingin ng pictures sa phone
'ko. Ang dami 'ko nanamang stolen ni Estilo.

Pinicture-an 'ko ulit siya habang nakangiti siyang nagtitingin ng mga baymax niya.
Hindi pa ba ako sapat?! Tsk tsk.

"Kapag binenta 'ko po 'tong baymax 'ko sa inyo, magkano?" Bigla na lang akong
hinatak ni Estilo at hinarap sa mga nagbebenta. Tumatawa pa siya.

"Naku, mahal po 'yan, Ma'am. Ang gwapong baymax, oh!"

"Alam 'ko 'yon, Ate. Hehehe." Ngumiti lang ako. "Nakapili ka na

ba?" Tanong 'ko kay Estilo.


"Yup! This cute little lampshade!" Tinaas niya 'yung baymax na maliit. Siyempre,
binayaran 'ko para sa kanya. Habang naglalakad kami pinaglalaruan niya 'yun.

"Isip bata ka rin, eh no." Sabi 'ko.

"He's just.. so adorable." Nag-giggle siya. Napangiti tuloy ako habang pinapanood
'ko siya.

"Just like you." Bulong 'ko.

"What?"

"Wala, sabi 'ko may gusto ka pa bang puntahan? Sabi ng Daddy mo sa'kin, may
pupuntahan daw siya, eh. Di 'ko alam kung matatagalan pero pinagkatiwala ka sakin,
eh."

"Weird.. My dad is weird." Umiling lang siya. "I want to watch the stars."

***

"It's pretty!" Nakatingala si Estilo sa langit habang nakaupo kami dito sa park.
Gabi na at ang daming stars ngayon. "Pero bakit sa camera, hindi sila lumilitaw?"
"Kasi malayo sila." Sagot 'ko.

"Kung malayo sila, bakit sa mata 'ko nakikita 'ko pa rin?"

"Eh ano naman? Alam 'ko ba 'yang mga ganyan?" Reklamo 'ko. Tinatanong pa ako, eh
hindi naman ako kasing talino ni Einstein! "Sinong bayani ang sporty?"

"Who?"

"Edi si.. Kid Kulafu-lafu. Hahahahaha!" Inirapan niya ako. Sungit talaga! Hahahaha!
Pero havey sakin 'yon, ah. "Estilo."

"What?" Tumingin siya sa'kin.

"Bati na ba tayo?" Tanong 'ko.

"No." Ngumiti siya at tumingala ulit. Walanjo! Pagkatapos 'ko ilibre hindi pa rin
kami bati?! Ano bang gusto neto?
"Anong gagawin 'ko para bati na tayo? Nakakaloko ka naman, oh."

"I'm kidding. Bati na tayo."

Yes! Yes! Yes! Hindi na siya galit sa'kin. Bati na kami! Hay salamat. Akala 'ko
habang buhay na siyang magagalit, eh. "Danger."

"Oh?" Sagot 'ko.

"I'm doomed. I think I'm putting myself in danger."

Ha?! Ano raw?!

__________________________________________________________________

<3 Hearts!!!

Style + Danger = Stranger daw. Hahaha! Yan na official kahit di 'ko alam kung saan
nanggaling 'yung letter 'r' okay na 'yun.

Strangers!!~

=================
Untitled Part 26

=================

DS 23 ~ 2 birds

Danger's POV

"Mga siraulo, kailan niyo nga balak mag-Baguio?" Paulit ulit 'ko nang tinatanong sa
mga lambanog na 'to, eh ayaw makinig. Busy siya kakalista ng mga dadalhin.

"Hindi ba pwedeng next next day na? May hotel kami dun, doon na tayo magstay." Sabi
naman ni Lucas.

"Magaling, magaling. Rich kid ka talaga boy!" Ginulo ni Kiba ang buhok ni Lucas.
"Panganib, isasama mo ba si Skylar? Sabihin mo pakisama na rin si Chienna babes!!"

"Bat di mo na lang ayain lahat? Tutal, lugar ni Agnes 'yon. Hahaha!" Tawa ng tawa
si Jon. Sigurado ako na mabubully nanaman si Agnes niyan.

"Susubukan 'ko." Sabi 'ko naman. "Kiba, samahan mo 'ko. Puntahan natin sila."
Magkakasama ata sila ngayon doon sa condo. Oo, mga tsong! Pagkatapos ng I'm putting
myself in danger ni Estilo.. Di 'ko na gets 'yon. Sabi niya wala lang daw,
nagkausap kami ng tatay niya! Hoho! Sabi 'ko ako na lang magbabantay kay Estilo
kaya pinapayagan na lumabas, paminsan minsan nga lang.

"Sige bro, mag gogrocery kami. Sunod na lang kayo." Tumayo si Jon at Lucas. Kanya
kanya kaming sakay sa kotse at kami ni Kiba, pumunta sa condo.

"Bro, wala akong dalang flowers!" Reklamo pa ni Aso.


"Dog food lang, oks na." Pang aasar 'ko pa. "Basta, behave ka lang. Hahaha!"

/>

Bumukas na ang elevator at kumatok na ulit kami sa Room 3026. "Who's there?!"

"Pare, kinikilig ako. Naririnig 'ko na ang mala-anghel na boses ni Chienna babes!"
Hinampas pa ako ni Kiba. Suntukin 'ko kaya siya diyan. "Hi Chienna ba-" Bago pa
matapos ni Kiba ang sinasabi niya pinagsarahan na ulit kami ni Chienna ng pinto.

"Ayan! Tignan mo, tignan mo! Nadamay pa ako!" Akmang sasapakin 'ko pa si Kiba nang
bumukas ulit ang pinto. "Langit! Pwede pumasok?" Ngumiti ako.

"Bat ka ba nandito? Pasok kayo, mainit nanaman ulo ni Chie." Tumawa si Skylar at
pinapasok kami. Nakita namin ang magkakaibigan na nasa couch, nanonood ng TV. "Upo
kayo." Tinapik ni Sky ang tabi niya at umupo kami ni Kiba doon. Bale, katabi 'ko si
Sky at katabi 'ko sa kabila si Kiba.

Hindi ako pinapansin ni Estilo! Wala man lang hi o hello, diyan? May nagawa nanaman
ba akong mali? Wala naman, ah!

"Ikaw na magsabi." Siniko 'ko si Kiba.

"Huh? Bakit ako? Ikaw na!"


"Ikaw na."

"Ikaw na! Dalawa chix mo dito, ako isa lang."

Tinignan 'ko siya ng masama at humarap ulit sa kababaihan. Nakatingin sila sa amin
pati si Estilo. "Ahh, may sasabihin kami." Tumaas ang kilay nila. Hoo, sabay sabay
ha. Nagpraktis. "Kung available ba

kayo ne-"

"NEXT NEXT DAY KASI PUPUNTA KAMING BAGUIO AT GUSTO NAMIN KAYO ISAMA PLEASE PLEASE
CHIENNA BABES PAGKAKATAON NA NATIN MAGDATE!"

Minasahe 'ko ang sentido 'ko. "Sabi nang magbehave ka! Ibebenta kita sa China,
makita mo!"

"Sorry, naexcite ako, eh." Tumawa si Kiba.

"Wag niyo pansinin 'tong galunggong na 'to." Turo 'ko kay Kiba. "Apat lang kasi
kami tapos ang daming rooms na pinareserve. Kung gusto niyo lang naman sumama sa
Baguio next next day.."

"I want!!" Nagtaas ng kamay si Sky. "Naalala mo 'yung last na punta natin? Diba
napilayan ka nun kasi tanga tanga ka?" Natatawang bulong ni Sky sakin.
"Sige lang, sige lang. Ipamukha mo pa sakin na tanga tanga ako." Sabi 'ko rin sa
kanya.

"Totoo naman, ah! Masyado ka kasing duwag sa aso! Hahaha!"

"Sabi mo kasi hinahabol ako, eh! Edi tumakbo ako!"

"Pero nadapa, ka! Ew, so bobo!"

"Baka bobo! Ikaw kaya 'yon!"

"Wow, ang kapal talaga ng mukha mo! Mas mataas pa grades 'ko sayo nung elementary!"

"Talaga? Anong top ka?! Diba 26? 25 lang tayo sa klase!"

"HAH, KUNG SINASABI 'KO SAYO, TOP TWO AKO NUN KASI HINDI KO MATALO TALO SI PUTI!"

/>

"TOP TWO KA?! AKO KAYA 'YON, KAHIT KAILAN ASSUMING-"

"I don't want to go." Napatingin kami kay Estilo na tahimik lang na nanonood ng TV
habang kumakain ng ice cream.
"What? Kai-Kai naman, eh! Sumama ka na!" Tumayo si Sky at tumabi kay Estilo tsaka
niyakap yakap. "Pleaaaaase? Pleaase? Para sakin? Diba Skai-kai nga tayo! Haha!"

"Ayoko talaga, Sky."

"Yan kasi, kung magusap kayo ni Langit parang kayo lang tao dito." Bulong ni Kiba
sa'kin. "Nagselos tuloy si future girlfriend mo."

"Manahimik ka nga." Bulyaw 'ko sa kanya. "Magpasampal ka na lang ulit sa Chienna


babes mo, videohan 'ko pa."

"Ay gusto 'ko, yan! Pasa mo sakin, ha! Paulit ulit 'kong papanoorin tuwing gabi.
Hihihi, kilig much!"

Hindi 'ko na pinansin ang siraulo at humarap ulit kela Estilo. "Estilo." Tawag 'ko.
Napatingin siya sa'kin. "Sumama ka na, ikaw lang maiiwan mag isa dito." Kapag hindi
siya sumama at maiwan siya mag isa dito.. baka magpaiwan na lang rin ako.

Kinagat niya 'yung labi niya at umiwas ng tingin. "Okay."

"REALLY?!" Tuwang tuwang sabi ni Agnes. "Yeheeeyy!" Nag group hug pa sila. Yung
totoo? Ganyan ba talaga mga babae o sila lang? Hahaha!
"Sasama ba kayo sa grocery? Deretso na tayo dun." Tumayo ako at tumayo rin si Kiba.

"Sure!" Tumayo rin si Sky at nagcling sa braso 'ko. "Let's go, girls!" Nagmartsa
kami papunta sa elevator. Buong byahe papunta sa grocery nag aasaran lang kami ni
Sky. Lupet din, eh. Hindi nagpapatalo.

"Bro!" Sinalubong kami ni Jon at Lucas sa loob na may dala nang cart. "May nabili
na kami, konti. Hinihintay namin kayo, eh. Kuha na lang kayo ng cart niyo."

"Share tayo!" Kumuha ng cart si Sky. "Ikaw, magtulak, bakla!"

"Ikaw malakas dito kasi tomboy ka." Pang aasar 'ko rin. "Pero dahil gentleman ako,
ako na lang magtutulak. Ikaw na bumili, alam mo naman gusto 'ko, diba?"

"Aye, aye, sir!" Sumaludo siya at tuwang tuwang naglakad sa mga pagkain. "Basta
ikaw magbabayad."

"La ko pera! Ikaw, dapat! Isang taon mo na 'kong di nalilibre! Dami mong utang
sa'kin."

"Oo na, whatever!" Inirapan niya ako at sinundan 'ko lang siya habang lagay siya ng
lagay ng pagkain. "Ilang days tayo dun?"
"Mga 4. Pero magbaon kayo hanggang 1 week."

Matanong 'ko lang.. Nasaan si Estilo? Simula pagpasok namin sa grocery, hindi 'ko
na siya napansin. Kulit kasi netong si Langit, eh. Joke ng joke sa'kin napakawaley
naman. Haha!

"You don't like strawberries, diba?" Sabi niya habang nagtitingin ng flavor ng
isang biscuit.

"Oo."

"Kaya strawberries

bibilhin 'ko! Mwahahaha!" Kinuha niya 'yung strawberry flavor at nilagay sa cart.
Tignan mo 'to! Ang damot!

"Ibalik mo 'yan! Paano ako makakakain?!" Reklamo 'ko.

"Hmp! Edi dalawa!" Kinuha niya 'yung chocolate flavor at nilagay rin sa cart.
"Masarap naman 'yung strawberry bat ayaw mo?"

"Eh sa nakakasuka, eh!" Ayoko talaga, hindi ako kumakain nun. Parang nasusuka ako.

"Favorite pa naman namin ni Kai-Kai 'yung strawberry."


Oh? Si Style? Teka, nasaan ba kasi 'yun? Kanina pa ako palinga linga dito hindi 'ko
pa rin siya nakikita.

"Nakita mo ba si Estilo?" Tanong 'ko kay Skylar. Luminga linga din siya sa paligid.

"Baka nasa may mga chocolates. Doon naman palagi unang punta niya, eh." Astig,
kilalang kilala na talaga nila 'yung isa't isa!

"Ahh, hanapin 'ko muna, ha?" Pagpapaalam 'ko.

"Huh? Sino na magtutulak ng cart?" Reklamo naman niya sa'kin. Ngumuso pa siya.

"Babalik ako. Wag ka lang magtatago para mahanap kita kaagad." Tumawa ako bago
umalis. Hinanap 'ko 'yung mga chocolates at tama nga! Nandoon si Estilo, nakatingin
lang.

"Huy."

"AHHH!" Napasigaw siya nang tusukin 'ko 'yung bewang niya. Tinignan niya ako ng
masama. "I hate you!"

"Anong tinitignan mo?"


Tumingin rin ako sa chocolates. "Nakakainlove ba 'yang chocolates na 'yan? Kung ako
na lang tignan mo.. edi masaya ka pa." Banat 'ko ulit.

"More like.. disgusted!" Inirapan niya ako at tinulak 'yung cart niya. "Where's
your girlfriend?"

Girlfriend? "Wala akong girlfriend. Advance ka, gusto mo tayo na kaagad?" Biro 'ko
pa.

"Ha-ha. Funny." Inirapan niya ulit ako. Napakasungit niya talaga. Minsan mabait,
minsan suplada. Ang hirap pakisamahan, eh. "Where's Skylar? I thought you're with
her."

"Ahh, iniwan 'ko saglit. Alam niya naman kung ano gusto 'kong pagkain. Kaya niya na
'yun." Ngumiti ulit ako at tinulungan 'ko siya magtulak. Naglalakad lang siya
habang pumipili at ako naman sinusundan 'ko.

"Ah!!" Bigla na lang siyang huminto sa paglalakad kaya nabundol 'ko yung paa niya.
Agad akong tumakbo palapit.

"Sorry! Okay ka lang? Masakit ba? Pilay ka na ba? Tatawag na ba 'ko ng ambulansya?"

"Seriously?! Sinasadya mo 'yun, 'no?!" Sabi niya habang nakahawak sa may ankle
niya. "Ikaw kaya bundulin 'ko?!"

"Sorry na, bigla ka na lang kasing humihinto, eh. May masakit ba sayo?"
"I'm fine." Tumayo siya at hinimas himas ulit 'yung ankle niya. "Sinasadya mo
talaga 'yun!"

"Ha? Hindi talaga, bakit 'ko naman gugustuhin

na masaktan ka?" Pambihira! Mukha bang sinasadya 'ko 'yun? Hindi 'ko kaya manakit
ng babae, 'no! Baliw din 'tong si Estilo, kung ano ano binibintang sa'kin.

"Panganib!" Lumingon kami kay Sky na naglalakad palapit habang tulak tulak 'yung
cart. "What happened? Are you okay?" Tanong niya kay Estilo.

"I'm okay." Sabi naman ni Estilo.

"Buhatin mo kaya?!" Hinampas ako ni Sky. Kung makahampas naman! Pwede namang
sabihin 'yun ng walang hampas. Hay. "Panganib! Buhatin mo si Kai-Kai!"

"Wag na, I'm fine!"

"You sure?" Paninigurado ni Sky. Tumango lang si Estilo at naglakad na ulit.


"Kanina ka pa hinahanap nila Kibs!"
"Ge, balikan kita." Naglakad ako at hinanap sila Kiba. Rinig na rinig 'ko na 'yung
kaingayan nila!

"DORITOS, BOY. DORITOS BIGORNIA. HAHAHAHA!"

"MARTYS CRACKLINGS WALA BANG LUNES CRACKLINGS, SABADO CRACKLINGS. HAHAHA!"

"ANONG CHIPPY ANG GINAGAMIT SA NGIPIN? HAHAHA CHIPPYLYU. HAHAHAHAHA!"

"Hoy, ang iingay niyo!" Bungad 'ko. Lahat sila nakatunganga doon sa mga chichirya.
May tama na talaga sila. Mga nahahawa na sa akin! "Ano bang ginagawa

niyo diyan? May nabili na ba kayo?"

"Nagjojok jok time pa kami, tol." Natatawang sabi ni Jon.

"Sali ako!" Tuwang tuwang sabi 'ko pa. Naghanap kami ng mga pangalan ng chichirya.
"Hahaha, may knock knock ako, dali!"
"Who's there?" Sagot naman ni Lucas.

"Chichirya!"

"Chichirya who?"

"EHEM.. CHICHIRYAAAAA, YOU'RE BREAKING MY HEART~! YOU'RE SHAKING MY CONFIDENCE


DAILY~ HAHAHAHAHAHA!" Mga g*go, tuwang tuwa ako sa knock knock 'ko. Hahaha!

"Iwanan na nga natin 'yang si Panganib. May sapak na 'yan." Bulong ni Kiba sa
dalawa. Aba't! Havey naman kaya! Inisip 'ko yon, ah.

***

"Bigat naman neto, Chienna babes!" Reklamo ni Kiba. Paano, naginsist siya na
buhatin lahat ng pinamili ni Chienna. Tapos magrereklamo! "Pero oks lang! Yakang
yaka 'ko 'to! Binibigyan ako ng energy ng ngiti mo! Hihihi."

Nandito na kami sa elevator ng condo nila. Ihahatid lang namin 'yung mga pinamili
nila tapos alis na rin kami.

"Mabigat?" Tawang tawang tanong 'ko kay Sky. Siya pinagbuhat 'ko ng mga pinamili.
Puahaha! "Kaya mo na 'yan, malaki ka na. Hahaha!"
Buhat buhat 'ko kasi 'yung kay Estilo. Hehehe. "Tatamaan ka talaga sakin, Panganib!
Humanda ka, ha!" Inis na sabi ni Sky.

Pumasok

na kami sa condo unit nila at nilapag namin sa kusina lahat. Napasalampak kami sa
couch. Ang duga! Kaming mga lalaki lang ang pinagbuhat! Maliban kay Sky. Puahahaha!

"Water?" Nag alok ng tubig si Agnes. Buti pa siya. Si Estilo, petiks lang na
kumakain ng pringles. Gusto 'ko din. Huhuhu.

"Agnes, matanong 'ko lang.." Tumingin kami kay Lucas. "Nasaan si Papang?
Hahahahaha!"

Tinignan ni Agnes ng masama si Lucas. Napailing na lang ako. "Napakagentleman mo


talaga, 'no?!" Reklamo ni Sky pagkalapag niya ng mga pinamili niya.

"Thank you." Natatawang sagot 'ko.

"Thank you mo mukha mo. Ang dami dami nun!" Nagpamewang siya sa harap 'ko habang
nakahiga ako sa couch. Hala, magdadakdak nanaman 'to!

"Edi sorry na po. Sorry na." Hindi nanaman titigil kakadaldal 'tong si Sky pag
hindi pa 'ko nagsorry. "Lika dito, may sasabihin ako." Sinenyasan 'ko siya na
lumapit. Nakacross arms siyang lumapit sa'kin. "AH!!! PUTANG-" Bigla niyang inupuan
'yung tyan 'ko! Yung abs 'ko pala! "Hoy, bigat mo kaya!!"
"Bagay lang sayo 'yan! Pagkatapos mo 'ko pahirapan!" Pinisil niya 'yung ilong 'ko.
"Ano? Ano sasabihin mo?"

"UMALIS KA MUNA, DI AKO MAKAHINGA NG MAAYOS!" Reklamo 'ko pa. Bakit sa abs 'ko pa?!

"Yieee, cheeky cheeky cheeky." Pinisil pisil niya 'yung pisngi 'ko. "Bango naman ng
baby!" Pang aasar pa niya habang kinikiliti 'yung leeg 'ko. "Ano na sasabihin mo? I

love you? Sweet sweet naman ng baby!"

"PUTANG-!! LANGIT NAMAN!" Nakikiliti na 'ko!!! "ALIS NA! DI NA KO MAKAHINGA!"

"Ano kamo?" Nilapit niya pa tenga niya. "May sinasabi ka ba? Yun na ba 'yung
sasabihin ng babyyy?"

"Hoy, doon kayo sa kwarto!" Kantyaw ni Jon. "Lalandi, ay! Ang lalandi!"

Tawang tawa si Sky pagkaalis niya ng upo sa abs 'ko. Hinabol 'ko ang hininga 'ko.
Grabe, grabe! Siya lang ang naglalakas loob na kilitiin ako! Huhuhu, ang puri 'ko!
Ang dignidad 'ko!
"Ano nga sasabihin mo?" Natatawa pa rin si Sky sa ginawa niya sa'kin! Huhu.
Susumbong 'ko siya kay Jayden.

"Wala! Magjojoke sana ako!" Sabi 'ko naman. "Sinong pokemon ang may sapatos?
Hahahaha!"

"Sino?"

"SI PIKASHOE HAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa kayo please. Hahahahaha!

"HAHAHAHA!" Tumawa ng malakas si Chie sa joke 'ko.

"Anak ng! Pati ba naman kay Panganib!" Reklamo ni Kiba. "Selos na selos na ako,
Chienna babes ha! Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito? Huhu."

"Shut up." Inirapan siya ni Chienna.

"I need to go." Tumayo si Estilo at kinuha ang gamit niya. Napaupo tuloy ako ng
maayos.
/>

"May sasakyan ka?" Tanong 'ko sa kanya. Umiling naman siya. "Hatid na kita." Tumayo
ako. "Mga pre, umuwi kayo mag isa niyo! Bye!" Hinawakan 'ko sa magkabilang balikat
si Estilo at tinulak tulak siya palabas.

"You don't need to-" Nag 'shh' ako sa kanya. Bumuntong hininga siya at sumakay kami
sa elevator papunta sa parking.

Tahimik lang siya habang nasa elevator kami. May mali, talaga, eh. Hindi 'ko alam
kung ano. Ang tahimik niya.

"May problema ba?" Tanong 'ko. Umiling lang ulit siya at hindi nagsalita. "Estilo,
anong problema? Family? Ex? Sino?"

"None of the above." Tumingin siya sakin at umiwas ulit ng tingin. "Not my parents
nor my ex."

"Edi sino? Bakit ang tahimik mo?"

Hindi niya ako sinagot at dere-deretso siyang lumabas ng elevator. Sumakay kami sa
Lambo 'ko at nagdrive ako paalis.
"You're a smooth driver, I see." Sabi niya habang nagdadrive ako.

"Siyempre, baka maaksidente tayo, kasalanan 'ko nanaman." Sagot 'ko. "Pero bakit
nga ang tahimik mo? Kanina ka pa, eh."

"Nothing."

"Ano nga?"

"Wala nga."

"Ano kasi?"

"Wala kasi!"

"Estilo naman, eh!"

"Danger!!"

Hininto 'ko muna ang sasakyan sa tabi at bumuntong hininga. "Anong problema?"
Mahinahon na tanong 'ko habang nakatingin sa harapan.
"I don't know! I just.." Huminto siya. "..you love her, don't you?"

"Siyempre, kaibigan 'ko." Kalmadong sagot 'ko pa. "Ilang beses mo na tinanong sakin
'yan."

"Ilang beses mo na ring iniiwasan!"

"Bakit? Mahalaga ba sayo 'yung sagot 'ko?"

"Yes, Danger! It's important!"

Umiling na lang ako at nagdrive ulit. Natahimik ulit kami buong byahe. Niliko 'ko
ang kotse pagkapasok namin sa village.

"Where are we going?" Reklamo ni Estilo. "Wrong wa-"

"Papakilala kita sa magulang 'ko."

__________________________________________________________________

Wihihihi.

=================
DS 24 ~ Frost meets their Style

Danger's POV
"Wag kang matatakot, ha?" Sabi 'ko kay Estilo. "Kaya natin 'to. Binalaan na kita.
Kung gusto mo tumakbo paalis, sabihin mo lang."

"What are you saying?" Kumunot ang noo ni Estilo.

Dahan dahan 'kong binuksan ang front door ng bahay at pumasok. Hindi 'ko pa
nasasara, narinig 'ko na ang sigaw ni Dawn.

"KUYAAAAAA- HALA!" Napatigil siya nang makita niya si Estilo. Napatakip pa siya sa
bibig niya bago tumakbo papuntang kusina. "MAMEEEE! NANDITO 'YUNG GIRLFRIEND NI
KUYA! MAMEEEE! DADEEEE! MAGMOMOMOL SILA DITO!!"

Napasapo ako sa noo 'ko. "Gusto mo na ba umuwi? Tara na!" Aalis na sana ako nang
hatakin ako pabalik ni Estilo.

"She's Madaling Araw?" Tanong niya.

"Dawn. Dawn pangalan niya." Pagpapaliwanag 'ko.

"You really like giving tagalog nicknames. By the way, she's cute." Halos masuka
ako sa sinabi niya. Cute?! Anong cute don?! Cute niyang poso negro.

"ANO MERON?!" Lumabas si Jayden sa kusina, may sandok pa siyang hawak.

"Omg, it's her!" Humigpit ang hawak ni Estilo sa laylayan ng tshirt 'ko at hinatak
hatak pababa. "It's herrrr!"

"Danger! Wala ka man lang sinabi na dadalhin mo girlfriend mo." Lumapit si Jayden
sa amin. "Hello again, Miss.. Style?"

"Hello po, Mrs. Frost." Formal na bati naman ni Estilo.

"Masyado kang
formal, Tita na lang! Tita J, Tita Jayden, Mama, Ma, Mommy, Mom, Mame, Mii, Mader,
Inang, Mamu, Inay, Ermats, Ganda, Dyosa o kung gusto mong gayahin 'yung walanghiya
at walang modo 'kong anak.. Jayden na lang."

"Jayden, nakakahiya ka." Bulong 'ko. Tumawa naman si Estilo at ngumiti.

"Ano? Ano gusto mo itawag? Mas gusto 'ko tawagin mo 'kong Mommy! Hihihi. Kilig si
tutoy!" Kinurot pa ako ni Jayden sa bewang. TUTOY?! ANAK NG TINAPA, SAAN GALING
'YUN?!

TALAGANG PINAPAHIYA TALAGA NILA AKO! DAPAT TALAGA HINDI 'KO NA DINALA DITO SI
ESTILO!

"Mommy." Ngumiti si Style. "Uh.. Where's Mr. Frost?" Mr. Frost. Pwe pwe! Masyadong
pormal, nakakatawa.

"DAAAAAAAAAAAAASH! DASH GIVE ME A REASON DASH A LITTLE BIT ENOUGH. HAHAHAHA!"


Kumanta pa talaga si Jayden. Nakakahiya talaga. Bakit ba ganito sila?!

"Ano? Ingay." Bumaba si Dash at napatingin kaagad siya kay Estilo. "Ikaw ba 'yung
babaeng pinagnanasaan at minamanyak ni Jairus?"

"HAHAHAHA, SABI SAYO, ATE TOTOO TALAGA YUN!" Sumingit nanaman si Dawn.

"Ang sinungaling niyo! Wag ka maniwala sa kanila." Hindi naman talaga totoo, eh!
Balak talaga nila akong siraan!

"Hi. Style pangalan mo diba? Dash Jayden Frost." Nagshake hands silang dalawa.
"Dash na lang." See?! Ayaw niyang tinatawag siyang itay, nagmumukha daw siyang
matanda!

"Really? Dash? I think it's too awkward for me thinking I'm disrespecti-"

/>
"Nako, wag ka na ma-awkward kay Dash! Kasing edad mo lang 'yan. Bata pa siya nung
nakabuntis. Tara, sa taas tayo." Hinawakan 'ko 'yung kamay ni Estilo at hinatak
papunta sa hagdan.

"DANGER, ANONG GAGAWIN NIYO SA TAAS?!" Sigaw naman ni Jayden.


"HUWAAAAA! TEKA VIVIDEO-HAN 'KO! TEKA LANG KUYA!"

"WALANG HOME RUN, JAIRUS!"

Napailing na lang ako at iniwan 'ko sila sa baba. Ang iingay nila. Ang gugulo. Buti
pa 'ko gwapo lang. "Saan tayo?" Tanong ni Estilo sa'kin.

"Tambay." Binuksan 'ko 'yung pinto ng arcade room at umupo sa couch. "Tambayan
namin 'to nila Kiba. Laro ka kung gusto mo."

Nakatingin lang siya sa paligid at nag iikot ikot. "Ganto talaga ang boys? Puro
games?"

"Parang ganun na nga." Tumango ako at kumuha ng pepsi in can sa ref. Binigay 'ko sa
kanya 'yung isa.

"Ohmygosh!!!" Napalingon ako sa kanya. "DANGER!!!! OHMYGOOOD!" Napatayo kaagad ako


at lumapit. Pagkabukas niya ng pepsi, natapon sa damit niya! Aba malay 'ko bang
naalog 'yun?! Siguro inalog alog nanaman ni Dawn! Lintek na 'yun!

"Sorry! Sorry!" Nilabas 'ko ang panyo 'ko at pinunasan 'yung basa. "Walanjo,
malagkit?"

"Y-yeah." Kinuha niya na 'yung panyo at siya na ang nagpunas sa may dibdib niya.
Napaiwas tuloy ako ng tingin.

"Estilo, hubarin mo shirt

mo." Napatingin kaagad siya sakin. HAYUP, MALI PAGKAKAINTINDI NIYA! "A-ah.. Hubarin
mo kako, ikukuha kita ng.. ano.. ng bago.. Bakat, eh." Umiwas ulit ako ng tingin.

"PERV!!!!" Tinakpan niya ang dibdib niya. Halos maiyak na siya! Kasalanan 'ko ba na
nabasa siya?!
Lumabas na kaagad ako at pumunta sa kwarto 'ko. Kinuha 'ko 'yung black 'kong t-
shirt, maliit na sakin, eh. Tapos binalikan 'ko siya. "Bihis ka, labas muna ako."
Sinara 'ko na ulit 'yung pinto at hinintay 'ko siya makapagbihis.

"Done." Binuksan niya yung pinto at pumasok ulit ako. Inaayos niya 'yung t-shirt
'ko.

"Naks, bagay." Sabi 'ko. "Akin na, palabhan 'ko." Kinuha 'ko yung basa niyang t-
shirt at bumaba.

"HALAAAAAA! MAMEEEE! SI KUYA HAWAK HAWAK 'YUNG T-SHIRT NI ATE STYLE! MAMEEE!
HINUBARAN NIYA!! MAMEEE!" Nagpapanic na tumakbo si Dawn sa kusina.

"T*ngina ka, Dawn kapag hindi ka tumahimik, puputulin 'ko yang dila mo." Inis na
sabi 'ko. "Jayden, palabhan. Nabasa, eh." Nilapag 'ko sa table 'yung tshirt.

"Hoy, Danger. Hindi mo talaga girlfriend si Style?" Tanong ni Jayden.

"Hindi nga."

"Hindi mo girlfriend pero kung ituring mo, parang siya na pinakamahalagang babae sa
buong mundo. Yung mga tingin mong 'yan sa kanya.. Nako! Nakita 'ko na rin yan sa
mata ng Daddy mo dati! Umamin ka na nga!"

/>
Inikot 'ko ang mata 'ko. "Walang aaminin!"

"Utot mo pink, kapag naging kayo, tatawanan talaga kita."

"Ako rin! Tatawanan talaga kita, Kuya!"

Umiling na lang ako at binalikan si Estilo sa arcade room. Nakita 'ko siyang
nagbibilliard. "Yo." Bati 'ko. "Marunong ka?"

"Not really." Nilapag niya yung stick at sumandal sa table. Naka cross arms pa
siya. "Nakapunta na rin ba dito si Sky?"

Nabigla ako sa tanong niya. "Siyempre." Natatawa ako kapag naaalala 'ko 'yung mga
pinag gagagawa namin dito.

"Is she your first kiss?" Nanlaki ang mata 'ko sa tanong niya. Yung totoo? Pati ba
naman 'yun?!

"Malamang sa malamang, Estilo. First girlfriend 'ko, eh." Namula ako sa topic na
'to. Hindi ako sanay! "Dito ka na magdinner, ah?"

"Yeah.. Danger, kapag nakatulog ako dito, wag mo na ako gisingin. I feel so tired
today." Tumango na lang ako.

***
"Masarap ba, Style? Patok ba sa panglasa mo? Sabihin mo kung ayaw mo, magluluto ako
ng bago."

"Ate, kumakain ka ba ng gulay?"

"May allergy ka ba?"

Tahimik lang akong kumakain habang iniinterview nila si Estilo. Kanina pa talaga
ako nagtitimpi, ah. Dapat talaga hindi 'ko na pinakilala si Estilo, eh.

"It's okay, Mom." Ngumiti si Style at kumain. Mom!?

"Ay! Alam mo ba, si Danger,

napakaarte niyan sa pagkain." Ayan na! Nagsisimula na si Jayden!

"Bilisan mo 'yung kain mo, Estilo." Bulong 'ko sa kanya. "Para makaalis na tayo
dito."

"What? I'm enjoying everything." Ngumisi siya. "Paano pong maarte?" JUSKO DIOSDADO,
PATAWARIN. INTERESADO SI ESTILO!

"Ganito kasi, tuwing-"


"HELLOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!! NAGDALA AKO NG ICE CREAAAAM!!!"

JUSKO, JUSKO, JUSKO, BAKIT NGAYON PA?! BAKIT NGAYON PA SIYA DADATING KUNG KAILAN
INOOKRAY NA AKO NG PAMILYA 'KO?! PANIGURADONG DADAGDAG DIN SIYA!

"Who's that?" Tanong ni Estilo sa'kin.

"HUWAAAAAAAAAAA! WAIT LANG TAYLERRR! NAIWAN 'YUNG CONE!!" Napalingon ako sa babaeng
nakasunod kay Tayler. Si Cheska, asawa niya na hindi niya asawa. Ewan 'ko, ang gulo
nila, eh. Wala akong alam sa kanila.

"ELO! HEHEHEHE!" Sabay na sabi nila pagkadating sa dining.

"HALA, ETO NA BA ANG NAWAWALA MONG ANAK, BEB?!" Lumapit si Tayler kay Estilo.

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan?" Inis na sabi ni Jayden. "Maupo ka nga! Tinatakot
mo 'yung bata, eh!"

Pero tuloy pa rin sa pagkausap si Tayler kay Estilo. "Mahilig ka ba sa ice cream?
Anong flavor? Gusto mo rin ba 'yung may cone or 'yung nasa cup lang? Alam mo, may
ice cream parlor ako malapit dito sa village. Masarap 'yung ice cream

dun! Malamig-"

"TAYLER, MAUPO NGA." Sabi ni Dash. Ngumuso si Tayler at umupo sa may tabi ni Dawn.

"HEHEHE ELO~" Umupo rin si Cheska sa tabi ni Tayler. Bat nga ba nandito siya? Hindi
naman sila madalas magkasama. Haha! Gulo ano.

"ALAM NIYO, MAY DALA AKO!" Ngumiti ng napakalaki si Tayler at may nilapag na mga
libro sa table. Nanlaki kaagad ang mata ni Dash. "Mura lang 'to, 300 isa, may
autograph pa ni Da-"

"Tayler." Sabi ni Dash. Tinignan lang siya saglit ni Tayler at ngumiti ulit.

"May autograph 'to ni Dash! Magandang libro 'to, kahit namatay ako sa du-"

"Isa."

"Kahit namatay ako sa dulo! Hehehe, alam mo ba bida ako di-"

"Dalawa."

"Bida ako dito! Hehehehe! Kita mo, kita mo! Starring Tayler Car- Waaaaaaaaaah!
Hindi na nga, eh! Hindi na! Behave na ako! Promise! Huhuhu, wag mong kidnappin ang
mga anak 'ko!!" Pagmamakaawa ni Tayler nang kuhanin ni Dash ang isang plastic ng
mga tub ng ice cream na dala niya. "KAHIT MAGKANO, BABAYARAN KO! PAKAWALAN MO LANG
ANG BABIES 'KO! HUHUHU, BABIES WAG KAYO MATAKOT ILILIGTAS KAYO NI DADDY!"

"Estilo, kailangan na talaga natin umalis." Bulong 'ko kay Estilo.

