You are on page 1of 40

napsanap-

ARALING PANLIPUNAN
GRADE 7

Key Stage 3 SLM

1 PIVOT 4A CALABARZON AP G7
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na
hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda
ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
pahintulot ng Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon


sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum
and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat
bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na
isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa
karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri

PIVOT 4A CALABARZON AP G7
PIVOT 4A Learner’s Material
Ikatlong Markahan
Unang Edisyon, 2021

Araling Panlipunan
Ikapitong Baitang

Job S. Zape, Jr.


PIVOT 4A SLMs Development Lead
Jessica C. Gastala, Jerick DL. Teodoro & Joey P. Cenidoza
Content Creators & Writers
Emelia P. Crescini & August M. Jamora
Internal Reviewer & Editor
Ricardo P. Makabenta
Language Editor
Rizaldi Cristo
SDO Reviewer
Fe M. Ong-Ongowan & Gilbert R. Esguerra
Layout Artist & Illustrator
Jhucel A. del Rosario & Melanie Mae N. Moreno
Graphic Artist & Cover Designer

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON


Patnugot: Francis Cesar B. Bringas

PIVOT 4A CALABARZON AP G7
Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material
Para sa Tagapagpadaloy

Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga


mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang
Araling Panlipunan. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong
naaayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa
paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa
pagpapakita ng kakayahang may tiwala sa sarili na kanilang magiging
gabay sa mga sumusunod na aralin.
Salamat sa iyo!

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul
na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung
tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o
tagapag-alaga, o sinumang mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na
pang-unawa. Kaya mo ito!

PIVOT 4A CALABARZON AP G7
Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul
K to 12 Learning
Nilalaman
Delivery Process
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na
(Introduction)

Alamin resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng


Panimula

aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na


halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling
Suriin kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang
kailangan para sa aralin.

Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad,


Subukin gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
(Development)
Pagpapaunlad

mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog


sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay ng
Tuklasin
mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o
matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya
alam at ano pa ang gusto niyang malaman at
Pagyamanin
matutuhan.

Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-


aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at oportunidad
sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge Skills at
Isagawa
Attitudes (KSA) upang makahulugang mapag-ugnay-
Pakikipagpalihan
(Engagement)

ugnay ang kaniyang mga natutuhan pagkatapos ng mga


gawain sa Pagpapaunlad o D. Inilalantad ng bahaging
ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/gawain sa
buhay na magpapasidhi ng kaniyang interes upang
Linangin
matugunan ang inaasahan, gawing kasiya-siya ang
kaniyang pagganap o lumikha ng isang produkto o
gawain upang ganap niyang maunawaan ang mga
Iangkop kasanayan at konsepto.
Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa
proseso ng pagpapakita ng mga ideya, interpretasyon,
Isaisip pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga
(Assimilation)

piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kaniyang


Paglalapat

kaalaman sa pagbibigay ng epektibong repleksiyon, pag-


uugnay o paggamit sa alinmang sitwasyon o konteksto.
Hinihikayat ng bahaging ito ang mag-aaral na lumikha
Tayahin ng mga estrukturang konseptuwal na magbibigay sa
kaniya ng pagkakataong pagsama-samahin ang mga
bago at dati ng natutuhan.

Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay sa


pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na
pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa
tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng
Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng Kagawaran
ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng kaalaman
tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.

PIVOT 4A CALABARZON AP G7
WEEKS
Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo
1-2 at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa Unang
Yugto (ika-16 at ika-17 siglo) at Ikalawang Yugto
Pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya
Aralin
I
Ang Asya ay nakaranas ng mahabang panahon ng pananakop ng mga
Europeo o Kanluranin. Ang Pilipinas ay isa lang sa maraming bansang
napasailalim at naapektuhan sa pananakop na ito. Maraming nagbago at
mayroon rin namang mga nanatili na lubhang nakaapekto sa kasaysayan at
kasalukuyang panahon sa mga bansa sa Asya. Ang naganap sa panahong iyon ay
tinawag na Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya.

Sa araling ito, tatalakayin ang mga dahilan, paraan at epekto ng


kolonyalismo at imperyalismo, at maging ang mahahalagang papel nito sa mga
pagbabagong idinulot sa pamumuhay ng mga Asyano.

Sa pagtatapos ng aralin, Inaasahang matutukoy mo ang mga dahilan at


paraan ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin, matatalakay ang
mahalagang papel ng kolonyalismo at imperyalismo sa kasaysayan ng Timog at
Kanlurang Asya, at mapahahalagahan ang mga nagbago at nanatili sa paraan ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa mga bansang napasailalim kolonyalismo ng
kolonyalismo at imperyalismo.

ANG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

Ang kolonyalismo ay ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala


ng mga sinakop upang magamit ang likas na yaman ng mga sinakop na bansa.
Samantala, ang imperyalismo, ay nangangahulugan ng dominasyon ng isang
makapangyarihang nasyon-estado sa aspetong pangpolitika, pangkabuhayan, at
kultural na pamumuhay ng mahina’t maliit na nasyon-estado upang maging pan-
daigdigang makapangyarihan.

PIVOT 4A CALABARZON AP G7 6
A. MGA BANSANG NANAKOP AT SINAKOP SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

MANANAKOP NASAKOP
Portugal Calicut, Diu at Goa sa India

England India, Iraq, Palestine (ngayon ay Israel),


Westbank, Gaza Strip at Jordan

France Ilang bahagi ng India na hindi nagtagal at


ang Syria at Lebanon

Netherlands Isang bahagi ng India

B. UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO

MGA DAHILAN NA NAGBUNSOD SA MGA KANLURANIN NA


MAGTUNGO SA ASYA

KRUSADA • Ang mga ito ay mga kilusan na inilunsad ng


simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang
mabawi ang banal na lugar, ang Jerusalem
sa Israel na napasakamay ng mga Muslim.

• Ang Krusada ay nagdulot ng pagbubukas ng


pakikipagkalakalan ng mga Europeo sa mga
bansa sa Silangan. Nakilala sa mga bansang
Europeo ang mga produktong mula sa
Silangan kung kaya’t sila ay naghanap ng
mga ruta upang makarating sa Asya.

PAGLALAKBAY NI MARCO • Isang adbenturerong mangangalakal na


POLO taga Venice si Marco Polo, siya ay
nanirahan sa China sa panahon ni Kublai
Khan ng dinastiyang Yuan. Siya ay
kinalugdan at nagsilbing tagapayo ni Kublai
Khan at itinalagang maglakbay sa iba’t
ibang lugar sa Asya sa ngalan ng
emperador.

• Isang adbenturerong mangangalakal na


taga Venice si Marco Polo. Siya ay
nanirahan sa China sa panahon ni Kublai
Khan ng Dinastiyang Yuan. Siya ay
kinalugdan at nagsilbing tagapayo ni Kublai
Khan at itinalagang maglakbay sa iba’t
ibang lugar sa Asya sa ngalan ng
emperador.

7 PIVOT 4A CALABARZON AP G7
• Nailimbag ang kaniyang isinulat na ang na
“The Travels of Marco Polo” (1477) na
naglalaman ng mga paglalarawan ng mga
magagandang kabihasnan sa mga bansa sa
Asya, lalo na sa China. Dahil dito maraming
Europeo ang naenganyong marating ang
mga bansa sa Asya.

RENAISSANCE • Ang Renaissance ay isang kilusan na


naganap noon sa Europa.

• Umiral ito mula ika-14 hanggang ika-16 na


siglo kung saan muling pinanumbalik ang
mga klasikal na kultura ng Gresya at Roma.

• Ang kaganapang ito ay nagpabago sa


larangan ng kalakalan at negosyo na
nagdulot ng pagbabago sa mga gawaing
pang-ekonomiya sa Europa.

PAGBAGSAK NG • Ang Constantinople ay nagsilbing rutang


CONSTANTINOPLE pangkalakalan mula Europa patungo sa
mga bansa sa Silangan dahil sa lokasyon
nito.

• Ito ang maituturing na pinakamalapit na


teritoryo sa Asya na malapit sa Europa.
Noong 1453.

• Bumagsak ito sa mga kamay ng mga


Turkong Muslim na nagtulak sa mga
mangangalakal mula Europa na maghanap
ng panibagong ruta upang maipagpatuloy
ang pakikipagkalakalan sa mga bansa sa
Asya.
MERKANTILISMO • Ang Merkantilismo ay ang isang prinsipyong
pang-ekonomiya na umiral sa Europa kung
saan ang konsepto ng yaman ng isang bansa
ay nakabatay sa ginto at pilak na mayroon
ito.

• Dahil dito, kinailangan ng mga Europeo na


humanap ng ligtas at mabilis na rutang
pangkalakalan tungo sa mga teritoryong
maaaring mapagkunan ng ginto, pilak at iba
pang likas na yaman at hilaw na sangkap.

