You are on page 1of 72

8

ju

Araling Panlipunan
Mga Gawain sa Pagkatuto
Ikalawang Kwarter, Weeks 1-5

SCHOOLS DIVISION OF BAYUGAN CITY


ii
Araling Panlipunan 8
Ikalawang Kwarter - Mga Gawain sa Pagkatuto
Unang Set
Unang Edisyon, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks,
etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has
been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective
copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by Schools Division of Bayugan City

Development Team of the Learning Activity Sheets

Writer: Alvinshem B. Plaza


Editor: Dan Ralph M. Subla
Reviewers: Dan Ralph M. Subla, Isabelita B. Encendencia, Erlinda T. Buron
Layout Artist: Eljun A. Calimpusan
Management Team:
Schools Division Superintendent MINERVA T. ALBIS, PhD
OIC, Assistant Schools Division Superintendent RITA S. REYES,EdD, CESE
Chief Education Supervisor, CID IMEE R. VICARIATO
Division Coordinator, Araling Panlipunan DAN RALPH M. SUBLA
Education Program Supervisor, LRMS GENEVIEVE S. VERCELES, PhDM
Project Development Officer II ELJUN A. CALIMPUSAN
SDO Librarian II JOECIL P. PURGANAN

Printed in the Philippines by ______________________________

Department of Education – Learning Resource Management Section


Office Address: Lanzones Street, Poblacion, Bayugan City
E-mail Address: deped.bayugan@gmail.com,
lrms.bayugan.caraga@deped.gov.ph
Telephone no.: (085) 3030-664, 3030-407, 231-1924

iii
8

Araling Panlipunan
Mga Gawain sa Pagkatuto,
Ikalawang Kwarter, Weeks 1-5

Ang mga gawain sa pagkatuto na ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro at mga program supervisor mula
sa mga pampublikong paaralan ng Dibisyon ng Bayugan City.
Hinihikayat namin ang ibang mga guro at ibang nasa larangan
ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa deped.bayugan@gmail.com.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

SCHOOLS DIVISION OF BAYUGAN CITY

iv
Paunang Salita

Para sa mga Guro:


Inihanda ang Learning Activity Sheets na ito upang magamit ng mga guro bilang
karagdagang kagamitan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Nais ng modyul na ito na
makatulong sa mga guro upang higit na maibigay ang pagkatutong inaasahan sa mga
mag-aaral. Ang mga gawaing kalakip nito ay ipinapanukalang gamitin ng mga mag-
aaral sa paggabay pa rin ng mga guro. Mahalaga ang gampanin ng mga guro sa
pagpapatupad ng mga gawaing nakalakip dito dahil nakasalalay sa kanila ang
ikatatagumpay ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Para sa Mag-aaral:
Ang Learning Activity Sheets na ito ay sadyang ginawa at inihanda para sa iyo
upang ikaw ay mas higit pang magkaroon ng kaalaman na iyong maaaring magamit sa
pagtahak ng panibagong yugto sa pag-aaral. Ang mga babasahin at gawain ay iniangkop
sa iyong kakayahan at kasanayan upang higit na magkaroon ng interes sa pag-aaral ng
aralin.
Ang mga gawain sa Learning Activity Sheets na ito ay binubuo ng sumusunod:

Binibigyan ka nito ng isang ideya ng mga


kasanayan o kakayahan na inaasahan
Alamin Natin mong matutunan at ang talakayan ng
aralin sa bawat aktibidad.

Naglalaman ito ng mga aktibidad para sa


independiyenteng kasanayan upang
Gawin Natin mapatibay ang iyong pag-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong suriin
ang mga sagot sa mga pagsasanay na
makikita sa Susi sa Pagwawasto.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


Susi sa
lahat ng mga gawain sa Learning Activity
Pagwawasto
Sheets.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga Gawain, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!

ii
Unang Kabihasnang Klasiko sa
Linggo Europa

Alamin Natin

Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang klasiko


ng Greece. (MELC, AP8DKT-IIa-1)

Layunin:

1. Nakapagpapaliwanag sa kabihasnang Minoan, Mycenean at


kabihasnang klasiko ng Greece.
2. Nakapagtuturo sa mapa/globo ang lokasyon ng kabihasnang Minoan,
Mycenean, at kabihasnang klasiko ng Greece.
3. Nakapagsusuri sa kabihasnang Minoan, Mycenean at kabihasnang
klasiko ng Greece

Nilalaman ng Aralin:

Bilang panimula,
basahin at unawain ang
sumusunod na teksto
tungkol sa Kabihasnang
Minoan at Mycenaean.
Naging sentro ng
sinaunang Greece ang
mabundok na bahagi ng
tangway ng Balkan sa
timog at ilang mga pulo sa
karagatan ng Aegean.
Samantala, ang
karagatan ng
Mediterranean ang naging
tagapag-ugnay ng Greece
sa iba pang panig ng
mundo.

1
Sa mundo ng mga sinaunang Greek, ang karagatan ang pinakamainam
na daanan sa paglalakbay. Dahil dito karamihan sa mga pamayanan nila ay
matatagpuan 60 kilometro lamang mula sa baybay-dagat.
Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin. Ito ang
pangunahing naging sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga
pamayanan. Naging mabagal ang paglago ng mga kaisipan
at teknolohiya. Subalit ito rin ang naging dahilan upang ang bawat lungsod-
estado ay magkaroon ng kani-kanilang natatanging katangian na
nagpayaman sa kanilang kultura.
Ang mga mainam na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay-
daan sa maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan ng kanilang
maunlad na kabuhayan. Ito rin ang nagbigay daan upang magkaroon sila ng
kaugnayan sa iba’t ibang uri ng tao na nakatulong naman upang mapayaman
nila ang kanilang kultura at maibahagi ang kanilang mga naging tagumpay
sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay sa sandaigdigan.

Ang mga Minoans

Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay


nagsimula sa Crete mga 3100 B.C.E. o Before the Common Era. Tinawag itong
Kabihasnang Minoan batay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalamat na
haring sinasabing nagtatag nito. Kilala ang mga Minoan bilang mahuhusay
gumamit ng metal at iba pang teknolohiya. Nakatira sila sa mga bahay na
yari sa laryo (bricks) at may sistema sila ng pagsulat. Magagaling din silang
mandaragat.
Hindi nagtagal, kinilala ang Knossos bilang isang makapangyarihang
lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete. Dito matatagpuan ang isang

2
napakatayog na palasyo na nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at
napapaligiran ng mga bahay na bato. Ang palasyo ay nasira ng sunud-sunod
na sunog at iba pang mga natural na kalamidad.
Paglipas ng ilan pang taon na tinataya 1600 hanggang 1100 B.C.E.,
narating ng Crete ang kanyang tugatog. Umunlad nang husto ang kabuhayan
dito dulot na rin ng pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa
paligid ng Aegean. Dumarami ang mga bayan at lungsod at ang Knossos ang
naging pinakamalaki.
Sa pamayanang Minoan ay may apat na pangkat ng tao: ang mga
maharlika, mga mangangalakal, mga magsasaka, at ang mga alipin. Sila ay
masayahing mga tao at mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan.
Maging sa palakasan ay di nagpahuli ang mga Minoan. Sila na siguro ang
unang nakagawa ng arena sa buong daigdig kung saan nagsasagawa ng mga
labanan sa boksing.
Ang kabihasnang Minoan ay tumagal hanggang mga 1400 B.C.E.
Nagwakas ito nang salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang mga
mananalakay na sumira at nagwasak sa buong pamayanan. Tulad ng
inaasahan, ang iba pang mga lungsod ng mga Minoan ay bumagsak at isa-
isang nawala.

Ang mga Mycenaean

Bago pa man salakayin at sakupin ng mga Mycenaean ang Crete,


nasimulan na nilang paunlarin ang ilang pangunahing kabihasnan sa Timog
Greece.
Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng
karagatang Aegean ang naging sentro ng kabihasnang Mycenaean. Ang mga
lungsod dito aypinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay.
Napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing
pananggalang sa mga maaring lumusob dito. Pagdating ng 1400 B.C.E., isa
nang napakalakas na mandaragat ang mga Mycenaean at ito ay nalubos ng
masakop at magupo nila ang Crete. Naiugnay nila ang Crete sa lumalagong
kabihasnan sa Greece. Maraming mga salitang Minoan ang naidagdag sa
wikang Greek. Ang sining ng mga Greek ay naimpluwensiyahan ng mga
istilong Minoan. Ilan sa mga alamat ng Minoan ay naisama sa mga kwento at
alamat ng mga Greek.
Bagamat walang naiwang mga nakasulat na kasaysayan, ang
pagsasalin-salinng mga kwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay
lumaganap. Di naglaon ang mga kuwentong ito ay nag-ugnay sa mga tao at
sa mga diyos-diyosan. Ito ang sinasabing naging batayan ng mitolohiyang
Greek. Sa bandang huli, di nailigtas ng mga pader na kanilang ginawa ang
mga Mycenaean sa paglusob ng mga mananalakay. Noong 1100 B.C.E., isang

3
pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Greece at iginupo ang mga
Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian. Samantala, isang pangkat naman
ng tao na mayroon dinkaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog
ng Greece sa may lupain sa Asia Minor sa may hangganan ng karagatang
Aegean. Nagtatag sila ng kanilangpamayanan at tinawag itong Ionia.Nakilala
sila bilang mga Ionian.
Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark age o madilim na
panahon natumagal din nang halos 300 taon. Naging palasak ang digmaan
ng mga iba’t ibang kaharian. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, at iba pang
gawaing pangkabuhayan. Maging ang paglago ng sining at pagsulat nang
unti-unti ay naudlot din.
Mula sa labi ng madilim na panahon, unti-unting umusbong sa Ionia
ang isang bagong sibilisasyon na mabilis ding lumaganap sa kabuuan ng
Greece. Ilang pamayanan sa baybayin ng Greece na tinatawag ang kanilang
sarili na Hellenes o Greeks ang nagkaroon ng malaking bahagi sa
sibilisasyong ito. Kinilala ito sa kasaysayan bilang Kabihasnang Hellenic
mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas.Ito ay tumagal mula 800 B.C.E.
hanggang 400 B.C.E. at naging isa sa mga pinakadakilang sibilisasyong
naganap sa kasaysayan ng daigdig.

Ang mga Polis

Dahil sa mga digmaan bago pa ang Panahong Hellenic, nagtayo ng mga


kuta ang mga Greek sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga
taluktok ng bundok upang maprotektahan ang kanilang sarili sa pagsalakay
ng iba’t ibang pangkat. Ang mga pook na ito ay naging pamayanan. Dito
nagsimula ang mga lungsod-estado o polis kung saan hango ang salitang may
kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, politika at politiko. May malalaki
at maliliit na polis. Ang pinakahuwarang bilang na dapat bumuo ng isang
polis ay 5000 na kalalakihan dahil noon ay sila lamang ang nailalagay sa
opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod-estado. Karamihan sa mga polis
ay may mga pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na tinawag na
acropolis o mataas na lungsod. Sa panahon ng digmaan, ito ang naging
takbuhan ng mga Greek para sa kanilang proteksyon. Sa acropolis
matatagpuan ang matatayog na palasyo at templo kung kaya’t ito ang naging
sentro ng politika at relihiyon ng mga Greek. Samantala, ang ibabang bahagi
naman ay tinawag na agora o pamilihang bayan. Napapaligiran ng mga
pamilihan at iba pang mga gusali na nagbigay daan sa malayang bilihan at
kalakalan.
Sa mga lungsod-estado, naramdaman ng mga Greek na sila ay bahagi
ng pamayanan. Ito ang dahilan kung bakit ipinagkaloob naman nila dito ang
kanilang katapatan at paglilingkod. Hindi lahat ng mga nasa lungsod-estado
ay mamamayan nito. Ang mga lehitimong mamamayan ay binigyang

4
karapatang bomoto, magkaroon ng ari-arian, humawak ng posisyon sa
pamahalaan, at ipagtanggol ang sarili sa mga korte.
Bilang kapalit, sila ay dapat na makilahok sa pamahalaan at tumulong
sa pagtatanggol sa mga polis sa panahon ng digmaan. Ang lahat ng ito,
dagdag pa ang paglago ngkalakalan, ay nagbigay daan sa pag-unlad ng mga
lungsod-estado. Kasabay nito ang mabilis na paglaki ng populasyon na
naging pangunahing dahilan naman kung bakit nangibang lugar ang mga
Greek. Ang iba ay napadpad sa paligid ng mga karagatang Mediterranean at
Iton. Bagamat napunta sila at nanirahan sa malalayong lugar, di nawala ang
kanilang ugnayan sa pinagmulang lungsod-estado o metropolis.
Mula sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig, natutuhan
ng mga Greek ang mga bagong ideya at teknik. Mula sa mga Phoenician ay
nakuha nila ang ideya ng alpabeto na naging bahagi naman ng kanilang
sariling alpabeto. Ginamit din nila ang mga teknik ng mga Phoenician sa
paggawa ng mas malalaki at mabibilis na barko. Sa mga Sumerian naman ay
namana nila ang sistema ng panukat. Mula naman sa mga Lydian ay
natutuhan nila ang paggamit ng sinsilyo at barya sa pakikipagkalakalan.

Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma

Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa


Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Greece. Sa lahat ng
mga lungsod-estado, ang Sparta lamang ang hindi umasa sa kalakalan. Ito
ay may magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa
pagsasaka. Pinalawak ng mga Spartan ang kanilang lupain sa pamamagitan
ng pananakop ng mga karatig na lupang sakahan at pangangangamkam nito.
Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta
upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan.
Samakatuwid, naging alipin ng mga Spartan ang mga helot. Maraming
pagkakataon na nag-alsa laban sa mga Spartan ang mga helot ngunit ni isa
rito ay walang nagtagumpay.
Dahilan sa palagiang pag-aalsa ng mga helot, nagdesisyon ang mga
Spartan na palakasin ang kanilang hukbong militar at magtatag ng isang
pamayanan ng mga mandirigma upang maging laging handa sa kahit anong
pag-aalsang gagawin ng mga helot.
Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay
magkaroon ng mga kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may
malalakas na pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri.
Kapag nakitang mukhang mahina at sakitin ang isang sanggol ay dinadala
sa paanan ng kabundukan at hinahayaang mamatay doon. Samantala, ang
malulusog na sanggol ay hinahayaang lumaki at maglaro sa kani-kanilang
bahay, hanggang sumapit ang ikapitong taon nila. Pagsapit ng pitong taon,
ang mga batang lalaki ay dinadala na sa mga kampo-militar upang

5
sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa serbisyo militar. Malakas
na pangangatawan, katatagan, kasanayan sa pakikipaglaban, at katapatan
ang ilan sa pangunahing layunin ng pagsasanay. Tinitiis nila ang mga sakit
at hirap nang walang reklamo. Pinapayagan lamang sila na makita ang
kanilang pamilya sa panahon ng bakasyon. Sa gulang na 20, ang mga
kabataang lalaki ay magiging sundalong mamamayan at ipinapadala na sa
mga hangganan ng labanan. Sa edad na 30, sila ay inaasahang mag-aasawa
na ngunit dapat na kumain at manirahan pa rin sa kampo, kung saan hahati
na sila sa gastos. Sa edad na 60, sila ay maaari nang magretiro sa hukbo.
Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang mapigilan
ang mga pag-aalsa ng mga helot. Maging ang mga kababaihan ay sinasanay
na maging matatag. Di tulad ng mga kababaihang Greek na limitado ang
ginagampanan sa lipunan, ang mga kababaihang Spartan ay maraming
tinatamasang karapatan. Sila ang mga nag-aasikaso ng lupain ng kanilang
mga asawa habang ang mga ito ay nasa kampo militar. Nangunguna din sila
sa mga palakasan at malayang nakikipaghalubilo sa mga kaibigan ng kani-
kanilang mga asawa habang masaya silang nanonood ng mga palarong tulad
ng pagbubuno o wrestling, boksing, at karera.
Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na
sandatahang lakas sa buong daigdig. Sa simula, labu-labo kung
makipagdigma ang mga Greek. Oo nga’t sama-samang nagmamartsa sa lugar
ng digmaan, ang mga sundalo ay isa-isang nakikipaglaban sa mga kaaway
hanggang sila ay manghina at mamatay. Nang lumaon ang mga Griyego, lalo
na ang mga Spartan, ay mas naging maparaan sa kanilang pakikipagdigma.
Sa halip na lumusob ng isa-isa sa mga kalaban, sila ay nananatiling sama-
sama sa pagkakatayo pasulong man o paurong sa labanan, hawak ang
pananggalang sa kaliwang kamay at espada naman sa kanan. Ang hukbong
ito na tinaguriang phalanx ay karaniwang binubuo ng hanggang 16 na hanay
ng mga mandirigma. Kapag namatay ang mga sundalo sa unang hanay, ito
ay mabilis na sinasalitan ng susunod pang hanay. Ang phalanx ay hindi mga
bayarang mandirigma, sila ay tagapagtanggol ng kanilang polis.

Ang Athens at ang Pag-unlad Nito

Sa simula ng 600 B.C.E., ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa


gitnang tangway ng Greece na tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay
hindi angkop sa pagsasaka kaya karamihan sa mga mamamayan nito ay
nagtrabaho sa mga minahan, gumawa ng mga ceramics, o naging manganga-
lakal o mandaragat. Hindi nanakop ng mga kolonya ang Athens.Sa halip,
pinalawak nito ang kanilang teritoryo na naging dahilan upang ang iba pang
nayon sa Attica ay sumali sa kanilang pamamahala.

6
Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay
pinamunuan ng mga tyrant na noon ay
nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng
karapatan ng karaniwang tao at maayos na
pamahalaan. Bagamat karamihan sa kanila ay naging
mabubuting pinuno, may mangilan-ngilan din na
umabuso sa kanilang posisyon na nagbigay ng bagong
kahulugan sa katawagang tyrant bilang malupit na
pinuno sa ating panahon, sa kasalukuyan.
Sa simula, ang Athens ay pinamunuan ng hari na
inihalal ng asembleya ng mamamayan at pinapayuhan ng mga mga konseho
ng maharlika. Ang asembleya ay binubuo naman ng mayayaman na may
malaking kapangyarihan. Ang mga pinuno nito ay tinawag na Archon na
pinapaburan naman ang mga may kaya sa lipunan.
Di nagtagal, nagnais ng pagbabago ang mga artisano at mga
mangangalakal. Upang mapigil ang lumalalang
sitwasyon ng mga di nasisiyahang karaniwang tao,
nagpagawa ang mayayamang tao o aristokrata ng
naka-sulat na batas kay Draco isang tagapagbatas.
Malupit ang mga batas ng Greek at hindi ito binago ni
Draco ngunit kahit na paano ang kodigong ginawa
niya ay
nagbigay ng pagkakapantay-pantaysa lipunan at
binawasan ng mga karapatan ang mga namumuno.
Sa gitna ngpagbabagong ito nanatiling di kontento ang
mga mamamayan ng Athens. Maraming Athenian ang
nagpaalipin upang makabayad ng malaking
pagkakautang. Marami rin sa kanila ang nagnais ng
mas malaking bahagi sa larangan ng politika.
Ang sumunod na pagbabago ay naganap noong 594
B.C.E. sa pangu-nguna ni Solon na mula sa mga
pangkat ng aristokrata na yumaman sa pamamagitan
ng pakikipagkalakalan. Kilala din siya sa pagiging
matalino at patas. Inalis niya ang mga pagkakautang
ng mahihirap at ginawang ilegal ang pagkaalipin nang
dahil sa utang. Gumawa rin siya ng sistemang legal kung saan lahat ng
malayang kalalakihang ipinanganak mula sa mga magulang na Athenian ay
maaaring maging hurado sa mga korte. Ang mga repormang pampolitika na
ginawa ni Solon ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga mahihirap at
karaniwang tao. Nagsagawa rin siya ng mga repormang pangkabuhayan
upang maisulong ang dayuhang kalakalan at mapabuti ang pamumuhay ng
mga mahihirap. Nalutas ng repormang pangkabuhayan ang mga ilang
pangunahing suliranin ng Athens at napaunlad ang kabuhayan nito. Sa gitna

7
ng malawakang repormang ginawa ni Solon, di nasiyahan ang mga
aristokrata. Para sa kanila, labis na pinaburan ni Solon ang mahihirap. Sa
kasalukuyan, ginagamit ang salitang Solon bilang tawag sa mga kinatawan
ng pambansang pamahalaan na umuugit ng batas.
Noong mga 546 B.C.E., isang politikong nagngangalang Pisistratus, ang
namuno sa pamahalaan ng Athens. Bagamat mayaman siya, nakuha niya
ang suporta at pagtitiwala ng karaniwang tao. Mas radikal ang mga
pagbabagong ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng malalaking lupang
sakahan sa walang lupang mga magsasaka. Nagbigay siya ng pautang at
nagbukas ng malawakang trabaho sa malalaking proyektong pampubliko.
Pinagbuti niya ang sistema ng patubig sa lungsod ng Athens, at nagpatayo
ng magagandang templo. Ipinakita rin niya ang kaniyang interes sa sining at
kultura sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga pintor at sa mga
nangunguna sa drama. Ang pagsulong niya sa sining ang nagbigay-daan
upang tanghalin ang Athens na sentro ng kulturang Greek.
Noong 510 B.C.E., naganap muli ang pagbabago sa sistemang politikal
ng Athens sa pamumuno ni Cleisthenes. Hinati niya ang Athens sa sampung
distrito. Limampung kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito at
maglilingkod sa konseho ng tagapayo upang magpasimula ng batas sa
Asembleya ang tagagawa ng mga pinaiiral na batas. Sa kauna-unahang
pagkakataon, nakaboto sa asembleya ang mga mamamayan, may-ari man ng
lupa o wala.
Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan ipinatupad ni
Cleisthenes ang isang sistema kung saan bawat tao ay binibigyan ng
pagkakataon ang mga mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib
sa Athens. Kapag ang isang tao ay nakakuha ng mahigit 6,000 boto, siya ay
palalayasin sa Athens ng 10 taon. Dahil sa ang pangalan ay isinusulat sa
pira-pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon, ang sistema ng
pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinawag na ostracism. Bagamat
kaunti lamang ang naipatapon ng sistemang ito, nabigyan ng mas malaking
kapangyarihan ang mga mamamayan.
Sa pagsapit ng 500 B.C.E., dahil sa lahat ng mga repormang
naipatupad sa Athens, ang pinakamahalagang naganap ay ang pagsilang ng
demokrasya sa Athens, kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga
mamamayan sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan.

Ginintuang Panahon ng Athens

Noong 461 B.C.E., si Pericles, isang strategos o heneral na inihalal ng


mga kalalakihang mamamayan ang namuno sa Athens. Taon-taon ay
nahahalal si Pericles hanggang sa sumapit ang kaniyang kamatayan noong
429 B.C.E. Sa loob ng mahabang panahon ng kaniyang panunungkulan,

8
maraming pinairal na mga programang pampubliko si Pericles. Lahat ay
naglalayong gawing pinakamarangyang estado ang Athens.
Nais ni Pericles na lumawak pa ang umiiral na demokrasya sa Athens
kung kaya’t dinagdagan niya ang bilang ng mga manggagawa sa pamahalaan
at sinuwelduhan niya ang mga ito. Lahat ng mamamayan ay nagkaroon
pagkakataong makapagtrabaho sa pamahalaan mayaman man o mahirap.
Kaya di nagtagal mga ikatlong bahagi (1/3) ng populasyon ng Athens ay
bahagi na ng mga gawain ng pamahalaan.
Ngunit hindi lahat ay nasiyahan sa mga repormang ipinatupad ni
Pericles. Para sa mayayaman ang ginawa niyang mga pagbabago ay
magdudulot ng pagkalugi sa pamahalaan at maghihikayat ng katamaran sa
mga ordinaryong mamamayan. Ipinagtanggol niya ang kanyang mga
ginawang pagbabago sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pahayag na
naitala naman ni Thucydides, na isang historyador. Ayon kay Pericles “Ang
ating konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito ay nasa mga kamay ng
nakararami at hindi ng iilan.”
Mahalaga ang edukasyon para sa mga Athenian. Ang mga lalaki ay
pinag-aaral sa mga pribadong paaralan kung saan sila ay natuto ng pagbasa,
matematika, musika, at mga obra ni Homer na Iliad at Odyssey. Hinikayat
din silang talakayin ang sining, politika at iba pang usapin. Ang palakasan
ay bahagi rin ng kanilang pag-aaral.
Sa edad na 18 taong gulang, ang mga lalaki ay nagsasanay sa militar
ng 2 taon at pagkatapos ay maaari nang maging mamamayan ng Athens at
makibahagi sa pamahalaan nito. Samantala, ang mga kababaihan ay
itinuring na mas mababa sa mga kalalakihan. Hindi sila nabigyan ng
pagkamamamayan at hindi maaaring makibahagi sa pamahalaan. Hindi rin
sila maaaring magmay-ari. Ang kanilang buhay ay umiikot sa mga gawaing
bahay at pag-aalaga ng mga anak. Sa edad na 14-16 sila ay ipinakakasal sa
mga lalaking napili ng kanilang mga magulang.
Pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay ng mga Athenian. Ang mga
ani ay kanilang kinakain. Ang mga sobrang produkto ay ipinapalit nila ng iba
pang kagamitang pambahay. Bagamat marangya at magarbo ang ang mga
gusaling pampubliko, ang mga tahanan naman ay simple lamang, maging ito
ay pag-aari ng mayayaman o karaniwang tao. Sa kabuuan, simple lamang
ang naging pamumuhay sa sinaunang Greece.Ngunit mula sa simpleng
pamumuhay na ito ay lumitaw ang pinakamahuhusay na artista, manunulat,
at mga pilosopo na tinitingala sa sandaigdigan hanggang sa ating
makabagong panahon.
Ang may-akda ng mga natatanging pilosopong Greek sa larangan ng
politika ay kinilala sa mundo tulad ng The Republic ni Plato at Politics ni
Aristotle. Maging sa larangan ng arkitektura ay nakilala ang mga Greek.
Kahangahanga ang arkitektura ng mga templo. Ang ilan dito ay matatagpuan

9
sa Athens, Thebes, Corinth, at iba pang siyudad. Ang tatlong natatanging
estilo na Ionian, Doric, at Corinthian ay naperpekto nila nang husto.
Ang pinakamagandang halimbawa ay ang Parthenon, isang marmol na
templo sa Acropolis sa Athens. Ito ay itinayo nina Ictinus at Calicrates at
inihandog kay Athena, ang diyosa ng karunungan at patrona ng Athens.
Ilan sa mga labi ng iskulturang Greek ay matatagpuan din sa mga
templo ng Crete, Mycenaea, at Tiryus. Ang pinakadakilang Greek na iskultor
ay si Phidias. Ang estatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa Olympia ay
ilan lamang sa mga obra maestra niya. Ilan pang mga natatanging iskultura
ay ang Collossus of Rhodes ni Chares at Scopas ni Praxiteles na parehong
itinanghal na Seven Wonders of the Ancient World.
Kinilala rin ang kontribusyon ni Herodotus sa larangan ng
kasaysayan. Ang kanyang mga paglalakbay sa Asya at Sparta ay nakatulong
upang maging obra maestro niya ang Kasaysayan ng Digmaang Persian.
Tinawag siyang Ama ng Kasaysayan. Sinundan ito ng isa pang historyador,
si Thucydides. Ilan sa mga isinulat niya ay ang Anabis, isang kuwento ng
sikat na martsa ng mga Greek mula sa Babylonia hanggang Black Sea at
Memorabilia na kalipunan ng mga kuwento ng guro niyang si Socrates.
Nagkaroon din ng kaalaman sa makabagong medisina sa sinaunang
Greece. Ang pinakadakilang Greek na manggagamot ay si Hippocrates na
kinilala bilang Ama ng Medisina. Itinaas niya ang larangan ng medisina
bilang agham at hindi bunga ng mahika.
Marami ring Greek ang kinilala at dinakila dahil sa kanilang naging
ambag sa larangan ng agham at pilosopiya. Ang kauna-unahang pilosopiya
ay ipinakilala ni Thales ng Militus. Ayon sa kaniya ang sandaigdigan ay
nagmula sa tubig, ang pangunahing elemento ng kalikasan. Samantala si
Pythagoras naman ang nagpasikat ng doktrina ng mga numero kung saan
sinasabi niya na ang bilang na tatlo, lima at pito ay maswerteng mga numero.
Ilang dekada matapos ang Digmaang Persian, isang pangkat ng mga
guro na tinatawag na mga Sophist ang sumikat sa Athens. Nagpakilala sila
ng pagbabago sa mga umiiral na pilosopiya. Ayon sa kanila maaaring turuan
ang mga tao na gumawa ng magagandang batas, makapagsalita, at
makipagdebate sa mga Asembleya. Maraming Athenian ang tumuligsa sa mga
pilosopiya ng mga Sophist. Isa na rito ay si Socrates. Ayon sa kaniya
mahalaga na kilalanin mo ang iyong sarili (know thyself). Ayon sa kaniya
dapat na patuloy na magtanong ang mga tao hinggil sa mga bagay-bagay
upang matiyak kung sila ay may mga kasagutan sa mga katanungang ito.
Ang pamamaraang ito ay kinikilala ngayon na Socratic Method. Di
nagustuhan ng mga Athenian ang ginawang pagtatanong ni Socrates lalo na
ang mga tungkol sa mga diyos-diyosan at ilang patakaran ng Athens. Dahilan
dito siya ay nakulong at nahatulan ng kamatayan. Ngunit bago pa siya
naparusahan, siya ay nagpakamatay sa pamamagitan ng paglason sa sarili.
Ang lahat ng mga ideya ni Socrates ay hindi niya naisulat.

10
Si Plato, ang kaniyang pinakasikat na mag-aaral, ang nagsumikap na
maitala ang lahat ng dayalogo sa pagitan ng dalawa o mas higit pang tauhan.
Ang pinakatanyag ay ang Republic, isang talakayan tungkol sa katangi-
tanging polis at ang uri ng pamahalaan na makapagbibigay ng kaligayahan
sa mga mamamayan nito.
Samantala, si Aristotle, ang pinakamahusay na mag-aaral ni Plato, ay
nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng halaman, hayop, astronomiya, at pisika
na pawang nangangailangan ng masusing pagmamasid. Ayon sa kaniya, ang
alinmang teorya ay maaari lamang tanggapin kung ito ay batay sa masusing
pagmamasid ng mga katotohanan. Kinilala si Aristotle na Ama ng Biyolohiya.
Ilan sa mga tanyag niyang aklat ay ang Poetic, isang pagsusuri sa mga iba’t
ibang dula-dulaan, ang Rhetoric na nagsasabi kung paano dapat ayusin ng
isang nagtatalumpati ang kanyang talumpati, at ang Politics kung saan
tinalakay ng mga mamamayan ang iba’t ibang uri ngpamahalaan.

Gawin Natin

Gawain sa Pagkatuto 1: Paghahambing


Panuto: Sa tulong ng venn diagram, isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba
ng Sparta at Athens bilang mga lungsod-estado ng sinaunang Greece. Gawin
ito sa sagutang papel.

Sparta Athens

11
Gawain sa Pagkatuto 2: Talahanayan, Punan Mo.
Panuto: Mula sa binasang teksto tungkol sa ginintuang panahon ng Athens,
buuin ang talahanayan ng mga ambag ng Greece sa iba’t ibang larangan.
Gawin ito sa sagutang papel.

Larangan Ambag Kahalagan

Gawain sa Pagkatuto 3: Greece…Sa Isang Tingin


Panuto: Punan ang word map ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa bawat
konseptong tumutukoy sa Kabihasnang Greece. Matapos punan ang word
map ay sagutin ang tanong sa kahon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Heograpiya Politika Ekonomiya


___________________ _____________________ _____________________
___________________ _____________________ _____________________
____

Sinaunang Kabihasnang Greece

Sining at Agham at
Pilosopiya
____________________
Arkitektura Teknolohiya
_____________________ _____________________
____________________
_____________________ _____________________

Bakit itinuturing na isang Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnang Greek?


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
________________________________________

12
Ikalawang Ang Kabihasnang
Linggo Romano

Alamin Natin

Naipaliliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano. (MELC,


AP8DKT-IIc-3)

Layunin:

1. Nakapagpapaliwanag sa kontribusyon ng kabihasnang Romano.


2. Nakapaghahambing nang ibat- ibang lahing kontribusyon maliban sa
kabihasnang Romano.
3. Nakapag-uugnay sa ibat-ibang kontribusyon ng sinaunang tao.

Nilalaman ng Aralin:

Ang Italy ay isang


bansang matatagpuan sa
kanlurang Europe. Ito ay isang
peninsula na nakausli sa
Mediterranean Sea. Katulad ng
Greece, ang Italy ay binubuo
ng maraming kabundukan at
ilang mga kapatagan. Isang
mahalagang kapatagan ang
Latium. Ang Ilog Tiber ay
dumadaloy sa kapatagang ito.
May ilang bakas ng sinaunang
kabihasnan sa kapatagan ng
Mapa 1.4 Lokasyon ng Kabihasnang Rome
Latium at sinasabing dito
umusbong ang dakilang
lungsod ng Rome.
Masasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa Ilog Tiber na
nag-uugnay dito at sa Mediterranean Sea. Ang lokasyong ito ay nagbigay-
daan sa pakikipagkalakalan ng Rome sa mga bansang nakapalibot sa
Mediterranean Sea. Ang saganang kapatagan at maunlad na agrikultura ay
kayang suportahan ang pagkakaroon ng malaking populasyon.

13
Ang Simula ng Rome

1 3
Ang Rome ay itinatag sa Ang kambal ay sinagip at
kalagitnaan ng ikawalong siglo B.C.E. ng inaruga ng isang babaing lobo.
mga unang Roman na nagsasalita ng Nang lumaki ang dalawa at
Latin, isang sangay ng wikang nalaman ang kanilang
nabibilang sa Indo-Europeo. Sila ay pinagmulan, inangkin nila ang
lumipat sa gitnang Italy at nagtayo ng trono at itinatag ang Rome sa
sakahang pamayanan sa Latium Plain. pampang ng Tiber River noong 753
B.C.E.

2
Ayon sa isang
matandang alamat ang
Rome at itinatag ng
kambal na sina
Romulus at Remus.
Habang mga sanggol pa
lamang, inilagay sila sa
isang basket at
ipinaanod sa Tiber
River ng kanilang
amain sa takot na
La Lupa Capitolina "the Capitoline Wolf"
angkinin ng kambal ang https://en.wikipedia.org/wiki/Romulus_and_Remus#/
kaniyang trono. media/File:She-wolf_suckles_Romulus_and_Remus.jpg

4
Ang mga Roman ay tinalo ng mga
Etruscan, ang kalapit na tribo sa hilaga ng
Paano nagsimula ang Rome?
Rome. Sila ay magagaling sa sining, musika,
_____________________________ at sayaw. Dalubhasa rin sila sa arkitektura,
gawaing metal, at kalakalan. Tinuruan nila
_____________________________
ang mga Roman sa pagpapatayo ng mga
_____________________________
gusaling may arko, mga aqueduct, mga
_____________________________ barko, paggamit ng tanso, paggawa ng mga
_____________________________ sandata sa pakikipagdigma, pagtatanim ng
ubas, at paggawa ng alak.

Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Batayang


Aklat sa Araling Panlipunan, Ikatlong Taon nina
Mateo et. al. pahina 126-127

14
Ang Republikang Romano
Sang-ayon sa tradisyon, pinaalis ng mga Roman ang punong Etruscan
at nagtayo ng Republika, isang pamahalaang walang hari. Noong 509 B.C.E,
namuno si Lucius Junius Brutus at nagtagumpay sa pagtataboy sa mga
Etruscan. Pagkatapos maitaboy ang huling haring Etruscan na si Tarquinius
Superbus, itinatag ni Lucius Junius Brutus ang isang Republika. Tumagal
ito mula 509 hanggang 31 B.C.E.
Sa halip na pumili ng hari, naghalal ang mga Roman ng dalawang
konsul na may kapangyarihang tulad ng hari at nanungkulan sa loob lamang
ng isang taon. Bawat isa ay may kapangyarihang pigilin ang pasya ng isa.
Dahil sa pagkakahati ng kapangyarihan ng mga konsul, humina ang
sangay tagapagpaganap. Sa oras ng kagipitan, kinakailangang pumili ng
diktador na manunungkulan sa loob lamang ng anim na buwan.
Nagtatamasa ang diktador ng higit na kapangyarihan kaysa mga konsul.
Republika lamang sa pangalan ang mga pamahalaan dahil laan lamang
ito sa mga maharlika o patrician. Pawang mga patrician ang dalawang konsul,
ang diktador at ang lahat ng kasapi ng senado. Mga kapos sa kabuhayan ang
plebeian at kasapi ng Assembly na binubuo ng mga mandirigmang
mamamayan. Walang kapangyarihan ang plebeian at hindi rin makapag-
aasawa ng patrician.

Tagumpay ng Plebeian Laban sa Patrician.

Ayon sa kasaysayan, nagsimulang maghimagsik ang mga plebeian


noong 494 B.C.E. upang magkamit ng pantay na karapatan. Nagmartsa sila
sa buong Rome at lumikas sa kalapit na lugar na tinaguriang Banal na
Bundok. Doon sila nagbalak magtayo ng sariling lungsod.
Sa takot ng mga patrician na mawalan ng mga manggagawa, sinuyo
nila ang mga plebeian upang itigil ang kanilang balak sa pamamagitan ng
pagpapatawad sa dati nilang utang; pagpapalaya sa mga naging alipin nangg
dahil sa pagkakautang; at ang paghahalal ng mga plebeian ng dalawang
mahistrado o tribune na magtatanggol ng kanilang karapatan.
May karapatan ang tribune o mahistrado na humadlang sa mga
hakbang ng senado na magkasama sa mga plebeian. Kapag nais hadlangan
ng isang tribune ang isang panukalang-batas, dapat lamang niyang isigaw
ang salitang Latin na veto! (Tutol Ako!).
Sa loob ng isang siglo at kalahati, nagkaroon ng higit na maraming
karapatan ang plebeian. Noong 451 B.C.E, dahil sa mabisang kahilingan ng
mga plebeian, nasulat ang mga bataas sa 12 lapidang tanso at inilagay sa
rostra ng forum upang mabasa ng lahat.

15
Ang 12 Tables ang kauna-unahang nasulat na batas sa Rome at naging
ugat ng Batas Roman. Sa pamamagitan nito, nabawasan ang panlilinlang sa
mga plebeian at napagkalooban sila ng karapatang makapg-asawa ng
patrician, mahalal na konsul, at maging ksapi ng Senado.

Paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome

Lumaganap ang kapangyarihan ng Rome sa buong Italy matapos ang


sunud-sunod na digmaan mula pa noong 490 B.C.E. Nasakop ang mga
Latino, mga Etruscan at iba pang pangkat tulad ng Hernici, Volscian, Sabine
at Samnite. Matapos masakop ang gitnang Italy, isinunod ang lungsod-estado
ng Greece sa timog. Naganap ang unang sagupaan ng Rome at Greece sa
Heraclea, Italy noong 280 B.C.E.
Nagwagi Ang Greece dahil tinulungan si Haring Pyrrhus ng Espirus ng
kaniyang pinsang si Alexander the Great at dahil din sa paggamit ng mga
elepanteng kinatatakutan ng mga mandirigmang Romano.
Bagamat nagtagumpay si Haring Pyrrus, marami sa kaniyang tauhan
ang nalipol, kung kaya sa ngayon, ang isang napakamahal na tagumpay ay
tinaguriang Pyrric Victory. Hindi nagtagal, nagapi si Haring Pyrrhus noong
275 B.C.E sa Beneventum, Italy. Rome ang naging reyna ng peninsula ng
Italy.
Ang tagumpay ng isang labanan ay hindi lamang nangangahulugan ng
panalo ng Roman at pagtatamo ng kabantugang militar. Kadalasan, naging
kaanib ng Rome ang nagaping kaaway at magiging kolonya ng Rome ang
nasakop na teritoryo.

Ang mga hukbong nagapi ay nagiging karagdagang mandirigma para


sa hukbong Roman. Sa ganitong sistema unti-unting lumaganap ang
kapangyarihan ng Rome magmula sa ilog Tiber hanggang sa kabuuan ng Italy.
Sumasakop ang teritoryong Roman mula sa Ariminium at Pisa sa hilaga
hanggang sa Kipot ng Messina sa timog. Sa kabila ng 16 na kilometrong kipot
na ito, nakaharap ng mga Roman sa Sicily ang naging pinakamabigat na
kaaway nito- ang mga Carthagenian.

16
2 3
Nagdulot ng suliranin sa Carthage ang Nasubok ang kapangyarihan
pananakop ng Rome sa bahaging timog ng ng Rome at Carthage sa
Italy. Nagisismula pa lamang ang Carthage tatlong Digmaang Punic-
noon na maging makapangyarihan sa salitang Latin na nagmula sa
kanlurang bahagi ng Mediterranean. pangalang Phoenicia. Sa
Itinatag ang Carthage (Tunis ngayon) ng digmaang ito napagpasyahan
mga Phoenician mula sa Tyre noong 814 kung sino ang mamumuno sa
B.C.E. Nang sakupin ng Persia ang Tyre, Mediterranean.
naging malaya ang Carthage at nagtatag
ito ng imperyong komersyal na nasasakop
ng hilagang Africa, silangang bahagi ng 1
Spain, pulo ng Corsica, Sardinia at Sicily. Sa simula
makapangyarihan
ang Carthage sa
dagat bagaman
pawang upahan
ang mga
mandirigma nito
dahil sa maliit na
populasyon. Ang
mga Roman
naman sa simula
ay walang
hukbong
pandagat ni
karanasan sa
digmaang
pandagat.

Digmaang Punic

17
Digmaang
Mahahalagang Pangyayari Kinahinatnan
Punic
• Bagamat walang malakas na plota, dinaig • Nanalo ang Rome
ng Rome ang Carthage noong 241 B.C.E. laban sa Carthage.
Unang • Nagpagawa ang Rome ng plota at sinanay
Digmaang ang mga sundalo nito na maging
Punic (264- 241 magagaling na tagapagsagwan.
B.C.E) • Bilang tanda ng pagkakapanalo ng Rome,
sinakop nito ang Sicily, Sardinia at
Corsica

• Nagsimula ito noong 218 B.C.E. nang Natalo si Hannibal sa


salakayin ni Hannibal, ang heneral ng labanan sa Zama noong
Carthage, ang lungsod ng Saguntum sa 202 B.C.E.
Spain na kaalyado ng Rome.
• Mula Spain, tinawid ni Hannibal ang • Sa isang
timog Frane kasama ng mahigit na 40, kasunduang
000 sundalo. pangkapayapaan
• Tinawid din nila ang bundok ng Alps noong 201 B.C.E,
upang makarating sa Italy. pumayag ang
Ikalawanag
• Tinalo ni Hannibal ang isang malaking Carthage na
Digmaang
hukbo ng Rome saCannae noong 216 siraon ang plota
Punic (218- 202
B.C.E. subalit hindi naghangad si nito, isuko ang
B.C.E)
Hannibal na salakayin ang Rome nang Spain, at
hindi pa dumarating ang inaasahang magbayad ng
puwersa na manggagaling sa Carthage. buwis taon-taon
• Sa ilalim ng pamumuno ni Scipio sa Rome
Africanus, sinalakay ng mga Roman ang
hilagang Africa upang pilitin si Hannibal
na iwan ang Italy at tumungo sa Carthage
upang sagipin ang kaniyang mga
kababayan.