"Hahaha!" Tumawa siya. Tuwang tuwa siya sa nangyayari! "He's cute!!!" PWE! "Is he
your tito?"

"Hindi, kaibigan lang ng tatay 'ko." Sagot 'ko naman. "Isip bata lang talaga

'yan pero hindi yan special child. Wag mo na rin bilhin 'yung libro na dala niya,
libro 'yan ni Dash."

"Ohhh, he's an author?"

"Dati." Sagot 'ko. "Ano? Tara na?" Tumayo ako at dahan dahan kaming tumakas ni
Estilo.

"SAAN KA PUPUNTA PANGANIBBBB!!!" WALANJO, NAKITA PA AKO NI TAYLER! "BAKIT DI MO


KAMI SAMAHAN! DINALHAN PA NAMAN KITA NG ICE CREAM!"

"No thanks!" Sabi 'ko.

"SINO BA SIYA?" Turo niya kay Estilo. "Yieeeeee! Labidabadoobs mo ba siya?


Hehehehe. Peg ebeg!! Naaalala 'ko si Beb at si Jayden sa inyo! Bagay kayo, ah!
Madami akong alam na endearment! Gusto niyo marinig?!" Tuwang tuwang sabi niya.

"Hindi na. Aakyat na ka-"

"BABY PIE, HONEYBUNCH, LABADIBS, BHEBHE QU, BUKO PIE, BABY WORM, CREAMY, PATOOTIE,
HONEY, BH0XSZ MAPAGMAHAL, KHULETSXZ, BABE, BABU, BEBU, CANDY KO, BUKO, PAKO-"

"Tara na." Hinatak 'ko pataas si Estilo, rinig 'ko pa rin ang mga sinusuggest na
endearment nung batang 'yun. "Eto nga pala 'yung kwarto 'ko." Binuksan 'ko yung
pinto pati yung ilaw.

"It's huge." Sabi niya at umupo sa may kama.

"Magbibihis lang ako tapos hahatid na kita." Tumango siya at pumunta na ako sa walk
in closet 'ko. Hinubad 'ko ang t-shirt 'ko at pinunasan ang pawis 'ko. Kinuha 'ko
'yung black kong v-neck at sinuot. Nagpabango ako bago lumabas.

"Estilo,

tara-" Napahinto ako nang makita 'kong tulog na siya sa kama 'ko. Umiling na lang
ako at lumapit. Inayos 'ko ang higa niya at kinumutan siya. "Goodnight." Hinalikan
'ko siya sa noo at nilakasan ang aircon.

Style's POV
Nagising ako sa sikat ng araw from the window. Oh.. Nakatulog pala ako kagabi.
Tumingin ako sa paligid.. Where's Danger?

Tumayo ako at pumunta sa CR. I need to pee. Dahan dahan akong pumasok at naghanap
ng toothbrush na hindi pa nagagamit. Nakahanap naman ako at nagtoothbrush ako ng
tahimik.

"Nasan na ba yung.." Nanlaki ang mata 'ko at tumingin sa gilid 'ko. "Hoo, Estilo!
Pinapasok mo na ako sa banyo ngayon, ah?!"

Napatakip kaagad ako sa mata 'ko at tumalikod sa kanya. Why is he here?! "I'm
sorry, I didn't know!"

He's wearing nothing except the towel on his waist. "Wushu.." Bulong pa niya at
dumaan sa likod 'ko. Nakahinga ako ng maluwang nang lumabas siya ng CR.
Danger's POV
Pagkalabas 'ko ng walk-in closet, nakita 'ko si Estilo na nakaupo sa may couch.
Namumula pa rin siya.

"Ako pa nga daw ang pervert." Pagpaparinig 'ko habang pinapatuyo 'ko ng towel ang
buhok 'ko. Nakabihis na ako ng black skinny jeans at white na shirt.

"I didn't know! I'm sorry! And you didn't lock the door."

"Nakalimutan 'ko, eh. Di naman ako sanay na may iba pang papasok sa CR 'ko. Akin
'yon, eh." Humarap ako sa salamin at kinuha ang blower. Pinatuyo 'ko yung buhok
'ko. "Tara? Hatid na kita."

Tumayo siya at namumula pa rin hanggang sa makalabas kami ng kwarto 'ko.

"PANGANIB KANINA KA PA-" Napahinto kaming dalawa nang makita si Skylar pagkalabas
ng kwarto. Gulat din siya at pabalik balik ang tingin sa amin ni Estilo. "B-bakit..
bakit.."

"Teka, Sky-"

"Why are you wearing his shirt?" Tanong niya kay Estilo. "And w-what are you two
doing inside?!"

"Sky, hindi-"

Tinalikuran niya kami at tumakbo palabas. Napasapo na lang ako sa noo 'ko.

"Chase her." Yumuko si Estilo. "Uuwi na lang ako mag isa."

Tumingin ako sa kanya at tumakbo palabas para habulin si Sky.


__________________________________________________________________
Chickboy. Bababaero~ Bababaero~ Haha!

Isipin niyo, masakit din sa part ni Sky. Nacoma lang siya tapos pag gising niya,
wala na siyang boyfriend, nasulot na ng iba. Hay.. Kung si Sky nga si Kath dito,
kay Estilo kayo magagalit, eh.

=================

DS 25 ~ Baguio

Danger's POV
{Play the music}

"Skylar, ano ba! Huminto ka nga!" Hinawakan 'ko siya sa braso at hinarap 'ko siya
sa'kin. Ngumiti siya pero may luha na sa mata niya. T*ngina, nasasaktan ako.
Umiiyak nanaman siya.

"Bakit mo 'ko sinundan?" Tumawa siya ng mahina at pinunasan ang luha niya. "Bakit
pa? You can go back now.. Kaya ko sarili 'ko."

"Eh bakit ka umiiyak?!" Reklamo 'ko pa. Sinundan 'ko siya dahil nakita 'kong
umiiyak siya. Anong magagawa 'ko? Eh ayokong nakikita 'ko siyang umiiyak.

"Umiiyak? Hindi ako umiiyak, no!" Tumawa pa siya at tumalikod sa'kin. Hinawakan 'ko
ulit ang braso niya at hinarap 'ko siya sa'kin.

"Bakit?" Ulit 'ko. "Bakit ka umiiyak?"

"You know what, Danger.." Tinanggal niya ang hawak 'ko sa braso niya. "I don't
understand why you're like that."

"Anong ganto?"

"There. That's you.. That's Danger.. Insensitive as f*ck." Tinuro niya ako at
nagpakawala ng hindi makapaniwalang buntong hininga. "You're gonna ask me why?"
Tumulo na ulit 'yung luha niya.

Natahimik ako. Hindi 'ko alam ang nangyayari. Manhid.. Tama siya, manhid talaga ako
sa mga gantong bagay.

"I'm just hurt." Tinakpan niya ang mukha niya. "Hurt.. because I.. I sacrificed my
life just to save you.. pero pag gising 'ko.. Oo, naligtas kita.. pero hindi na
pala kita hawak.." Humikbi siya at pinunasan ulit luha niya

pero hindi pa rin tumitigil. "Na buhay 'ko.. inalay 'ko sayo.. sa isang iglap,
mapupunta ka pala sa buhay ng iba. Hindi mo alam kung gaano kasakit na ako 'yung
nandiyan nung nahihirapan ka, ako 'yung nandiyan kapag umiiyak ka, ako 'yung
nandiyan kapag nahihirapan ka, ako 'yung nandiyan, almost 10 years.. pero nawala
ako saglit, ginagawa mo na sa iba ang parati 'kong ginagawa sayo."

Nilabas 'ko ang panyo 'ko pero hindi 'ko binigay sa kanya. Nakayuko lang ako at
nakinig sa sinasabi niya.

"Iniwan kita.. Iniwan kita para maligtas kita.. Kasalanan 'ko ba na isang taon
akong nawala sa tabi mo dahil lang sa hinayaan kitang mabuhay at hinayaan 'ko rin
ang sarili 'kong mamatay para sayo?" Humikbi ulit siya. "Ganun kita kamahal.."

Lumapit ako at inabot 'ko ang panyo 'ko. Hindi 'ko alam kung anong gagawin 'ko.
Hindi ito ang panahon para banatan siya ng knock knock joke.

"Tatanungin kita.. Mahal mo pa ba ako?" Tinignan niya 'ko kahit basang basa na ng
luha ang pisngi niya, kahit malabo na ang paningin niya.

Natahimik ako. "Gusto kita, Sky.." Huminga ako ng malalim. "..pero hindi na katulad
ng dati."

Parang nanlambot ang tuhod niya sa sinabi 'ko. Aalalayan 'ko sana siya pero umatras
siya sa'kin. "M-masaya ako.. kasi hindi ka nagsinungaling sakin.." Ngumiti siya.
"Ano ba naman 'to, hindi ako sanay sa drama. Ha-ha!"

"Sky, sorry." May tumulong luha sa mata

'ko. Agad 'kong pinunasan 'yun. "Sorry.. Sorry.."

"Ha?" Tumawa ulit siya. "Bakit ka nagsosorry? Okay lang.. Okay lang 'yun.
Naiintindihan 'ko.. Okay lang. Ha-ha! Ano ka ba.. Sige, ha? U-una na 'ko,
Panganib!" Ngumiti siya bago tumalikod. Nakita 'kong napatakip siya sa bibig niya
habang naglalakad palayo.
Kinagat 'ko ang labi 'ko at umupo sa gilid ng daan. "P*tangina!" Mura 'ko sabay
kuha ng bato. Binato 'ko sa malayo. "T*ngina! Sabi mo gago at siraulo lang ang
mangpapaiyak sa babae? Isa ka rin palang gago." Bulong 'ko sa sarili 'ko.

Okay lang? Ul*l mo, Langit. Hindi okay 'yun. Hindi ka okay. Bakit ba palagi ka na
lang ganyan?

May umupo sa tabi 'ko at inabutan ako ng panyo. "Knock knock." Napaangat ang tingin
'ko kay Estilo. "Weirdo."

"Weirdo who?" Kinuha 'ko ang panyong inaalok niya.

"Weirdo broken hearts go.. Hahaha!" Napangiti na lang rin ako nang tumawa siya.
"I'm sorry.."

Napatingin ako sa kanya. "Bakit?"

"I came into your life and I f*cked everything up just like how I f*cked my whole
life. I'm a big stupid sh*t who knows nothing but to ruin other people's life."
Yumuko siya.

"Estilo, wala kang kasalanan." Sabi 'ko. "Kahit bali baliktarin mo pa ang mundo,
wala kang kasalanan at sinisigurado 'ko yun sayo. Choice 'ko 'to. Baymax mo nga ako
diba? Kahit itaboy mo 'ko, wala kang magagawa kasi nakaprogram

na ako sayo."

"You're my baymax but you're Skylar's Hiro." Tumawa siya ng mahina.

***
"WAAAAAAAAAAH! EXCITED NA AKO!!!" Tuwang tuwang bumaba ng hagdan si Dawn. Nagulat
pa nga ako nang may dala rin siyang bagahe.

"Sinong nagsabing kasama ka?!" Napatayo ako.


"Ako, aangal ka?" Sabi naman ni Jayden. Napasabunot na lang ako sa buhok 'ko at
lumabas. Nandiyan na kasi 'yung van, at as usual sinusundan nanaman kami ng mga
alagad ni Ricky boy.

"Doon ka maupo, unggoy!" Turo 'ko sa tabi ni Kiba na katabi si Chienna. Hindi 'ko
alam kung paano niya napilit na itabi si Chienna sa kanya.

Umupo na lang ako sa dulo, yun na lang ang bakante, eh. Katabi 'ko si Sky na
nakatingin lang sa bintana. "Yo, Panganib! Kamusta?" Nakangiting bati niya sa'kin.

"Yo, Langit. Okay lang naman." Ngumiti lang rin ako. Alam 'kong sinusubukan niya na
pakisamahan ako kaya makikisakay na lang rin ako sa trip niya.

"Si Style na lang kulang!" Sigaw ni Lucas.

Huminto ang van sa tapat ng bahay nila Estilo. Tinulungan siya ni Jon buhatin 'yung
gamit niya kasi hindi ako pwede, nasa dulo ako, eh. Saka 'ko lang napansin na ang
available na lang ulit ay 'yung sa tabi 'ko.

Awkward na umupo si Estilo at naglagay ng earphones. Lumayo siya sakin ng konti.

"Hello, Kai kai!"

Bati ni Sky. "Panganib, palit tayo! Mas gusto 'ko katabi si Kai Kai!"

"Tinatamad ako tumayo." Sabi 'ko naman habang nagcecellphone. Naglalaro na ako ng
kung ano anong games. Mahaba habang byahe rin 'to, 'no.

Ilang minuto pa lang ang nakakalipas, walang makatulog sa amin dahil sa sobrang
ingay! May nagjojoke, kumakanta, at nagbabangayan! Si Kiba, Chienna at Dawn na nasa
harap namin napakaingay!

"NAPAKASUNGIT MO, KINAGANDA MO 'YAN?!"


"HOY, MADALING ARAW WAG MO NGA INAAWAY SI CHIENNA BABES!"

"OH REALLY?! SORRY, KAHIT ANONG GAWIN MO, I'M STILL PRETTIER THAN YOU!"

"TAE MONG MABAHO, AKO ANG PINAKADYOSA SA MUNDONG 'TO!"

"NAPAKAINGAY NIYO NAMAN! WAG KAYO MAGTALO!"

"HA-HA-HA! SIGURO NAHAWA KA NA SA KUYA MO SA MGA JOKES NO? ANG BENTA NUNG SINABI
MO, EH!"

"T*NGINANG AWAY 'YAN, PAPATALSIKIN 'KO KAYO DITO!" Natahimik sila nang sumigaw si
Lucas. Nandoon kasi siya sa harap nila Dawn katabi si Jon at si Agnes. "Pakaingay,
eh!"

"HMP!" Sabay na inismiran ni Chienna at Dawn ang isa't isa. Nays, the past versus
the present! Hahaha!

"Kalma lang kayo, dahil may joke ako!" Sabi naman ni Jon. Tinignan lang namin siya.
"Anong pagkain ang matanda na? HAHAHA!"

"Ano?!"

"BULALOLO HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

/>

Pumalakpak ako sa sobrang waley. "ANONG SAPATOS ANG SUNOD SA PITO?" Tanong 'ko
naman.

"Ano?"
"OTSHOE. HAHAHAHAHAHA!" P*ta, nahahawa na ako sa kacorny-han nila.

"Anong sapatos ang ginagawa ng magkakaibigan pag nagkikita?! Hahahahahahaha beshoe


beshoe. Hahahaha!" -Sky.

"Anong sapatos ang barya?! Hahahahaha! PISHOE HAHAHAHA!" -Lucas.

"ANONG SAPATOS ANG HINDI PA TULI?! HAHAHAHAHAHA SHOEPOT. HAHAHAHA!" -Kiba.

"Anong sapatos ang iniinuman? HAHAHA BASHOE. HAHAHAHAHAHA!" -Dawn

Tawa lang ng tawa 'yung mga kaibigan ni Sky. Hindi talaga nila trip magjoke 'no?
Haha! Si Estilo naman nangingiti lang kahit nakaearphones. Si Agnes at Chienna
patawa tawa na lang.

"Ew, ang waley nung last!" Reklamo naman ni Chienna.

"KAPAL NG MUKHA, SIGE NGA MAGJOKE KANG HINAYUPAK KA?!" Palaban talaga 'tong si Dawn
sa ganto, eh.

"ANONG SAPATOS ANG PINAPANGPUNAS?! HAHAHA TISHOE!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH
AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH
AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Napatingin kaming lahat kay Kiba na tawang tawa sa joke ni Chienna.

Walangya sa pagka O.A talaga 'tong Aso 'ko pagdating kay Chienna. Ano pa nga bang
aasahan 'ko? Tinamaan na ang siraulo. Buti pa 'ko gwapo.
"Dala 'ko gitara 'ko! Panganib, isang tugtog naman diyan!" Sabi ni Lucas. Umiling
lang ako.

"Ayoko, inaantok na 'ko." Tanggi 'ko.

"Oo nga! Namiss 'ko rin mga tugtog mo, ah!" Pinilit pa 'ko ni Sky.

"Alam ko na dapat tugtugin mo!" Sabi ni Jon. Nagkatinginan silang tatlo nila Kiba.
"Lucas! Cue!"

Tumugtog si Lucas gamit 'yung gitara. Ano ba 'yung kakantahin nila?!

"Parang kailan lang, buhay 'ko'y walang gulo. May minamahal at minamahal ako.. Nang
makilala ka, buhay 'ko'y biglang nagbago~ Ako'y nagtataka, puso 'ko'y litong-lito~"
Panimula ni Kiba.

"Bakit nga ba kaya iisa ang puso natin~ Hindi naman natin maaaring hatiin~"
Pagsunod ni Jon.

Tapos sabay sabay silang.. "SANAAAAAA DALAWA ANG PUSO KO!! HINDI NA SANA NALILITO
KUNG SINO SA INYOOO~ SANA DALAWA ANG PUSO 'KO~! HINDI NA SANA KAILANGAN PANG PUMILI
SA INYOOO~!"

Nagtawanan sila at kumunot ang noo 'ko. "Ako ba kinakantahan niyo o si Kiba?" Ganti
'ko.

"Walang ganyanan mga, tol!" Kanina tumatawa siya pero ngayon nawala na ngiti niya.

"Try niyo wag mag ingay, baka makatulog kami.

Thanks." Sabi naman ni Agnes. Tumahimik na lang rin sila dahil nakakaantok na din.

Pero hindi ako inaantok kaya naglaro na lang ako ng games. Maya maya, napasandal na
'yung ulo ni Sky sa balikat 'ko. Hindi 'ko na tinanggal at pinagpatuloy ang
paglalaro 'ko.
"Huy." Kinalabit ako ni Kiba. Tumingin naman ako sa kanya. "Hindi mo ba isasandal
sayo si future gf?" Nginuso niya si Estilo kaya napatingin ako. Naka sandal sa
bintana ang ulo niya at nauuntog untog siya. "Yabang! Dalawa chix! Hahaha!"

"Nagsalita ka." Lumapit ako ng konti at kinuha ang ulo ni Estilo. Sinandal 'ko sa
balikat 'ko. Nakakangawit tuloy habang naglalaro ako, eh.

Maya maya, nagising na si Sky. "I'm sorry." Sabi niya at umayos ng upo. "Where are
we?"

Tumingin ako sa pinaghintuan ng bus. "Rest stop. Kain muna tayo." Sabi naman ni
Jon. Tinapik tapik 'ko si Estilo na tulog sa balikat 'ko.

"H-huh?" Bangag siya nang magising. Natawa tuloy ako, eh. "Where are we?"

"Rest stop ho. Tayo na diyan." Sabi 'ko. Tumayo naman siya at lumabas na kami ng
van.

"Saan mo gusto?" Tanong 'ko kay Estilo. Napa 'huh?' naman siya sakin. Eh sa kami na
lang ang natira dito, eh! Iniwan nila kami! Pati si Sky sumama kela Agnes.

Halata namang dinidistansya niya 'yung sarili niya sakin kahit nagpapanggap siyang
okay lang talaga lahat.

"Ah.. Anywhere."

Niyakap ni Estilo ang sarili niya. Umagang umaga kasi at malamig.

"Hindi ka ba nagdala ng hoodie?" Tanong 'ko. "Baguio 'yon, 'te."

"I'm sorry, nagmamadali kasi ako. Wala akong nadala."

Hinubad 'ko ang hoodie 'ko. Wala pa kami sa baguio pero nilalamig na siya. "Suot
mo." May FROST pa yun sa likod pero sinuot niya pa rin.

Napagdesisyunan namin na kumain na lang sa KFC. The usual, umorder siya at bumalik
sa harapan 'ko.
"How is she?" Tanong ni Estilo sa akin. Panigurado namang si Sky ang tinutukoy
niya.

"Okay lang.. Nagpapanggap na okay. Haha." Tumawa ako ng mahina.

"I feel bad." Tumungo siya at pinaglaruan yung waiting number, di 'ko alam tawag
doon, eh. "I think she's jealous.. Pinagseselosan niya 'ko."

"Sus, ikaw din naman nagseselos sa kanya." Sabi 'ko. Tinignan niya ako at tinaasan
ako ng kilay. "Biro lang."

"Available pa rin ba 'yung promise mo?" Bulong niya. "..na hindi mo ako iiwan."

Tumango ako. "Estilo, kahit kailan hindi kita iniwan.. Kung nawala man ako sa tabi
mo, hindi ibig sabihin nun iniwan na kita. Parang si baymax lang 'yan. Kapag okay
ka na, naka-off muna ako. Pero kapag may problema ka, kusa akong mago-on."

"You really love comparing our situation to baymax."

"Eh, hindi pa rin ako makagetover,

eh." Ngumiti lang ako at dumating na rin yung pagkain.

Dumating.. Naglalakad?

Hindi 'ko na pinansin ang kapilosopohan 'ko at kumain na lang. Nang matapos kami
kumain, tumayo na kami. "CR lang ako." Paalam ni Estilo. Tumayo rin ako kasi naiihi
rin ako, eh.

Pagkatapos namin magCR, bumalik na kami sa van. Walanjo, wala pa sila?! Ang kukupad
naman kumain ng mga 'yun?!
"Oh, wag na magalit! Nandito na kami!" Sigaw ni Kiba sa malayo. Bakit magkakasama
na sila tapos iniwan nila kaming dalawa ni Estilo?! Ang duga naman non! "Miss mo
ako kaagad, eh." Inakbayan ako ni Kiba.

"Miss na miss talaga kita! Pakiss nga!" Hinawakan 'ko ang pisngi niya at akmang
hahalikan siya, pero hindi 'ko talaga gagawin! Kadiri, uy.

"Waaaaaaah! Baby Pangs naman! Porket wala si Puti dito, ha! Hihi." Agad 'kong
binitawan si Kiba at binatukan. "Isusumbong kita kay Puti! Pinagtataksilan mo siya!
Buti hindi ako nagpadala sa tukso, hindi kita pinatulan! Tsk!"

"Sakay na kaya?" Panira ni Lucas. Sumakay na kami at bigla na lang naiba 'yung
pwesto.

Sa harap si Agnes, Chienna at Sky. Sa likod nila si Jon, Lucas at Dawn. Sa dulo
kami nila Kiba at Estilo! Paano naging ganon?!

"Anak ng! Bat nandito ako?!" Reklamo ni Kiba. "Baka mamaya nagmomomol na sila at
ako nakatingin na lang sa bintana!"

"Bibig

mo!" Pabiro 'kong tinampal 'yung pisngi niya. "Bakit? Gusto mo tayo ang magmomol?
Lika dito, dali!"

"Waaaaaaaah! Rape!!!"

Tumawa lang ako pagkatapos 'ko kasatin si Kiba. Tahimik lang ulit si Estilo na
nakaearphones at nakatingin sa bintana.

***
"Nandito na tayo! Baba na! Baba na!" Nagising ako sa sigaw ni Jon. Kahit kailan
talaga!

Tumayo na kami at lumabas ng van. Pinakahuling bumaba si Sky dahil may hinanap pa
siya sa lapag.
"Tara na, Langit!" Sabi 'ko.

"Okay okay!" Nagmamadali siyang bumaba ng van. "AH!!!!" Napatakbo ako palapit nang
bigla siyang bumagsak sa sahig. Namali ata siya ng tapak.

"Okay ka lang?!" Kami na lang ang natira dito at dinala na nila Ricky boy ang gamit
namin.

"My ankle.." Naiiyak na sabi niya habang hinihimas ang ankle niya. Lumuhod ako sa
harapan niya.

"Sakay."

Sumakay siya sa likod 'ko at sumunod kami sa kanila papasok. Nandoon na sila sa
lobby ng hotel nila Lucas.

"Napilay si Langit." Sabi 'ko pagkapasok.

"Sprain ba? I know what to do!" Sabi naman ni Agnes. Nilapag 'ko si Sky sa sofa at
kinuha na 'yung susi ng mga kwarto.

Siyempre, magkakasama kaming apat nila Kiba at sila Agnes magkakasama rin sa iisang
room.

Pagbalik 'ko, okay na si Sky, hindi 'ko alam kung saan nanggaling 'yung bandage.

"Ikaw magbuhat, tol." Sabi ni Lucas.

Wala na akong nagawa kundi ipasan ulit sa likod 'ko si Sky. Nauna kami sa iba kaya
ako na nagbukas ng room nila.
Nilapag 'ko sa kama si Sky, sa sobrang bigat niya pati ako nasama. Nadaganan 'ko
tuloy! Umikot ako para nakaharap ako sa kanya nang mag 'aray' siya. "Sorry! Okay ka
lang?"

"What's happ- Omg!"

Napatingin ako sa pinto at nakita 'kong gulat si Chienna, Agnes, Dawn.. at si


Estilo. Shit naman!

"Uh.. Tutulungan ko si Lucas magbuhat ng gamit." Tumalikod si Estilo at umalis.


Umayos kaagad ako ng tayo.

Susundan 'ko sana siya nang hawakan ni Sky ang kamay 'ko. "Gusto 'ko pumunta sa may
labas ng lobby~ Dalhin mo ko dun please? Sige na, sige na?" Wala na kong nagawa.
Disabled, eh.
__________________________________________________________________
=))) Malapit 'ko na matapos 'yung DS kaso nasa drafts

=================

DS 26 ~ Baguio Trip

Danger's POV
"Hoy, ayoko neto, ah! Ano ba 'to?!" Reklamo 'ko. Nasa may treetop adventure kami at
pinipilit nila ako sumakay sa silver surfer! Nakatayo ka doon tapos parang iduduyan
ka sa mataas na gubat na 'to! Paano kapag nalaglag ako?! Edi deds?!

"Sasakay ka o mag isang sasakay si Style?" Panakot ni Jon. Walanjo! Hindi naman
talaga ako sasakay dito pero kasi mag isa lang si Estilo! Edi napilitan ako!

"Eto na nga, oh!" Umakyat ako at tumayo doon sa may bakal. Magkaharap kami ni
Estilo. "Pagdasal mo 'ko, ha?" Sabi 'ko.
"Duwag." Sabi pa niya. Naka-kapit din siya sa kinakapitan 'ko. "Don't worry, I got
you." Pinatong niya ang kamay niya sa kamay 'ko na nakahawak sa bakal. Takot talaga
ako sa matataas, eh! Nakakaasar talaga!

"Ahh, p*tangina." Bulong 'ko nang bigla na lang nagswing 'yung bakal. Tawa ng tawa
si Estilo habang mura ako ng mura. Maya maya, pataas na ng pataas 'yung swing.
"AAAAAAAAAAAAAH TEKA G*GO NAIIPIT YUNG ANO 'KO!!!!!!" PUCHA ANG HIRAP KAPAG PABABA
NA!!

Tawa ng tawa sila Kiba pagkababa 'ko. "Tol, okay ka pa? Baog ka na ata." Sabi ni
Lucas.

"Ang gulo ng buhok mo, para kang nirape, ah." Natatawang sabi ni Jon habang inaayos
ang buhok 'ko. Napaupo ako doon sa may gilid habang hinahabol ang hininga 'ko.

"Kaya pa?" Sabi naman ni Sky. Tumango

ako at pinasan siya sa likod 'ko. Hindi pa rin masyadong magaling 'yung paa niya,
eh. Bukas, siguro makakalakad na siya ulit.

"Estilo babes!" Lumapit si Kiba at inakbayan si Estilo sa harap 'ko. Estilo babes?
Akala 'ko ba si Chienna? "Pagod ka na ba? Bubuhatin din kita?" Sumulyap sa'kin si
Kiba at ngumisi.

"What are you saying?" Rinig 'kong sabi ni Estilo.

"Narinig mo 'yun, Panganib? May gusto siya sa'kin." Ngumisi ulit siya at hinatak
paalis si Estilo. "Enjoy lang kayo ni Sky, mag eenjoy din kami ni Estilo."
Napairap na lang ako at naglakad.

"Hoo, eto nanaman ho tayo." Sumakay nanaman kami sa parang cable car, teka yun ba
tawag doon? Basta! Pero upuan lang na nakasabit sa wire. Tatlo kami nila Sky at
Estilo. Bakit ba palagi na lang ganito ang set up?! Nakakagago talaga 'yang sila
Jon, eh.

Sinipa 'ko 'yung upuan ni Estilo para umikot paharap. Mababangga siya sa puno, eh.
"Thanks." Sabi niya naman. Bakit ba napakatahimik niya kapag may tao? Pag kaming
dalawa naman, hindi siya ganyan.

"Ligtas ka, bro!!!" Yun ang salubong sakin nila Kiba pagkababa 'ko. Niyakap nila
ako.

"Hindi na talaga ako pupunta dito kahit kailan!" Inis na sabi 'ko. "Saan na tayo
pupunta?"

"Magkakabayo!" Tuwang

tuwang sabi ni Dawn. "Pupuntahan natin 'yung mga kauri mo~"

"Magkapatid tayo, Dawn, baka nakakalimutan mo." Sabi 'ko. Sumimangot naman siya at
inismiran ako.

***

"Samahan mo na kasi si Style!" Ang kukulit nila Kiba! Bakit ba palagi na lang ako
tinutulak kay Estilo?! Kesyo, baka daw kung saan mapunta si Estilo! Baka daw
malaglag sa kabayo kasi hindi marunong! Baka daw maaksidente kasi mag isa!

"Ano bang problema niyo? Kulit ng dugo niyo!" Reklamo 'ko pa.
"Edi wag! Bahala ka, ikaw rin.. Siya na nagsabi na first time niya 'to. Eh, ikaw,
hindi mo naman first time, ah." Pangongonsensya pa ni Jon sa akin.

"Taena! Oo na!" Umismid ako at sinundan si Estilo. Pumipili siya ng kabayo niya.
"Yung itim." Sabi 'ko naman.

"Nang gugulat ka nanaman!" Reklamo niya. Hinampas pa niya ako. "Why are you here?"

"Sasamahan kita, dalawa tayo." Sabi 'ko sabay kamot sa ulo 'ko. Hindi 'ko alam kung
saan na napunta sila Chienna. Nauna na siguro.

"Oh.." Tumango si Estilo.

Tinulungan 'ko siya makaakyat sa kabayo niya at sumunod ako. Doon ako sa likod
niya. "Kapit." Kumapit siya sa kakapitan at sinipa 'ko na kaya tumakbo 'yung
kabayo. "Okay ka lang?" Tawa kasi siya ng tawa!

"Nothing. This is fun pala." Sabi niya.

"You do this often?"

"Minsan lang kapag boring." Sagot 'ko naman habang naglalakad 'yung kabayo.

"Hiya!!!"

Biglang tumakbo 'yung kabayo kaya napahawak ako sa bewang ni Estilo. Jusko naman!
Akala 'ko malalaglag na 'ko!!! May tae pa naman! Kadiri! "Hindi mo man lang ako
winarningan?!"
"Hahaha! Ang saya kaya!" Sabi niya. Pinabilis niya pa 'yung takbo at umikot ikot sa
field.

"Hoy, baka pagbaba niyo diyan, kayo na, ha!" Rinig 'kong sigaw ni Kiba habang
nakasakay sa kabayo niya.

Tinaasan 'ko siya ng middle finger at binelatan ako ng loko. "This is relaxing.
Stress reliever." Sabi ni Estilo.

"Sus, kasama mo nga lang ako mawawala na talaga stress mo, eh." Sabi 'ko.

"I want to kick you right now."

"Grabe ka, sakit sa damdamin.." Humawak pa ako sa dibdib 'ko para kunghari
nasaktan. "Oo nga pala, nakita mo ba si Sky?"

Nag iba 'yung mukha niya. "I think he's with Lucas."

Medyo iniiwasan niya talaga ako, eh. Nararamdaman 'ko.

Maya maya rin, natapos na kaming lahat. Lumapit ako kay Sky at tinulungan siya
makababa. "Nakakalakad ka na?" Tanong 'ko.

"A bit." Inalalayan 'ko siya maglakad papunta kela

Kiba. "So where are we going next?"

"Hoooo.." Pasimpleng umakbay si Lucas kay Estilo. "Style, saan mo gusto pumunta?
Dadalhin kita kahit saan."

"Huh?"

"Holding hands? Sige ba!" Kinuha niya 'yung kamay ni Estilo at hinawakan. Ngumisi
pa siya sa'kin bago sila tumalikod at nagpara ng taxi. "Tara na mga tol! Naiinip na
'yung KAIBIGAN 'ko!"
Anong problema ng mga yun?

***
"Pagod na 'ko mga tol. Ayoko na!" Binagsak 'ko ang sarili 'ko sa kama at tinakpan
ng braso ang mata 'ko.

"Ano na, Panganib? Nakapili ka na ba?" Umupo rin sila sa kanya kanya nilang kama.
Napatingin ako kay Jon.

"Nakapili?" Ulit 'ko.

"Skylar at Style." Sagot naman ni Lucas. "Binibigyan ka namin ng oras kay Style at
ganun rin kay Skylar. Sino ba talaga mas matimbang? Sinong mas masaya kasama?"

"Ano bang pinagsasasabi niyo?" Kumunot ang noo 'ko. "Kaibigan 'ko 'yung dalawa."

"T*ngina mo, umamin ka na kasi. Tsk tsk." Lumabas na si Kiba ng banyo at humiga sa
kama. "Wag mag manhid-manhid-an, tol. Hindi nakakatulong 'yan."

***
Umagang umaga, nagplano muna ako na magjogging sa Burnham Park mag isa dahil tulog
na tulog sila Jon. Hayup! Pagod na pagod, ah.

Kung saan saan kasi kami napunta kahapon!

Ang plano na lang namin ngayon ay magbowling at magmall. Halos napuntahan na namin
lahat dito kahapon kaya sobrang pagod kami.

Lumabas ako ng hotel room 'ko at sakto rin na lumabas si Estilo. "Saan ka pupunta?"
Sabay na tanong namin sa isa't isa. "Magjojogging." Sabay na sagot ulit namin.
Natawa na lang ako.

"Tara, sabay ka na sakin." Sabi 'ko. "Oh." Inabot 'ko 'yung hoodie 'ko sa kanya.
Bakit kasi hindi nagbaon ng hoodie, eh?
Nagtaxi kami papunta sa burnham park at doon kami nag jogging. Nakakailang ikot na
nga kami, hindi pa rin siya napapagod. Halatang malalim ang iniisip niya, eh.
Palagi na lang siyang ganyan simula noong unang araw namin dito sa Baguio.

"Ayaw mo ba magpahinga?" Tinungkod 'ko ang kamay 'ko sa tuhod 'ko habang
hinihingal.

"You can rest if you want." Sagot naman niya. Huminto na rin muna siya at naglakad
palapit habang umiinom ng tubig.

"May problema ka ba?" Ayan, tinanong 'ko na. Masyado na talaga siyang halata, eh.
Umiwas pa siya ng tingin. "May problema ka nga. Ano 'yun?"

"Nothing." Iniwan niya ako at nagjogging ulit paikot. Umupo na lang ako sa bench at
hinintay 'ko siya. Pagod na ako, eh!

Maya maya, umupo na rin siya sa tabi 'ko. Wala na siyang tubig kaya inabot 'ko na
lang 'yung bottled water

na dala 'ko. "Hindi ka naman siguro maarte diba?"

Kinuha niya ang bote at uminom doon. Indirect kiss 'yon, ah. Hahaha! "Another
round." Tatayo na sana siya para magjogging ulit pero hinawakan 'ko kamay niya.

"Tama na, pagod ka na."

"I want to."

"Dito ka muna, wag mong sinasagad ang sarili mo." Hinatak 'ko siya paupo. Nilabas
'ko ang towel 'ko at pinunasan 'yung pawis niya. "Talikod." Tumalikod siya sakin at
pinunasan 'ko yung likod niya. "Ang init mo."

"I'm fine." Sabi niya naman. "I'm hungry."


Tumayo ako at hinawakan 'yung kamay niya. "Baka maligaw ka, eh." Ngumiti ako at
naglakad papunta sa malapit na McDo.

"Ganyan ka kagutom?" Natatawang tanong 'ko. Kain lang siya ng kain, eh. Tapos na
ako kanina pa.

"Yeah, I didn't eat yesterday."

"Bakit hindi ka nanaman kumain?" Tanong 'ko. Hindi niya ako sinagot. "May joke ako
sayo."

"What?"

"Anong bansa ang hindi na buhay?"

"What?"

"PaChina. Hahahahahaha!" Tumawa ako at muntik na niya mabuga 'yung iniinom niya.
Lalo tuloy akong natawa. "Pero maiba tayo.. Ano ngang problema mo?"

