You are on page 1of 20

Kakayahang Komunikatibo ng mga

Pilipino: Tuon sa Kakayahang


Pragmatiko at Kakayahang Estratehiko

Modyul ng Mag-aaral
sa Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Filipino

Ikalawang Markahan ∙ Linggo 5

JONALYN D. ESTOLANO
Tagalinang

Kagawaran ng Edukasyon ∙ Rehiyong Administratibo ng Cordillera


Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng
Learning Resource Management and Development System

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG-ARI


2021

Nakasaad sa Atas ng Pangulo Blg. 49, Seksiyon 9 ang ganito:

“Walang umiiral na karapatang-ari sa anumang likha ng Pamahalaan ng


Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pagpayag ng tanggapan ng ahensiya ng
pamahalaang lumikha nito para sa paggamit ng anumang likha upang pagkakitaan.”

Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum


sa pamamagitan ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong Administratibo ng
Cordillera. Maaari itong kopyahin para sa layuning edukasyonal na may pagkilala sa
mga pinagkunan at paghingi ng pahintulot sa nagmamay-ari nito. Ang paghalaw o
pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang ang karampatang pagkilala sa
orihinal na lumikha. Hindi pinahihitulutan ang paghalaw ng anumang likha mula rito
kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.

II
PASASALAMAT
Ang tagalinang ng modyul ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga
taong tumulong upang mabuo ang modyul na ito. Maraming salamat sa kanilang
suporta, motibasyon, at mungkahi.

Kinikilala rin ng tagalinang ang ambag ng mga kawani ng CAR - LRMDS sa


paglalaan nila ng kanilang panahon at karunungan upang maiwasto hanggang sa
magawa ang pinal na sipi ng modyul na ito.

JONALYN D. ESTOLANO
Tagalinang

BRIAN I. JACOBE
Tagaguhit

BUMUBUO ng CAR- LRMDS

JEREMY KEREMIT B. PADILLA FELY BADIVAL


Administrative Assistant II Librarian II

ELIZABETH T. CALBAYAN ROSITA C. AGNASI, EdD.


Teaching Aide Specialist Education Program Supervisor-LRMDS

NORBERT C. LARTEC, JENEFER C. TIONGAN at ROSEMARIE A. YANGKIN


Mga Tagasuri

MGA KONSULTANT

CARMEL F. MERIS
CES, Curriculum and Learning Management Division

FLORANTE E. VERGARA
OIC-Assistant Regional Director

ESTELA L. CARIÑO, EdD CESO III


Regional Director/Director IV

III
TALAAN NG NILALAMAN

Pangmukhang Pahina………………………………………………………………………. i
Paunawa hinggil sa Karapatang-ari ........................................................................... ii
Pasasalamat ............................................................................................................ .iii
Talaan ng Nilalaman……..…………………………………………………………………iv
ALAMIN .....................................................................................................................1
SUBUKIN ...................................................................................................................3
BALIKAN ...................................................................................................................5
TUKLASIN .................................................................................................................5
SURIIN ......................................................................................................................7
PAGYAMANIN ...........................................................................................................9
ISAISIP ....................................................................................................................11
ISAGAWA ................................................................................................................11
TAYAHIN .................................................................................................................12
Susi sa Pagwawasto ................................................................................................14
Talasanggunian .......................................................................................................15

IV
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Iba’t ibang gawain ang nilalaman ng modyul na ito. Naririto ang mga hakbang na
dapat mong sundin.

1. Tunghayan ang talaan ng mga inaasahang bunga ng pagkatuto upang


magkaroon ng hinuha sa mga kaalamang dapat mong matutuhan at
kasanayang dapat mong malinang sa pamamagitan ng modyul na ito. Ang mga
ito ay batay sa pamantayang pangnilalaman, pamantayang pagganap at mga
kasanayang pampagkatuto sa K to 12 na Kurikulum.
2. Sagutin sa hiwalay na sagutang papel ang mga pagtataya at mga gawain.
3. Ang bawat gawain sa modyul na ito ay naglalayong malinang ang iyong
pagkatuto. May mga layuning dapat matamo pagkatapos ng pag-aaral at sa
tulong ng modyul na ito, inaasahang mapaghusay ang bunga ng iyong
pagkatuto.
4. Basahin at unawain ang saklaw ng bawat aralin. Ang bawat bahagi ay
naglalaman ng mga impormasyon at kaalamang magiging patnubay sa iyong
pagkatuto.
5. Pagkatapos ng aralin, gawin ang pansariling pagwawasto upang malaman ang
lawak ng kaalamang natutuhan. Kung hindi mo nakuha ang tamang sagot sa
mga tanong, balikan ang saklaw na mga aralin/gawain. Sa ganitong paraan,
magkakaroon ka ng mabisang pagkatuto.
6. Isagawa ang bawat gawain na may isa o higit pang saklaw. Hindi makasasapat
na magkaroon ka lamang ng kaalamang pangnilalaman, sa halip ay dapat
mong maisagawa ang mga ito sa tunay na buhay.

