Layunin : Nakasusulat ng isang mabisang tekstong nanghihikayat ukol sa isang napiling pook-pasyalan.
Cagsawa Ruins, Albay
Maraming turista ang gustong pumunta sa iba't ibang
lugar para makapagbakasyon. Isa ang Pilipinas sa maraming bansa kung saan gustong puntahan ng mga turistang ito upang maranasan ang iba't ibang magagandang tanawin at ang mga kakaibang lugar ng bansa. Ngayon pag-usapan natin ang isa sa pinakamagandang lugar dito sa ating bansa ang Cagsawa Ruins, Albay. Ang Cagsawa Ruins ay ang mga labi ng isang ika-16 na siglong Franciscan na simbahan, ang simbahan ng Cagsawa. Ang Cagsawa Ruins ay matatagpuan sa Barangay Busay, Cagsawa, sa munisipalidad ng Daraga, Albay, Pilipinas. Ito ay 2.2 km mula sa bayan ng Daraga at humigit-kumulang 8 km mula sa lungsod ng Legazpi. Magandang puntahan ito sapagkat ito ang pangunahing palatandaan at pinakamataas na punto ng lalawigan ng Albay, maging sa buong Rehiyon ng Bicol. Ang karilagan nito ay pumupukaw sa puso ng marami. Ito ang pinakaunang pambansang parke sa bansa. Ang kamahalan at kagandahan ng Mayon ay makikita sa buong Albay ngunit tiyak na walang lugar na katulad ng Cagsawa Ruins Park kung saan halos ganap na masasaksihan ang tanawin ng nasabing bulkan. Ang Cagsawa Ruins ay naging isang parke, na kilala bilang Cagsawa Park. Ito ay pinoprotektahan at pinananatili ng munisipal na pamahalaan ng Daraga at ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Ang Cagsawa Park ay isa sa pinakasikat na destinasyon ng mga turista sa lugar. Kinilala pa ng International Tourism Bourse ang site bilang isa sa mga lugar na dapat puntahan sa Asya. Kung napunta ka dito, hindi ka mag-aaksaya ng oras mo. Ang lugar na ito ay isa pa rin sa pinakamagandang lugar para tingnan ang maringal na Bulkang Mayon. Kung ikukumpara sa maraming taon na ang nakalipas, ang lugar na ito ay mas turista ngayon, na maraming mga souvenir shop, kainan, atbp.