/>
"Nothing. I'm just tired, that's all."

"Hindi ako naniniwala."

"Okay, fine." Sumandal siya at tumigil sa pag-kain niya. "My problem is.. my ex
messaged me on facebook yesterday. He said Hi and I don't know what to say so I
didn't reply to his message."

Napatahimik ako. "Hi lang, di mo alam yung isasagot? Edi hello! Nako, Estilo."
Inirapan niya ako. "Hindi kasi ganun. Naguguluhan lang ako kung bakit bigla bigla
na lang siyang nagpaparamdam." Mahinang sabi niya. Parang iiyak na siya, eh.

"Walang iiyak." Sabi 'ko. "Puro pawis na towel 'ko, hindi 'ko magagamit 'yun
pamunas ng luha mo."

"I won't cry.. I'm just really confused, that's all." Ngumiti siya ng tipid. "Let's
go?"

"Namumutla ka."

"This is nothing."

***
"Panganib! Look! Nakakalakad na 'ko!" Sabi ni Sky pagkadating 'ko. Nandoon silang
lahat sa room naming mga boys. Anong meron?

Tumakbo palapit sa'kin si Sky at nagcling sa braso 'ko. "Yo." Bati 'ko.

"Samahan

mo 'ko sa mall ngayon. May bibilhin lang ako." Ngumuso si Sky. "Pleaaase?"

"Where's Style?" Tanong naman ni Chienna.

"Ahh, nasa kwarto niyo. Pagod daw siya, eh." Sabi 'ko naman.

"Bakit? Saan kayo galing?" Tanong ni Agnes.

"Jogging lang." Ngumiti ako ng tipid. Patuloy pa rin akong kinukulit ni Sky kaya
pumayag na ako. Sabi 'ko magbibihis muna ako bago kami umalis.

Pagkatapos 'ko maligo, nagbihis na ako at inayos ang sarili 'ko. Punong puno ako ng
energy ngayon dahil nakaidlip ako pagkatapos magjogging. "Saan punta?" Tanong ni
Jon.

"Sasamahan 'ko si Langit sa mall." Sagot 'ko.

"Iba ka talaga boy! Kanina si Estilo ang kasama mo, ngayon si Langit na! Ano ba
talaga?" Tinignan 'ko ng masama si Kiba.

"Eh sa akin nagpasama, eh!" Katwiran 'ko pa. "Kayo? San punta niyo?" Tanong 'ko.

"Ahh, diyan sa burnham park. Kasama namin sila Chienna." Sabi ni Lucas. "Mag
gagala."

"Magdedate kami ni Style.. tutal may date kayo ni Skylar." Sabi naman ni Jon at
ngumiti.

Hindi 'ko siya pinansin at bumaba na 'ko ng lobby. Nandoon na si Sky, eh. "Taxi na
lang?" Tanong 'ko.

"Sure, tara." Hinawakan niya 'yung kamay 'ko at hinatak ako palabas.

/>

Sandali lang, nakarating kaagad kami sa mall. Kung saan saan ako hinahatak netong
si Sky. Napunta na kami sa mga laruan. "Waaa! Ang cute neto!" Tinaas niya 'yung
baymax.

Naalala 'ko si Estilo. Kasama ba talaga siya nila Lucas? Nakipagdate ba talaga siya
kay Jon?
"Napanood mo na 'yung Big Hero 6? Cute 'no?"

Naiwan ba siya sa hotel? Mag isa ba siya?

"DANGER!" Napatingin ako kay Skylar nang sigawan niya ako. "Tinatanong kita kung
napanood mo na 'yung big hero 6?"

"Ahh.. Oo." Tumango ako. Kasama 'ko pa nga si Estilo non, diba. "Kyot neto." Kinuha
'ko yung stuff toy na baymax.

"Mahilig ka na sa stuff toys ngayon? Bakla ka talaga!"

"Hindi. Para kay Estilo." Maikling sagot 'ko. Nag iba 'yung mukha niya at ngumiti
na lang ng pilit.

Habang nagtitingin siya, nilabas 'ko ang phone 'ko at tinawagan si Kiba.

{Yo! Miss mo na ako kaagad?}

"Siraulo. Kasama niyo ba talaga si Estilo?"

{Chienna babes! Nasaan si Style?} Rinig 'kong tanong niya. {Wala, eh! Naiwan doon
sa hotel. Mataas kasi lagnat daw sabi ni Chienna babes.}

"Lagnat?!"
{Oo, tol! Bye na! Sinisira mo date namin!} Binabaan

ako ni Kiba ng phone. Agad 'ko namang tinawagan si Estilo.

Hindi siya sumasagot. Napakagat ako sa labi 'ko.

"Panganib! Tignan m-"

"Sky, mauna na 'ko." Tumalikod kaagad ako at tumakbo palabas.

"What? Hahayaan mo ako bumalik mag isa?!" Hinawakan niya ang kamay 'ko at tinignan
ako na parang nagmamakaawa siya.

"Nakakalakad ka na diba?" Tinuro 'ko ang paa niya. "Kaya mo na umuwi mag isa."

"What?"

"Kailangan ako ni Style." Tinanggal 'ko ang kamay niya at tumakbo palabas.

Bumili muna ako ng gamot bago ako nag taxi pabalik sa hotel. Tinext 'ko na lang si
Sky ng sorry. Maiintindihan niya naman 'yun.

Pagkababa 'ko, tumakbo kaagad ako paakyat sa hotel room nila. Kumatok ako ng
kumatok pero walang sumasagot.

"Estilo! Buksan mo 'to." Sabi 'ko. Nakarinig ako ng kalabog sa loob kaya mas lalo
akong nag alala. "Estilo! Okay ka lang?!"

Bumukas ang pinto at agad naman akong pumasok. "Why are you here?" Mahinang tanong
ni Estilo habang nakahawak sa ulo niya.
Muntik na siyang bumagsak pero nasalo 'ko. Binuhat 'ko siya at nilapag sa kama.
"Mataas pala lagnat mo, hindi mo sinasabi sakin." Inis na sabi 'ko habang kumukuha
ng tubig. "Diyan ka lang, wag kang tatayo."

/>
Binasa 'ko 'yung bimpo at kinuha 'yung bottled water saka ako umupo sa tabi niya.
"Inom." Ininom naman niya 'yung gamot at nilagay 'ko 'yung bimpo sa noo niya.

Nakapikit siya at mabagal ang paghinga niya. Nanginginig pa siya sa sobrang lamig.
Taena, anong gagawin 'ko ngayon?!

"Hoo, gawin mo na!" Bulong 'ko sa sarili 'ko. "Walang malisya."

"What are you saying?" Napalingon ulit ako kay Estilo. "Danger.. It's.. cold."

Tumikhim ako at humiga sa tabi niya. Nilapit 'ko siya sa'kin at kinulong sa braso
'ko. "Malamig pa rin?" Tanong 'ko.

Lumapit siya lalo sa'kin at binaon ang mukha niya sa dibdib 'ko. "It's warm.."

"Bakit hindi mo sinabi sakin na may lagnat ka?"

"Because you won't enjoy your trip. Babantayan mo lang ako buong stay natin dito."
Sabi pa niya.

"Eh anong gusto mo gawin 'ko? Hayaan ka? Hindi naman pwede 'yon. Hindi nga kita
iiwan diba?" Bumuntong hininga ako. "Estilo.. kung pwede lang.."

"What?"
"Wag kang aalis sa tabi 'ko." Hinalikan 'ko ang buhok niya. "Tulog na."
__________________________________________________________________
Ano ba talaga, Danger? Hahaha. Spoiler sa next chap:

"Estilo." Tawag 'ko. Natigilan siya at narinig 'ko siyang humikbi.

"Go away." Naglakad siya palayo. "Don't come near me."

PS: CLOSED PO ANG DEDIC LIST WAG NA PO KAYO MAGMESSAGE SA AKIN NA KUNG PWEDE
MAGPADEDIC.
PPS: WALA PO AKONG SCHED NG UPDATES. Nasabi 'ko naman na tinatapos 'ko ang DS kaya
onti onti muna 'yung update diba. Wag na po makulit.

=================

DS 27 ~ Iwas

Skylar as Sofia Andres. Ulit.

Danger's POV
"Shhh! Wag kayo maingay, baka magising sila kuya!"

"Pare, picture-an mo! Yung walang flash!"

"Ano ba Jon, ayusin mo yung camera!"

"Teka, paano ba tanggalin yung flash?!"

"You know what, boys just let them sleep!"

"Oo nga, Style is sick!"

"Nasaan na nga ba si Skylar? Kanina nandito lang 'yun! Sus, Chienna babes lika
dito, yakapin din kita!"

Nagising ako sa sobrang ingay. Feeling 'ko ang dami daming tao! Napatingin kaagad
ako sa orasan. 11 PM. Ano bang kailangan ng mga 'to?!
*flash

"AY BOBO MAY FLASH!" Uupo na sana ako nang mapansin 'kong nasa dibdib 'ko ang ulo
ni Estilo at nakalagay naman 'yung kamay 'ko sa balikat niya. "OY PANGANIB, GISING
KA NAJKSDHJGAFS!!" Tinakpan ni Lucas ang bibig ni Jon.

"Ano ba?! Bat ba kayo nandito?" Pabulong na sigaw 'ko. "Tsaka anong oras pa lang,
ah?!"

"Dinalhan namin kayo ng food! Binilhan din namin ng lugaw si Style." Sagot naman ni
Lucas.

Biglang gumalaw si Estilo kaya naestatwa ako, dumilat siya at gaya 'ko, tumingin
siya sa orasan, sunod sa mga kaibigan niya. "W-what's happening?"

"Kasi, eh! I told you guys na bumalik na kayo sa room niyo!" Hinampas ni Agnes si
Lucas.

"Teka, bakit ako lang hinampas

mo?!" Reklamo naman niya.

"BABALIK KAYO O HINDI?!" Rinig naming sigaw ni Chienna. Tumiklop naman kaagad si
Kiba.

"Mga brad, sabi sa inyo bumalik na tayo! Kanina ko pa kayo inaaya, eh! Ang kukulit
niyo!" Nauna pa siyang lumabas. Sumunod naman sila Jon na napakamot pa sa ulo niya.

"Ate! Are you okay?!" Tumakbo si Dawn sa amin at tinanong si Estilo. Napa ayos ako
ng upo at kinuha 'yung lugaw sa tabi.

"Lumayas ka nga sa harapan ni Estilo, Dawn. Nakakasira ng gabi 'yung mukha mo.
Mahawaan mo pa ng germs 'to, eh." Sabi 'ko. Sinimangutan niya ako at hahampasin na
sana niya ako ng unan nang kuhanin ni Chienna yung unan.

"Pag hinampas mo siya, matatamaan si Style! Umalis ka na nga lang!" Mataray na sabi
ni Chienna. Hinayaan 'ko na sila magbangayan doon habang inaawat sila ni Agnes.
"Upo." Inalalayan 'ko umupo si Estilo at kinuha 'ko na 'yung kutsara. Tinikman 'ko
muna. Okay naman kaya kumuha ulit ako at hinipan bago isubo kay Estilo. Ayaw pa
niya! "Isa! Kumain ka!"

"I don't want to!"

"Kumain ka kasi."

"Ayoko nga, eh!"

"Kakain ka o ako mismo magbubuka niyang bibig mo!"

Nag 'ah' naman siya kaagad at sinubuan 'ko na lang. Nang matapos kami, tulog na
sila Chienna. Buti naman at napagod na sila kakabangayan. Biglang bumukas ang pinto
at pumasok si Sky. Tumingin siya sakin at

umiwas kaagad.

"Sky." Tawag 'ko. Huminto siya sa paglalakad at natagalan bago lumingon sa'kin.

"Yo, Panganib!" Ngumiti siya. "Kamusta ka na nga pala Kai Kai?" Lumapit siya at
umupo sa side ni Estilo. Hinipo niya yung noo at ngumiti ulit. "Pagaling ka, ha?
May ibibigay nga pala si Danger sayo."

Kumunot ang noo 'ko at nilabas ni Sky 'yung baymax na stuff toy na binili 'ko
kanina para kay Estilo. "Sana gumaling ka kaagad! Love ya~! Tulog na 'ko ah?
Goodnight!" Tumayo siya at humiga sa kama niya.

Hindi ako nagsalita, pati si Estilo.

"Bumalik ka na." Sabi niya sa'kin. "Hindi na malamig."

"S-sige." Tumayo ako at bumalik sa kwarto 'ko. Pagkabukas 'ko pa lang ng pinto may
tumama nang unan sa mukha mo.
"UY, PANGANIB! NANDIYAN KA PALA!" Sabi ni Jon bago siya tamaan ng unan sa mukha.
"ARAY 'KO, KIBA!" Kumuha rin siya ng unan at nakipagbatuhan nanaman. Anong klase?!

"Ang gugulo niyo!" Sabi 'ko at humiga sa kama 'ko.

"Talaga? Mas magulo pa sayo?" Ganti naman ni Lucas. "Tsk tsk, Panganib.. Sino ba
talaga? Sky o Style? Medyo naguguluhan na rin kami."

Pinalibutan nila ako. Mga naghahanap ng impormasyon. "WALA! MATULOG NA NGA KAYO!"
Nagtakip ako ng unan sa mukha 'ko. Sabay sabay nila akong hinampas.

"Hoo, KJ!" Saka sila

bumalik sa kanya kanya nilang kama.

***
"STRIKE NANAMAN MGA TSONG!" Pumalakpak si Kiba dahil nakastrike si Chienna. Napaka
supportive talaga neto.

Nasa bowling alley nanaman kami ng hotel na 'to. Nakaupo lang ako at umiinom ng
pepsi in can habang pinapanuod 'ko sila maglaro.

Kanina pa talaga! Kanina 'ko pa napapansin na iniiwasan ako ni Estilo. Ano nanaman
bang ginawa 'ko? Pero hinayaan 'ko na lang muna para makapag isip isip na rin ako.

"Di ka maglalaro?" Umupo sa tabi 'ko si Lucas. "Tignan mo, oh." Turo niya kay Sky
at Style na nagtatawanan. Nadulas kasi si Sky kaya tawa ng tawa si Style. "Payag ka
ba masira friendship ng dalawa dahil sayo?"

Lumingon ako sa kanya. "Anong sinasabi mo? Okay naman sila, oh."

"Okay sila sa ngayon. Pero paano kapag natauhan ka na at kinailangan mo na pumili


sa dalawa? Magiging okay pa kaya sila?" Tumawa si Lucas at dumating naman si Jon.

"Alam niyo mga brad, bakit niyo pinapapili si Panganib? May gusto ba siya sa
dalawang 'yan? Ako kaya ang crush niyan." Kumindat pa ang siraulo.

"Aba, aba! Anong crush crush ang naririnig 'ko na 'yan?!" Lumapit na rin si Kiba.
Narindi na siguro kay Dawn at Chienna na nagbabangayan pa rin. Bakit ba kasi sumama
'yang kapatid 'ko na 'yan dito?! Sisipain 'ko yan, eh!

"Ano na nga, Panganib? Gusto mo ba si Style o si Sky? Parehas S yan pero pumili ka
ng isa! O baka

naman si SKIBA ang gusto mo." Sabi nanaman ni Kiba. Sapakin 'ko kaya siya.

"Bakit 'ko sasagutin 'yan?" Umirap ako at uminom na lang ulit. Maya maya biglang
nadulas si Style, nakatingin lang ako at napatigil sa pag inom.

"Are you okay?" Lumapit si Sky at tinulungan siya makatayo. "Sabi sayo wag mo
masyado bigyan ng force. Pero astig, ah! Naka strike ka Kai Kai! Apir!"

Umiwas ako ng tingin at uminom na lang ulit.

"Hirap talaga maging gwapo 'no, Panganib? Dala-dalawa!" Kantyaw ni Jon sa'kin.

"Oo, buti di mo naranasan." Sabi naman ni Lucas.

"Ano ba, Lucas babes, may atraso ba 'ko sayo at palagi mo akong binabara?"

"Mukha ka kasing inidoro."

"Tara, laro!" Tumayo ako at kumuha ng bola. Sumunod naman sila sa akin at
napagkasunduan namin na magteam team. Magkakateam kami ni Sky, Dawn, at Kiba. Sa
kabila naman si Style, Lucas, Jon at Chienna. Si Agnes ang maglilista ng score.

"Hindi 'ko kaya 'to!" Reklamo ni Kiba dahil si Chienna ang kalaban niya. "Chienna
babes, e-easyhan 'ko lang para sayo!" Nagflying kiss pa ang loko. Umirap si Chienna
at pinagulong na ang bola. Anim ang napatumba niya. Si Kiba naman naka strike.
"Sorry, Chienna babes! Sadyang magaling lang talaga ako! Hahaha!"

Si Dawn naman at si Lucas ang magkalaban. As usual, 9 ang napatumba ni Lucas at si

Dawn.. wag na. Kanal na 'yung batang 'yun.

Si Jon naman at si Sky ang magkalaban. "Whoo! Go Langit!" Sigaw 'ko. Nag thumbs up
siya sa'kin at naka walo.

"HAYUP!! KANAL, BRO! ANG BOBO MO!" Kantyaw ni Lucas nang napunta sa gilid ang bola
ni Jon. "BOBO! BOBO!"

Sa wakas, ako na at si Estilo. Kumuha na 'ko ng bola at ganun rin siya. "Marunong
ka?" Tanong 'ko.

"No." Hindi niya ako tinignan at sabay namin pinagulong 'yung bola.

Walanjo, di daw marunong. Tie kami. Naka strike siya at naka strike rin ako. Wala,
panalo pa rin kami. 28-25, eh.

"Nice nice!" Sabi naman ni Agnes. "Ano? Tara na sa strawberry farm?"

Parang nasuka ako, ah.

***
"Pwe! Bakit ba binigyan niyo 'ko ng basket eh hindi naman ako kakain?!" Reklamo 'ko
pa habang namimitas kami ng strawberry dito. Kami mismo ang mamimitas.

"Wag ka na magreklamo! Bigay mo na lang samin napitas mo!" Sabi naman ni Jon.

Yumuko na lang ako at namitas ng isang strawberry. Yak, talaga! Tignan 'ko pa lang
nasusuka na ako! Tapos 'yung amoy pa! Kapag ako nasuka dito, lagot sila sa'kin!
"Kanina pa 'ko naghahanap ng kambal na strawberry, wala pa rin! Agnes, saan mo ba
tinago?!" Sabi naman ni Kiba. "Ipapakain 'ko sana kay Chienna babes 'yung kalahati
para kami magkatuluyan!"

Hindi

'ko siya pinansin at naghanap na 'ko ng strawberries. Pagkatayo 'ko nabunggo 'ko si
Estilo, agad akong napahawak sa bewang niya para hindi siya mahulog.

"EHEM, STRAWBERRY FARM HO ITO HINDI SOGO!" Napabitaw ako sa sigaw ni Lucas.

"Sorry." Sabi 'ko kay Estilo. Hindi niya ako pinansin at yumuko na rin para pumitas
ng strawberry. "Favorite mo daw."

"Yeah." Sagot niya. Umayos siya ng tayo at humarap sa'kin. "You want to taste it?"

"Huh?! Ayoko!" Tanggi 'ko kaagad. Kahit kailan, hindi na ulit ako kumain ng
strawberry. Nakakasuka talaga, eh! Kahit si Jayden o kaya si Sky, pinipilit ako
pero tinatanggihan 'ko.

"One lang, please?" Ngumiti si Style at pilit pinapasubo 'yung strawberry sa'kin.
"Sige na!"

"Nakakasuka!" Sabi 'ko habang umiiwas pa rin.

"Isang kagat lang?" Ngumuso siya. Napatikhim ako at hinayaan siyang ipakagat sakin
'yung lintek na strawberry. Kinain niya 'yung natira. "Sarap no?"

Hindi ako nagsalita, nilunok 'ko na lang kaagad. "Pwe."

"Masarap kaya. Anong pwe?" Inirapan niya ako at umalis para mamitas ulit. Pinupuno
kasi nila 'yung isang basket.

"A girl that can make you eat strawberries.." Napalingon ako kay Sky. "She's the
one."

Hindi ako nagsalita.

"Talk to her. I think she has

a problem." Naglakad siya palayo sa'kin. Umiling na lang ako at namitas na lang.

***
"Sa umaga't sa gabi sa bawat minutong lumilipas~ Hinahanap hanap kita~"

Nagkakantahan sila habang nakapaikot kami sa apoy. Nagbobonfire kami, eh tapos


tumutugtog ng gitara si Lucas. Nagkekwentuhan ang mga babae tapos kumakanta si
Dawn, Jon at Kiba. Ako naman, tahimik lang. Pinaglalaruan 'ko ang stick na hawak
'ko.

Bihira na ako kinakausap ni Estilo, ah. Hindi 'ko pa rin alam kung ano 'yung nagawa
'kong mali. O kung meron ba?

"Panganib! Lika, ikot ikot tayo!" Tumayo si Sky at hinawakan ang kamay 'ko. Hinatak
niya ako palayo at lumayo layo kami sa kanila. Nasa may labas kami ng hotel.

Huminto siya sa paglalakad at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa niya. Nakatingin
lang siya sa langit at ganun din ako.

{Play the music. TEARS IN HEAVEN - BOYCE AVENUE}

"How are you?" Tanong naman niya.

"Okay lang. Ikaw, kamusta ka? Sumasakit ba ulo mo?"

"I'm fine."
Natahimik ulit kami, bigla na lang siyang humarap sa'kin at niyakap ako ng
mahigpit. "I missed you.. I missed hugging you. Last, Danger.. Last." Niyakap 'ko
rin siya pabalik. Ayaw niya pa rin bumitaw, eh. "Can I kiss you?"

Hindi ako sumagot. Tumingkayad siya at hinalikan ako sa labi. Hindi ako gumalaw
pero hindi 'ko

rin siya tinulak. Medyo gulat ako na ginawa niya talaga.

May narinig akong ingay kaya napatingin ako sa gilid 'ko.

Tumatakbo si Estilo palayo. Ngumiti naman si Sky at tinapik ako sa balikat 'ko.
"Talk to her. Go." Tinulak niya ako.

Naguguluhan pa rin ako pero sinundan 'ko siya. Naabutan 'ko siya sa lugar kung saan
malakas 'yung hangin. Medyo malayo sa bonfire na ginawa nila Kiba. Nakatalikod lang
siya at nakatakip sa mukha niya.

"Estilo." Tawag 'ko. Natigilan siya at narinig 'ko siyang humikbi.

"Go away." Naglakad siya palayo. "Don't come near me." Pero lumapit pa rin ako at
hinawakan siya sa braso. Hinarap 'ko siya sa'kin at narinig 'ko siyang umiiyak
kahit nakayuko siya at iniiwasan ipakita sakin ang mukha niya. "Let me go!"
Tinanggal niya ang hawak 'ko at umatras sa'kin.

"B-bakit?" Naguguluhang tanong 'ko. "Bakit ka umiiyak?"

"Nothing." Pinunasan niya ang luha niya at umatras ulit. "Nothing! NOTHING!"
"Nothing?! Palagi namang wala lang, Estilo, eh! Palagi mo namang sinasabing wala
lang kahit umiiyak ka! ANO BA TALAGANG PROBLEMA?! BAKIT KA UMIIYAK?! SINONG
NAGPAIYAK SAYO?!" Napasigaw ako.

"BAKIT HINDI MO ITANONG SA SARILI MO KUNG ANO TALAGA ANG PROBLEMA 'KO?! KUNG SINO
ANG NAGPAIYAK SA'KIN?!" Napaatras ako nang sigawan niya 'ko. Tuloy tuloy ang

pagtulo ng luha niya. "It's you.. You're the reason behind my tears.."

Kumunot ang noo 'ko.

"I tried, Danger.." Humikbi siya. "I tried to prevent myself from falling. But the
harder I try, the harder I fall.. And it sucks. Because I hate this feeling.."
Humikbi ulit siya at iyak siya ng iyak. "You stabbed my chest with a knife and
you're still unaware of it."

"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan."

"Hindi 'ko hinihiling na intindihin mo 'ko.. 'yung nararamdaman 'ko. Pero sana
irespeto mo naman.. na nasasaktan ako." Kinuha 'ko ang panyo sa bulsa 'ko.
"..nasasaktan ako kapag nakikita 'kong mas masaya ka kasama si Sky. Nasasaktan ako
kasi kahit kailan hindi kita nagawang pasiyahin ng ganun.. Palaging ako 'yung
pinapasaya mo. May nagawa na ba ako para mapasaya ka?"

"Estilo, hindi 'ko-"

"NANGAKO KA KASI SAKIN, EH!" Humikbi ulit siya. "..you promised me that you will
stay loyal to me.. What happened?"

Hindi 'ko alam ang sasabihin 'ko. Hindi 'ko alam kung anong gagawin 'ko.
"..pero 'yung mas masakit, hindi 'ko magawang ipamukha sayo na nangako ka sakin
kasi.. nauna siya, eh." Napatakip siya sa mukha niya. "..sabit lang ako.. Pinilit
'ko naman, eh.. Pinilit 'ko magbulag bulagan kapag nakikita 'ko kayo. Pinilit 'kong
umalis na lang para wala akong makita. Pinilit 'ko kahit ang sakit sakit na..
Pinilit 'ko, Danger.. And I'm so mad at myself because I'm already aware that I.."

Tumingin siya sakin. "I'm already in danger. I like you.."

"Mahal mo pa ba siya?" Kalmadong tanong 'ko. Nagulat siya at hindi siya sumagot.
Yumuko siya at pinaglaruan ang daliri niya.

Tumawa ako ng mahina. "Gusto mo ba talaga ako o nasanay ka lang na nasa tabi mo
'ko? Kaya nagseselos ka kasi nasanay ka na nasayo ang atensyon 'ko bago siya
magising.. Nasasaktan ka kasi akala mo iiwan kita dahil nandiyan siya. Gusto mo 'ko
o kailangan mo 'ko? Magkaiba kasi 'yun, Estilo.." Ngumiti ako ng malungkot at
tumalikod.
__________________________________________________________________
Boom manes. Gusto mo 'ko o kailangan mo 'ko?

=================

DS 28 ~ Like or Need

Danger's POV
"Huy, wala ka nang petals na tinatanggal, sige ka pa din." Tumabi sa'kin si Kiba.
Natauhan naman ako at tinignan ang bulaklak na hawak 'ko. "Alam mo, kagabi ka pa,
eh. Anong problema mo?"

Umiling lang ako.

"Si Estilo ba? Dahil inamin niya sayo na gusto ka niya?" Sumunod naman si Lucas at
tumayo sa harap 'ko.

"Hindi namin sinasadyang marinig lahat." Umupo si Jon sa kabila 'ko. Lahat sila
seryosong nakatingin sa'kin. "..pero masasabi namin na may punto ka doon, ah."

Hindi 'ko sila pinansin at nakatingin lang ako sa bulaklak na hawak 'ko. Sabay
sabay silang bumuntong hininga at tinapik tapik ang balikat 'ko.
"Gusto mo ba siya?" Deretsong tanong ni Lucas. Umiling ako habang nakatingin pa rin
sa bulaklak na wala nang petals dahil kanina 'ko pa pinipitas. "Hindi?"

Umiling ulit ako. "Walanjo! Puro iling lang ba ang kaya mong ireply samin? Bakit di
mo masabi na hindi mo gusto si Estilo? Sige nga, sabihin mo." Sabi naman ni Jon.

"Hindi." Maikling sagot 'ko.

"Wushu, hindi daw." Kantyaw pa ni Kiba. "Pero maiba tayo, ah.. Sa tingin niyo ba
may gusto si Estilo kay Panganib o kailangan niya lang talaga? Magulo kasi
sitwasyon niyo!" Binatukan pa niya 'ko.

"Sabagay.. nung tinanong mo siya kung mahal niya pa 'yung.. ex niya ata? Hindi siya
nakasagot. Parang nagdadalawang isip pa siya."

Sabi ni Lucas.

"Pwede naman 'yun, ah? May mahal ka at may gusto ka. Pwede mangyari 'yun sa isang
tao." Sabi naman ni Jon. Napatingin ako sa kanya. "Oh oh, kita mo 'yung mga tingin
mo Panganib.. may gusto ka sa kanya 'no?"

"Sinong nagsabi sayo? Tss." Tumayo ako. "Tara, hinihintay na ata nila tayo."
Pumasok ulit ako sa lobby at pinabuhat na kela Ricky boy ang mga gamit namin. Uuwi
na kami sa Manila ngayon.

Pumasok na 'ko sa van at umupo sa pinakadulo. Nakatingin lang ako sa bintana habang
hinihintay 'ko silang sumakay.

Nang makasakay na sila, katabi 'ko si Sky at katabi niya naman si Dawn. Hindi 'ko
siya kinakausap, nakatingin lang ako sa labas hanggang sa umandar na.

"How is it?" Tanong bigla ni Sky sa'kin. Napatingin tuloy ako sa kanya. "I mean..
Kai Kai. What happened?" Nakangiti pa siya.

Hindi 'ko siya pinansin at umiwas ulit ng tingin.

"Oh come on! Spill!" Pangungulit pa niya. "Tulog naman na sila, oh. Wala silang
maririnig. Spill na. What happened?"
Bumuntong hininga ako bago 'ko sabihin sa kanya ang nangyari. Napatango tango naman
siya tapos bigla niya akong binatukan ng malakas nauntog tuloy ako sa upuan sa
harapan. "Ano nanaman ba?!"

"You know what, you really are insensitive. Hindi naman siya iiyak ng ganun kung
wala siyang gusto sa'yo. Duh, Danger. Duh! Ilang araw 'ko siyang pinagselos para
maka-amin siya na may gusto talaga siya sayo

tapos pagdududahan mo lang siya? Phew, you stupid jerk." Inirapan niya ako at
nagcross arms. "Kai Kai is not the type of girl na aamin sa feelings niya. But
tignan mo ginawa mo!"

"May mali ba sa ginawa 'ko?! May point naman ako, ah!" Depensa 'ko sa sarili 'ko.
Walanjo, ang sakit mambatok ni Langit! Anong klaseng kamay 'yun?! "Magkaiba naman
talaga ang Like sa Need."

Naguguluhan na nga ako mas lalo pa akong naguluhan kay Langit! Ano bang
pinapaglaban niya?! Wala akong nagets kahit isa, eh! Tsk tsk.

***
Kiba's POV
Ohoy, may POV ako, oh! Arf arf.

Ayun nga, nakauwi na kami sa Manila, pansin 'ko lang na kanina pa hindi
nagpapansinan si Panganib at si Style. Kanina pa rin hindi nagsasalita si parekoy,
ah. Ayaw pa kasi umamin na may gusto siya kay Style para happy happy na!

"Ano na nga ang plano?" Biglang tanong ni Lucas kaya napabalik ako sa mundo. Pinag
uusapan namin ang gagawin sa kaibigan namin na ubod ng manhid, pati sarili niyang
feelings namamanhid siya. Tsk tsk.

"Madali lang 'yan." Ngumisi ako. "Edi pagselosin. Utak niyo talaga pasas, eh."
Umirap ako at sumandal.

"Kanino naman magseselos 'yon?" Tinaasan ako ng kilay ni Jon. Hindi 'ko alam kung
bakla siya pero kung bakla nga siya tanggap 'ko siya dahil kaibigan 'ko siya. Kahit
anong mangya- "KIBA!!!"
"Ha?" Napakamot ako sa ulo 'ko. "Ewan 'ko! Ako nanaman ba magpapaselos diyan? Paano

si Chienna babes? Nabalitaan 'ko nga pala kay Dawn na iyak ng iyak si Style. Ang
sakit nun mga brad." Humawak ako sa dibdib 'ko para kunghari nasaktan talaga.

"Kahit ako naguguluhan din sa kanilang dalawa." Pag amin ni Lucas. "Hindi 'ko alam
kung gusto ba talaga siya ni Style o kailangan lang? Teka.. Paanong kailangan?"

Nagtinginan kaming tatlo sabay hawak sa bibig. "Hindi kaya.."

"OHMYGOD!" Napasandal ulit ako at pinaypayan ang sarili 'ko. "Bro.. Ibig sabihin
nafall sila sa isa't isa dahil partners sila in bed?!"

"Malala na nga 'yan! Love versus Lust 'yan, tol!" Hindi makapaniwalang sabi naman
ni Lucas.

"Hindi 'ko akalain na ganyan si Panganib!" Sabi naman ni Jon.

Natahimik kaming tatlo at pinoprocess ang nalaman namin. Nako, delikado 'to. Paano
kapag nabuntis si Style?! Edi may inaanak na kami kaagad! Wag ganon, wala kaming
pera! Wala pa 'kong trabaho! Hindi 'ko pa kayang bigyan ng pamasko 'yan tuwing
pasko! Tsaka paano ang pag aaral ni Panganib?! Alam kaya 'to ng parents niya?!

"Kausapin kaya natin si Style?" Suggest 'ko. Tumango naman sila at pumunta na kami
sa condo ni Agnes dahil nandoon daw sila sabi ni Chienna babes. NAKUHA KO NA NUMBER
NIYA!

Ganto kasi 'yon.. Sa Baguio habang nasa Burnham Park kami..

*Flashback*
Kinapa 'ko ang bulsa 'ko at hindi ako mapakali. Biglang tumingin sa'kin si Chienna
babes

at parang nagkaslow motion ang lahat.. Nakita 'ko na lang na naglalakad siya sa
altar habang hinihintay 'ko siya.. Wow mga tol ang ganda niya talaga!

"What's wrong?" Napabalik ako sa katinuan nang kausapin niya ako gamit ang mala-
anghel niyang boses. Isa siyang anghel na binaba sa lupa para makapiling ang isang
katulad 'ko. Pinagpala ako ni Lord dahil dumating si Chienna babes sa- "KIBA!"
Ngayon 'ko lang na-appreciate ang kagandahan ng pangalan 'kong pang-aso daw ngayong
binigkas niya. Parang 'yun na ang pinakamagandang narinig 'ko sa buong buhay 'ko.

"KIBA! ANO BA?!" Napakurap naman ako at ngumiti.

"Ahh.. Nawawala phone 'ko. P-pwede tawagan mo?" Pag aalanganin 'ko pang sabi.
Inirapan niya ako at nilabas ang phone niya. Tinype 'ko ang number 'ko at tinawagan
naman niya.

*riiing riiing

Kinuha 'ko ang cellphone 'ko sa bulsa 'ko. "Text kita mamaya." Kumindat ako at
tumakbo paalis.

SUCCESS MGA TOL!

*End of flashback*

Hihi, kinikilig ako tuwing naaalala 'ko yun. #GalawangBreezy

"Tulungan mo 'ko, itatapon 'ko sa kanal 'tong siraulong 'to." Napatingin ako kay
Lucas at Jon na bubuhatin na sana ako. Tinaboy 'ko naman sila.

"Ano nanaman ba?!" Reklamo 'ko.

"Kanina ka pa namin hinihintay! Nandito na tayo, diyan ka na lang ba sa elevator?"


Natauhan naman ako sa

sinabi ni Jon. Lumabas ako at kumatok kami sa condo unit ni Agnes.

Binuksan naman ni Skylar at pumasok kami. "Chienna babes! May dala ako para sayo!"
Nilabas 'ko ang santan na pinitas 'ko lang sa labas at inabot sa kanya.

"Anong gagawin 'ko dito?!" Reklamo naman niya. Napakamot na lang ako sa ulo 'ko
nang itapon niya 'yun. Grabe! Nakakakilig. Tinanggap niya pa din no. Nahirapan kaya
ako sa pagpitas niyan.
"Si Style?" Tanong naman ni Lucas. Lumabas sa kwarto si Style at umupo sa may
dining. Sinundan namin siya at umupo rin kami doon. Tinignan niya kami na parang
nagtataka. Maga pa ang mata niya pero maganda pa din naman siya.

Pero si Chienna babes ang pinakamaganda sa paningin 'ko! EKSDI. CTO Kay Panganib.

"Ganto kasi, naglalakad lakad na kami nila Jon at hinahanap namin si Panganib kaso
natagpuan namin 'yung scene niyo na umamin ka sa kanya na may gusto ka na sa
kanya." Panimula 'ko. Nagulat naman siya at namula. Oy, ang cute ha.

Pero si Chienna babes ang pinakacute sa paningin 'ko! Eksdi.

"Pagpasensyahan mo na 'yung kaibigan naming manhid, ha?" Sabi naman ni Lucas. "Pero
pati kami naguguluhan. Gusto mo ba siya o kailangan mo lang siya para sa pleasure?"

Nasamid bigla si Style habang umiinom ng tubig. Naubo ubo tuloy siya! Kasi naman
'tong si Lucas masyadong straightforward! Pwede namang 'sa ikaliligaya niyong
dalawa' na lang!

"Are you okay?" Tumabi naman si Sky at pinunasan 'yung bibig ni Style ng tissue.
"Ano nanaman sinabi niyo sa kanya?" Tinignan kami ng masama ni Sky.

Tinuro namin si Lucas na nagulat din. "Huh? Bakit? Wala akong sinabing masama!"

"What pleasure are you talking about?" Tanong naman ni Style.

"Diba KAILANGAN mo siya?" Sagot ni Jon. "Ibig sabihin.."

"What?! No!"
O-kay. Nasigaw si Estilo. Nakakagulat ha. Pero hindi nga? Mali ba 'yung
pagkakaintindi namin? Hindi kasi nililinaw ni Panganib, eh! Hehehe.

"Sorry na. Akala lang." Sabat 'ko. "Pero ano nga? Gusto mo ba siya o kailangan mo
lang siya?"

"Gusto niya." Umakbay si Sky kay Estilo habang nakatayo siya sa tabi neto. "I know.
The way she looks at Danger.."

"Sky naman." Bulong ni Style habang namumula pa din. Puahaha! Kailangan 'ko
mapicture-an 'to! Pero baka magselos si Chienna babes. Dapat siya lang laman ng
camera roll 'ko.

"Eh paano naman 'yung ex mo?" Sinipa 'ko si Jon pagkasabi niya nun. "Aray!"

"Ex.. I've moved on already." Sagot naman ni Style. "Hindi 'ko lang nasagot 'yung
tanong niya because nashock ako, hindi nagprocess yung utak 'ko kaya wala akong
nasagot.. Napasok niya pa 'yung ex 'ko sa ganung situation. He's a jerk."

Woy, galit si Estilo

kay Panganib! At siguro inis din si Panganib kay Estilo. Ano kayang gagawin namin?

"Pasensya na sa kaibigan namin." Sabi ni Lucas. "Yaan mo, tutulungan ka namin. May
plano kami."

***
Danger's POV
"Bingo." Malumanay na sabi 'ko at naglakad papunta sa harap para kuhanin ang prize
'ko. Pinagtitinginan nila ako.

"Panganib! Mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa, ah! May problema ba?" Sabi
ni Sir Cedie. Hindi 'ko siya pinansin at lumabas na kaagad pagkakuha 'ko ng prize
'ko.

Dumaan muna ako kay Ate Grasya dahil wala sila Kiba doon kela Jon. Hindi 'ko alam
kung saan nagpunta 'yun pero wala ako sa mood maghanap.

"May problema ba, Panganib?" Tanong niya pagkaabot sa'kin ng baso. Umiling lang
ako. "Anong nangyari sa Energetic at Joker na Panganib? Hindi ako sanay na makita
kang ganyan, ah."

Umiling lang ako ulit at tahimik na kumain. Hindi 'ko rin alam kung bakit ganto ako
ngayon. Binabagabag pa din ako nung mga sinabi ni Estilo sa'kin nung gabing 'yun.
Paano 'ko ba makakalimutan?

Hindi 'ko rin alam kung bakit di na niya ako pinansin pagkatapos nun pero natutuwa
ako dahil ginawa niya 'yun. Kailangan 'ko mag isip. Kasi pati ako naguguluhan na,
eh.

"Wag ka mag alala.. mahal ka nun." Napatingin ako kay Ate Grasya na nagiihaw ng
hotdog. "Babae 'no? Babae 'yung pinoproblema mo ngayon?"

Huh? Ganun ba kami kahalata kapag babae 'yung iniisip?

/>

"Naguguluhan lang po ako." Sagot 'ko naman.

"Magulo talaga kaming mga babae.. Pero kahit magulo kami, kailangan niyo pa rin
naman kami intindihin at paniwalaan. Lalo na kapag umamin ang babae. Hindi mo alam
kung gaano kahirap para sa amin na masabi sa crush nila na.. 'uy, crush kita' o
kaya naman sa mahal nila na 'mahal kita.' Mahirap para sa amin 'yun kasi nga babae
kami. Kapag babae ang nauna, parang ang dumi isipin. Pero anong magagawa namin?
Maghihintay na lang? Mananahimik kahit nasasaktan? Hindi ganun 'yun."

Napakunot ang noo 'ko sa sinabi niya. May lovelife ba 'tong si Ate Grasya? Pft.

"Sino bang maswerteng babae ang iniisip at pinagtutuonan mo ng pansin ngayon?"

Bumuntong hininga ako bago sumagot. "..yung kasama 'ko pong babae dati na umiiyak."
"Panganib, madami kang kasamang babae na umiiyak." Sabi naman niya. Naalala 'ko
tuloy 'yung babae na iniiyakan 'yung fishball, eh. "Sino sa kanila?"

"Yung maganda po."

"Maganda?"

"Suplada, maikli 'yung buhok, maganda, mabait naman, tapos iyakin, medyo isip bata,
bihira lang tumawa pero nagagawa niya, maganda-"

"Alam mo bang pangatlong beses mo na binanggit 'yung maganda?" Ngumiti naman si Ate
Grasya.

"Oh? Nasabi 'ko na ba 'yun?" Napakamot ako sa ulo 'ko. "Ah.. basta, si Estilo po."

"Parang narinig 'ko nga 'yung pangalan na 'yun habang kinakausap mo siya. Minsan
nga nakikita 'ko pa kayong tumatakbo diyan sa kanto habang magkahawak kamay."
Ngumiti siya sa'kin at inabutan ulit ako ng panibagong baso. "..gusto mo siya."

"Huh? Hindi-"

"Wag mo na ipagkaila, iho. Nakikita 'ko sa mata mo habang dinedescribe mo siya.


Gusto mo siya."

Gusto.. 'ko si Estilo? Ako? Ako daw ba?! H-hindi, ah!


__________________________________________________________________
Spoiler sa next chap:
"Sige, inom pa!" Inabutan ulit ako ni Kiba ng alak. "Inom pa!" Tinignan 'ko siya ng
masama. May pinaplano ba 'tong siraulo na 'to?

=================
DS 29 ~ The Plan

Danger's POV
Napakamot ako sa ulo 'ko habang naglalakad. Gulong gulo na talaga ako! Palagi na
lang ginugulo ng mga taong nakakausap 'ko 'yung ulo 'ko, eh. Ano ba talaga gusto
nila?

Gusto.. Gusto 'ko daw si Estilo? Sino nagsabi? Wala naman akong sinabing ganun, ah.
Pinangungunahan nila ako. Tsk tsk. Okay lang, pogi pa rin ako.

Sumakay ako sa kotse 'ko at nagdrive ako papunta sa may bundok. Gusto 'ko 'yung
mahangin kaya dito na muna ako tatambay. Natakasan 'ko naman na sila Ricky boy kaya
petiks na lang.

Pagkahinto ng kotse, lumabas kaagad ako at umupo sa ilalim ng puno. Sumandal ako at
pinikit ang mata 'ko. Mahangin.. Ang hangin dito kaya nakatulog ako kaagad.

...

...

...

"Yohoo, gising na poooo." Napakunot ang noo 'ko at napadilat sa maingay na babae.
Tinatapik tapik pa niya 'yung pisngi 'ko. Napatingin ako sa kanya. "Hello, gabi na
po. Salamat naman at gising ka na."

Sino ba 'to? At bakit naistorbo ang tulog 'ko? Tsk. Ngumiti na lang ako ng tipid at
tumayo. Pinagpagan 'ko ang sarili 'ko at pinanood niya lang ako.

"Devine! Get in the car! Now!"

Napalingon ako sa humintong kotse. Oh, siya nanaman, ah! Yung kuya nung batang may
sugat sa village namin.
"Hmp! Nagtago na nga ako nakita mo pa 'ko! Wait lang, Kuya! May kausap ako, oh!"
Kuya? Nanaman? Gustong gusto ata ako ng mga kapatid ng lalaking

'to. "Wallet mo po." Inabot niya ang wallet 'ko na nalaglag sa bulsa 'ko.

"Wala kang ninakaw?" Biro 'ko pa.

"Huh?! Bakit naman ako magnanakaw eh may pera naman ako! Hmp." Tinalikuran niya ako
at tumakbo papasok sa kotse ng Kuya niya. Napailing na lang ako at sumakay na rin
sa kotse 'ko. Inaantok pa ako, eh!

Pumikit ako sandali pero napadilat din nang tumunog ang cellphone 'ko. "Ano?" Sagot
'ko kay Kiba.

{Bro! Nasa bar kami ngayon, gusto mo pumunta dito? Kasama namin ang girls. Sila
Chienna babes.}

"Di na. Inaantok na 'ko. Mamaya ka n-"

{Nandito si Estilo, medyo nakainom na nga, eh.}

"Saang bar ba 'yan?"

***
Nilagay 'ko sa bulsa ng pantalon 'ko ang dalawa 'kong kamay at naglakad papasok.
Naka black v-neck lang ako at kwintas para cool. Lol.

Mausok nanaman tapos nagkakagulo ang mga tao, hinanap 'ko sila Kiba at nakita 'ko
sila sa may sulok. Umupo kaagad ako sa tabi ni Lucas. "Saan sila?" Tanong 'ko.

"Nandoon sila Chienna babes, nagsasayaw. Bantay sarado 'ko nga, eh!" Tuwang tuwang
sabi pa ni Kiba. "Kala 'ko ba inaantok ka?" Ngumisi pa siya.

Umirap na lang ako at ininom 'yung alak na inabot nila sa'kin. "Mangchichix lang
kami." Tumayo si Jon at Lucas at pumunta sila doon sa mga nagsasayawan. Kadiri,
mangchichix daw. Kala mo pogi, ako lang naman pogi dito.

"Sige, inom pa!" Inabutan ulit

ako ni Kiba ng alak. "Inom pa!" Tinignan 'ko siya ng masama. May pinaplano ba 'tong
siraulo na 'to? "Oh, makatingin ka, ah. Nagorder lang kasi kami ng marami, kung
gusto mo lang naman uminom. Oo nga pala, nakikita mo 'yung apat na baso na 'yan? Si
Style uminom niyan. Haha! CR lang ako."

Tumayo siya at iniwan nila ako dito mag isa. Umiinom lang ako ng pakonti konti,
hindi 'ko pinapansin 'yung mga babaeng kumakausap sa'kin. Nakakapikon na, ang dami
na nila! Hirap talaga kapag gwapo.

"May nakaupo? Can I sit here?" Tumingala ako sa babae na luwa na ang kaluluwa.
Iniwas 'ko ng tingin 'ko at hindi 'ko siya sinagot. Walanjo, umupo sa tabi 'ko.

Bala siya diyan.

"Uhm.. Mag isa ka lang?" Hinawi niya ang buhok niya sa gilid para mapakita sa'kin
'yung collarbone at balikat niya.

Bala siya diyan.

"Eto naman, pipi ka ba?" Pangungulit pa niya. Inis 'ko siyang tinignan.

"Nagdamit ka pa, sana nagbra ka na lang o kaya naman sana hindi na. Luwang luwa
naman na 'yang hinaharap mo." Kinuha 'ko ulit 'yung iniinom 'ko.

"Haha!" Tumawa pa siya. "Ayaw mo ako magbra?"

"Huh?!" Napalingon kaagad ako sa kanya. Ano bang sinasabi neto? Baliw ba 'to? Kung
di niya kaya irespeto sarili niya, wag niya 'ko kausapin.

Hinawakan pa niya 'yung dibdib 'ko at lumapit pa lalo. "I'll wait you doon sa CR."

HA?!

Pati ba naman sa pag-ihi hindi niya kaya mag isa?! Isasama pa niya ako! Ayoko nga.
May paa naman siya. "Ge, hintay ka doon hanggang sa mabulok ka." Umirap ulit ako at
uminom. Hindi pa rin siya natigil.
"Lalaki ka pa din.." Lumapit pa siya at naaamoy 'ko na pabango niya. "May
girlfriend ka ba?"

"Yes, he has." Umupo si Estilo sa tapat 'ko at kumuha rin ng baso. Nakatingin lang
siya sa babae habang umiinom.

"Talaga? Meron?" Tanong niya sa'kin. Tumingin naman sa'kin si Estilo at iniwas
kaagad 'yung tingin niya.

"Oo, ayan sa harapan mo." Turo 'ko kay Estilo. Bigla naman siyang nasamid kaya
napangiti ako. "Kaya pwede ba, umalis ka. Ang baho ng pabango mo."

"Sungit." Bulong pa niya. "Maghihiwalay din kayo. Walang forever." Saka siya
umalis. Pinagsasasabi nun?

"Why are you here?" Tanong ni Estilo sa'kin. Hindi siya nakatingin sa'kin,
pinaglalaruan niya lang 'yung baso sa harap niya.

"Inaya ako ni Kiba." Sagot 'ko sabay inom ulit. Nakatingin lang din ako sa mga
nagsasayawan at hinahanap 'ko sila Kiba. CR daw, ang tagal naman. Ang sabihin niya,
binabakuran niya lang si Chienna.

Maya maya, bumalik na si Lucas at umupo sa tabi ni Estilo. Inakbayan pa niya tapos
may binulong siya at tumawa. Umiwas na lang ako ulit ng tingin.

"Diba? Diba?" Rinig 'kong sabi ni Lucas kay Estilo.

"Yeah, whatever. I think it's not a

good idea."

"Bakit naman? Effective naman, ah."

Ano bang pinag uusapan nila? Kahit ang ingay dito, rinig na rinig 'ko pa rin, eh.
Tumayo na lang ako at nilapag ang baso. "Doon muna ako, pre." Pumunta ako sa may
mga nagsasayawan at hinanap 'ko si Kiba. Walanjo, iniwan ako, eh.
Habang hinahanap 'ko, may humawak sa kamay 'ko at sinayawan ako. Nakatingin lang
ako sa kanya. Nice, galing niya sumayaw. Oh tapos?

"Come on! Dance with me!" Ngumiti siya sa'kin. Maganda naman siya at mukhang hindi
pa siya lasing. Sexy nga kahit hindi siya nakasuot ng revealing clothes.

May matitino pa pala dito sa bar na 'to?

"Dance?" Alok niya ulit. Nagchange na kasi sa sweet song 'yung kanta at parang
paiyak na siya. Brokenhearted yata. Tsk. Eto nanaman, eh.. Kahinaan 'ko nanaman.

Nilagay niya 'yung dalawa niyang kamay sa balikat 'ko tapos bigla na lang siyang
umiyak sa balikat 'ko. Hala, baka isipin nila ako nagpaiyak dito!

"Bat ka umiiyak?" Tanong 'ko. Nilabas 'ko na rin ang panyo 'ko. Wala akong maisip
na knock knock. Masyado akong madaming iniisip. "Ahh, anong sapatos ang hindi
nagjojoke." Sigaw 'ko sa tenga niya para marinig niya.

"W-what?"

"Seryoshoe. Hahahaha!" Ul*l, ang corny non pero 'yun yung naisip 'ko, eh! Natawa
naman siya at hinampas ako sa balikat.

Biglang may lumapit sa'kin at inakbayan ako,

pero parang sinasakal na ewan. Napababa tuloy ako kasi ang tangkad 'ko. "Ahh, ate.
Pahiram lang ng kaibigan 'ko, ah. Gusto 'ko rin malaman mo na may girlfriend na
'to. Kanina pa nga nakatingin ng masama, eh." Sabi ni Skylar. Nginuso pa niya 'yung
direksyon ni Estilo na umiinom nanaman.

"H-huh?" Naguguluhang sabi nung babae. "I'm sorry, I'm just-"

"Wushuuuuu." Pambabara ni Sky. "Okay lang 'yan, hoy Jon! Ikaw nga dito!" Hinatak
niya si Jon at tinulak sa babae saka ako hinatak ni Sky paalis.

"Kai Kai, malalasing ka niyan." Binitawan ako ni Sky at kinuha 'yung basong iniinom
ni Estilo. "Nakakalasing 'to."

"And so?" Sabi naman ni Estilo. Lasing na nga 'to. "Give me that."
"Hala, Kai Kai. Lasing ka na, ata!" Umupo siya sa tabi ni Style at inalog alog.
"Huy, lasing ka na ba?"

"No! Of course not!"

Umiling ako at hinatak ako ni Kiba paupo. Oh, nandito pala ang ugok kanina 'ko pa
hinahanap. Si Lucas naman ang nawala ngayon. "Akin na!" Sabi ni Kiba at kinuha
'yung baso na iniinom ni Style. Binigay niya sa'kin. "Inom pa, brad! Inom!"

Pilit niyang pinainom sa'kin 'yun kaya ininom 'ko. Ang sakit sa lalamunan. Ano bang
pinaplano ng mga 'to at kanina pa 'ko pinipilit uminom ng kung ano ano?

"Water." Naglapag si Agnes ng tubig at pinainom kay Style.

Medyo nahihilo na talaga ako. Ano bang pinapainom

sakin nila Kiba?! Hindi kaya mamatay ako dito?! Mga siraulo talaga! Hindi naman ako
mabilis malasing, ah!

"Hindi nga ako lasing, girls. Ang kulit." Rinig 'kong sabi ni Estilo. Mukha ngang
hindi siya lasing.

"Ah, uuwi na ako.." Tumayo ako at kinuha ang cellphone 'ko. Nahihilo na ako, ah.

"Ha?! Hindi pwede! Hindi ka makakapagdrive! Maaksidente ka pa!" Pagpigil ni Lucas


na bagong dating lang. "Lasing ka ba, Style?"

"No. Why?"

"Ahh, ikaw na maghatid kay Panganib."


Napadilat ako at napatingin sa gawi nila. "Huh? Kaya 'ko sarili 'ko!" Sabi 'ko
naman kahit nahihilo na talaga ako.

"Why me?!" Reklamo pa niya. Tama yan.

"Wala si Jon pero ihahatid nun si Sky, Si Kiba ihahatid si Chienna tapos ako naman
ihahatid 'ko si Agnes! Eh si Panganib ang nalasing kaya ikaw ang maghahatid sa
kanya." Page-explain ni Lucas.

"Ano ba? Kaya 'ko nga sarili 'ko!" Tumalikod na ako at naglakad palabas. Muntikan
na ako matumba pero naalalayan ako ni Estilo.

"Keys." Nilahad niya 'yung kamay niya.

"Huh?! Kiss?!" Ulit 'ko.

"Car keys!"

Ano daw?

Kinapa niya 'yung bulsa 'ko at kinuha 'yung susi ng kotse 'ko. Inalalayan niya ako
at sinakay sa shotgun seat. Siya 'yung nagdrive.

/>
Nakapikit lang ako, hindi 'ko alam kung saan niya ako dinadala pero sana wag niya
ako reypin. Mahirap na. Baka mabuntis ako..

Ha? Teka, lasing na nga ata talaga ako. Ano bang sinasabi 'ko?

Bumukas bigla ang shotgun seat kaya muntikan na ako malaglag. Tinignan 'ko kung
nasaan kami. Uyy, nasa bahay pala kami. Bahay namin. Buti alam niya, hehehe.

"Doon! Doon!" Turo 'ko sa gilid.


"Anong doon? Eto 'yung front door." Hinatak niya ako at nagdoorbell. Napatingin ako
sa standee sa tabi ng pinto.

"Shino ba 'yan.. Yan ba 'yung nakawalang unggoy sa zoo.." Turo 'ko sa standee.

"It's Dawn."

"Ay! Ha-ha-ha-ha! Dawn.. Zulueta?!"

Bumukas ang pinto at pumasok kami ni Estilo. Inalalayan kami ng mga katulong namin.

"Naku, Ma'am, tulog na po sila Sir Dash, gusto niyo ho gisingin 'ko?" Sabi pa nung
maid.

"H-huh?! Tulog na si Dash? HAHAHAHAHAHA, 9 AM pa lang! Maaga pa! Hehehe!"

"It's already 2 AM. Don't worry, I'll take care of him. Thanks." Umakyat kami ni
Estilo at binuksan niya 'yung pinto ng kwarto 'ko. Humiga ako sa sahig at pumikit.
"Don't sleep on the floor! Stand up!"

"Mas masaya dito.." Bulong 'ko pa.

"Danger!" Hinatak niya ako patayo kaya tumayo na ako at binagsak ang sarili 'ko sa
kama 'ko. Nilagay

'ko ang braso 'ko sa mata 'ko.

"Estilo, wag mo 'ko hubaran, ha.." Bulong 'ko pa. Hinuhubad niya kasi sapatos 'ko,
eh. Hinampas niya pa ako at narinig 'ko na lang na bumukas ang pinto. Maya maya,
umupo siya sa tabi 'ko at halos mapatalon ako nang may malamig na bagay siyang
pinunas sa mukha 'ko.

"Relax." Sabi niya. Pinunasan niya mukha 'ko, leeg 'ko, braso 'ko. "Would you mind
taking your shirt off?"

Umupo ako at tinanggal ang shirt 'ko saka ako humiga ulit at pumikit. "Estilo, wag
mong gagawin ang iniisip mo. Bata pa ako at marami akong pangarap sa buhay.. kapag
ako hindi nakapagpigil. Baka umiyak ka. Haha!"

Hindi niya ako pinansin. May kinuha siya sa cabinet 'ko at sinuotan ako ng bago.
Sus, pwede naman ako matulog ng walang t-shirt. Naaakit lang siya. Hehehe lasing na
nga ata talaga ako. Medyo lang.

"Do you want coffee?" Tanong niya.

"Sus, alam 'ko na 'yung banat na 'yan.." Tumawa ako na parang baliw. "Coffee..
Tea.. or me? Hahahaha! Yung pangatlo na lang! Hahahahaha! Eksdi."

Tumahimik siya at hinampas sa'kin 'yung towel na basa. "Nahihilo na rin ako.."

"Higa ka." Sagot 'ko naman.

"No, I can't."

"Bakit? Wala akong gagawin sayo na hindi mo magugustuhan. Pero kung gusto mo..
Haha!" Tumawa ulit ako. "Biro lang. Lasing ako.. pero may utak pa rin ako."

Lalaki ako, may pangangailangan sa buhay.. Pero babae siya, nirerespeto. Kaya saka
na lang ang pangangailangan 'ko sa buhay, makakapaghintay 'yon.

Pero hindi mo pa rin maiiwasan 'yung.. Rise of the guardians. Ahh, basta.

Umupo siya sa tabi 'ko. Tahimik lang kami. "Danger."

"Oh? May sasabihimmmm!"


*dug dug dug

Bumilis ang tibok ng puso 'ko. Sobrang bilis., sobrang lakas nang halikan niya 'ko.
Wala akong narinig kundi 'yung tibok lang ng puso 'ko. A-ano nangyayari sakin?!

"I don't like you because I need you. I need you because I like you."
__________________________________________________________________
The truth!!! <3 Hindi talaga ako mapakali sa mga spg scenes na 'yan. Ehem, pero
magkakaroon ng mga green scenes. Mga bata, pasensya na kung madudumihan utak niyo.
Haha.

SPOILER SA NEXT CHAP:


"Wala lang. Ano nangyari kagabi? Kwento ka naman!" Sabi ni Kiba.

Kagabi?

"Panganib, may sakit ka? Bat namumula ka ata?"

=================

DS 30 ~ My Style

Danger's POV
Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo 'ko. Pesteng hangover, hindi naman talaga ako
madali malasing pero ano bang pinainom sa'kin nila Aso at nalasing ako kagabi?! Ang
sakit tuloy ng ulo 'ko parang pinupukpok ng martilyo, eh.

Tatayo na sana ako nang may maramdaman akong mabigat. Muntik na ko sumigaw nang
makita 'ko si Estilo na natutulog sa tabi 'ko. Nanaman?
Feeling 'ko nag init ang buong mukha 'ko nang maalala 'ko 'yung nangyari kagabi.
Hindi ako masyadong lasing kaya naaalala 'ko pa!

Yung tibok ng puso 'ko.. T*ngina, hindi normal 'yon! Hindi 'yun normal diba?!
Sobrang bilis, eh?! Ano nangyayari sa'kin?!

Dahan dahan akong tumayo para hindi siya magising. Naghilamos kaagad ako at bumaba
sa dining para kumain ng umagahan. Nakita 'ko si Dash, Dawn at Jayden na kumakain
kaya tumabi ako.

Habang kumakain ako, nakatingin sila sa'kin. Ano nanaman ba?!

"Hindi mo ba yayayain si Style na kumain?" Halos mabilaukan ako nang sinabi ni


Jayden 'yon. Alam niya?! Ibig sabihin pumasok siya sa kwarto 'ko?! "Kinumutan 'ko
kayo kanina, mukhang lamig na lamig kayo, eh. Yakapan pa po."

Kumunot yung noo 'ko. Oh?! Niyakap 'ko ba siya?! Wala akong naaalalang ganon, ah.

"Mommy!!!" Tumingin ako kay Style na naglalakad pababa ng hagdan. Nakangiti pa siya
at mukhang energetic siya ngayon.

/>
"Style, kain na." Alok naman ni Dash.

"Dito ka, Ate!" Turo ni Dawn sa tabi niya. "Ay mali, doon pala." Turo naman ni Dawn
sa tabi 'ko. Naginit nanaman 'yung pisngi 'ko. Nakakabakla na 'to, ha! Anak ng!

"Good morning po." Bati ni Style at umupo sa tabi 'ko. Kumain na siya at nakatingin
lang ako sa kanya habang kumakain. Bakit nga ba? Hindi 'ko alam.
"Matunaw 'yan." Pang aasar pa ni Jayden. Tumayo kaagad ako at nagpaalam na manonood
lang ako ng TV sa living room.

Pero ang totoo, wala akong maintindihan sa pinapanood 'ko kasi naaalala 'ko nanaman
'yung kagabi. Pucha, kailan 'ko ba makakalimutan?! Malala na ata 'to.

"Are you feeling well now?" Tumabi sa'kin si Style kaya natense ako bigla. DANGER,
ANO BA. UMAYOS KA NGA. Hindi ka naman ganyan, ah!

"O-oo." Nautal pa! Nautal pa! Anong problema 'ko?!

"Sorry.. kagabi. Medyo nakainom din ako." Ngumiti siya. "Sorry but wala akong
pinagsisisihan. I'm just being honest about what I feel."

Hindi ako nagsalita at tinuon ang pansin 'ko sa TV. Blah blah blah, wala naman
akong maintindihan, eh! "Hindi ka pa uuwi sa inyo?" Tanong 'ko sa kanya para maiba
'yung topic.

"Eto na." Tumayo siya at inayos ang gamit niya. Tumayo na rin ako para ihatid siya
sa bahay nila, mahirap na 'no.

Habang naglalakad

kami, tahimik lang ako. Hindi 'ko naman alam sasabihin 'ko, eh! Ngayon lang ako
ganto, ah.

"Danger, where are you going? Eto 'yung bahay namin." Napahinto ako sa paglalakad
nang tawagin ako ni Estilo. Umatras naman ako at hinatid 'ko siya papasok.
"Good morning ho." Bati 'ko sa tatay niya.

"Good morning too, Danger." Sinuot niya 'yung suit niya at tumingin kay Style.
"Where have you been last night?"

Tumingin sa'kin si Style. "Danger's."

Tumango naman ang Daddy niya. "Seems like I can trust this kid." Tinapik niya ang
balikat 'ko at umalis. Huh? Hindi ba siya magagalit?

"He's really weird." Umirap si Style at humarap sa'kin. "You should go now."

Tumango lang ako at aalis na sana pero tinawag niya ulit ako. "Oh?" Lumingon ako at
ngumiti siya sa'kin.

*dug dug dug

Bakit eto nanaman?! Ano nangyayari?!

"I'm in danger." Saka siya umakyat sa kwarto niya. Ngumiti na lang rin ako at
bumalik na sa bahay naming. Naligo ako at nag ayos. Medyo nawala na 'yung sakit ng
ulo 'ko.

Nagfacebook muna ako dahil panigurado, hindi pa gising ang mga loko.

Nagyeyelong Panganib: Kapag buhay 'ko ang kapalit para maging masaya ka.. Asa ka,
malungkot ka na lang. Eksdi.

/>

Maya maya, naka 200 likes na kaagad 'yung status 'ko. Ayos, ah! Madaming nagcomment
pero hindi 'ko na tinignan. Puro 'hahaha' lang naman ang comments. Paulit ulit.

Kinuha 'ko ang cellphone 'ko at tinignan 'yung mga GM ng mga taong hindi 'ko naman
kilala. Hindi 'ko rin alam kung saan saan nakakarating yung number 'ko.

From: 099984*****
Paano malalaman kung gusto ka ng crush mo? Madali lang.

I-kiss mo!

Kapag tumagal, gusto ka niya. Kapag hindi, okay lang. At least naka isa. Hahahaha!

Good morning! Text? Bmb. Kain po dahil ang init ng panahon ngayon. Halo halo~

GroupMsg.

La? Kiss?

Sinampal sampal 'ko ang sarili 'ko para mabalik ako sa katinuan. Ano bang problema
ng araw na 'to at parang lutang ako palagi?!

Binasa 'ko pa 'yung ibang GM. Ang hahaba naman, sana nag mmk na lang sila kung
ikekwento nila 'yung talambuhay nila. Wala namang may pake. May pa gm gm pa silang
nalalaman na nadapa sila, nahulog sa kanal, binasted. Eh ano naman?! Gwapo pa rin
naman ako at hindi mababago 'yon!

"BROOOOO!" May pumasok na tatlong itlog sa kwarto 'ko at kanya kanya silang higa sa
couch, sa kama 'ko at sa sahig.

"Ano? Bat kayo nandito?" Tanong 'ko habang naglalaptop.

"Wala lang. Ano nangyari kagabi? Kwento ka naman!" Sabi ni Kiba.


/>
Kagabi?

"Panganib, may sakit ka? Bat namumula ka ata?" Iniwas 'ko ang tingin 'ko kay Lucas.
Maya maya, nagtawanan silang tatlo. Nakakarindi! Ano bang problema nila?!

"Taena pare, may nangyari kagabi 'no? Kaya nagbublush ka diyan?" Natatawang sabi
naman ni Jon. Kinuha 'ko ang unan at binato sa gawi niya.

"Walang nangyari." Tanggi 'ko.

"Eh bakit ka kinikilig?" Sabi naman ni Kiba. "Hindi masamang kiligin, Panganib!
Lahat ng tao may feelings kaya pwedeng kiligin. Wag lang 'yung iirit irit ka diyan
at manghahampas, ah. Bakla ka na."

"Kailan 'ko ginawa 'yon?" Umirap ulit ako at nagscroll scroll sa timeline 'ko sa
twitter.

'Panganib! Follow back please!'


'Wala ka bang joke diyan, Danger?'
'Aww, favorite-zoned lang ako kay Panganib'

"Ano nga nangyari kagabi? Bakit hindi ka makasagot?" Pangungulit nanaman ni Jon.
"Kinikilig ka lang, eh. Pulang pula ka na, tsong!"

"Sinong kinikilig?" Masungit na tanong 'ko. "Nilason niyo ako kagabi!"

"Over! Nilason! Mataas lang talaga 'yung percent ng alcohol na pinainom namin sayo
kagabi. Pero wag ka mag change topic. Ano na nga nangyari?" Ano ba naman 'tong si
Lucas! Hindi ba talaga sila titigil?!

"Wala ngang nangyari!" Sigaw 'ko.

"Nagkiss kayo 'no?" Ngumisi si Kiba at umiwas ako


ng tingin. "Ohmygod mga tol! Hindi siya tumanggi! Nagkiss nga kayo?! Seryoso?!"

Hindi ako sumagot.

"WHOA, PARE. KISS LANG BA NANGYARI O ANO?" Pagintriga nanaman ni Jon.

"Wala." Sagot 'ko ulit.

"Kaya pala namumula ka.. Gusto mo na siya, Panganib! Hindi mo na pwedeng i-deny
'yun!" Hindi ako sumagot sa sinabi ni Lucas. Hindi 'ko rin naman alam sasabihin
'ko.

Yan nanaman sa gusto gusto na 'yan, eh. Kailan ba nila ako titigilan?

"Ano? Bat di ka makapagsalita?" Pang aasar ni Kiba. "Gusto mo na siya 'no?"

Hindi ulit ako sumagot at pinagpatuloy ang pagiiscroll 'ko.

"Oy mga brad, kita niyo 'yan! Dati sasabihin niyan 'Hindi 'ko siya gusto, kaibigan
'ko lang yun' pero ngayon, hindi makasagot, oh!" Kantyaw nanaman ni Kiba.

"Manahimik nga kayo, ang ingay ingay niyo, eh!" Inis na sabi 'ko.

"Oyyy, pikon." Isa pa talaga, babatuhin ko ulit 'tong si Jon.

Style's POV
"So? What happened? Yun na 'yun? Kiss lang? Wala na?" Sunod sunod na tanong sa'kin
ni Chienna. Why is she here anyway? And where's Agnes and Skylar? "Come on, Style!
I need information! Details!"

"Nothing happened, Chie. End of story." I plumped myself on the couch. "Thirsty for
infos?"

"Of

course! I'm telling you, konti na lang aamin na siya sayo na may gusto siya sayo!
Omg omg! I will get ready na for that event! Magcecelebrate tayo!"

"It's too early to conclude." Sagot 'ko naman.

"You're blushing!! You're so cute!"

Hindi 'ko pinansin si Chie at pinaglaruan na lang 'yung baymax 'ko. Everytime I see
this baymax, it reminds me of Danger Jairus Frost.

I don't even know what happened but since I told him that I like him, everything
changed. Umuwi ako sa bahay and wala akong narinig na pagtatalo. Dad told me he
missed me. Like what.. He's not usually like that.

Danger really is an angel sent from above. All I need is him. Him. Danger, only.

Feeling 'ko bumalik ako sa pagiging young teenager na kinikilig sa crush. Ugh. "He
likes you!" Napatingin ako kay Chie na may binabasa sa phone niya. "That Kiba dog
texted me saying.. distracted si Danger. Hindi daw siya makasagot pag tinatanong
kung may gusto siya sayo. It's a sign! Omg! He likes you!"

I smiled. "No, I won't assume, Chie."

Danger's POV
"Kuya! May iniisip ka po ba?" Natauhan ako nang pisilin ni Aly 'yung ilong 'ko.
Nandito ulit ako at kinukuhanan ng litrato ang mga bata. "May krass ka 'no?
Yieeeeeee!"
Sabay sabay na silang nag 'Yieeee'. Hanggang dito ba naman puro pang aasar ang
aabutin 'ko? "Wala akong crush."

/>

"Yieeeeee! May crush ka Kuya, eh! Si Ate Estilo ba?" Singit naman ni Rey. "Halaaa,
namumula si Kuya! Yieeeee! Krass niya! Krass niya!"

Ngumiti na lang ako at umiling. "Kumain na nga lang kayo. Bakit, ikaw? May crush ka
na no?" Ganti 'ko kay Rey.

"Oo naman!"

Natigilan ako.

Buti pa siya.. madali lang sa kanya aminin.

"Oh? Nililigawan mo na ba?" Natatawang tanong 'ko. "Ilang taon ka na ba?"

"Seven!" Tuwang tuwang sagot naman niya. "Oo naman! Nililigawan 'ko na siya!"

"Paano? Binibigyan mo ng bulaklak? Hinahatid mo sa bahay?" Natutuwa akong makipag


usap dito sa batang 'to, ah.

"Hindi! Sinusulatan 'ko siya ng letter tapos nililibre 'ko ng mikmik." Muntik na
ako matawa sa sagot niya pero pinigilan 'ko. Respeto naman, Danger. Hahaha! Baka
sabihin niya pinagtatawanan 'ko 'yung lovelife niya. "Eh ikaw, Kuya? Paano ka
manligaw?"

"Oo nga, Kuya Pangs! Paano ka manligaw?"


"Yieeee, may nililigawan na siya!"

"Hihingi daw ng tips si Rey!"

Pinalibutan na nila ako. Binayaran ba nila Kiba 'to at tuwang tuwa sila sa pang
aasar at pag usisa sa lovelife 'ko?

"Wala akong nililigawan." Sagot 'ko naman. "Pero kung manliligaw ako.. madali lang

'yan. Una, dapat palaging hatid sundo sa bahay. Ganun naman talaga diba? Pangalawa,
bibigyan ko ng bulaklak o kaya ng chocolate. Pangatlo, hindi 'ko papaiyakin.
Pangapat, araw araw 'ko ipaparamdam sa kanya na.." Hindi 'ko natuloy ang sasabihin
'ko.