Pagkatapos magawa ang mga gawain sa modyul na ito, kumuha ng Panghuling


Pagsusulit upang mataya ang pangkalahatang lawak ng pag-unawa hinggil sa aralin.

1
Aralin 5: Kakayahang Komunikatibo ng
mga Pilipino: Tuon sa Kakayahang
Pragmatiko at Kakayahang Estratehiko
MGA INAASAHANG MATUTUHAN

Magandang araw sa iyo!

Ang modyul na ito ay magiging katuwang mo upang makamit mo ang mga


kaalaman at mga kasanayan sa kursong Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Filipino. Malilinawan ka sa modyul na ito tungkol sa kakayahang pragmatiko
at kakayahang estratehiko na kailangan mong malinang sa iyong sarili tungo sa
pagkakaroon mo ng kakayahang komunikatibo.

Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang iyong nabibigyang-kahulugan ang mga


salitang ginamit sa talakayan at nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay
sa paggamit ng mga salita at paraan ng pagsasalita.

Subukin
Subukin muna natin ang iyong kaalaman sa aralin. Kung masasagot mo nang tama
ang karamihan o lahat ng aytem, nangangahulugan lamang ito na may imbak kang
kaalaman tungkol sa aralin. Ang mababang iskor naman ay huwag mong ikabahala
bagkus ay gawin mong motibasyon upang magsikap pang pag-aralan ang aralin.
Anuman ang iskor mo sa paunang pagsusulit na ito, magpatuloy ka pa rin hanggang
sa huling bahagi ng modyul.

Basahing mabuti ang panuto bago sumagot. Sumangguni ka sa susi sa


pagwawasto sa bandang hulihan ng modyul para sa pagwawasto ng iyong mga sagot
sa pagsusulit ngunit gawin mo lamang ito kapag natapos ka na sa pagsagot.

PAUNANG PAGTATAYA

1. Ano ang kakayahan ng tao na maiugnay ang gamit ng wika sa sitwasyon kung saan
at kailan ito ginagamit upang mabigyan ito ng kahulugan?
A. Kakayahang Diskorsal C. Kakayahang Komunikatibo
B. Kakayahang Pragmatiko D. Kakayahang Sosyolingguwistiko
2. Anong uri ng komunikasyon ang naghahatid at tumatanggap ng mga mensaheng
walang tinataglay na salita?
A. Komunikasyong Di- Berbal C. Komunikasyong Pasenyas
B. Komunikasyong Paaksyon D. Komunikasyong Simbolismo
3. Anong kakayahan ang ginagamit ang wika na may angkop na panlipunang
pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.
A. Kakayahang Diskorsal C. Kakayahang Estratehiko
B. Kakayahang Pragmatiko D. Kakayahang Sosyolingguwistiko

