You are on page 1of 4

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT

SA EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN V

NAME: ________________________________________________________ SCORE: _______________

I-H.E.

I-A. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat pangungusap. 


_____________1. Bahaging nagpapaikli o nagpapahaba ng panahi. 
_____________2. Lagayan ng karete ng sinulid na pang-itaas. 
_____________3. Pumapatnubay sa koriya upang hindi mawala sa lugar. 
_____________4. Tapakan na nagpapaandar sa malaking gulong habang nananahi. 
_____________5. Kaha na lagayan ng bobina.B. Isulat ang W kung wasto ang pangungusap at DW kung hindi. 
_____________6. Ang makina ay kailangang alagaang mabuti upang magtagal ito. 
_____________7. Lagyan ng langis ang makina pagkatapos gamitin. 
_____________8. Hayaang nagagabukan ang makina. 
_____________9. Umupo ng maayos at ilapat ang mga paa sa spool pin. 
_____________10. Hugasang mabuti ang kamay bago manahi. 
_____________11. Tiyaking nasa tama at nasa maayos na lalagyan ang mga bahagi ng makina.

C. Punan ang patlang ng tamang sagot.

12. Ang pagpapatakbo ng _______________ ay isang mahalagang kakayahan.


13. Ipadyak nang banayad ang ________at tiyaking papunta sa iyo ang ikot ng balance wheel.
14. Ibaba ang _________ upang maipit ang tela at mailagay sa lugar.
15. Itaas ang __________ at ilagay ang sanayang tela sa ilalim ng tela.
16. Paandarin ang makina nang banayad. Hawakan ng ________kamay ang tela upang hindimawala sa lugar.

II-RT
Piliin ang titik ng wastong sagot na may kinalaman sa matalinong pamimili ng paninda.

17. Anong dapat gawin sa pamimili ng mga paninda?


A. Piliin ang mga paninda na makapagdudulot ng mga sakit para sa mga mamimili.
B. Piliin ang wasto at tamang uri ng paninda.
C. Balewalain na lang ang panindang bibilhin.
18. Anong uri ng paninda ang dapat bilhin?
A. Mura ngunit may mataas na uri. 
B. Mura ngunit sira.
C. Kahit ano na lang.
19. Ano ang dapat gawin bago mamili ng mga paninda?
A. Gumawa ng listahan ng mga bibilhin upang makatipid sa oras.
B. Makipagkasundo na kaagad sa bibilhan kahit di pa alam ang presyo.
C. Ubusin ang oras sa pamimili.
20. Alin sa mga sumusunod ang mas dapat piliin kapag mamimili ng paninda?
A. Napakaganda at maayos ngunit napakamahal ng halaga.
B. Maganda lamang.
C. Piliin ang sobrang mahal upang maging sikat.
21. Anong katangian ang dapat taglayin ng isang tao kapag mamimili ng paninda?
A. Matalino at matipid 
B. Palakaibigan
C. Masipag lamang 
D. Matipid
B. Kwentahin ang presyong pantinda ng sumusunod na aytem. ( 21-26 )

Aytem Puhunan x 15% Presyong Pantinda


papel Php 6.00
bolpen Php 4.50
lapis Php 4.25
ruler Php 6.75
gunting Php  15.00

C. Anu- ano ang mga katangian ng mahusay na tindera? ( 27-31 )

III- IA
A. Isulat ang PP kung ang sumusunod ay pamputol, PB kung pambutas, PK kung pamukpok at PH kung
panghasa. 

_____32. pait 
_____35. katam 
_____33. barena 
_____36. brace 
_____34. Malyete

B. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang TAMA kung sang-ayon ka saisinasaad at MALI
kung hindi. 
______37. Itago ang mga kasangkapang ginamit sa isang kahon. 
______38. Tiyakin na ang maliliit at magagaan ay nasa ilalim ng malalaking kasangkapan. 
______39. Gamitin lamang ang angkop na kasangkapan sa bawat gawain. 
_____ 40. Maglagay ng panakip sa mata kung gagamit ng welding machine. 
______41. Bawal maghugas agad ng kamay pagkatapos gumawa. 
______42. Pwedeng gamitin ang kasangkapang de-kuryente kung may patnubay ng kapatid. 
______43. Magpahinga kapag sobra na ang pagod sa paggawa. 
______44. Ibigay ang buong atensiyon sa ginagawa. 
______45. Magligo agad pagkatapos gumawa.

IV-EA
A. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

46. Gumawa ng punlaan sa narseri ng paaralan si G. Reyes. Anong uri ng lupa ang dapat niyanggamitin?
a. lupang malagkit 
b. lupang puro buhangin
c. lupang buhaghag 
d. lupang maraming bato
47. Naghanap si Luis ng lupang gagamitin sa kanyang punlaan. Saang pook siya dapat kumuhang lupa?
a. lupang pinagbungkalan ng lupa 
b. pinagsigaan
c. dating basurahan 
d. sa buhangin
48. Ano ang isa pang salik na dapat isaalang alang sa pagnanarseri?
a. punlang binhi gagamitin sa pagtatanim 
b. buhangin
c. taong magtatanim 
d. pera
49. Nais ni Mang Pepe na gumawa ng orchard ng kalamansi. Nagtungo siya sa PanlalawigangNarseri upang
bumili ng punla. Anong naitulong sa kanya?
a. Napagkakitaan ito. 
b. Nakatutulong sa pagpaparami ng halaman.
c. magandang libangan 
d. Nakatutulong sa pagpapalaganap ngmagagandang uri ng binhi.
50. Retiradong guro si G. Santos. Upang malibang, nagtayo siya ng sariling narseri. Siya nag
nangasiwa nito at ito’y kanyang napunlad. Anong pakinabang ang kanyang natamo sa
pagnanarseri?
a. mahusay na libangan
b. Mabuti lamang sa walang magawa
c. Nakatutulong sa pagpapaluntian ng paligid
d. Nakatutulong sa pagpaparami ng mabuting uri ng halaman.

51. Maagang natapos si Mang Juan sa pagbomba ng kanyang tanim na sitaw. Ano ang dapat niyang gawin sa
“sprayer” matapos gamitin?

a. Isabit sa puno 
b. Pintahang muli ito
c. Balutin lamang 
d. Linisin at itabi ng maayos

B. Enumerasyon:

A. Mga Kasangkapan o Kagamitan sa Pagnanarseri( 52-55 )

B. Planong Pamproyekto sa Pagnanarseri.( 56-60) 


IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA EPP V
TALAAN NG ISPISIPIKASYON

You might also like