Professional Documents
Culture Documents
711 Bagong Kaso NG Omicron Subvariants
711 Bagong Kaso NG Omicron Subvariants
Omicron subvariants,
natukoy sa Pinas
Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Martes na mayroon pang 711 bagong kaso ng
Omicron Covid-19 subvariants ang natukoy sa Pilipinas.
Kabilang naman sa mga bagong tukoy na XBB cases ay isang returning overseas Filipino (ROF)
habang ang iba pa ay pawang lokal na kaso mula sa Regions 1, 3, 4A, 4B, 5, 6, 7, 11, 12, CAR, at
NCR. Ang mga natukoy namang XBC cases ay pawang local cases mula sa Regions 1, 7, 10, 11,
at 12.
Samantala, ang lahat ng kaso ng BA.2.75 ay pawang local cases mula sa Regions 11, CAR, at
NCR.
Ang lahat naman ng bagong kaso ng BA.4 ay pawang local cases din na mula sa Regions 4A, 11,
at 12.
Ang naturang resulta ng mga samples na iprinuseso ng San Lazaro Hospital, Research Institute
for Tropical Medicine (RITM) at ng University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-
PGC), ay inilabas nito lamang Martes.