You are on page 1of 464
4 Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Unit 1 Angaklatsapagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga.edukadorsmula satmga/Bubliko_at pribadong paaralan, kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas ‘Axor rosared. Mo part ofthis mate nay be reproduced oF transmis ian fem oy ay means = ‘secs or mechanical caring pelacopring witous wit parson Wart ha Doped Cental O80 Araling Panlipunan — Ikaapat na Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon 2015 ISBN: Founawa hinggil sa karapatang-sipi. \sinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan 1g Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot_ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royally bilang kondisyon. ‘Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto 0 brand names, tatak 0 dradernarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito, Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda Initathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSG »Pangalawang’Kalihim:-Oina.S, Qeampo; Pho» Direktor IVs. Marilyn 0, Dimaano, EdD DirektarIs"Mariletie Rralmayda, Phi? { Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Konsultant: Florisa B, Simeon ‘Tagasuri at Editor: ‘Aurea Jean A. Abad Mga Manunulat: Ma. Corazon V. Adriano, Marian A. Caampued, Charity A. Capunitan, Walter F. Galarasa, Noel P, Miranda, Emily R, Quintos Belen P. Dado, Ruth A. Gozun, Rodante S$. Magsino, Maria Lucia L. Manalo, Jase B. Nabaza, Evelyn P. Naval Hlustrator: Peter D. Peraren Layout Artist/Oesigner: Florian F Cauntay, Belinda A. Baluca Punong Tagapangasiwa: Anna Lourdes Abad-Falcon, Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Edutation-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-INCS) Office Address: Sth Floor, Mabini Bldg., DepEd Camplex, Meralco Avenue Pasig City, Philippines 1600 Teletax (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: —_imcsetd@yahoo.com ‘Al rights reserved, No part of this material may be reproduced or transmited in any form ary any means ~ ‘electronic or mechanical including photocopying without writen pormission from the DepEd Central Ofca, Yunit | Ang Aking Bansa ‘Ait eer Ho pa timate maybe produced errant in any frm at by any techancal ncudng photocopying wihou wien parison rom the Doped Garba Oem, ARALIN 1 BY Gs) PANIMULA Isang masayang bungad na pagbati sa iyong pagtuntong sa Ikaapat na Baitang! Sa Ikatlong Baitang ay naipagmalaki moang pagiging bahagi ng rehiyong kinabibilangan. Higit mo ngayong maipagmamalaki ang pagiging bahagi mo ng bansang Pilipinas. Bilang isang bata, ikaw ay nakapaglalaro, nakapag-aaral, at nakapagpapahayag ng iyong nararamdaman. Nagagawa mo ang lahat ng ito dahil naninirahan ka sa isang bansang malaya tulad ng Pilipinas. Bakit ba sinasabing isang bansa ang Pilipinas? Iyan ang aalamin natin. Sa araling.ito, Inaasahang; 1. Matatalakay mo ang konseptong bansa 2°” Mabibiie mo ang kahUlugan ng bansa 3. Maipapaliwanag mo na ang Pilipinas ay isang bansa ()) ALAMIN MO Pano masasabing ang isang lugar ay isang bansa? Bakit finclawag na bansa ang Pilipinas? fAno ba ang kehulugan ng bons? ‘Al rights reserved, No part otis material may be reproduced or tranamited in any form ar by any means - ‘electronic or mechanical incuding photocopying without writen permission from the DepEd Gental Office. Bansa Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa 0 pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi. Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na elemento ng pagkabansa—tao, teritoryo, pamahalaan, at ganap na kalayaan o soberanya. Tao Ang tao ay tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob: ng isang _ teritoryo na bumubuo ng populasyon ng bansa. Teritoryo Ang teritoryo ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan = sa itaas nito. Ito rin ang tinitirhan ng tao at pinamumunuan ng pamahalaan. ‘Al rights reserved No pat of this material may be reproduced or transmited in any farm ary any means ~ ‘electronic or mechanical incuding photocopying without wien permission from the DepEd Gental Office. Pamahalaan Ang pamahataan ay isang samahan o organisasyong _poli- tikal na itinataguyod mg mga grupo ng tao na ‘naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan. ‘Ang Paiasyo ng Nlalacafiang, sentro ng pamahalaan ng Pilipinas Soberanya o Ganap na Kalayaan Ang soberanya 0 ganap na kalayaan ay tumutukoy sa en ng ee eat mamahala sa aa ae ae sTimeito sa kalaygang» hindi, pinakikial man ie iba ee ae ia ang Be ng sober: eproag eal ob at ‘panlaba, seh anya AY'anY patifangalaga'yg sari Jayaan. Ang panlabas naman ay ang pagkilala ng ibang bansa sa kalayaang ito. Hindi maituturing na bansa ang isang bansa kung may isa 0 higit pang kulang sa alinman sa apat na binanggit na elemento o katangian, Sa kasalukuyan, may mahigit 200 bansa ang nagtataglay ng apat na elemento ng pagiging ganap na bansa. Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang ito. [an pang lugar sa mundo na maituturing na bansa ay ang United States of America, Australia, United Kingdom, Saudi Arabia, at China. Sagutin: 1. Ano ang kahulugan ng bansa? 2. Ano-ano ang katangian ng isang lugar para masabing isa itong bansa? 3. Bakit maituturing na isang bansa ang Pilipinas? Asari may be rere orgie nay tr oy ary das ‘laconic or mechanical incucing phatecopying without wien permission from the Genkid Contra Ofce, el a GAWIN MO Gawain A Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang bilang ng pangu- ngusap na nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang bansa. Gawin sa notbuk. 1. May mahigit sa 100 milyong tao ang naninirahan sa Pili- pinas. 2. Ang Pilipinas ay hindi maaaring pakialaman ng ibang bansa. 3. Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na binubuo ng mahigit sa 7 100 isla. 4. May pamahalaan ang Pilipinas na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. 5. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng iba’t ibang wika. Gawain B Tguhit ang saranggola sa’ papel. Isulat’Sa apat na bahagi nf Saranggola’ na may bilang ang mga elementong dapat mayroon ang isang lugar para matawag itong bansa. Ipaliwanag ang bawat isa, Gawain C Basahin ang maikling tula. Bilugan ang mga salitang nagpa- patunay na ang Pilipinas ay isang bansa. Pilipinas, Isang Bansa ni Ynnos Azaban Pilipinas, isang bansa ‘Tao'y tunay na malaya Mayroong namamahala May sariling teritoryo Para talaga sa tao. 5 ‘Al rights reserved. No arto this material may be reproduced or tranamited in any form ar by any means ~ ‘electronic or mechanical including photocopying without writen pormission from the DepEd Central Oca, 2) raNDAAN MO Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung saan makikita ang iisa 0 pare- parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi. * Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na elemento ng pagkabansa— tao, teritoryo, pamahalaan, at ganap na kalayaan o soberanya. * Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may mga naninirahan ditong tao, may sariling teritoryo, may pamahalaan, at may ganap na kalayaan. aR NATUTUHAN KO Lagyan ng tsek ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng katangian ng isang lugar para maituring na isang bansa. Gawin ito sa sagutang papel. May mga mamamayang naninirahan sa bansa. Pinamamahalaan ng iba pang bansa Binubuo ng tao, pamahalaan, at teritoryo lamang May sariling pamahalaan May sariling teritoryo na tumutukey sa lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito Pepe ‘Al rights reserved, No arto this material may be reproduced or tranamited in any form ar by any means - ‘electronic or mechanical including photocopying without writen pormission from the DepEd Gentral Oca. IL. Iguhit ang masayang mukha © kung ang sinasabi ng pangungusap ay fama at malungkot na mukha kung mali, Isulat ang sagot sa sagutang papel. 2. Hindi malaya ang Pilipinas kaya hindi ito isang bansa. 3. Tao, teritoryo, at pamahalaan lamang ang kailangan para maging isang bansa ang isang lugar. 4. Ang Thailand ay maituturing na isang bansa dahil ito ay malaya, may sariling teritoryo at pamahalaan, at may mga mamamayan. 6. Ang lugar na pinakikialaman ng ibang bansa at walang sariling pamahalaan ay hindi maituturing na bansa. III. Ang bandila ng Pilipinas ay isang simbolo ng bansa, Iguhit ang bandila sa papel. Isulat sa itaas na bahagi ang sarili mong pagpapakahulugan sa isang bansa. Isulat naman sa ibabang bahagi ang dahilan kung bakit isang bansa ang Pilipinas\Sundin ang nasa ibaba- ‘Ang isang bansa ay Isang bansa ang Pilipinas dahil 7 ‘Al rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmited in any farm ar by any means ~ ‘electronic or mechanical incuding photocopying without writen permission from the DepEd Gental Office. ‘a PANIMULA Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na mahalaga sa pagtugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga tao at pagpapanatili ng kalayaan ng bansa. Isa sa mga maaaring makatulong sa pagtukoy ng kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo ay ang globo, Ang globo ay representasyon 0 modelo ng mundo na may imaginary lines na nakatutulong sa paghahanap ng lokasyon ng isang lugar. Kumuha ng globo. Hanapin dito ang Pilipinas. Ano-ano ang nakapaligid sa Pilipinas? Bilang isang Pilipino, mahalagang matukoy mo anglokasyon ng Pilipinas sa Asya at sa mundo batay sa mga nakapaligid Gitoy, Magagamit™mo Sa" pagtikey angeiifa pangunahifat pangalawang direksiyonena natutuhan mo noong ikaw) ay.nasa Ikatlong Baitang. Sa araling ito, inaasahang: 1. Matutukoy mo ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon 2. Matutukoy mo sa mapa ang kinalalagyan ng bansa sa rehiyong Asya at sa mundo Ano-ano ang nakapa- ligid sa Pilipinas kung pagbabatayan ang mga pangunahing direksiyon? Ano-ane ang pumapalibot sa Pilipinas kung pagbabatayan ang mga pangalawang direksiyon? ‘Al rights reserved, No part of this material may be reproduced or transmited in any form arty any means ~ ‘electronic or mechanical including photocopying without writen pormission from the DepEd Central Ofca, Ang Pilipinas ang ikalawang pinakamalaking kapuluang matatagpuan sa rehiyong Timog-silangang Asya sa gawing itaas ng ekwador. Ang Asya ang pinakamalaking kalupaan o lupalop sa buong daigdig. Tinagurian ang Pilipinas bilang “Pintuan ng Asya” dahil sa kinalalagyan nito sa Pasipiko at bilang bahagi ng kontinente at lupalop ng Asya. Nasa pagitan ito ng latitud na 4°-21° hilagang latitud at 116°-127° silangang longhitud. The World) sates imarseion Mga katabing bansa nito ang Taiwan, China, at Japan sa hilaga; ang Micronesia at Marianas sa silangan; Brunei at Indonesia sa timog; at ang Vietnam, Laos, Cambodia, at Thailand sa kanluran. Tunghayan ito sa mapa sa susunod na pahina Maaaring matukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas batay sa kaugnay na kinalalagyan nito. Ang redatibong lokasyon o kaugnay na kinalalagyan ng bansa ay ang lokasyon ng isang lugar ayon sa kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong lugar. a A al eee pat of ta arial ye word orate i iy lr tb ay nes - ‘or mechanical including photocopying witout writen permission from tho Genkid Control Oca, Kung pengunahing direksiyon ang paghabatayan, ang Pili- pinas ay napapaligiran ng mga sumusunod: Pangunahing Direksiyon Anyong Lupa Anyong Tubig Hilaga Taiwan Bashi Channel Silangan Indonesia ragatang Pasipiko - Dagat Célebes mw | Fsomen vietnam “Dagat Kanl ea Sa pagitan ng mga pangunahing direksiyon ay ang mga pangalawang direksiyon. Kung natatandaan mo pa, ito ang hilagang-silangan, timog-silangan, hilagang-kanluran, at timog- kanluran. Kung pagbabatayan ang mga pangalawang direksiyon, matutukoy rin ang kinalalagyan ng Pilipinas na napapaligiran ng Dagat ng Pilipinas sa hilagang-silangan, mga isla ng Palau sa timog-silangan, mga isla ng Paracel sa hilagang-kanluran, at Borneo sa timog-kanluran nito: Ano-ano ang pumapalibot na anyong tubig o anyong lupa sa Pilipinas kung pagbabatayan ang mga pangunahing Ano-ano ang pumapalibot sa Pilipinas kung pagbabatayan Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang ibig sabihin ng kaugnay na kinalalagyan? 