You are on page 1of 4

Video 1

Hello magandang araw sa videong ito ibabahagi ko ang aking kaalaman tungkol sa panitikan.

Mahilig ka bang magbasa ng bugtong, salawikain, sanaysay o makinig sa awit, o balagtasan o kaya
naman manood ng mga pelikula? Iyan ay mga halimbawa ng panitikang Filipino. Masining, malikhain at
makahulugang tala ng saloobin, kaugalian, paniniwala, karanasan at pangyayari sa buhay,
komunidad at lipunan, na may iba’t ibang anyo, uri at katangiang yumabong sa mga
pinagdaanang panahon at patuloy ang ginintuang pamumunga nang maging yamang mana sa
mga pausbong na henerasyon - ito ang Panitikang Filipino.

Napapangkat ang pantikang Pilipino sa dalawang paraan ng pag-uuri: ang una ay ayon sa paghahalin, at
ang pangalawa ay ayon sa anyo.

Ayon sa paghahalin, ang panitikan ay napapangkat sa dalawa. Una ay ang pasalindila. Nangyari ito noong
unang panahon nang ang ating mga ninuno ay kulang pa sa kaalaman sa sistema ng pagsulat. Puro
pabigkas lamang ang paraang ginagamit. Paulit-ulit nilang pinapakinggan hanggang sa matanim sa
kanilang isip ang mga tula, awit, o nobela. Kadalasan, nagtitipun-tipon sila upang makinig ng mga
kwento, dula, awit, at tula. Ang pangalawang uri ng panitikan ayon sa paghahalin ay ang pasalinsulat.
Nagawa ito noong panahong natutuhan na ng ating mga ninuno ang alpabeto. Ang mga panitikan ay
isinulat o inukit at ginuhit sa balabak ng kahoy o mga dahun-dahon.

Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Ito ang patula, patuluyan, at patanghal.

Ang panitikan ay nasa anyong patula kung ito ay saknungan; ang taludturan ay maaaring may bilang o
sukat ang mga pantig at magkasintunog o magkatugma ang pantig sa hulihan. Ang anyong patula ay
maaari rin namang malaya at walang mga katangiang tulad ng nabanggit. Nasa anyong patuluyan ang
panitikan kung ito ay patalata sa halip na patuludtod ang porma at ang mga salitang gamit ay
pangkaraniwan lamang o pang-araw-araw na mga salita. Ang panitikan ay patanghal kung ito’y
isinasadula at ipinapalabas sa tanghalan o dulaan. Salitaan ang pagkakasatitik nito at ito’y may mga
yugtong binubuo ng tagpo.

Ang mga anyong patula ay may apat na uri: tulang pasalaysay, tulang paawit o liriko, tulang dula o
pantanghalan, at tulang patnigan. 2. Ang mga uri ng tulang pasalaysay ay epiko, awit at korido, at balad.
3. Ang mga uri ng tulang paawit o liriko ay awitin-bayan, soneto, elehiya, dalit, pastoral, at oda. 4. Ang
mga uri ng tulang dula o patanghal ay ang komedya, trahedya, parsa, saynete, at melodrama. 5. Ang
mga uri naman ng tulang patnigan ay ang karagatan, duplo, at balagtasan.

anyong patuluyan: kwentong bayan alamat o mito pabula parabula kwentong kababalaghan kwentong
katatawanan palaisipan maikling kwento

Sa makabagong panahon ngayon at dahil sa pag-unlad ng kagamitang elektroniko, ang paraan ng


paghahalin ng panitikan ay unti-unting nababago sa pamamagitan ng mga cassette tape at compact disc.
Maaaring tawagin ang paraan ng paghahalin na ito na pasalintroniko.
Video 2