Matapos ang 50 taon, naganap ang Ikatlong Muling natalo ang


Digmaang Punic. Carthage sa digmaan.
• Mahalaga ang papel ni Marcus Porcius
Cato, isang pinuno at manunulat na • Kinuha ng Rome
Roman, sa pagsiklab ng digmaan. Sa ang lahat ng pag-
kanyang pagbisita sa Carthage, nakita aari ng Carthage sa
niya ang kasaganahan at luho ng Hilagang Africa
Ikatlong
pamumuhay rito. Batid niyang malakas
Digmaang
ang Carthage at nananatili itong banta sa
Punic (149- 146
seguridad ng Rome. Pagbalik sa Rome,
B.C.E)
itinanim niya sa isipan ng Senate at
publiko na dapat wasakin ang Carthage.
• Nang salakayin ng Carthage ang isang
kaalyado ng Rome, sinalakay ng Rome
ang Carthage. Sinunog nito ang lungsod
at ipinagbili ang mga mamamayan bilang
alipin.

18
Kabihasnang Roman

Sa pagsakop ng Rome sa mga lungsod-estado ng Greece, libo-libong Greek


ang tumungo sa Italy. Tinangay din ng mga heneral ng Rome ang mga gawang sining
at aklat ng Greece sa pagbabalik nila sa Rome. Kumalat ang kabihasnang Greece sa
Rome at maraming Roman ang tumungo sa Athens para mag-aral.
Naimpluwensiyahan ng Greece ang kabihasnang nabuo sa Rome.
Gayunpaman, may sariling katangian ang kabihasnang Roman. Pangunahin
na rito ang kaalaman sa arkitektura, inhenyeriya, at sistema ng pamamahala at
batas.

Batas Panitikan
Ang mga Roman ay kinikilala bilang Ang panitikan ng Rome ay nagsimula
pinakadakilang mambabatas ng sinaunang noong kalagitnaan ng ikatlong siglo
panahon. Ang kahalagahan ng Twelve B.C.E. Subalit ang mga ito ay salin
Tables ay ang katotohanan na wala itong lamang ng mga tula at dula ng Greece.
tinatanging uri ng lipunan. Ito ay batas Ang halimbawa ay si Livius Andronicus
para sa lahat, patrician o plebeian man. Ito na nagsalin ng Odyssey sa Latin. Si
ang ginamit upang alamin ang mga krimen Marcus Palutus at Terence ay ang mga
at tantiyahin ang kaukulang parusa. unang manunulat ng comedy. Ang iba
Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga pang manunulat ay sina Lucretius at
mamamayan at ang pamamaraan ayon sa Catullus. Si Cicero naman ay isang
batas. manunulat at orador na nagpahalaga sa
batas. Ayon sa kanya, ang batas ay hindi
dapat maimpluwensiyahan ng
kapangyarihan o sirain ng pera
kailanman.

Kabihasnang Rome

Inhenyeriya Pananamit
Ipinakita ng mga Roman ang kanilang galing Dalawa ang kasuotan ng mga lalaking
sa inhenyeriya. Nagtayo sila ng mga daan at Roman. Ang tunic ay kasuotang
tulay upang pag-ugnayin ang buong imperyo pambahay na hanggang tuhod. Ang
kabilang ang malalayong lugar. Marami sa toga ay isinusuot sa ibabaw ng tunic
mga daan na ginawa nila noon ay ginagamit kung sila ay lumalabas ng bahay.
pa hanggang ngayon. Isang halimbawa ang Ang mga babaeng Roman ay dalawa rin
Appian Way na nag-uugnay sa Rome at ang kasuotan. Ang stola ay kasuotang
timog Italy. Gumawa rin sila ng mga pambahay at palla ay isinusuot sa
aqueduct upang dalhin ang tubig sa lungsod. ibabaw ng stola.

Arkitektura
Ang mga Roman ang tumuklas ng semento. marunong na rin silang gumamit ng stucco,
isang plaster na pampahid at pantakip sa labas ng pader. Umaangkat sila ng marmol
mula sa Greece. Ang arch na natutuhan ng mga Roman mula sa mga Etruscan ay
ginagamit sa mga temple, aqueduct, at iba pang mga gusali. Ang gusali na ipinakilala ng
mga Roman ay ang basilica, isang bulwagan ng nagsisilbing korte at pinagpupulungan
ng Assembly. Mayroon din silang pampublikong paliguan at pamilihan na nagsisilbing
tagpuan para sa mga negosyo at pag-uusap. Ito ay nasa furom, ang sentro ng lungsod.
May iba pang mga gusali ang pinatatayo na hanggang ngayon ay makikita pa rin sa rome.
Halimbawa ay ang coliseum na isang ampitheater para sa mga labanan ng mga gladiator.

19
Gawin Natin
Gawain sa Pagkatuto 1: Lagumin Mo!
Panuto: Batay sa tekstong binasa, punan ng angkop na impormasyon ang
talahanayan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Pangyayaring Nagdulot ng
Patunay / Paliwanag
Paglakas ng Rome

Gawain sa Pagkatuto 2: Rome… Sa Isang Tingin


Panuto: Ibuod ang pangyayari kaugnay sa paglakas at paghina ng imperyong
Rome sa pamamagitan ng pagpuno ng impormasyon sa chart. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Sanhi Bunga
Naging malakas ang Imperyo ng
Roma sa Mediterranean.

Humina at unti-unting
bumagsak ang Imperyong
Roman.

Bakit maituturing na Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnan ng mga


Romano?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________________________________________

20
Gawain sa Pagkatuto 3: Talahanayan, Punan Mo
Panuto: Mula sa binasang teksto tungkol sa Kabihasnang Rome, buuin ang
talahanayan ng mga ambag ng Rome sa iba’t-ibang larangan.

Larangan Ambag Kahalagan

Batas

Panitikan

Inhenyera

Pananamit

Arkitektura

21
Ang Pag-usbong at
Ikatlong
Linggo Pag-unlad ng mga
Klasikong Kabihasnan

Alamin Natin

*Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabihasnan


sa:
• Africa – Songhai, Mali, atbp. America – Aztec, Maya, Olmec, Inca, atbp.
• Mga Pulo sa Pacific – Nazca (MELC)

Layunin:

1. Nakapagsusuri ang pag-usbong at pag- unlad ng mga klasikong


kabihasnan sa Africa – Songhai.
2. Nakapagpapaliwanag ang pag-usbong at pag- unlad ng mga
klasikong kabihasnan sa:
• Africa – Songhai atbp.
• America – Aztec, Maya, Olmec, Inca, atbp.
• Mga Pulo sa Pacific – Nazca
3. Nakapagsusuri ang pag-usbong at pag- unlad ng mga klasikong
kabihasnan sa:
• Africa – Songhai
• America – Aztec, Maya, Olmec, Inca, atbp.
• Mga Pulo sa Pacific – Nazca

Nilalaman ng Aralin:

Mga Kabihasnan sa Mesoamerica

Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga Sinaunang


Kabihasnan sa Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga
mamamayan sa Mesoamerica na magsaka. Ang maliliit na pamayanang
agrikultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica.
Nang lumaon, naging makapangyarihan ang ibang pamayanan at
nakapagtatag ng lungsod-estado. Ang mga bumuo ng lungsod-estado ay
nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan. Ilan dito ay ang kabihasnang
Olmec at Zapotec na tinalakay sa nakaraang Modyul. Sumunod na nakilala

22
sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec. Naging maunlad rin ang
Kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng kabihasnang Greece, at
Rome, ang pagiging maunlad at makapangyarihan ay nagtulak sa mga
kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop ng lupain at
magtayo ng imperyo. Malawak ang naging impluwensiya ng mga Maya, Aztec,
at Inca kung kaya’t itinuturing ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa
America.

Kabihasnang Maya (250 C.E. – 900 C.E.)

Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon


sa Timog Mexico hanggang Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanang
lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador, at Copan. Nakamit ng
Maya ang rurok ng kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E.
Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa
pamamahala. Pinalawig
ng mga pinunong
tinatatawag na halach
uinic o “tunay na lalaki”
ang mga pamayanang
urban na sentro rin ng
kanilang pagsamba sa
kanilang mga diyos.
Nang lumaon,
nabuo rito ang mga
lungsod-estado. Sila ay
nagtataglay ng ganap na
kapangyarihan. Naiugnay
ngmalalawak at maayos
na kalsada at rutang
pantubig ang mga
lungsod-estado ng Maya.
Banaag sa kaayusan ng
lungsod ang pagkakahati-
hati ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng
mahihirap at nakaririwasa. Ang sentro ng bawat lungsod ay isang pyramid
na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga diyos. May mga templo at
palasyo sa tabi ng pyramid.
Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal
ay mais, asin, tapa, pinatuyongisda, pulot-pukyutan, kahoy, at balat ng
hayop. Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin. Ang pangunahing
pananim nila ay mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya, at
cacao. Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga Maya, ang

23
sinamba nilang diyos ay may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais
gayundin ang tungkol sa ulan.
Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 C.E.
Subalit sa pagtatapos ng ikawalong siglo C.E., ang ilang mga sentro ay
nilisan, ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang
panrelihiyon at estado ay bumagsak. Sa pagitan ng 850 C.E. at 950 C.E., ang
karamihan sa mga sentrong Maya ay tuluyang inabandona o iniwan. Wala
pang lubusang makapagpaliwanag sa pagbagsak ng Kabihasnang Mayan.
Ayon sa ilang dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki ng
populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina
nito. Maaari rin na sanhi ng panghihina nito ang pagbagsak sa produksiyon
ng pagkain batay sa mga nahukay na labi ng tao na nagpapakita ng
kakulangan sa sapat na nutrisyon. Ang mga labi ay natuklasang hindi
gaanong kataasan samantalang mas manipis ang mga buto nito.
Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucatan ay
nanatili nang ilan pang siglo, tulad ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna, at Copan.
Sa paghina ng Chichen at Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan sa
buong Yucatan hanggang sa maganap ang isang pag-aalsa noong 1450.

Kasingtulad ng pyramid ang Ipinagawa ang templo upang


estrukturang ito. Subalit, pagdausan ng mga seremonyang
mapapansin, na ang itaas na panrelihiyon. Ito ay parangal para
bahagi nito ay patag. Sa loob nito ay kay Kukulcan, ang tinaguriang
may altar kung saan isinagawa ang “God of the Feathered Serpenf”
pag-aalay.

El Castillo (pyramid of Kukulcán) in Chichén Itzá,


https://en.wikipedia.org/wiki/Chichen_Itza#/media/Fi
le:Chichen_Itza_3.jpg

Gawa ng pyramid mula sa Ang pyramid na ito ay patunay ng


malalaking bato. Mayroon itong mataas na kaalaman ng mga Mayan
apat na panig na may mahabang sa arkitektura, inhenyeriya, at
hagdan. matematika.
24
Isang maunlad na kabihasnan ang nabuo ng mga Mayan. Makikita sa
diyagram ang mga sanhi ng kanilang paglakas at pagbagsak.

Paglakas

Tapat ang mga Paghina


nasasakupan sa pinuno.
Siya ay namumuno sa
Palagiang
pamahalaan at relihiyon.
nakikipagdigma ang mga
Napag-isa ang mga
pinuno at kaniyang
mamamayan dahil sa
Pamahalaan at nasasakupan upang
iisang paniniwala.
Relihiyon makahuli ng mga alipin
na iaalay sa kanilang
mga diyos. Nagbunga ito
ng pagkaubos ng yaman
ng mga lungsodpestado.
Paglakas

May mahusay na Paghina


Sistema ng pagtatanim
Ekonomiya at na nagdulot ng sobrang
Pagkawala ng sustansya
Kabuhayan produkto.
ng lupa. Ang paglaki ng
populasyon ay nagdulot
ng suliranin sa suplay ng
Paglakas pagkain.

Mayaman at maunlad
Paghina
ang mga lungsod-estado
ng Maya.
Nagdulot ng kaguluhan
Mga
at kahirapan ang
Lungsod-
madalas na digmaan sa
Estado pagitan ng mga lungsod-
estado.

Figure 2.2. Paglakas at Paghina ng Impormasyong Mayan. Ipinakikita sa diyagram


ang mga sanhi at bunga ng paglakas at paghina ng Kabihasnang Mayan.

Gabay na Tanong:

1. Paano nakabuti at nakasama sa mga Mayan ang kanilang mahusay na


Sistema ng pagtatanim?

25
Kung ang mga Maya ay nagtatag ng kanilang Kabihasnan sa timog na
bahagi ng Mesoamerica, ang mga Aztec naman ay naging makapangyarihan
sa gitnang bahagi nito. Matatandaan na sa bahagi ring ito umusbong ang
sinaunang Kabihasnang Olmec. Bunga nito, ang pamumuhay at paniniwala
ng mga Aztec ay may impluwensiya ng mga Olmec. Subalit, hindi tulad ng
mga Olmec, ang mga Aztec ay nagpalawak ng kanilang teritoryo. Mula sa
dating maliliit na pamayanang agrikultural sa Valley of Mexico, pinaunlad ng
mga Aztec ang kanilang kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo.
Kinontrol nila ang mga karatig lupain sa gitnang bahagi ng Mesoamerica.

26
Angkop ang Tenoctitlan sa pagtatanim na siyang pangunahing
ikinabubuhay ng mga Aztec dahil mayroon itong matabang lupa. Sa kabila
nito, hindi sapat ang lawak ng lupain upang matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan. Ang hamong ito ay matagumpay na
natugunan ng mga Aztec.

2 3

Bunga ng masaganang ani at sobrang produkto, nagkaroon ng


pagkakataon ang mga Aztec na makipagkalakalan sa mga kalapit na lugar na
nagbigay-daan upang sila ay maging maunlad. Ang kaunlarang ito ng mga
Aztec ay isa sa mga dahilan upang kilalanin ang kanilang kapangyarihan ng
iba pang lungsod-estado. Nakipagkasundo sila sa mga lungsod-estado ng

27
Texcoco at Tlacopan. Ang nabuong alyansa ang siyang sumakop at kumontrol
sa iba pang maliliit na pamayanan sa Gitnang Mexico.
Sa pagsapit ng ika-15 siglo, nagsimula ang malawakang kampanyang
militar at ekonomiko ng mga Aztec. Ang isa sa mga nagbigay-daan sa
mgapagbabagong ito ay si Tlacaelel, isang tagapayo at heneral. Itinaguyod
niya ang pagsamba kay Huitzilopochtli. Kinailangan din nilang manakop
upang maihandog nila ang mga bihag kay Huitzilopochtli. Ang paninindak at
pagsasakripisyo ng mga tao ay ilan sa mga naging kaparaanan upang
makontrol at mapasunod ang iba pang mga karatig-lugar na ito. Ang mga
nasakop na lungsod ay kinailangan ding magbigay ng tribute o buwis. Dahil
sa mga tribute at mga nagaping estado, ang Tenochtitlan ay naging sentrong
pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica mula sa Pacific Ocean haggang
Gulf of Mexico at mula sa hilagang Mexico hanggang sa Guatemala.
Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero at tagapagtayo ng mga
estruktura tulad ng mga kanal o aqueduct, mga dam, gayundin ng sistema
ng irigasyon, liwasan, at mga pamilihan.

