You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region ___
Schools Division of ___________
_____________ ELEMENTARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATION
PERIODICAL TEST IN ESP 5
QUARTER II

TOTAL NO. OF
SUBJECT ESP INSTRUCTION 40
DAYS
TOTAL NO. OF
GRADE LEVEL 5 50
ITEMS

TEST ITEM PLACEMENT

REMEMBERING

G
UNDERSTANDIN

EVALUATING
LEARNING Actual Total
Weight

APPLYING

ANALYZIN

CREATING
COMPETENCIES Instruction No. of
(%)
(Include Codes if Available) (Days) Items

               
Nakapagsisimula ng
pamumuno para
makapagbigay ng kayang
tulong para sa
nangangailangan
2,
1 1.1. biktima ng kalamidad
5 12.5% 7 1,3,5,6 4,
1 1.2. pagbibigay ng
7
babala/impormasyon
kung may bagyo,
baha, sunog, lindol,
at iba pa
EsP5P – IIa –22
Nakapagbibigay-alam sa
kinauukulan
8-
2 tungkol sa kaguluhan, at iba pa
5 12.5% 6 9,11- 10
2 (pagmamalasakit sa kapwa na
13
sinasaktan / kinukutya /
binubully EsP5P – IIb – 23
3 Nakapagpapakita ng paggalang 5 12.5% 7 18 20 14-
sa 17,
mga dayuhan sa pamamagitan 19
ng:
3.1. mabuting
pagtanggap/pagtrato sa mga
katutubo at mga dayuhan
3.2. paggalang sa natatanging
kaugalian/paniniwala ng mga
katutubo at dayuhang kakaiba
sa
kinagisnan EsP5P –IIc – 24
Nakabubuo at
nakapagpapahayag
24
4 nang may paggalang sa 21-
5 12.5% 6 26 - 22
4 anumang 23
25
ideya/opinion EsP5P – IId-e –
25
Nakapagpapaubaya ng
5 pansariling
5 12.5% 6 28-32 27
5 kapakanan para sa kabutihan ng
kapwa EsP5P – IIf – 26
Nakapagsasaalang-alang ng
karapatan ng iba EsP5P – IIg –
27 34-
5 12.5% 6 36-37 38 33
35
6
6
Nakikilahok sa mga patimpalak
o
7
paligsahan na ang layunin ay 5 12.5% 6 39,42 40,44 41 43
7
pakikipagkaibigan EsP5P – IIh
– 28
Nagagampanan nang buong
husay
ang anumang tungkulin sa
7 45,49-
programa 5 12.5% 6 47 46
8 50
o proyekto gamit ang anumang
teknolohiya sa paaralan EsP5P
– IIi –29
  TOTAL 40 100% 50 4 22 9 13 2 0
Republic of the Philippines
Department of Education
Region ___
Schools Division of ___________
_____________ ELEMENTARY SCHOOL

PERIODICAL TEST IN ESP 5


QUARTER II

NAME: __________________________________________________________ SCORE: ______


Panuto: Basahin nang maayos ang sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang
na makikita bago ang bilang ng bawat aytem.

