You are on page 1of 61

Table of Contents

I. LIFE
3. Be Ready
4. What is Freedom?
5. Ambition
6. Life Is Pain
7. Life is Like a Daydream
8. Do What You Love
9. Endure
10. Buhay Ko Problema Ko
11. Ang Aking Pagkatao
12. Pangarap
13. Dream What You Want To Be
14. Madaya
15. Kayod

II. SOCIAL ISSUES


16. Generation Z
17. Who Should You Fear?
18. Bawat Karapatan ay Butil ng Ginto
19. Sa Magandang Lipunan
20. Pangako

III. GOVERNMENT
21. Mahal Kong Pamahalaan
22. Election
24. Justice
25. Nakatingin Ang Bulag
IV. HISTORY/HEROES
26. Mga Bayaning Maipagmamalaki
27. Warrior
28. Ang Mamatay Ng Dahil Sayo
29. Sandata ng Pilipinas

V. SCHOOL
30. Nakakapagod Pero Iwawaksi ang Problema
31. Nakasiguro Na Ang Bukas

VI. FAMILY
32. Ginto Ang Aking Pamilya
33.Tunay Kang Mahal
34. Sandalan Ng Aking Buhay
35. Ang Aking Pamilya

VII. LOVE
36. Kagaya Ng Pag-Ibig
37. Tanda ng Pagsuyo
38. Ano Ba 'To?
39. Sinisinta Kita Anak
40. Oo Nga Pala, Hindi nga Pala Tayo
41. POEM 4 LOML(Love Of My Life)

.
42. The Moon
43. Scouring
44. Pagtakas
LIFE
BE READY
By: Cristhel Mendoza

Be ready
Too many challenges
Too many sacrifices
Drowning in the deep blue sea
Like a people they can't see

Too many problems I can't tell


Just like a leaves when it fell
From a tree that can't hold more longer
Like me can't bear forever

I'm afraid whenever I fall


But I'll stand to reach my goal
No fear can strike me down
Like a warrior standing on the ground

The world has too many games


Be ready for your aims
You'll never know what comes next
So be ready what will happened next
WHAT IS FREEDOM?
By: Andrea Ortega

It is a song
We love to sing
A food we love to eat

A movie we keep on rewatching?


What is freedom?
Freedom is what We all want
What We desire, In this life full of lies

Freedom is when we can fly anytime


When running it a crime
When life has no chains
No hurdles, No pain

A happy life
No more hiding
No more lying
No more crying

In this life full of uncertainty


I pray
And I believe
That freedom is ours to Keep
AMBITION
By: Kenneth Tamboong

It is the set of goals we want to reach,


That burning desire to achieve something,
And everyone has but still is different.

Difficulties are inevitable


Just trust the process
Believe in yourself
Because someday you'll reach your destination.

We all have our own beliefs


We believe in the miracle
We take risks because we are afraid to lose the chance,
just to achieve our ambition.

Dreams are part of our life,


It is also the reason why we live,
That makes our heart flutters when we think of it,
Just carry on my friend because we're bound to surpass it.
LIFE IS PAIN
By: Eunica Ishie Ebañez Gervacio

Some say life is great,


But others treat life with hate.
If they mean that everything has an end,
that whatever happened
You can still get a beautiful thing in the end.

And from the times you almost break,


And from the wrong turns you almost took,
Yet so much is the same.
will experience a kind of pain.

You should know that life is painful.


And there is so much to gain.
So learn it well.
Maybe one day.
You can tell its tale.

So crazy is this world we live in,


That every day you wish you weren't breathing,
That depression is getting stronger.
And the sad emotions are getting long.

None of it might be enjoyable.


But overcome the urge to finish your story quickly.
It's never simple, but life isn't a person really.
So, handle it tenderly.
LIVE LIFE LIKE A DAYDREAM
By: Jilianne Dane Boleche

Life is beauty, admire it.


Life is a game, play it.
Life is a promise, fulfill it.
Life is a song, sing it.

Sometimes life is tough,


Life is too short ,
Live it to it's fullest,
To wake up with no regrets.

Life is a puzzle,
Sometimes it is tough,
Sometimes it is simple,
Sometimes you simply lose your way.

But we learn from mistakes,


From the wrong turns we make,
From the paths we take,
And from the times we almost break.

Nobody said,
Life would be easy.
They just promised,
It would be worth it.
DO WHAT YOU LOVE
By: Jashmine Baldomar

In that dress,
You stand,
For what you wear,
It's not us to care.

Life is a crazy ride,


And nothing is guaranteed.
If you want something,
Try to fulfill it.

One path steers you to darkness,


The other will show you the light.
But you have the freedom to choose,
Which direction you follow in life.

Forget the rules.


If your like it,
Wear it,
And keep it in your heart.

Be on the watch.
Don't let other,
Ruin your shine.
Live the life.
ENDURE
By: Jake Cañada

Many challenges that are coming through,


Hindrances and problems may stop you
But dreams are the one who strengthens you,
Empower and motivates you

Normalize mistakes and pain


Just stand up and fight again
Forget all the judgement
Focus and believe in your improvement

Stay calm and keep insights positively


Clear your mind and think freely.
Even your life is messy,
Close your eyes and pray unconditionally.