Magandang araw sa inyong lahat. Sa videong ito, ibabahagi ko ang kalagayan ng ating panitikan bago
dumating ang mga kastila. Ang ating panitikan ay sadyang mayaman na. Itinuturing itong matandang
panitikang binuo ng iba’t ibang pangkat ng mga tao na minsa’y nanirahan sa Pilipinas. Ang kauna-
unahang mga nanirahan sa Pilipinas ay ang Negrito o Ita. Walang sariling kulturang masasabi ang mga
Ita. Wala silang nalalaman sa agham, sa paghahanap buhay, sa pamahalaan, sa sining, sa pagsusulat at
sa pamumuhay. Sa panitikan ay wala silang nalalaman kundi ilang awitin at pamahiin. . Ang Pagdating ng
mga Indonesyo Ang unang sapit ng mga Indonesyo ay may lahing Mongol at Kaukao kaya’t sila’y
mapuputi at manilawnilaw ang mga balat. Walang masasabi gaanong kultura angkanilang dinala rito
liban sila’y marunong nang mamahay ng sarili, marunong magtanim ng mga halaman at marunong nang
magisda. Pagkaraan ng 4000 taon ay dumating naman ang ikalawang sapit. Iba ang mga hitsura nito
kaysa mga unang Indonesyong nandarayuhan sa atin. Ang mga Indonesyong ito’y nakahihigit ng
kalinangan kaysa doon sa una. Sila’y may sarili nang Sistema ng pamahalaan, may mga hanapbuhay,
marunong magluto ng pagkain at may dalang panitikang gaya ng epiko, kuwentong bayan, mga alamat,
mga pamahiin at pananampalatayang pagano. Ang Pagdating ng mga Malay Tatlong pangkat ng mga
Malay ang nakarating sa Pilipinas. Ang unang pangkat ay nakarating dito noong kumulang humigit sa 200
taon bago namatay si Kristo at 100 taon pagkamatay ni Kristo. Ang mga Malay na ito’y nagdala ng
kanilang pananampalatayang pagano at mga awiting pangrelihiyon. Sila’y nangagtira sa kabundukan ng
Luzon at sila ang mga ninuno ng mga Igorot, Bontok at Tinguianes. Ang ikalawang pangkat ay dumating
dito mula noong 100 hanggang 1300 taon pagkamatay ni Kristo. Sila ang mga ninuno ng mga Tagalog,
Bisaya, Ilokano at mga iba pa. Sila’y may dalang wika, alpabeto, awiting bayan, kuwentong bayan, mga
alamat at mga karunungang bayan. Sila ang nagdala ng Baranggay. Ang ikatlong pangkat ay ang mga
Malay na Moslem. Nagdala sila dito ng epiko, alamat, kuwentong bayan at ng pananampalatayang
Moslem. Ang mga Intsik ay nagdala ng kanilang wika- kaya’t mahigit sa 600 salitang Intsik ay bahagi na
ng wikang Pilipino. Ang mga salitang gusi, susi, mangkok, talyasi, kawali, kawa, bakya, tingi, Ingkong,
Impo, bayaw, inso, kuya, diko, sangko at mga iba pa ay nanggaling sa Intsik.

Impluwensiya ng mga Bumbay Nagdala sila ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang epiko,


awiting bayan at liriko. Marami ding mga salitang Bumbay o Hindu na bahagi na ng wikang Pilipino. Ang
mga ito’y, guro, bansa, mukha, likha, hukom, dukha at iba pa. Mga Arabe at Persiyano Nagdala sila ng
mga epiko, kuwentong bayan, dula at alamat. mpluwensiya ng Imperyo ng Madjapahit Ang Imperyo ng
Madjapahit na ang pinaka sentro ay Java sa Indonesya ay nagging napakamakapangyarihan at maraming
mga kalapit bansa ang nasakop. Kabilang dito ay Indo Tsina, Cambodia, Siam, Anam, Tonkin at Pilipinas.
Kaya’t ang Pilipinas ay nagkaroon ng impluwensiya ng mga bansang nabanggit lalo na sa panitikan. Ang
mga kuwentong bayan ng Cebu, Panay, Negros at Palawan ay katulad ng mga kuwentong bayan ng mga
nabanggit na mga bansa. Ang Imperyo ng Malacca Nagtatag sila ng pamahalaang pinamumunuan ng
mga Sultan o Rajah. Sinasabing ang karaniwang pahayag na “Alla-eh” sa Batangas ay impluwensiya ng
Imperyo ng Malacca.