"Naaaa?" Sabay sabay na tanong nila.

"..na mahal 'ko siya at mahalaga siya sakin." Bumuntong hininga ako. "Oh tama na!
Okay na 'yun! Ligpitin na natin pinagkainan niyo."

Tumayo ako at tinulungan nila ako magtapon ng mga kalat. Pinahawak 'ko muna kay Rey
ang camera 'ko at kuha lang siya ng kuha ng litrato.

"Yieeee! Nandito 'yung krass ni Kuya Danger!!!"

Napalingon kaagad ako at nakita 'ko si Estilo na naglalakad palapit. Oh, bat
nandito siya?

"ATE ESTILOOOO!!!" Nagtakbuhan sila palapit. Ngumiti lang si Estilo at ginulo 'yung
buhok nila. Akala 'ko ba ayaw niya sa bata? Tsk.
"Ate Estilo, sabi po ni Kuya Danger ihahatid sundo ka daw niya sa bahay niyo!"

Kumunot 'yung noo 'ko. Anong sinasabi ng mga 'to?

"Opo! Tapos bibigyan ka daw po niya ng flowers at chocolate!"

Ha?! Kailan 'ko sinabi 'yun?!

"Tapos hindi ka daw po niya paiiyakin!"

"Tapos araw araw niya daw po ipaparamdam sa inyo na mahal-"

/>
"Estilo, bat nandito ka?" Lumapit na ako at binuhat Yanna. Kung ano ano sinasabi,
eh!

"Nothing. Umasa lang ako na nandito ka and then tama nga." Ngumiti ulit siya.
Bumilis nanaman tibok ng puso 'ko.

"Hala, Kuya Panganib nararamdaman 'ko tibok ng puso mo!" Sabi ni Yanna habang buhat
buhat 'ko. "Ang lakas, Kuya! Mamamatay ka na ba? May sakit ka po ba?"

"H-huh?!" Nilapag 'ko kaagad siya sa sahig at umiwas ako ng tingin. "Ahh.. Sige,
hintayin mo 'ko. Sabay na tayo umuwi. Maglilinis lang ako."

Tumalikod ako at nakipagkwentuhan pa siya sa mga bata. Pagkatapos 'ko maglinis,


kinuha 'ko na ang camera 'ko at naglakad lakad muna kami ni Estilo.
Umupo kami sa tindahan ni Ate Grasya. "Oh iho! Siya na ba 'yun? Naamin mo na ba sa
kanya na-"

"Ah, Ate, pepsi nga. Salamat." Pagputol 'ko sa sasabihin niya. Umupo kami ni Estilo
at tahimik lang akong nainom. "Bat mo ko pinuntahan?"

"Wala lang.. I'm bored." Pinaglaruan niya 'yung daliri niya. "Dala mo 'yung kotse
mo?"

"Oo." Sagot 'ko. Tumayo na kami pagkatapos namin kumain at sumakay sa kotse.
Napakatahimik naming sa byahe, medyo nagdadaldal siya pero hindi 'ko siya sinasagot
paminsan minsan. Nakakatense na din kasi.

Hininto 'ko ang kotse sa tapat ng bahay nila. Lumabas ako at sumandal sa gilid ng
kotse 'ko. "Uh.. Uwi ka na." Sabi niya.

"Di, pasok ka muna."

"You sure?" Tumango ako. Bago pa siya makapasok, napahinto siya dahil tinawag 'ko
siya. "Y-yeah?" Lumingon ulit siya.

Lumapit ako at hinalikan siya sa noo. "You're my style."


__________________________________________________________________
Hearts. Btw, suggest kayo ng kilig scenes or kahit anong scenes ng Strangers.
Please, di ako magaling sa ganyan, eh.

=================

DS 31 ~ Ligaw?

DS 31 ~
Danger's POV
"BINGO!!!" Tumayo ako at tumakbo sa harap. Excited na excited ako makuha ulit 'yung
prize 'ko! Matagal tagal na rin akong hindi nakapag bingo 'no! "Prize 'ko, Sir
Cedie! Prize 'ko! Prize 'ko! Dali!"

"Aba, mukhang bumalik na ang pagkapasaway mo, ah?" Binigyan ako ni Cedie ng
envelope. "Inlove ka ba boy?"

Ngumiti lang ako at kinuha 'yung envelope. Naglakad kaagad ako paalis at papunta
kela Jon. Magbabasketball nanaman kami ngayon, eh. Itutuloy ang naudlot dati kasama
sila Boy Bungi. Ka ano ano kaya niya si Boy Bawang? Hahahahaha! Edi wow.

"Nandito na ang Panganib!" Sigaw ni Lucas.

"Ano? Game na ba? Kanina ka pa namin hinihintay. Lecheng bingo 'yan, oo." Sabi
naman ni Kiba.

"Tara na!" Nanguna si Jon palabas at sumunod na lang ako. Hawak 'ko 'yung bola sa
kabilang braso 'ko at nagtetext naman ako sa isang kamay. "Madapa ka sana kakatext
mo."

"Huh?" Tanong 'ko. Hindi 'ko siya pinansin at nagtext ulit.

"Pagpasensyahan niyo na, katext niyan si Style." Sabi naman ni Kiba. Hindi na lang
ako sumagot kasi totoo naman. Hehehe.

Pagkadating namin dun, nilapag namin ang gamit namin doon pa rin sa bench at nag
inat na. Dumating na rin sila Boy Bungi. Oh, may kulang sa kanila, ah. Bale, apat
apat kami. Kung nandito lang talaga si Puti. Hayy. Nakakamiss ang loko.

"Game na ba?" Tanong ni Boy Maangas kay Kiba. "Wala ata 'yung babae mo ngayon."
Sabi niya sa'kin.
"Bakit? Aagawin mo?" Ngumisi lang ako at kinuha

na 'yung bola. "Game na, baka mabangasan 'ko nanaman 'to, eh."

Sinimulan na naming ang laro. Padami ng padami ang nanonood, puro babae siyempre.
Sigaw pa nga sila ng sigaw na 'Ang gwapo nung naka itim!' Nakaitim kasi ako tsaka
si Boy Mandaragat. Hindi naman siya gwapo kaya alam 'kong para sa akin talaga 'yon.

Apat sila diba? Si Boy Maangas, Boy Bungi, Boy Mandaragat tsaka si Boy Baho. Hindi
'ko alam pangalan nila kaya hayaan niyo na lang. Tsk.

Nagrebound ako at naagaw ni Boy Baho 'yung bola. Lipat nanaman sa kabila. Binakuran
'ko si Boy Maangas. Eto ata 'yung nambastos kay Estilo, eh.
"Nasaan 'yung babae mo?" Tanong niya sabay ngisi.

"Nasa puso 'ko, angal ka?" Inis na sagot 'ko. Hinahanap pa, suntukin 'ko siya, eh.
Banas pa din ako sa kanya kaya wag niya ako hiritan.

"Oh? Kasya?" Pambabara niya pa.

"Wag mo 'kong mabara, Boy. Alam naman natin kung sino ang mukhang inidoro sating
dalawa. Siyempre, hindi ako yon kasi gwapo ako. Sino kaya ang natira?" Ngumiti ako
bago ipasa sa akin ni Lucas ang bola.

Nagshoot ako. 3 points. Boom peyns.

"PANGANIB! GIRLFRIEND MO!"

Eto nanaman ba? Sabi nang wag na pumunta, eh! Tsk.

"Time out muna!" Tumalikod ako at naglakad papunta sa kinaroroonan ni Estilo.

"Waaaa! Ako ba pupuntahan niya?"

"Hindi ikaw! Ako! Wag kang assuming!"

"Okay

ba itsura 'ko? Maganda ba 'ko ngayon? Kyaaa!"

Huminto ako at ngumiti kay Estilo. "Namiss mo nanaman ako." Inirapan niya ako at
bumaba. "Lika." Hinawakan 'ko ang kamay niya at hinatak 'ko siya papunta sa may
bench. "Ikaw, diyan ka lang, ha. Wag kang gagalaw. Kapag kinausap ka pa rin nung
siraulong maangas na 'yon, sapakin mo. Kaya mo na 'yon. Haha, laro muna ako."

Tumalikod ulit ako at tinuloy ang laro namin.

"Akala 'ko ba nasa puso mo?" Sabi nanaman ni Boy Maangas.

"Oh? Kasya?" Pambabara 'ko rin. "Ano naman kung nandito siya? Lalapitan mo?"

"Paano kung oo?"

"Paano kung tanggalin 'ko yang ilong mo?"

Nagshoot si Lucas at tumigil kami sa paglalaro. Wala na, tambak na sila. Panalo
talaga kami kahit anong mangyari!

"Wala pala kayo, eh. Lakas magyabang." Sabi naman ni Jon.

"Kulang lang kami kaya kami natalo." Sabi ni Boy Bungi.

"Apat na nga lang kami, eh."


"Okay ka lang?" Umupo ako sa tabi ni Estilo at inabutan niya ako ng tubig.

"Yeah yeah, I'm fine." Kinuha niya 'yung towel 'ko at pinunasan 'yung pawis 'ko.
Nice, sweet namin 'no! Pero hindi naman kami mga siraulo.

"Bat pinuntahan mo nanaman ako?"

"Bored."

Malapit nanaman magsimula ang klase, ah. Last na year 'ko na sa college, sa wakas!
Ganun din ata si Estilo. Journalism ako, Fashion Designing ata siya, eh. Wala akong
alam

diyan.

"Nakapag enroll ka na?" Tanong 'ko. Tumango naman siya at tumayo na kami. Nagpaalam
kami sa kanila at napagpasyahan namin na maglakad lakad muna.

"Busy nanaman." Sabi niya. "Nakabili ka na ng gamit?"

"Hindi pa nga, eh." Sagot 'ko. "Bili tayo bukas?"

"Sure."

***
"Estilo, pinagtitinginan ka ata nila." Bulong 'ko sa kanya habang naglalakad kami
sa loob ng NBS. Bumibili kami ng gamit, eh. "..pero siyempre joke lang 'yon. Ako
tinitignan nila kasi napakagwapo ko." Ngumiti pa ako at tumingin sa mga babaeng
kanina pa 'ko sinusundan. Sus, patago tago pa sila, eh nakikita 'ko naman.

Lumapit ako. "Ah, hello." Naghampasan naman sila. Hala, kilig na kilig. Sanay na
ako diyan, 'no. "Anong pangalan niyo?"

"Ikaw na mauna!"
"Ikaw!"
"Pangalan lang, eh!"

"Kristine Rehas, Lili Tsunin, Jan Kalang ho." Sabay sabay na sabi nila. Ngumiti
lang ulit ako.

"Search niyo sa facebook, Nagyeyelong Panganib. Palike ako ng profile pic.


Hehehehe, thank you, ah!" Tumalikod na ulit ako at binalikan si Estilo na
nagtitingin ng sketch pad. Kanina pa ako naiinip at kung kani kanino na ako
nagpapalike ng profile pic. Binago 'ko kasi, eh! Picture na namin ni Estilo!

Sweet 'ko 'no? Sweet talaga ang mga gwapo. Hehehe.

"Where have you been?"

"Ahh, wala lang. Nangampanya." Tinulungan 'ko siya magbuhat nung basket. "Namiss mo
ako kaagad?"

"In
your dreams." Nilagay niya 'yung sketch pad sa basket at pumunta na kami sa counter
para magbayad. Nagtalo pa kami kung sino magbabayad! "You're the guy! You should
pay for it!"

"Bakit ako?! Unfair! Mayaman ka naman, eh! Ikaw na lang!"

"Gentleman please."

"Ladies pay."

"And saan naman galing 'yun?!"

"Ako! Ginawa 'ko. Bakit?"

"Fine, I'll pay." Ngiting tagumpay naman ako nang kuhanin niya 'yung card niya.
Pero pinigilan 'ko siya kasi nakonsensya din ako.

Balak 'ko naman talaga na ako ang magbayad, gusto 'ko lang makipagtalo. Wala lang,
para agaw eksena. Hahahaha! "Eto po." Inabot 'ko yung card 'ko at kulang na lang
hiwain ni Estilo 'yung leeg 'ko gamit 'yung card niya. Ngumiti lang ako at binuhat
na 'yung mga plastic.

"Where do you want to go?" Tanong ni Estilo sa'kin. Pero nadidistract talaga ako sa
ferry's wheel na pambata dito sa mall na 'to, eh. Tumutunog pa ng twinkle twinkle
little star. Hahaha! Parang gusto 'ko tuloy sumakay kaso di naman ako kasya.
"Danger, I'm talking to you."

"Ha?" Binalik 'ko ang tingin 'ko sa kanya. "Ahh, starbucks tayo. Makikiwifi lang."
Ayun nga, umupo ako at umorder naman si Estilo. Mag isa akong nagfefacebook.

Uy! Effective 'yung ginawa 'ko kanina! Ang dami nang likes nung profile pic 'ko.
Hehehe.
Nagyeyelong Panganib: thanks po sa like.

Nagcomment ako para magpasalamat sa 789 likes. Dadami pa siguro

'yan mamaya kasi kasama 'ko si Estilo sa picture. Kapag pinagsama ang maganda at
gwapo, maraming likes! Tama ako diba? Tama ako!

Nagstatus ulit ako.

Nagyeyelong Panganib: Here at Starbucks, wifi wifi. Hehehehe. -with Kaizen Style
Dalton.

Dumating naman si Estilo at binigay sa'kin 'yung inorder niya. "Would you mind
changing your facebook name? Mukhang tanga, eh."

Sumimangot ako. "Mukhang tanga ka diyan? Ang gwapo kaya ng pangalan. Gwapo rin
'yung may ari nung pangalan."

"I prefer Danger Jairus Frost. It sounds elegant."

"Talaga?" Pumunta ako sa settings. "Sige, sabi mo, eh." Iniba 'ko na 'yung pangalan
'ko at ginawang Danger Jairus Frost kasi sabi ni Estilo elegante daw, eh.

Ano 'yung elegante? Ka ano ano ng elepante? Hahahahaha!

Danger Jairus Frost: Ako po si Nagyeyelong Panganib, pinalitan 'ko na pangalan 'ko
kasi sabi ni Estilo, eh. Hehehe. #AnoYungElegante #ParangElepante #Eksdi #NewName -
feeling happy J

"Gusto mo mag arcade?" Tanong ni Estilo sa'kin. Binaba 'ko muna ang phone 'ko para
matignan siya. Siyempre, kinakausap ako. Respeto naman.

"Ayoko. May trauma ako don." Sabi 'ko.

"Huh?"

"Yung token 'ko.." Umiling ako. "Kinain nung machine. Hahaha, biro lang. Nag
iinarte lang ako. Tara."

***
Pagkatapos 'ko ihatid si Estilo sa kanila umuwi na ako kasi inaantok na talaga ako.
Pero joke lang 'yon, naglakwatsa muna ako. Dadaigin 'ko si Dora putpot

ang bangs.

"Yo yo yo, Ate Grasya pahingi naman ng grasya!" Nagulat si Ate Grasya. Ewan 'ko
kung bakit, siguro dahil napakagwapo 'ko at nagulat siya dahil mas lalo pa akong
gumwapo. Iba talaga ang Panganib.

"Nandito ka ulit?" Gulat na tanong niya.

"Hindi, wala. Standee lang ako, 'te." Pambabara 'ko. "Joke, pabiling hotdog."

"Nasaan na 'yung girlfriend mo?"

Girlfriend? Tsk. "Wala ho akong girlfriend pero si Estilo po ata tinutukoy niyo.
Umuwi na po siya sa kanila at hinatid 'ko siya."

Kinuha 'ko ang hotdog 'ko at sumakay ng jeep. Wala lang, hindi 'ko rin alam kung
saan ako pupunta, eh. Ayoko pa umuwi kasi maaga pa. 5:30 PM pa lang kaya.

"Bayad ho." Inabot 'ko ang bente kay manong. "..Hindi 'ko po alam kung saan ako
pupunta." Inunahan 'ko na siya.

"Ilan sa bente?"

"Isa lang po.. palagi naman akong mag isa." Bulong 'ko. "Isang gwapo ho."
Pinagpatuloy 'ko ang pagcecellphone 'ko. Nagtext si Estilo.

{Where are you?}

Sumagot naman ako kaagad. {Nasa jeep po, madam.}

{Wala ka pa sa bahay niyo?}


Sasagot na sana ako nang mapansin 'ko na may nakikibasa ng text 'ko. Tumingin muna
ako sa kanya at naisipan 'kong pagtripan muna.

{Nabili mo na po ba 'yung gamot sa tigdas? Tinubuan na ho ako..} Siyempre hindi 'ko


sinend 'yon. Tumingin muna ako sa katabi 'ko at napansin 'kong lumipat siya ng
upuan. Pasimple akong tumawa at binura 'yung text.

{Pauwi

na.} Reply 'ko.

May nakikibasa nanaman, peste. Binuksan 'ko nga 'yung front cam, hahaha! Hule si
balbon. May selfie pa kami, ha.

"Para ho!" Bumaba ako sa village namin at naglakad papasok ng bahay. Pero bago ako
pumasok, kinuha 'ko 'yung standee ni Dawn at tinapon sa swimming pool. Ang sarap
barilin, eh.
"Yo yo yo!" Bati 'ko pagkapasok.

"Aga mo ngayon, ah?" Sabi naman ni Jayden. Hindi 'ko siya pinansin at dumapa ako sa
kama 'ko para maglaptop at mag edit ng mga pictures. Hindi na ako nagtaka na puro
pictures ni Estilo 'yung nandito. Hindi naman lahat pero iniistolen 'ko siya
palagi.

Isa siyang art. Hooo, tamis!

Pero wag kayo, hindi pa kami. Nililigawan 'ko pa lang. Tama kayo, nililigawan 'ko
nga. Bakit? Masama? Sipain 'ko kayo, eh. Hehehe.

Tinawagan 'ko si Estilo kasi.. wala lang, gusto 'ko lang marinig 'yung boses niya.

{Hello?}

"Estilo, ikaw ba 'yung Pilipinas sa Panatang Makabayan?"

{What? Why?}

"Iniibig kasi kita ng buong katapatan. Bye." In-end 'ko kaagad at hindi 'ko na
pinakinggan ang magiging reaksyon niya. Wala na akong maisip na joke kaya babanat
na lang ako. Hehehe. Okay ba 'yon?

@yelongpanganib: Para kanino ka bumabangon?

Wala akong matweet,

eh. Hahaha, maya maya nagreply na 'yung mga tao sa'kin. Puro naman 'Para sayo' Sus.
Ang daming alam!

@KaizenStyle: @yelongpanganib how about you -_-


@yelongpanganib: @KaizenStyle para sayo! Hehehe. Hart hart love love kilig kilig.

Ang daming nagfavorite nun, ah.

***
"KUUUUUUYAAAAAAAAAAA, GISING NAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!"

Eto na nga ang kinatatakutan 'ko. Ang pagbalik sa paaralan. Hindi 'ko kayang
tanggapin! Ayoko pa! Ang sabi ng utak 'ko, 'bumangon ka na' pero ang sabi ng
katawan at puso 'ko 'wag mo iiwan ang higaan' Sinong susundin 'ko? Sino ba ang
tama?

"KUYAAAAAA!! MAY KLASE KA PA DIBA?! 7 AM DIBA?! DIBA?!"

Tinakpan 'ko ang tenga 'ko sa sigaw ni Dawn. Ang sarap niya patalsikin sa Milky Way
Galaxy! Napakaingay ng bunganga!

"KUYAAAAA! GUMISING KA NA!!! 6:30 NA KAYA!!"

Napabalikwas naman kaagad ako at tumingin sa orasan. "DAWN!!!! 5:00 AM PA LANG!!!


ANO BA?!"

"HAHAHA, EXCITED AKO, EH!" Lumabas siya ng kwarto 'ko at naiwan akong nasasaktan.
Nasasaktan ako dahil iiwan 'ko na ang higaan 'ko, ang pustahan, ang bingo, paano na
ako neto? Paano na ang buhay 'ko?

Napakasakit man isipin. Masakit man gawin. Labag man sa kalooban 'ko, eh tumayo na
ako at naligo. Nagbihis ako ng civilian at bumaba na para kumain.

Napakaaga 'kong dumating sa University na pinapasukan 'ko. Ang daming tao, ang
hirap maki-in sa kanila. Hay, buhay nga naman.

Nasaan na kaya si Estilo? Tulog pa 'yun panigurado dahil 6:30 AM pa lang. Mamaya pa
atang 9 ang pasok nun.,

Pumasok ako sa isang room at umupo na doon sa pinakadulo. Mga mukha nanaman ng
kaklase 'ko ang makikita 'ko. Tsk. Okay lang, malapit na ako grumaduate.
***
Niligpit 'ko ang gamit 'ko dahil maglulunch na ako. Si Style? Nowhere to be found
ang ganap niya ngayon. Hindi man lang ako tinext, ha. Pero hindi 'ko rin naman kasi
siya tinext.

Naglakad ako papunta sa parking lot pero napahinto din ako.

Sino nanamang gunggong ang kausap ni Estilo?


=================

DS 32 ~ Jealous?

Danger's POV
Lumapit ako at napansin naman kaagad ako ni Estilo. "Ahh, Danger, this is Christian
Green, dati 'kong friend. Chris, this is Danger, my friend."

Friend. Tch. Edi wow, mas pogi naman ako sa mukhang kargador na 'yan. "Yo, dude.
Nice to meet you." Nilahad niya 'yung kamay niya sa'kin, hindi 'ko sana kukuhanin
pero siniko ako ni Estilo kaya kinuha 'ko na. Kawawa naman siya kung di niya
mahahawakan ang kamay 'ko. Kamay 'to ng isang legend. Sobrang gwapo!

"I need to go. I'll text you." Ngumiti pa 'yung kargador at sumakay sa kotse niya.
Nagpamulsa ako at naglakad na rin papunta sa kotse 'ko, nakasunod lang si Estilo
sa'kin tapos natatawa tawa pa siya. Anong nakakatawa? May nakakatawa ba?! Tuwang
tuwa siguro siya kasi makakatext niya 'yung kargador.

"Ano ba!" Inis akong humarap sa kanya at tumigil naman kaagad siya kakatawa. Pero
halatang tumatawa pa rin siya sa loob-looban niya. "Nakakaasar!" Binuksan 'ko ang
pinto ng kotse 'ko at inistart. Sumakay naman siya kaagad at tahimik kami buong
byahe kung hindi lang siya tumatawa!

"Bat ganyan mukha mo?" Tumawa ulit siya at nagpark ako sa tapat ng bahay namin.
Umuwi ako kasi magpapalit ako ng damit. Sumama naman siya para dito na rin kumain.
"Hey, Danger!" Tawag pa niya pero umakyat na kaagad ako sa kwarto 'ko pagkapasok.

Kinuha 'ko ang extra shirt at nilagay sa bag 'ko ng padabog, nilabas 'ko ang mga
gamit na hindi 'ko na gagamitin. Bumaba na rin ako sa dining. Nandoon na rin si
Estilo.

/>
"Tapos ka na?" Tanong 'ko sa kanya habang kumakain. "Bat nandun ka kanina?"

"Pinuntahan kita?"

"Tara na." Tumayo ako at naglakad papuntang garahe. Wala na akong gana kumain,
bahala sila diyan.

"Hindi ka kakain?" Pumasok siya sa shotgun seat at nag aalalang tinanong ako nun.
"Diet ka?"
"Wala akong gana." Pinaandar 'ko na ang sasakyan at nagdrive papunta sa university
namin. Di 'ko pa nakakausap partner 'ko. Nakalimutan 'ko pangalan nun, ah.

Tahimik lang kami ulit buong byahe. Di 'ko alam kung saan na siya napunta. Tumambay
ako sa may park dito sa loob ng Univeristy, kung saan ko unang nakita si Estilo.

"Panganib!" Tumingin ako sa babaeng tumatakbo palapit. Ahh, blockmate 'ko 'to, ah.
Nakalimutan 'ko pangalan niya pero isa siya sa pinakamatalino sa amin. Maganda siya
at bagay sa kanya 'yung nerd glasses niya. Yung parang binibili sa mga bargain pero
may grado sa kanya. "Nakapagbasa ka na?"

Umiling ako. Nakalimutan 'ko talaga pangalan niya, eh. Nakakahiya naman kung
itatanong 'ko, sabihin niya masyado akong makalilimutin.

"Jillian Amanda Rose." Napa 'ooh' ako at tumango tango. Sabi na nga ba siya si..
Rosas. Haha. "Pangatlong beses 'ko na sinabi sayo 'yung pangalan 'ko."

"Ah, sorry." Napakamot ako sa ulo 'ko. Siya 'yung partner 'ko sa thesis. "Patingin
ng shots mo." Turo 'ko sa dslr niya na nakasabit sa leeg niya. Inabot

naman niya sa'kin at tinignan 'ko 'yung mga litrato. Puro nature, ha. Galing niya
rin kumuha.

"Anong plano mo pagkatapos ng college?"

Oo nga pala, Mass Communication ang totoo 'kong course. "Ewan.. Editor? Publisher?
Bahala na." Hindi 'ko pa iniisip. Mas gusto 'ko pa kumuha ng mga litrato. Tsk.

"Ahh.." Tumango siya. "Kwento ka naman. May girlfriend ka na?" Tanong niya.

Umiling ako pero tumango pagkatapos. "Malapit na. Bakit?"

"Wala lang.. Masarap ba magkalovelife?" Ano bang tinatanong netong si Rosas? Siguro
NBSB 'to. Pft! "Hindi 'ko pa nararanasan. Gusto 'ko maranasan. Pero walang
pumapatol sa'kin, eh."

Ano nga ba sasabihin 'ko? "Alam mo, mag ayos ka kasi. Maganda ka naman, eh kaso
masyado mong tinutuon atensyon mo sa libro mo."

"Talaga? Maganda ako?"

Nanlaki ang mata 'ko nang padabog na umupo si Estilo sa tabi 'ko. Hindi ata
napansin ni Rosas na kasama 'ko 'yung nililigawan 'ko kaya tuloy pa rin siya sa
pagdaldal.

"Eh bakit ikaw hindi mo ako pinatulan?" Tumawa si Rosas.

"Kasi mahal niya 'ko." Singit naman ni Estilo. Napangisi na lang ako at hinawakan
'yung kamay niya. Selosa, eh. "Because I exist." Dagdag pa niya sabay irap. Taray,
'te.

"Huh?" Nagulat naman si Rosas. "Siya na ba 'yung future girlfriend mo?" Ngumiti pa
si Rosas.

"Oo,

eh. Sensya na, selosa lang." Nagsorry ako at agad naman siyang umalis. Tumingin ako
kay Estilo na hindi ako pinapansin.

Aba, galit o nagtatampo? O nagseselos lang talaga?

"Huy." Tinusok 'ko yung bewang niya. "Huy." Tinusok 'ko ulit. Walanjo, ayaw talaga
niya ako pansinin, eh. "Knock knock."

Hindi niya ako pinansin.

"Knock knock kako." Tinignan niya 'ko ng masama. "Sungit, ah. Magknoknock knock
lang, eh.. Inaano ka ba ng knock knock 'ko?"

Teka.. déjà vu? Hahahaha!

"What?!"
"How come I." Tinaasan niya 'ko ng kilay. "Ehem.. How come I.. di kita iiwan sa
paglakbay dito sa mundong walang kasiyahan~ Hahahahahahaha!"

Boom peyns! Pero hindi siya tumawa. Paano 'ko ba mapapangiti 'to? Ay alam 'ko na.
May isa pa akong technic. Matalino ata 'tong gwapo na 'to, 'no!

"Estilo, kapag nakikita kita nawawalan ako ng gana magmahal.." Agad naman niya
akong tinignan ng masama pero ngumiti ako. "..ng iba." Pinigilan 'ko ang matawa sa
reaksyon niya.

"I hate you!" Umirap siya at sumandal sa puno. Sus, kunghari pa galit, kinikilig
naman!

"You're my style." Sabi 'ko naman.

"You're in danger." Umirap ulit siya. Aba, hindi 'yun ang inaasahan 'kong sagot!
"Fine. I'm in danger."

"Good girl." Ginulo 'ko ang buhok niya.

***
"Ayoko

na! Suko na ako!" Humiga si Lucas sa kama 'ko. Nandito nanaman ang mga ugok.

2 weeks na ang nakalipas simula nung magpasukan. Medyo busy na ako sa thesis na
'yan. Si Estilo rin, puro drawing na inaatupag! Tsk tsk.

"Suko kaagad? Yan tayo, eh. Ang bilis sumuko, porket napagod ka ngayong araw sa
tingin mo mapapagod ka na rin sa mga susunod na araw? Parang sa pagmamahal, niloko
ka lang ng isa, sinisi mo na lahat."

Napatingin kaming lahat kay Kiba.

"Wag niyo 'ko tignan. Alam 'kong gwapo ako.. Magkaaway kami ni Chienna babes."
Magkaaway? Tignan mo mamaya, magsosorry 'yan si Kiba babes kahit si Chie ang may
kasalanan. Hindi naman sila at tinataboy pa rin siya ni Chie. Pero matigas ang
kukote ng aso 'ko, eh.

Iba nga talaga ang loyalty ng mga aso. Naniniwala na ako.

"Hoy! Anong ginagawa mo sa laptop 'ko?" Tumayo kaagad ako at lumapit kay Jon na may
tinitignan sa laptop 'ko. Kakalabas 'ko lang kasi ng CR.

"Wala naman, brad. Haha!" Binalik niya 'yung laptop sa'kin at may binulong kay
Lucas kaya tawa 'to ng tawa. Walanjo! Anong ginawa nila sa laptop 'ko?!

Danger Jairus Frost: Bakla ako! <3


1435 likes 345 comments

HA?! Nagscroll pa ako sa facebook 'ko.

Danger Jairus Frost:

Si Puti lang xS4ph4t N4h!!! #eksdi


899 likes 444 comments

Danger Jairus Frost: Gusto 'ko ng fafa hindi fifi!


4577 likes 788 comments

Danger Jairus Frost: Bagay kaya sakin ang long heyr? Try 'ko mga bhe. <3 #longhair
5555 likes 6454 comments

Danger Jairus Frost: Excuse me! May boyfie ako, back off.
6532 likes 544 comments

Danger Jairus Frost: Ako ang pinaka dyusa sa lahat ng dyusa!!! #POWERFULSIBAKLA!!!
9768 likes 987 comments

"P*TANGINA KA JON!!!!" Hinagis 'ko ang laptop sa kama at hinabol si Jon pero agad
siyang nakapasok sa CR kaya binalikan 'ko na lang ang facebook 'ko para burahin!
Nakita 'ko pa ang comments nila Lucas.

Lucas Wood: Ay powerful nga, bakla!

Kiba Reyes: Bagay sayo ang long hair bh3!!! Post ka pic mwa.

Xyris White: HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA, napakagwapo 'ko talaga para mainlove ka sakin ng


ganyan.

Dawn Frost: O to the M to the G! #confirmed!! @Dash Frost @Jayden Frost MAME, DADE.

Dash Jayden Frost: Tanggap kita.

Jayden Frost: Bumaba ka sa living room, mag uusap tayo.

Dinelete 'ko

kaagad lahat ng pinost ng p*tanginang Jon na 'yan at nagpost ako ng bago.

Danger Jairus Frost: Si Jon Dela Cruz po ang nagpost ng mga 'yun, akala niya
account niya ang nakabukas sa laptop 'ko. Sorry ho, medyo tanga ang kaibigan 'ko.
#boboproblems

Danger Jairus Frost: Powerful ka bakla! Dito ka pa nagkalat ng rainbow! -with Jon
Dela Cruz

Ngumisi ulit ako at lumabas na ng CR si Jon. Tawa tawa pa siya diyan, hindi niya
alam na pinagpipyestahan na siya sa facebook.

"CR lang ako." Tumayo ako at pumasok sa CR 'ko. Dala dala 'ko ang cellphone ni Jon
at binuksan ang facebook niya.

Jon Dela Cruz: Sorry @Danger Jairus Frost! Hihihihi. Ang bobo 'ko talaga ever!!!
#gay #proud
Jon Dela Cruz: Mas bagay sa'kin ang short hair na color pinky pinky!! Hihihi, ano
say niyo? :">

Jon Dela Cruz: Kasing ganda 'ko si Kathryn Bernardo! Kami na talaga ang dyusa!!! <3

Lumabas ulit ako ng CR. "Pre, naiwan mo sa loob." Kunghari walang nangyari, inabot
'ko kay Jon ang phone niya at hindi niya naman napansin na may ginawa akong
kalokohan. Kala niya ba di ako gaganti?! Ako pa! Gwapo ata ako! Mapanganib ako 'no.

"Hahahahaha!" Narinig 'ko na ang tawa ni Kiba kaya alam 'ko na nakita na nila ang
mga post ni Jon. "Like like like!" Ginaya pa niya si Kris Aquino sa love love love.

"Hahahaha,

taena, Kathryn Jon-dria Bernardo." Tawa ng tawa si Lucas. Nag 'shh' naman ako at
alam na nila 'yon.

Nagtaka naman si Jon pero hindi niya pinansin. Ngiting tagumpay tuloy ako at
nagedit na lang ng pictures sa laptop 'ko. "Bastos mo!!!" Pagka-ex 'ko, iba na pala
ang wallpaper ng laptop 'ko! Mga FHM model.

Siyempre iniba 'ko ulit! Ginawa 'kong si Estilo ang wallpaper para mas maganda
tignan. Wala, eh. Tinamaan na.

Binuksan 'ko ang facebook tab at pumunta sa profile ni Estilo para mangstalk.
Hehehe. Pero sana hindi 'ko na lang ginawa.

Christian Green: Hey, nag PM ako. :)

Nagpost pa siya sa timeline ni Estilo, ha. Ano ba naman 'tong si berde! Kung alam
'ko lang password ni Estilo sa facebook, blinock 'ko na 'to, eh!

Oo nga 'no?
Iniba 'ko na muna ang pangalan 'ko at nagmessage ako kay Estilo.

Nagyeyelong Panganib: Estilo! Anong password mo? Hehehe eksdi.

Kaizen Style Dalton: Where and why?

Nagyeyelong Panganib: Wala lang, ibibigay 'ko din yung sa akin. Deal?

Kaizen Style Dalton: Okay.

Nagyeyelong Panganib: Eto sa akin! FACEBOOK: kaizenstyledalton TWITTER: dangerstyle


tapos sa tumblr, wattpad, at iba 'kong acc, katulad sa twitter. Hehehe.

Nagsabihan kami ng e-mail at password at binuksan 'ko na 'yung facebook niya.


Nakita 'ko ang messages nila ni Chienna, Skylar.. ibang friends. Nakakatamad
magscroll ng magscroll. Tinignan 'ko na lang 'yung message ni berde.

Christian Green: Sa amin gaganapin!

HA?! TEKA, ANONG GAGANAPIN?!

Kaizen Style Dalton: pangit mo

Tss!!!!
__________________________________________________________________
Too occupied because.. Tao.

=================
DS 33 ~ Sorry

DEDICATED ANG CHAPTER NA 'TO SA LAHAT NG NAKASALI KANINA SA #KikoVsPanganib Nag


enjoy ako dun. :))) Thank you!

Danger's POV
"Ewan 'ko! Mamaya na nga, magquality time muna kayo ng Christian mo!" Binaba 'ko
ang phone at hinagis sa may kama. Naiinis ako! Hindi ako nagseselos. Naiinis lang
ako kasi siya na nga tinawagan para kamustahin tapos magagalit pa siya. Nakakatuwa
ba yon?!

"Kung maka asta, ah. Kayo na ba?" Tinignan 'ko ng masama si Kiba. Nasa may isang
canteen kami at sabay sabay kaming uuwi dahil maglalaro pa kami ng baraha kela Jon.
Eh, si Estilo nakipagDATE kay Berde.

"Pake mo?" Umirap ako at sumakay sa sasakyan 'ko. Pinaharurot 'ko kaagad papunta
kela Jon at sumunod naman sila sa'kin. Pagdating doon, agad akong umupo sa may
couch.

"Mag judge ka muna." Nag abot ng judge si Lucas at umupo na rin sila. "Seloso ka
masyado, eh hindi naman kayo."

"Hindi pa kayo tinatalian mo na si Estilo." Sabi naman ni Jon. Bakit ba rhyming


'yung mga sinasabi nila? Tsaka ano daw?!

"Hindi 'ko siya tinatalian at hindi ako nagseselos. Naiinis ako! NAIINIS." Kinain
'ko 'yung judge at sumandal. Badtrip. In-off 'ko nga 'yung phone 'ko.