Just cry if you want


Just talk to someone and rant
All your sufferings will disappear
Avoid overthinking and be stronger

Life is short, keep it simple


Spend your time and moments adorable
As the world goes round
Make life memorable and wonderful.
BUHAY KO PROBLEMA KO
Ni: Welmar Arnoco

May mga bagay talaga na hindi mo maintindihan


Maski sarili mo'y naguguluhan
Iniisip mo palang tumutulo na agad luha mo
Nagtatanong kung maaayos pa ba ito?

Minsan kailangan nating tanggapin na


Hindi lahat ng tao ay masaya
Magaling sila mag tago ng nararamdaman
Para lang isipin na hindi sila nalulungkot kailanman

Madaling isipin pero mahirap gawin


Mga katagang ang dali lang sabihin
Bagkus ito man ay may aral din
Para sa taong may angking galing

Sana balang araw problema'y aking maibsan TOPIC: LIFE


Nang sa ganun ay dina ako maguluhan
Alam kong kaya ko lahat
Para sa akin at sa aking pangarap

Buhay ko, problema ko


Ako'y hinding-hindi susuko
Para sa pangarap ko
Gagawin lahat para matapos ito.
ANG AKING PAGKATAO
ni Kylie Claire Lopez

Ako ay isinilang sa Samar na lalawigan


Bayan ng Sta. Rita ang aking kapanganakan
Dito ako namulat at nagkaroon ng kamalayan
Hinubog ng magandang kultura at kaisipan.

Kami ay namuhay sa payak na pamayanan


Respeto sa kapwa ang siyang kailangan
Ito ang unang panuntunan sa aming pamayanan
Upang magkaroon ng matiwasay na pamuno-an.

Sa aming bahay nagsimula


Ang magandang asal na pinapakita
Maging marunong gumalang at makipag-kapwa,
Upang sa mata ng Diyos ikaw ay kaluguran at mapag-pala.

Madaling maging tao ngunit mahirap magpaka tao,


Lumang kasabihan na sa atin pinapaalala ito
Mahalin ang ating kapwa, maging sino man ito.
Sa mata ng Maykapal, pare-pareho lang tayong tao.

Ang aking katauhan ay hinubog ng pagmamahalan


Di dapat magtanim nang galit sa kahit na sino man.
Matutong magpatawad sa may mga kasalanan
Di man natin aminin, ngunit tayo ay mga maka-salanan din.

Ang aking pagkatao ay hindi balat-kayo


Totoong nagmamahal sa kapwa tao
Dahil lahat tayo ay kabahagi sa paglalakbay na ito
Na kung tawagin ay buhay sa ibabaw ng mundo.
PANGARAP
Ni: Rommel S. Oblino

Buhay, buhay na dapat ipag pasalamat dahil


isa ka saa naka tanggap.
dapat nga bang ipag pasalamat?
O pag sisihang isa ka sa naka tanggap,
dahil buhay mo'y naging magulo at mahirap.

Lahat ng nilikha,
Dumaranas ng matinding hirap at pagluha.
kaya wag magtataka kung isa ka sa kanila,
Na nagsisisi dahil nabuhay pa.

Ngunit kailangan mong magpakatatag,


Dahil sa bawat paghihirap
Tiyak ngiti mo ay masaya walang halong pagdurusa
Dahil isang problema'y na solbaran mo na.

Sa iyong pagsisikap at pagtitiyaga,


Siguradong pangarap mo'y matutupad na.
Upang pangarap na minimithi sa wakas ay makatamtan.

Dapat lamang maging matatag


At pairalin ang hindi pagiging tamad,
Dahil paano mo maaabot ang iyong pangarap,
Kung ikaw mismo walang pagsusumikap.
DREAM WHAT YOU WANT TO BE
By:Hilary Ann Tabontabon

When i was young im so


excited to grow up because
i want to fulfill my dream,
then when im grown up

I thought when i was


young to fulfill my dreams
will be easy,living the best
of my life but i was wrong,

because all the dream


that you want,you will
work so hard before you
achieve your dream.

Work hard study as well


As you can.achieve the
Dream that you want
Because in the end

It's you and your future


Not anybody else
MADAYA
Ni: Annica Kim Gonzales

Nandito tayo sa magulong mundo ,


Kung saan halos lahat ng ating ginagawa ay pinupuna,
Madaya pero yun ang realidad.
Walang sino man ang mag dedesisyon,
Kung ano ang ating susuotin.

Ang may balak ang problema,


Hindi ang sumusuot, gising!
Tayo ba ay totoong malaya,
O tayo lang ay nagsisikap,
Para sa kamatayan na parang mgaa bubuyog?

Sabi pa, "ayusin mo ang sarili mo",


"Suotin mo ang gusto mo"
Pero nang sinunod,
Hinusgahan tayo ng sobra.

Tumatakas para maranasan ang gusto,


Nag sisinungaling para mapayagan,
At madama ang saya'ng totoo

Maraming mapanghusga,
At marami ang mapanira,
Ngunit mas pinili 'kong ibalewala ang kanilang mga salita,
Sapagkat wala itong maidudulot na maganda.

Sa mundong ginagalawan walang kasiguraduhan,


Mahirap hanapin ang kasiyahan,
Lalo na pag isang galaw ay hinuhusgahan.

Kalayaan, walong letra, isang salita.


Gusto kong maging malaya sa mga taong hinahatak ako pababa,
Mga taong walang gawin,
Kundi ika'y masamain.
KAYOD
Ni: Angel Aporto

Nais 'ko nito,


Pero ang tanong ay paano?
Nais 'kong maging katulad niya,
Pero akin ba'y kaya?

Lahat ay may ambisyon,


At isa ako roon.
May gustong makamit,
Kaya patuloy na kumakapit.

Isasakripisyo ang lahat ng kakayahan,


Maabot lang ang inaasam.
Para sa kinabukasan,
At kaligayahan.

Hindi maikakaila ang hirap,


Na sa araw-araw ko'y hinaharap.
Ngunit patuloy para sa pangarap,
Upang kinabukasa'y maiangat.

Hindi ako magpapatalo sa pagod,


Lalo't marami na ang aking nakayod.
At ipagpapatuloy 'ko ang ganitong aksyon,
Hanggang sa maabot ang aking ambisyon.
SOCIAL ISSUES
GENERATION Z
By: Selwyn Jamora

Injustice reigns in cities and towns,


Oppression's grip on those who are down,
Voices silenced, rights stripped away,
A world in need of a brighter day.

Poverty grips the hearts of the poor,


No food, no home, no hope anymore,
Wealth and power in the hands of the few,
Leaving the rest to suffer and stew.

Racism rears its ugly head,


Discrimination based on skin and race,
Equality a dream not yet met,
As hate and bigotry take their place.

Gender bias, discrimination too,


Equality for all still out of view,
A world where everyone can be free,
Is what we all strive to see.

Let us all stand together strong,


And right the wrongs that have gone on for so long,
For a better world is within our reach,
Let us work towards it, each and every one, to teach.
WHO SHOULD YOU FEAR?
By: Ruth May Atizon

When I was just a child,


they were people I fear.
when their kind was spoken,
evilness I linked them with

I thought they were just mindless people,


some of them are,
but I didn't know then,
that some suffer from pain.

Now I grew,
I have a mind of my own,
capable of judging,
and forming opinions.

I see a war,
where blood flows everywhere.
A fight between right and wrong,
but I could not tell which was which.

I know they've committed a sin,


have digested things they shouldn't,
but I think they deserve a chance,
especially if they show they want it.

I don't know who to side with,


do not know who to defend,
I have developed a mind,
a mind that sees every vent.

People who did wrong,


but some just seek help,
people that defend the innocent,
but take the lives of those who cry for help.

Perhaps I have good judgement,


capable of seeing goodness,
but I too see evil,
behind every child's head.

Who should I fear?


they sinned for they seek peace
who should I fear?
they killed for they wanted to protect
I ask my self that,
as I see the war unfold,
I try to put reason,
to my every decision,
but I ask a question,
who should you fear?
BAWAT KARAPATAN AY BUTIL NG GINTO
Ni: Jomar Daa

mamamayan tayong di dapat matanso


ng sinumang taong may utak na liko
bawat karapatan ay butil ng ginto
sinumang aagaw ay dapat masugpo

karapatan nati’y kasabay pagsilang


at dapat magamit hanggang kamatayan
kaya karapatan ay dapat igalang
ng sinumang tao, gobyerno’t lipunan

karapatan natin ang makapagpahayag


ito’y karapatang di dapat malabag
isang moog itong dapat matibag
tanganan ito’t di tayo patitinag

karapatan natin ang mag-organisa


ng manggagawa at karaniwang masa
sa mga samahan, unyon at iba pa
ng may isang layon at pagkakaisa

karapatan natin ang tayo’y mabuhay


may trabahong sapat at nakabubuhay
ng ating pamilya, meron ding pabahay
at tatlong beses ding kakain ng sabay

karapatan nating maging malulusog


di nagkakasakit, sa buhay pa’y busog
asikasong pantay-pantay di man irog
tinatanggap kahit ospital ma’y bantog

nakatala itong mga karapatan


sa mga deklarasyong pandaigdigan
na dapat basahin at maunawaan
ng lahat ng bansa at pamahalaan

pag sinaling itong karapatang buo


ipagtatanggol diligin man ng dugo
pagkat karapatan ay butil ng ginto
di tayo papayag na tayo’y matanso.
SA MAGANDANG LIPUNAN
Ni: Jocelyn Cañezares

Sa magandang lipunan na ating kinakatayuan,


Takot ang ating nararamdan.
Laganap ang gulo at krimen,
Pamahalaang hindi tayo kayang protektahan.

Paano tayo magiging malaya sa lipunan?


Kung walang proteksyon ang ating kababayan.
May katahimikan pa ba ang ating lipunan?
Kung ang ating pamahalaan ay nagbubulag-bulagan lamang.

Suporta ng pamahalaan ang aming hinahangad,


Proteksyon,katahimikan at kalayaan,
Ng kabataan ang isinasaad.
Bakit hindi nila ito kayang maibigay?

Kami'ng mga kabataan,


Kapayapaan lamang ang nais mahangad.
Kahit walang pagbabago ang ating lipunan,
Hinding-hindi magsasawang humiling ng kayapayaan.

Darating din ang araw,


Na wala nang takot na mararamdaman.
Makakapaglakad sa mapayapang lipunan,
Magagandang ngiti ng pamilya muli ang aming masisilayan.
GOVERNMENT
MAHAL KONG PAMAHALAAN
Ni Allen D. Simat

Ano nga ba ang pamahalaan?


Kung bakit laging pinag-aagawan?
Tumutulong, o nangkukulong?
Pagkakatiwalaan ba, o hin'di?

Nasaan na nga ba ang hustisya?


Nasayo na ba, o nasa kanya?
Lagi nakagapos, nakakulong
At kun'di hahantong sa kabaong

Yan ang tanong aking murang isipan


Dahil sa kaliwat kanang digmaan
Mga magkadugo din naman ang naglalaban
Dito pa sa sariling bayan.
ELECTION
by: James Belaje

Here we are again six years later


New faces and debate
For the next chief legislature
The old tradition that is up to public opinion

Each election is shaped to mass media's vision


To narrow down the candidates in the primaries
By digging out propaganda and secrets
Each Barry's waging war for ballast and public recognition

Only to be given to the electoral colleges volition


Contribution of millions choice to senators their voice
Each state equal in this long nomination
Even with fair representation

We are caught in contemplation


We need a chief diplomat for foreign affairs
But the reality is
It's hard to find views we all share

Someone who knows civil service


Who won confronted with domestic affairs won't be simply nervous
A leader of armies our commander-in-chief
Whose judgement you will be based solely on personal beliefs

A true representation of the executive administration


Admired by senate and claims chief of party in relations
We don't need a spotless bureaucrat
Who's concern is regulation

Chief citizen a role model for all would make for this country's better creation
Let bureaucracy be
For federal budgets and secretary of treasure
So that a president judgement won't be on monies measure

These are all important traits to uphold


But not to abused executive order ordinance power and appointment power is the goal
These are privileged to benefit all
So that can also be our fault

Truth is this election


Has been a hard lead into oath of office
Hopefully our new president
Will be someone we can marcos the odds with.

JUSTICE
By: Ivana Guazon

Have you ever thought


Bullying can ruin someone's life?
Have you ever thought
You can kill,without using any dangerous thing?

Well, seeing those parent's


Who's missing thier children,
Because of the malicious words that they get into,
Those some kind of bullying will create crimes of others.

See,where's the justice?


Can somebody answer my questions,
Why do people love making a mess instead of piece?
Why do they see bullying as a joke, if this joke can make depression to anyone?

Dear friends, relatives, parents, teacher's,and the youth now a days


Let's stop this social issues
Let us be reasonable and responsible,
And do the right thing to oneself.
NAKATINGIN ANG BULAG
Ni: Althea Mae Ordame

Wala sa balita,
Ngunit aking nakikita.
Nakakasulyap na bulag?
Totoo, narito at aking ibubunyag.

Gobyerno, Pamahalaan,
Kahit na anong tawag pa man.
Mga mata'y iyong buksan,
At 'di magbulag-bulagan.

Mga taga-pamahala,
Ngunit kahit kanila'y nakikita,
Lahat ay isinasawalang-bahala.
Kayo nga ba'y namamahala?

Bigyang pansin sana ang mga hinaing,


Ng mga 'di makakain.
Marami ang humihingi ng tulong,
Sana'y awa at konsensya'y sainyo'y bumulong.

Isang kahig, isang tuka,


Gawain ng mga mamamayang walang magawa.
Inyo rin sanang maranasan,
Ang pait ng inyong karahasan,
Sa mga walang laban at kapangyarihan.

Napakabait ng Diyos para kayo'y biyayaan,


Ng mga matang hindi ninyo mapahalagahan.
Nasa ayos naman ang inyong mga mata upang makakita,
Datapwat hindi masilayan ang mga dalita.

Anong silbi ng mga mata sainyo?


Upang ang pera ay masiguro kung peke o totoo?
Ganun ba ang inyong pinanghahawakang layon?
Nahiya naman ang mga bulag sa inyong aksyon.

Idilat ng malawak ang mga mata,


Ang isipan ay buksan at isama.
Maging henyo sa paggamit ng biyaya,
Upang sa dagli'y 'di mapahiya,
At makilalang bulag na nakakakita.
At makilalang bulag na nakakakita.
HISTORY/HEROES
MGA BAYANING MAIPAGMAMALAKI
ni:Rosaly Doctor

Bayani sila ng ating bayan,


Na dapat nating ipagmayabang.
Dahil kung wala ang kanilang katapangan,
Baka bayan natin ay walang katahimikan.

Pag-ibig nila sa bayan ay totoo,


Nagsakripisyo upang ipagtanggol tayo.
Kahit mawalan man ng buhay,
Nagtanggol parin para sa bayan iaalay.

Ngayon kami'y naudyok niyo,


Tinitingala ng bawat Pilipino.
Nagpapasalamat sa kagitingan niyo,
At iwawagayway dahil kayo'y bayani ng bayan ko.

Kahit hindi kami saksi,


Nabasa at natuklasan naman namin,
Na ang tulad niyo ay dapat naming mahalin,
Dahil kung hindi dahil sainyo walang kasiyan rito.

Dapat nga lamang kayo'y ipagmalaki,


Saludo kami sa inyong mga bayani.
Mga bayani na hindi malilimutan,
Dahil ngayon ay pinag-aaralan sa paaralan naming mga kabataan.