_____1. Nabalitaan mong naapektuhan ng bagyo ang iyong kaibigan. Ano ang gagawin mo?
A. Isumbong sa pulis.
B. Hayaan na lang sila.
C. Sabihin sa mga kapitbahay.
D. Tulungan kung anuman ang kailangan nila.
_____2. Ang taong may malasakit ay sadyang malapit sa Diyos. Ano ang nararamdaman ng Diyos sa taong ito?
A. kinaiinisan C. kinatatakutan
B. kinalulugdan D. kinukumusta
_____3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa?
A. Suntukin ang kaaway.
B. Tulungan ang nasalanta ng bagyo.
C. Pabayaan ang mga nangangailangan.
D. Makibalita lang sa mga naapektuhan ng bagyo.
_____4. Laging gawin ang pagmamalasakit sa kapwa may kalamidad man o wala. Paano isagawa ang
pagmamalasakit?
A. bukal sa puso ang pagtulong
B. naghihintay ng kapalit sa ginawa
C. napipilitan sa pagbibigay ng tulong
D. may kasamang dabog kung magbigay
_____5. Nasa evacuation center kayo. Alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin kapag may humingi ng pagkain?
A. Huwag pansinin
B. Bigyan ng pagkain
C. Turuang magnakaw
D. Sabihing humingi na lang sa iba
_____6. Biglang dumating ang ulan habang naglalakad kayo ng iyong kaklase pauwi. Napansin mong wala siyang
dalang payong. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Iwanan siya sa daan.
B. Hayaan siyang maglakad sa ulan.
C. Samahan siyang hintaying huminto ang ulan.
D. Anyayahan siyang makisukob sa iyong payong.
_____7. Paano mo maipapakita ang iyong pakikiisa sa mga nasasalanta ng bagyo at iba pang sakuna?
A. Hayaan lang silang magdusa.
B. Magtago upang hindi mahingan ng tulong.
C. Magbigay ng mga bagay na magagamit nila.
D. Magbigay ng sirang mga damit na di na puwedeng gamitin.
_____8. Binubully ni Rene ang inyong kaklaseng si Jhena dahil ito ay mataba. Tinatawag niya itong “piggy piggy,
oink.” Ano ang gagawin mo?
A. Huwag pansinin
B. Isumbong sa pulis
C. Ipagbigay-alam sa guro
D. Samahan si Alex sa kanyang ginagawa
_____9. Nakikipag-away ang iyong kaibigan sa likod ng silid-aralan. Ano ang gagawin mo?
A. Sumali sa away.
B. Huwag makialam sa away nila.
C. Sabihin sa guro ang iyong nakita.
D. Suntukin ang dalawang nag-aaway.
_____10. May nakita kang batang umiiyak malapit sa bahay niyo. Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Bahala siya sa buhay niya
B. Hayaan na lamang ang bata
C. Sabihin sa iyong mga magulang
D. Tingnan na lamang ang batang umiiyak
_____11. Nakita mo ang pagbangga ng dyip kay Sanny. Ano ang gagawin mo para makatulong?
A. Humingi ng saklolo
B. Wala akong balak na tulungan siya.
C. Sabihin ko sa kanya na ayusin ang paglalakad.
D. Bakit ko ba poproblemahin hindi ko siya kamag-anak.
_____12. Pinagsasalitaan ng hindi maganda ang iyong nakababatang kapatid ng iyong kapitbahay. Dahil nahuli nila
itong namitas ng bulaklak. Ano ang kailangan mong gawin para hindi magalit ang iyong kapatid sa iyong kapitbahay?
A. Ayokong makialam, problema nila iyon.
B. Hayaan ko na lang na magalit siya sa kapitbahay namin.
C. Pagsasabihan ko na huwag na lang intindihin ang kapitbahay.
D. Pagsabihan ko na hindi maganda ang mamitas ng bulaklak na hindi nagpapaalam.
_____13. Nakita mo ang grupo ng mga kalalakihang nag-aaway sa sa inyong barangay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Makilahok sa kaguluhan.
B. Hayaan sila sa kanilang ginagawa.
C. Tumakbo at ipagbigay-alam sa mga tanod.
D. Panoorin at tingnan kung sino ang mananalo.
______14. Ang pagtanggap sa pagkakaiba ng pagkatao, kaugalian, at paniniwala ay isang magandang kaugalian ng
mga Pilipino.Anong kaugalian ang tinutukoy sa pangungusap?