"Hindi daw nagseselos, anong tawag mo diyan?" Isa pa 'tong si Kiba, eh! "Alam mo,
parekoy, kung gusto mo maging sayong sayo na 'yang si Estilo, edi pasagutin mo na!
Effort naman pre."

"Hinihintay 'ko rin naman, ah."

"Hindi

kasi hinihintay ang matamis na Oo. Pinagtyatyagaan 'yan!" Papansin 'tong si Kiba,
akala mo naman napasagot niya na si Chienna eh halos saksakin na nga siya nun.
"Paano yan sasagot eh hindi mo pa naman tinatanong?"

"Oo nga, tapos hindi mo pa nga nasasabi sa kanya ni 'I like you' o kaya 'I love
you' Hindi mo siya dinederetso. Bulok ka pre! Bulok! Torpeng manliligaw!"

"Eh, kung sapakin kaya kita? Kala mo madali?" Inirapan 'ko ulit si Lucas. Kung
makapagsalita 'tong mga 'to akala mo naman, eh may napasagot na. Ako pa lang kaya
at si Kiba ang nagkakagirlfriend dito!

"Gusto mo ba o mahal mo na?" Tanong ni Jon sa'kin.

"Liligawan 'ko ba kung hindi 'ko mahal? Utak din, brad!" Kinuha 'ko ang baraha at
padabog 'kong binalasa. Asar na asar ako habang naglalaro pero agad din akong
narelax. Parang nakalimutan 'ko 'yung pinoproblema 'ko kanina. "Wooot woot, panalo
nanaman! Weak niyo talaga mga tol!" Tuwang tuwa 'kong kinuha 'yung pera nila.

"Hindi 'ko alam kung bat nakikipaglaro pa kami sayo eh madalas naman na ikaw
panalo!" Reklamo pa ni Kiba. "May duga ka 'no?"

"Duga? Hindi 'ko na kailangan nun kasi sadyang magaling lang ako! At gwapo." Dagdag
'ko pa. "Anong oras na?" Pinatay 'ko kasi phone 'ko, eh.

"9:30 PM." Sagot naman ni Jon.

9:30 PM? Gabi na pala?

"SH*T! SI ESTILO!" Kinuha 'ko kaagad ang phone 'ko at tumakbo ako papunta sa kotse
'ko. Napakagat ako sa

labi 'ko. Nakalimutan 'ko na susunduin 'ko pala siya doon sa waiting shed ng
village nung Berde na 'yun! May reunion kasi sila ngayon doon sa bahay nun.
"Umuulan." Bulong 'ko pa.

Panganib naman, napakag*go, eh! Bat 'ko kasi kinalimutan?! Masyado akong nag enjoy.

Tinignan 'ko ang cellphone 'ko na kakabukas 'ko pa lang. 56 missed calls, 123 text
messages. Lahat galing kay Estilo. Pero teka.. hindi ba ako hinahanap nila Jayden?
Tss. Sanay na sila masyado na gabi ako umuuwi, ah.

Pagdating 'ko doon, nakita 'ko na kaagad si Estilo na nakaupo, bago pa ako
makababa, tumayo na siya at naglakad palayo.

"Sh*t, wala akong payong." Pero bahala na, lumabas ako ng kotse at hinabol 'ko siya
kasi mukhang magpapara siya ng jeep.

Tinanggal 'ko ang cardigan 'ko at agad 'kong pinatong sa ulo niya. Napalingon naman
kaagad siya sa'kin.

"Sorry.. Nalate." Napakamot pa 'ko sa ulo 'ko pero siya, gulat pa rin siya na
nakatingin sa'kin.

"Nababasa ka." Sabi pa niya.

"Ahh, okay lang 'yun. Basta wag lang ikaw." Inakbayan 'ko siya at inayos 'yung
cardigan 'ko na nasa ulo niya. "Tara na."

Pumasok siya sa shotgun seat at pumasok na ako sa driver's seat. Pucha, basang basa
ako, ah. Masyado ba 'kong natagalan sa labas?

Pero okay lang na mabasa, basta tuyo si Estilo. Hehehe.

"Sorry

talaga.. Oo, aaminin 'ko na. Mali ako. Gago ako. Nakalimutan 'ko. Hindi ako gagawa
ng kahit anong excuse. Alam 'ko naman na mali talaga ako. Sorry." Yun na ang sinabi
'ko. Ayoko naman magsinungaling sa kanya na may pinuntahan o kung ano man na
pinagmumulan ng away.

"It's okay.." Pinatay niya 'yung aircon ng sasakyan at ako naman kinuha 'ko ang
tshirt 'ko at hinubad 'yung basa 'kong shirt.

Pagkatapos 'ko magpalit, nagdrive na ulit ako. "Nagdinner ka na?" Tanong 'ko.
"Yeah." Nagdinner siguro siya kela Berde. Tss. "How about you?"

"Oo naman." Pagsisinungaling 'ko. Kasi pipilitin niya pa ako na kumain sa fast
food, eh kailangan 'ko na siya mahatid sa kanila. Inaantok na ata siya.

Hininto 'ko 'yung kotse sa tapat ng bahay nila. "Hahatid pa kita papasok?" Tanong
'ko ulit.

"No. Thank you." Lalabas na sana siya pero hinawakan 'ko yung kamay niya. "Why?"

"Uhmmm.." Nahihiya ako. Hahahaha!

"What?"

"Ano.." Umiwas ako ng tingin. Feeling 'ko namumula nanaman ako. "W-wala pala, pasok
ka na." Tumango lang siya at pinanood 'ko siyang tumakbo papasok ng bahay nila.
Napabuntong hininga ako.

3 words lang, di 'ko pa masabi. Eh sa.. nahihiya ako!

***
"Gising, Kuya! Gising na!" Inalog alog nanaman ako ni Dawn. "Kasing ganda 'ko ang

umaga ngayon!" Bakit ba napaka morning person netong kapatid 'ko?! Baliktad kami!
"Yohoooo, gising naaa~"

Tumayo kaagad ako at pumasok sa banyo. Lumabas na rin kaagad ako at nagbihis.
Nilalamig ako kaya naghoodie ako, sama ng pakiramdam 'ko pero kailangan 'ko ihatid
'tong kapatid 'ko.

"Jayden, ang layo ng bahay natin sa university. Hindi ba pwedeng sa condo na lang
ako tumira?" Reklamo 'ko pa. Malapit kasi tinitirahan ni Rosas doon sa university
at palagi kaming nagkikita.

"Sige."
Huh? Pumayag siya? Di nga? Nagbibiro lang ako pero papanindigan 'ko na!

"Maglipat ka na mamaya paghatid mo sa kapatid mo, sawa na rin ako sa mukha mo."

YES!!!! YES!!!

***
"Panganib, okay ka lang?" Tanong ni Rosas sa akin habang nakapahalumbaba akong
nagsusulat. Tumango lang ako.

"Nilalagnat ka ba?" Tanong naman ni Rosas dahil magkasabay kaming naglalakad.


Nagkita kami kasi may inabot siyang notebook sa'kin.

"Hindi." Tanggi 'ko kahit feeling 'ko ang bigat na talaga ng katawan 'ko. "Uuwi ka
na?"

"Ahh, oo." Ngumiti siya. Akala 'ko tatambay nanaman siya sa library, eh. Masyado na
siyang matalino para doon.

"Saan ba bahay niyo?"

"Sa village niyo din." Nagulat ako. Seryoso siya? Wow, ha. Akala 'ko ba malapit
bahay niya sa university? "But sa condo ako nagiistay ngayon. Pero doon

ako sa bahay namin uuwi para kuhanin 'yung mga natira 'kong damit."

"Ahh, sabay ka na sa'kin?" Pag alok 'ko kasi iisa lang kami ng pupuntahan. Sumabay
na siya sa akin at nag uusap lang kami tungkol sa kung ano ano hanggang sa ihatid
'ko na siya sa bahay nila.

"Thank you, ah." Lumabas siya at ako naman ang umuwi sa amin. Nakapamulsa ako sa
hoodie 'ko at umakyat sa kwarto 'ko.

Napadala na pala nila Jayden ang mga gamit 'ko doon. Damit na lang kukuhanin 'ko
kaya nagimpake na ako. Madami dami din 'to, 'no!
"Dawn!" Tawag 'ko. Nagmamadali naman siyang bumaba. Luh?! Bakit may dala din siyang
gamit?! "Wag mong sabihing magkasama nanaman tayo sa condo unit 'ko?!"

"Duh! Hindi 'no! Doon ako sa condo unit ng friends 'ko! Kapal!" Umirap siya at
inayos na ang gamit niya.

"Sasabay ka ba?" Tanong 'ko. Sigurado naman akong parehas lang na condo ang pag
iistay-an namin.

"Of course." Nagflip hair pa siya. Pwe.

Kinuha 'ko na ang gamit 'ko at sinakay sa sasakyan 'ko, nawala na 'yung iba 'kong
kotse, ah. Baka dinala na rin ni Ricky boy. Buti naman at hindi na ako babantayan
dito! Nakakahiya kaya!

***
"Kung may kailangan ka ho, alam mo number 'ko." Sabi ni Ricky boy sa'kin bago
lumabas ng condo unit 'ko.

Wala ako sa mood papuntahin sila Kiba dito kaya binagsak 'ko na lang ang sarili 'ko
sa kama 'ko. Pagod ako kaya

nakatulog na ako.

Nagising ako dahil nilalamig ako at ang bigat ng pakiramdam 'ko. Kinuha 'ko ang ear
thermometer at chineck ang temperature 'ko.

39.5

Pero hinayaan 'ko na lang at tumayo ako papunta sa kusina kahit sobrang nanghihina
ako. Dapat talaga hindi na ako nagpaulan nung isang araw, eh.

Okay lang, atleast hindi si estilo ang nagkasakit. Hehehe.

"Bakit nga ba nasa kusina ako?" Tanong 'ko sa sarili 'ko. Eh, wala naman akong
makakain dito dahil hindi ako makapagluto. Masyado akong nanghihina. Di na lang ako
kakain.

Kumuha ako ng baso.. naalala 'ko tuloy 'yung sapatos na iniinuman. Bashoe.
Hahahahaha, bulok talaga magjoke ni Dawn. Tsk.

***
Style's POV
"Have you seen my baymax?" I asked Kiba dog. Siya 'yung nakita 'ko dito sa
university, eh. Nakakapasok pa rin ako. Ako pa. Pero 3 days na pero hindi 'ko pa
rin nakikita si Danger. What happened to him?

"Hindi, eh." Sagot naman niya sa'kin. Now where the heck is he? "Hindi rin namin
siya nakikita. Hindi kaya patay na 'yun?" Tumawa pa siya.

"BAD JOKE!" Hinampas 'ko siya at umalis. Nag aalala tuloy ako! Damn that Kiba dog!

I sent a text message to Danger, I even called him but he's not answering my calls.

"Hey!" Hinabol 'ko ang babaeng palaging kasama ni Danger. Hmp. I hate

her. "Alam mo ba kung nasan si Danger?"

"Huh?" Nagulat pa siya. "Wala siya, eh. Oo nga pala, pakidala na lang 'tong note sa
kanya. Hindi kamo ako makakapunta ngayong araw. Thank you!"

What?!! "Wait!" Hinatak 'ko ulit siya. "Bakit siya wala? And pinupuntahan mo siya?
Kelan pa?"

"Mataas lagnat niya, eh kaya ako na lang pumupunta sa condo niya para nga sa
thesis."

WHAT?! I swear, papatayin 'ko siya kapag nakita 'ko siya!


Nag iinit ang dugo 'ko kasi hindi niya naman sinabi sa akin na doon pala siya sa
condo niya nag iistay! Tapos pinupuntahan pa siya nung babaeng 'yun! At alam pa
niya na may sakit siya, ah!

Siya ba 'yung nililigawan?! UGH! Naiinis ako!!! Wala akong kaalam-alam sa


nangyayari kay Danger! Bakit ba hindi siya nagsasabi sakin?!

"Problem, my dear?" Umakbay si Sky sa'kin at halatang inis na inis ako. "Wag kang
sumimangot, Kai Kai! Ay teka, may joke akong bago! Hihi. Anong apelyido ni Coco?
HAHAHAHA."

"Martin?"

"Leyt. HAHAHAHA COCOLEYT. HAHAHAHA!" Napairap ako. Wala ako sa mood tumawa sa mga
jokes ni Sky. Para nga talaga siyang si Danger. Speaking of, nag init nanaman ang
dugo 'ko. "Anong apelyido ni Darla?"

"I'm not in the mood to-"

"Estrada. HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Ugh!" Inis akong napahilamos sa mukha 'ko.

/>

"Mukhang ang lalim ng problema mo, Kai Kai. Hahaha! Ano ba 'yun?" Buti naman at
natanong niya 'yan kasi wala talaga ako sa mood tumawa sa jokes niya.

"May sakit si Danger tapos 'yung girl na 'yun, mas alam pa niya lahat kesa sakin!
Pinupuntahan pa siya, ah! I hate them both!"

"Eh?!" Gulat na sabi ni Sky. "Baka naman hindi niya sinasabi sayo kasi ayaw niya
mag alala ka? Yie."
"Dapat sinasabi niya pa rin sa'kin!" Inayos 'ko ang bag 'ko. "Aalis na 'ko."
Pumunta ako sa parking lot at sumakay sa kotse 'ko. Nagdrive ako at bigla na lang
nagring ang phone 'ko. "Mom." Sagot 'ko sa mommy ni Danger.

{Style!}

"Po?"

{Ahh, nalaman 'ko lang kasi sa pasaway 'kong anak na mataas pala ang lagnat niya!
Hindi 'ko nga alam kung kumakain ba siya! Naku naku, hindi naman ako makapunta
dahil nagkaproblema dito sa shop. Pwede bang doon ka muna magstay?}

Kahit galit ako, napabuntong hininga na lang ako. I still need to take care of him.
"Okay po." Binaba 'ko na ang phone at dumaan sa bahay namin para kumuha ng damit.

"Where are you going?" My dad came out of his study room.

"Danger's sick."

"Oh.. I hope he'll get well soon."

Ngumiti lang ako at pinuntahan 'ko na siya sa condo unit niya. Passcode? Hindi 'ko
alam ang passcode sa condo niya pero nagtry lang ako.

/>
Triny 'ko ang 3573. Nagulat ako nang bumukas nga siya. I smiled at the thought.
Hulaan niyo na lang kung bakit 3573.

Pagkapasok 'ko, tahimik lang. Dahan dahan 'kong binuksan ang pinto ng room niya at
nakita 'ko siyang nakahiga at natutulog.

"*cough cough*" Binaba 'ko ang gamit 'ko at lumapit. He's so cute when he's sick.
He looks.. vulnerable. "Ay pu-" Napaupo kaagad siya nang makita niya 'ko.

"Aw!!!" Napahawak ako sa noo 'ko nang magkauntugan kami. "I HATE YOU!"
"Teka, sorry.. Nagulat lang ako. Hehe." Nagpeace sign siya at ngumiti. "Pero bakit
ka nandito?"

"Hi, I'm baymax, your personal health care companion." I smiled. A shy one. "I will
serve as your baymax for today." Pero sumimangot din ako. "Eto nga pala 'yung note
na pinabibigay ng babae mo dahil hindi daw siya makakapunta ngayong araw." Binato
'ko 'yung pad paper sa mukha niya.

"Huh? Babae 'ko?" Kinuha niya 'yung pad paper at tinignan. "Pakisabi, salamat."

WHAT?! PINAPAINIT NIYA TALAGA ANG ULO 'KO!

"Okay, sasabihin 'ko 'yan sa BABAE MO bukas." I emphasized the words 'babae mo'
para naman matauhan siya.

"Ikaw 'yung babae 'ko."

Ugh! Galit na nga ako bumabanat pa siya. "Ako nga ba? I think not. Kasi mas alam
niya pa ang nangayari sayo kesa sakin!"

Tumalikod ako at narinig 'ko 'yung chuckle niya. "What?! May nakakatawa?!" Humarap
ulit ako but nagulat din ako kasi nakatayo na siya sa harapan 'ko.

"Sorry." Hinawakan niya ang baba 'ko at inangat ang mukha 'ko. "Sorry na."

Hindi ako nagsalita. Galit pa din ako!

Hinalikan niya pa 'yung noo 'ko. "Sorry, nauntog ka kanina. Hehe, pero sorry din
kasi hindi 'ko pinaalam sayo. Baka kasi mag alala ka, bantayan mo pa 'ko buong
maghapon eh alam 'ko namang busy ka sa mga damit damit na 'yan."
"Danger, you used to say 'walang busy busy pagdating sayo' I feel the same!"

"Oo na nga po, sorry na nga po diba?" Hinalikan niya 'yung tungki ng ilong 'ko. "I
love you."

What?
__________________________________________________________________
Double update today kasi ang daming nangyari kanina sa twitter. Nagkaroon ng
katuwaan! Hahaha!

Nagtrend ang #KikovsPanganib 2nd spot nationwide. Tapos pati si Kuya Kevin
nagtweet, nakisali. Waaaah. Wow, proud ako sa inyo guys. Sa mga nagrequest na
ilagay 'ko sa story, itatry 'ko po~ Thank you talaga sa inyo.

Nagsimula yun sa selosan, eh. Hahaha! Nagselos si Kiko kay Panganib tapos nagreply
si Panganib tapos nagpagwapuhan na sila. Nagtrend. Thank you guys!

Twitter ni Panganib: @yelongpanganib


Twitter ni Style: @KaizenStyle

=================

Untitled Part 37

=================

DS 34 ~ Sweet

Style's POV
Namumula pa rin ako habang nagluluto ng soup para kay Danger. I love you? Bigla
bigla na lang. I was caught off-guard.

"Matagal pa ba?" Napalingon ako kay Danger na naglalakad palapit. Nakaupo ako sa
may counter at tumayo siya sa harapan 'ko. "Gutom na 'ko." Ngumuso pa siya.

He's so cute, I'm cryin.


"Huy!" Napakurap ako nang gulatin niya ako. "Iniisip mo nanaman ako, nasa harapan
mo lang naman ako. Naks! Gwapo 'ko talaga!"

"Assuming." But he's right.

"Dito ka matutulog?" Lumapit pa siya. "Doon ka sa couch. Hahahaha!"

What? This jerk. "No way!"

"Sus, gusto mo nanaman makatabi ako. Gusto 'ko din naman.." Huminto siya. "..pero
baka mahawa ka kaya ayoko."

Bakit ba ang galing niyang bumanat?! Nagiinit tuloy pisngi 'ko. Aasarin niya
nanaman ako, eh.

"Gusto kita i-kiss kaso nga baka mahawa ka kaya wag na lang. Hehehe, tara kain na
tayo. Gutom na 'ko, eh."

Wait.. what? Kiss?! Naalala 'ko tuloy 'yung ginawa 'ko dati. Nakakahiya! Medyo
tinamaan kasi ako nun kaya nagawa 'ko yun! Ugh.

Kumain na kami at humiga ulit siya para mapunasan 'ko siya. Pagkatapos, pinagbihis
'ko siya at humiga na ulit siya sa kama niya. "Matutulog na 'ko."

Hindi 'ko siya pinansin at pumasok na lang ako sa CR para magshower. Nagpalit ako
ng damit

at nagtoothbrush bago lumabas. Pinapatuyo 'ko ang buhok 'ko sa salamin habang siya,
hindi 'ko alam kung tulog siya or hindi.

Umupo na ako sa couch at inayos ang mga pillows. Hihiga na sana ako pero bigla
siyang nagsalita.

"Dito ka na, ako na diyan."


"No, you're sick. Diyan ka na lang." Ang kulit!

***
Nagising ako dahil sa may tumutusok sa pisngi 'ko. What the hell is happening?
Dumilat ako at nakita 'ko si Danger na nakangiti.

"Good morning." Inabot niya sa'kin yung rose na hawak niya at lumabas ng kwarto.
Wow, saan niya nakuha 'yung white rose na 'to? At bakit niya 'ko binigyan ng ganto?

Ngumiti na lang rin ako at nilagay sa bag 'ko 'yung rose. Sinundan 'ko siya sa
kusina at kumakain na siya ng pancakes na I think siya ang nagluto.

Lumapit ako at hinaplos ang noo niya kaya napatigil siya sa pag-kain. "May sakit ka
pa." Umupo ako sa tapat niya at kumain. Tahimik lang siyang kumakain pero nakita
'kong nangingiti siya. "Why are you smiling?"

"Wala lang.. Narealize 'ko lang na mahal kita." Tumayo siya at niligpit ang
pinagkainan niya. Namula ako pero kumain pa rin ako. What's with him? Is he okay?

Nang matapos ako, naghugas siya ng plato at ako naman inayos 'ko 'yung kwarto niya.

"Estilo, krass mo 'ko diba?" Lumingon ako kay Danger na nakasandal sa may pinto.
Anong problema

niya?

"What are you talking about?" Umupo ako sa dulo ng kama niya.

"Sus, crush mo 'ko, eh." Lumapit siya at humiga sa kama niya. "Lika, may sasabihin
ako sayo." Lumapit naman ako at bigla niya 'kong hinatak pababa kaya naglanding ako
sa ibabaw niya.
"A-ano sasabihin mo?"

"I love you kako."

"PANGANIB MAY SAKIT KA DA-"

Agad akong tumayo at inayos ang sarili 'ko nang bumukas ang pinto at nakita 'ko
doon sila Kiba.

"Ahh, wala kaming nakita." Tumalikod si Jon at umalis. Nakanganga pa rin si Lucas
at Kiba.

"Pare, wrong timing." Bulong ni Lucas.

"May sakit na nga, walang pinapalagpas." Sabi naman ni Kiba.

Nagulat ako nang may tumamang unan sa mukha niya. Tumingin ako kay Danger na
tumatawa. "Nice shot!"

"Napakasama mo! You hurt hurt me!" Binato rin ni Kiba ang unan pabalik. "You
harassed me!!"

"Ul*l." Tumayo si Danger at lumabas. Naiwan akong namumula. Sinundan 'ko sila na
nag uusap usap sa labas kaya sumilip lang ako at nakinig.

"May sakit ka pa?"

"Meron." Sagot ni Danger sa tanong ni Kiba. "Lumayas na nga kayo, mga pang gulo,
eh."

"Sus! Clingy mo tol!" Pang aasar naman ni Lucas. "Puntahan muna namin
sila Agnes sa 30th floor."

"Ge, layas!" Sinipa sila ni Danger paalis at lumingon sa'kin. "Estilo, nood tayong
movie."

Tumango na lang ako at umupo kami sa may sofa. Nagtalo pa kami kung ano talaga ang
papanoorin. He wants to watch a horror movie and I'm a coward, of course. "No, no
horror movies."

"Bat naman? Maganda nga 'yun, eh! Makakachansing ka sakin!"

"No, thanks. Kung gusto mo ng horror movie, manood ka mag isa."

"Wushu.. Sige na nga, fifty shades na lang."

Lalo akong napanganga sa sinabi niya. "NO WAY!"

"Hahaha, ayaw mo ng horror tapos ayaw mo ng love story. Ano ba gusto mo? Action
movie? Boring naman nun." Love story talaga ang habol niya sa FSOG? If I know, tss.
"Ano gusto mo panoorin?"

"If I Stay."

Tumango naman siya at nagstart na 'yung movie. Tahimik lang akong nanonood at
hinahanda 'ko ang sarili 'ko because sabi nila Chie nakakaiyak daw 'to.

Habang pinapanood 'ko siya parang nakikita 'ko ang sarili 'ko sa kanya. I also
wanted to die.. Iniwan din ako ng boyfriend 'ko at siya wala nang family, ako meron
nga, magulo naman.

Lumapit si Danger at inabutan ako ng panyo. Tumingin ako sa kanya pero nakatingin
lang din siya sa screen. "Kita mo? Maraming nagmamahal sa kanya. Sayo din. Isa na
'ko."

Ngumiti lang ako at pinunasan 'yung luha

'ko hanggang sa matapos iyak lang ako ng iyak. Damn, I'm embarrassing myself in
front of him.
"Iyak ka pa din ng iyak." Natatawang sabi niya habang pinupunasan 'yung luha 'ko.
"Shhh, tahan na, huy."

"I just.. I see.." I sobbed.

"Alam 'ko." Pinunasan niya ang luha 'ko. My eyes widened when I felt his lips on
mine. "Love you." Ngumiti siya at tumayo para kumuha ng tubig.

Sweet, he's too sweet. I like it.

***
Weeks passed by.. Mas naging busy ako kasi naghahanda ako para sa work 'ko, same as
Danger. But I have a good news!!! "DANGER!" Tinawag 'ko siya at tumakbo ako
palapit. Napayakap ako at nagulat naman siya.

"Estilo, bakit?"

"Good news!" Ngumiti ako at binitawan siya. "Hindi na magdidivorce si Mommy at


Daddy!" Halos maiyak ako nang malaman 'ko yun. They're doing it for me. They're
trying.

"Talaga?!" Nagulat din siya. "Good for you."

"I know right!"

"Tinext ako ni Mommy.. mo." Ngumiti ako. "Pumunta daw ako sa studio. I don't know
why."

"Oh? Hatid na kita." Hinawakan niya ang kamay 'ko at sumakay kami sa kotse niya.
Dala niya 'yung camera niya nanaman. Nakarating kami kaagad sa building ng Shadows
at nagelevator kami papunta sa may studio.

"Nandito na pala sila." Tumayo si Mommy ni Danger.. Tita na lang para hindi malito.
"Glad

you're here too, Danger."

"Ano meron?" Tanong ni Danger.


"Nagustuhan 'ko 'yung designs ni Style, and I prefer na siya talaga ang magmomodel
ng mga ginawa niya. Nandito na ang sample. And Danger.. ikaw muna photographer 'ko,
okay?"

"Huh?/What?" Sabay kaming nagsalita.

"I'm sure naintindihan niyo naman. Lika, Style. Tignan mo 'yung sample." Lumapit
ako at tuwang tuwa 'kong tinignan 'yung mga damit. Designs 'ko.. T^T "Size mo
talaga 'yan. Suotin mo dali."

Pumunta ako sa dressing room at sinuot, may make up artist na nag ayos ng buhok at
make up 'ko. Whoa, I wasn't expecting this one.

Pagkatapos ako ayusan, I looked at myself in the mirror. Jeez, I look.. fab.

"Waaah! Dyosa!! Magkamukha na tayo!" Lumapit si Tita at hinawakan ako sa balikat.


Tinignan niya 'ko tsaka yung suot 'ko. "Ikaw muna ang model 'ko, okay? You look
gorgeous, baby Style."

"Jayden paano ba 'to-" Napatigil si Danger at tinignan ako. "Uy, Estilo, ikaw pala
'yan. Akala 'ko artista. Hahaha!"

Siniko 'ko siya.

"Doon ka na, Style." Pinatayo nila ako sa gitna na may white background at may
lightings pa. It's not my first time modelling but why do I feel so shy?

Maybe because Danger's the photographer. "Estilo, umayos ka nga. Bat namumula ka?"

/>
"Mom! Patalsikin niyo 'yung photographer. Masungit, eh!" Reklamo 'ko kay Tita.

"Naiinlove lang 'yan sayo."

Umayos na ako at umupo sa may bench na prinovide nila para doon ako magpose.
Nagstart na 'ko at paminsan minsan, may lumalapit sakin para iretouch at ayusin ang
buhok 'ko. Papalit palit na rin ako ng damit.

"Ano ba 'yan! Ang ikli naman!" Reklamo ni Danger. "Ayoko! Hindi 'ko 'yan kukuhanan
ng shot! Ayoko makita ng buong sambayanan na suot mo 'yan."

"Sisipain kita, Danger, umayos ka! Masyado kang possessive!" Sabi ni Tita. Ang ikli
nga naman kasi ng short 'ko at medyo exposed 'yung cleavage 'ko. Nakakahiya.

"Eh, ayoko nga, eh! Magpalit ka! Ayoko niyan." Sabi niya sa'kin.

"No, hindi ka magpapalit. Style, suotin mo na 'yung heels then magpose ka na diyan
sa white block." Sinunod 'ko si Tita at pinatong 'yung right foot 'ko na may heels
sa block.

"Wag mo ipatong legs mo diyan, naeexpose masyado!" Reklamo nanaman ni Danger.

"What do you want me to do?!"

"Umupo ka diyan tapos takpan mo 'yung dibdib mo para maganda."

"WHAT?!"

"Wala, bahala na. Dalian mo, nagugutom na 'ko."

Wow, anong klaseng photographer ang magrereklamo ng ganyan?!


Pagkatapos ng photoshoot, nagbihis na ulit ako at binigay na sa'kin ni Tita 'yung
mga damit na ako ang nagdesign. "You're a great designer, Style."

Waaa, I blushed. "Thanks, mom."

"Nasabi 'ko na kung kailan ka magstart right?"

"YES, THANK YOU!!!" I hugged her and she hugged me back. Yes, kay Tita ako
magtatrabaho. Nagustuhan niya kasi 'yung designs 'ko. Actually, nag uusap kami ng
hindi alam ni Danger.

"Danger, tapos na ang photoshoot kinukuhanan mo pa rin ng picture si Style."


Napabitaw ako at tumingin kay Danger.

"Hindi kaya." Tanggi niya. "Tss, tara na nga, Estilo."

"Doon ka matutulog sa condo niya?" Tanong ni Tita.

"Opo, Foundation Day ng university nila." Ngumiti ako at hinatak na kaagad ako ni
Danger.

He's still whining about that little 'exposure' that I did a while ago. "Ikli ikli,
sana nag bikini ka na lang."

"Bat ba inis na inis ka diyan?"

"Tinatanong pa ba 'yun? Ayoko makita ng ibang lalaki 'yung legs mo o kaya 'yang
cleavage mo. Ayokong pagpantasyahan ka ng iba o kaya bastusin ka ng iba diyan.
Ayoko nun kaya sorry, hindi 'ko isesend kay Jayden 'yung shots mo na suot mo 'yung
lintek na damit na yon."

Nauna siya maglakad. Naiwan akong nakangiti.


__________________________________________________________________
Walang kwentang update for all of you. Lol~ Medyo hindi 'ko na edit kasi
nagmamadali ako kaya pag may mali, sorry na, ha? Inulit 'ko kasi 'to, eh.

=================

DS 35 ~ Free Hugs

I-load na ang kantang "Mad" ni Ne-yo. <3

By the way, hello #frostfam <3


Danger's POV
"Kabagot." Bulong 'ko habang kumukha ng litrato. Foundation Day ngayon at umattend
kami dito kasi masaya 'to, 'no. Nandito rin si Estilo, hindi niya naman sinabi sa
akin na university pala 'to ng tatay niya!

Mamayang gabi may party mga students.

Kinuhanan 'ko ng picture 'yung may posas na lalaki at babae na nahuli ng marriage
booth. Hahahaha, paano kaya nila nahahanap eh ang laki ng university tapos ang dami
pang tao? Kakaiba rin. Sabagay, nandito lang naman kami sa may center.

"Hala, Danger! Nadikitan ka!" Nanlaki ang mata 'ko sa sinabi ni Rosas. Napatingin
ako sa suot 'kong t-shirt.

"Sh*t."

"Takbo, Danger!"

Agad akong tumakbo palayo sa mga babaeng humahabol sakin. Nadikitan ako ng free
kisses at free hugs putaena nung nagdikit sakin nun! Magkamatayan na pero hindi ako
magpapakiss sa mga babaeng 'yan.

Pilit 'kong tinatanggal ang sticker na nakadikit sa manggas ng shirt 'ko. Eto na
nga ang sinasabi 'ko. Mahirap matanggal 'to kaya hangga't di pa natatanggal, pwede
pa 'yang free hugs at free kisses na 'yan!

Harassment 'to!!
"WAAAA DANGER WAG KANG TUMAKBO PAPSI!!!"

Pucha, naisipan 'ko magtago sa CR ng lalaki pero may mga bakla din palang humahabol

sa'kin. Bakit ba kasi napakagwapo 'ko?! Bat kaya hindi kasama si Ricky Boy sa mga
tumatakbong 'yan?

Isa rin ako sa mga prizes sa iba't ibang booths. Napakagwapo 'ko talaga. Buti
pumayag si Estilo doon. Hehehe. Selosa 'yon, eh.

"FAFA DEYNJEEEERRRR!!!!"

Ayaw talaga matanggal!!! Lintek, ano bang pinangdikit dito?! Mighty band?!
Superglue?! Kanin?! Kulangot?! Pucha.

Napamura ako. Dead End. Nagsign of the cross na ako dahil umayos na sila ng pila sa
harapan 'ko. Oo, kailangan nakapila. Umabot hanggang doon sa may labas 'yung pila.
Iba talaga ang kamandag 'ko! Hoo! Gwapong Danger!

"Hugs lang, walang kiss, ha!" Sabi 'ko.

"Awwwww.." Sabay sabay na sabi nila. "Pwede sa cheeks?!" Sabi naman nung isa.

"Oo nga! Walang KJ!" Kantyaw din nung isa.

Napabuntong hininga ako. "Cheeks lang. Wala sa lips." Kay Estilo lang 'to!

Lumapit na sa'kin 'yung nasa unahan at niyakap ako. Nagpipicture picture pa sila at
wala akong magawa kundi ngumiti na lang sa camera. "Hihihi, ang bango bango!"
Inamoy pa ako nung isa.

Jusko, paano?! Tulungan niyo naman ako dito! Wag na pala, baka makisali lang rin
kayo. Gwapo 'ko talaga!

"GUYS, FREE HUGS AT FREE KISSES PO KAY DANGER JAIRUS FROST. UULITIN 'KO. FREE HUGS
AT FREE KISSES KAY DANGER JAIRUS FROST. NANDOON PO SIYA SA UNANG BUILDING. PUMILA

NA PO KAYO HAVE FUN!!!"

Napamura ako lalo nang i-announce ni Kiba sa buong mundo na nadikitan ako ng free
hugs at free kisses!!! Mas lalong dumami ang nakapila dahil kilala nila ako. Gwapo
kasi!

Deh, isa ako sa university crushes.

"Waaa! Fafa Deynjer! Tingin ka naman sa camera!" Sabi ng baklang nakayakap sa'kin.
Ngumiti lang ako at tumakbo na 'yung next. Tumalon siya at yumakap sa'kin kaya
muntik na kami matumba.

"SHET SHET SHET ALAM MO BANG ANG GWAPO GWAPO MO KAHIT FINEFAVORITE-ZONE MO LANG AKO
SA TWITTER!! TSAKA KAHIT HINDI MO AKO FINOFOLLOWBACK! AT KAHIT INIISNOB MO ANG
TWEETS 'KO! MAHAL NA MAHAL PA DIN KITA!!" Pagfafangirl niya. Mabilis niya 'kong
hinalikan sa pisngi at umirit irit. Ang sakit sa tenga. "WAAH! PWEDENG BUMALIK ULIT
SA PILA?!"

"Dalian mo na diyan, Ate! Naghihintay kami!" Sabi nung isa. Umismid siya at umalis
na. Pagod na pagod na ako kahit nakatayo lang ako at pinagsasamantalahan nila ang
katawan at pisngi 'ko.

"Pipila pa ba ako?"
Napalingon kaming lahat kay Style na tumatawa. Nakasandal siya sa may pader.

"Oo naman, Ate! Pila ka!" Sabi nung isa.

"Oo nga! Unfair kaya 'yun!"

"Sino ba 'yan?"

Ngumiti lang ako nang lumapit siya at niyakap ako sa bewang 'ko. "Tanggalin mo na
nga 'to." Dahil nga inis siya, ginamit niya ata

lahat ng kapangyarihan niya para matanggal 'yung sticker na 'yun.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAA!! WALA NA?! HINDI AKO NAKAABOT!!" Reklamo nila.

Nilukot ni Estilo ang papel at tinapon. Hinawakan 'ko 'yung kamay niya. "Saan ka
galing?" Tanong 'ko.

"Uhhh.." Umiwas siya ng tingin.

"Ano?"

"Uhmmm.."

"Ano nga?!"

Tumalikod siya at pinakita sa'kin na may sticker rin siya. PUTANG-!!! Saka lang nag
sink in sa'kin nang mapabitaw siya at tumakbo paalis kasi sinusugod na siya ng mga
lalaki.

"Sino bang in charged diyan sa lecheng free hugs at kisses na 'yan?!" Reklamo 'ko
pa.
"Your friend. Lucas." Napalingon ako kay Agnes.

"PATAY SIYA SA'KIN!"