(Araling Asyano, Araling Panlipunan - Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon,


2014, pp. 196 - 199)
PIVOT 4A CALABARZON AP G7 8
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Hango sa iyong natutuhan sa binasa, magbigay
ng tatlong (3) konsepto o impormasyon na naglalarawan sa salitang kolonyalismo
at imperyalismo. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

KOLONYALISMO IMPERYALISMO

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Bumuo ng mga pangungusap batay sa mga


salitang may kaugnayan sa mga dahilan at paraan ng kolonyalismo at
imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Isulat ang iyong mga sagot sa isang
malinis na papel.

1. Merkantilismo, Ginto, Pilak


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Marco Polo, China, Aklat


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Constantinople, Turkong Muslim, Europa


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4. Krusada, Jerusalem, Kalakalan


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

5. Renaissance, Kalakalan, Kilusan


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

9 PIVOT 4A CALABARZON AP G7
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Makikita sa unang kahon ang mga pangyayari
may kaugnayan sa pagtungo ng mga Europeo sa Asya. Isulat sa susunod na mga
kahon ang naging bunga nito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

PANGYAYARI BUNGA

Pagbagsak ng Jerusalem

Pagsakop ng mga Turkong


Muslim sa Constantinople
Pamamalagi ni Marco Polo
sa China

Naganap ang Renaissance

Pag-unlad ng kalakalan

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sumulat ng maikling sanaysay na nagpapahayag
ng iyong pagkaunawa sa naganap na Una at Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo at iugnay ito sa nangyayari sa ating kasalukuyang panahon. Gawin
ito sa isang malinis na papel.

Rubrik sa Pagmamarka ng Sanaysay

Pamantayan Deskripsyon
Nilalaman Naglalaman ng pagkaunawa sa naga-
nap na kolonyalismo at imperyalismo.
Naiugnay ito sa nangyayari sa kasalu-
kuyang panahon.
Pagtalakay Nauunawaan ang daloy at maayos na
naipahayag ang kaisipan.
Teknikalidad Nakasunod sa pamantayan sa pagsulat
ng sanaysay tulad ng paggamit ng ta-
mang bantas, pananda, at kaayusan ng
pangungusap.

Kabuuan

PIVOT 4A CALABARZON AP G7 10
WEEK
Ang Nasyonalismong Asyano sa Timog at
Kanlurang Asya 3
Aralin
I
Sa nakaraang aralin, nalaman mo ang mga naging dahilan, paraan at
epekto ng pananakop at maging ang karanasan ng mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya sa ilalim ng Kolonyalismo at Imperyalismo.

Sa pagkakataong ito, matatalakay ninyo sa araling ito ang naging tugon


ng mga Asyano sa mga patakarang ipinatupad ng mga kanluranin sa mga bansa
sa Timog at Kanlurang Asya. Ang mga salik at pangyayari na siyang gumising
sa damdaming nasyonalismo ng mga Asyano na nakaapekto sa kasaysayan at
sa ating kasalukuyang panahon.

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang: a) nasusuri ang mga salik at mga


pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya. b) naipaliliwanag ang iba’t-ibang manipestasyon ng
nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya. c) napapahalagahan ang papel ng
nasyonalismo at ng mga nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya.

ANG NASYONALISMONG ASYANO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala


ng mga bansang Kanluranin sa mga bansa sa Asya, ang nagbigay-daan sa pag-
usbong ng nasyonalismong Asyano.

Ang NASYONALISMO ay damdaming makabayan na maipapakita sa


matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang Bayan. (Kabihasnang
Asyano, SEDP Edisyon)

Ang nasyonalismo sa Asya ay may iba’t ibang anyo tulad ng:

• Defensive Nationalism o mapagtanggol na nasyonalismo. Ito ay ang


pagnanais at ipaglaban ang kanilang bansa laban sa mga manananakop,
gaya ng ipinakita ng bansang Pilipinas; at

• Aggressive Nationalism o mapusok na nasyonalismo. Ito ay ang


naglalayon na manakop ng mga teritoryo upang mapalakas ang kanilang
kapangyarihan, na minsang ginawa ng bansang Hapon.

Ang mga sumusunod ang mga pangunahing manipestasyon ng


nasyonalismo:
• Pagkakaisa, makikita ito sa pagtutulungan at pagkakabuklod-buklod ng
mga mamamayan sa iisang kultura, saloobin, at hangarin;

• Pagmamahal at pagtangkilik ng mamamayan sa mga produkto, ideya, at


kultura ng sariling bayan;

• Pagiging makatuwiran at makatarungan; at

• Kahandaan na magtanggol at mamatay para sa kaniyang bayan


(maituturing na pinakamahalagang manipestasyon ng nasyonalismo).
11 PIVOT 4A CALABARZON AP G7
MGA SALIK AT PANGYAYARI NA NAGBUNSOD SA PAGLITAW NG DAMDAMING
NASYONALISMO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog Asya: Nasyonalismo sa India

Ang naging pananakop ng mga Ingles, ang naging daan upang mabuhay
ang diwa ng nasyonalismo sa India. Magkakaiba man ang wika at relihiyon ng
mga mamamayan sa India, sila ay nagkaisa upang matamo ang isang malayang
bansa.

Pinakinabangan ng husto ng mga Ingles ang mga likas na yaman ng India.


Maraming ring patakaran ang naranasan ng mga mamamayan ng India na taliwas
sa kanilang tradisyon. Isa na rito ay ang pagpapatigil sa suttee or sati. Ang suttee
ay ang pagpapatiwakal ng mga biyudang babae at pagsama sa libing ng kanilang
namatay na asawa. Ipinatigil din ng mga Ingles ang female infanticide o
pagpatay sa mga sanggol na babae. Nakaranas din ng hindi pantay na pagtrato
ang mga sundalong Indian dahil mas mataas ang ang nagiging ranggo at sweldo
ng mga sundalong Ingles. Dahil sa mga hindi makatarungang pangyayari na
naranasan ng mga mamamayan sa India, naganap ang pag-aalsa ng mga
sundalong Indian o ang Rebelyong Sepoy.

Mas tumindi pa ang pagnanais ng mga mamamayan sa India na matamo


ang kanilang kalayaan nang maganap ang Amritsar Massacre. Naganap ito
noong Abril 13, 1919 kung saan 379 katao ang namatay at 1200 ang sugatan ng
pagbabarilin ng mga sundalong Ingles ang mga Indian na nasa isang pagtitipong
na lubos na tinututulan ng pamahalaan ng mga Ingles.

Sa pagnanais ng mga mamamayan ng India na makamit ang kalayaan ang


naglunsad sila ng mga pagkilos upang labanan ang kanilang mga mananakop.
Naitatag ang All Indian National Congress sa panig ng mga Hindu na naglayong
makamtam ang kalayaan.

Noong 1906, itinatag ni Ali Jinnah ang All Indian Muslim League na
naglayong bigyan ng pansin ang interes ng mga Muslim. Layunin din ng samahan
na magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim.

Naging tanyag ng panahong ito si Mohandas Gandhi dahil siya ang


nangunang lider nasyonalista sa India na naglunsad ng mga pagkilos upang
mapalaya ang kanilang bansa sa mapayapang pamamaraan. Hinimok ni Gandhi
ang kaniyang mga kababayan iboykot ang lahat ng mga produkto ng mga Ingles
at lahat ng may kaugnayan sa mga ito. Isa itong pagpapakita ng nasyonalismo
dahil nagkaroon ng mataas na pagtingin at pagtangkilik ang mga Indian sa
kanilang mga sariling produkto. Itinigil din ng mga Indian ang pagbabayad ng
buwis sa mga Ingles.

Sinimulan din ni Gandhi ang civil disobedience o ang hindi pagsunod sa


pamahalaan. Dahil sa mga pangunguna niya sa mga protesta laban sa mga
Ingles, naranasan niya ang makulong. SIya ay nabaril at namatay na hindi
nagtagumpay mapag-isa ang mga Hindu at Muslim sa isang bansa.

Taong 1935 nang pagkalooban ng mga Ingles ng mga Indian na


pamahalaan ang India ngunit hindi nasiyahan ang mga Indian sa pagbabagong ito
kaya nagpatuloy ang paghingi nila ng kalayaan. Noong Agosto 15, 1947,
nakamtam ng India ang kanilang kalayaan at sila ay pinamunuan ni Jawaharlal
Nehru.
PIVOT 4A CALABARZON AP G7 12
Nasyonalismo sa Kanlurang Asya

Nang bumagsak ang Imperyong Ottoman, napasailalim sa mga kanluranin


ang mga ilang mga bansa rito, sa ilalim ng sistemang Mandato. Sa sistemang ito,
ang isang bansa na naghahanda upang maging isang malaya at isang
nagsasariling bansa ay ipasasailalim muna sa patnubay ng isang bansang
Europeo. (Mateo, et.al., Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan).
Ilan sa mga unang lumaya na bansa ay ang Kuwait, Lebanon, Iraq, Turkey
sa pamumuno ni Mustafa Kemal at Saudi Arabia sa pamumuno ni Ibn Saud.
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga Jew naman ay
nagsagawa ng Zionism (Pag-uwi sa Palestine ng mga Jew mula sa iba’t ibang
panig ng daigdig at itinatag ang Israel) na naging dahilan ng pagsisimula ng
tensyon sa pagitan ng Palestine at Israel.

