INTERVIEW PART
NARRATOR : Lumipas ang maraming buwan nang natapos na ni pretzel ang kaniyang kolehiyo at nakakuha na ng
diploma. Naisipan niyang mag board exam para maka pagtrabaho na siya at maka alis na sa bahay ng kaniyang tita.
Isang araw dumating na ang resulta ng kaniyang board exam.
TITA : Pretzel pumunta ka dito bilis,
PRETZEL : Ano po iyon tita?
TITA : Basta may ipapakita ako saiyo.
*PUMUNTA SI PRETZEL KAY TITA*
TITA : look, tingnan mo itong post.
PRETZEL : (SHOCKED) OMG! HALA! THANKYOU LORD, PUMASA NA TALAGA AKO.
TITA : Buti nga at pumasa ka, at hindi nasayang ang pera at oras na inilaan namin para sa iyo.
NARATOR : Nagulat si pretzel at naka dama ng sakit sapagkat hindi niya inasahan na iyon ang magiging reaksyon
ng kanyang tita sa pagkita ng resulta sa board exam.
PRETZEL : Ok po tita, mag hahanap ka-agad ako ng trabaho.
TITA : dapat lang..
NARRATOR : Lumipas ang ilang linggo ng kakahanap ng trabaho hindi pinagpala si Pretzel dahil hindi sya naka
hanap ng ni isang trabaho sa dami ng inapplyan niya..
TITA : Nakahanap kana ba ng trabaho iha?
PRETZEL : Hindi pa po tita hirap na hirap pa po akong maghanap ng trabaho, walang gustong tumanggap sa akin
kulang po daw ako ng experience.
TITA : Aba yan na nga ba ang sinasabi ko sayo eh, panlalaki kasi yang trabaho na hinahanap mo. Maghanap ka
nalang ng trabaho na pambabae, we didn’t spend all that money for your school just for you to be jobless..
PRETZEL : Yes po tita ):
NARRATOR : Nag apply si pretzel sa mga trabahong katulad ng Callcenter, cashier, at iba pang trabahong para
raw sa mga babae, Ngunit sa masamang palad hindi sya natangap sa mga inaaplyan niya na mga trabaho at
kompanya.
Kaya sinubukan niya ulit na mag hanap ng mga kompanya na nag hahanap ng mga civil engineer. Nag post si
pretzel sa facebook na naghahanap siya nag trabaho. Hindi niya inakala na meron palang papansin ng kanyang post.
Nakita ni pretzel na ang kaniyang dating matalik na kaibigan at kaklase nuon sa engineering na korso niya ay
nakakita ng kaniyang post at nag mungkahi na magtrabaho si Pretzel sa tinatrabahoan niya…
*SA CHAT*
Gab : Hi beshiebabes Nakita ko yung post mo na naghahanap ka ng trabaho.
PRETZEL : Hello, oo nga ih sabi kasi ni tita kailangan ko na daw kumita ng pera
GAB : Ay talaga ba? Subukan mo kayang mag apply sa kompanya namin, nag hahanap din kasi kami ng mga civil
engineer.
PRETZEL : Maraming salamat talaga bestfriend mag-aaply kaagad ako diyan bukas na bukas.
GAB : Goodluck beshiebabes, sawakas may mag aapply din bukas.
*THE NEXT DAY* (TIMESKIP)
//INTERVIEW NA SILA
Narrator: Maagang pumunta si Pretzel sa kompanya ng kaniyang kaibigan. Para makapag ayos ng kaniyang resume
at ibang papeles para sa trabaho na kaniyang aapplyan. Sa pagdating ni Pretzel sa waiting room ng kompanya Nakita
niya sina Marzey at Joshua na nag uusap.
Pretzel: Hi po goodmorning nag aapply din kayo sa trabaho na ito?
Marzey: Oo bakit mo natanong? Ha! Wag mong sabihin gusto mo din mag apply sa trabahong ito? Hindi para sa
mga babae ang civil engineer na trabaho.
Joshua: Oo nga para sa mga lalake lang ang trabahong ito, hindi kaya ng mga babae ang mga Gawain sa trabahong
ito, buti pa’t umuwi ka na sinasayang mo lang ang iyong oras.
Narrator: Nasaktan si Pretzel sa mga sinabi nina Marzey at Joshua at agad siyang pumunta sa tindahan na nasa loob
ng kompanya. At sa hindi inaasahan nandun din ang anak ng ceo ng kompanya na nakikipag usap sa mga lalake na
nakatrabaho doon.