2
4. Anong uri ng komunikasyon ang paghahatid at pagtanggap ng mga mensahe na
gumagamit ng wika at salita?
A. Komunikasyong di-berbal C. Komunikasyong pasenyas
B. Komunikasyong paaksyon D. Komunikasyong berbal
5. Aling sitwasyon ang gumagamit ng haptics?
A. Isang pulis-trapiko ang nagsesenyas sa gitna ng kalsada.
B. Ang pagkunot ng noo ay nagsasaad ng hindi pagkakaunawaan.
C. Ang pag-iling ay nagpapakita ng hindi pagsang-ayon sa kausap.
D. Nakagagaan ng pakiramdam ang paghaplos sa likod ng isang kaibigan.
6. Alin ang tumutukoy sa paggamit ng mata sa pakikipagtalastasan?
A. Chronemics C. Objectics
B. Iconics D. Oculesics
7. Pictics: Ekspresyon ng mukha, Objectics: _______________
A. bagay C. larawan
B. oras D. galaw
8. Ano ang pangunahing instrumento upang magpalitan ng impormasyon sa isa’t-isa?
A. Pakikipag-usap C. Pakikinig
B. Komunikasyon D. Diskurso
9. “Sa aming barangay maraming ang nagbibilang ng poste”. Hulaan kung ano ang
nais ipakahulugan ng nasalungguhitan sa pahayag.
A. Maraming masaya C. Maraming tambay
B. Maraming pabaya D. Maraming estranghero
10. Alin sa mga sumusunod na uri ng di-berbal na komunikasyon ang tumutukoy sa
kilos o galaw ng katawan?
A. Iconics C. Oculesics
B. Kinesics D. Olfactorics
11. Alin sa mga sumusunod ang HINDI gumagamit ng iconics?
A. Pagtaas ng puting bandila ng bilang pagsuko
B. Pagsusuot ng itim na damit para sa mga nagluluksa
C. Pagkakaroon ng isang araw at tatlong bituin sa bandila ng Pilipinas
D. Pagtawag sa bombero kung may sunog
12. Anong uri ng di-berbal na komunikasyon ang gumagamit ng pang-amoy upang
ipabatid ang mensahe?
A. Haptics C. Oculesics
B. Iconics D. Olfactorics
13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tungkol sa proxemics?
A. Intimate Distance C. Public Distance
B. Long Distance D. Social Distance
14. Ano ang kadalasang nagsasaad ng positibong emosyon o pakikiramay sa
malungkot o masamang karanasan?
A. Haptics C. Olfactorics
B. Iconics D. Paralanguage
15. Anong uri ng di-berbal na komunikasyon ang nagsasaalang-alang sa oras kung
kailan ginaganap ang usapan?
A. Chronemics C. Iconics
B. Haptics D. Olfactorics

3
Balikan
Kumusta ang resulta ng iyong paunang pagtataya? Magpatuloy ka sa modyul
na ito upang ganap mong maunawaan ang aralin.

Napag-aralan mo sa mga naunang modyul ang tungkol sa kakayahang


gramatikal at kakayahang sosyolingguwistiko. Balikan mo ang mga ito sa
pamamagitan ng gawain sa ibaba.

Gawain 1: Pagpasyahan Mo!


Panuto: Pagpasyahan kung tama o mali ang kaisipan ng bawat pahayag. Isulat sa
sagutang papel ang T kung tama ang ideya nito at M naman kung mali.

1. Ang act sequence ay tumutukoy sa uri o paraan ng pakikipagtalastasan.


2. Ang genre ay tumutukoy sa kumbensyon at paksa ng talakayan kasama ang
impluwensya ng kultura.
3. Ang participants ay tumutukoy sa layunin o dahilan ng pakikipagtalastasan.
4. Tumutukoy ang kakayahang gramatikal sa abilidad ng isang tao na makabuo at
makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap.
5. Kakabit ng kakayahang komunikatibo ng mga Pilipino ang wastong pagsunod sa
tuntunin ng balarilang Filipino.
6. Sa kasaysayan, dumaan sa maraming pagbabago at reoryentasyon ang ating
Wikang Pambansa na nagbunga ng pagbabago sa matandang balarila.
7. Ang kakayahang panlingguwistika ay hindi sapat upang makamit ang epektibong
pakikipagtalastasan gamit ang wika.
8. Ang kakayahang sosyolingwistiko ay kaakibat ng pag-unawa at paggamit sa
kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, at tuntuning pang-
ortograpiya.
9. Ayon kay Dell Hymes, ang komunikasyon ay isang sistema ng mga gawaing
pananalita na nakapaloob sa isang kontekstong kultural.
10. Ang salitang etnograpiya ay nangangahulugan ng sistematikong pag-aaral sa tao
at kultura sa pamamagitan ng personal na pagdanas at pakikipag-ugnayan sa mga
kalahok sa kanilang natural na kapaligiran.

Tuklasin
Hindi lamang kakayahang panggramatika at kakayahang sosyolingguwistiko
ang kailangan tungo sa pagkakaroon ng kakayahang komunikatibo. Mahalaga rin ang
kakayahang pragmatiko at kakayahang estratehiko na siyang tuon ng modyul na ito.
Iyong tuklasin ang tungkol sa paksa sa pamamagitan ng pagsagot sa Gawain 2.

Gawain 2: Hulaan Mo!


Panuto: Suriin ang mga senaryo at hulaan kung ano ang sinasabi o iniisip ng mga
tauhan sa mga kasunod na larawan batay sa mga di-berbal na pahiwatig. Isulat ang
mga diyalogo sa sagutang papel. (10 puntos)

4
A. Unang senaryo

2. ? 3. ?
1.?

B. Pangalawang senaryo

5. ?
4.?