(Araling Asyano, Araling Panlipunan - Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon,


2014, pp. 226 - 233)
Maari rin tumingin sa link na ito para mas maunawaan ang tinalakay na aralin.
https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6017

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Mula sa iyong natutuhan sa binasa, magbigay ng
apat (4) na konsepto o impormasyon na naglalarawan sa salitang
NASYONALISMO. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

Nasyonalismo

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pumili ng sa palagay mo ay pinakamahalagang
salik o pangyayari sa pag-usbong ng nasyonalismo at pagtamo ng kalayaan sa
Timog at Kanlurang Asya. Saliksikin ang mas detalyadong impormasyon ukol rito.
Gawin ito sa inyong sagutang papel.

Timog Asya Kanlurang Asya

Pinakamahalagang
salik o pangyayari sa
pag-usbong ng
nasyonalismo at
pagtamo ng kalayaan

13 PIVOT 4A CALABARZON AP G7
A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sumulat ng isang sanaysay sa pahayag ni
Mahatma Gandhi. Isulat ang iyong sanaysay sa espasyo na nasa ilalim:

“Mas malakas ang puwersa ng walang karahasang lumalaban, Malaya sa poot


at walang armas na kailangan.”

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________.

Rubric sa Pagmamarka ng Sanaysay

Pamantayan Deskripson Puntos

Pagtatalakay Naglalaman ng pagkaunawa


sa naganap na kolonyalismo
at imperyalismo. Naiugnay
4
ito sa nangyayari sa kasalu-
kuyang panahon.

Nilalaman Nauunawaan ang daloy at


maayos na naipahayag ang
4
kaisipan.

Teknikalidad Nakasunod sa pamantayan


sa pagsulat ng sanaysay
tulad ng paggamit ng ta- 2
mang bantas, pananda, at
kaayusan ng pangungusap.

Kabuuan 10 Puntos

PIVOT 4A CALABARZON AP G7 14
WEEK

Ang Karanasan at Implikasyon ng Digmaang 4


Pandaigdig sa Kasaysayan ng mga Bansang
Asyano; at Ang Kaugnayan ng Iba’t ibang
Ideolohiya (Ideolohiya ng Malayang Demokrasya,
Sosyalismo at Komunismo) sa mga Malawakang
Kilusang Nasyonalista
Aralin

I
Sa araling ito, tatalakayin ang karanasan at implikasyon ng digmaang
pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano at ang kaugnayan ng iba’t
ibang ideolohiya (ideolohiya ng malayang demokrasya, sosyalismo at komunismo)
sa mga malawakang kilusang nasyonalista.
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang: (a) natatalakay ang mga
mahahalagang pangyayari sa Timog at Kanlurang Asya sa Dalawang Digmaang
pandaigdig, (b)nasusuri ang epekto ng mga digmaang pandaigdig sa pag-aangat
ng mga malawakang kilusang nasyonalista at (c) nakapagpapaliwanag sa naging
kaugnayan ng iba’t iabang ideolohiya sa mga malawakang kilusang nasyonalista.

Ang Timog at Kanlurang Asya sa Dalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay sumubok sa pagpapakita


ng nasyonalismo ng mga lider nasyonalista mula sa mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya. Ang dalawang digmaang ito ay nagkaroon ng malaking epekto sa
pamumuhay ng mga Asyano.

Unang Digmaang Pandaigdig (1914-1918)

Sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig noong Hulyo 28, 1914. Ang
digmaang ito ay tunggalian ng dalawang magkakaalyansang bansa. Ang alyansa
ng Germany, Austria-Hungary at Italy ay tinawag na Central Powers. Samantala,
ang alyansa binuo ng Russia, Great Britain at France ay tinawag namang Allies.

Nakasentro man ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Europa,


nakaapekto pa rin ito sa Asya. Gaya na lamang sa India na ang mga
nasyonalismo at pangkalayaang mga kilusan ay nagkaisa at tumulong sa panig
ng Allies. Kaalinsabay nito ay ang pagkakaisa ng mgg Muslim at Hindu.

Samantala, ang bansang Iran ay nagdeklara na walang papanigan sa mga


bansang sangkot sa Unang Digmaang Pandaigdig ngunit napasakamay ng Russia
at Great Britain ang ilang teritoryo sa Iran. Dahil dito, ginamit ng Russia at Great
Britain ang Iran upang maisagawa ang isang pag-atake sa Ottoman Empire na
nakipag-alyado sa Germany. Nagdulot ng malawakang pagkasira ng mga
pamayanan, ari-arian, pagkamatay ng maraming mamamayan at pagkagutom ang
pangyayaring ito. Sa kabila nito ay walang pagkilos na ginawa ang Iran na
nagtulak sa mga mamamayan nito na maglunsad ng isang pag-aalsa para
makamit ang kanilang kalayaan.

15 PIVOT 4A CALABARZON AP G7
Noong 1919, hiniling ng Great Britain sa punong ministro ng Iran na
lumagda sa isang kasunduan na magbibigay ng malawak na kapangyarihan sa
pagkontrol sa bansang Iran. Sa ilalim ng kasunduang ito, magiging ganap na
protektadong bansa ang Iran ng Great Britain. Ang pangyayaring ito ang naging
dahilan ng upang magalit ang mga nasyonalista sa Iran sa kanilang pamahalaan.
Dahil sa mga pagkilos ng mga nasyonalista, napigilan ang kasunduang ito noong
1926.

Isa sa mga naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig a ang pagpasok


ng mga Kanluranin sa Kanlurang Asya. Lalong naging interesado ang mga
Kanluranin sa mga bansa sa Kanlurang Asya nang madiskubre ang mga mina ng
langis dito. Samantala, napasailalim naman ng mandato ng France ang Syria at
Lebanon habang napasailalim ng mandato ng France ang Palestine. Ang mga
lokal na pamamahala sa mga bansang ito ay nanatili ngunit pinamahalaan ng
mga dayuhan ang aspetong pang-ekonomiya.

Noong 1917, ipinalabas ng mga Ingles ang Balfour Declaration. Nagsasaad


ito na ang Palestine ay bubuksan sa mga Jew o Israelite upang maging tahanan.
Naging dahilan ito ng hidwaan sa pagitan ng mga Muslim at Jews na noon ay
nagsimula nang magsibalik sa Kanlurang Asya mula sa Europe.

Nang matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, lumakas ang


nasyonalismo sa India. Nagkaroon ng mga pagkilos laban sa mga Ingles na
nagresulta upang bigyan ito ng awtonomiya.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945)

Nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Setyembre 1939.


Noong 1942, pinangunahan ng Estados Unidos ang isang kasunduan, ang Tehran
Conference na nagsasaad na kapwa lilisanin ng Russia at Great Britain ang
bansang Iran upang ganap na maging malaya. Mayo 1946 nang simula ng Russia
na ang kaniyang mga tropa sa Iran ngunit hindi naman ito naisakatuparan
bagkus ay nagdulot pa ito ng Azerbaijan Crisis. Ang pangyayaring ito ay naging
daan sa pagkakaroon ng cold war sa pagitan ng Estados Unidos at Russia kasama
ang mga bansang kanilang kaalyado.

Ang pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay nagsilbing pag-asa


na makakamit na ang kalayaang inaasam ng mga bansa sa Timog at Kanlurang
Asya.

PIVOT 4A CALABARZON AP G7 16
Iba’t ibang Ideolohiya at ang mga Malawakang Kilusang Nasyonalista sa
Timog at Kanlurang Asya

Ang ideolohiya ay isang sistema o lipunan ng mga ideya o kaisipan na


naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig. Naaayon rin ito sa ga kultura at
kasaysayan ng bansa. Nahahati ito sa dalawang pangunahing kategorya: (1)
ideolohiyang pang-ekonomiya at (2) ideolohiyang pampolitika.
Ang ideolohiyang pang-ekonomiya ay nakatuon sa pangkabuhayan ng
bansa at paraan ng paghahati ng kayamanan nito sa mga mamamayan.
Samantala, ang ideolohiyang pampolitika ay nakatuon sa mga kaisipan na
nagsisilbing batayan at gabay kung paano paiiralin ang isang lipunan.
Demokrasya, Sosyalismo, Komunismo at Pasismo ay ilan sa mga ideolohiya ang
nabuo sa Asya.

