Blue and Orange Playful Illustrative Science Lesson Education Infographic

You might also like

You are on page 1of 1

Mga Bahagi ng Animal Cell

Alamin natin ang mga bumubuo sa cells or mga


selula ng hayop.

Cell Membrane
Ito ang manipis na takip na naghihiwalay sa laman ng isang
cell mula sa iba pang cell. Ito ang nagkokontrol sa paglabas at
pagpasok ng mga materyales sa loob ng cell. Kilala rin ito sa
tawag na plasma membrane.

Cytoplasm
Malapot o tila-gel na materyal na pumupuno sa mga
espasyo sa loob ng cell para mapanatili ang porma nito.

Endoplastic Reticulum
Ito ay hanay ng mga nakatiklop na membrane sa loob
ng cell na nagbitbit ng mga materyales sa loob ng cell.

Rough Endoplastic Reticulum


Ito ay may mga nakakabit na ribosomes at gumawa
rin ito ng protein.

Smooth Endoplastic Reticulum


Wala itong ribosomes at tumutulong naman sa
pagbabago ng protein na ginawa ng Rough ER.

Golgi Apparatus
Binubuo ng patag na sacs na tumutulong sa
pagbubukod ng synthesized proteins sa rough
endoplastic reticulum

Lysosome
Ito ay vesicle na may digestive enzymes na tumitibag sa mga
bahaging hindi na kailangan ng cell. Pinapatay din nito ang
bacteria na umaatake sa katawan.

Mitchondrion
Ito ang gumagawa ng compound na adenosine triphosphate (ATP)
mula sa broken chemical bonds ng food molecules (gaya ng asukal).
Dito rin iniimbak ang ATP. Tinatawag ang mitochondrion na
"powerhouse of the cell."

Nucleus
Dito matatagpuan ang DNA ng cell. Ito ang nagdidikta
sa synthesis ng ribosomes at proteins.

Vacuole
Ito ay mga membrane sac na ginagamit sa pag-iimbak
ng ibang mga bagay na nasa loob ng cell.

You might also like