You are on page 1of 1

MGA ISYU SA 2023

OPINION

On Dec 26, 2022

MAY mga isyu na patuloy na gugulo sa Filipinas sa 2023. Una, ang patuloy na paglabag ng

China sa integridad ng teritoryo ng Filipinas. Hindi titigil ang Peking sa pangangamkam sa ilang

piling bahagi ng West Philippine Sea (WPS) dahil sa isda at yamang dagat nito. Kahit mag-usap

si BBM at Xi Jinping sa Enero. Walang mangyayari sapagkat buo ang loob ng Peking na hindi

igalang ang Filipinas. Mahina at walang buto si BBM, sa tingin ng Peking.

Pangalawa, ang pagsulong na sakdal na crimes against humanity laban kay Rodrigo Duterte at

mga kasapakat sa International Criminal Court (ICC). Nanginginig sa takot si Rodrigo Duterte,

Bong Go, Bato dela Rosa at iba pa sa anuman na maaaring mangyari. Hindi nangyari kahit

minsan na humarap ang ang mga pinuno ng bansa dahil sangkot sa krimen. Bago sa Filipinas na

isinakdal ang presidente sa ICC.

Pangatlo, hindi kaya ni BBM na pamunuan ang Filipinas lalo na ang pambansang ekonomiya.

Patuloy ang pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin. Patuloy na paglaki ng budget deficit

dahil sa kawalan ng buwis na susuporta sa pambansang badyet na umaabot sa halos P5.3 trilyon.

Tataas ang interes sa pautang at pababa ang halaga ng piso sa palitan sa dolyar ng Estados

Unidos.

You might also like