You are on page 1of 2

MGA MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA

Mayroong limang modelo ang pambansang ekonomiya. Ipinapakita sa bawat modelo ang galaw at gampanin ng bawat kasapi ng iba’t ibang sektor at
maging ang pamilihan nito.

UNANG MODELO. Ang unang modelo ay tinatawag na simpleng ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ang lumilikha ng produkto ay
siya rin ang konsyumer. Ang sambahayan ay ang kalipunan ng mga mamimili sa isang ekonomiya. Ang bahay-kalakal naman ay ang tagalikha ng
produkto.

KOKONSUMO NG
PRODUKTO

BAHAY-KALAKAL
LILIKHA NG SAMBAHAYAN
PRODUKTO

IKALAWANG MODELO. Ang pag-iral ng sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya ang tuon ng ikalawang modelo. Ang sambahayan at bahay-
kalakal ang pangunahing sektor dito. Sila ay binubuo ng iba’t ibang aktor. May dalawang uri ng pamilihan sa pambansang ekonomiya. Ang unang uri
ay ang pamilihan ng mga salik ng produksyon o factor markets na kinabibilangan pamilihan para kapital na produkto, lupa, at paggawa. Ang
ikalawang uri ay ang pamilihan ng mga tapos na produkto (commodity) o goods market / commodity markets.

Sa ikalawang modelo, ipinapalagay na may dalawang aktor sa isang ekonomiya – ang sambahayan at bahay-kalakal. Ang sambahayan ang may
demand sa produkto at ang bahay-kalakal ang may kakayahang lumikha ng produkto. Nakikipag-ugnayan ang dalawang aktor upang matugunan ang
kawalan sa bawat isa sa pamamagitan ng pamilihan (factors market at goods market/commodity market).

Bilang kabayaran sa mga ginamit na salik ng produksiyon ng bahay-kalakal (gastos ng para sa bahay-kalakal) ay tumatanggap ng kabayaran na sahod
para sa paggawa, interes sa kapital, kita sa entreperenyur at upa o renta sa lupa ang sambahayan (kita ng sambahayan).

Para sa pangangailangan ng sambahayan bibili siya sa pamilihan ng tapos na produkto na siyang magiging gastos sa panig ng sambahayan at kita
naman sa bahay-kalakal.

KITA PAGGASTA
PAMILIHAN NG
KALAKAL AT
PAGBEBENTA NG PAGLILINGKOD PAGBILI NG KALAKAL
AT PAGLILINGKOD
KALAKAL AT
PAGLILINGKOD

BAHAY-KALAKAL
BUMIBILI NG LUPA,
SAMBAHAYAN
PRODUKTIBONG PAMILIHAN NG PAGGAWA,
RESOURCES
SALIK NG KAPITAL

PRODUKSYON
SUELDO, UPA,
TUBO O INTERES KITA

IKATLONG MODELO. Ang ikatlong modelo ay mayroong dalawang pangunahing sektor – ang sambahayan at bahay-kalakal. Ang dalawang sektor
sa modelong ito ay isinasaalang-alang ang kanilang mga desisyon sa hinaharap. Hindi ginagamit ng sambahayan ang lahat ng kita para sa pamimili at
ang bahay-kalakal ay hindi lamang iniisip ang kasalukuyang produksyon. Bukod sa pamimili at paglikha ng produkto, ang pag-iimpok (savings) at
pamumuhunan (investments) ay nagiging mahalagang gawaing pang-ekonomiya.

Tatlo ang pamilihan sa modelong ito. Ang pamilihan ng mga salik ng produksyon o factor markets, ang pamilihan ng mga tapos na produkto
(commodity) o goods market / commodity markets, at ang pamilihang pinansiyal o financial market.

Nag-iimpok ang mamimili bilang paghahanda sa hinaharap. Ang bahagi ng kita na hindi ginastos ay tinatawag na impok (savings). Ito ang inilalagak
sa pamilihang pinansiyal tulad ng bangko, kooperatiba, insurance company, pawnshop at stock market.