Timog Asya

India at Pakistan

Sa bahagi ng Timog Asya, higit na naging malaki ang impluwensiya ng


demokrasya sa mga kilusang nasyonalista. Patunay rito ang bansang India na
nang mapasailalim ng mga Ingles ay naging aktibo upang muling buhayin ang
mga kaisipan at tradisyong Hindu. Noong 1906, naitatag ang Muslim League sa
pangunguna ni Muhammad Ali Jinnah. Hiniling niya na magkaroon ng hiwalay
na bansang Muslim na nagbigay daan sa pagkabuo ng bansang Pakistan na
naihayag ang kasarinlan sa bansang India noong Agosto 14, 1947.

Sri Lanka at Maliliit na Estado sa Timog Asya

Sa loob ng isa’t-kalahating dantaon ay napasailalim ng kapangyarihan ng


Great Britain ang Sri Lanka at ang buong sub-kontinente ng India. Itinatag noong
1915 ang Ceylon National Congress na namuno upang makamit ng bansa ang
kanilang kalayaan. Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
pinamunuan ni Don Stephen Senanayake, ang itinuturing na “Ama ng
Kasarinlang Sri Lanka”, ang pakikipaglaban para sa kanilang kalayaan. Pebrero
4, 1948 nang makamit ng Sri Lanka ang kanilang kasarinlan.
Sa Nepal naman, naganap ang isang mapayapang Rebolusyong People
Power noong 1990 . Noong Disyembre 24, 2007, ipinahayag ng Nepalese
Constituent Assembly na bubuwagin na ang monarkiya sa 2008 pagkatapos ng
eleksyon sa Asemblea. Naideklarang Federal Democratic Republic ang Nepal
noong Mayo 28, 2008.
Kanlurang Asya

Israel

Noong 1897, itinatag ni Theodor Herzl ang Kilusang Zionismo na naglayong


makabalik ang mga Hudyo sa kanilang lupain. Libo-libong migranteng Hudyo ang
nagtungo sa Palestine at muling nanirahan doon. Ikinagalit ito ng mga
Palestiniang Arab kaya noong 1921, inayos ng mga British ang usaping ito sa
pamamagitan ng paghahati sa Palestine. Nagkaroon ng dalawang estado ang
Palestine - isa para sa mga Hudyo at ag isa ay para sa mga Arab.

Naihayag na malayang nasyon ng ang Israel noong Mayo 14, 1948 sa


pamumuno ni Tel-Aviv, ang unang Punong Ministro ng Republika ng Israel.

17 PIVOT 4A CALABARZON AP G7
Iraq

Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay napasakamay ng


Great Britain ang pamamahala sa Iraq at Palestine. Sumiklab ang nasyonalistang
pag-aalsa sa Baghdad at nahirapan ang mga British na masupil sa mga ito.
Upang mahikayat na pumanig ang mga ito sa hukbong British, pumayag ang mga
British sa kahilingan ng mga nasyonalistang Iraqi na ipagkaloob sa kanila ang
kanilang at itatag ang Kaharian ng Iraq at iluklok si Faisal bilang hari. Nakamtan
ng Iraq ang kanilang kasarinlan noong 1932 ngunit kontrolado pa rin ng mga
kanluraning kompanya ang mga ndustriya ng langis.
Nagpatuloy ang mga kaguluhan sa Iraq. Nang mamatay si Haring Faisal
noong 1933. Magkakasunod ang mga madudugong kudeta sa bansa. Napuno ng
karahasan ang pamamaraan ng pamahalaan at makailang ulit na nagpalit ng mga
administrasyon. Nangyayari ito sa pamamagitan ng karahasan, pananakot at at
digmaan. Ang pwersa ng militas ang siyang nanguna sa bansa .

Saudi Arabia

Ang mga hindi makatarungang patakaran gaya ng labis na pagpapataw ng


buwis ang naging dahilan na maghangad ang mga Arab ng kalayaan sa mga Turk.
Sa pangunguna nina Muhammad Ibn Saud at Muhammad Ibn Abd-al-Wahhab,
naitatag ang ang isang alyansang politikal na naging pundasyon ng dinastiyang
namumuno sa Saudi Arabia.
Ang modernong Kaharian ng Saudi Arabia, ay likha ni Haring Abdul Aziz
Ibn Saud. Ginawa niyang lider ng kilusang makabayan ang kaniyang sarili at
inihayag rin ang sarili bilang hari ng Saudi Arabia noong 1932.
Hindi kinikilala sa Saudi Arabia ang demokrasya at hindi tinatanggap ng
absolutong monarkiya ng Saudi Arabia ang mga pagtutol mula sa mga
mamamayan.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Ilagay sa diagram sa ibaba ang mga
kinakailangang datos kaugnay ng mga naging epekto ng una at ikalawang
digmaang pandaigdig.

EPEKTO NG MGA DIGMAANG PANDAIGDIG SA PAG-UNLAD


NG NASYONALISMONG ASYANO SA TIMOG AT KANLURANG

UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG IKALAWANG DIGMAANG


(1914) PANDAIGDIG (1939 )

EPEKTO EPEKTO

KANLURANG TIMOG ASYA KANLURANG TIMOG ASYA


ASYA ASYA

PIVOT 4A CALABARZON AP G7 18
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon
na maging pinuno, anong ideolohiya ang iyong isusulong na makapagdudulot ng
transpormasyon sa ating bansa? Bakit ito ang iyong napili?

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Anu-ano ang mga pangyayaring naganap bago at matapos ang dalawang


digmaang pandaigdig sa Timog at Kanlurang Asya?

2. Sa kabuuan, paano naapektuhan ng dalawang digmaang pandaigdig ang mga


bansa sa Timog at Kanlurang Asya?

3. Sa kabuuan, paano mo mailalarawan ang mga naging epekto ng mga digmaang


pandaigdig sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?

19 PIVOT 4A CALABARZON AP G7
WEEK
5 Mga Samahang Pangkababaihan at mga
Kalagayang Panlipunan
Aralin
I
Nasaksihan at naranasan ng mga kababaihan ang mga karahasan at hindi
pagkakapantay-pantay sa lipunan. Dahil dito, nakita nila ang kahalagahan ng
pagbuo ng mga samahan na magsusulong sa kanilang mga karapatan. Sa araling
ito, ating matutunghayan ang paanong ang mga kababaihan ay nanindigan upang
itaguyod hindi lamang kanilang mga karapatan ngunit maging karapatan ng
karamihan sa Timog at Kanlurang Asya.

Sa araling ito, inaasahan na natatalakay ang mga pangyayari na naging


daan sa pagbuo ng samahan ng mga kababaihan na nagsulong ng kanilang mga
karapatan, natutukoy mo ang mga naging hakbang ng mga kababaihan tungo sa
pagkakapantay-pantay sa pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang
pampolitika, at napahahalagahan ang naging kontribusyon ng mga kababaihang
Asyano sa lipunan.

Epekto ng mga Samahang Kababaihan at ng mga Kalagayang Panlipunan sa


Buhay ng Kababaihan Tungo sa Pagkakapantay-pantay, Pagkakataong
Pang-ekonomiya at Karapatang Pampolitika

Timog Asya

India

Sa loob ng mahabang panahon, ang kababaihan sa India ay nakaranas ng


hindi pantay na pagkilala sa kanilang lipunan. Dahil dito, naging aktibo ang mga
kababaihan sa pagbuo ng mga samahan na magtataguyod ng reporma sa lipunan.
Isa sa mga nabuong samahan ng kababaihan sa India ay ang Bharat Aslam ni
Keshab Chunder Sen ng Bramo Samaj (1870), ang Arya Mahila Samaj na itinatag
ni Pandita Ramabai at Justice Ranade (1880), Bharat Mahila Parishad (1905) at
Anjuman-e-Khawatin-e-Islam na itinatag ni Amir-un-Nisa. Ang mga kilusang ito ay
nakatuon sa pagsulong ng karapatan ng mga kababaihan sa edukasyon.

Sa pagsulong naman ng karapatan ng kababaihan sa paggawa,


rekonstruksyon ng mga kanayunan at batas ukol sa bata o maagang
pagpapakasal ay itinaguyod naman ng All India Women’s Conference.

Samantala, ang All Indian Coordination Committee ay tumutok naman sa


isyu ng mga benepisyo sa pagbubuntis, pantay na pasahod at mga pasilidad ng
daycare. Nabigyang pansin din sa ptulong ng Indian Factory Act noong 1891 ang
hindi makatarungang bilang ng oras ng pagtatrabaho ng mga kababaihan.