At nais ko rin ibahagi ang Mga Bahagi ng Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila

Narito ang alamat, mga kwentong bayan, epiko, awiting bayan, mga Karunungang Bayan tulad ng
bugtong salawikain, sawikain,kasabihan at palaisipan.
Video 3

Hello magandang buhay. Panibagong araw panibagong aral. Sa videong ito, malalaman ninyo ANG
PANITIKAN SA PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN

Atin munang sulyapan ang nakaraan. Ang panahong ito ay nagsimula noong taong 1872 nang pinalitan
ng isang mahigpit na Kapitan Heneral na si Raafael de Izquierdo, ang isang mabuting puinuno, at tunay
na demokratikong si Heneral Carlos Maria de la Torre. Binaligtad ni Izquierdo ang mga ginawa ni De la
Torre kaya nagkagulo. Naghimagsik ang mga kawal, at manggagawa sa pamumuno ng isang sarhentong
kawal, si La Madrid. Nahati sa dalawang pangkat ang mga Pilipinong nagnanais ng pagbabago. Ang
unang pangkat ay pinangunahan ni Dr. Jose Rizal na umasang makakamit ang kalayaan sa mahinahong
pamamaraan. Kabaligtaran naman ang paniniwala ng pangkat na pinamumunuan ni Andres Bonifacio.
Ayon kay Bonifacio ay umabot na sa sukdulan ang kanilang paghihintay ng pagbabago, at panahon na
para mag – alsa. Kaya hindi na napigil sa paglusob ang mga Katipunero. Marami ang napatay sa bawat
paglusob ngunit sa halip na mawalan ng pag – asa ay lalo pang dumami ang sumapi sa samahan. Nakilala
rin sa panahong ito ang mga Pilipinong may diwang makabayan. Ang tinaguriang “Tatsulok ng mga
Propagandista” ay sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, at Graciano Lopez Jaena at iba pang mga
propagandista

DR. JOSE RIZAL, BAYANI NG LAHING KAYUMANGGI Si Jose Rizal ay isinilang sa Kalamba, Laguna noong
Hunyo 19, 1861. Sa kabataan pa lamang ay kinakitaan na siya ng pambihirang talino. Sa kabuuan, siya ay
isang henyo. Ang mga isinulat niya ay mga batumbuhay na pambuo ng batayan ng kagitingin. Itinaya
niya ang kanyang buhay sa kamatayan tulad ng isang magiting na kawal sa larangan ng digmaan

PILIPINAS sa LOOB ng SANDAANG TAON TUNGKOL sa KATAMARAN ng mga PILIPINO (Sobre La


Indolencia Los Filipinos) ] ANG NOLI ME TANGERE at ang EL FILIBUSTERISMO ay ilan sa mga akdang
pampanitikan na isinulat ni dr josse rizal upang ipagtanggol ang ating bansa laban sa mga dayuhan.

Noli me tangere at El Filibusterismo- ang dalawang nobelang ito ay tuwirang naglalahad ng sakit ng
lipunan, maling pamamalakad ng pamahalaan at simbahan, depekto sa edukasyon sa kapuluan, paniniil
ng mga mapagsamantala at pagnanasang pakinggan ng mga maykapangyarihan ang hinaing ng bayan.

Sa Mga Kababaihang Taga-Malolos- isang sulat na bumabati sa mga kababaihang tagamalolos dahil sa
kanilang paninindigan at pagnanais matuto. · Hingil sa Katamaran ng mga Pilipino- sanaysay na
napalathala sa La Solidaridad ang pahayagan ng kilusang propaganda. Awit ni Maria Clara- buhat sa isang
kabanata ng noli. Ang tula ay pagsisiwalat ng kaniyang damdamin tungkol sa sariling bayan. · Mi Ultimo
Adios- kahulihulihang tula ni rizal.