Base sa katatapos na gawain, napatunayan mo na ang mga kilos o galaw ng


kausap ay may nakapaloob na mensahe. Bilang kalahok sa usapan, mahalagang
taglay mo ang kakayahang pragmatiko upang mabigyan mo ng tamang kahulugan
ang mga bagay-bagay tulad ng mga kilos o galaw ng kausap, paraan ng pagkakasabi
ng mga pahayag at ekspresyon ng mukha. Mahalaga ring taglay mo ang kakayahang
estratehiko upang masolusyunan ang mga suliraning pangkomunikasyon habang
nagaganap ang usapan. Iyong alamin pa ang tungkol sa mga ito sa susunod na
bahagi.

5
Suriin
Basahin ang sumusunod na mga tala tungkol sa kakayahang pragmatiko at
kakayahang estratehiko para lalo kang maliwanagan tungkol sa paksa.

A. KAKAYAHANG PRAGMATIKO

Si Noam Chomsky (1980) ang unang nagpakilala ng terminong pragmatic


competence o kakayahang pragmatiko. Ayon sa kanya, nagmula ang pangangailangang
unawain ito sa likas na pagkakaroon ng layunin sa paggamit ng wika. Ang kakayahang
pragmatiko ay kaalaman at kakayahan ng tao na iugnay ang gamit ng wika sa sitwasyon kung
saan at kailan ito ginagamit. Dagdag pa niya, walang punto ang pagkatuto ng estruktura ng
wika kung hindi malinaw kung paano itong gamitin.

Ayon kina Lightbown at Spada (2006), ang kakayahang pragmatiko ay tumutukoy sa


pag-aaral sa paggamit ng wika sa isang partikular na konteksto upang magpahayag sa
paraang diretsahan at may paggalang.

Sa kakayahang pragmatiko, mahalagang isaalang-alang ang lahat ng sinasabi at


ikinikilos ng kausap sapagkat ang mga ito ay makahulugan. Dapat ikonsidera sa pakikipag-
usap ang dalawang uri ng komunikasyon, ang berbal at di-berbal.

Dalawang Uri ng Komunikasyon:


1. Berbal - Isang anyo ng paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng mga salitang simbolo
na kumakatawan sa mga ideya at bagay-bagay. Nakapaloob dito ang pagsulat, pagbasa,
pagsasalita at pakikinig.
2. Di-berbal - Ito ay pagpapalitan ng mensahe o pakikipagtalastasan na ang daluyan o
channel ay hindi lahat lamang ng sinasalitang tunog kundi kasama ang kilos ng katawan at
ang tinig na iniaangkop sa mensahe. Isa itong detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat
ngunit nauunawaan ng lahat. Hindi ito gumagamit ng wika at mga salita.

Mga Uri ng Di-berbal na Komunikasyon


1. Kinesika (Kinesics) - Tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan.
Halimbawa: Paggalaw o kilos ng katawan tulad ng pag-iling, pagkaway, pagtango, paglapit o
paglayo sa kausap, at iba pa sa pagbibigay ng mensahe
2. Proksemika (Proxemics) - Tumutukoy sa layo o distansiya sa pagitan ng nag-uusap
gayundin naman sa pook kung saan nagaganap ang talastasan.
Halimbawa: Ang pagkakaroon ng tamang agwat sa pagitan ng nag-uusap ay may kahulugan
– intimate, personal, sosyal at pampubliko. May mga bagay ring dapat isaalang-alang upang
malaman ang tamang agwat na dapat gamitin kung nakikipagtalastasan tulad ng edad,
kasarian, posisyon sa lipunan, personalidad at maging ng kultura ng katalastas.
3. Pandama (Haptics) - Tumutukoy naman ito sa paghawak o paghaplos (touch) sa
pakikipagtalastasan. Maaaring mangahulugan ito ng pakikiramay, pakikigalak, at pakikiisa sa
damdamin ng kausap.
Halimbawa: Sa mga batang isinilang na kulang sa buwan, malaki ang nagagawa ng haplos,
yakap at magiliw na pagyakap sa sanggol tungo sa mabilis na pagdebelop ng kanyang pisikal
at emosyonal na katauhan. Kadalasang nagsasaad ito ng positibong emosyon o pakikiramay
sa mga hindi magandang karanasan.
4. Oras (Chronemics) - Mula sa salitang Griyegong “chronos” na nangangahulugan ng
panahon o oras. Sa komunikasyon, isinasaalang-alang din ang oras kung kailan ginaganap
ang usapan.
Halimbawa: Ang mga may masasamang balak ay di mag-uusap-usap sa umaga kundi sa
gitna ng kadiliman ng gabi upang itago ang balakin.

