You are on page 1of 11

Araling Panlipunan 7

Ikatlong Markahan
Week 1-2

Pangalan:_____________________Baitang at Pangkat:________________Petsa:_______
Paksa: Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga
Kanluranin sa Unang Yugto (ika-16 at ika-17 siglo) Pagdating nila sa Timog at
Kanlurang Asya

MELC: Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at


imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto ng (Ika-16 at Ika-17 siglo
pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya

Not For Sale


Konsepto: Basa-Suri-Unawa!

Ang kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na “colonus” na ang ibig sabihin ay


magsasaka. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na mamamahala ng mga sinakop upang
makamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes, samantalang ang
imperyalismo ay nagmula sa salitang Latin na “imperium” na ang ibig sabihin ay command.
Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang bansa sa aspektong
pangpolitika, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng mahina at maliit na bansa upang
maging pandaigdigang makapangyarihan.

Talahanayan 1: Tagpuan ng Mangangalakalna Europeo at Asyano


BILANG LOKASYON TAGPUAN

Una Unang Ruta Nagsimula sa China at tatawid sa lungsod ng


Samarkand at

Bokhara.

Pangalaw Gitnang Ruta Papunta sa baybayin ng Syria at dadaan sa Golpo


a ng Persia.

Pangatlo Timog Ruta Maglalayag mula sa India, tatahakin ang Karagatang

Indian hanggang sa makarating ng Egypt sa


pamamagitan ng Red Sea.

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
Talahanayan 2: Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na
Magtungo sa Asya
Dahilan Mga Mahalagang Pangyayari

Ang Krusada Inilunsad ni Papa Urban II noong 1096 sa mga Kristiyanong


na inilunsad kabalyero.
noong 1096 Layunin na mabawi ang Jerusalem, ang banal na lugar ng mga
Kristiyano na nasakop ng mga Muslim.

Ang ⮚ Isang Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga


Paglalakbay ni Venice.
⮚ Nanirahan sa China sa panahon ni

Not For Sale


Marco Polo
⮚ Emperador Kublai Khan ng dinastiyang Yuan nang higit sa
halos 11 taon dahil siya ang tagapayo nito.
⮚ Itinalagang maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Asya sa ngalan
ng Emperador.
⮚ Nakarating siya sa Tibet, Burma, Laos, Java, Japan, at
Siberia.
⮚ Inilimbag niya ang aklat na “The Travels of Marco Polo” nang
bumalik sa Italy noong

⮚ 1295.

Ang ⮚ Ito ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “muling


Renaissance pagsilang”.
⮚ Nagmula sa Italya noong 1350.

⮚ Isa itong pilosopikal na makasining at binigyang-diin ang


pagbabalik interes sa mga kaalamang klasikal sa Greece at
Rome.
⮚ Pangunahing interes ay labas sa saklaw ng relihiyon.
⮚ Natuon ang interes ng tao sa istilo at desinyo, sa pamahalaan,
sa edukasyon, sa wastong pag-uugali, at sa paggalang ng
pagkatao ng isang indibidwal.
⮚ Nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan ng kalakalan at
negosyo kaya umusbong ang rebolusyong komersiyal na
nagdulot ng mga pagbabago sa gawang pang- ekonomiya.

Ang Constantinople - ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit


Pagbagsak ng sa kontinente ng Europe. Ito ay nagsilbing rutang pangkalakalan
mula Europe patungong India, China, at iba pang bahagi ng
Constantinopl
Silangan na napasakamay ng mga Turkong Muslim noong 1453.
e (bahagi ng
teritoryong madalas daanan noong panahon sa Krusada.
Turkey sa
⮚ Nang lumakas ang Turkong Muslim at sinakop ang Jerusalem,
kasalukuyan)

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
nanganib at bumagsak ito sa mga Turkong Muslim.

⮚ Nasakop nang lubusan noong 1453 nang masakop ng


Turkong Muslim ang Mediterranean.

⮚ Tanging mga Italyanong mangangalakal na taga Venice,


Genoa, at Florence ang pinayagan ng mga Turkong Muslim ang
makadaan sa ruta.

⮚ ang kalakal na nakuha sa Asya ng mga Italyano ay dinala sa


bansang Portugal, Spain, Netherlands, England at France.

⮚ napilitang maghanap ng bagong ruta ang mga mangangalakal


na Europeo na pinangunahan ng mga Portugese at sinundan ng
mga Spanish, Dutch, Ingles at Pranses.

