You are on page 1of 1

Malakihang bawas-presyo sa

petrolyo sa Marso 21
Bumaba ang presyo ng petrolyo bunsod ng pagsasara ng ilang malalaking bangko sa Amerika, na
nakadagdag sa pangamba ng global recession o paghina ng ekonomiya ng buong mundo.

Pero ayon sa mga taga-industriya, hindi pa tiyak kung magtutuloy ang pababang trend sa presyuhan dahil sa
ilang salik.

"'Yong takot o fears sa stability ng banking system ng US at Europe kasi nagsara 2 bangko nila. Second,
tumaas crude inventory ng US," ani Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero.

Samantala, inaasahang malaki rin ang rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) pagdating ng
Abril 1.

Sa ngayon kasi, lagpas $200 per metric ton o katumbas ng higit P13 kada kilo ang ibinagsak ng presyo nito
sa world market.

Pero posible pa umanong magbago ang numero dahil may 11 days pa bago mag-Marso 31.

REFLECTION:Malaking tulong sa atin ang malaking pagbawas ng petrolyo dahil malaki ang tulong
nito saatin tulad ng mga bawas presyo ng mga gas bababa ang pamasahe

You might also like