6
5. Bagay (Objectics) - Ito ay paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan. Kabilang dito
ang mga elektronikong ekwipment tulad ng cellphone, mikropono, telepono, radyo, at iba pa.
Halimbawa: Pagbigay ng tsokolate at bulaklak ng isang binatang nagpapahayag ng
damdamin sa dalagang napupusuan
6. Simbolo (Iconics) - Paggamit ng mga larawan o sagisag na ginagamit sa
pakikipagtalastasan.
Halimbawa: Ilaw-trapiko at iba pang ginagamit na sagisag sa kalsada at iba pa
7. Mata (Oculesics) - Tumutukoy ito sa paggamit ng mga mata sa pakikipagtalastasan.
Naniniwala ang ilan na ang taong may tinatagong lihim o nagsisinungaling kaya ay di
makatingin nang diretso sa mata ng kausap.
Halimbawa: Ang pagtingin ng diretso sa kausap ay maaaring mangahulugan ng katapatan at
malinis na layunin.
8. Vocalics - Ang paglakas-paghina, pagbagal, pagbilis ng tinig, pagbabago-bago ng
intonasyon o tono.
Halimbawa: Saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na mabisang ipahayag ang mensahe
9. Olfactorics - Nakatuon naman ito sa pang-amoy.
Halimbawa: Ang masamang amoy ng katabi ay nangangahulugan na hindi siya naligo.
10. Ekspresyon ng mukha (Pictics) - Ito ay pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang
maunawaan ang mensahe ng tagahatid. Kadalasan itong nagpapakita ng emosyon at
nahihinuha natin ang nararamdaman ng isang tao.
Halimbawa: Ang pagpapalipat-lipat mula kanan, kaliwa, taas at pababa ng labi ng tao ay
nangangahulugan ng pagiging iritado.

B. KAKAYAHANG ESTRATEHIKO
Ang kakayahang estratehiko o kakayahang istratedyik ay isang komponent ng
kakayahang pangkomunikatibo. Ito ay naglalarawan sa pakikipagtalastasang pinag-iisipan at
ginagamitan ng iba’t ibang paraan ng epektibong komunikasyon sa kapuwa. Ito ay
kakayahang magagamit ng tao sa mga sitwasyong hindi inaasahan. Nagiging pangunahing
puhunan ang mabilis na pag-iisip at likas na pagiging sensitibo ng mga taong sangkot sa
komunikasyon

Ito ang kakayahang magamit ang berbal at di-berbal na mga hudyat upang maihatid
nang mas malinaw ang mensahe. Sa pamamagitan nito, maiiwasan o maisasaayos ang mga
hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa komunikasyon. Sa isang bagong nag-aaral
ng salita na hindi pa bihasa sa paggamit ng wikang binibigkas ay makatutulong ang paggamit
ng mga hindi berbal na hudyat tulad ng kumpas ng kamay, tindig, at ekspresyon ng mukha
upang maipaabot ang tamang mensahe. Sinasagot nito ang mga tanong na:
 Paano ko malaman kung hindi ko pala naunawaan ang ibig sabihin ng kausap
ko o kung hindi niya naunawaan ang gusto kong iparating? Ano ang sasabihin
o gagawin ko upang maayos ito?
 Paano ko ipahahayag ang aking pananaw nang hindi mabibigyan ng maling
interpretasyon ang aking sasabihin kung hindi ko alam ang tawag sa isang
bagay?

Halimbawa ng mga Estratehiya sa Epektibong Komunikasyon


1. Panghihiram: Nanghihiram ang tao ng mga salita o wika upang punan ang salitang hindi
maipahayag.
“Malakas ang ulan kasabay ng lightning sa labas.”
2. Muling pagpapakahulugan o paraphrase: Isinasaayos muli ang porma o estruktura ng
pangungusap o nagpapalit ng tamang salita para madaling maipahayag ang nais iparating sa
kausap.
Mali: “Bobo ka kaya mag-aral ka.”
Tama: “Mag-aral ka nang mabuti dahil mababa ang marka mo.”
3. Sirkumlokusyon (Circumlocation): Gumagamit ng mga salitang naglalarawan o
tumutukoy sa isang layunin o aksiyon.