A. pagkamagalang C. pagkamasunurin
B. pagkamasipag D. pagkamatapang
______15. Kinausap ni Tanya ang nakasalubong niyang pilay na may po at opo habang papunta siya sa simbahan.
Ano ang magandang kaugaliang taglay ni Tanya?
A. pagkamagalang C. pagkamasinop
B. pagkamagaling D. pagkamasipag
______16. Si Duktor Satur ay hindi namimili ng pasyente. Tinatanggap at kinakausap niya ang lahat ng dudulog sa
kanya anuman ang estado sa buhay. Ano ang angkop na paglalarawan kay Duktor Satur?
A. Si Duktor Satur ay mabangis.
B. Si Duktor Satur ay magalang.
C. Si Duktor Satur ay makasarili.
D. Si Duktor Satur ay mapagmataas.
______17. Magalang si Venz sa lahat ng taong nakakasalamuha niya. Ano ang magiging dulot nito sa kanya?
A. Siya ay aawayin.
B. Siya ay kaiinisan.
C. Siya ay babatukan.
D. Siya ay kagigiliwan.
______18. May dumating na isang kano sa inyong lugar. Nataong siya pala ay magiging kapitbahay mo. Ano ang
gagawin mo kung lalapitan ka niya?
A. Kaibiganin siya.
B.Huwag siyang pansinin.
C.Kutyain ang puti niyang buhok.
D. Pagsalitaan siya ng hindi niya naiintihan.
______19. Si Ginoong Khane ay isang dayuhan. Nasalubong mo siya at tinanong ka kung saan ang daan papuntang
palengke. Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Dabugan siya.
B. Huwag pansinin.
C. Iwanan na lang siya.
D. Ituro sa kanya ang daan.
______20. May isang dayuhang naghahanap sa ina ni Marie. Paano maipapakita ni Marie ang kanyang paggalang sa
dayuhan?
A. Pagsarhan ng pintuan ang dayuhan.
B. Pagsalitaan ng masama ang dayuhan.
C. Paalisin ang dayuhan dahil hindi niya kilala.
D. Papasukin, paupuin at bigyan ng maiinom ang dayuhan.
______21. Aling pangungusap ang hindi nagpapakita ng pagkagalang sa dayuhan?
A. Minaliit ni Bennie ang isang dayuhang nakalaro niya.
B. Pinuri ng mga bata ang kaklase nilang may singkit na mata.
C. Kaagad na binigyan ng pasasalamat ang mga dayuhang nagbigay ng donasyon sa bansa.
D. Nag-alay ng programa ang isang organisasyon para sa mga dayuhang tumulong sa kanila.
______22. “Ang pagiging magalang ay isang kaugaliang dapat taglayin ng isang bata.” Sang-ayon ka ba sa
pangungusap na ito? Bakit?
A. Hindi, dahil masama itong ugali.
B. Hindi, dahil wala itong silbi sa ating buhay.
C. Oo, dahil magiging hadlang ito sa pakikipagkaibigan.
D. Oo, dahil nagdudulot ito ng magandang pakikitungo sa iyo ng ibang tao.
______23. May kaibigan kang isang Muslim. Kakaiba ang kanyang ginagawa upang maipakita ang pananampalataya
sa Diyos. Aling pangungusap ang nagsasaad ng nararapat mong gawin?
A. Maliitin ang ginagawa niyang pagsamba.
B. Iwasan siya dahil magkaiba kayo ng relihiyon.
C. Sabihing hindi tama ang paraan niya ng pagsamba.
D. Respetuhin ang paraan niya ng pagsamba sa kanilang Allah.
______24. “Ang tungkulin sa pamilya ay dapat gampanan ng bawat bata.” Paano mo maipapakita ito sa iyong mga
kasambahay?
A. Ikalat ang mga pinagkainan.
B. Maglaro na lang maghapon.
C. Tumulong sa mga gawaing-bahay.
D. Ipagawa sa nakababatang kapatid ang trabaho mo.
______25. Sumali si Ara sa isang paligsahan. Inanunsiyo na siya ang nanalo pero biglang binawi ang resulta dahil
nagkamali sa pagbasa ang taga-anunsiyo. Kung ikaw si Ara, ano ang gagawin mo?
A. Magalit sa katunggali.
B. Tanggapin ang pagkatalo.
C. Suntukin ang taga-anunsiyo.
D. Bulyawan ang taga-anunsiyo.
______26. May pangkatang gawain sa ESP na ibinigay ng inyong guro. Gusto mong ikaw ang magiging lider, subali’t
hindi ikaw ang napili. Ano ang gagawin mo?
A. Suntukin ang nanalong lider.