Hinubad 'ko ang camera sa leeg 'ko at inabot kay Agnes. "Sayo muna, balikan 'ko
mamaya." Naglakad na ulit ako at hinanap 'ko kung saang lupalop na napunta si
Estilo.

"ATTENTION EVERYONE! ATTENTION!! NADIKITAN HO NG FREE KISSES AT FREE HUGS SI KAIZEN


STYLE DALTON FROST. AY JOKE. KAIZEN STYLE DALTON HO. ANAK NG MAY ARI NG UNIVESITY.
MAGANDA 'YAN! FREE HUGS AT FREE KISSES. NASA CENTER HO SILA AT NAKAPILA NA. GO GO
GO SA GLOBE!"

Minura mura 'ko sa isip 'ko si Kiba na nag announce nanaman! Nakakaasar na 'to, ah!
Susunugin 'ko lahat ng pesteng stickers na 'yan makita nila!

Naglakad ako papunta sa center at nakita 'ko na kaagad ang mahabang pila.

"Shet tol, pagkakataon na natin 'to!"

"Wala na akong pakealam kung susungitan niya ako! This is it!"

"Kahit yakap lang, sapat na ako dun!"

Sumimangot ako at pinanood 'ko si Style na awkward na nakangiti habang payakap


yakap na lang sa kanya 'yung mga lalaki at nagpapahalik din siya sa pisngi!

Nakakabwisit. Subukan lang nila mang chansing, lilipad sila sa kabilang planeta!
"Panganib! Ano? Pagod ka na ba?" Lumingon ako sa tawa ng tawa na si Lucas. Lumapit
ako para sana sapakin siya. "UY, KINISS SA LIPS!!!" Agad akong napalingon kay
Estilo pero pagharap 'ko, wala na si Lucas.

Nakatakas ang siraulo.

Lumapit ako kay Estilo na hinalikan nung lalaki sa pisngi. Pumunta ako sa likod
niya at napansin niyang tinatanggal 'ko 'yung sticker. "Why?"

"Anong why? Malamang ayoko magpayakap at pahalik ka diyan sa mga 'yan." Sabi 'ko pa
habang tinatanggal. Hinarap 'ko siya sa'kin at hinawakan 'yung baba niya. Hinalikan
'ko siya at nagulat naman ang mga tao.

"Hala, pwede sa lips?!"

"Duga!!"

"Si Danger pala 'yun?!"

Tinanggal 'ko muna 'yung sticker bago 'ko siya binitawan. Nilabas 'ko ang panyo 'ko
at pinunasan 'yung pisngi niya.

"PDA!!!" Sigaw naman ni Jon. Tinignan 'ko siya ng masama. "Uy, may kababalaghan na
nangyayari sa marriage booth. Tignan niyo!"

Agad naman kaming naglakad papunta sa marriage booth. Tawang tawa ako, naririnig
'ko pa lang ang sigaw ng dalawa.

"SINO BA KASI NAGLISTA SAKIN DITO?! AYOKO NGA PAKASALAN 'YANG ASO NA 'YAN!"
"KAPAL NG MUKHA MO, KALA MO GUSTO KITA PAKASALAN?! SI CHIENNA BABES LANG ANG GUSTO
'KO PAKASALAN KAHIT SA TOTOONG PARI PA!"

"TINATANONG 'KO?!"

"SAGOT BA 'YON SA ISANG TANONG?!"

"NAKAKADIRI KA! MAGKANO BA IBABAYAD 'KO PARA HINDI AKO MAKASAL SA SIBERIAN HUSKY NA
NAGSASALITA?!"

"Dawn and Kiba. Hahahaha!" Tumawa rin si Style na nasa tabi 'ko.

"Ikaw naglista 'no?" Tanong 'ko kay Jon.

"Hindi ako. Si Skylar. Hahahaha!"

***
"Panganib! Green 'yung kuhanin mo para patay ka!" Sabi ni Kiba habang pumipili kami
ng glowsticks na kukunin. Sabi 'ko naman sa inyo na may party ngayong gabi.

Green - single at gusto makipaglandian.

Red - In a relationship. Off limits.

Blue - in a relationship pero gusto pa din makipaglandian #mgamalalandi

Purple - single at naghahanap ng kausap o kaibigan

Yellow - it's complicated

"San 'yung

red?" Tanong 'ko. Inabutan naman ako ni Lucas ng red na glowstick.

"Tsk tsk. Inlove ka na talaga!" Sabi naman ni Jon. Binatukan 'ko nga. Ang kinuha ni
Kiba, Yellow. Kay Jon at Lucas, green. Ang lalandi talaga!
Tinaas 'ko ang camera 'ko at kinuhanan ng litrato ang mga taong pumipili ng glow
sticks. "Tara na brad, rakrakan na!" Pumunta kami doon sa ground at nagsasayawan na
ang mga tao doon.

Ayoko sumayaw, mainlove pa sila. Hehehe, dancer si Dash dati kaya marunong din ako
sumayaw 'no.

"Nakita mo si Estilo?" Tanong 'ko kay Kiba kasi sumama siya kela Chie kanina, eh.

"Hindi, eh. Baka kumukuha ng drinks." Sabi ni Kiba habang may hawak siyang alak sa
kamay niya. Ako rin, meron. Libre, eh.

Umiinom lang ako habang nagsasayawan 'yung nasa paligid 'ko. Maya maya tumunog na
ang "Miss Independent" ni Ne-Yo kaya naglandian na ang mga tao sa paligid 'ko. Tsk.

"Sagwa niyo." Sabi 'ko kay Kiba, Lucas at Jon na nagsesexy dance dahil slow beat.

"Inom, Panganib! Para malasing ka at makasayaw ka na!" Sabi pa ni Kiba sabay inom
ulit.

Nag one shot ako at tinapon 'ko na ang plastic cup. Uminom ulit ako ng isa pang
baso para mas lalong uminit pakiramdam 'ko. Tsaka para hindi ako kabahan sa
mangyayari mamaya.. Alam na.

Walang lumalandi sa akin kasi red ang glowstick 'ko. Loyal ata 'to. Baka sapakin
ako ni Estilo kapag

kinuha 'ko 'yung blue na glowstick.

Pagdating 'ko "One In A Million" na ni Ne-yo. Yung totoo? Fan? Siyempre, inenjoy na
namin nila Kiba. Nagtatawanan kami habang nagsasayaw. Nakainom na ako kaya buhay na
buhay na 'ko. Tanggal na 'yung hiya sa katawan 'ko.

"Ho! Ho! Ho! Ho!" Kantyaw namin kay Lucas habang nakataas ang kamay at paulit ulit
na binabababa. Nagtumbling ang loko. Hahahaha!

"Na expose ang abs 'ko." Sabi pa niya sabay kindat. Landi talaga. "Panganib,
hinihintay ng kababaihan ang famous hip thrust mo. Hahaha!"

Tumawa ako at ako naman ang kinantyawan nila. "Ho! Ho! Ho! Whoooo!!!" Bumaba ang
kamay 'ko at nakatatlo akong hip thrust mga tsong.

"AAAAAAAAH!!!! I LOVE YOU DEYNJER!!!"

"PANAGUTAN MO AKO!!!"

"JUNTIS NA AKO MGA BAKLA!! HUHUHU!"

Natatawa na ako sa mga pinag gagagawa namin, padami na kami ng padami na


nagkakantyawan dito sa gitna.

{Play the music. Mad by Ne-yo.}

"Oh mga single diyan, may crush, may nililigawan, may boyfriend o girlfriend!
Pagkakataon na para magtapat! Pagkakataon na para masabi sa kanila na gusto niyo
sila!"

Nagiba ang music. Naging "Mad" na ni Ne-Yo. Kanya kanyang hanap na sila sa mga
crush nila. Ako? Ewan 'ko, nawawala si Estilo kanina pa.

"Danger! Ikaw ang crush 'ko!"

"Danger!

Mahal na mahal kita!"

"Akin ka na lang!"
Ngumiti lang ako sa mga nagtatapat sa akin. Lumingon lingon ako sa paligid at ang
dami nang nagcoconfess.

Nawawala 'yung mahal 'ko.

"KYAAAAAAAAA! SI STYLE BA HINAHANAP MO?!"

"BAGAY TALAGA KAYO!"

"ANG CUTE NAMAN!"

"Ehem! Kaizen Style Dalton, hinahanap ka po ni Danger Jairus Frost. Nasa may center
ho siya. Again, Kaizen Style Dalton. Hinahanap ka ni Danger."

Kaya pala nawala si Kiba, nag announce nanaman. Nakakahiya 'yung ugok na 'yan!

May kumalabit sa'kin kaya napalingon ako. Ngumiti kaagad ako nang makita 'ko si
Estilo. "Hanap mo 'ko?"

"Oo." Hinatak 'ko siya palapit. Lalo akong natuwa nang makita 'kong hawak niya ang
red na glowstick. Buti naman at hindi niya kinuha 'yung Green o kaya Purple.
"Hanapin daw 'yung nililigawan, eh."

"Ahh, nandoon kasi ako sa kabilang side, kumakain kami nila Chie. Kanina pa kita
pinapanood." Tumawa siya at namula naman ako. Ano bang kahihiyan ang ginawa 'ko
kanina? "Dancer! Hahaha!" Pang aasar pa niya.

"Sus, nainlove ka nanaman." Ngumisi ako.

"Baka ikaw!"
"Oo. Inlove ako sayo."

"I know right." Ngumiti ulit siya

at lumapit ako lalo sa kanya. Dahan dahan akong lumuhod sa harapan niya, halata
namang nagulat siya. "W-what are you doing?"

Hoo. Uminom ako ng madami para magkaroon ng lakas ng loob gawin 'to.

"Style." Tawag 'ko. "Nakakahiya 'tong ginagawa 'ko pero dito 'ko gagawin sa harap
ng maraming tao para malaman ng buong bayan na mahal kita."

"What?"

Kinagat 'ko ang labi 'ko para pigilan 'yung ngiti 'ko kasi natatawa ako sa reaction
niya, eh. Pero kinakabahan din naman ako.

"Hindi ako 'yung taong magrerent pa ng helicopter na may banner. Hindi rin ako
'yung taong bibili ng fireworks na may words. Hindi ako 'yung taong kakausapin ang
mga kaibigan at mangsosorpresa sa rooftop. Hindi rin ako 'yung taong bibili ng
illustration board o kaya cardboard at ipapakita sayo mula sa taas. Hindi ako 'yung
taong bibili ng isang bouquet ng roses. Hindi ako 'yung taong gagawa ng pattern na
gawa sa petals ng roses. Hindi ako 'yung taong gagawan ka ng letter. Hindi ako
'yung taong magpapaprint ng pictures o kaya bond paper na may letra bawat papel.
Hindi ako 'yung taong mahilig sa surprises. Sapat na sa'kin ang isang papel at
audience, kasi sigurado naman ako na alam mo ang nararamdaman 'ko sayo. Naks,
lalim."

Inabutan 'ko siya ng papel. Binuksan niya naman. Nakalagay doon ang 'Will you be my
girlfriend' at sa baba nun may choices.

A) Yes
B) A
C) B
D) C
E) Ibulong na lang kapag No. Nakakahiya.

"Madaming choices na 'yan, ha." Napakamot ako sa ulo 'ko. Nakakahiya naman 'to.
"Pumili ka ng maayos. Kinakabahan ako, eh."

"May choice pa ba ako?" Ngumiti si Style. "Letter D for Danger."

Huh? Totoo?
__________________________________________________________________
CREDITS TO @SPOKENHEARTBEATS SA NEW COVER NG DANGER'S STYLE. <3

Btw, may nagbabasa bang lalaki neto? Commeeent!

=================

DS 36 ~ Epic

Hello fangirls ni Panganib!! #FNP


Style's POV
"Hoo, galing 'ko talaga! Dabest talaga ako!" Nilapag ni Danger ang laptop niya.

Nandito kami sa bahay nila para magdinner ang family ni Danger at ang family 'ko.
Yup, after 2 weeks, nalaman na nila Daddy na kami na ni Danger. So legal kami.
Nagstart na rin ako magwork sa Shadows.

Dumapa siya sa kama at naglaptop. Pinagpatuloy niya 'yung page edit ng mga pictures
'ko. Palagi na akong nagpapasa ng new designs at nagmomodel sa Shadows. Natutuwa
naman ako sa ginagawa 'ko lalo na't si Danger ang kumukha ng pictures 'ko.

"Ganda mo 'no?" Ngumiti siya habang nag eedit ng pictures 'ko. "Sexy mo din pero
dapat ako lang magsasabi sayo non." Umismid siya at pinagpatuloy ang pag e-edit.

"Duh." Umirap ako at sinuot na ang heels 'ko. Bumaba na kami para magdinner. Kung
ano ano na nga napag uusapan nila Tita tsaka nila Daddy kaya nao-op kami nila Dawn.
Usapang matanda eh hanggang sa napunta sa amin ang topic.
"Ready ka na ba magka-apo, Dash?" Tanong ni Daddy. Parang gusto 'ko ibato 'yung
kutsara 'ko. Nakakahiya! Ano bang sinasabi niya?!

"Ako, ready. Si Jayden, hindi pa." Tumawa naman si Tito.

"Of course, kailangan muna humanap ni Danger ng trabaho bago siya bumuo ng family."
Sabi naman ni Tita. "Alam mo naman 'yang anak mong pasaway."

"Hahaha! But he's handsome naman." Sabi ni Mommy.

Napairap

tuloy ako. "Irap ka diyan?" Reklamo ni Danger. "Totoo naman, ah. Gwapo 'ko kaya!
Diba Ma?" Kumindat pa siya sa Mommy 'ko.

"Look at him. He's so cute." My mom giggled at the thought. Ew.

"Buti pa ibang magulang tinatawag mo ng Ma, sarili mong nanay pangalan lang." Sabi
naman ni Tita.

"Wushu, Jayden. Wag ka ngang ano."

Nag asaran pa sila doon. Well, ganto ang pamilya nila, eh. It's funny and adorable.
Minsan naiisip 'ko, nagkakaproblema din ba 'yung family nila? Parang almost perfect
na, eh.

Kaya ngayon, nandito kami sa kwarto ni Danger. Tinanong 'ko na ang naiisip 'ko.
"Danger, ang perfect ng family niyo 'no?"

Hindi niya inalis 'yung tingin sa screen ng laptop niya. "Hindi din."

"Nagkakaproblema din ba kayo?"

Sumeryoso 'yung mukha niya. Okay.. I think may nasabi akong mali.
"Sorry, wag mo na sagu-"

"Meron. Sobrang malalang problema." Ngumiti ulit siya pero mukhang may nasabi
talaga ako na nakapagpaseryoso sa aura niya. "Kung alam mo lang.."

"Kung alam 'ko ang?"

"Wala."

He's hiding something about the past. The reason why he likes taking pictures of
children. That reason, I need to know.

But not now. He's not in the mood.

***
Inayos 'ko ang gamit

'ko para makauwi na. Pumunta ako sa lobby ng condo ni Danger.

"Okay." Nakita 'ko siyang kausap nanaman 'yung girl na 'yun. Jill. I think her name
is Jill.

"Sige. Salamat, Rosas." Tumalikod na si Danger para umalis at nagulat siya nang
makita niya 'ko pero ngumiti rin siya. "Babe."

Babe? Since when kaming nagkaroon ng endearment? "Anong pinag uusapan niyo?"

"Wala, selos ka nanaman." Inakbayan niya ako at hinalikan sa pisngi. Clingy af.

"Napapadalas." Umirap ako at tinanggal ang akbay niya sa'kin. That girl is too
obvious! He likes my boyfriend. Girl instincts, alam 'kong nasa loob ang kulo niya.
Hate that girl so much and as usual, my boyfriend is too insensitive to realize
that.
"Huy, galit ka ba?" Hinabol niya ako at hinawakan ang kamay 'ko.

"No. I'm hungry." But of course, I won't let that girl make a move on Danger. I'll
kill her.

"Ahh, sige. KFC na lang tayo para makauwi ka ng maaga."

***
"Jillian Amanda Rose.. Hmmm.." Tumango tango si Skylar habang naghahalungkat ng
class pictures noong high school. I didn't know na magkakaklase sila nila Lucas.

"This is her facebook account right?" Sabi naman ni Chienna na nakaharap sa laptop
niya.

"Nerd." Sabi naman ni Agnes.

Obviously, we're stalking Jillian Amanda Rose. That freaking nerd who likes my
boyfriend.

Kinikilala 'ko ang ugali niya para aware ako kung ano talaga siya.

"Nerd but she's pretty." Sabi ni Chienna.

"FOUND IT!!!" Pinalibutan namin si Skylar na may hawak na picture sa left hand
niya. "Ohmygosh, she's that.. fat nerd back then. Ugh." Umirap si Sky at inabot sa
amin 'yung picture. "Obviously, palagi kaming magkasama ni Danger dati because..
Uhm.. I'm helping him."

Helping?

Itatanong 'ko na sana pero bigla ulit siyang nagsalita. "May crush siya kay Danger
pero dahil nga walang pake si Danger dati sa mundo, hindi siya napapansin. Triny
niya kausapin ng dalawang beses pero ang sabi ni Danger. 'Sino ka ba? Anong
pangalan mo?' Lol palagi niyang nakakalimutan!" Nag evil laugh si Sky.

"So obsessed stalker?" Tanong ni Agnes.


"Not really.. But to think na parehas sila ng university ni Danger tsaka parehas pa
ng course.. Coincidence ba yun?" Ngumiti si Sky. "Tsaka pwede namang gawin lang mag
isa 'yung thesis bakit gusto pa ni Jillian sabay sila? That pathetic b*tch."

"You mean.. hindi talaga dapat sabay 'yun?!" Reklamo 'ko. "WHAT THE HELL IS SHE-"
Tinakpan ni Chie ang bibig 'ko.

"Relax, girl. Bantayan mo na lang si Danger.. you know.. Baka masyado na siyang
napapalapit." Ugh, Chie.

"I hate her!" Nagcross arms ako. "I really hate her. Hindi maganda kutob 'ko sa
kanya. She loves my boyfriend."

/>

"Hmmm, I heard pa na may lakad sila ni Panganib bukas. Narinig 'ko sa lobby
kanina." Napatingin ako kay Sky.

"WHERE?!"

"Mall? 11 AM daw, eh."

Sumingkit ang mata 'ko. "Get ready, girls.." Screw her!!! I will make her
nightmares seem like the happiest place on Earth.

***
*the next day*

"I need to pee!" Reklamo ni Agnes. Tinakpan naman ni Sky ang bibig niya habang
nakasilip kami kay Danger at Amanda na nagtitingin ng damit.

HOW DARE HE!!! SA SHADOWS PA TALAGA!!

I'm almost tempted to beat the living sh*t out of that woman but Sky's preventing
me to do it. My hands are itching! That man has a girlfriend for Pete's sake!
"Omg! Si Danger ang magbabayad?" Napatingin kaagad ako sa sinabi ni Chie. Wow,
Danger.. Wow. Ano bang ginagawa nilang dalawa?!

Nagtago kami at sinundan ulit sila. Para kaming mga ninja.

"Oooh, bumibili ng contact lens." Bulong ulit ni Chie. Pinanood 'ko lang sila
magtawanan at magngitian doon habang pumipili ng contact lens.

Konti na lang, tutusukin 'ko na 'yung mata ng Amanda na 'yan para hindi na siya
mangailangan ng contact lens. Tutal, bulag na siya!

"Ohmygosh, she's pretty!" Sabi ni Agnes. Wow, kaya pala nagpasama sa mall si Amanda
para magpamake over. Nangsasama pa siya ng boyfriend ng iba. For what? To impress
him? NO WAY.

/>

"Ganda mo na, Rosas." Nag init ang dugo 'ko nang sabihin 'yun ni Danger.

"I can't take it anymore." Galit na bulong 'ko.

"Calm down, Style. Sundan ulit natin sila, pumasok sila sa restaurant!" Hinatak ako
ni Sky at pumasok din kami sa restaurant na pinasukan nila. Doon kami pumwesto sa
bandang likod nila at nagtatago kami sa menu.

What am I doing? Spying on my boyfriend?

Ugh. Kinuha 'ko ang cellphone 'ko at dinial 'ko ang number niya. Pinanood 'ko siya
na sagutin 'yung tawag 'ko.

{Estilo?}
"Where are you?" Nakatitig ako sa pwesto nila.

{Nasa mall po. Bakit?}

"Bakit ka nandiyan?" Subukan niyang magsinungaling, hinding hindi 'ko siya


kakausapin.

{May sinamahan lang..} Halatang natetense na siya.

"Sinong sinamahan mo?"

{Kaibigan.}

JUST SAY 'JILLIAN AMANDA ROSE'!!!

"Sinong kaibigan?"

{Estilo, imbestigador ka ba? SOCO? Interview ba 'to? Bat ka ba tumawag? May


nangyari ba sayo?}

He's good at changing the topic, huh?

"Are you with Amanda?"

{...Huh?}
"You heard

me."

{Ano ba sinasabi mo? Sinong Amanda? Hindi siya 'yung kasama 'ko.}

Pinatay 'ko agad 'yung tawag at tumayo. That's it. I'm done. I'm so done with their
bullsh*ts.

Pumunta ako sa table nila at nagulat naman si Danger. "Have a nice date." At saka
ako naglakad paalis.

Danger's POV
"Ay pu.." Napasapo ako sa noo 'ko at sakto namang dumating si Rosas. "Ikaw ba si
Amanda? Amanda ba pangalan mo?" Tanong 'ko.

Eh, sa nakakalimutan 'ko nga pangalan niya, eh! Malay 'ko bang siya 'yung Amanda na
tinutukoy ni Estilo. Nakapag sinungaling pa tuloy ako ng hindi oras, eh!

"Jillian Amanda Rose."

Tumayo ako. "Ahh, mauna na 'ko." Hinawakan niya 'yung kamay 'ko.

"Where are you going?"

"Girlfriend." Tinanggal 'ko ang kamay niya at tumakbo palabas. Hinanap 'ko si
Estilo. Sa dami ng tao, hindi 'ko na alam kung nasaan siya. Lintek! Kahit naman
sabihin 'ko na kasama 'ko si Rosas ganto pa din magiging reaksyon niya.

Sinubukan 'ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot. Tumingkayad ako at hinanap
'ko ulit siya, saan bang lupalop napunta 'yun?
Lakad lang ako ng lakad at napahinto ako nang magkabunggo kami ni Estilo sa may CR.
"Don't touch me!" Tinaboy niya ako pero hinawakan 'ko ulit 'yung kamay niya.

Alam 'kong nakakasagabal

na kami sa mga taong pumapasok sa CR pero wala akong pakealam.

"Paano ba ako magsisimula?"

"Don't f*cking start!" Pilit niyang inaalis ang hawak 'ko. Ayoko naman na masaktan
siya kaya binitawan 'ko na lang.. Hay. Ang hirap pa naman suyuin neto. "Get out of
the way."

"Mag e-explain ako, sandali lang naman." Pagmamakaawa 'ko. Ayoko talagang nagagalit
siya.

"I said, get out of the way!" Sumigaw na siya kaya nagtinginan 'yung mga tao sa
amin. Nasa maliit na daanan kami papuntang CR.

"Explain. Kailangan 'ko mag explain, sorry na."

"YOU LIAR!"

Ahh, p*ta, naiiyak ako. Nakakabakla pero ayoko talaga na nagagalit siya sa'kin.

"Sorry na, hindi 'ko naman alam na-"

"Na what?! Na nandoon ako at binabantayan kita?! Na kanina pa 'ko sunod ng sunod sa
inyo at tuwang tuwa ka pang kasama siya?! Na ikaw pa nagbayad ng mga pinamili
niya?! Na sinabihan mo pa siya na ang ganda niya?! Ano?! Alin doon?!"

Napatakip ako sa mata 'ko, nakakahiya na dahil nakapalibot samin 'yung mga tao.
"Sorry.." Bulong 'ko. "Wag tayo dito mag away, Estilo."

"Bakit?! Are you ashamed of yourself?!"


Huminga ako ng malalim. "I'm sorry, hindi 'ko sinasadya. But please let me-"

"Explain? Alin ang ie-explain mo doon?"

/>

Ang kulit talaga ni Estilo kahit kailan. Pasaway, pasaway!! "Hindi 'ko sinasadya
magsinungaling."

"LYING IS A CHOICE, DANGER! WHAT THE F*CK ARE YOU SAYING?!"

"Pakinggan mo muna kasi ako!" Inis na sabi 'ko. Oo,. naiinis na ako.

"I DON'T HAVE TIME FOR YOUR CRAP." Tinulak niya ako at hinayaan 'ko lang siya na
iwan ako dito. Napasandal ako sa pader at huminga ng malalim.

Kalma, Panganib. Kalma lang.

***
"Anong shampoo ang kinakain? HAHAHAHA!" Bagot akong tumingin kay Jon. "SHAMPOORADO
HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Napairap ako at humiga ulit sa kama 'ko.

"Nice ka pre." Sabi naman ni Lucas. "Yung coffee. Nice ka pre. HAHAHAHAHA!" Bakit
ba nandito sila sa condo 'ko?!

"Mga tol, may knock knock ako. A cow."


"A cow who?" Sagot ni Jon kay Kiba.

"Ehem.. A cow.. ang pag ibig na hinintay. Hahahahaharaykopo." Napahawak siya sa ulo
niya nang batuhin 'ko siya ng malaking unan. Wala ako sa mood makipag joke joke
tsaka isa pa.. wala na 'kong maisip na joke bukod sa mukha ng mga kaibigan 'ko.

"Walanjo, galit pa rin si Estilo mo?" Tanong netong si Jon. "Hoo, umiyak ka 'no?"

"Wala kang pake." Sagot 'ko habang nakahiga pa din at nakatingin sa kisame. Ayaw
ako kausapin ng girlfriend 'ko. Anshaket.

/>

"Mag-effort ka kasi, brader." Tumalon si Kiba sa kama 'ko. "Tuturuan kita ng mga
damoves. Ahh, ganto lang 'yan, i-kiss mo muna para matahimik.. Tapos- aray."

Binatukan 'ko nga. "Ang bastos mo."

"Bastos, nakahubad!" Reklamo naman niya. "Kiss lang, eh! Bakit? Di ba kayo
nagkikiss ha? Ha?"

Anong problema netong aso 'ko at napakabastos ng topic? Wala ka talagang


matututunan dito kay Kiba, eh. Tsk tsk. Tawagan 'ko kaya si Ricky Boy at
ipapakulong 'ko si Kiba sa dog house at doon na siya mamamatay.

"Minumurder mo na ako sa utak mo no." Sabi naman ni Kiba. "Tama naman ako, eh.
Tuturuan kita ng damoves. Lika mga tol, may plano tayo."

Lumapit naman sila. Hayyy.. Ano nanaman ba 'to?

Style's POV
Pagkabukas 'ko ng twitter 'ko I was shocked to see my notifications. 20+?
Seriously?

Chineck 'ko lahat ng tweets.

'Kaizen Style Dalton, sorry na daw'


'Usap na daw kayo ni Danger'
'Style sorry na daw sabi ni @yelongpanganib'
'Mahal ka daw ni Danger'

What the hell is happening?

@KibaReyes: @KaizenStyle Style, magpapakamatay daw si Danger.

@KibaReyes: @KaizenStyle Style, maglalaslas daw siya.

@KibaReyes: @KaizenStyle Style, tulungan mo naman 'yung kaibigan 'ko.

/>
@KibaReyes: @KaizenStyle Style, umiiyak si Danger seryoso na 'to.

What? Who's crying?

@KaizenStyle: @KibaReyes, stop fooling around and stop flooding my notifications.

@KibaReyes: @KaizenStyle nasa rooftop siya ng condo. Magpapakamatay.

@KaizenStyle: @KibaReyes what the hell are you saying?

Nagtweet ng picture si Kiba. Sh*t.

"What the f*ck?!" Napatayo kaagad ako at kinuha ang car keys 'ko. "What's with
him?!"
Kiba's POV
Oy, may POV ulit ako. Hehehe.

"Tayo ka diyan, dalian mo!" Utos 'ko kay Danger. Nandito kami sa rooftop ng condo,
nagaayos ng gagawin ni Danger. Actually, kami lang talaga nila Lucas ang nagplano
neto, eh.

"Bakit ako tatayo?! Mamaya mahulog pa ako at mamatay ako!" Reklamo ni brader.

"Sige na! Isesend 'ko kay Style para pumunta dito!"

Tumayo naman siya sa may dulo ng rooftop.

"P*TANGNA DANGER!!!!"

Napamura ako nang muntikan na siyang malaglag, buti nahatak siya ni Lucas. Hoo,
napa inhale exhale ako doon, ah. Teka, kinabahan talaga ako!

"Ang O.A niyo." Sabi naman ni Panganib. "Isang metro pa ang layo 'ko, eh!"

Hehehe, eh sa nag alala kami, eh. Grabe 'tong si Panganib! Nainlove lang
nagpakahard na. Huhu.

"Nakakadiri ang mga pinag gagagawa niyo. May heart heart shape pa kayong
nalalaman." Sabi niya naman. "Bahala kayo diyan, aalis na ako!" Kinuha niya 'yung
cardigan niya at naglakad paalis.

Pero sakto bumukas ang pinto ng rooftop.


"BENGGA!" Sigaw 'ko nang bumagsak sa sahig si Panganib.

"OHMYGOD! IS HE DEAD?!" Nag aalalang tanong ni Style. "OHMYGOD WHAT HAPPENED?!"

"Tol, nahimatay." Bulong 'ko kay Lucas.

"Nauntog, eh. Bakal pa naman."

"Tumawag ka ng ambulansya."
__________________________________________________________________
Ano bang pinag gagagawa 'ko? Hahahaha! Tweet niyo si Style sabihin niyo sorry sabi
ni Danger. Mehehehe.

HAPPY HAPPY BIRTHDAY DJ!!!! <3

Credits to Beatrice Bugarin sa new cover ulit~!

=================

DS 37 ~ Troll

Danger's POV

Nagising ako ng sobrang sakit ng noo 'ko. Yung noo 'ko talaga, grabe. Lumingon ako
sa paligid at nakita 'kong nasa ospital ako.

Ospital?!?!
"PARE, GISING NA SIYA!"

"PANGANIB! NAAALALA MO PA BA KAMI?!"

"SINO AKO?! ANONG PANGALAN 'KO?! HINDI SIYA MAKASAGOT!!"

"SHET MAY AMNESIA NA SIYA!!"

Kumunot ang noo 'ko at tinignan ng masama ang tatlong itlog na nakapalibot sa akin.
Lahat sila nag aabang ng sasabihin 'ko. Anong amnesia?! Tsaka bakit nasa ospital
ako?! Ang last na naaalala 'ko ay nung paalis na ako tapos biglang may tumama
saking matigas. Hanggang dun lang, black out na 'ko.

"Hindi siya nagsasalita! Napipi!!!! Tawagin mo 'yung nurse, Jon!!" Sigaw ni Kiba.
Hinawakan niya ang kamay 'ko. "Panganib! Kapit lang! Ipapagamot ka namin!"

"BOBO, NAUNTOG LANG NAPIPI NA?!" Sabi naman ni Lucas.

"TEKA, YUNG NURSE NA HOT AT SEXY BA 'YUNG TATAWAGIN 'KO?" Tanong ni Jon.
Napakamanyak talaga.
"Ano bang sinasabi niyo?!" Inis na sabi 'ko. "Nauntog lang ako pina-ospital niyo na
'ko?!"

"Mabuti na ang sigurado, Panganib. Alam mo ba ipapa CT Scan ka namin mamaya." Sabi
naman ni Jon. Kinuha 'ko ang apple sa tabi at binato sa kanya pero nasalo niya
sabay kagat. "Thanks bro."

"Uuwi

na ako! Bat ba 'ko nandito? Tsaka nasa rooftop ako kanina, ah? Ano nangyari?"
Tanong 'ko. Pumunta ba si Estilo? Hindi 'ko alam. Baka galit pa din siya sa'kin.

"Panganib.." Sumeryoso ang mukha ni Lucas. "Si Style.."

Kinabahan na ako. "A-ano meron?"

"Si Style kasi.." Sabi naman ni Kiba. Umupo siya sa tabi 'ko at hinigpitan ang
hawak sa kamay 'ko. "..wala na siya, Panganib."

"Anong wala?!" Sigaw 'ko. "Nasan nga siya?!"


"Tumalon siya sa rooftop." Sabi ni Jon. Lumapit din siya at nakiupo sa tabi 'ko.
"Tumawag kami ng ambulansya pero dead on arrival na bro."

"Ha?" Yun na lang ang nasabi 'ko.

"Wag ka sana mabigla. Tinulak siya ni Kiba." Binatukan kaagad ni Kiba si Lucas. Ano
ba nangyayari?! Ano ba meron?!

"Ilang araw ka na ding tulog, Panganib.. Libing na ni Style ngayong araw. Buti
nagising ka.." Malungkot na sabi ni Kiba. "Bro, wag kang iiyak.. Masyado nang
marami ang umiiyak kay Style."

"Ano ba?!" Parang tanga 'tong mga 'to! Totoo nga?! "Seryoso ba kayo?!"

"Mukha ba kaming nagbibiro pare?" Tanong ni Jon. "Tatawagin 'ko si doc. Itatanong
'ko kung pwede ka na makalabas para naman makaabot ka sa libing ni Style." Lumabas
si Jon at naiwan ako ditong tahimik.

"B-bakit?"

Nauutal na tanong 'ko.


Umiling si Kiba at yumuko. "Habang tulog ka, akala niya mag isa na lang siya sa
mundo.. tumalon siya sa rooftop."

"H-huh?" Tanong 'ko ulit. T*ngina nila, naiiyak na ako. Seryoso ba?! "Wag nga kayo
magbiro!"

"Hindi kami nagbibiro. Teka, kumalma ka. Alam namin na ganyan ang magiging reaksyon
mo.." Sabi naman ni Lucas sa'kin. "Humihingi kami ng tawad sa nangyari kay Style.."

Hindi ako nagsalita. Nakatulala lang ako sa pagmumukha nilang dalawa. Bakit ang
seryoso at lungkot ng mukha nila? S-seryoso ba talaga? Kasi mamamatay ako kapag
seryoso sila!

Pero mukha talagang totoo. A-ano gagawin 'ko? Naiiyak na ako, p*ta. Naiisip 'ko pa
lang.

"Kayanin mo, Panganib.. Para kay Style." Ngumiti ng malungkot si Kiba at tumayo.
"Maiwan ka muna namin para kumalma ka." Sabi ni Lucas sabay alis nilang dalawa.
Naiwan nanaman akong nakatulala.

S-seryoso?

"Nandito na 'yung nurse." Sumilip si Jon at binuksan ang pinto. Napamura ako nang
pumasok ang isang babae.

"Are you okay? W-why are you crying?!" Tumakbo si Estilo sa'kin at hinawakan ang
pisngi 'ko. "Why are you crying? Danger.."

Kinagat 'ko ang labi 'ko. P*tangina, mamaya sila sa'kin!!!!

Napaniwala nila ako dun!!!

Pero hindi 'ko talaga mapigilan luha 'ko, naiisip 'ko pa lang na mawawala si Estilo
sa'kin parang hindi 'ko kakayanin. Okay na ako ang mamatay kesa siya.

"Shh.." Niyakap ako ni Estilo. "Why the hell are you crying? Who did this to you?"
"Wala." Kumalas ako at umupo sa may hospital bed. Eto pa rin pala ang suot 'ko.
"Natakot lang ako."

"Saan?" Lumapit si Estilo at umupo sa tabi 'ko.

"Na iwan mo 'ko." Ngumuso ako at tumawa naman siya bigla. "Ano nanaman nakakatawa?
Joke time ba?"

"Nothing." Hinalikan niya 'ko sa pisngi. "I won't leave you. Never." Ngumiti siya
at gumaan na ang pakiramdam 'ko.

Wag na wag lang talaga magpapakita sakin 'yung tatlong kanal na 'yon! Hindi na sila
sisikatan ng araw!

"Biniro ka nanaman ng mga kaibigan mo?" Ngumiti si Style at inabutan ako ng tubig.
"Wag ka maniwala sa mga 'yun. Lumabas lang ako para bilhan ka ng pagkain."
Uminom ako ng tubig. "Galit ka pa rin ba sakin?" Natigilan siya at mukhang saka
niya lang naalala na may kasalanan pala ako sa kanya. Sayang! Hindi 'ko na dapat
pinaalala!

"Why did you lie to me?" Mahinang tanong niya.