7
“Alam mo iyon, magandang gamitin itong chlorox sa paglilinis ng bahay.”
4. Paglilipat (Transfer): Gumagamit ng kanyang katutubong wika sa pagsasalita, sa
pagsasalin ng mga salita sa iba pang salita, o sinasadya naman itong hindi isalin.
“Ewan ko sa iyong lubot.”
Ang lubot sa Cebuano ay katumbas ng puwet.
5. Interlanguage: Ito ay sumasailalim sa masistemang proseso ng pagbanat ng
napapanahong kaalaman at kasanayan sa target na wika o tinatawag na interlanguage.
Nagkakaroon ng paglalahat sa gamit ng mga salita na tumutukoy sa espesipikong salita.
“Mabango ang bulaklak na iyan!”
Tinutukoy ay rosas
6. Kasingkahulugan at Kasalungat: Pumipili ang tagapagsalita ng pinakamalapit o may
kabaligtarang kahulugan ng salita upang mas madaling maunawaan.
Mali: “Walang kwenta ang napanood kong palabas kanina.”
Tama: “Hindi maganda ang napanood kong palabas kanina.”
7. Kooperatibong Estratehiya: Nakapaloob ang kompirmasyon sa pahayag o pagbaback-up
ng kausap sa pahayag o salita.
“Basahin mo ang nasa placard ng MMDA, ’May namatay na rito,’ Tama, di ba?”

Sa pangkalahatan, ang kakayahang estratehiko ay tumutukoy sa paggamit ng


estratehiya o strategy upang mapunan ang kakulangan ng kaalaman sa tuntunin ng wika. Ito’y
nagsasabi na walang perpektong kaalaman ang nagsasalita sa kanyang wika at siya ay
maaaring magkamali minsan ngunit kinakikitaan ng pag-aalala dahil alam niya kung ano ang
gagawin dahil sa taglay na kakayahang etratehiko.

Pagyamanin
Naunawaan mo na ba ang paglalahad tungkol sa kakayahang pragmatiko at
kakayahang estratehiko? Palalimin mo ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng
pagsasagawa sa mga sumusunod na pagsasanay. Masayang pagsasanay!

Gawain 3. Suriin Mo !
Panuto : Hanapin sa Kolum B ang tinutukoy sa Kolum A. Isulat ang titik ng sagot sa
sagutang papel.
Kolum A Kolum B

1. Gamit ang pang-amoy sa pagpapadala ng A. Kinesics


mensahe
2. Kilos at paggalaw B. Objectics
3. Pagtaas at pagbaba ng boses C. Haptics
4. Bulaklak at tsokolate D. Vocalics
5. Hawak, Hablot, Pisil, Tapik E. Olfactorics
6. Hindi maganda ang iyong gupit F. Kasingkahulugan at Kasalungat
7. Puhunan ang mabilis na pag-iisip G. Pagtatransfer
8. Pagkindat ng mata H. Estratehiko
9. Detalyado at lihim na kodigo I. Di-berbal
10. Paggamit ng katutubong wika sa pagsasalin J. Oculesic

8
Gawain 4: Ekspresyon mo!
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na iba’t ibang ekspresyon ng
mukha. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Hindi maaaring maulit ang isang
deskripsyong nagamit na. (10puntos)
1. 2.

3. 4.

5. 6.

7. 8.

9. 10.

9
Isaisip
Mula sa mga natapos na gawain, sikapin mo ngayong ilahat ang mahahalagang
kaisipan tungkol sa kahulugan ng kakayahang pragmatiko at kakayahang estratehiko.

Gawain 5: Ibuod Mo!


Panuto: Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng kakayahang pragmatiko at
kakayahang estratehiko sa pamamagitan ng Venn diagram. Gamiting gabay sa
gawaing ito ang mga sumusunod na pamantayan:

1. Kaisahan ng ideya = 10 puntos


3. Kaayusan = 5 puntos
Kabuoan = 15 puntos

Estratehiko Pragmatiko

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

Isagawa
Bilang patunay na ikaw ay may natamong mga kaalaman sa araling ito, isagawa ang
mga sumusunod na gawain bilang aplikasyon ng iyong mga natutuhan sa aralin.

Gawain 6: Iguhit mo
Panuto: Gamit ang short bond paper, gumuhit ng dalawang sagisag o simbolo tungkol
sa buhay. Gamiting gabay sa gawaing ito ang mga sumusunod na pamantayan:

1. Pisikal na kaanyuan at kalinisan = 10 puntos


2. Kaangkupan ng simbolong naiguhit = 10 puntos
3. Pagkamalikhain = 10 puntos
Kabuoan = 30 puntos

10
Gawain 7: Reaksyon mo!
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at magbigay ng paghihinuha
kung ano ang maaaring maging reaksyon ng kasangkot sa bawat pahayag.
Pangatwiranan ang napiling sagot. Gamiting gabay sa gawaing ito ang mga
sumusunod na pamantayan:

1. Nilalaman = 5 puntos
2. Kaisahan ng ideya = 5 puntos
Kabuoan = 10 puntos

1. Gusto mong pakiusapan ang iyong ama na ipasa ang iyong mga sagutang papel
sa paaralan ngunit hindi ka pinakikinggan.” Ano sa tingin mo ang maaaring dahilan
ng iyong ama kung bakit hindi ka pinakinggan sa iyong pakiusap?
a. “Hindi kita pinakikinggan sa pakiusap mo dahil pagod na ako sa kapapasa ng
inyong sagutang papel.”
b. “Hindi kita pinakikinggan sa pakiusap mo dahil sa sobra akong abala sa aking
mga gawain sa trabaho.”
c. “Hindi ako nakikinig sa inyo dahil sobra akong pagod sa kapapasa ng inyong
sagutang papel.”
d. “Hindi kita pinapakinggan dahil nakikiusap ka na naman na ipapasa ko ang inyong
sagutang papel.”

2. Ikaw ay itinalagang tagapagdaloy sa inyong Google meet class ngunit nakita mong
naiinip na ang iyong mga kamag-aaral sa paghihintay. Ano ang maaring reaksyon ng
iyong kamag-aral sa habang naghihintay?
a. “Ano ba naman iyan napakatagal namang mag-umpisa ang ating klase.”
b. “Bakit hindi pa tayo magsimula? Sino ba ang ating hinihintay?”
c. “Maaari bang simulan na natin ang ating klase? Nasasayang na ang oras natin eh.”
d. “Ano ba ang ating hinihinihintay? Pasko?”

Tayahin
Natamo mo ba ang mga layunin ng aralin? Ang pagsusulit na ito ang tutugon
at susukat ng iyong mga natutuhan. Magpakitang-gilas na!
Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng iyong piling
sagot.
PANGHULING PAGTATAYA
1. Isinaalang-alang ni Ana ang pagtupad sa oras ng kaniyang interbyu kaya siya ay
natanggap sa trabaho. Ano ang kahulugan ng ginawa ni Ana?
A. Pagsasayang C. Pagpapakumbaba
B. Pakitang-gilas D. Paggalang sa oras

2. Pagkababa ng anak sa entablado ay agad tinapik ng ama ang kaniyang likod na


masayang-masaya. Ano ang mensaheng ipinaabot ng ama sa kaniyang anak?
A. Mensahe ng pagbati at kasiyahan C. Mensahe ng kalungkutan
B. Mensahe ng pakikiramay D. Mensahe ng kahinaan

11
3. Nangibabaw sa ekspresyon ng kaniyang mukha ang mensaheng nais niyang
iparating sa madla. Anong komponent ng kakayahang pangkumunikatibo ang
binanggit sa pahayag?
A. Kakayahang Diskorsal C. Kakayahang Pragmatiko
B. Kakayahang Pragmatik D. Kakayahang Sosyolingguwistiko

4. Nakita mo sa parke na halos magkapalit na ng mukha ang agwat ng


nagkukuwentuhan. Anong uri ng di-berbal na komunikasyon ang tinutukoy sa
pahayag?
A. Oculesics C. Olfactorics
B. Kinesics D. Proxemics

5. Anong komponent ng kakayahang komunikatibo ang tumutukoy sa kakayahang


magamit ang berbal at di-berbal na mga hudyat upang maihatid nang mas malinaw
ang mensahe at maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa
komunikasyon?
A. Kakayahang Diskorsal C. Kakayahang Estratehiko
B. Kakayahang Pragmatik D. Kakayahang Sosyolingguwistiko

6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may tamang ayos o porma ng tamang
salita para madaling maipahayag ang nais iparating sa kausap?
A. “Lumagpak ka na naman, mag-aral ka nga.”
B. “Bagsak ka kaya mag-aral ka.”
C. “Bobo ka kaya mag-aral ka.”
D. “Mag-aral ka nang mabuti dahil mababa ang marka mo.”

7. Ginamit ng iyong kaibigan ang kaniyang nguso sa pagsagot sa tinatanong mong


direksiyon. Ano ang ibig sabihin ng kaniyang ginawa?
A. Nagpapahiwatig na masakit ang kaniyang bibig.
B. Nagpapahiwatig na pagod na siyang makipag-usap sa iyo.
C. Nagpapahiwatig na doon ang tamang daan na kanilang tatahakin.
D. Nagpapahiwatig na siya ay gutom.

8. Aling sitwasyon ang gumagamit ng Oculesics?


A. Kinindatan ng isang binata ang babaeng napupusuan.
B. Umiling siya ay tinatanong tungkol sa nabasag na pinggan.
C. Tumango ang kaniyang ulo upang sumang-ayon.
D. Hinaplos niya ang maamong mukha ng sanggol.