Ang mga bahay-kalakal naman ay nagnanais na magpalawak ng negosyo. At upang mapalawak ang negosyo ay hihiram ang bahay-kalakal sa
sambahayan sa pamamagitan ng pamilihang pinansiyal. Ang paghiram na ito ay may kapalit na kabayaran o interes,

Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay hindi orihinal na mga gawaing pang-ekonomiya kung kaya ipinapakita ito sa pamamagitan ng broken lines sa
pigura.
KITA PAGGASTA

PAMILIHAN NG KALAKAL
PAGBEBENTA NG KALAKAL AT
AT PAGLILINGKOD PAGBILI NG KALAKAL AT
PAGLILINGKOD PAGLILINGKOD

BAHAY-KALAKAL
SAMBAHAYAN
BUMIBILI NG PRODUKTIBONG
RESOURVCES
PAMILIHAN NG SALIK LUPA, PAGGAWA,
KAPITAL
NG PRODUKSYON

SUELFO, UPA, TUBO O INTERES KITA


PAMILIHANG
PAMUMUHUNAN PINANSIYAL PAG-IIMPOK

IKAAPAT NA MODELO. Ang ikaapat na modelo ay kung saan ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan. Maaaring maliit maliit at
mabagal o malaki at aktibo ang gampanin ng pamahalaan dito. Bukod sa pag-iimpok at pamumuhunan, ang pagbabayad ng buwis ay nagiging
karagdagang gawain sa ekonomiya. Tulad ng pag-iimpok at pamumuhunan, broken lines ang ginamit sa pigura para sa pagbabayad ng buwis.

Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumite. Ang kita mula sa buwis ay tinatawag na public revenue. Ito ang ginagamit ng pamahalaan
upang makalikha ng pampublikong paglilingkod. Ang pampublikong paglilingkod ay nauuri sa pangangailangan ng sambahayan at ng bahay-kalakal.

KITA
PAGGASTA
PAMILIHAN NG KALAKAL
AT PAGLILINGKOD
PAGBEBENTA NG KALAKAL AT PAGBILI NG KALAKAL AT
PAGLILINGKOD PAGLILINGKOD

PAGBILI NG KALAKAL AT BUWIS


PAGLILINGKOD
PAMAHALAAN
BAHAY-KALAKAL
BUWIS SUWELDO, TUBO. TRANSFER
SAMBAHAYAN
BUMUBILI NG LUPA, PAGGAWA,
PRODUKTIBONG RESOURCES
PAMILIHAN NG SALIK KAPITAL
NG PRODUKSYON
SUWELDO, UPA, TUBO, O INTERES KITA
PAMILIHANG
PAMUHUNAN PINANSIYAL PAG-IIMPOK

IKALIMANG MODELO. Sa naunang apat na modelo, ang pambansang ekonomiya ay sarado. Ang saradong ekonomiya ay hindi nakikipag-ugnayan
sa mga dayuhang ekonomiya. Sa modelong ito, ang pambansang ekonomiya ay bukas. May kalakalang panlabas ang bukas na ekonomiya open
economy). Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at salik ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya. Ang
perspektiba sa pambansang ekonomiya na bukas ay internasyonal.

Ang pambansang ekonomiya ay tinatawag na home economy. Ang ekonomiyang kaugnay nito ay tinatawag na dayuhang ekonomiya o foreign
economy. Mayroong nagaganap na kalakalan sa pagitan ng home economy at foreign economy na tinatawag na kalakalang panlabas. Ang bahay-
kalakal ay nagluluwas (export) ng mga produkto sa panlabas na sektor samantalang ang sambahayay ay nag-aangkat (import) mula rito.
PAG-AANGKAT (IMPORT)
PAGLULUWAS (EXPORT)
PANLABAS NA SEKTOR

KITA PAGGASTA
PAMILIHAN NG
KALAKAL AT PAGBILI NG KALAKAL AT
PAGBEBENTA NG KALAKAL
AT PAGLILINGKOD PAGLILINGKOD PAGLILINGKOD

PAGBILI NG KALAKAL BUWIS


AT PAGLILINGKOD PAMAHALAAN

BAHAY-KALAKAL
SUWELDO, TUBO, TRANSFER
BUWIS
SAMBAHAYAN
BUMIBILI NG
PRODUKTIBONG RESOURCES
PAMILIHAN NG SALIK LUPA, PAGGAWA,
KAPITAL
NG PRODUKSYON

SUWELDO, UPA, TUBO, O INTERES KITA


PAMILIHANG
PAMUMUHUNAN PINANSIYAL PAG-IIMPOK

You might also like