You are on page 1of 2

KWENTO NG KALIKASAN

(NARRATOR)
KATNISSE: Isang araw sa panahon ng tag lagas nag dilim ang kalangitan at nagsimulang
lumakas ang hangin.

(PUNO)
SHUNN: Ako ang hari ng kagubatan, pinakamatangkad at pinakamalakas sa lahat, hindi
ako padadaig kahit gaano pa kalakas ang hangin, mukhang tumitindi ang
pwersa niyo kahit bagyo hindi ako papatalo.

(DAMO 1)
DALE: Mapapayat tayo di na natin kailangan lumaban sa malakas na hangin sa halip ay
banatin na lamang natin an gating sarili.

(NARRATOR)
KATNISSE: Nagpatuloy pa ang bagyo at humampas ang malakas na hangin lalo pa itong
tumitindi hanggang tila nagmistula na itong ipo-ipo.

(PUNO)
SHUNN: Malakas at metatag ako hindi ako mapapatumba ng kahit ano, kaya kong
labanan ang pwersa ng hangin.

(NARRATOR)
KATNISSE: Dahil sa tindi ng pwersa ng hangin maya-maya pa ay tumumba na ang puno ng
insina.

(PUNO)
SHUNN: AAHH! AAHH! AAAHH!

(DAMO 2)
AXXEL: Uy! Tingnan niyo ang hari ng kagubatan at tumumba na parang ordinaryong
kawayan. Nadaig siya ng malakas na hangin.
(PUNO)
SHUNN: Nakatayo parin kayo samantalang ako narito nakahiga wasak at kawawa. Bakit
kailangang mangyari sa akin ito? Bakit?

(DAMO 3)
MATTHEUS: Hindi niyo ho kailangang masyadong maging mapagmalaki ginoong insina.
Nawasak kayo at ngayo’y nakahiga. Hindi mo naman po kasi kailangan
lumaban ng sobra sa matinding bugso ng hangin.

(DAMO 1)
DALE: Kami alam naming imposible naming labanan ang ganon katinding hangin kaya
binanat nalang namin ang aming sarili bago pa sila humampas. Dahil dun
nanatili kaming nakatayo.

(DAMO 2)
AXXEL: Mas mabuti pong mabanat kaysa masira hindi po ba?

(PUNO)
SHUNN: Tama kayo, ipagpaumanhin ninyo kung naging mataas ang tingin ko sa sarili ko,
hindi ko inaasahan na maaari palang mangyari sa akin ito. Salamat at may
natutunan ako mula sa inyo simula ngayon hindi na ako
magyayabang kundi magpakumbaba na lamang.

You might also like