Not For Sale


ika-16 na siglo naimbento ang mas maunlad na kagamitang
pandagat tulad ng astrolabe kung saan ginagamit upang
malaman ang oras at latitude samantalang ang compass ay
ginagamit upang malaman ang direksiyon ng pupuntahan.

Ang Naniniwala ang mga Europeo na may malalaking magagawa ang ginto
Merkantilismo at pilak sa katuparan ng kanilang adhikain.
Konsepto nang yaman ng bansa ay nasa dami ng ginto at pilak.

Napalakas ang kapangyarihan ng bansang mananakop

Nagbibigay daan sa pag-aagawan ng kolonya sa bagong daigdig.

Ang pang-katubigang kalakalan at pananakop ng mga bansang


Europeo ay naging daan sa pag-unlad ng ekonomiya ng Europe.

Pamamaraan sa pakikipagkalakalan at ang pagbabangko ay napaunlad


upang kumita nang lumaki ang bansang Europe.

Ang mga dahilan na nagbunsod sa mga kanluranin na makarating sa


Asya ang naging daan para sumigla ang palitan ng kalakal ng mga
Europeo at mga Asyanong mangangalakal at makilala ng mga
Kanluranin ang mga likas na yaman, mga hilaw na material na
panustutus sa industriya.

Talahanayan 3: Mga Paraan ng mga Kanluranin sa Pananakop


Kanluraning Pangyayari/Paraan ng Pagsakop Bansang Sinakop
Bansa
/Mananakop

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
PORTUGAL 1502 – nagbalik at nagtatag si Vasco da Gama  Calicut sa India
ng sentro ng kalakalan

1505 – ipinadala si Francisco de Almeida bilang  Mga bansa sa


unang Viceroy sa silangan
Silangan

1510 – sa pamumuno ni Alfonso de ⮚ Ormuz sa Golpo ng


Persia(Iran)
Albuquerque maraming bansa ang
⮚ Diu at Goa sa
nasakop
⮚ India
⮚ Aden sa Red Sea

⮚ Malaca sa

Not For Sale


⮚ Malaya
⮚ Moluccas sa

⮚ Ternate
⮚ Macao sa China

⮚ Formosa

⮚ (Taiwan)

⮚ paggamit sa mga daungan upang makontrol ang kalakalan

⮚ nanakop sa pamamagitan ng pangkabuhayan o pang-ekonomiya


hanggang sa ipinasok ang Kristiyanismong Katolisismo sa mga
nasasakupan

1580 – sinakop ng Spain sa loob ng 60 taon

1640 – nakalaya ngunit ang kanyang mga koloya ay nakuha ng


England at France

ENGLAND John Cabot – isang Italyanong marinero na Nova Scotia,


namuno sa England Canada

East India Company – isang pangkat ng ⮚ Ceylon

mangangalakal na Ingles na pinagkalooban ng ⮚ Malaya


England ng
⮚ Singapore
kapangyarihan
⮚ Australia
- sentro ng kalakalan ng England sa
India Nakapagtatag ng permanenteng panirahan ⮚ New Zealand
sa Hilagang Amerika

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
⮚ Mga pulo sa
Hilagang Pasipiko

1600 – ginamit ang East India Company upang ⮚ India


mangalakal at pamahalaan ang pananakop nito at
pangalagaan ang interes nito sa ibayong dagat

1612 – nabigyan ng permiso ang Ingles para ⮚ Surat


makapagtatag ng pagawaan

1622 – tinulungan ng Ingles ang mga Persian laban ⮚ India


sa Portuguese kaya’t nakapagtatag ng sentro ng
kalakalan sa kanluran at silangang baybayin

⮚ British East India Company – nakakuha ng concession

Not For Sale


(pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo) sa Madras mula sa Rajah
ng Chandragiri

⮚ 1668 – pinaupahan ni Haring Charles ang pulo ng Bombay

⮚ 1690 – nakakuha ng kapirasong lupain sa delta ng Ganges ang mga Ingles


sa pagpayag ni Emperador Aurangzeb, lider ng Impeyong Mogul

⮚ tuluyang sinakop ang India ng makita ang malaking pakinabang sa likas na


yaman nito

FRANCE ika-18 siglo – sinakop ang buong kolonyang ⮚ Laos


French Indo- China
⮚ Cochin China

⮚ Cambodia

⮚ Annam
nakipagsabwatan sa pinunong lokal ng Bengal 1664 – naitatag ang French East
India Company

nakapagtatag ng pamayanang pangkomersiyal ⮚ Pondicherry

⮚ Chandarnagore

⮚ Mahe

⮚ Karikal
⮚ Dutch East India Company – ginamit upang mamahala sa isang bahagi ng
NETHERLANDS
India