2. direksiyon? 3. ang mga pangalawang direksiyon? 4, Al ight reserved. No at ofthis malril may be reprodictd or tranamited in any form a by any ‘laconic or mechanical incucing photocopying without wien permission from the Depkid 10 Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas? eas - \Conital Oca, ‘yp GAWIN MO Gawain A Pag-aralan ang mapa. Ano-ano ang makikita sa paligid ng Pilipinas ayon sa mga pangunahing direksiyon? sa mga pangalawang direksiyon? Kopyahin ang mga dayagram sa notbuk at isulat dito ang iyong mga sagot. AUSTRALIA 11 Al ight reserved. No part ofthis material may be reproduced or tranamited in any form ar by ony means ~ ‘electronic or mechanical inctucing photocopying witout writen permission from tho Deniéd Central Office, Gawain Mga Pangunahing Direksiyon aT Mga Pangalawang Direksiyon C7 Co) Co) Co) Mapa-Tao Bumuo ngpangkatna mayd0 kasapi. Tingnan sa mapa sa gawain A ang mga lugar na pumapalibot ga Pilipinas! Pumili ng isang batang tatayo sa gitna at maglalagay ng salitang Pilipinas sa kaniyang dibdib. Ang iba namang kasapi ay isusulat sa papel ang mga nakitang lugar na pumapalibot sa Pilipinas at pagkatapos ay ididikit ito sa kanilang dibdib. Bibilang ang guro ng hanggang 10. Bago matapos ang pagbibilang, kailangang pumunta sa mga tamang puwesto ayon sa mga pangunahin at pangalawang — direksiyon ang bawat kasapi ayon sa mga lugar na nakasulat sa papel at nakadikit sa kanilang mga dibdib. Titingnan ng guro kung tama ang inyong pagkakapuwesto. ‘Al rights reserved, No arto this material may be reproduced or tranamited in any form ar by any means ~ ‘electronic or mechanical including photocopying without writen pormission from the DepEd Gental Office. Ks eranDaAN Mo Ang relatibong lokasyon 0 kaugnay na kinalalagyan ng bansa ay ang direksiyon o lokasyon ng isang lugar batay sa kinalalagyan ng mga katabi o kalapit nitong lugar. * Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong Timog- silangang Asya sa kontinente o lupalop ng Asya. * Kung gagamitin ang mga pangunahing direksiyon, ang Pilipinas ay napapaligiran ng bansang Taiwan at Bashi Channel sa hilaga, Karagatang Pasipiko sa silangan, mga bansang Brunei at Indonesia at mga dagat Celebes at Sulu sa timog, at ng bansang Vietnam at Dagat Kanlurang Pilipinas sa kanluran. * Kung ang mga pangalawang direksiyon ang gagamitin, napapaligiran ang bansa ng Dagat ng Pilipinas sa hilagang-silangan, mgaisla ng Palau sa timog-silangan, ‘imgaisla ng’Paracel sa hilagang-kanluran, at Bornico sa) timog-kanluran. ae NATUTUHAN KO I. Isulat sa patlang ang H kung sa gawing hilaga, S kung sa silangan, T kung sa timog, at K kungsa kanluran ng Pilipinas makikita ang mga nasa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Dagat Celebes 5. Indonesia 2. Vietnam 6. Karagatang Pasipiko 3. Brunei 7. Dagat Sulu 4. Bashi Channel 8. Taiwan 13 ‘Al rights reserved, No part of this material may be reproduced or transmited in any farm ar by any means ‘electronic or mechanical including photocopying without writen pormission from the DepEd Gentral Ofca, II. Tingnan ang mapa sa pahina 11 0 sa globo. Tsulat ang mga lugar na nakapaligid sa Pilipinas sa bawat pangalawang direksiyon. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Hilagang-silangan 2. Timog-silangan 3. Hilagang-kanluran 4, Timog-kanluran 2 ° H & hM . @& eo | | a Ill. Tukuyin ang kinalalagyan ng Pilipinas sa Asya at sa mundo gamit ang mapa ng mundo, Sabihin ito sa harap ng klase. 14 ‘Al fights reserved. No part ofthis material may be reproduced or transmitied in any orm ar by any maans.~ ‘lectronic or mechanical including photocopying wihout written pormission from the GepEd Cental Office, Ang Teritoryo ng Pilipinas &) PANIMULA Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang kinalalagyan ng bansang Pilipinas sa Asya at sa mundo. Natukoy mo rin ang relatibong lokasyon nito gamit ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon na nagpapakita na bilang isang bansa, ang Pilipinas ay may sariling teritoryo. Hanggang saan ba ang teritoryo ng Pilipinas? Gaano kalawak ang teritoryo nito? Paano nasusukat ang distansiya o layo ng mga lugar sa bansa? Karamihan sa mga Pilipino ay may kamag-anak 0 kaibigang nakatira sa ibang bansa, Sa pamamagitan ng mapa at mga batayang heograpiya, matutulungan mo silang malaman o ‘\matalintn ang: Kinalalagyan ngyPilipinas™at maging\\ang! Shangganan.at lawak-nito. i ~ Sa araling ito, inaasahang: 1, Makapagsasagawa ka ng interpretasyon tungkol sa kina- lalagyan ng bansa gamit ang mga batayang heograpiya tulad ng iskala, distansiya, at direksiyon 2, Matatalunton mo ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit ang mapa aD, 2 a=" ALAMIN MO (Gaano kalawak ang teriteryo ng Pilipinas? Ano ang mga hangganan ng bansa?| Masasabi bang mainam ang lokasyon ng bansa? i5 Al dghis reserved, No part this matoriol maybe reproduced or trnamited in any form a ty any man ~ ‘lectronic or mechanical incucing photocopying wihout wtten parmission frm tho GopEd Cental Ofc. Ang teriforyo ay tumutukoy sa sukat ng lupaing sakop ng isang lugar. Kasama rito ang mga katubigan na nakapaloob at nakapaligid sa kalupaan, at ang mga kalawakang itaas na katapat nito. Ang pambansang teritoryo ng Pilipinas batay sa Artikulo 1 ng Saligang Batas ng 1987 ay binubuo ng kapuluan ng Pilipinas. Kasama rito ang lahat ng mga pulo at mga karagatang nakapaloob dito. Kasama rin ang lahat ng iba pang teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksiyon ng Pilipinas, Binubuo ito ng kalupaan, katubigan, at himpapawirin. Kasama na rin ang dagat teritoryal, ang ilalim ng dagat, ang kailaliman nglupa, ang mga kalapagang insular, at iba pang pook submarina nito. Ang dagat at karagatang nakapaligid, nakapagitan, at nag- uugnay sa mga pulo ng kapuluan maging ano man ang lawak ng dimensiyon, ay bahagi ng panloob na dagat at karagatan ng Pilipinas, Sa san sa ibaba, sc miitony ang Pilipinas ay bahagi ng umul {Porcine ps ls a eer at rarer] ara sa nj Raga: ‘Malaysia, luran; ‘Vietnam, shag hh a iilan at Indonesia sa timog. Karagatang 16 Al ight reserved. No pat ofthis marl may be renrodiced or tranamited in any form ar by any moan ‘lactone or mechanical including photocopying witiout wien permission from the Denlid Central Ofice, | Karnoha eng Asya. mit flag rl at bi hy sa ibaba ama pee Shi =o, Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa 7 100 mga pulo. Ang lawak nito ay umaabot sa 300 000 kilometro kuwadrado. May 1851 kilometro ang haba mula sa hilaga patimog at umaabot naman sa 1107 kilometro ang lawak nito mula sa kanluran pasilangan. Kung pagbabatayan ang mapa sa pahina 16, masasabing ang Pilipinas ay: * bahagi ng kontinente ng Asya at nabibilang sa mga bansa sa rehiyong Timog-silangang Asya; isang kapuluang napapalibutan ng mga anyong tubig; bahagi ng karagatang Pasipiko; malapit lamang sa malaking kalupaan ng bansang China; at malayo sa mga bansang nasa kontinente ng United States of America at Europe. /’ GAWIN MO my Cpe = ahgganan ng Pilipinas mula sa kalupaan nito, Isulat ang sagot sa notbuk. Iskala: | 1 em = 5 000 km 1. Bashi Channel 2. Karagatang Pasipike 3. Dagat Celebes 4. Dagat Kanlurang Pilipinas Gawain B Gamit ang mapa ng mundo, pumili ng lugar o bansa sa iba’t ibang direksiyon sa labas ng Pilipinas. Sukatin ang distansiya o layo nito sa bansa gamit ang batayang iskalang 1 cm = 5000 km. Isulat sa notbuk ang lugar na napili at ang distansiya nito mula sa Pilipinas, 1. Hilaga: distansiya: 2. Silangan: distansiya: 3. Timog: distansiya: i7 Al iahis reserved. No arto tha aleril may be reproguctd or transmit in any tom ar by ary means ‘laconic or mechanical including photocopying witout wien permission from the Denkid Central Ofice, en aoe distansiya: Kanluran: Hilagang-silangan: Timog-silangan: Hilagang-kanluran: Timog-kanluran: distansiya: Gawain C Kumuha ng kapareha. Itanong kung ano ang masasabi niya tungkol sa teritoryo at lokasyon ng Pilipinas sa mundo. Isulat ang kaniyang sagot sa sagutang papel. Paano mo ilalarawan ang teritoryo ng Pilipinas? ang lakasyon nito sa mundo? J) raNDAAN MO Ang Pilipinas ay bahagi ng Timog-silangang Asya. Napapaligiran ito ng Bashi Channel sa hilaga, Karagatang Pasipiko sa silangan, Dagat Celebes sa timog, at Dagat Kanlurang Pilipinas sa kanluran. Humigit-kumulang sa 1000 kilometroang layong Pilipinas mula sa kalakhang kontinente ng Asya. Napapaligiran ito ng Taiwan, China, at Japan sa hilaga; Malaysia, Vietnam, Laos, Cambodia, at Thailand sa kanluran; at Indonesia sa timog. Ang lawak ng bansa ay umaabot sa 300000 kilometro uwadrado. May 1851 kilometro ang haba nito mula sa hilaga patimog, at umaabot naman sa 1107 kilometro ang Jawak mula sa kanluran pasilangan. 18 ‘Al rights reserved, No arto this material may be reproduced or tranamited in any form ar by any means - ‘electronic or mechanical incuding photocopying without wien pormission from the DepEd ental Office. aR NATUTUHAN KO ‘Tingnang muli ang mapa ng Asya sa globo. Basahin ang mga pangungusap at piliin ang salita o impormasyong bubuo sa diwa nito. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang pa spel 1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa A. Timog Asya B. Silangang Asya Cc. Kanlurang Asya D. Timog-silangang Asya 2. Ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas ay ang A. Bashi Channel B. Dagat Celebes C. Karagatang Pasipiko D__Dagat Kanlurang Pilipinas 3. Ang direksiyon ng Vietnam mula Pilipinas ay nas& gawing ‘ A. hilaga Cmtimog B. silangan D. kanluran 4. Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas ay ang - A. China C. Taiwan B. Japan D. Hongkong 5. Ang pinakamalayong bansa mula sa kanluran ng Pilipinas ay ang . A. Laos C. Myanmar B, Thailand D, Cambodia. IL Gamit ang mapa ng mundo, sukatin ang distansiya o layo sa Pilipinas ng mga bansa o lugar sa ibaba gamit. ang batayang iskalang 1 cm =5 000 km. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Australia 2. India 3. Indonesia 19 ‘Al righis reserved, No part ofthis material may be reproduced or transmited in any frm ar ty any mean ~ ‘lecironic or mechanical incuding photocopying without writen pormission from the GopEd Central Office, 4. Japan 5. Saudi Arabia Ill. Batay sa kinalalagyan ng Pilipinas sa mapa ng mundo, buuin ang pahayag sa pamamagitan ng pagpili sa pinakaangkop na salita 0 mga salitang bubuo sa pahayag. Tsulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng A. tao Cc. tubig B. lupa D. hayop 2, Ang Estados Unidos ay masasabing : A. malapit sa Pilipinas B, malayo sa Pilipinas C._ napakalayo sa Pilipinas D. napakalapit sa Pilipinas 3. Kung manggagaling ka sa Pilipinas, ang iyong lalakbayin, papuntangeSouth Korea aysmasasabing kaysa A. malapit Br'medyo malaye C. malayong-malayo D. malapit na malapit 4. Kung ihahambing sa kapuluan ng Indonesia, ang lawak ng teritoryo ng Pilipinas ay masasabing A. kasinlaki B. mas maliit C. mas malaki D. malaking-malaki 5. Sa kabuuan, ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas ay masasabing A. buong kalupaan na napaliligiran ng tubig B. matubig at watak-watak ang mga isla C. maliit na isla ngunit matubig D. layo-layo ang mga isla 20 ‘Al rights reserved, No part of this material may be reproduced or transmited in any farm ary any means ~ ‘electronic or mechanical including photocopying without writen pormission from the DepEd Central Ofca, Ang Pilipinas ay Bansang Tropikal &) PANIMULA Sa araling ito, aalamin ang kaugnayan ng klima at panahon sa lokasyon ng Pilipinas sa mundo, Maglaro ng Loop-A-Word. Bilugan sa loob ng kahon ang salitang tinutukoy sa bawat bilang. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat ang sagot sa notbuk. 1. Nasasabi mong ganito ang klima kung ikaw ay pinagpapawisan at naiinitan. 2) “Ganite'ang khima sa lugar kapag kailangan mong-magswot ng makakapal na damit. 3. Kadalasang nagbabaha at nagagamit mo ang damit na panlamig, kapote, at payong kapag ganito ang panahon. 4. Nararanasan ang panahong ito tuwing bakasyon at walang pasok sa paaralan, Marami ang nagpupunta sa beach sa panahong ito. 21 GHILA AXETY MAINI XZETY GHILP BJMAL MKIJI BAXCI TAG-U AXETY TABAX FGHOL KCSJQ ULMOC TBXFI ULMOB KCcsS JQ AMI GV TBXCl ZWGLJ LANPK ULMYVL clzwu TGDAQ GHILP AXETY WRBXC TAG-I1 KCSJQ ULMMG 1GSZG NITGQ ‘Al rights reserved, No part ofthis material may be reproduced or tranamited in any form ar by any means - ‘electronic or mechanical incuding photocopying without wien pormission from the DepEd ental Office Sagutin: 1, Ano-anong klima at panahon ang natukoy mula sa nabuong mga salita sa loob ng kahon? 2. Alin kaya sa mga natukoy ang panahong nararanasan sa Pilipinas? 3. Ano kaya ang klimang nararanasan sa Pilipinas? Sa araling ito, inaasahang: 1. Maiuugnay mo ang klima at panahon sa lokasyon ng bansa sa mundo 2. Makikilala mo na ang Pilipinas ay isang bansang tropikal XD» “7 ALAMIN MO ‘Ano ang Klima at panahong noraranasan sa Pilipinas? LNA Ang.klima ay ang pangkalahatang Kalagayan ng panahon sa isang lugar na may kinalaman sa atmospera o hanging nakapaligid sa mundo, témperatura o ang Skat nginit o lamig ng paligid, at iba pang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito. Upang malaman ang klima ng isang lugar o bansa, mahalagang matukoy ang lokasyon, topograpiya o paglalarawan ng katangian ng isang lugar, at ang hangin at tubigang mayroon ito. Ang panahon ay tumutukey naman sa kalagayan ng kapaligiran, halimbawa, taglamig at tag-init. Nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang lugar dahil sa pag- ikot ng daigdig sa araw at pag-inog sa sarili nitong aksis. Bunga nito, may mga bahagi ang mundo na direktang nasisinagan ng araw. May mga bahagi ring bahagya lamang nasisinagan at may mga lugar na hindi. Malaki rin ang kaugnayan ng mga linya ng latitud sa uri ng klima sa mga lugar sa daigdig. ‘Tingnan ang mapa. Ang bahagi ng Tropiko ng Kanser at Tropiko ng Kaprikorn ay tinatawag na Mababang Latitud o Rehiyong ‘Tropikal. Nakararanas ang mga naninirahan sa bahaging ito ng higit na init at sikat ng araw. Ang klimang tropikal ay maaari ding mahalumigmig, basa, at tuyo. ‘Ano ang kinalaman ng lokasyon sa klima at panahon ng bansa? 22 ‘Al rights reserved, No part of this material may be reproduced or tranamited in any form ar by any means ~ ‘electronic or mechanical including photocopying without writen pormission from the DepEd Gentral Ofca, ‘Tinatawag namang Gitnang Latitud o Rehiyong Temperate ang bahaging nasa pagitan ng kabilugang Arktiko at Tropike ng Kanser at ang nasa pagitan ng kabilugang Antartiko at Tropiko ng Kaprikorn. Nararanasan sa bahaging ito ang panahon ng tagsibol, tag-init, taglagas, at taglamig dahil sa pahilis na sikat ng araw dito. Hindi naman tinatamaan ng direktang sikat ng araw ang mga nasa hilagang latitud hanggang Polong Hilaga at timog latitud hanggang Polong Timog. Ang bahaging ito na tinatawag na Rehiyong Polar ay napapaligiran ng makakapal na yelo na hindi natutunaw dahil kaunting sikat ng araw lamang ang nakararating dito. Bunga nito, mararamdaman ang sobrang lamig sa buong taon. Ang klima ng isang bansa ay nababatay sa kinalalagyan nito sa mundo. Ang Pilipinas ay malapit saekwadorat nasa mababang latitud kaya’t tropikal ang klimang nararanasan dito. Direktang nakatatanggap ng sikat ng araw ang bansa kaya’t mainit at 23 Al its reserved. No pat ofthis malcil may be reproduc or tranamited in any form ar by any moans ~ ‘laconic or mechanical inducing photocopying witout wien permission from the DepEd Central Ofice, maalinsangan ang klima rito. Gayunpaman, nakararanas din ng malamig na klima ang bansa dahil sa hanging nagmumula sa Dagat Kanlurang Pilipinas at Karagatang Pasipiko. Maliban 8a mga nabanggit, nakararanas din ng iba’t ibang Klima ang bansa dahil sa iba’t ibang salik tulad ng temperatura, taas ng lugar, galaw ng hangin, at dami ng ulan na matututuhan mo sa susunod na aralin, ey GAWIN MO Gawain A Bumuong pangkatna may limang kasapi. Gamit ang globo, isulat sa papel ang mga bansang may klimang tropikal. Tatawagin ng guro ang bawat pangkat upang magbigay ng bansang nailista i ila. pned bans ang. ibibigay ag sey sa [tuwing m: of | acrid hn fig ng ne ; wn pica ng see ‘in tts is Per odanBhien ~ Gawain B Kumuha ng kapareha. Sumulat ng limang maaaring gawin ng mga naninirahan sa isang bansang tropikal tulad ng Pilipinas. Ibahagi sa kapareha ang iyong mga naisulat. Halimbawa: Maligo sa dagat lalo na kapag mainit ang panahon. Gawain C Bumuo ng pangkat na may 3-5 kasapi. Lumikha ng isang simpleng awit na nagpapakita ng mga katangian ng Pilipinas bilang isang bansang tropikal. (Ibibigay ng guro ang mga pamantayan sa paglikha nito.) 24 Al iis reserved. No fat of thin aleril may be reprodictd or transmit in any tom a by ary means ‘laconic or mechanical including photocopying witout wien permission frm the Denlid Central Ofice, Ang klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng pana- hon sa isang lugar na may kinalaman sa atmospera, temperatura, at iba pang nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito. Ang klima ng isang bansa ay nababatay sa kinalalagyan nito sa mundo. Tropikal ang klimang nararanasan sa Pilipinas dahil ito ay malapit sa ekwador at nasa mababang latitud. Direktang nakatatanggap ng sikat ng araw ang bansa kaya’t mainit at maalinsangan ang klima rito. ae NATUTUHAN KO I. =Basahinang mga pangungusap. Kung ito ay naglalarawan ng.mga katangian ng_isang bansang tropikal, isulat ang bilang nito sa loob ng araw. Kung hindi, isulat sa loob ng ulap. Kopyahin ang mga drowing sa sagutang papel at dito isulat ang sagot. 1. Ang mga naninirahan dito ay nakararanas ng matinding sikat ng araw. 2. Umuulan ng yelo sa lugar na ito. 3. Nakararanas ng apat na uri ng panahon ang mga bansang may ganitong klima. 25 ‘Al rights reserved, No part of this material may be reproduced or transmited in any farm ary any means ~ ‘electronic or mechanical including photocopying without writen permission from the DepEd Gental Ofc. 4. Nasa mababang latitud ang mga lugar na nakara- ranas ng klimang ito. 5. Direktang nakatatanggap ng sikat ng araw ang mga bansa, 6. Mararanasan ang sobrang lamig sa lugar na ito sa buong taon. 7. Nakararanas ng tagsibol at taglagas ang mga naninirahan sa lugar. 8. Mainit at maalinsangan ang pakiramdam ng mga naninirahan sa lugar. 