"Hindi ako nagsinungaling.. Hindi 'ko lang talaga alam." Page-explain 'ko. "Hindi
'ko

alam na Amanda pala 'yung pangalan niya. Rosas kasi tawag 'ko, eh." Napakamot ako
sa ulo 'ko.

"Bakit kayo magkasama sa mall?"

"Ahh, hindi date 'yun. Kaibigan 'ko lang siya tapos may crush daw siya kaya
tinulungan 'ko siya magpaganda. Tinignan 'ko kung pasok sa taste 'ko." Hindi
nakatingin sa'kin si Estilo. Pinaglalaruan niya lang daliri niya. "Maganda siya.
Pero ikaw ang pinakamaganda sa'kin."

"Okay.. I forgive you. Just, don't do that again. Magpaalam ka naman sa'kin kung
saan ka pupunta. I'm your girlfriend. I need to know. And dumistansya ka naman kay
Amanda. I don't like her. You can do that thesis alone." Pagrereklamo niya.

"Sus, selosa." Nilapit 'ko pa siya sa'kin. "Okay, gagawin 'ko para sayo."
***

"Sorry talaga, Panganib. Sorry." Sabi ni Rosas sa'kin. Magkausap kami sa lobby para
sabihin 'ko sa kanya na ako na lang gagawa mag isa ng thesis. Na hindi 'ko na
kailangan na kasama siya.

Eh, 'yun yung gusto ni Estilo, eh. Hehehe.

"Okay lang. Medyo nagselos lang girlfriend 'ko pero keri." Ngumiti ako. "Malinaw na
ha?"

"Oo. Pero Panganib.. taken na talaga si Kiba?" Ngumuso siya at pinagdikit ang
hintuturo niya.

"Oo nga!" Tumawa ako. Sa dami

ng taong magugustuhan niya, bakit sa aso 'ko pa? Eh patay na patay kay Chienna
babes niya 'yun, eh. Isa pa, bitter ang kapatid 'ko. Baka awayin din siya nun.
"Meron naman diyan.. Si Lucas o kaya si Jon."

"Psh. Wag na nga. Crush lang naman, eh." Umirap siya at inayos ang dala niyang
laptop. "Naging crush din kita dati nung elementary. Di mo alam 'yun 'no?"
"Oh? Kaklase kita?"

"Oo. I was the fat nerd back then. Nagulat rin ako na blockmate pala kita ngayong
college." Sabi niya. "And.. ang laki na ng pinagbago mo, ah. Dati hindi ka
ngumingiti kahit isang beses. Si Skylar lang and Xyris ang nagpapangiti sayo nun.
Akala 'ko nga ang end game.. Ikaw at si Skylar."

"Huh?" Napakamot ako sa ulo 'ko. "Ganun pala ako dati."

"Yup! Parang pasan pasan mo nga ang mundo nun, eh. By the way, una na 'ko, ha? Bye
bye!" Kumaway siya sa'kin habang naglalakad palayo.

Umupo na lang ako sa isang sofa dito sa lobby habang nag iisip isip. Iba nga talaga
ako dati nung bata ako. Pero ngumingiti naman ako kahit papaano, ah! Tsk. Nahawa
ako kay Skylar.

"Boo!" Napaayos ako ng upo nang gulatin ako ni Langit. "Ano iniisip mo?" Umupo siya
sa tabi 'ko.

"Wala. Yung dati. Elementary


days." Sagot 'ko.

"Ahh.. Bakit? Anong meron?" Pangungulit niya naman. "Pero teka! May joke akong
bago! Hahahaha!"

"Pag 'yan hindi bago, tutuktukan kita."

"Oo ba! Anong hayop ang laging dedma?"

Kumunot ang noo 'ko. Bat di 'ko alam 'to? "Ano?"

"La 'yon. HAHAHAHAHA." Nag make face ako. "Huy, havey kaya! Hahahaha! Eto, anong
tawag sa gitna ng 2 stars?"

"Bituin." Umirap ako. "Napakamais mo, alam mo 'yon? Eto, anong tawag sa may dala ng
kampana?"

"What?"
"Keribells. HAHAHAHA!" Okay, hindi siya natawa. "Eh sa kampanang gala?"

"What?"

"Gorabells. HAHAHAHAHAHA!" Para kaming tanga na tumatawa dito sa lobby. Ang tahimik
pa naman. Pinagtitinginan tuloy ako. Oo, ako lang dahil gwapo ako. Mukha na ba
akong artista? "Sh*t."

"Bakit?" Tanong niya.

"Ang pogi 'ko." Nag pogi sign ako at ngumiti. "Bat ka nandito?"

"Bumili ako ng fries sa baba. You want?" Inalok niya 'ko ng fries at siyempre
bilang tunay na kaibigan, kinuha 'ko na lang. "Hoy! Akin 'yan!"

"Wala na, tinanong mo 'ko kung

gushto 'ko, eh." Sabi 'ko habang kumakain. "Langit, may tanong ako sayo. Wag ka
magagalit, ah."
"Ano nanaman?" Tinignan niya 'ko ng masama. Galit agad?! Wala pa naman, ah!

"Nakamove on ka na ba sakin?" Ngumisi ako at napanganga naman siya sa tanong 'ko.


"Joke. Wag mo sagutin."

Natahimik naman siya at maya maya ngumiti. "O-oo naman! Hahaha! Kapal ng mukha mo,
gwapo ka ba?"

"Halata naman diba?" Tinuro 'ko ang mukha 'ko. "Salamat sa fries." Tumayo ako at
naglakad pabalik sa condo unit 'ko.

***

"Mother dear!!" Pumasok ako sa office ni Jayden. Nandito ako sa building ng


"Shadows" puro damit nga nakikita 'ko dito! Ang kalat pa ng mga papel. Puro
mannequin din.

"Bat ka nandito? Wala akong pera." Sabi niya habang naka eyeglasses at naglalaptop.

"Hindi ah. May pera pa ako." Ngumiti ako at umupo sa upuan sa tapat ng table niya.
"Ma, ang ganda ganda mo pala 'no? Kaya nagkaanak ka ng gwapong katulad 'ko. Ang
kinis pa din ng mukha mo, anong gamit mo? Eskinol? Tsaka.. Ilang taon ka na ulit,
Ma? 16 ba o 18?"

Tumigil siya sa pagty-type at sumulyap sa'kin. "Ano kailangan mo?"

"Ahh, saan 'yung office ni Estilo? Hehehehe."

Napakamot ako sa ulo 'ko. Umirap naman siya at bumalik sa pagtytype. O may ineedit
ata?

"Hindi pwede. Wag mo guluhin 'yun, pinag iisip 'ko siya ng bagong designs na
ipapasa mamaya."

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi ako makapapayag! "Saan nga kasi?
Hindi naman ako mang gugulo, eh."

"Gumawa ka ng thesis, hindi pagala gala ka. Lumayas ka na nga dito, hindi kita
kailangan."

"Jayden, sa unang tingin sayo, aakalain ng mga tao na wala ka pang asawa at isang
gwapong anak at isang unggoy na bunso. Grabe, iba ka talaga, Jayden!"
Hindi siya sumagot.

"Ma, alam mo bang nagpaplano na ako ng gagawin 'ko sa next na Mother's Day?"
Ngumiti ulit ako. "Anong gusto mo? Rose? Letter ba? O yakap-"

"30th floor. Tumigil ka na nga, kinikilabutan ako sayo!"

Ngiting tagumpay nanaman ako. "YES! SALAMAT JAYDEN! AT JOKE LANG LAHAT NG SINABI
'KO! MWAHAHAHA!" Tumakbo ako palabas bago pa niya ibato sa'kin 'yung mannequin.
Sumakay kaagad ako ng elevator at pinindot ang 30.

Pagkabukas, dere-deretso akong naglakad papasok sa malaking pinto. Hindi 'ko na


pinansin 'yung secretary niya.
Nakita 'ko siyang nagiisketch

sa sketching pad niya at nakamessy bun ang buhok. Ang ganda niya talaga lalo na
kapag seryoso.

"Yo yo yo!"

"Heck!" Napasigaw siya nang magulat siya. Inis niya akong tinignan. "Lumagpas
tuloy!" Kinuha niya 'yung pambura.

"Sungit, meron ka po?" Umupo ako sa tabi niya.

"Go away. I'm concentrating." Patuloy lang siyang nagdadrawing. Hindi man lang ako
tinignan. Hayyy, baka kasi mainlove siya lalo sa'kin. Napakagwapo 'ko kasing
nilalang. Bakit kaya pinanganak pa ang isang legend na katulad 'ko? Kawawa naman
ang kababaihan dahil mamamatay sila sa killer smile 'ko. O kahit hindi na ako
ngumiti, pamatay pa rin ang mukha 'ko. "Why are you here?"

"Binibisita lang kita." Weh?

"Ano nga? What is it?"


"Ahh.." Lumayo ako ng konti. "Uhmm.. Ano kasi ganito.. May college week."

"Then?" Tumingin siya sa'kin. Wooo, lalo akong kinabahan dito, ah. Nakakatakot
talaga 'yung mata niya, eh. Intense! Fierce! Hahaha!

"Escort ako.. ni Rosas. Hehe." Sumingkit ang mata niya at tumingin ng masama
sa'kin. Jusko, paano?! Naiinis na siya! "Teka, kalma ka lang. Escort lang naman,
eh. Napakagwapo 'ko kasi kaya ako ang napili. Hindi ka ba proud?"

"Mukha ba akong natutuwa ngayon, Danger?"

Patay.

"Ahh, ang ganda mo kapag galit ka. Hehe." Wala akong masabi! Speakless ako mga
tsong.

"When?" Tanong naman niya.


"Uhmmm.. Sa 25." Napakamot ulit ako sa ulo 'ko. Lalong tumalim ang tingin niya
sa'kin nang marealize niya na monthsary namin 'yun. "Sorry na! Eh ako 'yung napili,
eh! Wala akong magagawa. Sorry na."

Bumuntong hininga siya. "Wala rin naman akong magagawa diba."

"Punta ka, ha?"

"What?" Lumingon siya sa'kin. "Why would I?"

"Suportahan mo 'ko." Ngumuso ulit ako para pumayag na siya. Inis niyang nilapag
'yung lapis at tumingin sa'kin. "Wala akong gagawin na kahit anong ikaseselos mo."

Bumuntong hininga ulit siya at sumandal. "Fine.. Sana nga, Danger. SANA."
Tsk.. Isasayaw 'ko pa naman si Rosas. Bahala na.

__________________________________________________________________

Gusto 'ko iannounce na baka 3 chapters na lang ang Danger's Style.. Pero wag kayo
mag alala. May surprise ako sa inyo. Weh, surprise pa ba eh sinabi 'ko na?

Clue: Caution

Oo nga pala, tinatamad ako magrant pero kung magagalit kayo sa'kin dahil hindi ako
nagu-update, wag na lang kayo magbasa, ha? :)) Salamat.

Happy 1M.

=================

DS 38 ~ Preparation

Danger's POV
"Aray!" Hinawakan 'ko ang kanan 'kong paa. Naapakan nanaman ako ni Rosas habang
nagpapractice kaming dalawa para sa sayaw na 'to. Mamaya neto, pilay na 'ko. Tsk
tsk.

"Sorry, hindi talaga ako marunong sumayaw, eh." Nagpout siya at tumungo. Bumuntong
hininga ako at umupo sa may pinakaharap ng stage.

"Break muna." Kinuha 'ko ang tubig at uminom. Kanina pa namin pinapaulit ulit 'tong
sayaw. Ang dumi na ata ng sapatos 'ko kakatapak niya. Sayang naman.. Branded, eh.

"Sorry talaga. Bakit kasi ako pa 'yung pinili dito?" Umupo siya sa tabi 'ko at
uminom din ng tubig.

"Bagong make over, eh. Haha." Tumawa ako at uminom ulit. "Nasukat mo na 'yung mga
susuotin mo?"
"Yup. Ikaw, meron na ba?"

Napaisip ako. "Ahh, wala pa." Pupuntahan 'ko pa pala ulit si Jayden.

***
"MOTHER DEAR!!!" Nakangiti akong pumasok sa office nanaman ni Jayden. Sinulyapan
niya lang ulit ako at bumalik na sa ginagawa niya. "Ang ganda ganda ng panahon,
parang ikaw lang!"

Tumikhim siya at tinanggal ang salamin na suot niya. Sumandal siya at nagcross
arms, tinaasan pa ako ng kilay. "May kailangan ka nanaman?"

"Ahh.." Nagmadali akong umupo sa tapat niya at nagpahalumbaba sa tapat ng table


niya. "Ma.. Alam mo naman na love na love kita.."

Umirap siya. "Ano nga kailangan mo? Iniistorbo mo nanaman

ako. Tsaka, wag ka ngang magsalita ng ganyan, nakakakilabot."

"Ma, igawa mo ako ng formal na susuotin sa parade sa college week." Ngumiti ako ng
matamis sa kanya at nagiba naman 'yung mukha niya.

"Bumili ka na lang."

"MA!!!" Sigaw 'ko, nagulantang naman siya.

"OO NA! OO NA! TEKA!" Kinuha niya 'yung telephone sa tabi niya at may dinial. Maya
maya, bumukas na 'yung pinto at may pumasok.

"Why po?" Nagmamadaling naglakad si Estilo papunta kay Jayden at umupo din sa upuan
sa tapat ng table niya. Tinignan niya lang ako saglit at tinuon na 'yung pansin kay
Jayden.
Tss, snob! Peymus.

"May ginagawa ka ba ngayon?" Tanong naman ni Jayden. Umiling si Estilo. "Ako,


madami. Ikaw na bahala sa susuotin ni Danger, ha?"

Nagulat si Estilo pero tumango din siya pagkatapos. "Okay." Tumayo siya at tumingin
sa'kin. "Office." Saka siya naglakad palabas.

Ngumiti lang ako at sumunod sa kanya papasok sa elevator. Kinuha 'ko 'yung kamay
niya at pinaglaruan. Hindi naman siya umangal.

"Work, Danger." Sabi niya. Natawa na lang ako at sumunod sa office niya. Dali dali
siyang umupo sa table niya at kumuha ng pad paper. Ako naman, umupo sa may couch.

"Anong klaseng outfit?" Tanong niya sa'kin.

"Formal. Dilaw

na necktie, ah." Sabi 'ko naman. "Estilo, kumain ka na ba?"

Hindi niya ako pinansin. "Pati pambaba?" Tanong niya habang nagsusulat sa papel.

"Oo. Pero Estilo, kumain ka na nga?" Hindi niya ulit ako pinansin. Tumayo siya at
may kinuha sa drawer niya.

"Come here." Huh? Ano nanaman kailangan niya? Kiss ba? Hehe joke. Tumayo na lang
ako at lumapit.

"Ikaw talaga gagawa nito?!" Reklamo 'ko dahil narealize 'ko na ang ginagawa niya
sa'kin. Sinusukatan niya ako! Jusko, paano?! Hindi ba siya naiilang sa ginagawa
niya?!

"Of course." Lumuhod siya at sinukat 'yung pambaba 'ko. "Would you please stay
still?!"

"Teka!" Umatras ako at umiwas ng tingin. "A-ako na magsusukat!" Nag iinit pisngi
'ko dito, ah.

"Marunong ka ba?" Tumayo siya at nagpamewang. Umiling naman ako. "Danger, umayos ka
na para matapos na 'to."

Umayos ako ng tayo at nilagay ang dalawa 'kong kamay sa ulo 'ko. Sinukat niya ulit
at hindi na ako gumalaw. Hoo, teka. Hooo, kalma, Panganib.

"Done." Sinulat niya sa papel ang sukat 'ko. "Kailan mo kailangan?"

"25 po."

"Ang bilis. 2 days 'ko lang gagawin?" Bumuntong hininga siya. "Okay." Hala,
magoovertime ba siya? Papagurin niya ata sarili niya, eh. Ayoko nun.

"Wag mo masyadong i-stress sarili mo, Estilo." Umupo ulit ako sa couch at
sinenyasan na lumapit siya sa'kin. Hinatak 'ko siya paupo sa tabi 'ko at inakbayan
siya. "I love you." Bulong 'ko.

"Me too." Sinandal niya 'yung ulo niya sa balikat 'ko. "Gagawa pa ba ako ng banner
para suportahan ka?" Tumawa ako ng mahina.
"Kahit di na, presensya mo lang ginaganahan na 'ko." Boom!!!

***
"Okay na ba 'to? Kulang pa sa glitters?" Tanong ni Kiba habang nasa sahig at
nagdedesign ng cartolina. Parang mga siraulo 'tong sila Lucas! Gumagawa pa ng
banner!

"Bobo mo, Kiba. Mali ka pa ng spelling." Sabi naman ni Lucas. "Jhairus daw brad,
jejemon."

"Okay na 'to!" Tinaas naman ni Jon 'yung sa kanya.

'Go mH1n3 k0uh!!!!!'

"T*NGINA, ITATAPON 'KO YAN!" Bago 'ko pa makuha, umakyat na siya sa hagdan para
makatakas. "HOY, SERYOSO KA DIYAN?!"

"Seryoso ako mhine 'ko!" Tumawa pa siya. "Wag mo itapon, effort 'to, no. Effort,
pinaglalandingan ng efflane. HAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Bago ng joke mo, ah." Bumalik ako sa pagkakaupo 'ko. "Anong sabi ng sapatos sa
nawawala niyang kapares?"

"Ano?" Tanong naman ni Kiba.

"I MISHOE, HAHAHAHAHAHAHA!" Tumawa

ako sa sarili 'kong joke. "Eh anong kabaligtaran ng engineer?"


"Ano nanaman?"

"Engifar. HAHAHAHAHAHAHA!" Normal pa 'ko, mga tsong. "Ano apelyido ni The Grudge?"

"Ano?" Bored na tanong ni Lucas.

"Sale. HAHAHAHA THR GRUDGE SALE HAHAHAHAHAHAHA!" Kumunot ang noo ni Jon. Hooo, bobo
hindi nagets. "Isa pa."

"Tama na please!" Pagmamakaawa naman ni Jon. Bahala siya, may mga joke akong baon
ngayong araw.

"Tol, bakit madaming pantalon si Michael Jackson?" Tanong 'ko ulit.

"Bakit nanaman ba? Pati si Michael Jackson pinapakealam-"

"Kasi.. Billy Jeans. HAHAHAHAHAHAHAHA!" Last na 'yun. Pramis. Hahahaha! Ul*l, havey
na havey kasi sa'kin. Hahahaha!

"Eto piso, hanap ka kausap mo." Binato ako ni Lucas ng piso, nasalo 'ko naman. Nice
catch. "Alam mo brader, kesa nagjojoke joke ka diyaan, bakit hindi ka magpahinga
dahil laban mo na bukas?"

Oo nga pala 'no? Ineenjoy 'ko pa masyado ang sarili 'ko para hindi ako mapressure
bukas. Tsk, okay lang. Sure win na ako dahil gwapo ako at ako ang bida. Hehehehe.
"Kahit tumayo lang ako sa stage, panalo na 'ko, eh."
"Kapag ikaw hindi nanalo bukas, tanga tanga ka." Sakit magsalita netong si Lucas!

"Tanga tanga lang

pala, eh. Hindi naman pangit." Sabi 'ko pa. "Sure win na nga ako. Tignan mo, isang
killer smile 'ko lang sa mga judges, panalo na 'ko! Wala nang talent talent mga
tsong! Ako lang naman ang gwapong lalaban. May iba pa ba?"

"Hah, tignan natin kung mananalo kang poso negro ka." Sabi naman ni Jon. Tsk tsk.
Mga walang tiwala sa'kin 'to!

***
*the next day*

"Tubig! Ang init!" Agad namang nagtakbuhan ang kababaihan sa akin at inabutan ako
ng tubig. Yung iba, pinupunasan pa ang pawis 'ko. Hinubad 'ko muna ang coat 'ko at
nilagay sa upuan dito sa backstage. Kakatapos lang ng parade at dumeretso na kami
sa backstage para maghanda.

"Okay ka lang ba, Danger?"

"Pakilakasan niyo 'yung aircon!"

"Tubig pa? Nauuhaw ka ba?"

Ngumiti lang ako sa mga nag aasikaso sa akin. Para na akong artista, 'no? Tsk.
Muntik lang. Mukha lang pero hindi ako artista. Isa akong.. gwapo!

"Danger, sunod na tayo." Tumayo naman ako at kinuha ang coat 'ko. Sinabit 'ko sa
balikat 'ko at pumwesto na habang si Rosas ay nasa tabi 'ko. Una akong lalabas kaya
naghanda na ako.

"Representing College of Arts, Mr. Danger Jairus Frost!"


Nabingi ako sa sigawan ng mga tao pagkalabas 'ko. Wala, eh! Naglakad ako papunta sa
left at nagpose. PANIS! Tapos bumalik ako sa right at ngumisi. Pumunta

na ako sa gitna at nagpakilala. Standby muna ako at nagmodel na din si Rosas.


Nagpakilala din siya.

"Uhmm.." Tumingin ako kay Rosas. "Amanda, may lason ba 'yung mga mata mo?"

Nagsigawan sila.

"Bakit?"

Ngumiti ako. "Nakakamatay kasi ang mga titig mo." BOOM PEYNS MGA TSONG! Boom peyns
din ako mamaya kay Estilo neto..

Bumalik na kami sa backstage para magbihis sa talent. Konti lang naman ang gagawin
'ko dun, suporta lang ako sa sasayawin ni Rosas. Aalalayan 'ko siya.

Habang hinihintay 'ko magbihis si Rosas, tinawagan 'ko muna si Estilo.

{What?}

"Nasaan ka?" Tanong 'ko.

{Watching.. Lason lason ka pa ha, lasunin kaya kita?} Sabi na, eh! Lagot talaga ako
diyan.
"Wag naman.. Hehe. Kaway ka, ha? Punta ka dito sa backstage mamaya."

{Yeah fine.}

"Bye.. Love you." Binaba 'ko na ang phone 'ko at hinintay ang turn namin ni Rosas.
Maya maya, tinawag na ulit kami at nagsimula na ang talent namin.

Hinawakan 'ko sa bewang si Rosas at boom, namali siya ng talon at muntik na kami
magkiss. Nagsigawan naman sila at umayos na ako ng tayo. Meron pa dito na yakap
yakap. Tsk, lagot na talaga ako kay Estilo neto, eh.

Hinawakan 'ko 'yung pisngi ni Rosas sa ending at nakatingin

kami sa mata ng isa't isa. Hoo, ang awkward lalo na kapag alam mong nanonood 'yung
girlfriend mo 'no?

Style's POV
"What the f*ck?!" Reklamo 'ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Umiinit ang
dugo 'ko.

"Calm down, Style. Sayaw lang 'yan.." Sabi naman ni Sky na nasa tabi 'ko.

"Don't worry, girl! Ikaw pa rin ang legal!" Sabi ni Chie. What the hell is this?
Legal Wife?!

"But look, nakakakuha sila ng audience impact. Think positive!" Sabi ni Agnes.
Napairap na lang ako at tumayo. "Where are you going?"

"Restroom." Ngumiti ako ng tipid at nagmadaling pumasok sa may CR. Naghilamos ako
at tumingin sa salamin. "Ugh, Style.. Support. You're here to support him. Calm
down."

Nagretouch ako at biglang nagvibrate 'yung phone 'ko.

{Bili mo 'kong tubig. :( Sorry. Loveyou.} Ugh. Wala na akong nagawa kundi bilhan ng
tubig si Danger.
Pinaglalaruan 'ko 'yung water bottle habang naglalakad ako sa backstage. Kanina pa
'ko palinga linga but hindi 'ko makita si Danger.

"Uhm.. Hi." Kinausap 'ko 'yung isang girl. "Nakita mo ba si Danger Jairus Frost?"

"Huh?" Nagtaka siya. "Baka nasa dressing room with Amanda."

Dressing room? With Amanda?

"Ah, thanks." Humigpit ang hawak 'ko sa water bottle at hindi 'ko alam kung bakit
ako kinakabahan.

Sh*t. My heart is beating so fast, I can't help it.

Nakita 'ko na ang dressing room at sumilip ako ng konti. Nabitawan 'ko 'yung water
bottle.

What the hell?

Pinanood 'ko ang kamay ng boyfriend 'ko na nagslide pababa sa likod ng Amanda na
'yan. Hinawakan niya ang zipper at tinaas hanggang sa gitna. Pinat pa niya at
ngumiti.

I'm burning. I'm burning with jealousy.


"Baka mahubaran ka mamaya, eh." Tumawa pa si Danger at tumayo na dahil nakaupo siya
sa likod ni Amanda. "May ano ka.."

"What?" Tanong ni Amanda.

Lumapit si Danger at nag bend sa tapat ni Amanda. Hinawakan niya 'yung labi at
ngumiti.

Lumalabo na 'yung paningin 'ko kaya naglakad na ako palabas. Ang dami 'ko nang
nabubunggo pero wala akong pakealam. The pain is too familiar.

"Style!" Tawag pa ni Chie sa'kin but I don't care. Naglakad na ako sa parking lot
habang umiiyak.

Happy monthsary, Danger. You bastard.


__________________________________________________________________
Warlaloo forever ang Stranger. Rhyming. Hahahaha! 2 chapters left or baka 1 na
lang? :-)

Clue: Warning

=================

Untitled Part 43

=================

DS 39 ~ He's Back

Title. :))) Very Short Chapter.


Danger's POV
Pagkareceive 'ko pa lang ng text ni Skylar, tumakbo na kaagad ako palabas. Wala na
akong pakealam kahit tawagin ako sa stage. Kailangan 'ko muna magpaliwanag kay
Estilo.

Nakita 'ko siyang nakaupo at nakatakip sa mukha niya habang humihikbi. Parang
nadurog 'yung puso 'ko.

"Estilo." Lumuhod ako sa harapan niya at pinilit tanggalin 'yung takip niya sa
mukha niya. "Style."

"Go away.." Humikbi ulit siya. Tinanggal 'ko ang takip niya sa mukha niya at
nilabas 'ko ang panyo 'ko. Hindi ako nagsalita at pinunasan 'ko lang 'yung luha
niya. "B-bumalik ka dun.."

Nakaluhod pa rin ako sa harapan niya. Hinawakan 'ko ang kamay niya at pinisil. "Mas
mahalaga ka kesa sa trophy."

"Danger naman." Reklamo niya habang umiiyak pa rin. Tumayo ako at tinungkod ang
kamay 'ko sa tuhod 'ko. Hinalikan 'ko siya sa noo.

"Kung ano man ang nakita mo.. tinulungan 'ko lang siya i-zipper 'yung gown niya
dahil hindi niya abot. Tapos may sobra siyang lipstick kaya binura 'ko. Walang
meaning 'yun. Estilo, ako pa ba ang pagdududahan mo? Mahal kita. Sobra. Mahal na
mahal kita at hindi 'ko kayang maghanap ng iba bukod sayo."

Seryoso ako sa mga sinasabi 'ko.

"You sure?"

"Oo. Hindi pa nga tayo, nagpaka loyal na ako sayo. Ngayon pa ba? Wag ka na umiyak."
Nagbend

ako at hinalikan siya. "Balik na tayo sa loob?"


Tumayo siya at niyakap niya 'ko. "Don't leave me."

"Hindi 'ko gagawin 'yan."

"Don't cheat on me."

"Mas lalo na 'yan." Hinaplos 'ko ang buhok niya.

"I love you." Bulong niya bago bumitaw. Ngumiti ako at inakbayan 'ko siya. Nilapit
'ko siya lalo sa'kin.

"Mas mahal kita."

Naglakad ulit kami papuntang backstage at hawak 'ko na 'yung kamay niya.
Pagkarating namin doon, may baklang sumulpot sa harapan namin. "Gosh! Ms. Dalton
kanina pa kita hinahanap! Aayusan ka na!"

"Ah.. Oo nga. Sorry." Bumitaw sa hawak 'ko si Estilo at sumama sa bakla.

Huh? Bakit siya aayusan? Bakit hindi 'ko alam?! Ano meron?!

Naghintay na lang ako at tinawag na kami para sa question and answer. Umakyat ako
sa stage kasama si Rosas. Kinakabahan ako, ah.

"What is the biggest challenge to young people today?" Hoo, eto lang ba ang tanong?
Easy!!!!

"Trusting someone." Sagot 'ko. "Sa tagalog, pagtitiwala sa isang tao. Para sa akin,
'yun ang pinaka nakakachallenge gawin. Madaming tao ang nagtitiwala sa maling tao.
At marami ring hindi nagtitiwala sa tamang tao. Ang tiwala parang lukot na papel,
sabi nga nila. Kapag nalukot mo, pwede mo pang ibalik sa dati pero nandiyan

pa rin ang gusot. Sa panahon ngayon, mahirap na magtiwala. Kahit kaibigan mo, kahit
kilala mo, kahit bestfriend mo pa, kaya kang traydurin niyan. Kaya para sa'kin,
kung magtitiwala ako.. itatanong 'ko.. May rite med ba neto? Haha, biro lang. Ang
pagtitiwala parang biogesic. Ehem.. safe ba 'yan?"

Tumawa na lang ako at natapos na rin ang Q&A Portion. Bumalik na 'ko sa backstage
at naghanda na. Nasaan ba si Estilo?

Text ako ng text sa kanya habang naglalakad pabalik balik dito sa backstage. Madami
akong award na nakuha at sunod nang sasabihin ang winner.

Gulat akong napatingin sa screen at nakita 'kong nandoon si Estilo. Huh? Teka?
Paano nangyari 'yun?

Pumunta ako sa gilid ng stage at nakita 'ko siya. Nagpalit siya ng damit at naka
make up na siya.

"Please, let me introduce our last Ms. College Week who is the holder of the crown.
Ms. Kaizen Style Dalton from the graduates of industrial technology who also
graduated as the suma cumlaude."

HA?!

TEKA.. HINDI NGA?!


"DANGER!"

SERYOSO?!

"DANGER!! TINATAWAG KA SA STAGE!!!"

Natauhan ako at tumingin kay Rosas. "Ha?!"

"Panalo tayo!!!!" Tuwang tuwang sabi niya.

/>

"Ha?"

"DALI!!" Hinatak niya 'ko papunta sa stage at nagtama 'yung tingin namin ni Estilo.
Ngumiti lang siya at pinasa kay Rosas 'yung korona.

"Congrats." Sabi sa'kin ni Estilo.

"THEY'RE DATING!!!!" Sigaw ng nasa crowd.


"Salamat." Hinalikan 'ko siya sa pisngi.

***
"King ina, Kiba. Pang ilang plato mo na ba 'yan?!" Reklamo 'ko. Nandito kami sa
bahay at nagcecelebrate. May handaan tapos may mga alak din.

"Shh! Gutom ako!" Bumalik si Kiba at kumuha ng pagkain.

"Congrats talaga, tol at hindi ka tanga tanga!" Umakbay sa'kin si Lucas. "Pabalato
ka naman. Magkano napalanunan mo?"

"G*go! Akin lang pera 'ko!" Tinulak 'ko siya.

"DANGER!" Tumingin ako kay Estilo na kakadating lang kasama sila Chie. Tumakbo siya
sa'kin at niyakap ako. "Congrats ulit!!"

"Thank you." Natatawang sabi 'ko. Para na siyang unggoy. Clingy. "Sus. Sure win
naman na talaga ako."

Humiwalay siya at hinampas ako. Nakasuot na lang ako ng white na long sleeves kasi
hinubad 'ko na 'yung coat 'ko.

"Congrats." Isa isang lumapit sila Chie at yumakap. Okay lang naman kay Estilo

'yon. Friendly hug lang naman.

"TOL!! LATE AKO, SORRY!" Pumasok si Jon at dinambahan ako. "CONGRATS TOL! KAKATAE
'KO LANG!"
"DUGYOT!!" Nilayo 'ko siya sa'kin.

"Ang saya sana kung kompleto tayo ngayon, 'no?" Malungkot na sabi ni Jon. "Tawagan
niyo si Puti! Skype kamo! Dali!"

Kinuha 'ko ang cellphone 'ko sa bulsa 'ko at sinubukan tawagan si Xyris pero hindi
online, eh. Himala, hindi siya online ngayon. Baka tulog pa.

"Tawagan mo sa phone!" Sabi naman ni Lucas.

"Sayang load!"

"Dalian mo!" Sabi ni Kiba.

Umiling na lang ako at dinial ang number ni Puti. Hindi pa rin sumasagot, eh. Tsk.
"Mamaya na lang."

Umupo ako sa sofa habang padami ng padami na 'yung bisita. Pampam 'tong si Dawn,
pati mga kaibigan niya inimbita. Parang siya 'yung nagcecelebrate, ah? Mas madami
pa ata bisita niya kesa sakin!

"Yan ba 'yung kuya mo? Omg, he's hot!"

"Shut up, Carlota! May girlfriend na si Kuya!"

Umiling na lang ako at hinatak palapit sa'kin si Style. Umiinom siya ng vodka.
"Estilo." Tawag 'ko.

"Yeah?"

"I love you."

Ngumiti siya. "I love you too, Danger."

Kinuha 'ko ang phone 'ko at tinignan ang tumatawag. Istorbo. Sino ba 'to? "Sino
'to?"

{PANGANIB!!!!}

Kumunot ang noo 'ko at napatayo kaagad ako. "P-PUTI?! BAGO NA NUMBER MO?!"

{Sunduin mo 'ko. Hindi 'ko alam kung saan ako pupunta!}

"Ha? Nasaan ka ba?"

{Airport, bro. I'm back!}


__________________________________________________________________
NEXT: The Last Chapter. Ipopost 'ko saktong 8:30 PM. ABANGAN ANG SURPRISE 'KO SA
INYO.

Clue: ZZZZZZZZZZ
=================

The Last Chapter: Warning

His POV
Kinuha 'ko ang maletta 'ko at nakangiti akong naglakad palabas ng airport pero
bigla akong nadapa kaya nagtinginan ang mga tao sa'kin.

"Kita mo kung paano ako na-fall sayo?" Banat 'ko pa sa babaeng nakatingin sa'kin.
Tumawa ako at umayos ng tayo. Pinagpagan 'ko ang damit 'ko at kinuha na ulit ang
maletta 'ko.

Ayaw sumagot ng driver namin, ah. Sabagay, surpresa ang pagdating 'ko ngayon sa
Pilipinas. Tinawagan 'ko na lang ang bespren 'ko para magpasundo.

"Ang daming nagbago." Bulong 'ko habang nakatingin sa paligid. Hindi 'ko na rin
alam kung saan nakatira sila Panganib kaya nagpasundo na lang ako.

Umupo ako sa maletta 'ko habang naghihintay. Mukha na akong batang nawawala pero
nakangiti pa rin ako. Naeexcite ako mga tol!!! :)))

Alam 'ko ang ginagawa 'ko. Hindi ako bobo para hindi makita ang mga litrato nila sa
facebook. Ang status. Ang mga comments. Hindi 'ko na lang pinansin at nagpatay
malisya ako kahit ang totoo, nasasaktan ako.

Kasalanan 'ko naman. Pero nandito na ulit ako para i-tama at ayusin ang mga
kasalanan 'ko sa kanya.

Ngumiti ulit ako nang may humintong kotse sa tapat 'ko. May lumabas na lalaki at
agad niya akong niyakap.
"Xyris, nagbalik ka na, bro!!"

"Panganib!"

Panganib.. Pasensya na.

To be continued...

A/N:
Hanggang dito na lang po ang DS. Idedelete 'ko na po 'to bukas. Kayo na mag isip ng
ending. Salamat.

Gusto 'ko magpasalamat sa lahat ng sumuporta neto mula sa simula. Lalo na sa mga
active na nagcocomment at nagvovote. Salamat at ang dami 'kong na achieve sa
storyang 'to. AHAHAHAHAHA.

FIFI's, GAZENS, SECRETS, MGA DYUSA, FNP, FROSTFAM, AT LAHAT NG STRANGERS. MARAMING
SALAMAT.

JOKE. HAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. JOKE LANG 'YUN HAHAHAHA.


Sigurado akong alam niyo na ang surprise 'ko. Pero ang surprise 'ko ay malalaman
niyo mamayang 10:00 PM. Hintayin niyo ang sasabihin 'ko. Mwahugs.

Last Clue: Betrayal

#BookTwoDangersStyle <3

=================

WARNING

WARNING: DANGER AHEAD

BOOK TWO OR SHOULD I SAY 2ND HALF NG DANGER'S STYLE. TENTENENEN~

NASA EXTERNAL LINK O KUNG GUSTO NIYO HANAPIN NIYO NA LANG SA ACCOUNT 'KO.

TITLE: Danger Zone


By: babaenganime

Enjoy! <3

You might also like