You are on page 1of 4

“Droom”

Likha ng Pangkat Apat

Saan nga ba nasusukat ang kapalaran ng tao? Sa estado ng buhay? Sa pinag-aralan? O


sa pera?

Sa paaralan ng Pilao National High School matatagpuan ang dalawang magkaibigan na


kapwa mag-aaral na mayroong matayog na pangarap. Si Lucia ang isa sa kanila, siya ay isang
masipag at matiyagang anak at estudyante. Sa kabila man ng kaniyang kahirapan ay patuloy pa
rin siya sa pag-abot ng kaniyang pangarap. Si Brittany naman ang kanyang matalik na kaibigan,
ito ay handang umalalay at tumulong kay Lucia. Siya ay nagmula sa marangyang pamilya, ‘di
tulad ni Lucia ang kinabukasan ni Brittany ay may kasiguraduhan na at paniguradong magiging
maayos na ang kanyang pamumuhay.

Isang araw sa kanilang paaralan nagsimula ang kalse ni Bb. Sarah na kapwa guro nila
Lucia at Brittany. Nagkaroon ng aktibiti ang kanilang guro kung saan nagtanong ito sa kanyang
klase kung ano ang kanilang pangarap sa buhay? At kung gaano kahalaga para sa kanila ang
pagkakaroon ng pangarap? Isa-isang nagtawag ang kanilang guro upang sumagot. Nang si
Brittany na ang sasagot ang kanyang naging tugon ay, “ang aking pangarap ay maging isang
matagumpay na businesswoman, at para po sa akin mahalaga ang pagkakaroon ng pangarap
upang magkaroon tayo ng tunguhin sa buhay at hindi tayo mapariwara bilang isang
mamamayan.” Nagpalakpakan ang kaniyang mga kamag-aral. Sunod naming tinawag si Lucia
upang sumagot, “ako po gusto ko rin maging isang businesswomen tulad ng aking kaibigan
dahil gusto po naming gumawa ng isang business na kami mismo ang magpapatayo at
magpapalago”, nagyakapan ang dalawa at sabay silang umupo. Natapos na ang kanilang klase
at sabay na umuwe ang magkaibigan.

Lumipas ang mga araw, buwan, at taon para sa magkaibigan at sila’y nasa ikatlong
baiting na sa sekondarya. Naging normal lamang ang naging takbo ng buhay ni Brittany, sa
kabilang dako, iba naman ang naging ihip ng hangin para kay Lucia. Hindi na masyadong
nagpapasok si Lucia at nahalata ito nin Brittany, sa pag-aalala nito ay napagdesisyunan nitong
puntahan si Lucia sa kanilang bahay. Nakita niya ang kaniyang kaibigan na naglalaba at ito’y
kanyang nilapitan.

“Sis! Kumusta ka na? ano nang balita sayo? Bakit hindi ka na nagpapasok? Isang taon
na lang magtatapos na tayo eh tapos hindi ka na pumasok?” mahabang patutsada ni Brittany sa
kaniyang kaibigan.

“Uy sis, nakakagulat ka naman, saka pwede bang hinay-hinay lamang sa pagsasalita
hindi na kita maintindihan eh, saka hindi ka naman nagsabi na pupunta ka” pagsagot ni Lucia.

“Sis wala ka talagang telepono kaya pano kita masasabihan?”

“Sabi ko nga, sorry na agad.”


Nagkamustahan ang dalawa at naalala ulit ni Brittany ang kaniyang dahilan ng pagpunta
at pagbisita kay Lucia.

“Sis hindi mo talaga sinagot yung tanong ko sayo, bakit ba hindi ka na nagpapasok?
Parang simula pa lang ng klase ay hindi na ka nagpakita.” Pagtatakang tanong ni Brittany.

“Ganito kasi yan sis, nagkaroon kasi ng problema ang pamilya ko, nagkasakit ang nanay
ko at hindi na rin naman kaya ng tatay kong pag-aralin pa ako kasi may dalawa pa akong
kapatid na nag-aaral, kaya ako na ang nagpaubaya at hihinto na ako sa aking pag-aaral,”
maluha-luhang pagpapaliwanag ni Lucia.