B. Respetuhin ang pasya ng nakararami.
C. Maliitin ang ginagawa niyang pagsamba.
D. Pagsabihan ng masama ang napiling lider.
______27. Aling pangungusap ang nagsasaad ng paggalang sa opinyon ng iba?
A. Sumimangot si Toyang sa ideya ni Fe.
B. Dininig ni Bella ang suhestiyon ni Banie.
C. Pinatigil ng lider si Ana habang siya’y nagsasalita.
D. Nagdabog si Tintin dahil ayaw niya ang ideya ni Sally.
______28. Lahat tayo ay may malayang pag-iisip ukol sa isang bagay. Ito ay karapatan ng bawat isa na sabihin ang
nasa isip anuman ang kahihinatnan nito sa kanyang kapwa. Ano ang isinasaad sa pangungusap na ito?
A. ideya C. galit
B. gawa D. tiis
______29. Magkaibigan sina Bana at Fina. May napansin si Fina na masamang ugali ni Bana. Ano ang dapat gawin ni
Fina?
A. Layuan niya si Bana.
B. Sampalin niya si Bana.
C. Sabubutan niya si Bana.
D. Pagsabihan niya si Bana.
______30. Nag-uusap kayong magkakaibigan ukol sa pupuntahan niyong parke. Nagbangayan sina Tony at Sony
dahil hindi sila magkasundo sa plano. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sabihing wala silang silbi.
B. Hayaan sila sa kanilang ginagawa.
C. Pag-untugin ang kanilang mga ulo.
D. Awatin sila at magbigay ng mas magandang ideya.
______31. Basahing mabuti ang dalawang pangungusap sa ibaba. Sino sa kanila ang nagpapakita ng paggalang sa
opinyon ng iba?
Sinagot ni Abyong nang pabalang si Ariel dahil ayaw niya ang suhestiyon nito.
Mahinahong tinanggap ni Azon ang ideya ni Vinz ukol sa proyekto nilang gagawin.
A. Abyong C. Azon
B. Ariel D. Vinz
______32. Marami kang alagang manok. Dahil walang pera ang nanay mo para pambili ng ulam niyo, nakiusap siya
na kakatayin ang isa sa mga ito. Ano ang gagawin mo?
A. Umalis na lang sa bahay.
B. Pagsalitaan ng masama ang nanay.
C. Sabihing sayang kung kakatayin niya ito.
D. Pagbigyan ang nanay sa kanyang hinihingi.
_____ 33. Paano mo maisasabuhay ang paggalang sa karapatan ng iba?
A. Pagalitan ang sinumang hahadlang sa gusto mo.
B. Hindi pakikinggan ni Benilda ang Ideya ni Saniata.
C. Pagsabihan mo ng masasamang salita ang iyong kapwa.
D. Palaging isa-isip ang kasabihang, ”Anuman ang gagawin mo sa kapwa ay babalik sa iyo.”
_____ 34. Piliin ang pangungusap na nagpapakita ng paggalang sa karapatan ng iba. Alin dito?
A. Binatukan ni Pinyong si Zhai.
B. Kinain ni Lanze ang baon ni Benz.
C. Magalang na tinawag ni Serene si Tanya.
D. Hinablot ni Marian ang laruang hawak ni Jay.
_____ 35. Bawat bata ay may karapatan na dapat pangalagaan. Alin ang hindi kabilang sa karapatang ito?
A. Karapatang makapag-aral
B. Karapatang mabigyan ng makakain
C. Karapatang mabigyan ng sariling pangalan
D. Karapatang mabigyan ng mahirap na gawain
_____ 36. Ang pagpapaubaya sa pansariling kapakanan para sa kapwa ay nagpapakita ng paggalang sa kanila. Ano
ang naidudulot nito sa ating buhay?
A. kabutihan C. kamalasan
B. kakulitan D. kasamaan
_____ 37. Iginagalang mo ang iyong kaibigan kung tinatawag mo siya sa kanyang tunay na pangalan. Anong
kaugalian ang ipinapakita nito?
A. paglait sa pangalan niya
B. pagtawa sa pangalan niya
C. pagkutya sa pangalan niya
D. pagrespeto sa pangalan niya
_____ 38. Nakatulog ang nakababata mong kapatid, gusto mong manood ng telebisyon. Ano ang gagawin mo?
A. Lakasan ang telebisyon.
B. Ipagpaliban ang panonood.
C. Buksan ang radio at lakasan ito.
D. Pumunta sa kapitbahay upang manood.
_____ 39. Ano ang nagtatagal kung ang bawat isa ay magpapakita ng mabuting asal at magandang pananalita?
A. pagkakaibigan C. pag-aawayan

