You are on page 1of 23

8

Araling Panlipunan
Quarter 4 – Module 1
Unang Digmaang Pandaigdig
Araling Panlipunan — Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 4 — Module 1: Unang Digmaang Pandaigdig
First Edition, 2020

Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the
payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Development Team of the Module

Writer: Aisa C. Dayata

Reviewers: Alging S. Lloren, PhD Elvira Ruvi U. Camocamo

Evaluator: Arniel Canales


Illustrator: Jay Michael A. Calipusan
Layout Artist: Norebel A. Balagulan

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Conniebel C. Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar
CID Chief

Members: Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – Araling Panlipunan


Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City

Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City


Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan
Quarter 4 – Module 1
Unang Digmaang Pandaigdig
Tala ng mga Nilalaman
Paunang Salita..................................................................................................i
Alamin................................................................................................................i
Pangkalahatang Panuto...................................................................................i
Mga Icon ng Modyul na ito..................................................................................................ii

Subukin............................................................................................................iii
Panimulang Pagtataya....................................................................................................iii

Aralin 1 - Mga Sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig................................1


Alamin................................................................................................................................ 1
Suriin................................................................................................................................. 1
Nasyonalismo................................................................................................................ 1
Imperyalismo................................................................................................................. 1
Militarismo……………………………………………………………………………………….2
Pagbuo ng mga Alyansa...............................................................................................2
Pandaigdig na Hidwaan (International Anarchy)........................................................2
Pagyamanin....................................................................................................................... 3
Gawain 1: Story Map.....................................................................................................3

Aralin 2 - Pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig...............................4


Alamin................................................................................................................................ 4
Suriin................................................................................................................................. 4
Ang Pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig....................................................4
Digmaan sa Kanluran....................................................................................................4
Digmaan sa Silangan....................................................................................................4
Digmaan sa Balkan.......................................................................................................4
Digmaan sa Karagatan..................................................................................................5
Pagyamanin....................................................................................................................... 5
Gawain 1: Ika’y Mahalaga!............................................................................................5
Aralin 3 - Mga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig..............................6
Alamin................................................................................................................................ 6
Suriin................................................................................................................................. 6
Mga naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.................................................6
Kasunduang pangkapayapaan.....................................................................................6
Ang labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson......................................7
Mga lihim na kasunduan lingid sa kaalaman ni Pangulong Wilson..........................7
Liga ng mga Bansa.......................................................................................................7
Pagkabigo ng Liga ng mga Bansa...............................................................................8
Isaisip................................................................................................................................ 8
Gawain 1: Diary............................................................................................................. 8

Buod..................................................................................................................9
Pagtatasa........................................................................................................10
Susi sa Pagwasto..........................................................................................12
Sanggunian....................................................................................................13
Paunang Salita
Ang modyul na ito ay tungkol sa mahahalagang pangyayari hinggil sa pagkakaroon ng
Unang Digmaang Pandaigdig (1914-1918). Ang mga digmaang ito ay nag-iwan ng malalim na
sugat at aral sa kasaysayan ng sangkatauhan. Tatalakayin sa mga aralin sa modyul na ito ang
mga sanhi, pangyayari at ang maraming pagbabagong idinulot ng unang digmaang pandaigdig
na naganap sa kasaysayan.

Alamin

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo


ang mga sumusunod:
 Nasusuri ang mga sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig
 Matatalakay /mailalarawan ang mahahalagang pangyayari na nagdulot ng
Unang Digmaang andaigdig
 Nasusuri ang mga epekto sa mga bansa ng Unang Digmaang Pandaigdig

Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:

1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang
mga direksyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

i
Mga Icon ng Modyul na ito

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin
kaalaman mo sa aralin ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa
maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
Tuklasin
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay
sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
Suriin
maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.

Naglalaman ito ng mga katanungan upang


Isaisip maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

ii
Subukin

Panimulang Pagtataya:

Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Letra lamang ng
wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay mga sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig MALIBAN sa:
A. Nasyonalismo
B. Imperyalismo
C. Demokrasya
D. Militarismo

2. Ito ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng World War I.
A. Treaty of Paris
B. United Nations
C. League of Nations
D. Treaty of Versailles

3. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig


MALIBAN sa
A. pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente.
B. pandaigdigang krisis tulad ng naganap sa mga Estado ng Balkan at sa Morocco.
C. pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa.
D. pagtatag ng Nagkakaisang Bansa.

4. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula ng


Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers
B. Pagpapalabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
C. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo, Bosnia
D. Pagwawakas ng mga Imperyo sa Europa tulad ng Alemanya, Austria- Hungary,
Rusya, at Ottoman

5. Ang kasunduan sa Versailles ay mahalaga dahil sa mga probisyon nito ukol sa .


A. pag-angkin ng Rusya sa Constantinople upang magkaroon ng magandang
daungan.
B. paghahati-hati sa dating kolonya ng Alemanya sa pangangasiwa ng mga
bansang magkaka-alyado.
C. pagkakaroon ng Triple Alliance at Triple Entente
D. paglaban ng Alemanya sa kapangyarihang pandagat ng Inglatera.

iii
Aralin
Mga Sanhi ng Unang Digmaang
1 Pandaigdig

Alamin
Mapag-aralan sa araling ito ang mga sanhi sa Unang Digmaang Pandaigdig.
Malalaman din kung ano ang mga bansang nakikilahok at magkakampi. Inaasahang
makapagbibigay ka ng mga paraan para makamit ang pandaigdigang pagkakaunawaan.
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Makatutukoy sa mga bansang magkakampi sa Unang Digmaang Pandaigdig; at
2. Maipapahayag ang mga dahilan ng pagsilakbo ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Suriin
Nasyonalismo
Nagbunsod ng pagnanasa ng mga tao na maging
malaya ang kanilang bansa ang damdaming nasyonalismo.
May panahon na ito ay nagiging panatikong pagmamahal sa
bansa. Halimbawa, ang aristokrasyang militar ng Alemanya,
ang mga Junker, ay nagpilit na sila ang nangungunang lahi sa
Europa.
May mga bansa na masidhi ang paniniwalang
karapatan nila na pangalagaan ang mga kalahi nila kahit nasa
ilalim ng kapangyarihan ng ibang bansa. Halimbawa nito ay
ang kagustuhan ng Serbia na angkinin ang nasa ilalim ng
https://i982.photobucket.com/albums/a
Austria, ang Bosnia at Herzegovina. Marami rin sa mga estado e306/etajima62/presente.jpg

ng Balkan na Greek Orthodox ang relihiyon at ang pananalita


ay tulad ng mga Ruso kaya ginagawang dahilan ng Rusya upang makialam sa Balkan.
Upang magkaroon siya ng daungang ligtas sa yelo, gusto ring maangkin ng Rusya ang
Constantinople.
Nais namang angkinin ng Italya ang Trent at Triste na sakop din ng Austria at ang
Pransya, sa kabilang dako, ay nagnanais ding mapabalik sa kanya ang inangkin ng
Alemanya noong 1871 bunga ng digmaan ng Pransya at Prusya, ang Alsace-Lorraine. Kaya,
ipinalagay na natural nilang kaaway ang mga Aleman ng maraming Pranses.
Imperyalismo
Ang pag-aangkin ng mga kolonya ay isang paraan ng pagpapalawak ng
pambansang kapangyarihan at pag-unlad ng mga bansang Europeo. Lumikha ng samaan
ng loob at pag- aalitan ng mga bansa ang pag-uunahan ng mga makapangyarihang bansa
na sumakop ng mga lupain at magkaroon ng kontrol sa pinagkukunang-yaman at kalakal ng
Aprika at Asya. Sapagkat balakid ito sa kanyang balak na maglagay ng transportasyong
riles mula sa Cape
Colony patungong Cairo, sinalungat ng Britanya ang pag-angkin ng Alemanya sa
Tanganyika
(East Africa). Sapagkat naiinggit ito sa mga tagumpay ng Pransya sa Hilagang Aprika,
tinangka namang hadlangan ng Alemanya ang pagtatatag ng French Protectorate sa
Morocco.
1

Sa gitnang silangan, sapagkat ito'y panganib sa kanyang lifeline patungong India,