PIVOT 4A CALABARZON AP G7 20
Sarojini Naidu

Isa rin sa mga nagsulong ng karapatan ng mga kababaihan ay si Sarojini


Naidu. Pinamunuan niya ang Women’s India Association na naglalayong mabigyan
ng karapatan ang mga kababaihan na bumoto. Taong 1950, nabigyan ng
karapatan ang mga kababaihan sa India na bumoto. Naisulong din ang Factories
Act noong 1948 na nagbawal sa mga kababaihan na magtrabaho sa mga
delikadong mga makinarya. Noong 1952, naipatupad ang Mine’s Act na nagtalaga
ng hiwalay na palikuran para sa mga lalaki at babae. Dahil naman sa Hindu
Marriage Act ng 1955 naging legal ang diborsyo.
Marami pang mga samahan ang binuo sa India na nagsulong ng kanilang
mga karapatan, proteksyon sa karahasan at katarungan sa lipunan.

Pakistan

Ang kababaihan sa Pakistan ay aktibo sa pagsulong ng kanilang mga


karapatan. Ang mga kababaihang Muslim ay aktibo sa pagsulong ng mga
pagbabago sa edukasyon sa panguguna ni Syed Ahmed Khan. Naging aktibo rin
ang mga kababaihan sa Pakistan sa Kilusang Khilafat bilang pagsuporta kay
Turkish Khilafat na naging simbolo ng pagkakaisa ng mga Muslim. Ninais ng mga
kababaihan sa Pakistan ang isang malayang bansa kaya’t sila ay naging aktibo sa
pakikiisa sa mga samahang nagsusulong ng kalayaan.
Noong 1973, nagkaroon ng pagbabago sa pagtingin sa kababaihan sa
Pakistan sa ilalim ng pamumuno ni Zulfiqar Ali Bhutto. Sa tulong ng Saligang
Batas ay nabigyan ng pantay na karapatan ang mga kababaihan at nailaan sa
mga sa kanila ang sampung posisyon sa National Assembly at sampung bahagdan
(10%) sa Asembleang Panlalawigan. Nabigyan rin ang mga kababaihan ng
karapatan na mahalal sa matataas na posisyon.
Ilan pa sa mga naitatag na samahan na naglayong maitaguyod ang
karapatan ng kababaihan sa Pakistan ay ang mga sumusunod: United Front for
Women’s Rights (UFWR), ang Women’s Front, Aurat at Shirkat Gah na naging
instrumento upang maitatag ang Women’s Action Forum (WAF). Ang mga
samahang ito ay nangalaga sa mga karapatan ng kababaihan at nakipagpulong sa
mga pinuno ng pamahalaan at partidong politikal sa mga isyu ng kababaihan. Sa
tulong ng WAF, nagtagumpay ang Sindhian Tehrik, isang partidong politikal sa
Sindh ay nagtagumpay sa kanilang layunin laban sa maagang pag-aasawa,
poligamiya at ang karapatan sa pagpili ng mapapangasawa.
Sa kabila ng patuloy na pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan sa
Pakistan, naging kritikal ang mga ito dahil sa kahinaan ng civil society at mga
partidong politikal, maging ang mapaniil na kapasidad ng estado.

21 PIVOT 4A CALABARZON AP G7
Sri Lanka

Ang digmaang sibil na kinasangkutan ng bansang Sri Lanka ay nagdulot ng


paglabag sa mga karapatan ng mga kababaihan. Hindi naging aktibo ang mga
kababaihan sa mga gawaing politikal. Pumapangalawa lamang sila sa mga kalalakihan
sa mga papel na ginampanan sa sistemang politikal.

Noong eleksyon ng 1994, hiniling ng mga kababaihan sa mga partidong politikal


na magnomina ng mas maraming kababaihan na magsusulong ng mga plataporma
kaugnay ng karapatan ng mga kababaihan. Hiniling nila ito dahil sa patuloy na mga
karahasang nararanasan ng mga kababaihan.

Pinalakas ng People’s Alliance ng probisyon ng Kodigo Penal na may kinalaman


sa pang-aabuso sa kababaihan kabilang na ang mga batas na may kinalaman sa
panggagahasa at sexual harassment. Sa bagong pamahalaan, naihirang ang tatlong
kababaihang ministro at apat na deputy ministers sa gabinete.

Noong 1984, naitatag ang Mother’s Front bilang protesta sa pagkawala ng miyembro ng
isang pamilya na inaresto at kinulong ng mga sundalo. Samantala, upang maisulong
ang aktibong partisipasyon ng mga kababaihan sa politika, itinatag ang Sri Lanka’s
Women’s NGO Forum.

Sumalakay noong 1983 ang ang mga militanteng gerilya na tinawag na LTTE o
Liberation Tigers of Tamil Eelam) na nagdulot ng digmaang sibil. Nais na LTTE na
magkaroon ng malayang estado ng Tamil sa Sri Lanka. Taong 1983, itinatag ng LTTE
ang Women’s Front of the Liberation Tigers. Maraming kababaihan ang umanib dito na
nagpalaganap ng mga propaganda, panggagamot at paghahanap ng pondo. Kinalauan,
ang mga kababaihan ay naging aktibo na rin sa pakikipagdigma gaya ng mga
kalalakihan. Binigyang diin ng kababaihan ng LTTE ay pagpapakita ng pagtutol sa
anumang opresyon at hindi makatarungang kilos ng lipunan.

Ang mga kababaihan ng Sri Lanka, ang digmaang sibil ay naging hudyat ng
pagkakaroon ng panibagong direksyon ng isyu ng kababaihan. Ang Women for Peace
na itinatag noong Oktubre 1984 ay naging tagapagbantay sa militarisasyon ng Sri
Lanka.

Bangladesh

Taong 1970, naitatag sa Bangladesh ang makakaliwang Mahila Parishad.


Itinuring ito na pinakamalaking samahan ng mga kababaihan sa bansa. Ang
samahang ito ay may kapangyarihan na makaimpluwensiya sa pagpapatupad ng
mga polisiya ng pamahalaan. Dahil sa mga pangyayari sa bansang Bangladesh
simula pa noong 1980, dumami pa ang mga samahan na binuo ng mga
kababaihan. Ang mga samahan ng mga kababaihan ay naging instrumento rin
upang mapatalsik si Hussain Ershad noong 1990 na ginamit ang
impluwensiya upang mamolitika gamit ang relihiyong Islam at pagsikil sa
demokrasya.

Sa tulong ng United Women’s Forum, hiniling ng mga kababaihan ang


ratipikasyon ng CEDAW o ang Convention on the Elimination of all forms of
Discrimination Against Women ang magkakaparehong Kodigo Sibil at dagdag na
kota ng kababaihan sa serbisyo sibil. Naitatag din ang Collective Women’s Platform
na nagsulong na mapigilan ang karahasan laban sa mga kababaihan.

PIVOT 4A CALABARZON AP G7 22
Kanlurang Asya

Arab Region

Sa mga bansa sa Arab Region, halos walang pinagbago ang partisipasyon ng


mga kababaihan sa pulitika at paghahanapbuhay. Kinakailangan pa ring
ipaglaban ng mga kababaihan ang kanilang mga karapatan laban sa mga pang-
aabuso at hindi pantay na pagkilala sa lipunan. Halimbawa nito ay ang
pagbabawal sa mga kababaihan na makilahok sa eleksyon.

Sa pamamagitan ng Isha L’lsha-Haifa Feminist Center, isinulong ang


implementasyon ng Security Council Resolution 1325 na humikayat sa mga
kababaihan na makiisa sa negosasyon ata talakayan tungkol sa sigalot ng Israel
at Palestine. Sa tulong nito ay natulungan na maimulat ang mga kababaihan sa
epekto ng sigalot at kung paano mapapangalagaan ang kanilang karapatan.

Samantala, sa Israel ay maraming samahang pangkababaihan ang naitatag at


naging aktibo. Karamihan sa kanila ay nakikipagdayalogo sa mga kababaihang
Palestinian upang masolusyunan maging daan sa kapayapaan.

Sa kabila ng pangingibabaw ng mga karapatang ng kalalakihan, nakilala ang


maraming mga NGO sa rehiyong Arab dahil sa pagsusulong nila ng karapatang
pangkababaihan. Ang mga kababaihan sa Bahrain,Oman at Qatar ay
nagtagumpay sa pakikibaka na mabigyan ng karapatang bumoto. Naibigay rin sa
mga kababaihan ng Egypt at Jordan ang karapatan sa diborsyo at ang karapatan
naman bilang mga mamamayan ng mga kababaihan sa Bahrain, Egypt at
Lebanon ay ibinigay din.

Sa Jordan, nanguna si Reyna Rania Al-Abdulla sa panagangampanya laban


sa pang-aabuso sa kababaihan. Ang pagsusulong naman ng batas pampamilya at
pagbabawal sa pagkapon sa mga kababaihan ay isinulong ng National Council on
Women sa pangunguna ni Susan Mubarak. Sa UAE, nabigyan ng ng karapatan
ang mga kababaihan na makapag-aral sa kolehiyo at magkaroon ng karapatang
ekonomiko sa pangunguna ni Sheikha Fatima Bint Mubarak. Ang mga nabanggit
na mga naging Unang Ginang ng mga bansa ito ay naging daan upang
masolusyunan ang mga kinahaharap na isyu ng kababaihan.