9. Direktang tinatamaan ng sikat ng araw ang mga lugar na ito. 10. Kaunting sikat ng araw lamang ang nararanasan sa mga lugar na ito. II. Kopyahin ang tsart sa sagutang papel. Isulat sa unang hanay ang magagandang bagay na nararanasan sa isang bansang 26 ‘Al dghis reserved, Ho art this matoriol maybe reproduced or trnamited in any frm a ty ay mean ~ ‘lectronic or mechanical incucing photocopying wihout writen parmission trom tho Doped Central Ofice, Mga Salik na may Kinalaman sa Klima ng Bansa 9) PANIMULA Bilang panimulang kaalaman sa pagkakaroon ng kabatiran sa kaugnayan ng klima at panahon sa lokasyon ng bansa sa mundo, tinalakay sa nakaraang aralin ang Pilipinas bilang isang bansang tropikal. Natutuhan mo na ang Pilipinas ay nasa rehiyong tropikal sapagkat ang kinalalagyan nito sa mundo ay nasa pagitan ng 116 at 126 digri silangang longhitud at sa pagitan ng 4 at 21 digri hilagang latitud. Kung hahanapin ang Pilipinas sa globo, makikita ito sa pagitan ng 23 digri hilagang latitud mula ekwador na tinatawag na Tropiko ng Kanser. Dahil sa kalapitan ~. Ng,bansa.sa, ekwador kaya, ito ay. makarozangs hg..maulang.. )Klimang tropikal. _ “Kno pat ‘Kayaang ms eal na‘may ay italamgn be ima eww bansa’s ARALIN 5. Sa araling ito, inaasahang: 1. Matutukoy mo ang iba pang salik na may kinalaman sa kdima ng bansa 2. Mailalarawan mo ang klima sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa tulong ng mapang pangklima ALAMIN MO Ang iba pang salik na may kinalaman sa klima ng bansa ay ang temperatura at dami ng ulan. Al its reserved. No arto this mail may be renrodictd or transmit in any form aby any mean ~ ‘laconic or mechanical including photocopying witiout wien permission from the Denlid Cental Ofice, Temperatura Ang temperatura ay tumutukoy sa nararanasang init o lamig sa isang lugar. May katamtamang klima ang Pilipinas sapagkat mararanasan sa bansa ang hindi gaanong init at lamig. Karaniwang umaabot sa 31°C ang pinakamataas na temperatura at hindi bumababa sa 23°C ang pinakamababang temperatura. Ngunit, dahil sa tinatawag na climate change, nalalagpasan ang pinakamataas na temperatura mula 37°C hanggang 40°C kung panahon ng tag-araw sa bansa. Naitala ito sa Lungsod ng Tuguegarao. Gayon din ang pagkakaroon ng pinakamababang temperatura na umaabot mula 6.8°C hanggang 7.5°C na naranasan ng mga taga-Atok, Benguet sa buwan ng taglamig ga bansa. Angclimatechange ay anghindi pangkaraniwang pangyayari sa kalikasan. Ang pagbabago sa klima ay pinaniniwalaang sanhi ng mga gawain ng tao na maaaring makapagpabago sa komposisyon ng atmospera. Maaari itong magtagal 0 maranasan (Bvloob REangpanalion™ [—, mf rr, % ‘Stee ng init atdamig na hararanasan (ga Pilip inas.ay ‘hindi magkakatulad. May mga lugar sa bansa na nakararanas “Hl matinding init. May Mga lugar naman na nas malamig kaysa ibang lugar. Halimbawa, higit na malamig sa Lungsod ng Baguio kaysa sa Maynila Walang kinalaman ang kinaroroonang latitud ng mga lugar sa temperatura. Ang altitud o kataasan ng isang lugar ang dahilan kung bakit malamig sa Lungsod ng Baguio. Maaasahang malamig ang klima sa mga lugar na mataas ang kinaroroonan. Patunay nito ay ang pagdagsa ng tao sa Lungsed ng Baguio kapag panahon ng tag-init sa bansa. Maraming lugar sa Pilipinas ang pinakamainit sa buwan ng Mayo. Sa ibang mga lugar naman ay pinakamainit sa mga buwan ng Abril, Hunyo, o Hulyo, Sa buwan ng Enero nakararanas ng malamig na panahon. Bakit kaya malamig sa Pilipinas sa buwan. ng Enero? Ito ay dulot ng hanging nanggagaling sa hilagang- silangan ng Siberia. Sa nasabing buwan, taglunaw na ng niyebe sa Siberia. 28 Al lai reserved. No fat of tha aleril may be reprodictd or transmit in ay lor a by ary means ‘laconic or mechanical including photocopying witout wien permission from the Denlid Central Ofice, Sa kabuuan, maituturing na kainaman ang temperatura sa bansang Pilipinas. Dahil sa hanging nagmumula sa dagat at lupa ay maginhawa pa rin sa pakiramdam kahit mainit ang panahon. Nakapagpapaganda sa klima ng bansa ang hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko patungong Dagat Kanlurang Pilipinas. Kung minsan ay mas mainit sa lupa kaysa sa tubig. May mga pagkakataon naman na mas mainit sa tubig kaysa sa lupa. Paiba-iba ito dahil ang direksiyon ng ihip ng hangin ay nakabatay kung saan ang mas mainit 0 malamig na lugar. Ito ang tinatawag na hanging monsoon. Ang mga hanging monsoon na dumarating sa Pilipinas ay ang hanging amihan at hanging habagat. Ang hanging amihan ay malamig na hangin buhat sa hilagang-silangan. Ang hanging habagat naman ay mainit na hangin na buhat sa timog-kanluran. Bakit kaya malamig ° ang hanging amihan? Sa mga buwan ng Nobyembre=, hanggang Marso, ay_taglamig, sa “Mongolia at Siberia. Higit na malamig ang Tupa sa mga nasabingbansa dahil sa niyebe. Bunga nito, tumataas ang presyon ng hangin dito. Sa pagtaas aw; ng presyon ng hangin nagmumula ang bulto ng malamig na hanging a ° dumarating sa Pilipinas. Kung magkaminsan, ang malamig na hanging ito ay may dalang ulan. e °e es e Hanging Amihan 29 ‘Al rights reserved, No arto this material may be reproduced or tranamited in any frm ar by any means - ‘electronic or mechanical including photocopying without writen pormission from the DepEd Gentral Office, 2 Bakit naman kaya @ mainit ang hanging habagat? Mula buwan ng Mayo hanggang Setyembre ay panahon ng tag-init sa mga bansang nasa gawing hilaga ng Pilipinas, Ang mga lupa sa mga 7 bansang ito ay umiinit. = Maging ang hangin dito ay umiinit din. Kapag ang hangin ay mainit, magaan ito at tumataas fo ys ae na nagiging sanhi ng pagbigat ng mga ulapsBubet™ga_jtimag- Kanluran ang hanging dumarating sa bansa. Nagdadala ‘ito ng ulan sa Pilipinas mula Mayo ” taigiig Habagat hanggang Setyembre. Dami ng Ulan Ang dami ng ulan ay isa rin sa mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa. Nakabatay sa dami ng ulang tinatanggap ng isang lugar ang uri ng klimang nararanasan sa bansa. May apat na uri ang klima sa bansa. Unang Uri. Mula Hunyo hanggang Nobyembre ay tag-ulan at mula Disyembre hanggang Mayo ay tag-araw. Nakararanas ng kalahating taon ng tag-ulan at tag-araw ang mga lugar sa bansa na kabilang sa unang uri, Ang kanlurang bahagi ng Mindoro at Palawan sa Luzon at ang mga lalawigan ng Negros, Aklan, 30 ‘Al dghis reserved, No part this matoriol maybe reproduced or trnamited in any frm a ty ay man ~ ‘lectronic or mechanical incucing photocopying wihout witten parmission from tho GopEd Cental Ofc. Antique, Hoilo at Capiz sa Kabisayaan ay may ganitong uri ng klima, Ikalawang Uri. Mula Disyembre hanggang Pebrero nakara- ranas ng pinakamalakas na pag-ulan ang mga lugar na kabilang saikalawang uri. Nakararanas ng ganitong uri ng klima ang mga lalawigang nasa silangang bahagi ng Luzon—silangang bahagi ng Albay, Camarines Norte at Camarines Sur, Catanduanes at Quezon; malaking bahagi ng Silangang Leyte at Samar sa Kabisayaan; at mga lalawigan sa gawing silangan ng Mindanao. Nakararanas ang mga lalawigang kabilang sa ikalawang uri ng pag-ulan sa buong taon dahil sa kalapitan ng mga nabanggit na lugar sa baybayin. Idagdag pa vito ang kawalan ng mga bundok na hahadlang sa dalang ulan ng mga hanging amihan at habagat. Tkatlong Uri, Nakararanas ng maulan at maikling panahon ng tag-araw ang mga lalawigang kabilang sa ikatlong uri ng klima, ~, Halosotumatagalplamangong, isa hanggang tatlong-buwan 7 rea gaa araw Ag - lalawigang! Rabilangs sgpitage ti. Fanasan ang| ganitong uri ng ‘Klima’ i. mblon, Fsdewee| ‘silangang@’bahagrhg mga Dalawigaag Bulubundukin (Mountain Province), Katimugang Quezon, Kanlurang bahagi ng Cagayan, at Silangang Palawan. Sa gawing Kabisayaan naman ay nararanasan ang klimang ito sa mga lalawigan sa hilagang- silangan ng Panay, sa bandang sentro at bahaging timog ng Cebu at Negros Oriental, at sa mga lalawigang matatagpuan sa gawing hilaga ng Mindanao. Tkaapat na Uri. Nakararanas ang mga lalawigang nabibilang sa ikaapat na uri ng pantay-pantay na dami at pagkakabahagi ng ulan sa buong taon. Sa Luzon, nararanasan ang ganitong uri ng klima sa mga lalawigang nasa hilagang-silangang Luzon, timog- kanlurang bahagi ng Camarines Norte at kanlurang bahagi ng Camarines Sur, silangang bahagi ng Mindoro, Tangway ng Bondoc, Albay, Marinduque, at Batanes; sa Bohol, kanlurang Leyte, at hilagang Cebu sa Kabisayaan; at mga lalawigang nasa Silangan at Katimugang Mindanao. 31 Al als reserva, Bo art tis malar may be reproduc or tranamited in any form a ty ary mans ~ ‘laconic or mechanical including photocopying witout wien pormission from tho Geplid Contra Ofice, Sa tulong ng mapang pangklima, makikita ang kabuuang pagkakaiba-iba ng klima ng mga lalawigan sa bansa, Pag-aralan ang mapang pangklima ng Pilipinas sa ibaba. Unang Uri kalahating taon ng tag-araw at tag-ulan Ikalawang Uri umuulan a buong taon Ikatlong Uri maulan at may maikling panahon ng tag-araw Ikaapat aa Ue pantay-pantay, ‘ang damiat B pagkakabahaging ulan sa buong taon Mapang Pangklima ng Pilipinas. 32 ‘Al rights reserved, No arto this material may be reproduced or tranamited in any form ar by any means ~ ‘lactronc or mechanical including photocopying without writen pormission from the DepEd Central Oca, Kung minsan, Hilaga ang dami ng ulan bilang isa sa mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa ay may kasama ring Kanluran K kakaibang lakas ng hangin. May mga pagkakataon din na ang pag- ihip ng malakas na hangin ay nagpapatuloy hanggang sa ito ay maging isang bagyo. Kadalasang ang mga bagyong nararanasan sa bansa ay nagsisimula sa Karagatang Pasipiko. Kumikilos nang pakanan papuntang gitna‘ang hanginng bagyo"Pingnang mabutiy ang.nakalarawan sa.itaas, Sundan ang galaw ng hangin mulaysa ‘kanan papuntang gitna. Mga Babala ng Bagyo Gumagamit ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng mga babala ng bagyo upang ipaabot sa mga mamamayan kung gaano kalakas o kahina ang dating ng hanging dulot nito. Ang mga babalang ito ay may bilang 1 hanggang 4. Babala Bilang 1. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 30 hanggang 60 kilometro bawat oras sa loob ng 36 na oras Babala Bilang 2. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 60 hanggang 100 kilometro bawat oras sa loob ng 24 oras Babala Bilang 3. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 100 hanggang 185 kilometro bawat oras sa loob ng 18 oras Babala Bilang 4. Kapag ang bilis ng hangin ay hindi bababa sa 185 kilometro bawat oras sa loob ng 12 oras 33 ‘Al cighis reserved, Ho part otis material may be reproduced or transmited in any frm arty any mean ~ ‘lecironic or mechanical incuding photocopying wihout writen parmission frm the GopEd Gentral Ofc. aD 37 GAWIN Mo — Gawain A Piliin sa hanay B ang inilalarawan sa hanay A. Isulat ang letra ng sagot sa notbuk. A B ___1. Pagbabago sa klima na A. Babala sanhi ng mga gawain ng tao bilang 3 na maaaring makapagpabago sa komposisyon ng atmospera 2. Hanging mainit buhat B. Climate sa timog-kanluran Change ____3, Malamig na hangin buhat C. Hanging sa hilagang-silangan amihan ____4. Paiba-ibang direksiyon ng D. Hanging ihip ng hangin na nakabatay habagat Asung saan.angemas mainit = o malamig na lugar ___5. “May pantay-pantay Ey Hanging nedami at pagkakabahagi monsoon ng ulan sa buong taon ___6. Maulan at may maikling F, Ikaapat na uri panahon ng tag-araw ——7. Maulan sa buong taon G, Ikalawang uri ___8. May kalahating taon ng H. Ikatlong uri tag-ulan at tag-araw —___9. Nararanasang init 0 lamig I. Temperatura sa isang lugar — 10. Ang bilis ng hangin ay J. Unang uri umaabot ng 185 kilometro bawat oras sa loob ng 18 oras Gawain B Gumawa ng mapang pangklima sa tulong ng pangkulay. Kulayan ng pula ang mga bahaging kabilang sa unang uri. Kulayan ng dilaw ang mga bahaging kabilang sa ikalawang uri. Kulayan ng asul ang mga bahaging kabilang sa ikatlong uri. Kulayan ng berde ang bahaging kabilang sa ikaapat na uri. 34 ‘Al rights reserved. No pat of this material may be reproduced or transmited in any farm ary any means ~ ‘electronic or mechanical including photocopying without writen pormission from the DepEd Central Offca. Gawain C Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Ibahagi sa klase. 