9. Halos hindi makatingin ng deretso sa mata ng kaniyang ina si Maria habang


sinasabi na siya ay pumasok sa paaralan kanina. Ano ang ibigisabihin ng
nasalungguhitan sa pahayag?
A. Si Maria ay nagsasabi ng totoo.
B. Si Maria ay nagsisinungaling.
C. Si Maria ay nag-aalinlangan.
D. Si Maria ay naaasar.

12
10. Ano ang nais ipahiwatig ng pagtaas ng ulo ng iyong kaibigan habang siya ay iyong
tinatanong tungkol sa iyong hinahanap na bagay?
A. Nagpapahiwatig na masakit ang kaniyang ulo.
B. Nagpapahiwatig sa tamang lalagyan ng hinahanap na bagay.
C. Nagpapahiwatig ito ng pagsang-ayon.
D. Nagpapahiwatig na pagod na siya sa pakikipag-usap sa iyo.

11. “Talagang nabuwang na ang taong iyan sa kaniyang kasintahan” Hulaan kung ang
ibig sabihin ng nasalungguhitang salita sa pahayag.
A. Nasasabik sa kaniyang kasintahan.
B. Baliw na baliw siya sa kasintahan.
C. Galit na galit siya sa kasintahan.
D. Mahal na mahal ang kaniyang kasintahan.

12. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may tamang kasingkahulugan at


kasalungat na gagamitin sa pakikipag-usap upang madaling maunawaan?
A. “Pangit ang palabas kanina.”
B. “Sakit sa ulo ang palabas kanina.”
C. “Walang kwenta ang napanood kong palabas kanina.”
D. “Hindi maganda ang napanood kong palabas kanina.”

13. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nanghiram ng wika o salita?


A. “Sobrang lamig ang klima sa probinsiya.”
B. “Magara talaga ang wheels ng kaniyang kasintahan.”
C. “Maaliwalas ang hangin sa dagat.”
D. “Magandang pagmasdan ang tanawin sa himpapawid.”

14. Nalaman agad ni Tonyo kung ano ang ulam nila ng tanghalian dahil nalanghap
niya ang amoy ng pagkaing niluto ng kanyang ina. Anong uri ng di-berbal na
komunikasyon ang nasalungguhitan sa pangungusap?
A. Oculesics C. Olfactorics
B. Haptics D. Iconics

15. Alin sa mga sumusunod ang gumagamit ng mga salitang naglalarawan na


tumutukoy sa isang layunin o aksiyon.
A. “Tara na at kumukulo ang dugo ko sa kaniya.”
B. “Ewan ko sa iyong lubot.”
C. “Mabango ang bulaklak na iyan!”
D. “Alam mo iyon, magandang gamitin itong chlorox sa paglilinis ng bahay.”

13
14
Gawain 3:
PANGHULING PAGTATAYA
1. E 6. F
1. D 6. D 11. B 2. A 7. H
3. D 8. J
2. A 7. C 12. D 4. B 9. I
5. C 10. G
3. B 8. A 13. B Gawain 4: Magkakaiba-iba ang mga sagot
Gawain 5 – Magkakaiba ang mga sagot.
4. D 9. B 14. C Gawain 6: Magkakaiba-iba ang mga sagot
Gawain 7: Magkakaiba-iba ang mga sagot
5. C 10. B 15. D
Gawain 1 – PAUNANG PAGTATAYA
1. M 6. T
2. M 7. T 1. B 6. D 11. B
3. M 8. M
4. T 9. T 2. A 7. A 12. D
5. T 10. T
3. D 8. B 13. B
Gawain 2: - Magkakaiba-iba ang mga sagot 4. D 9. C 14. A
5. D 10.B 15. A
SUSI SA PAGWAWASTO
TALASANGGUNIAN

Dayag, A., del Rosario, M.G. (2016). Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.

Almario, V. (2016). Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa. Manila: Komisyon sa Wikang
Filipino.

Jocson, M. (2016). Komunikasyan at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City. Vibal.

Bernales, R. (2009). Mabisang Komunikasyon sa Wikang Pang-akademiko. Malabon City. Mutya


Publishing.

Talegon, V. (2016). Daloy ng Wika.Quezon City:Brilliant Creations Publishing Inc.

Garcia, Lakandupil C. et al. Tinig: Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Ikaapat na Edisyon).


Quezon City. Jimczyville Publications.

15
Para sa katanungan o puna, sumulat sa:
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet
Telepono bilang 422-1318
www.depedcar

16

You might also like