Sa pamamagitan ng mga kababaihan sa Egypt, Lebanon, Palestine, Qatar,


UAE at Yemen, inilunsad ang Arab Women Connect noong 2000. Ito ay isang
pangrehiyong network upang maisulong ang kamalayan ng mga kababaihan sa
kanilang mga karapatan.

Ang mga kababaihan sa rehiyong Arab ay patuloy na naging aktibo sa


pagsusulong ng mga karapatan ng kababaihan at paglaban sa mga karahasan
laban sa kanila. Ang mga samahan na ito ay nagmulat sa mga kababaihan sa
kanilang mga kakayahan at karapatan sa lipunan.

Araling Asyano, Araling Panlipunan - Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon,


2014, pp. 259-264)

23 PIVOT 4A CALABARZON AP G7
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Punan ang mga hinihinging datos sa tsart. Isulat
ang iyong mga sagot sa isang malinis na papel.

Bansa Tagapagtatag/ Samahang Layunin


Pangkababaihang
Pinuno
naitatag

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Punan ang dayagram ng mga kinakailangang
datos. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Naging Epekto ng mga Samahan ng mga Kababaihan sa Timog


at Kanlurang Asya

Pang-ekonomiya Karapatang
Pagkakapantay-
pantay Pampolitika

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumupit mula sa mga lumang magazine o
larawan o gumuhit ng larawan ng isang babaeng iyong hinahangaan na naging
kilala sa lipunan o nagsilbing inspirasyon sa karamihan dahil sa kanyang ginawa.
Sa ilalim ng larawan, ipaliwanag mo kung bakit siya naging inspirasyon sa iyo at
sa karamihan. Gawin ito sa isang malinis na papel.

PIVOT 4A CALABARZON AP G7 24
WEEK

Pagwawakas ng imperyalismo at ang mga 6


Relihiyon at Kultura sa Timog at Kanlurang Asya
Aralin

I
Nasyonalismo ang isa sa may pinakamalaking impluwensiya sa naging
paglaya ng mga bansang Asyano mula sa imperyalismo at kolnyalismo ng mga
dayuhang bansa.

Sa araling ito inaasahan na matutukoy mo ang mga lider nasyonalista at


ang kanilang kontribusyon sa kani-kanilang bansa sa Timog at Kanlurang Asya,
nasusuri ang iba’t-ibang pamamaraan kung paano nilabanan ng mga Asyano ang
mga mananakop sa Timog at Kanlurang Asya at napahahalagahan ang bahaging
ginampanan ng relihiyon sa iba’t-ibang aspeto ng pamumuhay.

Mohandas Gandhi Humingi ng ng kalayaan ng India na


hindi gumagamit ng karahasan, pag
boycott sa mga produktong Ingles,
pagsasagawa ng civil disobedience o
di pagsunod sa pamahalaan at hunger
strike.

Mohammad Ali Jinnah Namuno sa Muslim League na may


layunin ng hiwalay na estado para sa
mga Muslim at ihiwalay o makalaya
ang Pakistan sa India.

Mustafa Kemal Ataturk Nagbigay daan sa Kalayaan ng Turkey


sa kabila ng pagbabalak na paghati-
hatian ng mga Europeo ang bansa.
Nagpatawag ng pambansang halalan at
namuno sa turkong militar na hingiin
ang Kalayaan ng Turkey sa mga
Europeo.

25 PIVOT 4A CALABARZON AP G7
Ayatollah Rouhollah Mousari Namuno sa pagkilos sa Iran at
bumatikos sa kanilang Shah dahil sa
Khomeini
mga karahasan sa mamamayan,
pagpanig nito sa mga dayuhan at pag-
suporta sa Israel.

Ibn Saud Tinalo ang kanyang katunggali sa pa-


mumuno at tinipon ang halos ka-
buuan ng tangway ng Arabia at iti-
nalagang hari ang sarili at
pinangalanang Saudi Arabia ang
kanyang kaharian. Binigyangn ng oil
concession ang isang kompanya ng
bansang United States. Naging neutral
siya noong Ikalawang Digmaang Pan-
daigdig at hindi rin seryosong nakialam
sa digmaang Arab-Israel.

RELIHIYON AT KULTURA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

Karamihan sa mga pangunahing relihiyon at pilosopiya sa mundo ay


nagmula sa Asya. Malaki ang ginampanan ng relihiyon sa naging pamumuhay ng
mga Asyano at maging sa kasalukuyan. Sa Timog at Kanlurang Asya, nakilala ang
ilang mga relihiyon na malaki ang naging epekto sa kasaysayan at pamumuhay
ng mga mamamayan nito, partikular na sa India at Afghanistan.

Sa India, noong 1829 ay ipinagbawal ng mga Ingles ang pagsasagawa ng


suttee o sati. Ito ay isang tradisyong Hindu kung saan isinasama ang byuda sa
pagsunog ng labi ng asawang lalaki. Ikinuwento sa aklat ni Mateo na Asya: Pag-
usbong ng Kabihasnan si Roop Kanwar na isang 18 taong gulang na babae na
nagsagawa ng sati. Ang pangyayaring ito ay naging dahilan ng pagtatalo sa
usaping modernisasyon at tradisyon. Binatikos ng mga bansang Kanluranin ang
gawaing ito, maging ng mga feministang Hindu. Subalit, kinilala naman at
sinamba ng mga debotong Hindu si Roop Konwar bilang diyosa. Ipinadakip ang
mga tumulong kay Kanwar na isagawa ang sati ngunit makalipas ang 9 na taon
ay nakalaya rin ang mga ito dahil pagkilala ng korte sa sati bilang isang tradisyon
ng lipunan.

PIVOT 4A CALABARZON AP G7 26
Afghanistan
Sa bansang ito naman ay minsang nangibabaw ang pangkat ng mga
Taliban. Ang Taliban ay grupo ng mga radikal na Muslim na nagpapatupad ng
mga kautusan laban sa mga kababaihan tulad ng pagsuot ng bruka o ang
tradisyunal na pananamit na tumatakip sa buong katawan, pagsusuot ng mga
belo na tumatakip maging sa kanilang mga mata. Sa panahon ng pamamayagpag
ng grupo ng mga Taliban, inalis ang mga karapatan ng mga kababaihan sa
pagboto, pag-aaral, pagtatrabaho at pagtanggap ng mga benepisyong
pangkalusugan.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Kumpletuhin ang mga hinihingingg impormasyon
sa Data Retrieval Chart. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

Nasyonalista Bansa Pamamaraan o


Ginawa para makamtan ang kalayaan

Mohandas Gandhi

Mohammad Ali Jinnah

Mustafa Kemal
Ataturk
Ayatollah Khomeini

Ibn Saud

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Pumili ng dalawang pinuno mula sa tinalakay na
aralin na sa tingin mo ay magkasalungat ang pamamaraan sa pamumuno at
pagtataguyod ng kalayaan ng kanilang bansa. Isulat sa loob ng Venn Diagram ang
sagot.

Halimbawa
Tinuruan ng Halimbawa Halimbawa
mga taga-
India na ita- Kapwa itinaguyod ni Nagpalabas ng fatwa
Gandhi at Khomeini
guyod ang sa Tehran radio na
ang Kalayaan
Kalayaan na nagbigay ng pa-
hindi ng kanilang bansa rusang kamatayan
gumagamit ng sa isang ingles.
karahasan

27 PIVOT 4A CALABARZON AP G7
Pamantayan sa pagmamarka ng sagot
Nilalaman Maayos at naayon sa tanong 4
Kaangkupan Angkop at nakaka-engganyo sa bumabasa 3
Kahusayan Diresto sa ideyang nais ipahayag 3
Kabuoan 10

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumawa ng isang Venn Diagram upang


maipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng naging epekto ng relihiyon sa
pamumuhay ng mga mamamayan sa Timog at Kanlurang Asya . Gawin ito sa
isang malinis na papel.

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel.

1. Sa iyong palagay, paano naaapektuhan ng relihiyon ang pamumuhay ng isang


tao?
2. Kung hindi nabuhay ang damdaming makabayan sa mga Asyano noong
panahon ng pananakop ng mga kanluranin, ano sa iyong palagay ang
kalagayan ng buhay ng mga mamamayan sa mga bansang ito?

PIVOT 4A CALABARZON AP G7 28
WEEK
Ang Mga Pagbabagong Pang-Ekonomiya, 7
Antas ng Pag-unlad at Neokolonyalismo sa
Timog at Kanlurang Asya
Aralin
I
Sa araling ito, matatalakay ninyo ang mga pagbabagong pang-ekonomiya,
antas ng pag-unlad at ang paglitaw ng neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya.
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang: a) natutukoy ang mga anyo at tugon
sa neokolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya, b) naiuugnay ang mga
kasalukuyang pagbabagong pang-ekonomiya na naganap/nagaganap sa
kalagayan ng mga bansa, at c) natataya ang pagkakaiba-iba ng antas ng
pagsulong at pag-unlad ng Timog at Kanlurang Asya gamit ang estadistika at
kaugnay na datos.