1. Ano ang epekto ng climate change sa temperatura ng bansa Jeung tag-init o tag-araw? 2. Paano nagkakaroon ng bagyo sa Pilipinas? 3. Bakit may mga lalawigan sa bansa na nakararanas ng maulang klima sa buong taon? 4, Alam mo na may parating na malakas na bagyo. Ano ang gagawin mo kung ang bahay ninyo ay malapit sa baybayin? Bakit mo ito gagawin? Ang temperatura at dami ng ulan ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa. Ang-hangingunonsoon.ay ang paiba-ibang.direksiyomng ihip ng hangin kung saan mainit o malamig)ang lugar. Ang hanging amihan ay malamigyna hangin buhat sa Hilagang-silavigin- Ang hanging habagat ay mainit na hangin buhat sa timog-kanluran. May apat na uri ang klima sa Pilipinas ayon sa dami ng ulan. Unang Uri — may anim na buwan ng tag-araw at anim na buwan ng tag-ulan Ikalawang Uri — umuulan sa buong taon Ikatlong Uri —- maulan at may maikling panahon ng tag-araw Ikaapat na Uri — pantay-pantay ang dami at pagkakabahagi ng ulan sa buong taon Ang bagyo ay ang patuloy na paglakas ng hangin na namumuo sa isang lugar. Kumikilos ito pakanan papuntang gitna. May apat na babalang bilang ang bagyo ayon sa bilis ng hangin sa bawat oras. 35 ‘Al rights reserved, No part of this material may be reproduced or transmited in any farm ary any means ~ ‘electronic or mechanical including photocopying without writen pormission from the DepEd Central Ofca, ee NATUTUHAN KO I. Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang letra ng sagot. 1. Alin ang tamang paglalarawan sa klima ng bansa? A. Napakainit sa Pilipinas. B. Napakalamig sa Pilipinas. C. Malamig at mainit sa Pilipinas. D. Hindi gaanong mainit at malamig sa Pilipinas. 2. Saang lungsod nakapagtala ng pinakamataas na temperatura? A. Lungsod ng Tuguegarao B. Lungsod ng Tagaytay ©. Lungsod ng Baguio D. Metro Manila 3. »Saangelalawigan=nakapagtala .ng» pinakamababang temperatura? A. Baguio C. Bukidnon, Be"Tagaytay D. Atok; Benguet 4. Aling pangungusap ang maling paglalarawan tungkol sa temperatura ng isang lugar? A. Kainaman ang temperatura sa Pilipinas. B. Hindi magkakatulad ang tindi ng init at lamig sa Pilipinas. C. Malamig ang klima sa mga lugar na mataas ang kinaroroonan. D. May kinalaman ang kinaroroonang latitud ng mga lugar sa temperatura. 5. Saan nagmumula ang hanging nagpapaganda sa klima ng bansa? A. Dagat Kanlurang —-C._: Dagat Celebes Pilipinas B. Karagatang Pasipiko D. Dagat Luzon 36 ‘Al cighis reserved, No part ofthis malarial may be reproduced or transmited in any frm arty any means ~ ‘lecironic or mechanical including photocopying without writen pormission from the GopEd Central Office, 6. Aling lalawigan sa bansa ang nakararanas ng ikaapat na uri ng klima? A. Bohol C. Catanduanes B. Marinduque D, Camarines Norte 7. Aling lalawigan ang hindi kabilang sa mga naka- raranas ng ikalawang uri ng klima? A. Batanes C. Catanduanes B. Quezon D. Camarines Sur 8. Kailan inilalagay sa babala bilang 3 ang isang bagyo? A. Kapag ang bilis ng hangin ay hindi bababa sa 185 kilometro bawat oras sa loob ng 12 oras B. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 30 hanggang 60 kilometro bawat oras sa loob ng 36 na oras C. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 60 hanggang 100 kilometro bawat oras sa loob ng 24 na oras D. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 100 hanggang 185 | ‘kilometro-bawat orassa loabng 18\oras, 9= Anong ut uring Mima ‘ang may kalfhating aaa tag- ww at tag-ulah? "A. Unang Uri c Tkatlong a B. Ikalawang Uri D. Ikaapat na Uri 10. Anong uri ng klima ang nararanasan ng mga tao sa lalawigan sa kanlurang bahagi ng Cagayan at silangang Palawan? A. Unang Uri C. Ikatlong Uri B. Ikalawang Uri D. Ikaapat na Uri IL. Tbigay ang hinihingi sa bawat bilang. 1-2 Mga hanging monsoon 3-6 Mga uri ng klima at paglalarawan dito 7-10 Mga babala ng bagyo at paglalarawan dito 37 ‘Al dghis reserved, No part this mato maybe reproduced or trnamited in any frm a ty any man ~ ‘lectronic or mechanical incucing photocopying wihout wien parmission from tho OopEd Central Ofice, 4 Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Ang aklat sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, Kolehiyo, at/o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas ‘Araling Pantipunan - ikaapat na Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon 2015, ISBN: Faunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8283: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan 1g Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot_ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royally bilang kondisyon. ‘Ang_mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyan, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto 0 brand names, tatak 0 dradernarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ‘ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintutot sanagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito, Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring lyon, Initathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC. Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhO Direktor IV: Marilyn 0. Dimaano, EdD Direktor til: Marilette R. Almayda, Phd Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Konsultant: Florisa B, Simeon ‘Tagasuri at Editor: ‘Aurea Jean A. Abad Mga Manunulat: Ma. Corazon V. Adriano, Marian A. Caampued, Charity A. Capunitan, Walter F. Galarasa, Noel P, Miranda, Emily R, Quintos Belen P. Dado, Ruth A. Gozun, Rodante S. Magsino, Maria Lucia L. Manalo, Jase B. Nabaza, Evelyn P. Naval Illustrator: Peter D. Peraren Layout Artist/Oesigner: Florian F. Cauntay, Belinda A. Baluca Punong Tagapangasiwa: Anna Lourdes Abad-Falcon, Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Edutation-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-INCS) Office Address: Sth Floor, Mabini Bldg., DepEd Camplex, Meralco Avenue Pasig City, Philippines 1600 Teletax (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: _imecsetd@yahoo.com Paunang Salita Sa pag-iral ng programang K-12, maraming mahahalagang pagbabago sa nilalaman at pamantayan sa pagkatuto sa Baitang 4. Pangunahin dito ang masusing pag-aaral tungkol sa bansang Pilipinas, na siyang pangkalahatang pokus ng baitang na ito, Ang aklat na ito ay nahahati sa apat na yunit. Bawat yunit ay hinubuo sa di kukulangin sa sampung aralin. Kabilang sa unang yunit ang tungkol sa sariling bansa na kinapapalooban ng mga aralin hinggil sa kinalalagyan ng Pilipinas, mga uri ng hayop at halamang naririto, at maging ang populasyon ng Pilipinas. Nasaikalawang yunit naman ang mga aralinnatumatalakay salipunan, kultura at ekonomiya ng bansa. Kalakip sa mga aralin dito ang mga produkto at hanapbuhay sa bansa, pangangasiwa sa mga likas na yaman ng bansa, pagsulong at pagpapaunlad ng kultura ng bansa, at likas kayang pag-unlad. Nasa ikatlong yunit ang kaparaanan ng pamiamahala sa bansa na magbibigay-alam sa mag-aaral hinggil sa pamahalaan ng Pilipinas, mga mamumuno rito, at mga programang ipinatutupad para sa ikagagaling ng mga mamamayan. Sa huling yunit ay ang pagtalakay sa pag-unlad ng bansa na kinapapalooban ng mga karapatan at tungkulin ng bawat isa at mga gawaing pansibiko na bahagi ng pakikipagtulungan ng mamamayan sa pamahalaan at kapuwa mamamayan. Maliban sa talakayan, ang bawat aralin ay may mga gawain na higit na magpapaunlad sa kaalaman ng mga mag-aaral at upang gawing kasiya-siya ang pagtalakay sa aralin. May mga pagsusulit din sa katapusan ng bawat aralin upang mapagtibay ang natutunan ng mga mag-aaral. Inaasahang sa pamamagitan ng aklat na ito ay malinang sa mga mag-aaral ang pagmamahal at pagmamalasakit di lamang sa lipunang Pilipino kundi gayundin sa kapuwa mamamayan nito. Mga May-akda Pasasalamat Lubos na pasasalamat ang ipinararating sa lahat ng nag- ambag ng kanilang panahon at talento upang masulat at mabuo ang aklat na ito sa Araling Panlipunan para sa ikaapat na baitang. Gayundin ang pasasalamat sa mga nag-review at nag-edit sa nilalaman ng aklat at nag-ayos sa kabuuang materyal upang mabuo ang aklat. Sa mga konsultant, editor, layout artist, illustrator, ang aming pagpupugay sa inyong taos-pusong paggawa, YUNIT II Aralin 1 10 1 12 LIPUNAN, KULTURA AT EKONOMIYA NG AKING BANSA......cccseseseeee 115 Pag-uugnay ng Kapaligiran at Uri ng Hanapbuhay... 116 Mga Produkto at Kalakal sa Iba’t Thang Lokasyon ng Bansa.... 120 Mga Pakinabang na Pang-ekonomiko ng mga Likas na Yaman... 127 Mga Isyung Pangkapaligiran ng Bansa..... 132 Matalino at Di-Matalinong Paraan ng Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman. 136 Kaugnayan ng Matalinong Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman sa Pag-unlad ng Bansa. 140 Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang- Yaman ng Bansa.. Mga Mungkahing Paraan ng Wastong Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng Bansa. 153 Pagtangkilik sa Sariling Produkto para sa Pag-unlad at Pagsulong ng Bansa..... . 159 Hamon at Oportunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa... 164 Likas Kayang Pag-unlad 171 Kulturang Pilipino.. 177 vi 13. 14 15. 16 17 18 Mga Pamanang Pook .....soocssoessoeesee Pagsulong at Pag-unlad ng Kultura... Ang Kultura at Pagbubuo ng Pagkakakilanlang Pilipin Ugnayan ng Heograpiya, Kultura at Kabuhayan sa Pagkakakilanlang Pilipino ..... Pambansang Awit at Watawat bilang mga Sagisag ng Bansa .. Pagpapahalaga at Pagmamalaki sa Kulturang Pilipino .... vii 192 197 204 Yunit Il Lipunan, Kultura at Ekonomiya ng Aking Bansa Pag-uugnay ng Kapaligiran at Uri ng Hanapbuhay ) PANIMULA Sa nakaraang mga aralin, nakilala mo ang bansang Pilipinas ayon sa kinalalagyan at katangiang pisikal nito. Natutunan mo rin ang tungkol sa mga likas na yaman, magagandang tanawin, at ang kahalagahan ng mga katangiang pisikal ng bansa. Upang mapalalim pa ang iyong pag-unawa tungkol sa bansang Pilipinas, mahalagang alam mo ang mga impormasyon ukol sa gawaing pangkabuhayan sa iba-ibang lokasyon ng bansa. Sa araling ito, inaasahang: 1, Matutukoy mo ang mga uri ng kapaligiran 2. Maipaliliwanag mo ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng hanapbuhay rito (>. ALAMIN MO Saang lugar ka nakatira? Anong hanapbuhay mayroon sa inyong lugar? Malapit sa dagat Pangingisda. Sa inyong lugar naman, anong hanapbuhay mayroon kayo? 116 Ano ang masasabi mo sa usapan ng dalawang bata? Ikaw, saan ka nakatira? Anong hanapbuhay mayroon sa inyong lugar? Bakit ito ang uri ng hanapbuhay sa inyong lugar? Kapaligiran Ang kapaligiran ay ang lahat ng panlabas na mga puwersa, kaganapan, at bagay na gumagalaw sa ibabaw ng mundo. Ang kapaligiran ng isang tao ay binubuo ng lahat ng mga bagay na nakapaligid sa kaniya, tulad ng bahay, gusali, tao, lupa, temperatura, tubig, liwanag, at iba pang buhay at walang buhay na mga bagay. Ang mga bagay na may buhay ay madalas na may interaksiyon sa kanilang kapaligiran. Nagbabago ang mga organismo bilang pagtugon sa mga kalagayan o kundisyon sa kanilang kapaligiran. Ang kapaligiran ay may kinalaman sa gawain. ng tao sa isang lugar, Jalo’t higit sa hanapbuhay o pinagkakakitaan ng mga naninirahan dito. Halimbawa nito ay pag- aalaga ng hayop at pagsasaka na hanapbuhay ng mga taong malapit sa kapatagan. Gayundin ang pangingisda na hanapbuhay naman ng mga taong nakatira malapit sa dagat o katubigan. Pagmimina, pagkakaingin, pagtatanim, at pangangaso naman ang hanapbuhay ng mga taong nakatira sa kabundukan at kagubatan. Ang mga lugar na maraming bato at luwad ay may hanapbuhay na paglililok, Mauunawaan sa mga halimbawang ito na may kaugnayan ang hanapbuhay ng tao sa kaniyang kapaligiran. Sagutin ang sumusunod: 1. Ano ang kaugnayan ng kapaligiran sa hanapbuhay ng mga naninirahan dito? Ipaliwanag. 