WARRIOR
By: Kerstyne Nicholie C Quilario
Philippines the country that i lived
A strong warriors that we need
The love and support that they get
A freedom that they scream

Without the national heroes


Their is no freedom
Their is no light,
But their is more pain

I salute to our Philippine hero


A hero that sacrifice their self
A hero that loves there country
A hero who gives everything

This is my motivation
A motivation to be a hero
A hero for this generation
A hero that trust no one but God

People will realize someday


That our heroes who motivates us
Is very important in our nation
The nation that screams for freedom
ANG MAMATAY NG DAHIL SAYO
Ni:Severlyn Cabling

Ang mga minamahal na bayani ng Pilipinas,


Kahit na maraming dekada na ang nakalipas,
Mga larawan niyo man sa libro ay magasgas,
Ang kabayanihang nagawa ay hindi kukupas.

Si Jose Rizal ang pambansang bayani,


Kanyang talino'y ginamit ng mabuti.
Si Andres Bonifacio ang ama ng katipunan,
Nakipaglaban para sa kalayaan.

Si Lapu-Lapu ang unang bayani,


Tinalo niya ang mga kalabang matindi.
Si Apolinario Mabini ang dakilang lumpo,
May kapansanan ngunit matalino.

Buhay ay inalay niyo man,


Inyong katapangan sa lupa ay maiiwan.
Mula sa inyong dugo ay kabayanihan,
Isang karangalang dumaloy sa bayan.

Kahit na sila'y magkasakit,


Magdanas ng matinding pasakit,
Kahit pahirapan ng ilang ulit,
Pag-ibig sa bayan ay hindi ipagkakait.

Paghihirap mula sa umpisa,


Dulot nito ay isang bagong simula.
Dugong matapang at magiting ay hindi mawawala,
Makamit lamang ang natatanging adhika.

Bayani ng ngayon, bayani ng kinabukasan,


Hindi masasayang ang inyong paglisan.
Lahat ng ginawa para sa inang bayan,
Mula sa'ming puso, diwa at gawa ay pahahalagahan.
SANDATA NG PILIPINAS
Ni: Francis Malda

Bayani ng bayan,
Hindi malilimutan.
Pagmasdan ang bayan,
Na naligtas mula sa mga tulisan.

Tayo'y inabuso ng ilang taon,


Mga buhay ay ibinaon.
Ibinaon sa hirap at rahas,
At ang lahat ay nagnanais tumakas.

Hanggang sa isinilang ang mga bayani,


Na talaga namang ating maipagmamalaki.
Inialay ang buhay sa bayan,
Upang makamit ang kalayaan.

Puso't isip ay ginamit,


Upang katiwasayan ay makamit.
Kahit buhay pa ang kapalit,
Ito'y 'di nila ipinagkait.

Sa kamay ng mga dayuhan, tayo'y naipit.


Inisip na ang mundo natin ay napakaliit.
Ngunit dahil sa kanila tayo na ngayo'y malaya,
Salamat Diyos, sila'y sami'y biyaya.
SCHOOL
NAKAKAPAGOD PERO IWAWAKSI ANG
PROBLEMA
Ni: Ivy Zilmar

Nag-aaral kalang napapagod ka pa?


Kahangasan na sabihin ito sa isang estudyanteng katulad namin.
Tuwing pumapasok kami sa paaralan,
Hindi nila alam kung ano ang aming pinagdadaanan.

Hindi nila alam na kahit bata pa lang tayo,


Tayo ay nakakaramdam ng pagkalugmok.
At laging iniisip "ano ba'ng mali sa'kin?"
Ni hindi kayang ipagtanggol ang sarili,
Sa mga masasakit na salitang natatanggap.

Dahil kami'y bata lamang,


Pagsumagot walang respetong natutunan.
Ganito kung maisip ang ibang mga magulang,
Nakakalungkot pero ano paba ang kulang?

Dapat nga sila ang ating maging lakas,


Pero sila mismo ang humuhugot sa atin pababa .
Ikukumpara pa sa iba,
At ipaparamdam na wala tayong kayang magawa.

Minsan mapapa-isip nalang tayo na "kapag mawala ba ako, wala na rin ang sakit?"
Pero lumilipas ang panahon na pagpilit.
Sa lungkot o mabigat na buhay pa rin tayo nakapiit.
Nag-aaral parin tayo para sa kinabukasan,
Kahit na tayo'y nahihirapan.

Ayos lang, mag aaral pa rin ako,


Para sa sarili 'kong kapakanan,
Para sa pamilyang kahit napahigpit ay mahal ko,
Para sa nais maabot na pangarap,
Na alam 'kong sa susunod ay magaganap.
NAKASIGURO NA ANG BUKAS
Ni: Leomar Peñero

Marami ang naghihirap,


Sa mga problemang kinakaharap.
Problema sa bahay at pera na 'kay bigat,
Edukasyon ang aking susi upang umangat.

Lahat tayo ay may ambisyon,


At naniniwala na ang susi ay ang Edukasyon.
Kaya upang masigurong 'di lamang puro putak,
Aking gagamitin ang aking utak.

Pangarap ni inay at itay,


Sisigurohin 'kong maibigay.
Lahat ng hindi namin naranasan,
Sisigurohin 'kong aming maaasam.

Upang makuha ang gradong nais makamtan,


Sa paaralan ay aking gagalingan.
Iaalay sa sarili't pamilya,
Ang bawat upo ko sa silya.