nabahala ang Inglatera sa pagtatag ng Berlin-Baghdad Railway. Tumawag ng pansin at
mahigpit na pagsalungat ng Serbia at Rusya ang pagpapalawak ng hangganan ng Austria
sa Balkan. Ang Britanya at Hapon ay naging kalaban din ng Alemanya sa pagsakop sa
Tsina. Sapagkat kaunti lamang ang kanilang nasakop samantalang malaki ang nabahagi ng
Inglatera at Pransya, hindi nasiyahan ang Alemanya at Italya sa pagkakahati-hati ng Aprika.
Militarismo
Kinakailangan ng mga bansa sa Europa ang mahuhusay at malalaking hukbong
sandatahan sa lupa at karagatan upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo. Ang
pagpaparami ng armas ay kaugnay nito na naging ugat ng paghihinalaan at
pagmamatyagan ng mga bansa. Ang Alemanya ay nagsimulang magtatag ng malalaking
hukbong pandagat na ipinalagay na tahasang paghamon sa kapangyarihan ng Inglatera
bilang Reyna ng Karagatan.
Pagbuo ng mga Alyansa
Dalawang magkasalungat na alyansa ang nabuo
– ang Triple Entente at ang Triple Alliance - dahil sa
inggitan, paghihinalaan at lihim na pangamba ng mga
bansang makapangyarihan.
Noong 1882, itinatag ang sekretong kasunduan o
Triple Alliance ng Germany, Austria-Hungary at Italy.
Nagkasundo sila na magtutulong-tulungan kung
aatakehin sila ng ibang bansa.
Sa 1907, Triple Entente – Ito ay isang
kasunduang diplomatiko at militar sa pagitan ng France,
Great Britain, at Russia. Ang pangunahin na kasunduan
ay pagtatanggol sa sarili: Ang bawat bansa ay nangako http://tomatobubble.com/
na tumulong gamit ang tulong-militar ng bansa kung ang sitebuildercontent/site
kasapi ay inaatake.
Pandaigdig na Hidwaan (International Anarchy)
Hindi naging mabisa ang Hague Court of Arbitration na itinatag noong 1899 dahil
hindi naman obligado ang isang bansang mapailalim dito. Pinatnubayan ni Czar Nicholas II
(1868-1918) ng Rusya ang unang pagpupulong sa Hague na nagtatag sa samahan ngunit
nabigo rin sa pagbabawas ng mga armas. Sa mungkahi ni Pangulong Theodore Roosevelt
(1858-1919), naganap ang pangalawang pagpupulong sa Hague noong 1907.
Magkakasunod ang nangyaring krisis ng mga bansa na tuwirang nagbunsod sa
pandaigdig na alitan sampung taon bago nangyari ang Unang Digmaang Pandaigdig (1914-
1918).
a) Ang krisis sa Morocco noong 1905:
 Noong Marso 31, 1905, dumating si Kaiser Wilhelm II (1859-1941) ng Alemanya
sa Tangiers upang ideklara ang kanyang suporta para sa sultan ng Morocco, na
nakapukaw sa galit ng Pransya at Britain.
b) Krisis sa Balkan noong 1908
 Sinakop ng Austria ang Bosnia at Herzegovina na humantong sa isang
kontrobersya sa pagitan ng Dual Monarchy at Turkey. Humantong din ito sa mga
internasyonal na komplikasyon kung saan sa loob ng maraming linggo ay
nagbanta na magtapos sa isang pangkalahatang giyera sa Europa.

c) Krisis sa Morocco noong 1911


 Ang France ay nagtatag ng isang protectorate sa Morocco bilang isang resulta ng
paglagda sa Treaty of Fez noong Marso 30, 1912. Ang mga sundalong Moroccan
ay nag mutiny laban sa mga kumander ng Pransya sa Fez simula noong Abril 17,
1912.
d) Krisis sa Balkan noong 1913
 Sinakop ng Serbia ang Albania nang talunin niya ang Turkey sa digmaang Balkan.
Sa wakas, wari'y natupad na rin ang kanyang ambisyong magkaroon ng lusutan
tungo sa Dagat Adriatiko.
Noong ika-28 ng Hunyo, 1914, si Archduke Francis Ferdinand (1863-1914),
tagapagmana sa trono ng Austria ay dumalaw sa Sarajevo, Bosnia. Siya ay pataksil na
pinatay ni Gavrilo Princip (1894-1918), isang Serbian na naninirahan sa Bosnia. Si Princip
at ang kanyang kasama ay kabilang sa The Black Hand, isang grupong teroristang laban sa
Austria. Naghinala ang Austria na may kinalaman ang Serbia sa pangyayari, at agad
nagpadala ng ultimatum ang Austria sa Serbia. Ang mga itinalaga sa ultimatum ay hindi
katanggap-tanggap ng Serbia kung kayat iminungkahi nitong isangguni sa Hague Court ang
suliranin. Hindi nasiyahan ang Austria sa kasagutan at noong ika- 28 ng Hulyo, 1914, ito ay
nagpahayag ng pakikidigma laban sa Serbia.

Pagyamanin
Gawain 1: Story Map
Panuto: Batay sa binasang teksto, punan ng impormasyon ang Story Map upang
masuri ang mga sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig.

