You are on page 1of 2

BALITAAN!

Bride na nawala sa bisperas ng kasal sa Cagayan,


pinaghahanap ng pulisya

ALCALA, Cagayan — Isang malaking araw sana para sa


isang Overseas Filipino Worker (OFW) na pakasalan ang
kaniyang nobya sa isang civil ceremony nitong Lunes,
Oktubre 17, ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito
natuloy dahil nawawala ang kaniyang bride.

Sinabi ni Alcala police chief Major George Marigbay na


nagtungo sa himpilan ng pulisya ang groom (itinago ang
pangalan dahil sa personal na dahilan), Alias Anna
(kapatid ng bride), at Alias Mario (ama ng bride) para i-
report ang nawawalang bride na si Krizel Joy Enriquez,
residente ng Brgy. Maraburab, Alcala.

Si Krizel ay may taas na 5’3″, katamtaman ang


pangangatawan, at nakasuot ng kulay pink na pang-itaas
at pink na jogging pants nang umalis ito sa kanilang
bahay noong umaga ng Oktubre 16, 2022 bandang 10
a.m.
Kukuha sana si Krizel ng kamias mga 200 metro ang layo
mula sa kanilang tahanan ngunit mula noon ay hindi na
ito nakauwi.

Nakauwi na ang OFW na groom mula sa Japan para sa


civil wedding na nakatakda sana noong Lunes, bandang
ala-1 ng hapon sa Municipal Trial Court sa Alcala.

Sa kasamaang palad, hindi mahanap ang nobya at hindi


makontak sa kaniyang phone, ayon sa pulisya.

“Sa ngayon may tumawag na huwag na pumunta ang


groom sa bahay ng babae na parang may gustong
sabihin,” ani Major Marigbay sa Manila Bulletin.

Ang mga magulang ng nobya ay mga OFW din na umuwi


para dumalo sa civil wedding.

You might also like