MGA NAGANAP NA PAGBABAGO SA EKONOMIYA AT ANTAS NG PAG-UNLAD


NG ILANG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

Maraming pagbabagong pang-ekonomiya ang naganap sa Asya matapos


ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pinagsumikapan ng mga Asyano na harapin
ang mga hamong dala ng pagtatamo ng kalayaan sa pagpapaunlad ng kaniya-
kaniyang bansa. May mga bansang Asyano ang agarang nakabangon,
samantalang ang iba ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang at pagsisikap
upang matamo ang inaasam na pag-unlad ng ekonomiya.
May iba’t ibang salik na nakaapekto sa antas ng pag-unlad at pagsulong ng
mga bansa sa Asya. Ang mga salik na ito ay ang heograpiya, likas na yaman,
lakas-paggawa, teknolohiya, puhunan at higit sa lahat ang katatagang politika ng
isang bansa. Dahil sa mga salik na ito, magkakaiba ang naging antas ng
pagsulong at pag-unlad ng mga bansa sa Asya partikular na sa Timog at
Kanlurang Asya.

INDIA

Naipatupad rito noong 1992 ang Look East Strategy, isang patakarang
pang-ekonomiya na kaugnay sa ugnayang panlabas ng bansa. Sa pamamagitan
nito, tumibay ang ugnayang pangkalakalan at pamumuhunan sa pagitan ng India
at mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya lalo na sa mga bansang kasapi
ng ASEAN. ANg pagpapatupad nito ay isang kakbang ng India tungo sa
globalisasyon. Ang mga Amerikano ay naglagay ng kanilang puhunan at kapital
sa India dahil dito. Binago rin ang sistema ng pagbubuwis at pagkontrol sa
pagluluwas ng mga produktong pangkalakal nito.

Pinahintulutan rin ang pamumuhan sa lahat ng industriyang pang


imprastraktura, kuryente, telekomunikasyon, paliparan at sektor ng pananalapi.
Napaunlad rin ng bansa ang paggawa ng mga produktong may kinalaman sa
Information Technology.

29 PIVOT 4A CALABARZON AP G7
Dahil sa mga pagbabagong ito, nabuksan ang ekonomiya ng India sa
daigdig. Ang pag-unlad sa pagluluwas ng mga produkto ay nakatulong upang
itaas ang kaniyang ambag sa pandaidigang kalakakan. Nabawasan rin ang
panlabas na pagkakautang ng bansa, subalit nananatili pa rin na suliranin ang
laganap na kahirapan at di pantay na pagpapasahodn sa mga manggagawa.

Sa kabuuan, napaangat ng India ang ekonomiya at antas ng pamumuhay


sa bansa dahil sa paglaganap ng industriyalisasyon, pakikipagkalakalan sa ibang
bansa, pagkakaroon ng mga Indian ng kasanayang kailangan sa mga pabrika,
industriya at mga korporasyon, pagiging buas na pamilihan dahil sa mga
multinational na kompanya na naglagay ng kanilang mga puhunan at
pagkakaroon ng mga plantang nukleyar na nagbibigay ng enerhiya ng bansa. Ang
mga ito ang nakatulong sa pagsulong at pag-unlad ng pamumuhay sa India.

PAKISTAN

Ninanais ng Pakistan na maibigay sa mga tao ang mga pangunahing


serbisyo gaya ng trabaho, kalusugan at edukasyon. Dahil dito llumikha ang
pamahalaan nila ng mga batas upang mabantayan ang mga pribadong sektor na
katuwang nito sa pagbibigay ng mga nasabing serbisyo.

Patuloy na umunlad ang industriya ng Pakistan maging ang mga


imprastraktura nito sa kabilang ng pagiging agrikultural na bansa nito.
Nakatulong din sa pag-unlad nito ang mga tulong mula sa mga mangagawang
nagtatrabaho sa ibang bansa at ang pagpapalakas sa kanilang depensa.

KANLURANG ASYA

Ang Kanlurang Asya ay kilala dahil sa mga mina ng langis na matatagpuan


dito. Nangunguna rito ang mga bansang Saudi Arabia, Iraq, Kuwait at Iran dahil
sa taglay nitong malaking reserba ng mina ng langis at natural gas.Naging
maunlad ang mga bansa sa rehiyong ito dahil sa industriya ng langis.

SAUDIA ARABIA

Ang pangunahing industriya sa bansang ito ay ang industriya ng langis.


Nang matuklasan ng Saudi Arabia ang desalinasyon (pag-aalis ng asin sa tubig
mula sa dagat), ginamit ang tubig sa prosesong ito sa mga tahanan, industriya, at
paghahalaman. Nakapagtayo rin ng mga dam upang makapag-imbak ng tubig
para sa mga irigasyon na makakatulong sa produksyon ng pagkain.

Ang pagpapaunlad ng sistema ng ng transportasyon, komunikasyon at


mga imprastraktura ay ilan sa manipestasyon ng pag-unlad ng bansang ito.
Nakapagpagawa sila ng mga kalsada, pabrika, at industriya. Maroon din itong
tatlong magandang Paliparan ang naipatayo sa mga lungsod ng Dharan, Jeddah
at Riyadh.

PIVOT 4A CALABARZON AP G7 30
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Lagyan ng wastong impormasyon ang concept
web. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Mga dahilan ng pagkakaiba ng


antas ng pag-unlad ng mga bansa

E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Hango sa talahanayan 1 at 2, sagutin ang mga
katanungan na nasa ibaba. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang ibig sabihin ng mga datos sa Talahanayan 1 at 2?


2. Mula sa talahanayan 1 at 2, ano ang inyong napansin tungkol sa antas ng
kabuhayan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?
3. Ano-ano ang bansang may pinakamataas at pinakamababang GDP per capita
noong 2005 at GDP % growth noong 2006-2007 ayon sa talahanayan 1 at 2?
4. Paano nakaapekto ang pagkakaiba ng antas ng pagsulong at pag-unlad sa
kasalukuyang kalagayan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya?
Talahanayan 1:
GDP Per Capita (2005) ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya

Bansa GDP Per Capita Bansa GDP Per Capita (2005) in


(2005) in US Dollar US Dollar
Bangladesh 2,100 Saudi Arabia 12,800
Bhutan 1,400 Israel 24,600
Nepal 1,400 Afghanistan 800 (2004)
Pakistan 2,400 Qatar 27,400
Sri Lanka 4,300 Turkey 8,200
India 3,300 UAE 43,400
Kuwait 19,200 Lebanon 6,200
Yemen 900 Bahrain 23,400
Oman 13,200 Iran 8,300
Jordan 4,700 Syria 3,900
Iraq 3,400

31 PIVOT 4A CALABARZON AP G7
Talahanayan 2:

GDP % Growth (2006-2007) ng mga bansa sa


Timog at Kanlurang Asya

Bansa GDP % Growth Bansa GDP % Growth


2006-2007 2006-2007
Afghanistan 23.86 Maldives 12.96
Bahrain NA Nepal 14.19
Bhutan 16.40 Oman NA
India 27.80 Pakistan 13.19
Iran 21.56 Qatar NA
Iraq NA Saudi Arabia 7.02
Israel 13.9 Sri Lanka 14.40
Kuwait NA Turkey 24.00
Lebanon 5.46 Yemen 18.4

http://www.geohive.com

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagutin angkatanungan sa ibaba. Isulat ito sa
isang malinis na papel.

Sabihin natin na ikaw ay isang Pangulo ng isang mahirap at bagong tatag na


bansa, ano ang magiging tugon mo sa neokolonyalismo, tatanggapin mo ba ito o
hindi? Bakit?

Paliwanag:
_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

PIVOT 4A CALABARZON AP G7 32
WEEK
Mga Kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa
Kulturang Asyano 8
Aralin
I
Sa kabila ng naranasang pananakop ng mga Kanluraning bansa, naipakita
ng Asya ang sarili nitong pagkakakilalnlan, katalinuhan at kakayahan sa iba’t-
ibang larangan.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na natutukoy mo ang mga


kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa iba’t-ibang larangan,
napahahalagahan ang ang mga kontribusyong ito at nasusuri ang
pagkakakilanlan ng kulturang Asyano batay sa mga kontrubusyong ito.

Panitikang Asyano

Rehiyon Bansa Panitikang Asyano


Timog Asya India • Sanskrit- sa wikang ito naisulat ang mga
klasikal na panitikang Indian.

Dalawang Mahalagang Epiko ng India

Mahabharata- nagsasalaysay ng pantribong


digmaan.