Sanhi ng Unang
Digmaang
Pandaigdigan
Pamprosesong tanong:

1. Sino-sinong mga pinuno ang nanguna sa Unang Digmaang Pandaigdig?


2. Ano-anong mga bansa ang nagpapakita ng diwa ng nasyonalismo sa Unang Digmaang
Pandaigdig?
3. Paano naging ugat ng Unang Digmaang Pandaigdigan ang imperyalismo at militariso?
3

Aralin
Mga Pangyayari sa Unang
2 Digmaang Pandaigdig

Alamin
Ang araling ito ay tungkol sa mga pagbabagong naganap sa Europa at mga
pagsisikap ng mga bansa na matamo ang kapayapaan matapos ang Unang Digmaang
Pandaigdig. Tatalakayin din ang mga pangunahing dahilan ng mga bansa upang mapanatili
ang kapayapaan at maiwasan ang digmaan.
Matapos ang araling ito ay inaasahan na iyong matatalakay ang mahahalagang
pangyayari ng Unang Digmaang Pandaigdig

Suriin
Ang Pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig
Sinuportahan ng Alemanya ang tangka ng Austria na mapahina ang Serbia. Hindi rin
naman mapayagan ng Rusya na mapahina ang Serbia kayat humanda na itong tumulong.
Ang Pransya ay nakahanda ring tumulong sa Rusya. Alam ng Alemanya na kung
makakalaban niya ang Rusya, makakalaban din niya ang Pransya.

Digmaan sa Kanluran
Dito naganap ang pinakamainit ng labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ang
bahaging nasakop ng digmaaan ay mula sa hilagang Belhika hanggang sa hangganan ng
Switzerland. Lumusob sa Belhika ang hukbong Alemanya at ipinagwalang-bahala nitong huli
ang pagiging neutral na bansa nito. Ito ang paraang ginamit nila upang malusob ang
Pransya. Ngunit sila'y inantala ng magiting na pagsasanggalang ng mga taga-Belhika sa
Leige.

Digmaan sa Silangan
Lumusob ang Rusya sa Prusya (Germany) sa pangunguna ni Grand Duke Nicholas
(1856-1929), pamangkin ni Czar Nicholas II. Ngunit noong dumating ang saklolo ng
Alemanya, natalo ang hukbong Ruso sa Digmaan ng Tannenberg. Sa Galicia ay
nagtagumpay ang Hukbong Ruso. Ngunit hindi nagtagal ang tagumpay nila. Sila ay
pinahirapan ng mga Aleman sa Poland. Dito tuluyang bumagsak ang hukbong sandatahan
ng Rusya. Ang sunud-sunod nilang pagkatalo ay naging dahilan din ng pagbagsak ng
dinastiyang Romanov noong Marso, 1917 at ang pagsilang ng Komunismo sa Rusya. Upang
makaiwas ang Rusya sa digmaan, nakipagkasundo si Vladimir Lenin (1870-1924) sa ilalim
ng pamahalaang Bolshevik sa Alemanya sa pamamagitan ng paglagda sa Treaty of Brest-
Litovsk. Iniwan ng Rusya ang mga Alyado at sumapi sa Central Powers.

Digmaan sa Balkan
Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan. Upang
makaganti ang Bulgaria sa kanyang pagkatalo, sumapi ang Bulgaria sa Central Powers
noong Oktubre, 1915. Sa taong 1916, karamihan sa mga estado ng Balkan ay napasailalim
na ng Central Powers.
4

Ang Italya naman ang tumiwalag sa Triple Alliance at nanatiling neutral


pansamantala hanggang 1915. Sa taong ito sumali siya sa magkaanib na bansa. Hinangad
niyang maangkin ang mga teritoryong Latin na hawak ng Austria (Italy Irrendenta) at ang
mga kolonya nito sa Aprika. Ang Turkey ay kumampi sa Alemanya upang mapigilan ang
Rusya sa pag-angkin sa Dardanelles.
Digmaan sa Karagatan
Sa unang bahagi ng digmaan ay nagkasubukan ang mga hukbong pandagat ng
Alemanya at Britanya. Ang lakas pandagat ng Britanya ay naitaboy ng mga barkong
pandigma ng Alemanya mula sa Pitong Dagat (Seven Seas). Kumanlong ang bapor ng
Alemanya sa Kanal Kiel. Naging mainit ang labanan. Makapangyarihan ang hukbo ng mga
alyado sa dagat. Sa kabilang dako, ang mga mabibilis na raider at mga submarinong U-
boats ng kanilang kalaban ay nakagawa ng malaking pinsala sa kalakalang pandagat ng
mga alyado. Ang pinakamabagsik na raider ng Alemanya ay ang Emden. Sa dakong huli,
napalubog ito ng Sydney, isang Australian cruiser.