“Ano ba yan sis, may ganyang ka na palang pinagdaraanan bakit hindi ka man lang
nagsasabi sa akin? Maaari naman kitang matulungan,” pagsisimpatya ni Brittany.

“Naku sis hindi na, nakakahiya na sayo, masyado ka nang maraming naitulong para sa
akin, hindi ko na kayang humingi pa ng tulong sayo sa ganitong sitwasyon ko.” Pagtanggi ni
Lucia sa tulong ni Brittany.

“Kung ayaw mong tanggapin ang aking tulong, sure ako need mo ng trabaho, ako na
ang bahala sayo at ilalapit kita sa kakilala kong naghahanap ng empleyado para sa kanyang
kumpanya, remember Kurt? Yung sinasabi ko sayong nagugustuhan kong lalaki.” Pag-aalok
ni Brittany.

“Oo sis natatandaan ko pa, grabe nga yung pagkahumaling mo dun eh”

“Tama ka diyan sis, ako nang bahala sayo para magkaroon ka ng pagkukunan mo ng
financial na pangangailangan mo, sa ganitong paraan man lamang ay matulungan pa rin kita.”
Pagmamalasakit ni Brittany.

“Maraming salamat talaga sayo sis, hindi ko alam ang gagawin kung wala ka, salamat
talaga sa lahat-lahat,” maluwa-luwang pasasalamat ni Lucia kay Brittany.

“Ikaw pa ba, malakas ka sakin, basta mangako ka saking babalik ka sa pag-aaral kapag
nakaluwag-luwag ka na ah.”

“Oo sis pangako ko yan sayo, hindi ko pa naman nakakalimutan yung pangarap nating
dalawa, titiyakin kong mangyayari yun.” Pangako ni Lucia sa kanyang kaibigan.

Dumating na yung araw na ipinakilala ni Brittany si Lucia sa kaibigan at nagugustuhan


nitong si Kurt, isa siya sa pinakabatang businessman sa kanilang siyudad. Agad namang
tinanggap ni Kurt si Lucia bilang kanyang empleyado dahil nakita nitong mukhang masipag at
mapagkakatiwalaan. Iba rin ang naging titig ni Kurt kay Lucia dahil hindi naman maikakailang
may angking ganda ito at napansin ito ni Brittany ngunit hindi na lamang niya ito pinansin.
Lumipas ang mga araw ay na-promote si Lucia bilang manager ng isang branch sa kanyang
pinagtatrabahuan. Dahil sa galak ng may-aring si Kurt ay naisipan nitong ilibre ng hapunan si
Lucia sa isang mall malapit sa kanilang kompanya.

“Tara Lucia, I will treat you a dinner, tapos gala na rin tayo para makapag pahinga ka
naman.” Pag-aaya ni Kurt kay Lucia.
“Naku sir hindi na po kailangan, malaking tulong na po sa akin na na-promote ako sa
trabaho, kahit papano makakaipon agada ko.” Pagtangging winika ni Lucia.

Pero dahil mapilit ang kanyang boss ay walang nagawa si Lucia kundi sumama sa
kanyang boss na gumala at kumain sila sa labas. Sa hindi inaasahan ay naroon din si Brittany
kung saan nagpunta ang dalawa. Nagtagpo ang kanilang mga landas ng may pagtataka at selos
na naramdaman si Brittany ng makita nito sina Kurt at Lucia na malapit isa’t isa.

“Hi Britt, kamusta ka na?” pangangamusta ni Kurt.

“Hello Sis (sabay yakap) san ka pupunta? Congrats nga pala, graduate na ang bessy
ko.” Galak na pagbati naman ni Lucia.

“Thank you, Sis (medyo ilang) by the way, saan kayo pupuntang dalawa at parang ang
saya-saya niyo ata. Holding hands pa talaga.” Inis na pagsagot ni Brittany sa dalawa.

“Ipapasyal ko lang si Lucia dahil siya ang naging employee of the year namin. Kakain lang
din kami sa labas.” Animo’y walang pakialaman si Kurt sa inasta ni Brittany.

“Ah! ganun ba, ang bilis lang siguro ng panahon noh! Kasi ang bilis niyo rin naging close
sa isa’t isa. Mukang marami na rin ata kayong pinagsamahan. Well congrats na lang din sa
inyong dalawa.” Paggalit na wika ni Bittany sabay lakad ng mabilis papalayo sa dalawa.

