You are on page 1of 34

Bago Ako

Makalimot
Kuwento ni
Robi Goco

Guhit ni
Kriselle de Leon
staff
Character Design and Lineart: Kriselle de Leon
Digital Coloring: Monica Esquivel, Momo
Fernandez, Mayu Ferrer, Veron Oliva,
 Natasha Ringor, at Aaron Villaflores
Kuwentong Pambata Coordinators:
 Nicole Maguyon at Momo Fernandez

pasasalamat
Dr. John Paul Vergara at ang Tanggapan
 ng Bise-Presidente
Sophia Villasfer at ang Ateneo Catechetical
 Instruction League (ACIL)

Bago Ako Makalimot


Kuwento ni Robi Goco
Iginuhit nina Kriselle de Leon
 and Mon Esquivel
Lapat ni Alfred Benedict
 Marasigan
Salin sa Ingles nina Deirdre Camba at
 Carissa Pobre

Karapatang-ari © 2011 ng Heights at ni


 Robi Goco

Reserbado ang lahat ng karapatan, kasama


 ang karapatan sa reproduksiyon at paggamit
 sa anumang anyo at paraan, maliban kung
 may nakasulat na pahintulot mula sa may
 hawak ng karapatang-ari.

Hindi maaaring ibenta sa kahit anong paraan


at pagkakataon ang kopyang ito

Maaaring makipag-ugnayan sa:


Heights, Publication Room, mvp 202,
Ateneo de Manila University,
P. O. Box 154, Manila
Tel. 426-6001 loc. 5088

heights-ateneo.org

Heights, ang opisyal na pampanitikan at


pansining na publikasyon ng pamantasang
Ateneo de Manila
Bago Ako
Makalimot
“Lola, tanghalian ‘nyo po.”

Inutusan siya ng kanyang ina na dalhan


ng pagkain ang kanyang Lola Tarsing.
Sampung taong gulang pa lamang
si Boy at walumpu’t siyam na taon
na ang kanyang lola.

“Alah naman, Nestor. Eh ang almusal ko?”


tanong ng matanda.

"I brought you your lunch, Lola!”

Boy’s mother had asked him to bring food to Lola


Tarsing. He was only ten years old while his Lola
was already eighty-nine.

"Alah naman, Nestor. What about breakfast?" the


old lady asked.
“Lola, ako po si Boy. Pinadalhan ko na
po kayo ng inyong almusal. Alas-dose
na po,” paliwanag ng bata.

“Ah baga. Eh bakit hindi ka pa


pumapasok?”

“Sabado ho ngayon. Wala pong pasok.”

Natawa na lamang ang kanyang Lola.


“Lola, my name is Boy. I already gave you breakfast.
It’s 12 o’ clock now,” he explained.

“Ah baga. Then why aren’t you in school?”


“It’s Saturday, Lola. There’s no school today.”

His Lola just laughed.


‘Di pa lubos na naiintindihan ni Boy
ang kalagayan ng matanda, pero
basta ang alam niya, makakalimutin
na ang kanyang Lola Tarsing.
Madalas na ring nalilito, nakatulala,
at wala sa sarili.

Boy couldn’t fully understand her condition


yet, but he did know that Lola Tarsing was
already very forgetful. She was often really
confused, and caught in a daze.
“Naku apo, pasensya na. Alam mo namang
nakakalimot na ang Lola. Halika’t maupo
ka muna sa tabi ko’t kukuwentuhan kita ng
mga naaalala ko, bago ako makalimot,” imik
ng kanyang Lola. Tahimik siyang naupo sa
tabi ng matanda.

“Naku apo, sorry! You know Lola’s already forgetful.


Come sit beside me and I’ll tell you stories of what I can
remember before I forget,” said Lola. He quietly sat down
beside her.
“Noong ako’y bata,
nagpupunta ako sa gubat
para maglaro. Alam mo ba
kung saan ako pumupunta?”

“Saan po?” tanong ni Boy.

"When I was young, I always went


to the forest to play. Do you know
where I used to go?"

"Where?" asked Boy.


“Sa mga diwata!” sambit ni Lola
Tarsing. Nagniningning ang
kanyang mga mata.

Nagulat si Boy. Diwata? Totoo


kaya ang sinasabi ng kanyang
Lola? Totoo ang mga diwata?

“To the diwata!” uttered Lola Tarsing. Her


eyes were glimmering.