Pagyamanin
Gawain 1: Ika’y Mahalaga!
Panuto: Isulat at ipaliwanag sa dyagram ang mahahalagang pangyayari sa Unang
Digmaang Pandaigdig.
Mahahalagang Pangyayari
sa Unang Digmaan
Pamprosesong Tanong:
1. Sino-sino ang mga pinuno na nanguna sa Unang Digmaang Pandaigdig?
2. Bakit sinasabing ang digmaan sa kanluran ang pinakamahigpit at mainit na digmaan?
3. Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na labanan sa panahon ng
Unang Digmaang Pandaigdig. Anong pangyayari ang nauugnay dito?

5
Aralin
Mga Bunga ng Unang Digmaang
3 Pandaigdig

Alamin
Ang araling ito ay tungkol sa mga pagbabagong naganap sa Europa at mga
pagsisikap ng mga bansa na matamo ang kapayapaan matapos ang Unang Digmaang
Pandaigdig. Tatalakayin din ang mga pangunahing dahilan ng mga bansa upang mapanatili
ang kapayapaan at maiwasan ang digmaan.
Matapos ang araling ito ay inaasahan na iyong:
1. Matatalakay ang mga pagbabagong naganap sa Europa bago at pagkatapos ng
Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914-1918; at
2. Maipapaliwanag ang nilalaman ng bawat pagsisikap na isinagawa ng mga
pangunahing bansa tungo sa kapayapaan.

Suriin
Mga naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig
Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaang Pandigdig sa buhay at ari-arian.
Ang namatay sa labanan ay tinatayang umabot sa 8,500,000 katao. Ang mga nasugatan ay
tinatayang 22,000,000 at ang mga namatay na sibilyan sa gutom, sakit at paghihirap ay
18,000,000. Napakaraming ari-arian ang nawasak at naantala ang kalakalan, pagsasaka at
iba pang gawaing pangkabuhayan. Ang nagastos sa digmaan ay tinatayang umabot sa 200
bilyong dolyar.
Ang mapa ng Europa ay sadyang nabago. Ang kalagayang pampulitika sa buong
daigdig ay nag-iba. Ang Austria at Hungaria ay nagkahiwalay. Ang mga bansang Latvia,
Estonia, Lithuania, Finland, Czechoslovakia, Yukoslavia at Albanya ay naging malalayang
bansa.
Apat na imperyo sa Europa ang nagwakas, ang mga Hohenzollern ng Alemanya,
mga Hapsburg ng Austri-Hungary, Romanov ng Rusya at Ottoman ng Turkey.
Nabigo ang mga bansa sa pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaaan sa
daigdig. Ang mga itinalaga ng kasunduan sa Versailles ay nagtanim ng hinanakit sa
Alemanya. Lubhang marahas ang mga parusang iginawad sa Alemanya. Ang pagkapahiya
ng Gernany ay naging dahilan kung bakit ang bansang ito ay naghanda na naman upang
muling makipaglaban sa mga bansang alyado.
Kasunduang pangkapayapaan
Ang mga nanalong bansa ay umisip ng paraan upang maiwasan ang muling
pagsiklab ng digmaan na inakala nilang nagiging salot sa kapayapaan ng mundo. Sila ay
bumalangkas ng mga kasunduang pangkapayapaan na naganap sa Paris noong 1919-
1920. Ang mga pagpupulong na ito ay pinangunahan ng tinatawag na Big Four: Pangulong
Woodrow Wilson (1856-1924) ng Estados Unidos; Punong Ministro David Lloyd George
(1863-1945) ng Britanya; Vittorio Emanuele Orlando (1860-1952) ng Italya; at ang Punong
Ministro Georges
Clemenceau (1841-1929) ng Pransya. Ang pangunahing nilalaman ng mga kasunduan ang
ibinatay sa Labing-apat na Puntos (Fourteen Points) ni Pangulong Wilson.
6
Ang labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
Binalangkas ni Pangulong Wilson noong Enero 1918, ang Labing-apat na Puntos
kung saan dito napapaloob ang mga layunin ng Estados Unidos sa pakikipagdigma. Ito’y
naglalaman din ng kanyang mga ideya ukol sa isang “kapayapaang walang talunan” para sa
kapakinabangan ng lahat ng bansa. Ilan sa mga puntos na napagkasunduan ay:
1. Katapusan ng lihim na pakikipag-ugnayan;
2. Kalayaan sa karagatan;
3. Ang pagbabago ng mga hangganan ng mga bansa at ang paglutas sa
suliranin ng mga kolonya ayon sa sariling kagustuhan ng mga mamamayan o
self-determination;
4. Pagbabawas ng mga armas;
5. Pagbabawas ng taripa;
6. Pagbuo ng Liga ng Mga Bansa.
Mga lihim na kasunduan lingid sa kaalaman ni Pangulong Wilson
Ngunit lingid sa kaalaman ni Pangulong Wilson, ang Britanya, Pransya at iba pang
mga bansang alyado ay gumawa ng lihim na kasunduang sila-sila ay maghahati sa kolonya
at teritoryo ng mga Central Powers. Halimbawa, pinangakuan ang Italya ng mga teritoryong
hindi naman Italyano, at ang paghati-hati ng mga teritoryo ng Turkey sa ilalim ng iba’t ibang
impluwensya.
Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang Kasunduan sa Versailles. Pinaghatihati
ang mga probinsya ayon sa mga sumusunod:
1. Nawalang lahat ang mga kolonya ng Alemanya. Ibinigay ang mga teritoryong Posen,
Kanlurang Prusya at ang Silesia sa bagong Republika ng Poland. Ang Danzig ay
naging malayang lungsod sa pangangasiwa ng mga alyado bilang mandate.
2. Ang Alsace-Lorraine ay naibalik sa Pransya. Ang Saar Basen ay napasailalim ng
pamamahala ng Liga ng mga Bansa sa loob ng labinlimang taon.
3. Ang Hilagang Schleswig ay ibinigay sa Denmark.
4. Ang hukbong sandatahan ng Alemanya sa lupa at sa dagat ay lubhang pinahina.
Binawasan ito ng marami at ang pinaglalakbayang ilog ng Alemanya at ang kanilang
mga partisipasyon sa anumang digmaan ay ipinagbawal.
5. Ang Kanal Kiel at ang lahat ng mga pinaglakbayang ilog ay ginawang pang-
internasyonal.
6. Pinagbawalang gumawa ng mga armas at amyunisyon ang Alemanya.
7. Ang Alemanya ay pinapangakong magbayad ng malaking halaga sa mga bansang
napinsala bilang reparasyon. Ang layunin ng mga gumawa ng kasunduang ito ay
upang lubusang pilayin ang Alemanya nang hindi na ito muling magtangkang
gambalain ang kapayapaan ng daigdig.
Liga ng mga Bansa
Ang pagkakaroon ng isang pandaigdig na samahan ng mga bansa ay matagal nang
pangarap ni Pangulong Wilson. Sa wakas, nagtagumpay siya sa panghihikayat sa mga
pinuno ng mga bansang alyado na itatag at sumapi sa Liga ng mga Bansa. Ang konstitusyon
nito ay napapaloob sa kasunduan sa Versailles at ang mga layunin ay ang mga sumusunod:
1. Upang maiwasan ang digmaan;
2. Upang maprotektahan ang mga kasaping bansa sa pananalakay ng iba;
3. Lumutas sa mga usapin at sa hindi pagkakaunawaan ng mga kasapi;
4. Palaganapin ang pandaigdig na pagtutulungan, at
5. Maipalaganap ang mga kasunduang pangkapayapaan.
7