⮚ Sinakop ang East Indies (Indonesia)

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
nakuha ang Oman at Muscat noong 1507 ng mga
TURKONG
OTTOMAN mangangalakal na Portuguese ngunit napatalsik ng mga Arabe noong 1650
⮚ 1907 – naging protectorate ng Great Britain ang Bahrain, ngunit pinatalsik
ang mga British ni Heneral Shah Reza Pahlavi

Talahanayan 4: Mga Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at


Kanlurang Asya
Larangan Mga Patunay

Ekonomiya Pinakinabangan ng husto ang mga likas na yaman at mga hilaw na


sangkap
Pagkakaroon ng mga pamilihang paglalagyan ng mga produkto Ang
natural na kapaligiran ng mga Asyano ay unti-unting naubos at
pinagkakitaan ng mga dayuhan.

Not For Sale Nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren, at kalsada ang mga
mananakop

Isinilang ang mga Asyanong naging mga mangangalakal o


middlemen

Nagtayo ng mga ospital

Politika ⮚ Hiwa-hiwalay na estado na iba-iba ang namumuno ang naging


kalagayan ng mga katutubo

⮚ Nagtatag ng isang sentralisadong pamahalaan

⮚ Nagkaroon ng paghahati-hati ng rehiyon sa mga kanluraning


bansa at nagkaroon ng fixed border o takdang hangganan ang
teritoryo ng bawat isa

Sosyo-Kultural ⮚ Nasanay ang mga Asyano sa paggamit ng mga produktong


dayuhan

⮚ Ang mga paniniwala, pilosopiya, at pananampalataya ng mga

Asyano ay pinalitan ng mga dayuhan


⮚ Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga katutubo at mga
kanluranin

⮚ Ang mga kaugalian ay nahaluan tulad sa mga pagkain at istilo ng


pamumuhay ay ginaya.

Gawain 1: “Arrange Me!”


Panuto: Ayusin ang mga ginulong salita na tinutukoy sa pangungusap. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
Halimbawa: BUKLAI KAHN- siya ang Emperador ng dinastiyang Yuan sa China na
nagtalaga ni Marco Polo na maglakbay sa iba’t ibang lugar sa Asya.
Sagot: KUBLAI KHAN

1. OCAMR OPLO inilimbag niya ang aklat na “The Travels of Marco Polo” nang
bumalik sa Italy noong 1295

2. SANCERENAIS isa itong pilosopikal na makasining at binigyang- diin ang


pagbabalik interes sa mga kaalamang klasikal sa Greece at Rome

3. OPLETANTINCONS ito ay teritoryong madalas daanan noong panahon sa Krusada.

4. KANLISTIMOMER ito ay konsepto nang yaman ng bansa ay nasa dami ng ginto at pilak

5. LAHIGANG TARU nagsisimula sa China at tatawid sa lungsod ng Samarkand at Bokhara.

Not For Sale


GAWAIN 2:
Panuto: Isulat sa kahon ang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya na nasakop ng
mga Kanluranin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

PORTUGAL ENGLAND FRANCE NETHERLANDS

Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:


INDIA Singapore China Indonesia

Isaisip
Gawain 3: “Answer Me!”
1. Papaano mo maipapakita ang pagmamahal sa sariling bansa sa kabila ng mga
impluwensiya ng kolonyalismo at imperyalismo?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG SAGOT

Nilalaman Maayos at naaayon sa tanong. 2

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
Kaangkopan Angkop at makakaingganyo sa bumabasa. 2

Kahusayan Diretso sa ideyang nais ipahayag. 1

Kabuuan 5

Gawain 4: “Dapat May Label!”