Makikita sa pahinang ito ang


graph ng populasyon ng mga
Aztec. Ang biglaang pagbaba
ng populasyon ay dulot ng
epidemya ng bulutong, pang-
aalipin, digmaan, labis ng
paggawa, at pagsasamantala.
Sa kabuuan, tinatayang
naubos ang mula sa 85
hanggang 95 bahagdan ng
kabuuang katutubong
populasyon ng Mesoamerica
sa loob lamang ng 160 taon.

Sa pagdating ni Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong


1519, natigil ang pamamayani ng mga Aztec sa Mesoamerica. Si Cortes ang
namuno sa ekspedisyong Espanyol na nanakop sa Mexico. Inakala ni
Montezuma II, pinuno ng mga Aztec, na ang pagdating ng mga Espanyol ay
ang sinasabing pagbabalik ng kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil sa

28
mapuputingkaanyuan ng mga ito. Noong 1521, tuluyang bumagsak ang
Tenochtitlan.
Heograpiya Ng South America

May magkakaibang
klima at heograpiya ang
South America kung
ihahambing sa
Mesoamerica. Matatagpuan
sa hilaga ng Amazon River
na dumadaloy sa
mayayabong na kagubatan.
Pawang ang mga prairie at
steppe naman ang
matatagpuan sa Andes
Mountains sa timog na
bahagi. Samantala, tuyot
na mga disyerto ang nasa
kanlurang gulod ng mga
bundok na kahilera ng
Pacific Ocean.
Dahil sa higit na
kaaya-aya ang topograpiya
ng Andes, dito nabuo ang
mga unang pamayanan. May mga indikasyon ng pagsasaka gamit ang
patubig sa hilagang gilid ng Andes noong 2000 B.C.E.
Sa pagsapit ng ika-11 siglo B.C.E, maraming pamayanan sa gitnang
Andes ang naging sentrong panrelihiyon. Ang mga pamayanang ito ay
umusbong sa kasalukuyang Peru, Bolivia, at Ecuador. Nang lumaon,
nagawang masakop ng ilang malalaking estado ang kanilang mga karatig-
lugar. Subalit sa kabila nito, wala ni isa man ang nangibabaw sa lupain
hanggang sa pagsapit ng ika-15 siglo.

Kabihasnang Inca (1200-1521)

Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong naninirahan sa


hilagang-kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng Lambak
ng Cuzco. Sa pamumuno ni Manco Capac, bumuo sila ng maliliit na lungsod-
estado.
Ang salitang Inca ay nagangahulugang “imperyo.” Hango ito sa
pangalan ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa
Andes. Unti-unting pinalawig ng mga Inca ang kanilang teritoryo hanggang
sa masakop nito ang 3,220 kilometro kuwadrado sa kahabaan ng baybayin

29
ng Pacific. Saklaw ng imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru,
Ecuador, Bolivia, at Argentina.
Noong 1438, pinatatag ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti ang lipunang
Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong estado. Sa
ilalim ni Topa Yupanqui (1471-1493), pinalawig niya ang imperyo hanggang
hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia, at Chile. Napasailalim din sa kaniyang
kapangyarihan ang estado ng Chimor o Chimu na pinakamatinding
katunggali ng mga Inca sa baybayin ng Peru. Sa ilalim naman ni Huayna
Capac, nasakop ng imperyo ang Ecuador.
Sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang
Espanyol na mananakop ng Inca noong 1532,
ang lupain ng Imperyong Inca ay sumasaklaw
mula sa hilaga sa kasalukuyang Colombia
hanggang sa katimugan sa bahagi ng Chile at
Argentina. Subalit dahil sa mga tunggalian
tungkol sa pamumuno at kawalang
kapanatagan sa mga nasakop na bagong
teritoryo, unti-unting humina ang imperyo.
Dagdag pa rito ang tila napakalaking saklaw
ng Imeryong Inca na naging malayo mula sa
sentrong pangangasiwa sa Cuzco. Nariyan din
ang malaking pagkakaiba ng mga pangkat ng tao sa ilalim ng kanilang
kapangyarihan.
Samakatuwid, ang imperyo ay nasa kaguluhang politikal na pinalubha
pa ng epidemya ng bulutong na dala ng mga sinaunang dumating na
conquistador o mananakop na Espanyol. Sa katunayan, si Huayna Capac, isa
sa mga pinuno ng Inca, ay namatay sa isang epidemya noong 1525. Ang
pagpanaw na ito ay nagdulot ng tunggalian sa kaniyang mga anak na sina
Atahuallpa at Huascar. Sa huli, nanaig si Atahuallpa. Nakilala niya si Pizarro
habang naglalakbay ito patungong Cuzco. Nang lumaon, binihag ni Pizarro
ang Atahuallpa at pinatubos ng pagkarami-raming ginto. Noong 1533,
pinapatay si Atahuallpa at makalipas ang isang taon, sinakop ng mga
Espanyol ang Cuzco gamit lamang ang maliit na hukbo.
Sa kabila ng katapangan ng mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa
bagong teknolohiyang dala ng mga dayuhan, tulad ng mga baril at kanyon.
Ang ilan sa mga Inca ay nagtungo sa kabundukan ng Vilcabamba at nanatili
rito nang halos 30 taon. Hindi nagtagal, ang huling pinuno ng mga Inca na si
Tupac Amaru ay pinugutan ng ulo noong 1572. Dito tuluyang nagwakas ang
pinakadakilang imperyo sa Andes.

30
Mga Kabihasnan sa Africa
Matatandaan na ang Egypt ang isa sa mga pinakaunang lunduyan ng
kabihasnan sa daigdig. Maliban sa Egypt, ang Axum ang kasalukuyang
Ethiopia sa Silangang Africa ay napatanyag din dahil sa naging sentro ito ng
kalakalan. Binibisita ito ng mga mangangalakal mula sa Persia at Arabia.
Umusbong din ang mga estado sa rehiyon ng Sudan kung saan ang kanilang
yaman ay dulot ng kanilang kapangyarihan sa kalakalang tumatawid sa
Sahara. Kapwa nasa Silangang Africa ang dalawang kabihasnang ito.
Ang Kanlurang Africa ay naging tahanan din ng mga unang
kabihasnan. Dito umusbong ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

Figure 2.4. Timeline ng mga Kabihasnang umusbong sa Africa.

Ang Axum Bilang Sentro ng Kalakalan

31
Ang kaharian ng Axum ay
sentro ng kalakalan noong 350
C.E. Malawak ang
pakikipagkalakalan nito at sa
katunayan, ito ay may pormal
na kasunduan ng kalakalan sa
mga Greek. Mga elepante, ivory
(ngipin at pangil ng elepante),
sungay ng rhinoceros, pabango,
at pampalasa o rekado ang
karaniwang kinakalakal sa
Mediterranean at Indian Ocean.
Kapalit nito, umaangkat ang
Axum ng mga tela, salamin,
tanso, bakal, at iba pa.
Isang resulta ng
malawakang kalakalan ng Axum ay ang pagtanggap nito ng Kristiyanismo.
Naging opisyal na relihiyon ng kaharian ang Kristiyanismo noong 395 C.E.
Kung ang kahariang Axum ay naging tanyag sa Silangang Africa,
nakilala naman sa Kanlurang Africa ang tatlong imperyo na siyang naging
makapangyarihan dulot rin ng pakikipagkalakalan sa mga mamamayan sa
labas ng Africa. Ito ay ang mga imperyo ng Ghana, Mali, at Songhai.

Ang Imperyong Ghana


Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol
ang isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog
na dulo ng kalakalang Trans-Sahara. Nagkaroon sa Ghana ng malaking
pamilihan ng iba’t ibang produkto tulad ng ivory, ostrich, feather, ebony, at
ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates,
sandatang yari sa bakal, katad, at iba pang produktong wala sila.
Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot ng matabang lupa sa
malawak na kapatagan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ay
isang dahilan kung bakit lumaki ang populasyon dito. Sagana rin ang tubig
upang punan ang pangangailangan sa mga kabahayan at sa irigasyon.

32
Ginamit ang mga
Mahalagang salik sa sandatang gawa sa
paglakas ng Ghana bakal upang
makapagtatag ng
kapangyarihan sa
mga grupong mahina
ang mga sandata.
Naging maunlad dahil Bumili ng mga
nagging sentro ng kagamitang pandigma
kalakalan sa na yari sa bakal at
Kanlurang Africa mga kabayo Ang mga kabayo ay
nagbibigay ng ligtas at
mabilis na paraan ng
transportasyon para
sa mga mandirigma
nito

Ang Imperyong Mali


Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana.
Mga Namuno sa Nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba, isa sa
Imperyong Mali mahalagang outpost ng Imperyong Ghana. Ang
pag-akyat ng Mali sa kapangyarihan ay sinimulan
ni Sundiata Keita. Noong 1240, sinalakay niya at
Sundiata Keita winakasan ang kapangyarihan ng Imperyong
Ghana. Sa pamamagitan ng patuloy na
pananalakay, ang Imperyong Mali ay lumawak
pakanluran patungong lambak ng Senegal
Mansa Musa River at Gambia River, pasilangan patungong
Timbuktu, at pahilaga patungong Sahara
Desert. Hawak nito ang mga ruta ng kalakalan.
Noong mamatay si Sundiata noong 1255, ang Imperyong Mali ang
pinakamalaki at pinakamapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan.
Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan
ng kalakalan. Nang mamuno si Mansa Musa noong 1312, higit pa niyang
pinalawak ang teritoryo ng imperyo. Sa pagsapit ng 1325, ang malalaking
lungsod pangkalakalan tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu, at Gao ay naging
bahagi ng Imperyong Mali.
Maliban sa pagpapalawak ng imperyo, naging bantog din si Mansa
Musa sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan. Nagpatayo siya ng
mga mosque o pook-dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo.

33
Hinikayat niya ang mga iskolar na pumunta sa Mali. Sa panahon ng kaniyang
paghahari, ang Gao, Timbuktu, at Djenne ay naging sentro ng karunungan
at pananampalataya.

Ang Imperyong Songhai

Simula pa noong ikawalong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan


na sa mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa
Niger River. Maliban sa kalakalan, dala rin ng mga Berber ang
pananampalatayang Islam. Sa pagsapit ng 1010, tinanggap ni Dia Kossoi,
hari ng mga Songhai, ang Islam. Bagama’t hinikayat niya ang mga Songhai
na tanggapin ang Islam, hindi niya pinilit ang mga ito.
Sa pamamagitan ng Gao at ng Timbuktu, nakipagkalakalan ang Songhai sa
Algeria. Dahil dito, nakapagtatag ng ugnayan ang Songhai sa iba pang bahagi
ng Imperyong Islam.
Noong 1325, ang Songhai ay sinalakay at binihag ng Imperyong Mali.
Subalit hindi ito nagtagal sa pagiging bihag ng Mali. Noong 1335, lumitaw
ang bagong dinastiya, ang Sunni, na matagumpay na binawi ang kalayaan
ng Songhai mula sa Mali. Mula 1461 hanggang 1492, sa ilalim ni Haring
Sunni Ali, ang Songhai ay naging isang malaking imperyo. Sa panahon ng
kaniyang paghahari, pinawalak niya ang Imperyong Songhai mula sa mga
hangganan ng kasalukuyang Nigeria hanggang sa Djenne. Hindi niya
tinanggap ang Islam sapagkat naniniwala siyang sapat na ang kaniyang
kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng mga katutubong mangingisda at
magsasaka. Gayunpaman, iginalang at pinahalagahan pa rin niya ang mga
mangangalakal at iskolar na Muslim na nananahan sa loob ng kaniyang
imperyo. Sa katunayan, hinirang niya ang ilan sa mga Muslim bilang mga
kawani sa pamahalaan.

34
Ang mga Pulo sa Pacific

Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islandsay nahahati sa tatlong


malalaking pangkat – ang Polynesia, Micronesia, at Melanesia. Ang mga
katawagang ito ay iginawad ng mga Kanluranin matapos nilang makita ang
kaayusan ng mga pulo at ang anyo ng mga katutubo nito.

35
Polynesia
Ang Polynesia ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific
Ocean na nasa silangan ng Melanasia at Micronesia. Ang Polynesia ay higit
na malaki kaysa pinagsamang lupain ng Melanasia at Micronesia.
Ang Polynesia ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu,
Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook
Islands, French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu,
Marquesas, at Pitcairn.
Batay sa dami ng pinagkukunan ng pagkain ang laki ng pamayanan sa
Polynesia. Umabot hanggang 30 pamilya ang bawat pamayanan dito. Ang
sentro ng pamayanan ay ang tohua na kadalasang nasa gilid ng mga bundok.
Ito ay tanghalan ng mga ritwal at pagpupulong. Nakapaligid satohua ang
tirahan ng mga pari at mga banal na estruktura.
Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at
pangingisda. Ang karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam o ube, breadfruit,
saging, tubo, at niyog.Sa pangingisda naman nakakakuha ng tuna, hipon,
octopus, at iba pa. Nanghuhuli rin sila ng pating.

Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na


kapangyarihan o mana. Ang katagang mana ay nangangahulugang “bisa” o
“lakas. ”Sa mga sinaunang Polynesian, ang mana ay maaaring nasa gusali,
bato, bangka, at iba pang bagay.
May mga batas na sinusunod upang hindi mawala o mabawasan ang
mana. Halimbawa, bawal pumasok sa isang banal na lugar ang

36
pangkaraniwang tao. Ang sinaunang kababaihan sa Marquesas ay hindi
maaaring sumakay sa bangka sapagkat malalapastangan niya ang bangka
na may angking mana. Gayundin, ang mga lalaking naghahanda sa
pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain ay dapat nakabukod.
Bawal silang makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat nilang kainin upang
hindi mawala ang kanilangmana. Ang tawag sa mga pagbabawal o
prohibisyong ito ay tapu. Kamatayan ang pinakamabigat na parusang
igagawad sa matinding paglabag sa tapu.

Micronesia

Ang maliliit na pulo at atoll ng Micronesia ay matatagpuan sa hilaga ng


Melanesia at sa silangan ng Asya. Ang Micronesia ay binubuo ng Caroline
Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay
Kiribati), at Nauru.
Ang mga sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa mga
lawa o dagat-dagatan. Ito ay upang madali para sa mga tao ang lumabas at
maglayag sa karagatan. Itinatag nila ang kanilang mga pamayanan sa
bahaging hindi gaanong tinatamaan ng bagyo o malalakas na ihip ng hangin.
Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga
Micronesian.Nagtatanim sila ng taro, breadfruit, niyog, at pandan. Sagana
ang mga ito sa asukal at starch na maaaring gawing harina. Pangingisda ang
isa pang ikinabubuhay ng mga Micronesian. May kaalaman din sa paggawa
ng simpleng palayok ang mga lipunan ng Marianas, Palau, at Yap.
Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Sa Palau at Yap, bato
at shell ang ginagamit bilang paraan ng palitan. Gumagamit din ang Palau ng
batong ginawang pera (stone money). Sa iba pang mga pulo, nagpapalitan ng
kalakal ang matataas (high-lying islands) at mabababang pulo (low-lying coral
atolls).
Ipinagpapalit ng mga high-lying island ang turmericna ginagamit bilang
gamot at pampaganda. Samantala, ang mga low-lying coral atoll ay
nakipagpalitan ng mga shellbead, banig na yari sa dahon ng pandan, at
magaspang na tela na galing sa saging at gumamela. Bilang tela, ginagawa
itong palda ng kababaihan at bahag ng kalalakihan.
Animismo rin ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang mga
rituwal para sa mga makapangyarihang diyos ay kinapapalooban ng pag-
aalay ng unang ani.
Melanesia

Ang Melanesia ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng


Australia. Ito ay kasalukyang binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago,
Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides), New
Caledonia, at Fiji Islands.

37
Ang mga sinaunang pamayanan dito ay maaaring nasa baybaying-
dagat o sa dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma.
Tagumpay sa digmaan ang pangkaraniwang batayan ng pagpili sa pinuno. Sa
maraming grupong Papuan, ang kultura ay hinubog ng mga alituntunin ng
mga mandirigma tulad ng katapangan, karahasan, paghihiganti, at
karangalan.

Gawin Natin

Gawain sa Pagkatuto 1: Ipaliwanag Mo.


Panuto: Patunayang may mataas na kabihasnan ang mga Mayan. Punan ng
impormasyon ang dayagram. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Pamahalaan Relihiyon
______________________ ______________________
______________________ ______________________

Ang mga Mayan ay may mataas na ang antas


ng kabihasnan

Ekonomiya Arkitektura
______________________ ______________________
______________________ ______________________

Napatunayan ko na may mataas na antas ang mga Mayan dahil


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___

38
Gawain sa Pagkatuto 2: Daloy ng mga Pangyayari.
Panuto: Ipakita sa pamamagitan ng flowchart ang pag-unlad at pagbagsak
ng Imperyong Aztec.

Gawain sa Pagkatuto 3: History Makers.


Panuto: Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong mga napag-aralan
tungkol sa mga pinuno ng mga Kabihasnan sa Africa. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Imperyong
Pinuno Mahalagang Nagawa
Pinamunuan
Al-Bakri
Sundiata Keita
Mansa Musa
Dia Kossoi
Sunni Ali

Gawain sa Pagkatuto 4: Pagsagot sa Chart.


Panuto: Ilipat ang talahanayan sa iyong sagutang papel at punan ng mga
hinihinging impormasyon.

Kahulugan ng
Isla Kabuhayan Relihiyon
Pangalan
Polynesia
Micronesia
Melanesia

39
Ang Kontribusyon ng
Ikaapat Kabihasnang Klasiko
na sa Pag-unlad ng
Linggo Pandaigdigang
Kamalayan

Alamin Natin

Naipahahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng


kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan. (MELC,
AP8DKT-IIf-8)

Layunin:

1. Nakapagbibigay halaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko


sa pag-unlad pandaigdigang kamalayan.
2. Nakapag-uulat tungkol sa pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng
kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.
3. Nakapagsusulat para mabigyan halaga ang mga kontribusyon ng
kabihasnang klasiko sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.

Nilalaman ng Aralin:

(Please read/refer to Nilalaman ng Aralin of Week 3)

Gawin Natin

Gawain sa Pagkatuto 1: KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan)


Panuto: Punan ng tamang impormasyon ang chart at ipaliwanag ang bawat
kabihasnan gamit ang mga ibinigay na impormasyon. Gawin ito sa sagutang
papel.

40
Kabihasnan Pamahalaan Ekonomiya Relihiyon Kontribusyon
Maya
Aztec
Inca

Gawain sa Pagkatuto 2: KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan)


Panuto: Punan ng tamang impormasyon ang talahanayan. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Imperyo Kontribusyon Kahalagan

Ghana

Mali

Songhai

Gawain sa Pagkatuto 3: Adbakit?


Panuto: Pumili ng isang kontribusyon ng Kabihasnang Klasikal. Gumawa
ng adbokasiya upang mapangalagaan ang mga kontribusyon nito sa
kasalukuyan. Sundin ang format sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

Kontribusyon

________________________

Ipaliwanag ang kahalagahan ng Sumulat ng maikling


kontribusyon sa: pahayag na naglalaman ng
adbokasiya upang
Daigdig:
mapangalagaan ang
___________________________________
kontribusyon na napili.
Pilipinas: ___________________________
___________________________________ ___________________________

41
Gawain sa Pagkatuto 4: Slogan
Panuto: Gamit ang rubriks na nasa ibaba, gumawa ng isang slogan tungkol
sa maaari mong magawa upang mapangalagaan ang isang kontribusyon ng
Kabihasnang Klasikal sa daigdig. Gawin ito sa isang buong short bond paper.

Rubriks Para sa Paggawa ng Slogan

Nangangailangan
Mahusay Katamtaman
Pamantayan ng Pagsasanay Puntos
5 puntos 3 puntos
2 puntos

Nilalaman Napakabisang Mas Mabisang


naipakita ang mabisang naipakita ang
mensahe naipakita ang mensahe
mensahe
Pagka- Napakaganda Mas Maganda at
malikhain at maganda at malinaw ang
napakalinaw malinaw ang pagkakasulat ng
ng pagkakasulat mga titik
pagkakasulat ng mga titik
ng mga titik
Kaugnayan Napakalaki ng Mas Malaking
kaugnayan sa malaking kaugnayan sa
paksa kaugnayan paksa
sa paksa
Kalinisan Napakalinis ng Mas malinis Malinis ang
pagkakabuo ang pagkakabuo
pagkakabuo
Kabuuang Puntos

42
Mga Pagbabago sa
Ikalimang
Linggo Europa sa Gitnang
Panahon

Alamin Natin

*Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang


Panahon
• Politika (Pyudalismo, Holy Roman Empire)
• Ekonomiya (Manoryalismo)
• Sosyo-kultural (Paglakas ng Simbahang Katoliko, Krusada)

Layunin:

1. Nasususuri sa mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang


Panahon
Politika (Pyudalismo, Holy Roman Empire)
2. Nakapagsasaliksik sa mga pagbabagong naganap sa Europa sa
Gitnang Panahon
*Ekonomiya (Manoryalismo)
*Sosyo-kultural (Paglakas ng Simbahang Katoliko, Krusada)

3. Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang


Panahon
*Politika (Pyudalismo, Holy Roman Empire)
*Ekonomiya (Manoryalismo)
*Sosyo-kultural (Paglakas ng Simbahang Katoliko, Krusada)

Nilalaman ng Aralin:

Mga Salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Kapapahan

Apat ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng


kapangyarihan ng Papa sa Rome. Pangunahin na rito ang pagbagsak ng
Imperyong Romano na siyang nagbunsod sa kapangyarihan ng kapapahan.

43
Pagbagsak ng Imperyong Roman.

Marami ang dahilan ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang


Katoliko at ng kapapahan. Isa na rito ang pagbagsak ng imperyong Romano
noong 476 C.E., na naghari sa kanluran at silangang Europe sa Gitnang
Silangan at sa hilagang Africa sa loob ng halos 600 taon.
Tinukoy ni Silvian, isang pari, na kalooban ng mga Roman ang bunga
ng kanilang mga kasamaan. Ang mga kayamanang umagos papasok sa Rome
ang naging sanhi ng palasak na kabulukan sa pamahalaan ng imperyo. Sa
walang tigil na pagsasamantala sa tungkulin ng mga umuugit ng
pamahalaan, nahati ang lipunan sa dalawang panig- ang pinakamaliit na
bahagi ng lipunan na binubuo ng mayayaman at malalakas na pinuno sa
pamahalaan at mga nakararaming maliliit na mamamayan.
Lubhang nakapagpahina ang kabulukan sa pamahalaan at ang
kahabag-habag na kalagayan ng pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao sa
katayuan ng Imperyong Rome. Noong 476 C.E., tuluyan itong bumagsak sa
kamay ng mga barbaro na dati ng nakatira sa loob ng imperyo mula pa noong
ikatlong siglo ng Kristiyanismo.
Sa kabutihang-palad, ang simbahang Kristiyano, na tanging
institusyong hindi pinakialaman ng mga barbaro, ang nangalaga sa mga
pangangailangan ng mga tao. Sa kawalan ng pag-asang maibalik ang dating
lakas-militar at kasaganaang materyal ng imperyo, bumaling ang
mamamayan sa simbahang Katoliko sa pamumuno at kaligtasan. Binigyang-
diin nila ang kalagayan ng kaluluwa sa ikalawang buhay ayon sa pangako ng
Simbahan para sa mga nailigtas sa pamamagitan ni Kristo.
Sa kabilang dako, nahikayat naman ang mga barbaro sa
kapangyarihan ng Simbahan. Pumayag sila na binyagan sa pagka- Kristiyano
at naging matapat na mga kaanib ng pari.
Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan.
Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang
mga pinuno ng Simbahan na nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga
mamamayan. Mula sa mga ordinaryong taong ito lumitaw ang mga pari at
mga hirarkiya.
Isang diyosesis ang kongregasyon ng mga Kristiyano sa bawat lungsod
na pinamunuan ng Obispo. Nasa ilalim ng Obispo ang maraming pari sa iba’t
ibang parokya sa lungsod. Nang lumaganap ang Kristiyanismo mula sa
lungsod patungo sa mga lalawigan, sumangguni sa mga Obispo ang mga pari
sa kanilang pamumuno. Sa ilalim ng pamumuno at pamamahala ng Obispo,
hindi lamang mga gawaing espiritwal ang pinangalagaan ng mga pari, kundi
pinangasiwaan din nila ang gawaing pangkabuhayan, pang-edukasyon at
pagkawanggawa ng Simbahan. Bukod dito, ang Obispo rin ang namamahala

44
sa pagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa lungsod at sa iba pang mga
nasasakupan.
Tinawag na mga Arsobispo ang mga Obispo na nakatira sa malalaking
lungsod na naging unang sentro ng Kristiyanismo. Bukod sa panrelihiyong
pamamahala ng kanilang sariling lungsod, may kapangyarihan ang isang
Arsobispo sa mga Obispo ng ilang karatig na maliit na lungsod. Ang Obispo
ng Rome, na tinawag bilang Papa, ang kinikilalang katas-taasang pinuno ng
Simbahang Katoliko sa kanlurang Europe. Kabilang siya sa mga Arsobispo,
Obispo at mga Pari ng mga parokya.
Mula noong kalagitnaan ng ika-11 siglo, pinipili ang mga Papa ng Kolehiyo
ng mga Kardinal sa pamamagitan ng palakpakan lamang, depende kung sino
ang gusto ng matatandang kardinal. Sa Konseho ng Lateran noong 1719,
pinagpasyahan ng mayorya ang paghalal ng Papa.
Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon, ng
panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng
Simbahang Katoliko, gayundin ang kapangyarihang pampulitika bilang
pinuno ng estado ng Vatican.
Ang salitang “Pope” ay ngangangahulugang AMA na nagmula sa
salitang Latin na “Papa”. Noong unang panahon itinuturing ng mga kristyano
ang “Papa” bilang ama ng mga Kristiyano, na siya pa ring tawag sa kanya sa
kasalukuyang panahon.

Uri ng Pamumuno sa Simbahan

Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa


pagpapalakas ng pundasyon ng Simbahang Katoliko Romano at Kapapahan.
Ilan lamang sa mahahalagang tao ng Simbahan at ang kanilang mga nagawa
ang makikita sa talahanayan.

45
Pinuno/Papa Paraan ng Pamumuno
• Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga
Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at
ang Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag.
• Pinalakas ni Constantine ang kapapahan sa
pamamagitan ng Konseho ng
Constantinople. Sa kapulungang ito, pinag-
uri-uri ng mga Obispo ang iba’t ibang
malalaking lungsod sa buong imperyo.
Gayundin, pinili ang Rome bilang
pangunahing diyosesis at dahil dito, kinilala
ang Obispo ng Rome bilang pinakamataas
na pinuno ng Simbahang Katoliko Romano.

• Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine,


ang doktrinang nagsasabing ang Obispo ng
Rome, bilang tagapagmana ni San Pedro,
ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo. Sa
kaniyang mungkahi, ang emperador sa
kanlurang Europe ang nag-utos na
kilalanin ang kapangyarihan ng Obispo ng
Rome bilang pinakamataas na pinuno ng
Simbahan. Makalipas ang ilang daang taon,
ibinigay ang pangalang Papa sa Obispo ng
Rome. Mula noong kapanahunan ni Papa
Leo, kinilala ang kapangyarihan ng Papa sa
lahat ng mga Kristiyano sa kanlurang
Europe. Tumanggi naman ang Simbahang
Katoliko sa silangang Europe na kilalanin
ang Papa bilang pinakamataas na pinuno
ng Kristiyanismo hanggang sa panahong
ito.

46
• Iniukol niya ang kaniyang buong
kakayahan at pagsisikap sa paglilingkod
bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng
Simbahan sa buong kanlurang Europe.
• Natamo ni Papa Gregory I ang sukdulan ng
tagumpay nang magawa niyang
sumampalataya ang iba’t ibang mga
barbarong tribo at lumaganap ang
Kristiyanismo sa malalayong lugar sa
kanlurang Europe. Dahil dito, nagpadala
siya ng mga misyonero sa iba’t ibang bansa
na hindi pa sumasampalatay sa Simbahang
Katoliko. Buong tagumpay na
nagpalaganap ng kapangyarihan ng Papa
ang mga misyonerong ito nang
sumampalataya sa Kristiyanismo ang
England, Ireland, Scotland, at Germany.
• Sa kaniyang pamumuno naganap ang
labanan ng kapangyarihang sekular at
eklesyastikal ukol sa power of investiture o
sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa
mga tauhan ng Simbahan noong
kapanahunan ni Haring Henry IV ng
Germany. Itiniwalag kaagad niya sa
simbahan si Haring Henry IV na gumanti
naman nang ipag-utos niya ang
pagpapatalsik kay Papa Gregory VII. Ngunit
nang maramdaman ni Henry IV na kaanib
ni Papa Gregory VII ang mga Maharlika sa
Germany, sumuko siya sa Papa at humingi
ng kapatawaran. Binawi ng Papa ang
kaparusahang pagtitiwalag sa Simbahan
pagkatapos ng lubhang paghihirap sa
pagtawid sa Alps at napahamak pagkaraan
nang malaon at masidhing pag-aaregluhan.

