You are on page 1of 3

Ningas Kugon

(Maikling Kwentong Pambata)

Sa isang malayong nayon sa paanan ng kabundukan naninirahan ang isang mag-ama.

Ang pangalan ng ama ay Romeo habang ang kaniyang anak ay nagngangalang Bert. Sila lamang

ang magkasama sa buhay sapagkat ang ilaw ng tahanan ay matagal nang nawala mula ng

pagkasilang nito kay Bert. Wala mang ina ay itinaguyod ni Romeo ang kaniyang anak sa

pamamagitan ng pagsasaka at pagmimina. Gawa ng malawak na bulubundukin ang naging

rason kung bakit ganito ang kaniyang trabaho. Si Romeo ay mapagmahal na ama. Maunawain at

masipag. Si Bert naman ay mainipin at mabilis magsawa sa mga bagay na kanyang ginagawa.

Hindi naman ito lingid sa kaalaman ng ama at lagi niyang ipinapaalala sa anak na maging

masipag at dedikado sa anumang gawaing gagawin. Ngunit para kay Bert, ang sinasabi ng

kanyang ama ay mga salita lamang at hinahayaan niya lang itong mag labas-masok sa kanyang

mga tenga. Isang araw, walang pasok noon si Bert kaya nama’y niyaya siya ng kanyang ama na

si Romeo na tulungan siyang hanapin ang bali-balitang kayamanang nakabaon sa kabundukan.

Mahal ni Bert ang kanyang ama dahil ito lamang ang taong nag-iisa para sa kanya kaya naman

sa kabila ng katamaran nito’y sumama pa rin siya. Nagsimula na silang umakyat sa isang

bundok at hindi pa man tumatagal ang gusto nang umuwi ni Bert. Hindi na lamang ito pinansin

ng ama dahil gusto niyang maturuan ang kanyang anak. Hindi nagtagal ay narating na nila ang

bahagi ng bundok na bali-balitang lokasyon raw ng kayamanan. Tirik ang araw at nagsimula na
silang maghukay ng mga napili nilang pwesto. Hindi malayo sa isa’t isa ang mag-ama kaya kahit

papaano ay nagkakausap ang mga ito. Nagsimula ang kanilang usapan sa naging tanong ni

Romeo sa anak tungkol sa kung ano ang dahilan kung bakit mabilis ang mainip at halos lahat ng

mga gawain nito’y sa umpisa lang ng maayos. Dismayado ang ama nito sa naging sagot. Ang

dahilan niya ay sa kanyang paningin, ang mga bagay na ito ay walang kabuluhan at mas nanaisin

na lamang niya na hindi ito tapusin at maghanap na lamang ng iba na mas kapaki-pakinabang.

“Paano mo malalaman ang halaga ng isang gawain kung hindi mo pa nakikita ang resulta?” saad

ni Romeo sa anak at kagaya ng dati, tila’y wala na naman itong naririnig. Nagpatuloy sila sa

kanilang ginagawa at ilang saglit pa ay binaba ni Bert ang hawak nitong pala. “Ayoko na ama”

habang bagot at naiinis nitong saad sa ama. Tinanong nito ang dahilan ng anak gayong malalim

na ang kanilang nahukay at kung totoo man ang kayamanan ay makukuha na nila ito.

Gayunpaman, hindi ito pinansin ng anak na tila ba’y wala na namang naririnig. Umuwi ito

pabalik sa kanilang tahanan at natulog na lamang. Sa kabilang banda, ang kanyang masipag na

ama ay patuloy na naghukay. Sumapit na ang gabi at wala man lang ni tipak gintong bato na

nahanap si Romeo. Pagkatapos ng araw na iyon ay bumalik ang mag ama sa kabundukan para

maghanap muli ng panibagong lokasyon ng kanilang paghuhukayan. Dumating na sila sa

lokasyon at nagulat sila sa mga narinig maingay na tila ba’y nagsasaya. Sinundan ng mag-ama

ang mga tunog at napunta sila sa lugar na kung saan sila nag hukay kahapon. Ngayon nalaman

na nila ang rason kung bakit ang mga ito ay nagsasaya sapagkat hawak ng mga ito sakamaynila

ang limpak-limpak na kayamanan. Napatanong si Romeo sa labis na gulat at nanlumo sa sagot

ng lalaki. “Nakita namin ito sa mas mababaw na hukay. Nakausli na ang baul at nakikita subalit

hindi ko alam sa taong nag hukay nito kung bakit hindi niya ipinagpatuloy ang paghuhukay “.

You might also like