You are on page 1of 1

SCRIPT: Video Message for LCEs

—-----------------------------------------------------

Mga minamahal kong magulang…

Ngayong panahon ng COVID-19 pandemic, may mga naitalang kaso ng tigdas at


rubella sa iba’t ibang bahagi ng bansa at lumalaking banta ng polio na kung hindi
mapipigilan ay maaaring mauwi sa outbreak o malakawang pagkalat at hawaan sa mga
sakit na ito.

Bakit po nangyayari ito? Dahil milyun-milyong bata ang hindi nakatatanggap ng


kailangang bakuna at patuloy pang dumami ang mga batang hindi nabakunahan o
kulang sa bakuna dahil sa pagkaantala ng pagbabakuna dulot ng COVID-19 pandemic.

Kapag hindi napigilan ang pagkalat ng mga sakit na ito, Dadami ang mga batang
malalagay sa peligro, maaring magkaroon ng ulit ng outbreak ng polio, rubella, at tigdas
at mahihirapan ang ating mga health personnel na harapin ang posibleng pagdagsa ng
mga pasyente sa ating mga ospital.

Tanging pagbabakuna lamang ang paraan para maiwasan ang mga ito.
Bakuna ang pinakamabisang panlaban sa polio, rubella at tigdas.

Kaya naman, pabakunahan na natin ang lahat ng mga batang 0-59 months old kontra
polio at mga batang 9-59 months old kontra rubella at tigdas sa malawakang
pagbabakuna na gagawin ngayong buong buwan ng Mayo.

Protektahan natin ang ating mga anak laban sa mga nakamamatay na sakit na ito.
Dalhin ang mga chikiting sa pinakamalapit na health center o itinalagang vaccination
sites sa inyong lugar.

Ang mga bakunang binibigay ay libre, epektibo at ligtas.

Chikiting Ligtas! sa dagdag bakuna kontra polio, rubella at tigdas! Pabakunahan


na ang inyong mga anak para sa isang HealthyPilipinas!

You might also like