You are on page 1of 2

Republic of the Philippines Respondent

Department of the Interior and Local Government No.______


MIMAROPA Region

PRE – EXAMINATION FORM

1. Ito ay tawag sa mga pasyenteng mayroong Influenza-like illness na hindi matukoy kung saan
nanggaling ang sakit at nagkaroon ng relevant travel history sa isang lugar na may local
transmission o naging close contact ng PROBABLE o CONFIRMED na pasyente

a. Probable
b. Suspect
c. Confirmed

2. Ito ay isa sa mga klasipikasyon ng COVID-19 na kung saan ang mga pasyenteng Suspect Case ay
mayroong hindi tiyak na resulta ng RT-PCR Test o di kaya naman ang RT-PCR Test ay ginawa sa
hindi opisyal na laboratoryo. Ano ito?

a. Suspect
b. Confirmed
c. Probable

3. Dapat alam ng BHERT ang sistema o set-up sa kanilang bayan para nakakabit ang kanilang
paglilingkod sa pangkalahatang programa kontra COVID-19 ng kanilang komunidad. Dahil dito,
ang mga sumusunod ay dapat alamin ng isang miyembro ng BHERT, MALIBAN sa isa. Ano ito?

a. Alamin kung kanino dapat ipagbigay-alam kung may bagong kaso o may pagbabago sa
sitwasyon mga pasyenteng mino-monitor.
b. Alamin kung sinu-sino ang mga vulnerable households na nangangailangan ng ayuda
c. Alamin kung sinu-sino ang mga close contacts ng pasyenteng naging kumpirmado sa
COVID-19 at sabihin sa kanila kung kanino sila nahawa.

4. Karaniwan na ang BHERT ang unang nakakausap ng pasyente o ng kanyang pamilya. Madalas,
BHERT din ang unang nakakakuha ng mahahalagang impormasyon tungkol sa pasyente. Dahil
dito, napakahalaga ng papel ng BHERT para gampanan ang mga sumusunod na tungkulin. Alin
dito ang hindi dapat gawin ng mga miyembro ng BHERTs.

a. Koordinasyon sa lokal na pamahalaan para sa pagsugpo ng COVID-19 (local COVID-19


response)
b. Pagbibigay ng kaalaman o facts sa komunidad tungkol sa COVID-19
c. Pagkakalat ng impormasyon tungkol sa taong nagpositibo sa COVID-19.
d. Pagbabantay sa kalusugan ng pasyente sa komunidad.

1 | Page
Republic of the Philippines Respondent
Department of the Interior and Local Government No.______
MIMAROPA Region

PRE – EXAMINATION FORM

5. Ano ang Form na ginagamit sa pagkuha ng impormasyon mula sa taong nagpositibo sa COVID-
19?
a. Travel History, Places Visited, and Events Attended Form.
b. Profile of the COVID-19 Close Contacts Form
c. Case Investigation Form o CIF

6. Ito ay ang proseso ng paghahanap, pagtukoy, at pag-asikaso sa mga taong posibleng nahawaan
ng COVID-19 o nakasalamuha ng mga pasyenteng may COVID-19. Ano ito?
a. Case Finding and Investigation
b. Contact Tracing
c. Case Management and Monitoring

7. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng mga BHERTs sa pagsasagawa ng Contact Tracing, maliban
sa isa. Ano ito?
a. Magsilbing navigator o gabay ng Local Contact Tracing Team (LCCT)
b. Hindi pagpapasa ng wasto at kumpletong Individual Signs and Symptoms Log Forms sa
P/C/MESU nang tama sa oras
c. Magsagawa ng regular na pag-monitor at pag-assess sa mga naka-quarantine na close
contacts

8. Ito ang proseso ng paghihiwalay sa mga taong walang sakit ngunit nanggaling sa lugar kung
saan laganap ang COVID-19 o kaya ay nakasalamuha ng mga taong maaari o kumpirmadong
may COVID-19

a. Isolation
b. Quarantine
c. Contact Tracing

9. Ito ang proseso ng Paghihiwalay sa mga taong posibleng may sakit na COVID-19 (suspect,
probable, confirmed)
a. Isolation
b. Quarantine
c. Contact Tracing

10. Upang maiwasan ang COVID-19, ang mga sumusunod ay mga dapat gawin pagdating sa bahay
kapag ikaw ay nanggaling sa labas, maliban sa isa. Ano ito?
a. Maghugas ng kamay bago pa pumasok ng bahay.
b. Isantabi muna sa isang bahagi sa labas ng bahay ang mga dalang gamit.
c. Ipasok sa loob ng bahay ang ginamit na sapatos o tsinelas.
d. Maligo agad at magsuot ng malinis na damit.

2 | Page

You might also like