Professional Documents
Culture Documents
Filipino 11 Pagbasa at Pagsusuri NG Iba'T Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik
Filipino 11 Pagbasa at Pagsusuri NG Iba'T Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik
FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
6. Tekstong Prosidyural
Pamagat
Bago natin simulan ang ating aralin sa araw na ito, nais kong iyong tiyakin na ikaw
ay komportable sa iyong kinauupan. Tiyaking ikaw ay nasa tahimik na silid, nakaupo at
nakasandal ang iyong likod sa upuan at nakapatong ang mga leksyong ito sa mesa. Tiyakin
ding malinis ang iyong pwesto bago ka magsimula.
Mayroong apat na pangunahing Bahagi ang Tekstong Prosidyural. Ito ay nahahati sa apat:
1. Layunin – Ang nais mong maisagawa pagkatapos ng gawain. Tinutukoy rin nito
ang dapat maging resulta ng susunding prosidyur. Ang layunin ay laging
sumasagot sa tanong na “Paano”.
2. Mga Kagamitan / Sangkap – Dito papasok ang mga kagamitan dapat gamitin
para maisakatuparan ang gawain. Sa recipe, kailangan mong ilista ang lahat ng
sangkap upang maihanda ng mambabasa ang kanilang ilalahok sa iluluto.
3. Hakbang(steps)/ Metodo(method) – Ang serye o pagkakasunod-sunod ng
prosidyur.
4. Konklusyon / Ebalwasyon – Sa tekstong prosidyural, ang konklusyon ay
nagbibigay ng gabay sa mga mambabasa kung sa paanong paraan nila
maisasakatuparang mabuti ang isang prosidyur.
Ang karaniwang pagkakaayos/pagkakabuo ng tekstong prosidyural
1. Pamagat – ang nagbibigay ng ediya sa mga mambabasa kung anong bagay ang
gagawin o isasakatuparan
2. Seksyon – Ang pagkakabukod ng nilalaman ng prosidyur. Mahalaga ang seksyon
upang hindi magkaroon ng kalituhan ang mambabasa.
3. Sub-heading – Kung mayroon nang seksyon, dapat ito ay binibigyan din ng
pamagat na magsasabi kung anong parte iyon ng prosidyur.
4. Mga larawan o Visuals – Mahalaga ang larawan sapagkat may mga bagay na
mahirap ipaintindi gamit lamang ang mga salita.
Panuto
Naunawaan mo ba ang susing konseptong ibinigay ko? Maaari kang magtanong kung
may hindi ka nauunawaan hinggil dito mag-text o mag-personal message ka lang sa akin at
tutulungan kitang maunawaan mo ito.
Bago ang gawaing inihanda ko para sa iyo, panatilihing mong maging malinis ang iyong
mga kagamitan at siguraduhing sinunod ang tamang paghuhugas ng kamay. Nasa ibaba ang
mga gawain at kaukulang panuto.
Pamamaraan
Gawain 1:
Gawain 2:
Rubrik sa Pagpupuntos
Oo Medyo Hindi
Paksa
(4) (3) (2)
Nauunawaan ba ang layunin ng teksto
bago pa man basahin ang mga inilahad
na pamamaraan?
Malinaw bang naitala ang mga
kagamitang gagamitin batay sa
pagkakasunod-sunod nito?
Malinaw ba ang mga hakbang na
binanggit? Makasusunod ba ang
babasa sa mga panuto?
Nakatulong ba sa paglilinaw ang
cohesive devices na ginamit?
Wala bang mali sa baybay at balarila
ang kabuuan ng teksto?
Gawain 3:
Mag-isip ng kontent na nais mong ibahagi sa iyong blog. Maaaring mga gawain sa ilalim
ng new normal. Isulat ang pamamaraan kung paano mo isasagawa ang iyong blog.
Ibahagi ang iyong naisulat na tekstong prosidyural sa pamamagitan ng pagtatala nito sa
mga blankong guhit sa ibaba. Isaalang-alang ang rubrik sa ibaba.
Rubrik sa Pagpupuntos
Oo Medyo Hindi
Paksa
(4) (3) (2)
Nauunawaan ba ang layunin ng teksto
bago pa man basahin ang mga inilahad
na pamamaraan?
Malinaw bang naitala ang mga
kagamitang gagamitin batay sa
pagkakasunod-sunod nito?
Malinaw ba ang mga hakbang na
binanggit? Makasusunod ba ang
babasa sa mga panuto?
Nakatulong ba sa paglilinaw ang
cohesive devices na ginamit?
Wala bang mali sa baybay at balarila
ang kabuuan ng teksto?
Pangwakas
Mga Sanggunian
Inihanda ni: