Ang samahan ng Vocation Ministry sa Parokya ng Kristong Hari ay
naglunsad ng gawain ng pagdalaw ng Vocation Cross sa bawat tahanan upang ang bawat Pamilya ay maging kaagapay ng ating Simbahan na sama-samang ipagdasal ang patuloy na pagdami ng mga kabataang tutugon sa Bokasyon sa pamamagitan ng pagiging pari, madre, relihiyoso at relihiyosa.. Ang Vocation Cross ay tatanggapin ng Pamilya sa araw ng Linggo at ibabalik sa simbahan pagkatapos ng isang Linggo. Kaugnay nito, ang ating Vocation Cross ay mayroong kalakip na alkansya kung saan inaanyayahan ang bawat Pamilya na mag-alay o maghandog ng kahit magkanong halaga sa loob ng isang linggo. Ito ay magiging pondo ng Vocation Ministry para sa patuloy na pagtulong sa mga Seminarista na nagmula sa ating Parokya. Sa mga Pamilya na nais tumanggap ng ating Vocation Cross makipag-ugnayan lang po tayo kay Sis. Thelma Bandianon o kay Bro. Judiel Francisco sa 09273620598 o 09103256577.