Ramayana- tungkol sa buhay ni Rama, ang la-


laking bida sa epiko.

• Kalidasa- ang pinakadakilang dramatist ng


India, may-akda ng Shakuntala.

• Panchatantra- pinakamatanda at pina-


katanyag na koleksiyon na naglalaman ng mga
kuwento ukol sa alamat, engkantada at pabula.

• Rabindranath Tagore- manunulat na taga


Bengal at kauna-unahang Asyano na nagwagi
noong 1913 ng Gawad Nobel para sa panitikan.

• Gitanjali- isang aklat ng mga tula.

• Golpa Guccha - koleksyon ng mga kuwento


ukol sa ordinaryong pamumuhay at dinadanas
na paghihirap ng mga tao.
Kanlurang Iran • A Thousand and One Nights o Arabian
Asya Nights- ay kuwentong Persiano na hango sa
(Persia) kuwentong Indian.

• Rubaiyat- napakagandang tula na isinulat


ni Omar Khayyam.

33 PIVOT 4A CALABARZON AP G7
Israel Shmuel Josef Agnon- siya ang kauna-unahang Hudyo
na nakatanggap ng Noble Prize sa kaniyang akda na
“The Bridal Canopy” at “A Guest for the Night”
Yehuda Anichi- nakilala sa kaniyang akda na “Songs of
Jerusalem and Myself.

Musika at Sayaw ng mga Asyano


Bansa Musika at Sayaw Instrumento
India Mahigpit ang pagtuturo sa mga • Sitar- ito ay gawa sa
nais mag-aral ng musika. pinatuyong upo at maraming
Naniniwala ang mga Hindu na kuwerdas ang pinakabantog
na instrumento.
ang pinakamadalig paraan upang
• Ragas- ito ay isang musika
makamit ang Nirvana (ganap na na nag-aalis ng sakit. May-
kaligayahan) ay sa pamamagitan roong tiyak na oras at
ng musika. panahon sa pagtugtog nito.
Mahilig ang mga Hindu sa say-
Iba pang mga instrumentong
aw, may paniniwala sila na ito ang
pang-musika na ginagamit ay
libangan ng mga diyos nila.
ang tamburin, plawta (vina) at
Makikita sa mga templong Hindu
tambol (maridangan)
ang ukit ng mga babaing
sumasayaw.
Saudi Sa mga lungsod ng Mecca, Mga Instrumentong
Ukash at Medina sa Saudi Arabia pangmusikal
Arabia mi’zafa, gussaba, mizmar,
pumupunta ang mga manunula at
tambourine.
musikero upang mag-aral at
magpakadalub-hasa sa musika.
Arkitekturang Asyano

Rehiyon Bansa Arkitekturang Asyano

Timog India Stupa- ito ay mga templong Budista na gawa sa laryo o


Asya batong may bilugang umbok na may tulis na tore.

Taj Mahal- ipinatayo ni Shah Jahan para sa kaniyang


asawa na si Mumtaz Mahal na namatay sa ikalabing-
apat nilang anak.
Kanlurang Saudi Mecca- banal na lungsod ng mga Muslim, matatagpuan
Asya Arabia sa Saudi Arabia.
Masjid o Mosque - itinuturing na pinakamahalagang
pagpapahayag ng sining Islamik.
Ribat – gusaling panrelihiyon na may parisukat na
hugis, ang entrada ay napapalamutian at sa gitna ay
may patyo.
Turbe – musoleo ng mga Shi’ite Muslim na may maliliit
na gusali na hugis bilugan, ang bubungan ay may
turret na hugis dulo ng lapis
PIVOT 4A CALABARZON AP G7 34
Pampalakasan o Sports
Rehiyon Bansa Mga Laro/Palakasan
Timog Asya India Kabaddi- Sa larong ito, gagawin lang ng magka-
bilang pangkat ay manghuhuli ng miyembro ng
katunggaling pangkat.
Baraha- popular na laro sa mga hari at maharlika
ng kahariang korte
Chess- kilala sa India bilang Chaturanga
Judo at Karate- mahalagang pananggalang ng
mga Budista sa mapanganib na paglalakbay
patungong Japan, China, at Korea na nag-
uugnay sa repleksiyong panloob ng mga Budista
sa kanilang buhay.
Kanlurang Iraq May ebidensiya na natagpuan sa kabihasnang
Asya (Mesopotamia) Sumer na mga clay tablet ng naglalaro ng buno
(wrestling) at boksing.
Iran (Persia) Pangangabayo

Syria Nakilala sa bansa si Gwada Showaa sa hurdles at


high jump.
Turkey Sa larangan ng weightlifting nakilala si Naim
Suleymanoghi na nag-uwi ng ttlong gintong
medalya.

D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Hango sa iyong natutuhan sa binasa, tukuyin
kung sa Panitikan, Arkitektura, Musika at Sayaw o Palakasan kabilang ang
mga kontribusyon sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Taj Mahal - ________


2. chess - ___________
3. ribat - _________
4. Ramayana - __________
5. A Thousand and One Nights - ________

35 PIVOT 4A CALABARZON AP G7
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ngayon naman ay iyong subukin na punan ng
mga hinihinging datos ang talahanayan upang makumpleto ang mga kahalagahan
ng mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Larangan Kontribusyon Kahalagahan nito sa


Kasalukuyan
Panitikan Panchatantra 1.
Arabian Nights 2.

Musika at Sayaw Sitar at Iba pang 3.


Instrumento
Arkitektura Taj Mahal 4.
Judo at Karate 5.

A
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Saang mga larangan nagkaroon ng kontribusyon ang mga Asyano?

2. Ikaw, bilang Asyano paano mo mabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng


Timog at Kanlurang Asya?

PIVOT 4A CALABARZON AP G7 36
PIVOT 4A CALABARZON AP G7 37
Gawain Bilang 1
1. arkitektura
Gawain Bilang 3 Gawain Bilang 2 2. palakasan
3. arkitektura
Ayon sa pagpapasya Ayon sa pagpapasya
ng guro ng guro 4. panitikan
5. panitikan
WEEK 8
Gawain Bilang 3 Gawain Bilang 2 Gawain Bilang 1
Ayon sa pagpapasya Ayon sa pagpapasya Ayon sa pagpapasya
ng guro ng guro ng guro
WEEK 7
Gawain Bilang 3 Gawain Bilang 2 Gawain Bilang 1
Ayon sa pagpapasya Ayon sa pagpapasya Ayon sa pagpapasya
ng guro ng guro ng guro
WEEK 6
Gawain Bilang 3 Gawain Bilang 2 Gawain Bilang 1
Ayon sa pagpapasya Ayon sa pagpapasya Ayon sa pagpapasya
ng guro ng guro ng guro
WEEK 5
Gawain Bilang 3 Gawain Bilang 2 Gawain Bilang 1
Ayon sa pagpapasya Ayon sa pagpapasya Ayon sa pagpapasya
ng guro ng guro ng guro
WEEK 4
Gawain Bilang 3 Gawain Bilang 2 Gawain Bilang 1
Ayon sa pagpapasya Ayon sa pagpapasya Ayon sa pagpapasya
ng guro ng guro ng guro
WEEK 3
Gawain Bilang 4 Gawain Bilang 3 Gawain Bilang 2 Gawain Bilang 1
Ayon sa pagpapasya Ayon sa pagpapasya Ayon sa Ayon sa pagpapasya
ng guro ng guro pagpapasya ng guro ng guro
WEEKS 1-2
Susi sa Pagwawasto
Personal na Pagtataya sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa
iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay
ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang
deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.

-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na


nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa
nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko
naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o
dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa Pagkatuto
Week 1 LP Week 2 LP Week 3 LP Week 4 LP
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8
Week 5 LP Week 6 LP Week 7 LP Week 8 LP
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing
nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para saWeeks 1-2,
lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ,✓, ?.
PIVOT 4A CALABARZON AP G7 38
Sanggunian

Blanco, R., Sebastian, A., Golveque, E., Jamora, A., Capua, R., Victor, A., Balgos,
S., Del Rosario, A., & Mriano, R. (2014). Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba. Department of Education: Eduresoruces Publishing, Inc.

Cruz, R.M., dl Jose M., Mangulaban, J., Mercado, M., & Ong, J.A. (2015). Araling
Asyano: Tungo sa pagkakakilanlan. Quezon City: Vibal Group Inc.

Department of Education. 2020. Most Essential Learning Competencies (MELC).

Mateo, G., Jose, R., Camagay, M., Miranda, E. 2008. Asya: Pag-usbong ng
Kabihasnan - Batayang Aklat sa Araling Panlipunan.

Department of Education: National Program Support for Basic Education. Quezon


City: Vibal Publishing House, Inc.

39 PIVOT 4A CALABARZON AP G7
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON


Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal
Landline: 02-8682-5773, locals 420/421

https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs

You might also like