You are on page 1of 1

SA BATONG ITO

Hirap, kalungkutan at kasalatan


Sari-saring sakit ang mapagmamasdan.
Tila nga walang kabuluhang mabuhay pa.
Butil ng pag-asa, sa'n ba makikita?

Nasaan ang diwa ng pagmamahal


Na maghahatid ng awa ng Maykapal?
'Pinagkaloob tayo ng Diyos sa isa't isa.
Sa 'ting umaasa, nangangako Siya t'wina.

Koro 1:
"Sa batong ito, itatayo Ko ang Aking bayan!
Sa batong ito, titipunin Ko sila't babantayan!
Sa batong ito, kaligtasan ay siyang makakamtan!
Sa batong ito, pag-ibig Ko'y laan!"

Narito ang diwa ng pagmamahal:


Ang umibig tayong tulad ng Maykapal.
'Pinagkaloob tayo ng Diyos sa isa't isa:
Angkang umiibig, bayang nanalig!

"Sa batong ito, itatayo Ko ang Aking bayan!


Sa batong ito, titipunin Ko sila't babantayan!
Sa batong ito, kaligtasan ay siyang makakamtan!
Sa batong ito, pag-ibig Ko'y laan!"

Koro 2:
"Sa batong ito, itatayo Ko ang Aking bayan!
Sa batong ito, madadaig maging kamatayan!
Sa batong ito, kapiling niyo Ako kailanpaman!
Sa batong ito, pag-ibig Ko'y laan!"

Coda:
"Sa batong ito, pag-ibig Ko'y laan!" Ah--ooh

You might also like