Ang ilan sa mga nagawa ng Liga ng Mga Bansa ay ang mga sumusunod:
1. Napigil nito ang ilang maliliit na digmaan sa pagitan ng Finland at Sweden noong
1920, Bulgaria at Gresya noong 1925, at Colombia at Peru noong 1934.
2. Pinangasiwaan nito ang mga iba’t ibang mandates.
3. Pinangasiwaan nito ang rehabilitasyon ng mga sundalo pagkatapos ng digmaan.
Pagkabigo ng Liga ng mga Bansa
Ang mga kasunduan ng Liga ay ipinagwalang-bahala ng Italya nang makipag-away
ito sa Gresya noong 1923.May dalawang pangunahing pangyayari na sumira ng tiwala ng
mga kasapi sa Liga. Una, lumusob ang Hapon at sinakop nito ang Manchuria, isang teritoryo
ng Tsina. Nang binatikos ng Lytton Commission ng Liga ang Hapon sa kanyang ginawa,
agad itong tumiwalag sa Liga ng mga Bansa. Ikalawa, noong 1935, nilusob ng Italya ang
Ethiopia. Ipinalagay ng marami na ito na ang huling paghamon sa kakayahan ng Liga sa
tungkuling pagpapayapa.
Maraming dahilan kung bakit bigo ang Liga ng mga Bansa. Una, hindi lahat ng
makapangyarihan at malalaking bansa ay kasapi. Ang Estados Unidos ay hindi kasapi.
Noong una, ang Alemanya ay hindi pinayagang sumali ngunit pinayagan din sa bandang
huli. Ang Rusya ay sumali lamang noong 1934. Sa taong ito ay tumiwalag ang Alemanya at
Hapon. Hindi magtagumpay ang isang pandaigdigang organisasyon kung hindi kasapi rito
ang malalaking bahagi ng mundo.

