You are on page 1of 2

Republic of the Phillipines

Siramag, Balatan, Camarines Sur


DON GREGORIO O. BALATAN INSTITUTE, INC.
S/Y 2022-2023

UNANG BUWANANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Pangalan: _______________________ Puntos: _______________________

Baitang: _________________________ Petsa: ________________________

Test I. Panuto: Tukuyin kung SANHI o BUNGA ang bahagi ng pangungusap na may
salungguhit.

1. Nagtratrabaho nang mabuti si tatay dahil nais niyang magkaroon kami ng


magandang buhay

2. Tumutulong kami sa paglilinis ng.bahay, sapagkat ayaw naming nahihirapan


ang aming magulang.

3. Nag-aaral ako nang mabuti dahil gusto kong magkaroon ng mataas na marka.

4. Si ate ay natuto ng magluto dahil siya ay tinuruan ni nanay.

5. Nagpapatulong ako kay kuy sa paggawa ng aking proyekto sapagkat hindi ko


alam ang gagawin Teacher Lucy.

6. Uhaw na uhaw si Gilbert kung kaya't uminom siya ng maraming tubig.

7. Pinakain ko ang alagang aso mo dahil kanina pa ito tumatahol.

8. Itinakbo sa ospital ang babae sapagka't nahimatay siya sa pagod.

9. Nawalan ng preno ang dyip kaya bumangga ito sa poste.

10. Dahil sinundan niya ang mga babala sa kalsada, nakaiwas siya sa sakuna.

Test II. Panuto: Suriin ang antas ng wikang ginamit sa pangungusap. Isulat
sa patlang kung ang nakadiin ay balbal, kolokyal, lalawiganin o pormal.
_______11. Anong kulay ng tsikot ng utol mo?

_______12. Ewan ko sayo, ayaw mong makinig sa akin.

_______13. Echos lang pala ang lahat ng kanyang sinabi.

_______14. Pupunta ako sa inyong bahay sa susunod na Biyernes.

_______15. Penge naman niyang kinakain mo. gutom na kasi ako.

_______16. Bumili ako ng isang kilong mangosteen sa magkakariton.


_______17. “'Naluoy na ako sa imo", wika ni Linda sa kanyang kapatid

_______18. "Mangan tayon!", yaya ni Vins sa kanyang mga kasamahan.

_______19. Tila binagyo ang kuwarto ni Alex matapos umalis ang kanyang mga
bisita,

_______20. Nakatanggap ng text si Joan mula sa kanyang kaklase at ang


nakalagay rito ay "OTW na ako".

Test III. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salita ayon sa diin.

21. /BU:kas/- _____________


22. /LI:gaw/- ______________
23. /ga:LAH/- _____________
24. /pu:LAH/- _____________
25. /BU:koh/- _____________
26. /ba.GA?/- _____________
27. /LA:bi?/- ______________
28. /BA:sah/- _____________
29. /BA:bah?/- ____________
30. /PU:noh?/- ____________

Test IV. Panuto: Basahin at unawin. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tama at
isulat naman ang MALI kung ang pahayag ay mali.

_________31. Ang korido ay isang genre ng panitikan na nasa anyong patula,


_________32. Ang korido ay may anim na pantig.
_________33. Ang korido ay ikinawiwili ng mga mambabasa.
_________34. Mabilis ang pagbigkas ng korido sa kumpas ng martsa "allegro".
_________35. Pagkamakatotohanan ng korido: ang pakikipagsapalaran ng mga
tauhan ay di maaring maganap sa tunay na buhay.
_________36. Ang korido ay isang awit.
_________37.. Di karaniwang katangian ng pangunahing tauhan.
_________38. May paglalabanan, pakikipagsapalaran, at pagsubok.
_________39. Ang Ibong Adarna ay isang halimbawa ng korido.
_________40. Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino.

You might also like