2. Bakit dapat iangkop ng isang tao ang kaniyang hanapbuhay sa lugar na nais niyang manirahan? Ip: fiwerw parbiog Hey 7 j Noy GAWIN MO Gawain A 1, Maghati-hati ang klase sa apat na pangkat. 2. Gumawa ng poster na nagpapakita ng hanapbuhay sa iba- ibang kapaligiran. Unang Pangkat - kapatagan Tkalawang Pangkat -— malapit sa katubigan Ikatlong Pangkat - kabundukan Tkaapat na Pangkat — — lungsod 3. Ipakita sa klase at ipaliwanag ang nasa larawan. Gawain B Punan ang graphic organizer upang ipaliwanag ang nabuong poster. May kaugnayan ba ang kapaligiran sa uri ng hanapbuhay ng tao sa isang lugar? Paano? Gawain C Basahin ang mga sitwasyon, Tukuyin kung anong uri ng hanapbuhay ang naaayon sa bawat sitwasyon. Isulat ang sagot sa notbuk. 1. Ang mag-anak na Magan ay nakatira sa kapatagan. Marami silang nakahandang pananim para sa darating na tag-araw. Ang lugar nila ay angkop sa 2. Malapit sa dagat o katubigan ang tirahan ng mag-asawang Ana at Ruben. Karamihan sa kanilang mga kapitbahay ay may mga sariling bangka kaya nagpagawa rin sila ng kanilang sarili. Ang kanilang lugar ay naaangkop sa 3. Sina Mang Mario at Mang Roman ay naninirahan sa kabundukan. Marami silang pananim na kamote, kamoteng 118 kahoy, mani, at gabi. Ito ang pinagkakakitaan ng kanilang buong mag-anak. Anglugarnila ay angkop sa. 4, Malawak ang iggubatan sa Palawan, Marand dtorig malalaking puno at malalawak na taniman. Dito mabibili ang iba-ibang yari ng muebles na gawa sa magagandang klase ng kahoy. Ang lugar na ito ay angkop sa 5. Sina Rodelay nakatitasa Laguna. Siyaey empleyadongicang pagawaan ng sapatos at ang kaniyang kapatid ay empleyado naman sa pagawaan ng tela, Angkop sa ang kanilang lugar, x. )Branoaan MO ¢ Ang uri ng kapaligiran ay may kaugnayan sa uri ng hanapbuhay ng mga tao sa isang lugar. ace NATUTUHAN KO Isulat sa sagutang papel ang uri ng hanapbuhay na ipinapa- hiwatig sa bawat sitwasyon. 1. Ang Lungsod ng Baguio ay may malamig na klima. Marami ritong sariwang gulay, prutas, at mga bulaklak. Ang lugar na ito ay angkop sa anong uri ng hanapbuhay? 2. Maraming bagoong at bangus sa lalawigan ng Pangasinan. Marami pang ibang uri ng isda ang nahuhuli sa lugar na ito. Anong hanapbuhay ang naaangkop dito? 3. Malawak ang kapatagang taniman ng palay sa Gitnang Luzon, Ang lugar na ito ay angkop sa anong uri ng hanapbuhay? 4, Ang mga lalawigan ng Bukidnon, Batangas, at Mindoro ay may malawak na pastulan nghayop tuladngbakaatkambing Angkop ang lugar na ito sa anong uri ng hanapbuhay? 5. Malawak na bahagi ng Pilipinas ay katubigan. Kung pagyayamanin ito, maraming sariwang isda at mga yamang dagat ang mapapakinabangan. Anong uri ng hanapbuhay ang naaangkop dito? 419 Mga Produkto at Kalakal Natukoy sa nakaraang aralin ang mga uri ng hanapbuhay na naaangkop sa iba-ibang kapaligiran. Natalakay rin ang kaugnayan ng kapaligiran sa uri ng hanapbuhay. Iba-ibang produkto o kalakal ang makukuha mula sa iba-ibang uri ng hanapbuhay na ito tulad ng sa pangingisda, paghahabi, sa Iba’t bang Lokasyon ng Bansa PANIMULA pagdadaing, at pagsasaka. Sa araling ito, inaasahang: 1, 2. 3. Matutukoy mo ang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa iba-ibang lokasyon ng bansa Maihahambing mo ang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa iba-ibang lokasyon ng bansa Mabibigyang-katuwiran mo ang pag-aangkop ng mga tao sa kapaligiran upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan “~)). ALAMIN MO of ee ) ) Ano-ano kaya ang mga produkto al kalakal_ na matatagpuan sa_ iba't ibang lokasyon ng bansa? Paano kaya maiaangkop ng tao ang kaniyang kapaligian sa_kaniyang mga pangangailangan? 120 Mga Produkto sa Pagsasaka Ang bansang Pilipinas ay sagana sa yamang lupa. Iba’t ibang uri ng produkto ang matatagpuan dito tulad ng palay, mais, niyog. pinya, abaka, saging, mangga, tabake, kape, bulak, halamang-ugat, gulay, at iba’t ibang uri ng bulaklak. ‘Ang malawak na taniman ng palay ay matatagpuan sa Gitnang Luzon. Sa Quezon naman matatagpuan ang malawak na niyugan. Taniman ng abaka naman ang matatagpuan sa Kabikulan. Nangunguna sa pagtatanim ng maisang Cebu. Ang Tagaytay at Lalawigang Bulubundukin tulad ng Baguio naman ang kilala sa taniman ng mga gulay, mga prutas, at mga bulaklak. Malalawak na taniman ng tubo, saging, at kahel ang makikita sa Negros Occidental. Kape naman ang pangunahing produkto sa Batangas at Mindoro. Ang Bukidnon at Cotabato ang may pinakamalawak na taniman ng pinya. Mga Predukto sa Pangingisda Malawak ang pangisdaan sa bansa, Sariwa at masarap ang mga isdang nahuhuli sa mga karagatan, dagat, louk, at ilog ng Pilipinas. Ilan sa mga isdang ito ay bangus, tilapia, alumahan, tambakol, galunggong, at karpa. Marami rin ditong pusit, hipon, sugpo, alimasag, at alimango. May mga _ produktong dagat din na ginagawa ng maliliit na industriya tulad ng bagoong, patis, tinapa, at daing. Nakikilalaangmgaindustriyang gumagawa nito dahil sa tamang lasa at timpla ng mga produkto. 124 May mga produkto ring nakukuha sa ilalim ng dagat tulad ng perlas at mga kabibe na ginagawang palamuti. Isa pang produkto na maaaring gawin buhat sa tubig-alat. ay asin. Kilala sa mayaman at malaking pangisdaan sa Pilipinas ang Look ng Maynila, Dagat Visayas, Dagat Samar, Dagat Sulu, Golpo ng Davao, Look ng Naujan sa Oriental Mindoro, Look ng San Miguel sa Camarines Norte, Look ng Coron sa Palawan, Golpo ng Lingayen, Look ng Butuan sa Agusan, at Look ng Estancia sa Tloila, Mga Produkto sa Pagmimina Mayaman din ang bansa sa mga mineral kaya maramimg Pilipino ang nagtatrabaho o naghahanapbuhay sa minahan. Isa ang Pilipinas sa mga nangunguna sa produksiyon ng tanso, ginto, at chromite. May matatagpuan ding minahan ng pilak, petrolyo, apog, at platinum sa bansa. Ang mga lugar ng Baguio, Camarines Norte, at Davao ay kilala sa mina ng ginto. Ang malalaking minahan ng tanso naman. ay matatagpuan sa bulubunduking lalawigan ng Surigao, sa Cebu, Pangasinan, Isabela, at Zamboanga del Sur. Minahan ng pilak naman ang nasa Batangas, chromite sa Misamis Oriental, at karbon sa Quezon at pulo ng Batanes. Matatagpuan din sa Palawan at Cebu ang minahan ng petrolyo. May nakukuha ring platinum sa Bulacan at rehiyon ng Caraga; apog sa Rizal, Abra, at Pulo ng Guimaras; bakal sa Samar; ulingo karbon sa Antique, Surigao del Sur, at Isabela; at asin sa Pangasinan. Bukod sa pagsasaka, pagtatanim, pangingisda, at pagmi- mina, ang mga tao ay nabubuhay rin sa pag-aalaga ng mga hayop at pagtitinda ng mga produktong yari o gawa sa komunidad. 122 Iba pang mga Produkto at Kalakal Maliban sa nabanggit na mga produkto mula sa mga yamang lupa, yamang tubig, at yamang mineral, marami pang ibang produktong nakatutulong din sa pamumuhay. Tan sa mga ito ang hinabing banig ng mga taga-Bisaya at nilalang sumbrerong buntal na gawa sa Lucban, Quezon. Kilala rin sa masarap na biskotso ang Iloilo. Gayundin ang piyaya ng Bacolod at pinatuyong mangga at matamis na mani ng Cebu. ‘Ang taga-Mindanao ay hindi rin pahuhuli sa mga produktong kilala sa iba’t ibang lugar dito. Isa na rito ang mga kagamitan na yari sa kabibe. Kilala rin sila sa paggawa ng alahas mula sa perlas at sa paghahabi ng tela. Bukod dito, mayroon ding maliliit nanegosyo ng mga produkto at kalakal. Ilan sa mga ito ay ang mga gawang lilok ng mahuhusay na maniililok ng Paete, Laguna at Mountain Province at matitibay na bag at sapatos na kilalang gawa sa Marikina. Alak tulad ng tuba at lambanog naman ang kilalang produkto ng Quezon at Laguna. Kung susuriin, ang pagkakahawig at pagkakaiba ng mga produkto at kalakal sa iba-ibang bahagi ng bansa ay nmaaayon sa kapaligiran. Mula sa kaniyang kapaligiran, pinauunlad ng tao ang mga hilaw na materyal batay sa kaniyang kakayahan at 123 ee | [ise ye i) if pangangailangan. Kung kaya, hindi lahat ng tao ay nagsasaka, nangingisda, 0 nagmimina. Ang iba ay gumagawa ng iba pang mga produkto gaya ng kape buhat sa pagsasaka at daing buhat sa pangingisda. Sa gayon, natutugunan ng tao ang kaniyang mga pangangailangan. Sagutin ang sumusunod: 1. Anong mga produkto ang matatagpuan sa Gitnang Luzon at Quezon? Bicol? Iloilo? Batangas? 2, Saan matatagpuan ang malalawak na pangisdaan sa bansa? 3. Sa anong mga produkto may pagkakatulad ang lalawigan ng Quezon at ibang bahagi ng Visayas? 4. Ang Pilipinas ay may mga minahan din ng petrolyo. Saang mga lalawigan matatagpuan ang mga ito? 5. Anong magkatulad na produkto mayroon ang Laguna at Baguio? 124 ea GAWIN MO Gawain A Tukuyin ang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa mga lugar na nakatala sa ibaba. Isulat sa notbuk ang sagot sa ikalawang hanay ng tsart. Lokasyon Produkto at Kalakal 1, Misamis Oriental 2. Bukidnon 3.__Cebu 4.__ Camarines Norte Gawain B Gamit ang tsart sa itaas, ipaliwanag ang pag-aangkop na ginagawa. «* Ang mga produkto at kalakal na matatagpuan sa iba- ibang lokasyon sa bansa ay nakabatay sa anyo ng kapaligiran at uri ng pamumuhay ng mga tao rito. 125 aaP NATUTUHAN KO I. Iugnay ang produkto sa hanay A sa lalawigang katatagpuan nito sa hanay B. Isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel. A B 1. matitibay na muebles A. Quezon 2. nililok na kagamitan, gulay B. Marikina 3. banig at sumbrero C. Palawan 4. bagoong, isda D. Baguio 5. bag at sapatos E. Pangasinan Alamin ang lalawigan o probinsiya ng iyong mga magulang. Itanong ang mga pangunahing produkto sa kanilang lalawigan. Itanong din kung paano iniaangkop ng mga tao rito ang kanilang kapaligiran sa kanilang mga pangangailangan. Isulat ang impormasyon sa sagutang papel. 