47
Ang investiture ay isang seremonya kung saan ang isang pinunong
sekular katulad ng hari ay pinagkakalooban ng mga simbolo sa
pamumuno katulad ng singsing sa Obispong kaniyang hinihirang bilang
maging pinuno ng simbahan.
Sa pamumuno ni Papa Gregory sa Simbahan, tinanggal niya ang
karapatan ng mga pinunong sekular na magkaloob ng kapangyarihan sa
pinuno ng simbahan.

Pamumuno ng mga Monghe

Binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod


sa makamundong pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang
mamuhay sa panalangin at sariling disiplina. Sila ang mga regular na kasapi
ng mga pari at itinuturing na higit na matapat kaysa mga paring sekular.
Tuwirang nasa ilalim lamang ng kontrol at pangangasiwa ng Abbot at Papa
ang mga monghe.
Namumuhay ang mga monghe sa ilalim ng mahigpit na mga
alituntunin ng monasteryo. Dahil dito, malaki ang kanilangimpluwensya sa
pamumuhay ng tao noong Panahong Medieval. Dahil sa kanilang
paniniwalang “Ang pagtatrabaho at pagdarasal,” nagsikap sila sa paglinang
at pagtanim sa mga lupain na nakapaligid sa kanilang mga monasteryo. Dahil
dito, hindi lamang kapaki-pakinabang ang kanilang pagsisikap sa mga
monasteryo, kundi higit pang nakaimpluwensya ito sa pag-unlad ng
agrikultura sa buong Europe noong Panahong Medieval.

Mga Gawain ng mga Monghe.

Nagtiyaga ang mga monghe sa pag-iingat ng mga karunungang klasikal


ng mga sinaunang Griyego at Romano. Dahil sa hindi pa natutuklasan ang
palimbagan at ang paggawa ng papel, ang lahat ng mga libro na kanilang
iniingatan sa mga aklatan sa monasteryo ang kanilang matiyagang isinusulat
muli sa mga sadyang yaring balat ng hayop. Dahil sa ginawang pagsisikap ng
mga monghe, ang mga kaalaman tungkol sa sinauna at panggitnang panahon
ay napangalagaan sa kasalukuyan.
Ang makatarungang pamumuno ng mga monghe sa kanlurang Europe
ay nakatulong din sa lawak ng katanyagan at kapangyarihan ng Simbahan
sa ilalim ng pamumuno ng Papa. Nagpakain ang mga monasteryo sa
mahihirap, nangalaga sa mga maysakit at kumupkop sa mga taong nais
makaligtas sa kanilang mga kaaway. Bumalangkas ang Simbahan ng isang

48
sistema ng mga batas at nagtatag ng mga sariling hukuman sa paglilitis ng
mga pagkakasala na kinasasangkutan ng mga pari at mga pangkaraniwang
tao. Dahil walang sinumanang nagsasagawa ng ganitong paglilingkod
pagkatapos bumagsak ang imperyo ng Rome, nahikayat ang mga tao sa
Simbahan para sa kaayusan, pamumuno at tulong.
Pinakamahalaga sa mga ginampanang tungkulin ng mga monghe ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa utos ng Papa sa iba’tibang dako ng
kanlurang Europe. Napag-alaman na natin kung paano napasampalataya sa
Kristiyanismo ang mga Visigoth sa Spain; ang mga Anglo-Saxon sa England,
Ireland at Scotland; at ang mga German sa ilalim ng direksiyon ni Papa
Gregory I. Gayundin, naging martir si St. Francis Xavier, ang tinaguriang
Apostol ng Asia para sa simulain ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sa
utos ng Papa sa Roma.

Ang Holy Roman Empire

Isa sa mga mayor ng palasyo si Charles Martel, ang nagsikap na pag-


isahin ang France. Tinalo niya ang mga mananalakay na Muslim. Mula noon,
hindi na nagtangkang sakupin ang Kanlurang Europe.
Si Pepin the Short ang unang hinirang na hari ng France. Noong 768,
humalili kay Pepin ang anak na si Charlemagne o Charles the Great, isa sa
pinakamahusay na hari sa Medieval Period. Sa gulang na 40, kinuha niya si
Alcuin, pinakamahusay na iskolar ng panahon upang magpaturo ng iba’t
ibang wika. Inanyayahan din niya ang iba’t ibang iskolar sa Europe upang
turuan at sanayin ang mga pari at opisyal ng pamahalaan. Sinakop niya ang
Lombard, Muslim, Bavarian at Saxon at ginawang mga Kristiyano.
Noong kapaskuhan ng taong 800, kinoronahan siyang emperador ng
Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire). Marami ang nagsabi na
ang imperyo ang bumuhay na muli sa imperyong Romano. Sa panahon ng
imperyo, ang mga iskolar ang naging tagapangalaga ng kulturang Graeco-
Romano. Ang pagsasama-sama ng elementong Kristiyano, German, at Roman
ang namayani sa kabihasnang Medieval.
Nang namatay si Charlemagne noong 814, humalili si Louis the
Religious. Hindi nagtagumpay ang pagsisikap nitong mapanatili ang imperyo
dahil sa paglaban ng mga maharlika. Nang mamatay siya, hinati ng kaniyang
tatlong anak ang imperyo sa pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun noong
841. Napunta kay Charles the Bald ang France; kay Louis the German ang
Germany; atang Italy kay Lothair.Sa pagkakawatak-watak ng imperyo,
nawalan ng kapangyarihan ang mga haring Carolingian sa mga maharlika at
nagsimula na naman ang paglusob ng mga Viking, Magyar at Muslim.
Namayani sa Europe ang mga maharlika at humina ang mga hari. Nagsimula
ang isang sistematikong sosyo-ekonomiko, politiko at militari- ang
piyudalismo.

49
481- Pinag-isani Clovis ang iba’t ibang tribung Franks at sinalakay ang mga
Romano
496- Naging Kristiyano si Clovis at ang kaniyang buong sandatahan
511- Namatay si Clovis at hinati ang kaniyang kaharian sa kanyang mga anak
687- Pinamunuan ni Pepin II ang tribung Franks
717- Humalili kay Pepin II ang kaniyang anak na si Charles Martel
751- Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang bilang Hari
ng mga Franks sa halip na Mayor ng Palasyo

Si Pope Leo III ang humirang kay Charlemagne bilang “Emperor of the
Holy Roman Empire”. Ayon sa ilang aklat, nangangahulugan ito na ang ideya
ng mga Romano ng isang sentralisadong pamahalaan ay hindi naglaho.

Ang Krusada

Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng


Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito
ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga
Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula
Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim ang Imperyong Byzantine
kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa Rome lalo
pa at sa pagsalakay na ito ay mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa
panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na
maging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa
kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang; at kalayaang pumili
ng “fief” mula sa lupa na kanilang masakop.

Unang Krusada

Ang unang Krusada ay binuo ng mga 3000 kabalyero at 12000 na


mandirigma sa pamumuno ng Prinsipe at mga Pranses na nabibilang sa
“nobility”. Matagumpay na nabawi ng grupong ito ang Jerusalem noong 1099
at nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa
pagsalakay nila sa Jerusalem, maraming Muslim ang napatay, pati na ang
mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mga limampung taon sa Jerusalem
ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim.

Ikalawang Krusada

Sa paghihikayat ni St Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina


Haring Luis VIIng France at Emperor Conrad III ng Germany. Maraming

50
balakid na naranasan anggrupong ito sa pagpunta sa Silangan at ang
pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ngDamascus.
Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europe ay nalunod na si
Frederick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni
Richard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin,
ang pinuno ng mga Turko. Sa kahulihulihan nagkasundo silang itigil ang
labanan. Sa loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay malayang
nakapaglakbay sa Jerusalem. Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa
baybayin.

Krusada ng mga Bata

Noong 1212 isang labin dalawang taong French na ang pangalan ay


Stephenay naniwala na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng krusada.
Libong mga bata angsumunod sa kaniya ngunit karamihan sa kanila ay
nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa
Alexandria.

Ikaapat na Krusada

Ang ikaapat na Krusada na inulunsad noong 1202 ay naging isang


iskandalo. Ang mga krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra
na Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kaya
sila ay idineklarang “excomunicado”. Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga
krusador hanggang sa Constantinople kungsaan nagtayo sila ng sariling
pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa Constantinople at naibalik ang
imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay
napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng Krusada.

Iba pang Krusada

Nagkaroon ng iba pang Krusada noong 1219, 1224, 1228 ngunit lahat
ng mga ito ay naging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land.Sa kabuuan, ang
mga Krusada ay pawang bigo, maliban sa una na nahawakan nila ang
Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na
naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang lupain.

51
Resulta ng Krusada
Kung mayroon mang magandang naidulot ang Krusada, ito ay sa
larangan ng kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik
sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang
Kristiyano ay napayaman din.

Ang salitang “Crusade” ay nagmula sa salitang Latin na “crux” na


nangangahulugang “cross”. Ang mga Krusador ay taglay ang simbolo ng
Krus sa kanilang kasuotan.

Sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin


ng mga sumama sa gawaing ito. Hindi pagmamalasakit sasimbahan ang
naging dahilan sapagsama sa banal na laban na ito kundi ang pagkakataong
makapaglakbay at mangalakal.

Ang Piyudalismo

Mula sa ikasiyam hanggang ika-14 na siglo, ang pinakamahalagang


anyo ng kayamanan sa Europe ay lupa. Kinakailangang pangalagaan ang
pagmamay-ari ng lupa. Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari.
Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang lahat ng kaniyang lupain,
ibinabahagi ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong bughaw. Ang mga

52
dugong bughaw na ito ay nagiging vassal ng hari. Ang hari ay isang lord o
panginoong may lupa. Ang iba pang katawagan sa lord ay liege o suzerain.
Samantala, ang lupang ipinagkakaloob sa vassal ay tinatawag na fief. Ang
vassal ay isa ring lord dahil siya ay may-ari ng lupa. Ang kaniyang vassal ay
maaaring isa ring dugong bughaw.
Ang homage ay isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang
kanyang kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya
ay magiging tapat na tauhan nito. Bilang pagtanggap ng lord sa vassal,
isinasagawa ang investiture o seremonya kung saan binibigyan ng lord ang
vassal ng fief. Kadalasang isang tingkal ng lupa ang ibinibigay ng lord sa
vassal bilang sagisag ng ipinagkaloob na fief. Ang tawag sa sumpang ito ay
oath of fealty.
Kapag naisagawa na ng lord at vassal ang oath of fealty sa isa’t isa,
gagampanan na nila ang mga tungkuling nakapaloob sa kasunduan.
Tungkulin ng lord na suportahan ang pangangailangan ng vassal sa
pamamagitan ng pagkakaloob ng fief. Tungkulin din niya na ipagtanggol ang
vassal laban sa mga mananalakay o masasamang-loob at maglapat ng
nararapat na katarungan sa lahat ng mga alitan. Bilang kapalit, ang
pangunahing tungkulin ng vassal ay magkaloob ng serbisyong pangmilitar .
Tungkulin din ng vassal na magbigay ng ilang kaukulang pagbabayad tulad
ng ransom o pantubos kung mabihag ang lord sa digmaan. Kailangan din
niyang tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi para sa dowry ng
panganay na dalaga ng lord at para sa gastusin ng seremonya ng pagiging
knight ng panganay na lalaki ng lord. Ang knight ay isang mandirigmang
nakasakay sa kabayo at nanumpa ng katapatan sa kaniyang lord.

Ang Pagtatag ng Piyudalismo

Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag-ugat sa paghahati-hati ng


Banal na Imperyo ni Charlemagne batay sa kasunduan sa Verdum.
Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang
mga opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humiwalay sa
pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga lokal na pamahalaan na ngayon
ay pinatatakbo ng mga maharlikha katulad ng mga konde at duke.
Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at
Muslim. Sinalakay nila ang iba’t ibang panig ng Europa lalo na sa bandang
France. Ang mga Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng
lupain sa bandang France kapalit ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang
lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag na Normandy.

53
Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig
sa mga mamamayan ng Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang
pagkakaroon ng proteksiyon kaya naitatag ang sistemang Piyudalismo.

Isang magandang alaala ng Piyudalismo ang sistemang kabalyero


(knighthood). Kinapapalooban ang kodigo ng kagandahang asal ng mga
kabalyero (chivalry) ng katapangan, kahinahunan, pagiging marangal at
maginoo lalo na sa kaibigan. Nagpapalaganap din ng mga saloobing
Kristiyano ang sistemang kabalyero tulad ng pagtatanggol sa mga naaapi
at paggalang sa kababaihan.
Banal at isang propesyon na pinagpala ng simbahan ang pagiging
kabalyero. Kalakip nito ang tungkuling ipagtanggol at itaguyod ang
Kristiyanismo.

Lipunan sa Panahong Piyudalismo

Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunang Europeo sa panahong


Piyudalismo- ang mga pari, kabalyero o maharlikang sundalo at mga alipin
(serf)

Mga Pari. Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sektor ng lipunan
sapagkat hindi namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring
mag-asawa. Maaaring manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika,
manggagawa at mga alipin.

Mga Kabalyero. Noong panahon ng kaguluhan kasunod ng pagkamatay ni


Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang
loob na maglingkod sa mga hari at sa mga may-ari ng lupa upang iligtas ang
mga ito sa mga mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang paggamit ng salapi,
ang magigiting na sundalo o kabalyero ang pinagkalooban ng mga kapirasong
lupa bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. Ang mga kabalyero ang unang
uri ng mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, na maaaring
magpamana ng kanilang lupain.

Mga Serf. Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili
silang nakatali sa lupang kanilang sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga
serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng
hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang
panginoon nang walang bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa
susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao.Makapag-
aasawa lamang ang isang serfsa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng
kaniyang gamit, pati na ang kaniyang mga anak, ay itinuturing na pag-aari

54
ng panginoon. Wala silang maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang
panginoon.