B. pagkakayamot D. pag-uusap
_____ 40. Mahalaga sa pagkakaibigan ang pagrespeto sa isa’t-isa. Anong kaugalian ang ipinapakita nito?
A. paggalang C. pagrerebelde
B. pagkamuhi D. pagsakit
_____ 41. Piliin ang nagdudulot ng matagal na pagkakaibigan. Alin dito?
A. Malimit pagsalitaan ng masama ni Lara si Tisay.
B. Iniwan ni Khen si Zandro noong naaksidente sila.
C. Sinuntok ni Benito si Tato nang magkamali ito ng sinabi.
D. Palaging nagtutulungan sina Tina at Fina kung may problema ang isa sa kanila.
_____ 42. Ang paggalang sa karapatan ng kapwa ay isang susi sa pagkakaunawaan. Anong karapatan kabilang ito?
A. pagkabuhay C. pantao
B. pangkalikasan D. pag-aaral
_____ 43. Bakit mahalaga ang pakikipag-usap na may respeto sa kapwa?
A. Tulay sa pagkakaisa
B. Dahil iiwan ka ng iba
C. Daan ito ng pag-aawayan
D. Susi ito sa pagkakalabuan
_____ 44. Nagkasakit si Anton. Binibisita siya ng mga kamag-aral araw-araw. Ano ang katangiang ipinakita ng mga
kamag-aral niya?
A. mapagbigay C. pagkamaunawain
B. mapagmalasakit D. pagkamasunurin
_____ 45. Kailangang may access ka sa wifi upang makakalap ng mga impormasyon ukol sa isang bagay. Alin sa mga
ito ang kailangan mo?
A. cellphone C. tablet
B. internet D. telebisyon
_____ 46. Alin ang hindi nagagawa ng media o teknolohiya?
A. Nakapagbibigay ng impormasyon.
B. Nagpapahina sa pag-unlad ng kaalaman.
C. Napaghuhusay ang mga mag-aaral sa pagbuo ng proyekto.
D. Nakatutulong sa tao upang makabuo ng kanilang pananaw.
_____ 47. Piliin ang masamang ibinubunga ng sobrang paggamit ng media o teknolohiya. Alin dito?
A. Nawawalan ng interes sa pag-aaral.
B. Nababasa ang mga balita sa ibang bansa.
C. Nakatatapos ng proyekto nang mas mabilis.
D. Nagagawa ang mga takdang- aralin gamit ito.
_____ 48. Paano maipapakita ang wastong paggamit ng media at teknolohiya?
A. Panoorin ang lahat ng nasa youtube.
B. Magdamag na paglalaro gamit ang cellphone.
C. Huwag gugulin ang lahat ng oras sa paggamit ng internet.
D. Magpabili sa tatay ng napakamahal na gadyet kahit hindi naman kailangan.
_____ 49. Hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang media, wala kang mapagtatanungang kasambahay. Ano ang
pinakamainam na gagawin upang malaman at malinang ang kaalaman?
A. Huwag pansinin
B. Hanapin sa Google
C. Ipagsawalang bahala
D. Hintayin mong dumating ang ate at magtanong
_____ 50. Lahat ng mga ito ay pangangalaga sa paggamit ng media, maliban sa isa. Ano ito?
A. Huwag gamitin sa pakikilahok sa Cyberbullying
B. Hindi naglalabas ng mga maling impormasyon.
C. Palaging kinukuha ang Copyright ng isang dokumento.
D. Kumukuha lamang ng impormasyon sa mga mapagkakatiwalaang site.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region ___
Schools Division of ___________
_____________ ELEMENTARY SCHOOL

PERIODICAL TEST IN ESP 5


QUARTER II
ANSWER KEY
1. D 26. B
2. B 27. B
3. B 28. A
4. A 29. D
5. B 30. D
6. D 31. C
7. C 32. D
8. C 33. D
9. C 34. C
10. C 35. D
11. A 36. A
12. D 37. D
13. C 38. B
14. A 39. A
15. A 40. A
16. B 41. D
17. D 42. C
18. A 43. A
19. D 44. B
20. D 45. B
21. A 46. B
22. D 47. A
23. D 48. C
24. C 49. B
25. B 50. B

You might also like