126 Mga Pakinabang na Pang-ekonomiko ng mga Likas na Yaman &) PANIMULA Sa nakalipas na aralin, tinalakay ang mga produkto at kalakal sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Tinalakay rin ang ginagawang pag-aangkop ng tao sa kaniyang kapaligiran upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan. Sa araling ito, tatalakayin naman ang mga pakinabang na pang-ekonomiko ng mga likas na yaman ng bansa. Kaya, sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang mauunawaan mo ang iba-ibang pakinabang na pang-ekonomiko ng mga likas na yaman ng bansa. “\). ALAMIN MO Lhd ‘Ano ang mga pakinabang na pang ekonomiko ng mga likas na yaman ng bansa? 127 Buuin ang crossword puzzle sa ibaba. Pababa 1. Pangunahing produktong pang-agrikultura sa Central Luzon Produktong magagawa mula sa niyog Ipinagmamalaking pro- dukto ng Davao; may kakaibang amoy ngunit mainam ang lasa Yamang namimina at karaniwang ginagawang alahas Pahalang Magandang uri ng bato na namimina sa Romblon Pangunahing produkto ng Quezon na maaaring gawing langis Produktong nahuhuli sa dagat, ilog, o lawa Napakahalagang yaman na nakukuha sa mga punongkahoy sa kagubatan Pakinabang sa Kalakal at Produkto Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Kung kaya, ang Pilipino ay karaniwan nang umaasa rito upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan. Maraming produktong nakukuha sa mga yamang ito. Ang mga ito rin ang nagdudulot ng pag-angat ng antas ng ekonomiya ng bansa. Ano-ano ang kapakinabangang naibibigay ng mga likas na yaman ng bansa tungo sa pag-angat ng ekonomiya? Kung susutiin, pangunahin nang kapakinabangan sa ating likas na yaman ang mga produktong nakukuha rito. Ang mga isda at iba pang lamang dagat at tubig; mga prutas at gulay at pang-agrikulturang pradukto; mga troso; mga mineral, ginto, pilak at tanso; at marami pang iba ay napagkakakitaan natin ng malaking halaga. Ang mga produktong ito ay iniluluwas din sa ibang mga bansa. Nangangahulugan na karagdagang kita ito sa ating kabang-yaman at dagdag na pag-angat ng ating ekonomiya. Pakinabang sa Turismo Buked sa mga kalakal at produkto, likas na yaman ding maituturing ang maraming lugar at tanawin sa bansa. Malakas itong atraksiyon sa mga turista buhat sa mga karatig-lalawigan at maging sa labas ng bansa. Ilan sa mga atraksiyong ito ang mga dalampasigan, talon, ilog, kabundukan, bulkan, kagubatan, at maging ang ilalim ng dagat. Dinarayo rin ng mga turista ang mga makasaysayang lugar sa bansa. Bunga nito, malaki ang naiaambag ng turismo sa pag-unlad ng ekonomiya. Pakinabang sa Enerhiya Pinagkukunan din ng enerhiya ang likas na yaman ng bansa. Isa itong malaking bagay na nakatutulong sa ating ekonomiya dahil hindi na natin keailangang umangkat pa ng maraming krudo o langis, Pinatatakbo ang mga planta ng kuryente sa pamamagitan ng puwersa ng tubig mula sa talon ng Maria Cristina, lawa ng Caliraya, at lakas ng hangin sa Bangui, Ilécos Norte sa pamamagitan ng windmill. Tan lamang ang mga ito sa kapakinabangang nakukuha sa ating mga likas na yaman. Sagutin. 1, Sa anong mga likas na yaman sagana ang ating bansa? 2. Paano nakatutulong ang mga likas na yaman sa pag-angat ng ating kabuhayan? 129 3. Buked sa mga produkto at kalakal, sa anong mga likas na yaman pa sagana at tanyag ang ating bansa? Magbigay ng halimbawa ng mga ito at kung saan matatagpuan. GAWIN MO Gawain A Punan ang tsart ng hinihinging impormasyon. Isulat ang sagot sa notbuk, Kapakinabangang enayamen jang-ekonomiko Hal: Produkto Pinagkukunan ng ikabubuhay Tuna at iba pang uri ng isda bilang export, lokal na konsumo Tanawin: Bulkang Mayon Turismo Gawain B Magpangkat ang klase sa dalawang grupo. Magkaroon ng debate hinggil sa paksang: “Alin ang higit na nakatutulong sa pag-angat ng ekonomiya: magagandang impraestruktura at kalakalan 0 ang masaganang likas na yaman?” Ang isang grupo ang tatalakay sa impraestruktura at kalakalan at ang isa naman sa masaganang likas na yaman. Gawain C * Lumikha ng isang poster na nagpapakita ng pakinabang na pang-ckonomiko mula sa likas na yaman ng bansa. + Ipaliwanag sa klase ang kahulugan ng nilikhang poster. 130 (ATANDAAN MO © Angmgalikas na yaman ay nakapagdudulotngmaraming kapakinabangan sa ating ekonomiya. * lan sa mga pinagmumulan ng kapakinabangang pang- ekonomiko ay ang mga produkto at kalakal mula sa mga likas na yaman, turismo, at kalakalan. ace NATUTUHAN KO Tukuyin at isulat sa sagutang papel ang mga pakinabang na pang-ekonomiko mula sa mga sumusunod: 1. Taniman ng strawberry sa Baguio 2. Lungsod ng Tagaytay 3. Puerto Galera 4, marmol 5. Bulkang Mayon 6. ginto, pilak, at tanso 7. Puerto Princesa Underground River 8. tarsier 134 Mga Isyung Pangkapaligiran ng Bansa Gh) PANIMULA Maraming isyung maaaring makaapekto sa ating kapa- ligiran. Tan sa mga ito ay ang industriyalisasyon, polusyen, iligal na pagputol ng mga puna, at global warming. 8a araling ito, inaasahang: 1. Maiisa-isa mo ang mga isyung pangkapaligiran ng bansa 2. Matatalakay mo ang mga isyung maaaring makaapekto sa ating kapaligiran 3. Mapahahalagahan mo ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran sa bansa ‘>, ALAMIN MO Bd Bawat pagbabago at pag-unlad ng isang bansa ay may kaakibat na epekto sa kapaligiran. Maaaring ito ay mabuti © masama ayon sa kinalalagyan ng mga pagbabago. Isa sa mga pagbahagong ito. ay ang industriyalisasyon. Ang industriyalisasyon ay ang malakihang pagpapatayo ng mga industriya, pagtatatag ng kalakalan, at iba pang mga gawaing pang-ekonomiya. Ang industriyalisasyon ay may mabuti at masamang epekto sa kalikasan. Kasabay ng pag-unlad ng mga industriya ay ang pagkakaroon ng pondo para sa mga proyekto sa reforestation o muling pagtatanim. Nagkakaroon din tayo ng sapat na lakas-tao na nakatutulong sa mga proyekto para sa kalikasan. Gayunpaman, may kaakibat ding masamang epekto ang industriyalisasyon. Kasama rito ang global warming, pagbaha, pagguho ng lupa, at polusyon. 132 Global Warming Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng atmospera ng mundo sanhi ng mga chloroffuorecarbons na nanggagaling sa mga industriya at maging sa kabahayan. Ang mataas na temperatura ay maaaring magresulta sa greenhouse effecto pagkakakulob nginitngaraw na nakaapekto sa kalusugan at maging sa mga pananim. Pagbaha at Pagguho ng Lupa Ang pagbaha at pagguho ng lupa ay bunga ng walang habas na pagpuputol ng malalaking punongkahoy sa kabundukan at kagubatan. Ang patuloy na pagpuputol ng mga puno ay isa sa mga isyung pangkapaligiran sa kasalukuyan na dapat bigyan ng pansin dahil ang paghaha at pagguho ng lupa ay nagiging sanhi rin ng pagkasira ng mga pananim at ari-arian. Ang pagbaha at pagguho ng lupa ay epekto rin ng pagkakaingin o pagsusunog sa kagubatan para makagawa ng uling, upang pagtamnan ang lupa, o pagtatayuan ng tirahan o komersiyal na gusali. Polusyon Ang polusyon ay isa rin sa mga isyung pangkapaligiran na nakaaapekto hindi lamang sa kalusugan ng tao kundi maging sa mga likas na yaman. Ang usok at langis mula sa mga pagawaan at sasakyan ay nakadurumi sa hangin at katubigan na maaaring maging sanhi ng pagkakasakit ng mamamayan Ang climate change o pag-iiba-iba ng klima ng mundo ay nakaaapekto rin sa bansa dahil sa dala nitong mga epekto gaya ng pagbaha. 133 Sagutin ang sumusunod: 1. Ano-anong isyung pangkapaligiran ng bansa ang mga nabanggit sa iyong binasa? 2. Paanonagkakaroon ngglobal warming? Ano-ano ang epekto nito sa kapaligiran? 3. Paano maiiwasan ang mga kalagayang nakaaapekto sa ating kapaligiran? Paano ito matutugunan? Ipaliwanag. Sy GAWIN MO Gawain A Basahin ang mga suliraning pangkapaligiran. Piliin ang sanhi ng bawat isa sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa notbuk. Walang habas na pagpuputol ng mga puno Kaingin Kawalan ng mga punong sisipsip sa tubig-ulan Pagtatapon ng dumi at langis sa mga katubigan Labis na pagbubuga ng usok at chlorofluorocarbons Pagdumi ng tubig at pagkamatay ng mga yamang tubig Pagkaubos ng mga halamanan at mga hayop sa kagubatan Pagbaha at pagguho ng lupa Pag-init ng atmospera na maaaring sumira sa ozone layer 0 global warming 5. Pagkasira ng mga pananim sa kapatagan Fcfe:$0 134 Gawain B 1, Magpangkat-pangkat. 2. Kopyahin ang tsart at itala rito ang mga isyung pangkapaligiran at epekto ng mga ito sa bansa. 3. Tulat ito sa klase. Isyung Pangkapaligiran | Epekto po Gawain C Bumalik sa inyong mga pangkat. Pumili ng isyung pangkapa- ligiran at isadula kung paano ito maiiwasan. Gumamit ng rubric para dito. TANDAAN MO * Ang mga pagbabago sa ating bansa ay may kaakibat na mga isyung nauukol sa ating kapaligiran. * Tlan sa mga isyung pangkapaligiran ay ang industriyalisasyon, polusyon, iligal na pagtotroso, at pagkakaingin. are NATUTUHAN KO Ipaliwanag ang sumusunod. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang, paano ka makatutulong sa pagbawas o pagpigil sa mga epekto ng global warming? 2. Paano mo ibabahagi sa iba ang tungkol sa mga isyung pangkapaligiran at pagtugon sa mga isyung ito? 135 Matalino at Di-Matalinong Paraan ng Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman (®) PANIMULA @ Ang mga likas na yaman ng bansa ay napakikinabangan di lamang ng kasalukuyang henerasyon kundi maging ng mga susunod pa. Ang mga paraan ng ating pangangasiwa sa mga yamang ito sa kasalukuyan ay magiging batayan ng yamang tatamasahin ng susunod pang salinlahi. Sa araling ito, inaasahang: 1. Maipapaliwanag mo ang matalino at di-matalinong paraan ng pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa 2. Maipakikita mo ang tamang saloobin sa wastong paraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa “\)_ ALAMIN MO fs Ano ang naidudulet ng matalino at di-matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman? Paano natin mapapa- ngasiwaan ang ating mga likas na yaman? Tungkulin ng bawat Pilipino na pangalagaan ang mga likas na yaman ng bansa. Ang wastong paraan ng paggamit sa mga ito ay kapakinabangan din ng mga mamamayan. Ngunit, ang maling paggamit sa mga ito ay maaaring humantong sa kanilang pagkasira, pagkawasak, o tuluyang pagkawala. 