Panuto: Isulat ang D kung Dahilan, P kung Paraan at E kung Epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya ang mga sumusunod
na pahayag.
_____1. Ang Paglalakbay ni Marco Polo
_____2. Pagkakaroon ng mga pamilihang paglalagyan ng mga produkto

Not For Sale


_____3. Paggamit sa mga daungan upang makontrol ang kalakalan
_____4. Ang Krusada na inilunsad noong 1096
_____5. Pananakop sa pamamagitan ng pangkabuhayan at pangekonomiya

Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.
_____1. Alin sa mga sumusunod na salita sa ibaba ang nangangahulugang, “muling
pagsilang”?
a. Krusada
b. Merkantilismo
c. Paglalakbay
d. Renaissance

_____2. Alin sa mga epekto ng Kolonyalismo at imperyalismo na na tumutukoy sa


pagpatayo ng mga tulay, riles ng tren, at kalsada ang mga mananakop/
a. Ekonomiya
b. Politika
c. Sosyo-kultural
d. Pilosopiya
_____3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangunahing salik na
naging resulta ng imperyalismo?
a. Kapitalismo
b. Krusada
c. Rebolusyong Industriyal
d. White Man’s Burdern

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
_____4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga kautusang legal na
pinasisimulan ng mga Ingles?
a. Pagsisimula ng sistemang edukasyon kung saan Ingles ang ginagamit na
wika
b. Paggamit sa sariling wika ng India sa sistemang edukasyon
c. Pagbabawal ng mga pang-aalipin
d. Pagpapaalis ng suttee
_____5. Ang mga sumusunod ay ang mga teritoryo nakuha ng France maliban sa;
a. Canada
b. England
c. Laos
d. Louisiana sa Amerika
_____6. Ito ay gingamit upang malaman ang direksyon ng pupuntahan.
a. Astrolabe
b. Barometer
c. Compass

Not For Sale


d. Telescope
_____7. Ito ay ang pagtatatag ng permanenteng territoryo sa mga dayuhang
lupain.
a. Imperyalismo
b. Kolonyalismo
c. Nasyonalismo
d. Terorismo

_____8. Ang aklat na inilimbag ni Marco Polo sa kanyang pagbalik sa Italy noong
1295 ay ang;
a. The Travels of Papa Urban II
b. The Travels of Kublai Khan
c. The Travels of Marco Polo
d. The Travels of Magellan
_____9. Ang mga sumusunod ay ang magandang epekto ng kolonyalismo at
Imperyalismo maliban sa;
a. Ang mga paniniwala at pananampalataya ng mga Asyano ay napalitan
b. Lumawak ang kaalaman sa Heograpiya
c. Nakilala ang iba’t ibang produkto
d. Lumawak ang kalakalan

_____10. Sa anong kadahilanan mas kilala ang Portugal?


a. Nanguna sa kalakalan
b. May mahabang baybayin
c. Mga Kaalamang pandagat
d. Unang bansang pumalaot sa kolonisasyon
_____11. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng instrumentong Astrolabe?
a. Instrumentong panukat sa mga anggulong kinalalagyan ng mga bituin
at araw
b. Instrumentong ginagamit upang malaman ang oras at latitud
c. Instrumentong sumukat sa taas ng araw at bituin.
d. Instrumentong gabay sa tamang direksiyon

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
_____12. Alin sa mga sumusunod ang nagmula sa salitang Latin na “imperium” na
ang ibig sabihin ay command?
a. Imperyalismo
b. Kapitalismo
c. Kolonyalismo
d. Merkantilismo
_____13. Anong uri ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya ang pahayag na, “Ang mga istilo ng pamumuhay ay
iginaya sa Kanluranin”?
a. Ekonomiya
b. Kalusugan
c. Politika
d. Sosyo-kultural
_____14. Alin sa mga Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng
Europe?
a. Constantinople

Not For Sale


b. Espanya
c. Jerusalem
d. Portugal
_____15. Layunin nito na mabawi ang Jerusalem, ang banal na lugar ng mga
Kristiyano na nsakop ng mga Muslim.
a. Paglalakbay ni Marco Polo
b. Ang Reinkarnasyon
c. Ang mga Krusada
d. Ang Renaissance

Sanggunian

Aklat

Blando, Rosemarie C, et.al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba


Eduresources Publishing Inc., Philippines 2014.pahina 196-200

Blando, Rosemarie C, et.al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba


Eduresources Publishing Inc., Philippines 2014.pahina 201-204

Blando, Rosemarie C, et.al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng


PagkakaibaEduresources Publishing Inc., Philippines 2014.pp. 213-215.

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.
Inihanda ni:

ARCELE S. MONREAL
Digos City National High School

Evaluator:
MARIA ELSIE D. MIJARES

Not For Sale


Digos City National High School

For Classroom and Educational Use Only. For DepEd Digos City Division Use Only. Not for Sale.

You might also like