Hahabulin pa sana ni Lucia ang kanyang kaibigan ngunit huli na ang lahat dahil nakalayo
na ito. Nagpatuloy pa rin sina Lucia at Kurt sa kanilang pupuntahan kahit na may lungkot sa
mukha ni Lucia dahil hindi niya alam kung bakit ganon na lamang ang inasta ng kanyang
kaibigan.

Dahil sa inis at galit na sinamahan pa ng selos na nararamdaman ni Brittany ay agad nitong


binura ang lahat ng anumang koneksyon nito kay Lucia maging kay Kurt. Maging sa mga social
media account nito ay inalis na rin niya bilang kaibigan si Lucia. Siniraan pa ni Brittany ang
kompanya ni Kurt maging ang kaibigan nitong si Lucia. Nagtanim ng galit si Brittany sa dalawa
at nagpunta na lamang ito sa lugar ng kanyang magulang sa probinsya upang doon mamuhay
at asikasuhin ang kompanya na pagmamay-ari ng kanyang pamilya.

Walang naging komunikasyon sina Lucia at Kurt kay Brittany. Wala rin silang naging
balita rito. Dahil naman si ginawang paninira ni Brittany ay naanyayahan si Lucia upang
kapanayamin sa isang tv station. Tinanong si Lucia patungkol sa buhay nito at kung paano niya
naabot ang kanyang kinatatayuan ngayon.

“Hindi po naging madali ang naging buhay ko, bago ko po nakamit ito ay madami po akong
naging pagsubok sa buhay. Dumaan po talaga ako sa butas ng karayom. Huminto po ako sa
pag-aaral at piniling magtrabaho dahil hindi na ako kayang pag-aralin ng aking magulang at
upang makatulong na rin sa kanila. Naranasan ko pong tumanggap ng mga labada noong una.
Laking pasasalamat ko po talaga sa aking matalik na kaibigan na kahit kailan hindi ako
pinabayaan nang mga panahon na lugmok ako at hirap sa buhay. Siya yung naging sandigan at
malaking blessing para sa akin. Lalo na sa mga panahong hindi ko na alam ang gagawin ko
kasi sobrang hirap. Kaya taos puso akong nagpapasalamat sa kanya, sa nag-iisang bessy ko sa
mundong ito, thank you talaga bessy Brittany. At kung nasaan ka man ngayon alam kong
matagupay ka na rin sa buhay. Maraming salamat talaga sayo.” Maluha-luhang paglalahad ni
Lucia kung gaano kahirap ang kanyang dinanas sa kanyang buhay.

Sa kabilang banda naman ay naluluha rin si Brittany habang pinapanood ang interview ng
kanyang kaibigan. Hindi niya lubos maisip na sa kabila ng paninirang ginawa nito ay hindi
man lang nagtanim o nagawang magalit sa kanya ni Lucia. Dahil sa tagpong ito ay napag-isip
ni Brittany na lumuwas ulit pa-Maynila upang hanapin at kausapin ang kanyang kaibigan.
Sumakto naman ang kanyang pagluwas sapagkat nagkaroon ng reunion ang kanilang paaralan
at nagbabakasakali si Brittany na matagpuan doon si Lucia. At hind inga siya nagkamali dahil
pumunta rin si Lucia sa dati nilang paaralan dahil doon ginanap ang reunion. Nagkausap na
ang dalawa at naunawaan naman ni Brittany ang paliwanag ni Lucia tungkol sa kung ano man
ang iniisip nito tungkol sa kanila ni Kurt. Nagkapatawaran ang dalawa at nag-kwentuhan sila
ng may saya sa kanilang mga labi. Napag-usapan din nila ang pangarap nilang dalawa na binuo
sa paaralang iyon. Dahil sa pagkikita nila ay matutupad na ang matagal na nilang planong
magtayo ng isang negosyong sila ang magpapalakad. At dahil trending ngayon ang mga milk
tea house ay ganun ang kanilang tinayong negosyo. At tinawag nila itong Caffe Bessy.

-wakas-

You might also like