Pagasasaka: Batayan ng Sistemang Manor

Ang Sistemang Manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao


na nakatira dito. Ang isang fief ay binubuo ng maraming manor na
nakahiwalay sa isa’t isa. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang pamayanan
(village) kung saan angmga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang
ikabubuhay sa pagsasaka sa manor. Sakabilang dako ang kanilang
panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng pagsasaka samanor na kaniyang
magiging kayamanan.
Ang kastilyo ng panginoong piyudal ang pinakapusod ng isang manor.
Maaari ringang bahay sa manor ay isang malaking nababakurang gusali o
kaya ay palasyo. Ang
lupain sa loob ng manor ay nahahati ayon sa paggagamitan nito. Kumpleto
sa mga kakailanganin ng magsasaka ang mga gamit sa manor. Para sa mga
naninirahan doon, ang mga pangangailangan nila ay napapaloob na sa
manor. Nandiyan ang kamalig, kiskisan, panaderya, at kuwadra ng
panginoon. Mayroon ding simbahan, pandayan, at pastulan. Kung maibigan
ng panginoon, ang mga kaparangan at kagubatan ay kaniyang hinahati
ngunit nag-iiwan siya ng pastulan na maaaring gamitin ng lahat.

Ang manor ay isang malaking lupang sinasaka. Ang malaking bahagi


ng lupain na umaabot ng 1/3 hanggang ½ ng kabuuang lupang sakahan
ng manor ay pag-aari ng lord at ilan lamang sa mga magsasaka ang
nagmamay-ari ng lupa.

55
Gawin Natin

Gawain sa Pagkatuto 1: Diyagram ng Aking Natutuhan


Panuto: Batay sa binasang teksto, isa-isahin ang mga salik na nakatulong
sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Europe. Ipaliwanag ang sagot sa
sagutang papel.

Salik sa
Paglakas ng
Kapangyarihan
ng Papa

Pamprosesong Tanong

1. Batay sa teksto, ano ang pangunahing papel na ginampanam ng


simbahan noong Gitnang Panahon? Patunayan.
2. Paano nagkakatulad ang papel na ginampanan ng simbahan sa
kasalukuyan sa gampanin nito noong Panahong Medieval? Ipaliwanag.

56
Gawain sa Pagkatuto 2: History Frame
Panuto: Matapos mabasa ang teksto, bumuo ng History frame tungkol sa
paksa. Gawin ito sa sagutang papel.

History Frame:

Pangyayari: Mga Pangunahing Tauhan:

Suliranin/Layunin ng Konteksto:
Pangyayari:

Kinahinatnan/Results:
Mahahalagang Pangyayari:

Aral na Natutunan:

Gawain sa Pagkatuto 3: Pyramid


Panuto: Buuin ang hinihinging datos ayon sa pagkabuo ng pyramid.
Ilarawan ang bawat isa batay sa pagsagot ng tanong; Ano-ano ang uring
panlipunan noong panahon ng piyudalismo?

57
Gawain sa Pagkatuto 4: Photo-suri
Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong sa kahon.

Pamprosesong Tanong

1. Sa iyong palagay, naipagkakaloob ba sa isang manor ang mga


pangangailangan ng mga mamamayan nito? Patunayan.
2. May gampanin ba ang mga kababaihan sa sistemang Manoryalismo?
Ipaliwanag.

58
Ang Impluwensya ng
Ikalimang
Linggo mga Kaisipan sa
Gitnang Panahon

Alamin Natin

Natataya ang impluwensya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang


Panahon. (MELC, AP8DKT-IIi-13)

Layunin:

1. Nakapagtatalakay sa mga impluwensya ng mga kaisipang lumaganap


sa Gitnang Panahon
2. Nakapagtataya ang impuwensya ng mga kaisipang lumaganap sa
Gitnang Panahon
3. Nakapaghahambing sa ibat-ibang ang impuwensya ng mga kaisipang
lumaganap sa Gitnang Panahon

Nilalaman ng Aralin:

Paglago ng mga Bayan

Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng


mga bayan. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng
mga bagong teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. Bunga
nito, tumaas ang ani kaya nagkaroon ng magandang uri ng pamumuhay ang
mga tao. Nakatulong din nang malaki ang pagsasaayos ng mga kalsada upang
mapadali ang pagdala at pagbili ng mga produktong agrikultural. Marami ang
nanirahan sa mga lugar na malapit sa pangunahing daan.

Paggamit ng Salapi

Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ang sistema ng kalakalan ay


palitan ng produkto o barter. Dinadala ng mga magbubukid o kaya ng “serf”
ang mga produktong bukid o produktong gawa sa bahay sa mga lokal na
pamilihan. Dito nagpapalitan ng produkto ang mga tao. Ang lokal na

59
pamilihan ay nagaganap lamang bawat linggo sa malalawak na lugar malapit
sa palasyo o simbahan.
Sa paglawak ng kalakalan kung saan maraming lugar na ang sumali,
naisip ng panginoong piyudal na magtatag ng taunang perya. Dito sa peryang
ito nagkatagpo-tagpo ang mga mangangalakal. Sa peryang ito kumikita ang
panginoong piyudal dahil siya ay naniningil ng buwis at multa dito.
Dito sa peryang ito nakita ang paggamit ng salapi ngunit iba-iba ang
kanilang salaping barya. Dahil dito, nagsulputan ang mga namamalit ng
salapi (money changer), na sa maliit na halaga ay namamalit ng iba’t ibang
barya.
Sa pagpapalit ng salaping ito nasabing nagsimula ang pagbabangko.
Natuklasan ng ilang mangangalakal na hindi delikado ang mag-iwan
ng malalakinghalaga sa mga namamalit ng salapi. Ang salaping ito ay
ipinauutang din nang may tubo.
Ang isang mangangalakal ay maaari ring magdeposito ng salapi sa
isang lungsod at bibigyan siya ng resibo. Itong dineposito niya ay maaari
niyang kolektahin sa ibanglungsod. Sa ganitong paraan naging ligtas ang
paglipat ng salapi.
Ang sistemang ito ng pagpapautang at pagbabangko ay nalinang sa
hilagangItalya. Ang paggamit ng pera ay nakatulong sa paglalapit ng mga tao
buhat sa iba’tibang lugar.

Ang Paglitaw ng Burgis

Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at paglawak ng mga bayan,


isangmakapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Sila ay tinatawag na burgis
(men of burg o burgers o bourgeoisie). Ang interes ng grupong ito ay nasa
kalakalan. Ang mataas na uri ng bourgeoisie ay ang mauunlad na negosyante
at mga bangkero. Ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa magagaling na
unibersidad. Ang mgabourgeoisie ay ang nagiging gitnang uri at mababa ang
pagtingin sa kanila ng panginoong piyudal dahil sa sila ay mga bagong yaman
lamang.
Ang mga burgis ay patuloy na umiral at sila ang nagtaguyod ng sining
at nakalinang ng sariling uri ng pagkamaharlika. Mababa rin ang pagtingin
nila sa mgadalubhasang manggagawa kaya nagkaroon ng pag-uuri ng tao sa
lipunan batay sa yaman at hindi na sa angkan
Ang bayan sa panahong ito ay tinatawag na burgh. Ang mga taong
nagtayo ng kanilang tirahan dito ay karaniwang tinatawag naburgher. Sa
France, ang mga burgher ay kolektibong tinatawag na bourgeoisie.
Ang mga burgher ay kakaiba sa tradisyunal na paghahati ng lipunan
batay sa kanilang ginagawa. Hindi sila lordna may ari ng lupa at nakikidigma.
Iba rin sila sa pari na nagdarasal at sa magbubukid na nagtatanim. Ang mga
naninirahan sa bayan ay nagkakaloob ng produkto at serbisyo na

60
ikinakalakal. Habang dumarami ang kalakal nila, yumayaman sila at
umuunlad ang kanilang pamumuhay. Ang mga mangangalakal at artisan na
ito ay bumuo ng bagong pangkat sa lipunan, ang gitnang uri o “middle class”.
Sa bayan maaaring umangat ang pangkaraniwang tao sa lipunan.
Yaman at hindi kapanganakan ang batayan ng pagkakakilanlan. Kadalasan,
higit na mayaman pa ang mga mangangalakal kaysa mga dugong bughaw.

Ang Guild System

Marami sa mga naninirahan sa bayan ay sumali sa guild. Ang guild sa


samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay.

Ang Merchant Guild

Ang mga unang guild ay binalangkas ng mga mangangalakal.


Nagpatayo sila ng mga bulwagang pinagdarausan ng pulong tungkol sa mga
detalyeng kanilang negosyo. Kontrolado ng guild ng mga mangangalakal ang
lahat ng kalakalan sa bayan. Maaari rin nilang hadlangan ang mga dayong
mangangalakal sa pagnenegosyo sa kanilang bayan.
Dahil sa kanilang yaman, lubhang naging mahalaga ang mga merchant
guild o guild ng mga mangangalakal sa pamahalaang bayan. Hinikayat ng
mga merchant guild ang pagkakaroon ng sistema ng kalinisan at
pagpapagawa ng mga kanal para sa dumi. Sinikap nila na magkaroon ng
iisang batayan ng timbang at panukat na maaaring gamitin ng lahat. Minsan,
ginagampanan nila ang papel bilang mga pulis na naglalaan ng proteksyon.
Maaari rin nilang impluwensiyahan ang mga lord na alisin ang toll o bayad ng
mga daan sa mga lupain nito.

Ang Craft Guild

Nang lumaki ang mga bayan, ang mga artisan ay nagtatag ng sariling
guild. Ang bawat craft o kasanayan ay may sariling guild. Halimbawa, ang
mga karpintero, barbero, panadero, sastre, at iba pang hanapbuhay ay may
sariling guild. Ang sinumang hindi kasapi sa isang guild ay hindi maaaring
gumawa ng produkto na ginagawa ng nasabing guild.

61
Gawin Natin

Gawain sa Pagkatuto 1: Dahilan-Epekto


Panuto: Batay sa mga binasang teksto, punan ang talahanayan ng wastong
sagot. Gawin ito sa sagutang papel.

Dahilan Pangyayari Epekto


Pag-unlad ng kalakalan
Paglitaw ng mga Bourgeoisie
Ang paggamit ng salapi
Pagkakaroon ng sistemang Guild

Gawain sa Pagkatuto 2: A-R Guide (Anticipation-Reaction Guide)


Panuto: Sagutin ang pangalawang kolum sa pamamagitan ng pagsulat sa
salitang Sumasang-Ayon o SA kung ikaw ay sumasang-ayon at Hindi
Sumasang-Ayon o HSA kung ikaw naman ay hindi sumasang-ayon sa
pahayag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Matapos ang
Pahayag
Talakayan
1. Sa pagbagsak ng Imperyong Roman at pananalasa ng
iba’t ibang pangkat ng mga barbaro ay natapos ang
Sinaunang Panahon at pumasok ang pagsisimula ng
Panahong Medieval.
2. Si Charlemagne o “Charles the Great” ang itinuturing na
isa sa pinakamahusay na hari ng Panahong Medieval.
Pinamunuan niya ang “Holy Roman Empire” na
sinasabing muling bumuhay sa Imperyong Roman.
3. Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng pagbagsak ng
imperyong Roman at pananalakay ng mga tribung
barbaro, naging kanlungan ng mga tao ang simbahan.
Naging mahalaga ang papel ng “papacy” o ang
tungkulin, panahon ng panunungkulan at
kapangyrihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng
simbahang Katoliko.
4. Pangunahing layunin ng paglulunsad ng mga Krusada
ang pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo sa iba
pang panig ng daigdig.

62
5. Ang Piyudalismo ay isang matibay na sistemang
naitatag noong Panahong Medieval. Itinuturing itong
sistemang politikal, sosyo-ekonomiko at militar na sagot
sa pangangailangan sa tagapanguna sa panahon ng
kaguluhan.
6. Ang pang-ekonomiyang aspeto ng Piyudalismo ay
tinatawag na Manoryalismo. Ito ay ang sistemang
gumagabay sa pamumuno ng mga hari sa kanilang
nasasakupan.
7. Bunsod ng pagtaas ng populasyon at pag-unlad ng
kalakalan ay ang pag-unlad ng mga bayan. Ang paglago
ng bayan ay nakatulong sa paglago ng kalakalan at ang
paglago ng kalakalan ay nakatulong din sa paglago ng
mga bayan.
8. Maaring umangat ang isang tao sa lipunan dahil hindi
nakabatay sa kapanganakan ang antas sa buhay kundi
sa kayamanan ng isang tao.
9. Naging maunlad ang mga manor dahil sa
pakikipagkalakalan sa ibang bayan.
10. Ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong
ng Europe ay nakatulong sa pagkakabuo ng
pandaigdigang kamalayan sa kasalukuyang panahon.

63
Gawain sa Pagkatuto 3: Bumuo at Matuto
Panuto: Punan ang talahanayan ng mga kontribusyon ng mga nabanggit na
pangyayari na nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europe sa Panahong
Medieval.

64
Gawain sa Pagkatuto 4: Makasaysayang Paglalakbay
Panuto: Punan ang graphic organizer ng angkop na impormasyon batay sa
iyong mga naunawaan sa mga nakaraang aralin. Gawin ito sa sagutang
papel.

Ano ang kontribusyon ng iba’t ibang panahon na tinalakay sa modyul na


ito sa pag-unlad ng Pandaigdigang Kamalayan?

_______________ _______________ _______________ Pag-unlad ng


_______________ _______________ _______________ Pandaigdigang
_______________ _______________ _______________ Kamalayan
____________ _____________ ___________

Kabihasnang Kabihasnang Mga


Klasikal sa Klasikal sa Mahahalagang
America, pangyayari sa
Europe
Panahong
Africa, at mga Medieval
pulo sa Pacific

65
Susi sa Pagwawasto

Una hanggang Ikalimang Linggo


Mga Gawain sa Pagkatuto
Maaring magkaiba ang mga sagot ng
mag-aaral

66
Sanggunian
LM Araling Panlipunan 8 pp. 1-180
Antonio, Eleanor D. Pana-Panahon III. Worktext para sa Araling Panlipunan
Ikatlong Taon. Kasaysayan ng Daigdig. Rex Bookstore. 856 Nicanor Reyes
St. St. Manila Philippines. 1999.

Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 4: Ang Pagsibol ng


Sibilisasyong Griyego

Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 5: Ang Pagsibol ng Imperyong


Romano

Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 6: Sinaunang Aprika

Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 7: Kabihasnang Klasikal sa


Amerika at Pacifico

Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 8: Ang Simbahang Katoliko

Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 9: Ang Sistemang Piyudalismo

67
For inquiries or feedback, please write:
Department of Education – Learning Resource Management Section
Office Address: Lanzones Street, Poblacion, Bayugan City
E-mail Address: deped.bayugan@gmail.com,
lrms.bayugan.caraga@deped.gov.ph
Telephone no.: (085) 3030-664, 3030-407, 231-1924

68

You might also like