136 Matalinong Pamaraan ng Pangangasiwa Ang matalinong paraan ng pangangasiwa sa mga likas na yaman ay makatutulong upang mapanatili ang mga ito at mapakinabangan pa ng mga susunod na salinlahi. Ilan sa maaaring gawin ay ang mga sumusunod: Gawin ang hagdang-hagdang /pagtatanim upang maba- wasan ang pagguho ng lupa. * Magtanim ng mga puno sa mga bundok at maging sa mga bakanteng lote. * Magtatag ng mga sentrong kanlungan para sa mababangis na hayop at mga ligaw na halaman. * Gawin ang bio-iniensive gardening o paggamit ng organi- kong paraan sa pagtatanim kahit sa maliit na espasyo 0 lupa lamang. * Pagtatatag ng mga sentro o sanetuary para sa mga yamang tubig. ° Pagpapanatiling malinis ng lahat ng katubigan — kanal, ilog, at dagat. Ang tatlong Rs 0 ang reduce, reuse, at recycle ay makatu- tulong sa matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman. Ang reduce ay ang pagbabawas sa mga basura sa ating paligid. Ang paghihiwalay ng mga nabubulok at di-nabubulok na basura ay makatutulong upang mabawasan ang mga basura at mapakinabangan ang mga ito. Reuse naman ang maaaring gawin sa mga bagay na patapon na ngunit maaari pang magamit, kumpunihin, ibigay sa nangangailangan, o ipagbili. Recycle naman ang pagbubuo ng mga bagong bagay mula sa mga lumang bagay. Di Matalinong Pamaraan ng Pangangasiwa May mga gawain ding lubhang nakasisira ng kapaligiran gaya ng pagsusunog ng mga plastik; pagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat; pagputol ng mga puno; paggamit ng sobrang kemikal sa pananim at sa lupa; paggamit ng dinamita sa pangingisda; pagtagas ng langis sa dagat; at pagtatayo ng mga pabrika, gusali, o pook-alagaan malapit sa mga ilog o dagat. Hangga't maaari ay iwasan ang mga gawaing magdudulot ng 137 pagkasira ng ating paligid at kawalan ng yaman ng susunod na salinlahi. ‘Ang likas na yaman ay maaring maubos at mawala kung hindi aalagaan at pagyayamanin. Huwag itong abusuhin bagkus maging responsable tayo sa paggamit ng mga ito. Sagutin ang sumusunod: 1. Ano-ano ang wastong pamamaraan ng pangangalaga at pangangasiwa ng mga likas na yaman? 2. Ano ang mangyayari kung hindi mapapangasiwaan nang maayos ang mga likas na yaman? Ipaliwanag. 3. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga likas na yaman? 7 GAWIN MO Gawain A Lagyan ng tsek (v) ang bilang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng kaisipan ukol sa matalinong paggamit ng mga likas na yaman, at ekis (x) kung hindi, Gawin ito sa notbuk. 1. Hagdan-hagdang pagtatanim 2, Pagsusunog ng mga basura 3. Pagmumuling-gubat 4. Pagtatatag ng mga sentrong kanlungan para sa mababangis na hayop at mga ligaw na halaman 5. Bio-intensive gardening Gawain B 1. Magpangkat-pangkat. 2 Pumili ng paksa na nakasulat sa speech balloons. 3. Kopyahin ito sa malinis na papel. Isulat sa tapat ng bawat. speech bailoon ang mga paraan ng matalinong paggamit ng mga likas na yaman upang mapanatili ang mga ito. Lupang Sakahan/ || Yamang Yamang Tubit Yamang Lupa Gabe 2 138 Gawain C 1, B umalik sa dating pangkat, Gumawa ng diyorama ukol sa matalinong paggamit ng mga likas na yaman at panga- ngalaga sa kalikasan. 2 T: a TANDAAN MO akdang gawain ng bawat pangkat. Pangkat I —lupang sakahan o yamang lupa Pangkat II —- yamang gubat Pangkat III - yamang tubig Pangkat IV - yamang mineral Ang pangangasiwa sa mga likas na yaman ng ating bansa ay nangangailangan ng matalinong pamamaraan. Ang matalinong pangangasiwa sa likas na yaman ay makatutulong upang higit na mapanatili at mapakinabangan ang mga ito ng mga susunod pang henerasyon. ae NATUTUHAN KO 1. Hatiin ang klase sa bawat pangkat. 2. Gumawa ng isang patalastas tungkol sa matalinong paraan ng paggamit ng likas na yaman. 3. Sagutin at ipaliwanag ang sumusunod na katanungan: a. b. Ano ang epekto sa mga tao ng matalinong paggamit ng mga likas na yaman? Ano ang ilan sa mga wastong paraan upang mapa- ngasiwaan nang maayos ang mga likas na yaman ng bansa? 139 Kaugnayan ng Matalinong Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman sa Pag-unlad ng Bansa PANIMULA & Ano ang kaugnayan ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa pag-unlad ng bansa? Nangangahulugan ba ito na kung sagana sa likas na yaman ang isang bansa ay maituturing na rin itong mayaman? © kahit kakaunti ang likas na yaman, kung pinangangasiwaan naman ito sa wastong paraan ay maaari na rin itong magdulot ng kasaganaan sa isang bansa? Sa araling ito, inaasahang: 1. Masasabi mo ang kaugnayan ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa pag-unlad ng bansa 2. Maipapaliwanag mo ang kahalagahan ng matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman Gy ALAMIN MO By Paano nakatutulong ang matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa pag unlad ng bansa? Bakit mahalaga ang matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa? 140 Pag-aralan ang mga larawan at sagutin angmga katanungan. * Ano ang ipinakikita sa bawat larawan? * May maitutulong ba ang ganitong mga gawain sa pag-unlad ng isang lugar at ng mga mamamayang nakatira dito? Ang likas na yaman ang pangunahing pinanggagalingan ng ikinabubuhay ng mga tao. Isa ito sa mga salik sa pagkakaroon ng maunlad at masaganang kabuhayan ngisanglugar. Tinutugunan nito ang ilang pangangailangan ng mga mamamayang nakatira dito. 144 Maraming lugar, lungsod, at lalawigan sa ating bansa ang mauniad dahil sa matalino at wastong pangangasiwa ng kanilang likas na yaman. Isa na rito ang lalawigan ng Palawan na kilala at tampok sa magagandang lugar, masaganang yamang-dagat at gubat, at malinis na kapaligiran. Sa patuloy na pag-unlad ng kanilang lugar, hindi nila hinahayaang masira ang kanilang kabundukan at yamang tubig na dinarayo ng mga turista. Isa pang halimbawa ay ang maunlad at masaganang Lungsod ng Davao. Ang lugar na ito ang pinagkukunan ng maraming prutas at iba pang produkto na ipinagbibili sa loob at labas ng bansa. Dahil na rin sa maingat na pangangasiwa ng mga yaman nito kaya dumarami pa ang nagnanais magnegosyo o mag-invest dito. Kaakibat ng pag-unlad ng mga lugar sa bansa, hindi nalilimutan ng mga Pilipino na ingatan ang mga likas na yaman upang mapaunlad ang kalakalan at turismo, Kabilang sa mga pook na ito ay ang Lungsod ng Baguio, Lungsed ng Tagaytay, Lungsod ng Cebu, at Islang Camiguin. Sapagkat turismo ang pangunahing susi nila sa kaunlaran, higit nilang binibigyan ng pansin ang pangangalaga at pagpapanatili sa kalinisan nito. Sagutin. 1, Ano-anong lugar sa bansa ang binanggit sa talata na nagpa- pakita ng kaunlaran dahil sa kanilang likas na yaman? 2. Paano pinangangasiwaan ng mga lalawigang ito ang kanilang likas na yaman? 3. Sa palagay mo, ano ang maaaring maging resulta kung hindi maayos ang kanilang pangangasiwa sa kanilang likas na yaman? Ipaliwanag. 142 af Ww GAWIN MO Gawain A Magpangkat-pangkat. Pumili ng lider at tagatala. Ipakita ang kaugnayan ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng sumusunod: * Pangkat 1— Poster * Pangkat 3—Awit * Pangkat 2—Tula * Pangkat 4—Dula-dulaan Pag-usapang mabuti ang nakatakdang gawain. Ipakita at ipali- wanag ang natapos na gawain. Gawain B Bumalik sa inyong pangkat. Gumawa ng sariling islogan na nagpapatibay ng pagkakaugnay ng wastong paggamit ng likas na yaman at pag-unlad ng bansa. Ilagay ito sa isang sangkapat (1/4) na iustration board. Gawain C Buuin ang talata upang mabuo ang isang komitment. Gawin ito sa sagutang papel. Isang salik ng pag-unlad ng bansa ay ang wastong pangangasiwa ng mga likas na yaman. Kaya, nangangako akong 143 Ang likas na yaman ay isang mahalagang salik na nakaaapekto sa pag-unlad ng bansa. Malaki ang kaugnayan ng wasto at matalinong paggamit ng mga likas na yaman sa kaunlaran ng bansa. a? NATUTUHAN KO Lagyan ng tsek (v) ang bilang kung ang paggamit sa likas na yaman ay may kaugnayan sa pag-unlad ng bansa at ekis (x) kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel. i 2. 3. 4, e.0 10. Paggamit ng mga organikong pataba sa pananim Pagputol ng malalaking puno upang gamitin sa mga impraestruktura at gusali Pagbawas sa paggamit ng plastik Pagkakaroon ng mga fish sanctuary at pangangalaga sa mga bahay-itlugan ng mga isda Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid lalo na sa mga lugar na dinarayo ng mga turista Pagpapahintulot sa pagpapatayo ng malalaking kompanya ng minahan Pagtitipid sa enerhiya tulad ng elektrisidad, tubig, at langis o krudo Pagsali sa mga larong pampalakasan Pagtatanim ng mga punongkahoy bilang kapalit sa mga pinutol Pagluluwas ng mga de-kalidad na prutas at gulay sa ibang bansa 144 Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-Yaman ng Bansa PANIMULA Sa nakaraang aralin, nabatid mo ang kaibahan ng matalino at di-matalinong mga paraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa. Gayundin ang kaugnayan ng matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng bansa Bilang matalinong mamamayan, ang bawat isa ay may mga pananagutan na dapat gampanan upang pangasiwaan at panga- lagaan ang mga pinagkukunang-yamang ito. Nais mo bang mabatid ang mga pananagutan ng ating pamahalaan, paaralan, simbahan, pamilya, at mamamayan sa pangangalaga ng mga likas nating yaman? Sa araling ito, inaasahang: 1, Matutukoy mo ang kahulugan ng pananagutan 2. Maiisa-isa mo ang mga pananagutan ng bawat kasapi sa pangangasiwa at pangangalaga ng mga pinagkukunang- yaman ng bansa 3. Mahihinuha mo na ang bawat kasapi ay may mahalagang bahaging ginagampanan para sa higit na ikauunlad ng bansa (\). ALAMIN MO ) Ang pananagutan ay itinuturing na kasingkahulugan ng mga salitang tungkulin, obligasyon, at responsibilidad. Ang pananagutan ay ang mga dapat gawin ng isang sektor tao para sa kaniyang sarili at para sa kaniyang bayan. 145 Ang ating lipunan ay binubuo ng iba't ibang kasapi, kabilang dito ang mga mamamayan, pamilya, samahang pribado, simbahan, paaralan, at pamahalaan. Ang bawat kasapi ng lipunan ay may bahaging dapat gampanan at may pananagutan upang maiwasan ang tuluyang pagkawasak ng mga pinagkukunang-yaman ng bansa. Mga Pananagutan ng Pamahalaan Ang ‘pamahalaan bilang isa sa mga pangunahin at mahalagang kasapi ng lipunan ay may pananagutan sa ating mga pinagkukunang-yaman. Ang pamahalaan ay nagtalaga ng ahensiya na siyang nangunguna sa pangangasiwa ng ating kalikasan at kapaligiran. Ito ay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) o Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman. Gayundin, ang ating pamahalaan ay bumalangkas ng isang malinaw na batas upang maagapan ang ating mga pinagkukunang-yaman mula sa pagkawasak. Mula sa Artikulo H, Seksyon 16 ng Saligang Batas ng 1987, “Dapat pangalagaan at isulong ng Estado ang karapatan ng sambayanan sa timbang at kanais-nais na ekolohiya na tugma sa kalikasan.” Dahil sa nasasaad na batas sa ating Saligang Batas, napakahalagang magkaroon ng maraming batas na naglalayong panatilihin at proteksiyunan ang mga likas na yamansa Pilipinas. Tlan sa mga batas ang PD 1219, RA 428, at PD 705. Coral Resources Development and Conservation Decree. (PD 1219/PD 1698) Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga yamang koral sa katubigan ng Pilipinas. and Natural Resowroes Republic Act 428. Ito ay isang batas na nagbabawal sa pagbebenta o pagbibili ng isda o ibang yamang-dagat na pinatay 8a pamamagitan ng dinamita o paglalason. 146

You might also like