Isaisip
Gawain 1: Diary
Panuto: Isulat sa ikalawang kolumn ang mahahalagang nilalaman ng ilan sa mga
pagsisikap na isinagawa upang matamo ang kapayapaan matapos ang Unang Digmaang
Pandaigdig.

Pagsisikap Tungo sa Kapayapaan Nilalaman

1. Kasunduang Pangkapayapaan
(Paris 1919-1920)

2. Labing-apat na Puntos ni Pangulong


Woodrow Wilson (Enero, 1918)

3. Kasunduan sa Versailles

4. Ang Liga ng mga Bansa


8

Buod
 Sa pagitan ng 1871-1914, ang mga bansang industriyalisado sa Kanluraning Europa
ay nasa rurok ng kanilang kapangyarihan. Naging sentro ng daigdig ang Europa
dahil sa kaunlaran at kalakalan. Naging sentro rin ito ng pandaigdigang alitan at di-
pagkakaunawaan ng mga bansang makapangyarihan.

 Ang mga sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig ay ang nasyonalismo,


imperyalismo, militarismo, pagbuo ng mga alyansa, pandaigdig na hidwaan at mga
pandaigdigang krisis tulad ng mga pangyayari sa Morocco at Balkan.

 Ang pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand noong 1914, ang tagapagmana sa
trono ng Austria na dumalaw sa Sarajevo, Bosnia, ang nagpasiklab sa Unang
Digmaang Pandaigdig.

 Matinding pinsala ang naidulot ng Unang Digmaan Pandaigdig sa pagkawala ng


maraming buhay at pagkawasak ng mga bansa at ari-arian. Ang apat na imperyo sa
Roma ay nagwakas din.

 Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, nag-isip ng mga planong


pangkapayapaan ang Big Four na binubuo ng Estados Unidos, Britanya, Italya, at
Pransya. Nagpalabas si Pangulong Wilson ng Labing-apat na Puntos upang
maiwasan ang mga susunod pang digmaan.

 Ang Britanya, Pransya at iba pang mga bansang alyado ay nagsagawa rin ng lihim
na kasunduang naghahati sa mga dating kolonya at teritoryo ng mga Central
Powers. Ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang Kasunduan sa Versailles na
nagdulot ng maraming sanction sa Alemanya na nagbigay ng malaking hinanakit
dito.

 Naitatag pagkatapos ng digmaan ang pandaigdigang Liga ng mga Bansa na ang


pangkalahatang layunin ay ang pagtutulungan, at hindi ang digmaan, ng mga bansa
sa daigdig.
Pagtatasa
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Letra
lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Maraming salik ang nagbunsod sa Unang Digmaang Pandaigdig. Alin sa mga


sumusunod ang hindi kabilang dito?
A. Pagbuo ng mga alyansa.
B. Nasyonalismo
C. Ideyalismo
D. Militarisasyon

2. Naging hudyat ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ang pagpatay kay


Archduke Francis Ferdinand. Sino ang pumatay sa kanya na kasapi ng black hand?
A. Vladimir Lenin
B. Vladimir Drovich
C. Gavrilo Litovsk
D. Gavrilo Princip

3. Alin sa mga bansang ito ang hindi kabilang sa nagpulong upang magkaroon ng
kasunduang pangkapayapaan noong Unang Digmaang Pandaigdig?
A. England C. Amerika
B. France D. Italya
4. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang tumutukoy sa
naging sanhi ng ng Unang Digmaang Pandaigdig?
A. Pagbagsak ng mga kilalang imperyo tulad ng Alemanya, Austria-Hungury,
Rusya, at Ottoman
B. Paglabas ng labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson ukol sa
pagpapanatili ng kapayapaan
C. Pagtakas ni Adolf Hitler matapos ang sunud-sunod na pagkatalo laban sa
mga Allied Powers
D. Pagpatay kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria habang nasa Sarajevo,
Bosnia
5. Ang mga probisyon sa Kasunduan sa Versailles ay tumutukoy sa:
A. Pagbabaha-bahagi ng mga teritoryong dating nasasakop ng Alemanya sa
pagitan ng mga bansang magkaka-alyado
B. Pagkilala sa pagkakapangkat-pangkat ng mga bansa sa pagitan ng Triple
Alliance at Triple Entente
C. Pagkuha ng Rusya sa magagandang daungan ng Constantinople para
makaiwas sa matinding taglamig
D. Pakikipagtunggali ng Alemanya laban sa kontrol ng Inglatera sa kalakalan sa
mga katubigan
6. Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamainit na labanan sa panahon
ng World War I. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nauugnay dito?
A. Labanan ng Austria at Serbia
B. Digmaan ng Germany at Britain
C. Paglusob ng Rusya sa Germany
D. Digmaan mula sa Hilagang Belgium hanggang sa hangganan ng Switzerland