Si Marcelo H. Del Pilar ay isinilang sa nayon sa nayon ng Kupang, San Nicolas, Bulakan noong Agosto
30,1850. Si Del Pilar ay lalong kilala sa sagisag – panulat na Plaridel. Siya ang nagtatag ng DIARIONG
TAGALOG noong 1882. Ang pahayagang ito ay naglalaman ng mga daing ng mga Pilipino laban sa maling
pamamalakad ng mga Kastila sa Pilipinas. Ang ilan sa mga sinulat ni Del Pilar ay ang CAIINGAT KAYO,
KADAKILAAN NG DIYOS, DASALAN AT TOCSOHAN at sAGOT NG ESPANYA SA HIBIK NG PILIPINAS

Si Graciano lopez – Jaena ay ipinanganak sa Jaro, Iloilo noong Disyembre 17, 1856. Siya ay
pinakadakilang henyo ng Pilipinas. Sinulat niya ang nobelang Fray Botod, isang nobelang katatawanan na
tumutuligsa sa isang paring matakaw at mataba. Sa Barcelona itinatag niya ang pahayagang La
Solidaridad noong 1889, pahayagang mapanghimagsik ng mga Pilipino sa Espanya. Sinulat din niya ang
nobelang Ang Bandido sa Pilipinas (El Bandolerismo en Filipinas), niliwanag niya sa pahayagang ito, na
hindi mga bandido ang mga Pilipino ang tunay na bandido ay ang mga prayle at mga pinuno ng
pamahalaan. Kasapi rin siya sa Asociasion Hispano – Filipina, kapisanang binubuo ng mga Kastila at mga
Pilipino na siyang lumalakad sa pagbabago sa mga batas ng Pilipinas. Itinatag din niya ang El Latigo
Nacional.

IBA PANG TAGAPAGBANDILA NG KILUSANG PROPAGANDA ANTONIO LUNA , PEDRO PATERNO JOSE
MARIA PANGANIBAN, MARIANO PONCE, PASCUAL POBLETE, ANDRES BINIFACIO, Emilio Jacinto,
APOLINARIO MABINI, JULIAN FELIPE, at si JOSE PALMA,

Dumako naman tayo sa mga kilalang PAMAHAYAGAN sa PILIPINAS sa PANAHON ng KASTILA Si Tomas
Pinpin ang kauna – unahang naglimbag ng isang polyeto (newspaper). Dahil ditto, Si Pinpin ay kinilalang
siyang kauna – unahang manlilimbag na Pilipino.

DEL SUPERIOR GOBIERNO Ang Del Superior Gobierno ang kauna – unahang pahayagan na regular na
inilathala Sa Pilipinas. Ang unang patnugot ay si Manuel Fernandez del Folgueras. Unang lumabas noong
Agosto 8, 1811, inilathala sa pahayagang ito ang mga Gawain sa Kortes ng Espanya. Napatigil ang
pahayagang ito pagkaraan ng 15 labas.

LA ESPERANZA Kinilalang unang pahayagang pang – araw – araw.

DIARIO DE MANILA Unang lumabas noong 1848 sa pamamatnugot ni Felipe del Pan

MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NA PAGBABAGONG ISIP ▪ LA OPINION Sa maraming labas ng


pahayagang ito, tinuligsa ang mga prayle at hiniling ang pagtitiwalag ng arsobispo ng Maynila noon. Ang
naging patnugot nito ay si Julian de Poso at Jesus Polanco. ▪ ANG DIARIONG TAGALOG Magkatulong na
inilathala nina Marcelo del Pilar at Pascual Poblete ang Diariong Tagalog noong 1882. ▪ ANG LA
SOLIDARIDAD Ang pinakabantog na pahayagan sa panahon ng pagbabagong isip, ang unang patnugot ay
si Graciano Lopez – Jaena. ▪ ANG KALAYAAN Si Emilio Jacinto ang unang patnugot nito, ito ay hanggang
dalawang labas lamang sapagkat natiktikan ng mga Kastila ang lihim ng Katipunan. ▪ LA INDEPENDENCIA
Ang unang namatnugot sa pahayagang ito ay si Antonio Luna. Nanatiling inilathala sa pamahon ng
himagsikang Pilipino at Kastila at naging pahayagan ng Katipunan.

You might also like