You are on page 1of 2

MGA PAMAHIIN AT PANINIWALA SA KASAL

 Ang lalaking ikakasal ay dapat maunang dumating sa simbahan bago ang babae, upang
maiwasan ang masamang kapalaran.

 Kapag nalaglag ang singsing, o ang belo ng ikinakasal, o ang arrhae habang ikinakasal ang lalaki
at babae, ito ay isang palatandaan na hindi magiging masaya ang kanilang buhay bilang mag-
asawa.

 Kapag naunang maupo ang lalaki bago ang babae habang sila ay ikinakasal, ang lalaki ay
magiging “under the saya”.

 Habang sila ay ikinakasal, ang babae ay dapat tapakan ang paa ng kanyang mapapangasawa
upang silang dalawa ay magkasundo sa mga bagay-bagay, at para na rin hindi maging malupit
ang kanyang asawa sa kaniya, habang sila ay magkasama.

 Ang sinuman sa kanilang dalawa ang maunang tumayo pagkatapos ng seremonya ng kasal, siya
ang mauunang mamamatay

 Kapag ang babae sa kanyang araw ng kasal, ito ay magdudulot ng malas sa kanyang pag-aasawa.

 Masamang pahiwatig ang ipinapamalas sa mga bagong kasal kapag ang kanilang mga magulang
ay umiiyak sa kanilang araw ng kasal.

 Kapag umulan sa araw ng kanilang kasal, ang mag-asawa ay magkakaroon ng mga iyaking anak.

 Ang pagtapon ng bigas sa mga bagong kasal ay magbibigay ng swerte sa kanilang buhay.

 Kapag may nabasag na bagay sa salu-salo ng bagong kasal, ito ay maghahatid ng magandang
swerte sa kanilang buhay.

 Sa pagpasok sa kanilang bagong bahay, ang mga bagong kasal ay dapat na pumanik sa kanilang
hagdanan ng magkasabay sa kanilang tagiliran, upang walang magiging dominante sa kanilang
relasyon.

 Malas kapag ang magkapatid ay ikakasal sa loob ng isang taon. Upang maiwasan ang malas, ang
kapatid na ikakasal ng mas huli ay dapat dumaan sa likurang hagdanan ng simbahan sa araw ng
kanyang kasal.

 Maswerteng ikasal ng isa o dalawang araw bago mag-full moon. Ang iba naman, maswerteng
ikasal habang new moon. Pero malas daw ang magpakasal kapag patapos na ang ikot ng buwan.

 Kapag hindi gaanong lumipad sa oras ng kasal ang kalapati ng groom, matatalbugan ang lalaki sa
propesyon o karera ng babaeng ikakasal.

 Maswerteng ikasal ng isa o dalawang araw bago mag-full moon. Ang iba naman, maswerteng
ikasal habang new moon. Pero malas daw ang magpakasal kapag patapos na ang ikot ng buwan.
 Ang pagbibigay ng arinola ay sinasabing magbibigay ng swerte sa mag asawa.

 Kapag natapakan ng bride ang paa ng groom habang sila ay sumasayaw, maa-“under” daw ito
habang buhay o madodominahan ng babae ang asawang lalake.

 Senyales daw ng pertilidad ang pagsasabog ng bigas sa bagong kasal habang palabas ng
simbahan.

You might also like