Luke: How’s your job? Do you like it? I expect good things from you. Don’t fail our expectations on you.
Adrian: Yes sir I’ll give my best in my work and will never fail your expectations
Narrator: Umalis na si Adrian pagkatapos ng usap nila ni Luke… Habang umiinom nakita ni Luke si Pretzel na
naka upo sa isang lamesa na kumakain ng biscuit at nilapitan niya ito.
Luke: Hey Girl why are you sad?
Pretzel: “hala gago ampogi ni kuya (sa mind ni)” Minaliit po kasi ako ng mga kasama ko kanina
Luke: What did they say to you?
Pretzel: Sabi po nil ana hindi po daw bagay ang babae sa trabahong ito
Luke: Oh they’re right, women should just go find a work in a mall or something. Women don’t have what it takes
to be a engineer, you’ll just make the company suffer.
Narrator: Napa isip si Pretzel na saying ang pagkagwapo ni Luke dahil sa masama niya na ugali. At umalis nalang
siya sa harap ni Luke.
At dahil sa dami ng na tanggap niya na diskriminasyon naisipan niyang wag nalang mag apply sa trabahong ito at
pumunta nalang sa ibang companya ngunit sa kaniyang pag alis na kasalubong niya si Adrian…
Adrian: Hi diba ikaw yung kausap ni Luke kanina? Ano yung pinag uusapan niyo?
Pretzel: Ah wala lang yun sinabihan niya lang ako na hindi para sa babae ang trabaho na engineering.
Adrian: At bakit niya naman nasabi iyon? Kaya din gawin ng mga babae ang mga kaya ng lalake. Magtiwala ka sa
iyong sarili kakayanin mo to.
Narrator: Napa iyak si Pretzel sa sinabi ni Adrian at nagpasalamat sa kaniya.
Pretzel: Salamat ah, di ko inaasahan na mayroon pa palang ibang lalake na ganyan ang pag iisip. Susundin ko ang
iyong payo at mag aaply ibibigay ko ang lahat ng aking makakaya para sa trabahong ito.
Adrian: Yan ganyan dapat matatag, sige na pumunta ka na don baka mahuli kapa sa Interview.
Pretzel: Salamat po..
Narrator: Pumunta agad si Pretzel sa office ng interviewer at sinubukan niyang mag apply.
Mark: Your Name? And resume please.
“ibinigay ni Pretzel ang resume niya”
Mark: Okay I’ve checked everything simulan na natin ang interview mo. Sa iyong palagay bakit ka karapat dapat sa
kompanyang ito?
Pretzel: Karapat dapat po ako dahil ibibigay ko po ang lahat ng aking makakaya para sa paglago ng kompanyang
ito. Ibibigay ko ang aking oras at pagsisikapan kong gawin ang lahat ng iyong ibibigay na proyekto.
Mark: Hmm? At paano naman namin malalaman na kaya mong gawin lahat ng iyong sinabi? Ih babae ka lang
naman.
Pretzel: Hindi porket babae ako hindi ko na kayang gawin ang lahat ng kaya ng mga lalake. Ang diploma ko sa
kolehiyo ang tanda ng aking mga kakayahan. Hindi ko ito makukuha kong hindi ko kaya ang mga gawain sa pag
engineer.
Mark: Good I like your fierce attitude, napatunayan mo na ikaw ang nararapat para sa trabahong ito, at hindi
hadlang ang iyong pagka babae sap ag asenso mo sa buhay. You’re hired! You can start working next week.
Pretzel: Talaga po?! Salamat po! Hinding hindi ko po sisirain ang tiwalang binigay niyo sa akin. “umiyak”
Narrator: Napa iyak si Pretzel sa sobrang saya at may trabaho na siya. Sinabihan niya muna ang kaniyang kaibigan
na si Gab.
“PM”
Pretzel: Bestfriend!! Nakapasa ako! Salamat sa pag mungkahi mo sa akin ha.
Gab: Aba! Walang ano man beshiebabes! Deserve mo yan!
Narrator: Humaba ang usapan nila Pretzel at Gab dahil sa sabik na mensahe ni Pretzel.
Pagkatapos ng kanilang pag uusap ay umuwi na si Pretzel para sabihan ang kaniyang tita na may trabaho na siya.
Pretzel: TITA!!! Natanggap ako! May trabaho na ako! (Sabik na sabi ni Pretzel)
Tita: Buti naman at may gamit ka na sa bahay na to.
Narrator: Inasahan na niya na ito ang isasagot ng kanyang tita kaya’t di na gaano masakit sa damdamin ang nasabi
ng kanyang tita.