10
7. Ang Triple Entente ay alyansang binubuo ng mga bansang Pransya, Britanya at
Russia. Anu-anong mga bansa naman ang bumubuo sa Triple Alliance?
A. Austria-Hungary, Germany, Belgium
B. Austria-Hungary, Germany, Italy
C. Austria-Hungary, Germany, Syria
D. Austria-Hungary, Germany, Ottoman

8. Ang pangunahing dahilan ng pag-buo ng League of Nations ay upang mapanatili ang


kapayapaan sa buong mundo. Sinong pangulo ng Amerika ang nagpanukala nito sa
kanyang labing-apat (14) na puntos?
A. Harry Truman
B. Theodore Roosevelt
C. Woodrow Wilson
D. Lloyd George

9. Gamitin ang mga larawan upang masagot ang tanong.

Source:http://library.thinkquest.org/06aug/02455/pictures/worldwarII.jpg

Alin sa mga sumusunod ang mahihinuha mo mula sa larawan?


A. Maraming ari-arian at buhay ang nawawasak dahil sa digmaan.
B. Malaking halaga ang kailangan para sa reparasyon pagkatapos ng digmaan.
C. Sa mga digmaan, walang panalo, walang talo, lahat ng bansang sangkot ay
apektado.
D. Lahat ng nabanggit.

10. Anong konklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na “Ang kasunduan sa Versailles


ang nagsilbing binhi ng World War II”
A. Pabor sa lahat ng bansang sangkot ang mga probisyon ng kasunduan sa
Versailles
B. Ang kasunduan sa Versailles sa pagitan ng Allies at Germany ang opisyal
na nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig
C. Ang mga probisyon ng Kasunduan sa Versailles ang nagtulak sa Germany
upang maghimagsik sa mga arkitekto nito.
D. Naging mahina ang League of Nations na isa sa mga probisyon ng
kasunduan upang mapanatili ang kapayapaan ng mga bansa.

11
Susi sa Pagwasto

PAGTATAYA: PAGTATASA:
1. C 1. C
2. D 2. D
3. A
3. D 4. D
4. C 5. A
5. B 6. D
7. B
8. C
9. C
10. C

12
Sanggunian:
Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna
Lorene S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.

Mga Sanggunian sa internet:


Britannica.com. “Bosnian crisis of 1908.” Accessed, July 16, 2020, https://www.britannica.
com/event/Bosnian-crisis-of-1908
Britannica.com. “Balkan Wars.” Accessed, July 16, 2020, https://www.britannica.com/topic/
Balkan -Wars
Britannica.com. “Moroccan crises.” Accessed, July 16, 2020, https://www.britannica.com/
event/ Moroccan-crises
Britannica.com. “Triple Alliance.” Accessed, July 16, 2020, https://www.britannica.com/
event/Triple-Alliance-Europe-1882-1915
LRMDS Portal. “Labanan ng mga Bansa sa Daigdig.” Accessed, July 16, 2020, https://lrmds.
deped.gov.ph/pdf-view/6062
Aralipunan.com. “Unang Digmaang Pandaigdig.” Accessed, July 16, 2020, https://aralipunan
.com/simula-ang-unang-digmaang-pandaigdig-wwi/
Socialstudiesforkids.com. “Triple Entente.” Accessed, July 16, 2020, https://socialstudies
forkids.com/articles/worldhistory/tripleentente.htm
Lumenlearning.com. “World War I.” Accessed, July 16, 2020, https://courses.lumenlearning.
com/suny-hccc-worldhistory2/chapter/events-of-world-war-i/
History.com. “The first Moroccan crisis.” Accessed, July 16, 2020, https://www.history.com/
this-day-in-history/the-first-moroccan-crisis
Britannica.com. “Moroccan crises.” Accessed, July 16, 2020, https://www.britannica.com/
event/Moroccan-crises
Encyclopedia.com. “Moroccan crises.” Accessed, July 16, 2020, https://www.encyclopedia.
com/history/encyclopedias-almanacs-transcripts-and-maps/moroccan-crises
Uca.edu. “Moroccan crises.” Accessed, July 16, 2020, https://uca.edu/politicalscience/dadm-
project/middle-eastnorth-africapersian-gulf-region/francemorocco-1930-1956/

13

You might also like