Alam 'kong hindi madaling makuha ang gradong nais,


Kaya minsan dahil sa hirap, ako'y nagtatangis.
Ngunit heto nanaman at sasagot ako,
Kahit hindi sigurado sa sagot na ibibigkas ko.

Ang sarap siguro sa pakiramdam na maabot ang pangarap,


Lalo na't alam mo'ng galing ito sa iyong paghihirap.
Mapapangiti ka nalang,
At magpapasalamat na napunan ang pagkukulang.

Edukasyon nga ang susing tunay,


Upang maiangat ang buhay.
Lalo nat may degree na ang hinahanap sa mga kompanya ngayon,
Kaya edukasyon lamang ang solusyon.
FAMILY
GINTO NG AKING BUHAY
Ni: Reiza Sanderson

Pamilya, minsan masaya,


Minsan puro problema.
Nakakapagod man ang buhay minsan,
Pero mayroon naman akong pamilyang uuwian,
Ama't ina aking masasandalan.

Sa loob ng labing pitong taong aking pagkabuhay,


Palagi silang nasa tabi ko upang umalalay.
Lahat tayo ay may pamilya na sa atin ay mahalaga,
Sa lungkot at saya sila ay palagi nating kasama.

Sila ang natatanging ginto sa aking buhay,


Walang sino man ang makakapantay.
Pinalaki ako ng tama at mahusay ng aking mga magulang,
Kaya mamahalin ko sila ng lubos at walang hanggan.

Laking pasasalamat ko sa kanilang pag- aalaga,


'Pagkat ako'y lumaking marunong kung ano ang mali at tama.
Bilang isang anak, hindi man ako perpekto.
Ang mahalaga ay mahal nila ako at sila'y mahal ko.

Hindi ko lubos maisip na may ganito akong mga magulang,


Palaging nandiyan at hindi nagkulang.
Ituturing ko kayo'ng ginto,
Hanggang sa hininga 'ko'y huminto.
TUNAY KANG MAHAL
Ni: Dharlene Anne Lacasa

Pamilyang mahal,
Nagbibigay ng pagmamahal
Iyong maaasahan at
Masasandalan

Minsa'y nagkakatampuhan
Ngunit ito'y agad nasusulusyonan
Ating pamilya ay dapat pahalagahan
Sila ang iyong karamay
Sa lahat ng iyong Pagdadaanan

Hindi lamang sa iyong romantikong kapareha


madadama ang Pagmamahal,
Una mo itong naranasan sa iyong pamilya
At sila'y laging nariyan ano mang Oras at araw

Nagsasakripisyo para sa iyong ikabubuti,


Tutulungan kang maabot ang iyong
mga pangarap
Sa madaling salita, sila ang sulusyon sa
Lahat ng iyong problema

Minsan ma'y naiisip mong sila napakahigpit


Nais lamang nila ang makabubuti sa iyo
Walang magulang ang pababayaan lamang
Ang kanilang anak

Kumakayod upang matustusan ang iyong


Pangangailangan,
Sila man ay may pagkukulang,
Ngunit hindi ka nila pababayaan

Tatalikuran ka ng lahat at ng mundo


Ngunit hindi ang iyong mga Magulang
Ilang beses mo man silang biguin,
Ikaw ay laking palad na Tatanggapin

Wala ng mas lalamang pa sa tunay na pagmamahal ng magulang,


Sila ang aking inspirasyon sa lahat ng bagay
Aking magulang,
Ako'y magtatagumpay
SANDALAN NG AKING BUHAY
Ni:Hanna Fe Jalipot

Pamilya,pamilyang palagi mong nakakasama.


Sa tawanan,kulitan,asaran at marami pang iba.
Kasamang gumawa ng mga ala-ala
Na hanggang sayong paglaki'y iyong madadala.

Paaalalahanan ka sa lahat ng bagay,


Na may kaugnay sa iyong buhay.
Upang ang iyong kinabukasa'y,
Gumanda't maging matiwasay.

Nariya't tuturuan kapa sa gawaing bahay,


At iba pang mga gawaing hindi mopa natututonan.
Nang ika'y hindi masanay
Sa buhay na akala mo'y laging may alalay.

Madalas man tayo nilang pagalitan,


Sana'y tumatak sa ating isipan
Sa lahat ng salitang kanilang binibitawan,
Ay para rin sa ating kabutihan.

Huwag sana tayong mag tanim nang galit,


Kung minsa'y napapagsabihan tayo nila ng ating kamalian,
Dahil lahat ng kanilang sinambi't
Hanggang magkapamilya'y ating bitbit.

Pamilya lagi sayo'y nakasuporta.


Kahit hindi ka man mag-uwi ng medayla,
Nariyan parin sila sasalubongin ka ng masaya
At sasabihing ipagmamalaki ka nila.

Nakakalungkot lamang na hindi lahat ay,


Pinagkalooban ng perpektong buhay
Nariya'y sumasakabilang bahay kanilang mga tatay,
Habang ang kanilang nanay ay nag hihirap sa paghahanap buhay.

Mapapa-isip ka nalamang at mapapasabing,


Sana lahat ay may matatawag na nanay.
Sa tuwing kailangan nila ng kaagapay,
Sa mga bagay na tanging si nanay lamang ang makakaunawa't makapagbibigay.

