You are on page 1of 2

PAMAHIIN SA KASAL – MANINIWALA KA BA?

AGOSTO 3, 2016 FLORDELIZA TORRES

Ang mga Pilipino ay may makulay na kultura at tradisyon na sinusunod ng ating mga ninuno at itinuturo
maging sa mga susunod na henerasyon. Isa na riyan ay ang pagkakaroon ng maraming pamahiin sa
kasal. Heto ang ilang mga pamahiin na sinusunod ng mga Pilipino:

 Bawal ikasal ang magkapatid sa iisang taon lamang – Tinatawag itong “sukob” o kaya ay
nagdadala ng malas sa pagsasama ng mag-aasawa. Imbes na mapunta sa isa ang swerte,
mahahati raw ito sa magkapatid. Sa kabilang banda, tama rin naman na hindi magkasabay sa
isang taon ang magkapatid lalo na kung parehong lalaki dahil ang laking gastos nun.

 Hindi magandang magsuot ng alahas na gawa sa perlas ang bride – Ito ay dahil ang perlas ay
sinasabing nagsisimbolo ng luha kaya magiging malungkot at mapait ang buhay may-asawa ng
babae. Dahil dito, piliin na lang na gumamit ng gold or silver. Mas madali pang makabili sa
murang halaga.

 Bawal isukat ang wedding gown ng babae bago ang kasal – Nagdadala umano ito ng malas at
hindi natutuloy ang kasal. Sa tingin ko, mas hindi maganda kapag tumaba ka at sumikip ang
gown. Kaya dapat simulan nang magdiet habang papalapit ang kasal. Iwasan muna magextra
rice,iha.

 Huwag munang magbyahe bago ang kasal – Sinasabing ang mga ikakasal ay mas malapit sa
disgrasya kaya pinapayuhang manatili lang sa bahay. Kaya huwag munang ituloy ang mga travel
goals niyo. Iwas gastos at makakapagbeauty rest ka pa.

 Malas kapag nakabasag o kaya ay nahulog ang singsing sa kasal – Kapag nangyari ito, masisira
umano ang iyong gagawing pamilya at mauuwi kayo sa pagiging broken family. Hindi naman
talaga maganda kapag nakabasag ka, makakabayad ka ng malaki lalo na at hindi mo pag-aari ang
bagay na nabasag mo. Kapag nahulog naman ang singsing, napaghahalataang kinakabahan ka at
nanginginig ang kamay mo. Just relax!

 Kapag naunang namatay ang kandila na malapit sa asawa, mauuna siyang mamatay at vice
versa – Malay mo naman ay mahangin lang nung panahong yun o may bagyong paparating.

 Bawal magkita at magpalitrato na magkasama bago ang araw ng kasal – Dahil raw ito na
makikita na nila ang kanilang kapalaran kapag nagkita sila. Kaya hindi muna pwede magselfie
ang magkasintahan bago ang araw ng kasal. Sa susunod na magpost ng picture okay?

 Swerte kapag inulan ang kasal – Sinasabing ang ulan ay nagdadala ng kasaganaan at
nagkakaroon ang mag-asawa ng maraming anak. Okay lang ang kasaganaan sa buhay, ngunit
ang maraming anak, huwag na siguro. May panukala na hanggang tatlong anak na lang ang
pwede sa Pilipinas kaya sumunod naman tayo sa batas.
 Ang bridesmaid na makakasalo ng bulaklak ang susunod na ikakasal – Naipapasa umano ang
swerte ng bagong kasal sa pagsalo ng bulaklak. May kasabihan ika nga na “always a bridesmaid,
never a bride”. Kaya kung ikaw ay palaging bridesmaid, unahan mo ang iba sa pagsalo ng
bulaklak. Malay mo, makita mo na ang kaforever mo.

 Ang bagong kasal ang unang maghahati ng cake at kakain nito – Nagsisimbolo ito ng matamis
at masayang pagsasama ng bagong kasal. At syempre, unfair naman yata kung mauuna ang mga
guest sa pagkain ng cake. Baka ang ending, maubusan ang bagong kasal at hindi man lang nila
natikman ang inihandang cake para sa kasal nila.

Ang mga tradisyong ito ay nagmula pa noong unang panahon. Sa makabagong panahon, iilan na lamang
ang sumusunod rito. Sabi ng iba, wala naman daw mawawala kung susundin ito. Ngunit mayroon ding
mga sumusunod sa sinasabi ng Bibliya na hindi dapat ilagay ang tiwala sa swerte at malas at sa kahit
anong bagay na kaakibat ng masamang espiritu. Nasa iyo pa rin ang desisyon kung susundin mo ang mga
pamahiin sa kasal. Kahit ano pa man, isa lamang ang sigurado: Ang magandang pagsasama ay
nagsisimula kapag binigyang importansya niyo ang Diyos sa inyong relasyon at sinusunod ang mga
advices na nakapaloob sa kanyang salita. Kailangan din ang bukas na komunikasyon at pagkakaunawaan
upang malutas agad ang mga problemang kakaharapin niyo bilang mag-asawa.

You might also like