You are on page 1of 5

Kristel Ann V.

Victoriano
BSED-III Mathematics
Modyul 3
PAUNANG PAGSUSULIT
Ibuod kung paano nagkaiba ang panitikan noong bago dumating ang mga dayuhan sa Pilipinas sa
panahon ng iba’t ibang pananakop? Tukuyin sa paliwanag ang impluwensya at pag-unlad nito.
Ang ating mga ninuno ay may sariling panitikan bago pa man dumating ang mga
dayuhang mananakop sa ating bansa. Ngunit ang mga kalapit nating bansa tulad ng Malaysia,
Indonesia at Cambodia ay nakaimpluwensiya sa ating panitikan. Alamat, epiko, kwentong bayan
at mga dula ang ilan sa mga panitikan noon.
Nang dumating ang mga Kastila, lumaganap ang panitikang Europeo. At ang unang
naging manunulat ang mga pari tungkol sa buhay ng mga santo, maikling kwento at nobela.
Bantog sina Jose Dela Cruz, bilang Huseng Sisiw at Francisco Balagtas.
Hindi kalaunan, dumating ang mga dayuhang Amerikano at namayani ang mga akdang
romansa. At sa panahon na ito, nahati ang mga manunulat sa tatlo; wikang Kastila, Tagalog at
Ingles. Mayroon na ring mga bantog na manunulat sa wikang Kastila at ito ay sina Claro M.
Recto, Jesus Balmori, at Fernando Ma. Guerrero. Sa wikang Tagalog naman ay sina Lope K.
Santos, Enigio Ed Regalado, Aurelio Tolentino, at marami pang iba. At sa wikang Ingles ay sina
Jose Maria Villa, NVM Gonzales, Paz Marquez Benitez, at iba pa.
Sa panahon ng mga Hapones ay nagsara ang mga sinehan. Bunsod nito and pamamayani
ng mga dulang Tagalog. Ipinagbawal ng mga Hapones ang paggamit ng wikang Ingles kaya
naman nakahakbang ng Malaki ang panitikang Tagalog. Bumandila ang mga maikling kwento
gayundin ang mga dula na itinatanghal sa teatro.
Sa kasalukuyang panahon ay ating mapapansin na malaki na ang naiunlad ng panitikang
Filipino. Bagamat may bahid pa rin ng romantisismo, namamayani rin ang realismo sa maraming
akda ng manunulat. Ilan sa mga manunulat ng akdang realismo ay sina Rogelio Sicat, Rogelio
Ordeonez, Efren Abueg, Virgilio Almario, at marami pang iba.
GAWAING PAGKATUTO
1. Saliksikn ang epikong Biag ni Lam-ang. Saliksikin at ilahad rin ang kontrobersya sa likod
ng epikong ito.

Ang Biag ni Lam-ang ay sinasabing pinakapopular na magmula sa Hilagang


Luzon partikular sa mga lalawigan ng Ilocos at La Union. Nag-iisa itong Kristiyanong
epikong-bayan at pruweba nito ang paggamit ng mga pangalang naimpluwensiyahan ng
Katolisismo. Sinasabing ang paring si Gerardo Blanco ang nagtala ng epikong-bayan
noong 1889 at si Canuto Medina na nagtala noong 1906. Sinundan ito ng bersiyon na
nailathala sa La Lucha, ang bersiyon ni Parayno noong 1927 at pinagsama niya ang
unang dalawang bersiyon at ang bersiyon ni Leopoldo Yabes noong 1935.

Ang epikong ito ay tungkol sa buhay ni Lam-ang. Ipinangank si Lam-ang nang


walang ama dahil noong ipinagbubuntis pa lamang siya ng kanyang ina ay inutusan ito
upang manguha ng kahoy subalit hindi na nakabalik ang kanyang ama. Si Lam-ang ay
kakaibang bata dahil kahit na siya ay musmos pa lamang ay marami na siyang alam na
sabihin at gawin. Habang lumalaki si Lam-ang, naghahanap na siya ng isang ama. Kaya
naman, tinungo niya ang lugar ng mga Igorot upang hanapin ang kanyang ama at sa
kasamaang palad, nakita niya ang ulo nito. Bumalik na sa bayan sa Lam-ang at nakilala
nya si Ines Kannoyan at kanya ito niligawan. Si Ines Kannoyan ay anak ng
pinakamayamang tao sa kanilang bayan. Nagtungo si Lam-ang sa mismong bahay ng
dalaga dala niya ang kanyang alagang tandang at aso. Maraming pinagdaan si Lam-ang
bago siya makarating.

Nakipaglaban siya kay Sumarang at ginawang akitin din siya ni Sarindang ngunit
hindi nagpatalo si Lam-ang kaya naman nakarating siya sa bahay at naibigay niya ang
kahilingan ng mga magulang ng dalaga. Ikinasal si Lam-ang at si Ines. Ngunit siya ay
namatay dahil kinain siya ng isda. Isang maninisid ang nakakita sa kanyang bangkay at
muli siyang nabuhay dahil sa tandang.

2. Gawan ng sariling komik strip ang epiko ng pakikipagsapalaran ni Lam-ang. Maaaring


sariling guhit o sa tulong ng pormat na galing sa internet.
PAGTATASA
1. Anong kantang pampatulog ang inaawit sa inyo noong bata pa? Ilahad ito.

Ang kantang inaawit sa akin ng aking ina upang ako ay makatulog ay ang lullaby na
“Sa Ugoy ng Duyan” na kung saan hanggang ngayon ay kinakanta ko kapag pinapatulog ko
ang aking pamangkin. Ang awit na ito ay tungkol sa pagmamahal ng magulang sa kanyang
anak na ayaw matanggal sa alaala ng ina kapag dumating ang panahon na magkakasakit.
Gustong maulit ng anak ang mga bagay na nagagawa ng kanyang ina noong bata pa sya na
kung saan nakakatulog siya ng mahimbing. Ipinapakita ng awit na ito ang pagmamahal ng
magulang sa kanyang anak na kung saan handa siyang gawin ang lahat para sa kanyang anak.
2. Sumulat ng makabagong salawikain at gawan ito ng maikling repleksyon.

“Ang buhay ay parang bato, it’s hard”


Tunay ngang sobrang hirap ng buhay. Maraming problema ang dumarating, pero
kailangang lumaban para sa pangarap. Bawat taon ay panibagong yugto n gating buhay. Tunay
na swerte ka kapag nadagdagan ka pa ng mas maraming taon. Marami mang pagsubok, hindi ito
ibibigay ng ating Panginoon kung ito ay hindi natin kayang solusyon. Gaano man kahirap ang
buhay, ito ay kanyang lagpasan ng taong may paninindigan.
3. Magbigay ng kasabihan na naging patnubay mo sa pakikipagsapalaran sa buhay. Bakit ito
ang iyong napili?
“Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin”
Ito ang kasabihan na sikat mula noon hanggang ngayon. Marahil ay marami na ang
nagpatunay nito. Mahirap ang buhay kaya kailangan mong magsumikap at magtiyaga upang ang
ginhawa na iyong inaasam ay iyong maranasan pagdating ng panahon. Bata pa lamang ako lagi
na sakin pinapaalala ng aking ina na dapat kung anong gusto kong marating ay paghirapan ko.
Respituhin ang kapwa upang ako rin ay irespeto. Mahalin ang kapwa upang ang aking
pagmamahal ay bumalik din sa akin. Lagi nating tandaan na kung ano ang gusto nating maani ay
siya dapat nating itanim.

You might also like