At sana lahat ay may matatawag na tatay.


Sa oras nang ating sila'y kailangan,
Mga bagay na si tatay lamang ang kailangan,
At tanging si tatay lamang ang makapag bibigay.
ANG AKING PAMILYA
Ni: Deaver Tolibas

Simula nang ako ay isinilang,


Palaging nandiyan ang aking mga magulang.
Simula nang ako ay mabuhay,
sila ang nagsilbing aking gabay.
Hindi nila ako hinahayaang mag isa,
sila ay aking palaging kasama.

Ang aking ina ay sagisaang ng bait at pambihirang lubos,


ang kanyang kabaitan ay walang-taros.
Ang aking ama ay sagisag ng tibay at lakas,
ang kanyang sakripisyo ay walang wagas.
Ang aking ina at ama ay simbolo ng pagmamahal,
sila ang biyayang bigay sa akin ng maykapal.

Ako ay kanilanh nag iisang anak,


sa kanila ay isang biyayang tulad ng isang pilak.
Sa loob ng labing- anim na taon ng buhay ko,
nagpapasalamat ako na sila ang magulang ko.
Sa anomang problemang pagdaanan,
Palaging sila nandiyan.
Kahit kailan man ay hindi nila ako pinabayaan,
At ako ay kanilang inaalagaan.

Ako ay tunay na maligaya,


sa aking pamilya.
LOVE
KAGAYA NG PAG-IBIG
ni: John Mark Fuggan

Ang pag-ibig ay parang musika sa aking tenga


Nagbibigay ng saya sa aking pakiramdam
Ang pag-ibig ay parang kapiling sa mainit na abrazo
Nagbibigay ng katiwasayan sa aking kaluluwa

Ang pag-ibig ay hindi lamang tungkol sa pisikal na atraksyon


Kundi pati na rin sa pagkakaunawa at pakikipag-ugnayan
Ang pag-ibig ay parang pagkakatugma ng mga puzzle
Sa bawat bahagi ng ating mga buhay

Ang pag-ibig ay parang langit na walang hanggan


Walang katapusan, walang katapusan
Ang pag-ibig ay parang mapagkakatiwalaang kaibigan
Walang kailanman magbabago

Ang pag-ibig ay parang awit ng pagsinta


Na tinatanggap ng puso at isip
Ang pag-ibig ay parang tunog ng mga daliri
Sa gitara, nagbibigay ng kulay sa buhay.
TANDA NG PAGSUYO
Ni: Kristal Almanzor

Inaakalang ako'y mag-iisa,


Ngunit sa hindi inaasahan, ikaw ay nakilala.
Sa mga simple mo'ng ngiti,
Ako'y nabibighani.

Mga pagtatagpong 'di inaasahan,


Nagbigay saakin ng kaligayahan at kalitohan.
Mga 'di pamilyar na emosyon aking naramdaman,
Aking nagkakagulong emosyon 'di malaman kung paano ikakalma.

Sapagkat bawat palitan natin ng salita,


Ako'y nalilibang at namamangha.
Nagnanais na tumigil ang oras sa bawat pag-uusap,
Upang mas makapiling ka, aking sinta.

Susulitin ang bawat oras,


Kahit na mahal ko'y 'di kukupas.
Makasama ka ay isang biyaya,
Na nagdudulot sa'kin ng ligaya.

Nais 'ko lamang ihandog ito sa'yo,


Tanda ng aking pagsuyo.
Palatandaan ng aking pagmamahal,
Na tunay at may dangal.
ANO BA 'TO?
Ni: Dhale Vince Caharop

Nang ikaw ay masilayan niring mga mata,


Ang puso'y nakadama ng kakaibang ligaya.
Hindi ko mawari't ako'y laging nababalisa,
Kapag kaharap kita kaba ko'y 'di matatwa.

Sa iyong titig na nakakatunaw niring dibdib,


Nagbibigay sigla sa lunong musa't umid.
Anaki'y lasong kumakabig sa pusong umiibig,
At naliligalig kung boses mo'y aking maririnig.

Sa bawat araw na namamasdan kita,


Tila nagliliyab ang laman ko sa tuwina.
Lalo na kung ang ngiti mo'y makikita?
Tatarak agad ito sa aking puso't kaluluwa.

Anong klaseng pakiramdam 'to sa'king puso?


Bagamat iisya't hilahil lamang ang matatamo.
Hangad pa rin nito'y ikaw at ang iyong pagsuyo,
Makamtan ang alindog mong nakabubuyo!
SINISINTA KITA ANAK
Ni: Giecila Daaco

Ito'y magandang salita,


Na kadalasang ginagawa.
Pagmamahal sa kapwa,
O kahit sa kanino pa.

Ang sarap sa pakiramdam maging totoo,


Walang daya at walang panloloko.
Handang tiisin ang pagkadalita,
'Wag lang mabaliwala at masira.

Sa anak nalang bumabawi ng saya,


Isang ngiti lamang at wala ang sakit na iniinda.
Kahit na nahihirapan na,
Kinakaya pa rin para sa kapakanan niya.

Ako ay sumusulat ng tula,


Upang mapahayag ang aking nadarama,
Na kahit 'di na kaya,
Handa pa ring lumaban ng malaya.

Sa pamilya nalang nakakaramdam ng pagmamahal at saya,


Sa anak nalang muling nakakatawa.
Kahit gaano pa kahalaga ang saya,
Hindi ko na ata ito ulit matatamasa.

Mahalaga ang pagmamahal,


Lalo na't kung ginagamat sa marangal.
Kaya para sa anak ko,
Mahal kita higit pa buong mundo
OO NGA PALA, HINDI NGA PALA TAYO
Ni: Winces Mahinay

Gusto ko sanang magtampo,


Gusto sana kitang awayin, ora mismo.
Gusto ko sanang ipaalam sayo,
Na nasasaktan ako.

Nasasaktan ako,
Naiinis ako sayo,
Sa tuwing may kasama kang iba,
Pero alam mo 'yon? wala akong magawa.

Hindi ko kaya na makita kang masaya,


Na hindi naman ako ang iyong kasama.
Kapag ganon kasi may kakaiba akong nadarama,
'Yong tipong gusto kitang pagalitan pero para saan naman diba?

Tipong gusto kitang sapakin,


Sa tuwing ang mata mo'y hindi sakin nakatingin.
Mga ngiti mo'ng hindi nakalaan para sa akin,
Ang ganitong pakiramdam ay hindi ko kayang intindihin.

Makasarili na kung makasarili,


Pero nais ko, akin lang ang 'yong mga ngiti.
Ako lang dapat ang dahilan ng iyong pagtawa,
Dapat sa'kin lang nakatingin ang iyong mga mata

Gustong gusto kong mag reklamo,


At sabihing nag seselos ako.
Minsa'y nakakaramdam ng tampo,
Pero may karapatan nga ba ako?

May karapatan ba akong magtampo?


May karapatan bang magselos ang puso ko?
May karapatan nga ba akong magreklamo?
May karapatan ba akong mainis kapag hindi ako ang kasama mo?

Wala akong karapatan,


Walang karapatang masaktan,
Dahil hindi ka naman sakin,
At mas lalong wala namang namamagitan sa atin.
POEM 4 LOML (LOVE OF MY LIFE)
By: Pier Angelie Aborque

Never expected u to be mine,


During your worst days in line.
Never thought this won't last long,
Still rooting for us to be strong.

The best character traits you treat me,


I love it and don't want to flee.
So thankful by how you respect me so much,
That u ask permissions before touch.

You think twice even just by holding my hand,


How you respect me makes my heart expand.
I can say, you are different and so rare to find,
That don't wanna lose you and talk each other from behind.

Not for a moment thought of regretting everything we've done,


Because I know, we know, what is it and had fun.
Your efforts can never be paid,
How you done things without being afraid.

Musing poem is the sweetest to be dedicated,


For a man who's very devoted.
Wishing you best and for us,
Stay still on what's our fuss.
THE MOON
By : Niña Marie V. Dingle

I see the moon


And moon sees me
Glowing brightly in the night skies

At the top of the hill


There's the moon
To keep the world light
In the darkness of the night

Warming the heart of those who cry


Guiding those who need her light
How beautiful is the moon

Shining up on high
When I go to bed at night
I whisper
Can you hear my little wish?

The wish I always pray


For the moon to hear
For the moon to see
And for the moon to listen
SCOUTING
By: Prince Jamil Ong

The woods are deep and dark and old,


With secrets waiting to be told.
The scouts set out with hearts of fire,
To explore and to admire.

With compass in hand and map in mind,


They trek through mountains, valleys, and grind.
They learn to pitch a tent and start a fire,
To live off the land and never tire.

They learn to tie a knot and read a sign,


To track and hunt, and make a line.
They learn to work as one, as a team,
To overcome their fears and scheme.

The scouts return with tales to tell,


Of adventure and of tales well.
They've learned to live and love the land,
And in their hearts, it will always stand.

For scouting is not just a game,


But a way of life, a burning flame.
It teaches us to be strong and brave,
PAGTAKAS
Ni: Janelle Estrellanes

Ang pinto ay nakabukas,


Ngunit parang ako'y nakaposas,
Na nagnanais tumakas.
Tumakas sa sakit ng buhay,
Na sa tingin ko'y siyang agad sa'king papatay.

Bakit ganyan ka mundo?


Buhay ang iyong simbolo,
Ngunit bakit ka ganito?
Ika'y napaka gulo.

Nais ko lamang maging malaya,


At maasam ang tunay na saya.
Ngunit ang lupit mo sa akin,
Ika'y napaka sakim.

Maaari mo bang tanggalin?


Ang posas na nakabitin sa'kin?
Upang malanghap ko naman,
Ang saya ng hanging 'di ko pa nararamdaman.

Pero hay, hindi ka ata nakikinig,


Kaya ako nalang ang iintindi sa aking panig.
Tatanggalin ko ang posas na ito,
At tatakbo sa nakabukas na pinto.

Sa wakas,
Ako'y nakalabas.
Natanggal ang posas,
At tuluyang nakatakas.

Napaka sarap sa pakiramdam,


Kung susubukan mo'ng maasam,
Ang iyong nais na kasiyahan.
Bakit hindi ko ito naisip dati na subukan?
Oo nga pala, takot akong masugatan.

Ngayon alam ko na,


Walang magagawa sa sarili ang pagpupuna.
Dapat palang harapin ang hirap,
Dahil 'di mo alam na napaka sarap pala ng nasa hinaharap.

You might also like