Boy was surprised. Diwata? Was her Lola


telling the truth? Are the Diwata real?
“Nagtatakbuhan kami palibot sa gubat,
umaakyat kami ng mga puno, kumakain
kami ng mga masasarap na bungang-kahoy!”
Napapangiti habang nagkukuwento ang
kanyang Lola. Matagal na panahon nang
hindi niya nakikitang ganito kasaya ang
kanyang Lola.

“We ran around the forest,


climbed trees, and ate the
tastiest fruits we could
find!” Lola kept smiling as
she told the story. It had
been a long time since Boy
saw Lola this happy.
“Minsan nga ay nangongolekta kami ng mga
bulaklak at ginagawa namin itong kuwintas.”
"Sometimes, we would even collect flowers and turn them
into necklaces."
“Pero di nagtagal, kinailangan
kong magpaalam sa mga
kaibigan kong diwata. Iyak
ako nang iyak noon! Sila rin.”

"But later on, I needed to say goodbye


to my Diwata friends. I cried so much
back then! And they cried for me too!"
“Kaya bago ako umalis, binigyan nila
ako ng pilak na kuwintas na may
pulang bulaklak upang ‘di ko sila
makalimutan.” Naglaho ang ngiti sa
mukha ni Lola Tarsing.

"So before I left, they gave me a silver necklace


with a red flower so I would never forget them."
The smile vanished from Lola Tarsing's face.
“Nestor, pakihanap mo nga uli
ang mga diwata. Sabihin mo
pakibigyan nila uli ako ng kuwintas.
Hindi ko makita eh. Naghahanap
ako, ngunit hindi ko makita.”

“Lola, si Boy po ako.”

Napaiyak ang matanda.

"Nestor, please find the diwata again. Tell


them to give me a necklace again. I can't find
it. I look for it, but I never find it."

"Lola, my name is Boy."

The old lady started to cry.


Niyapos ni Boy ang kanyang
Lola Tarsing. Pinatahan niya ang
matanda. Naawa si Boy.
“Sige po, sasabihin ko po sa kanila.”

“Talaga ha. Pakihanap, apo. Pakisabi


bago ko makalimutan.”

Boy hugged his Lola


Tarsing to calm her
down. He felt sorry for
his grandmother.

"Okay, Lola” he said.


“I'll tell them.”

"Please find them,


apo. Tell them before I
forget."
Suot ng kanyang Lola ang kuwintas
na hinahanap niya. Alam ni Boy na
malabong maging katotohanan ang
mga kuwento ng Lola niya. Mahirap
sigurong tumanda lalo na’t humihina
na ang pag-iisip.

Lola was already wearing the necklace she was


looking for and Boy knew that the story she just
told him probably wasn’t real. It must be hard to
grow old, especially when memories start to go.
Gayunpaman, hindi siya gaanong nag-alala.

Alam niyang mapayapa ang kanyang Lola


sa mga alaalang pantasya. Nararamdaman
ni Boy ang tuwa ng kanyang Lola tuwing
binabalikan ang mga pangyayaring hinabi
lamang ng imahinasyon. Hinalikan ni Boy ang
noo ng kanyang Lola at saka niya inihiga.
Nakatulog nang mahimbing ang
kanyang Lola.

But Boy didn’t worry too much.

He knew that his Lola felt peace remembering


her fantasy. He saw how happy she was whenever
she recalled the stories that her imagination had
created. Boy kissed her forehead gently and
helped her lie down.

Lola Tarsing fell soundly asleep.


Tungkol sa Manunulat
Robi Goco
Mapanlinlang ang alaala.
Akala nati’y tayo ang may
hawak nito, ngunit madalas,
ito pa ang nangaalipin sa atin.

Mula ako sa lahi ng mga


makakalimutin. Ang
pagkawala ng memorya,
dulot man ng katandaan o
karamdaman, ay itinuturing
na masakit, nakakatakot o
kaawa-awa. Dahil dito, at para
sa Lola Tarsing kong may pagka-ulyanin na,
isinulat ko ang kuwentong ito para bigyang
kabuluhan ang pagkawala ng alaala.

About the Artist


Kriselle de Leon
Kriselle is a third year BFA
Information Design student
in Ateneo. She likes cats,
old people and (sometimes)
drawing comics about her
socially awkward experiences. This is her first
shot at illustrating.
Nagkuwento si Lola Tarsing
sa apo niyang si Boy tungkol
sa kanyang nakaraan.

Noong bata raw si Lola Tarsing,


pumupunta siya sa isang mahiwagang
lugar upang bisitahin ang kanyang mga
kalarong diwata! Ngunit paano kaya
magiging kapani-paniwala ang kuwento
ni Lola kay Boy gayong ulyanin at
makakalimutin na ang matanda?

You might also like