You are on page 1of 2

c 


  
  




By: Karen Pagsolingan




Kasal na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Naganap ang kasal ng dalawang singers sa Terrazas de


Punta Fuego, isang beach resort, sa Nasugbu, Batangas,
kaninang bandang alas-tres ng hapon, December 22, at
natapos ito bago 5 p.m.

Ayon kay Karen Pagsolingan, ang representative ng PEP


(Philippine Entertainment Portal) na dumalo sa wedding,
naluha sina Ogie at Regine habang nag-e-exchange ng
kanilang wedding vows. Ibinigay ng dalawa ang kanilang
vows sa pamamagitan ng kanta.

Sa isang bahagi ng wedding vow ni Ogie ay sinabi niyang,


"I'll be your number one Reginean, your Brad Pitt, and
Justin Bieber..."

Bilang bahagi ng kanyang wedding vow, inawit ng Asia's


Songbird ang "Di Ko Malimutan" ng APO Hiking Society.
Nangako siyang mamahalin niya si Ogie, na ayon sa kanya
ay "cute na cute" siya.

Nanghingi na rin si Regine ng paumanhin kay Ogie dahil


minsan ay nasusungitan niya ito, ganun daw yata ang
malapit nang "mag-menopause." Tawanan ang mga bisita
sa kanyang biro.

Tinapos naman ni Regine ang kanyang wedding vow sa linyang ito: "I've never felt so happy all my
life."

Nakasuot si Regine ng bright red gown, na gawa ni Monique Lhuillier. Si Ogie naman ay naka-coat and
tie.

Nang iproklama sila bilang husband and wife, tumugtog ang "Kailangan Ko'y Ikaw," na isinulat ni Ogie
para kay Regine.

Maganda at romantic ang venue ng kasalan.

Ayon pa kay Karen, "The venue was filled with violet, pink, and white flowers. Visitors are dressed in
pastel colors. The altar is overlooking the hills."

Nangunguna sa mga bisita si Pangulong Noynoy Aquino, na isa sa groomsmen.

Sabay na naglakad ang matriarch ng Regal Films na si Lily Monteverde at Viva big boss na si Vic del
Rosario bilang principal sponsors.
Principal sponsor din si Sharon Cuneta ngunit nagkaproblema siya sa kanyang gown. Ayon sa balita,
kahit naka-makeup na siya, hindi na siya nakatuloy mula sa bahay niya sa Sta. Rosa, Laguna, dahil
wala siyang back-up gown.

Ilan pa sa mga bisita ng mga bagong kasal ay ang mga kaibigan nila sa showbiz na sina Kris Aquino,
Ai-Ai delas Alas, Michael V., Jaya, Senator Bong Revilla, Sarah Geronimo, Christian Bautista, Noel
Cabangon, John Prats, Rachelle Ann Go, Direk Louie Ignacio, at Direk Dante Nico Garcia.

Kasama rin sina Dennis Trillo, Jose Mari Chan, Pia Magalona, German Moreno, Kuh Ledesma at ang
anak niyang si Isabella. Naroon din ang mga Gutierrez na sina Eddie, Annabelle, Ruffa, at Richard.

Ilan sa couples na dumalo ay sina Richard Gomez at ang asawa niyang si Rep. Lucy Torres, na
nakasuot ng isang gray na gown. Kasama naman ni Dingdong Dantes ang kasintahang si Marian
Rivera, na naka-light blue-green sequined gown.

Kasama naman ni Robert Chien ang asawang si Lea Salonga, na nakasuot ng baby pink na gown.
Dumating din si Janno Gibbs at ang asawang si Bing Loyzaga at ang kanilang dalawang anak na
babae. Sabay ring dumating ang magkasintahang sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr.

Dumalo rin ang big bosses nina Regine at Ogie sa GMA-7 na sina Atty. Felipe Gozon, Wilma Galvante,
Lilybeth Rasonable, Darling de Jesus, at Redgie Magno.

Sa wedding na karamihan ay Kapuso ang dumalo, hindi nawala si Sarah Geronimo, na produkto ng
isang talent search hosted by Regine. Iyak daw nang iyak ang Popstar Princess during the wedding
ceremony.

Namataan din ng PEP ang Bench owner na si Mr. Ben Chan, TAPE executive na si Mr. Tony Tuviera, at
TV5 big boss na si Mr. Manny Pangilinan.

Hindi naman mawawala and dating asawa ni Ogie na si Michelle Van Eimeren, kasama ang mga anak
nilang sina Leila at Sarah. Kasama ni Michelle ang asawang si Mark Morrow.

You might also like