You are on page 1of 8

Learning Area FILIPINO

Learning Delivery Modality Face to Face

Paaralan WNNHS Baitang Pito


Guro Rejoy O. Asignatura Filipino
Panganiban
LESSON Petsa May 1, 2023 (M)Labor Day Markahan Ikaapat na Markahan
EXEMPLAR May 2, 2023 (T)
May 5, 2023 (F)
(Baywalk)
Oras MON-TUESDAY Bilang ng Araw 3
10:15-11:15
FRIDAY
8:30-9:00
Wed- Thurs-ICL

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


a. Maibibigay ang kahulugan at ang mga katangian ng “korido”

b. Maibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng


Ibong Adarna.

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang obra
Pangnilalaman maestra sa Panitikang Pilipino.

B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng


Pagganap koridong naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino.

C. Pinakamahalagan *Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng napakinggang bahagi ng


g Kasanayan sa akda
Pagkatuto
(MELC) Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa
ng binasang bahagi ng akda
D. Pagpapagana ng
Kasanayan
II. NILALAMAN Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong
Adarna

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa CG FIL7
Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa Modyul ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig FIL7
Kagamitang Modyul 1 pahina 1-10
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa n/a
Teksbuk
d. Karagdagang Laptop, telebisyon, projector
Kagamitan mula sa
Patrol ng Learning
Resource

B. Listahan ng mga Mga larawan, PPT-Video Presentation, talahanayan, graphic organizer


Kagamitang Panturo para
sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Pang araw-araw na Gawain

● Panalangin

Balik-Aral

Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M naman kung mali.

_______1. Naglalahad ng dalawang panig ng mga taong sangkot sa balita.

_______2. Gamitin ang maikli at kilalang salita.

_______3. Gawing maikli ang talata.

_______4. Maging tumpak sa paglalahad ng datos.

_______5. Iwasan ang paggamit ng negatibong pandiwa

What I need to know? (Alamin)

Magandang araw mga mag-aaral. Sa araling ito, matututuhan mong


maglahad ng iyong sariling pananaw tungkol sa motibo ng may-akda sa bisa ng
binasang akda. Matututunan niyo rin ang kahulugan at katangian ng isang
Korido. Makalilikha ka nang iyong sariling pananaw tungkol sa mga
sumusunod na tatalakaying akda. Inaasahan ding kaya mo nang maisagawa ang
mga gawaing inihanda ukol sa motibo ng may akda sa binasang akda at
kahulugan at katangian ng isang korido.

B. Pagpapaunlad
What I Know (Suriin/Subukin)
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot.
_____1. Anong uri ng tulang pasalaysay ang may sukat na walong pantig sa
bawat taudtod, mabilis na binibigkas at ang mga tauhan ay ang mga prinsipe at
prinsesa o hari at reyna?
A. balada C. korido B. awit D. epiko
_____2. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna sa paghubog ng
pag- uugali ng mga kabataan?
A. Naglalaman ng kultura ng mga lugar na pinagmulan nito.
B. Naglalaman ng pakikipagsapalaran ng mga tauhan.
C. Naglalaman ng paalala tungkol sa magagandang pag-uugali.
D. Naglalaman ng kahusayan ng tatlong prinsipe (Don Pedro, Don Diego,
Don Juan).
_____3. Alin sa sumusunod na elemento ang HINDI taglay ng korido?
A. May sukat at tugma ang taludturan.
B. Kapupulutan ng mga pagpapahalagang Pilipino.
C. Nagpapakita ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.
D. May mga pangyayari tungkol sa pakikipagsapalaran para sa pag-ibig.

______4. Bilang mag-aaral, ano ang iyong gagawin upang malaman ang
opinyon ng mga tao tungkol sa akdang Ibong Adarna?
A. Magsasagawa ng sarbey.
B. Magsasagawa ng simposyum.
C. Magsasagawa ng pagtatanghal ng mga piling tagpo.
D. Babasahin at uunawain ang Ibong Adarna.

______5. Ano ang layunin ng may-akda sa pagdarasal bago niya isinulat


ang obra maestrang Ibong Adarna?
A. Mapanatili ang kaayusan sa kapaligiran.
B. Mapahalagahan ang kultura ng isang bansa.
C. Maipakita ang iba’t ibang pangyayari sa lipunan.
D. Maipahayag nang wasto ang banghay ng kuwento.

ARALIN

Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Ang Ibong Adarna ay nabibilang sa tulang romansa na isang uri ng tulang


pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang mga
maharlikang tao ang nagsisinaganap. Nagsimulang lumaganap ang tulang
romansa, sa Europa noong Edad Media o Middle Ages at sinasabing nakarating
ito sa Pilipinas mula Mexico noong ika-17 dantaon. Subalit noong ika-18
dantaon lamang ito kinilala sa ating bansa kasabay ng pagpapakilala ng
imprenta at pagkatuto ng ating mga ninuno ng alpabetong Romano.

Kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan na dinala ng mga prayle at


sundalong Espanyol ay ang paglaganap ng mga tulang panrelihiyon at romansa
na galing sa Europa. Dito kabilang ang Ibong Adarna na may paksang
panrelihiyon.

Ang tagpuan sa tulang romansa ay karaniwan sa isang kaharian.


Nagsisimula ito sa panalangin o pag-aalay sa Mahal na Birhen o sa isang santo
o santa. Nananawagan sa Diyos ang mga tauhan sa akda at nagtatagumpay
naman ang mga nananalig sa Diyos.
Ang Ibong Adarna ay isang dayuhang panitikan. Hindi naitala kung sino
ang nagsalin nito sa wikang Filipino at masasalamin dito ang pagiging
malikhain ng manunulat. Patula ang paraan ng pagsasalaysay na dati nang
ginagamit ng ating mga ninuno sa panitikang saling-bibig tulad ng bugtong,
salawikain at iba pa.

Puno ito ng mga talinghaga at mga pagpapahalagang likas sa ating kultura


katulad ng pagmamahalan ng pamilya, pagtulong sa mga nangangailangan,
pagpapatawad at pagtawag sa Diyos sa gitna ng kagipitan.

Nagtataglay ng mga sumusunod na katangian ang Ibong Adarna


 Mayroon itong walong (8) pantig sa bawat taludtod

 Isinulat upang basahin at hindi upang awitin.

 Binibigkas na may tiyempong mabilis o allegro dahil maiikli ang mga

taludtod.

 Ang mga tauhan dito ay may kapangyarihan o kakayahang gumawa ng mga

kababalaghan o supernatural.

 Inilalarawan ang mga kagila-gilalas na pakikipaglaban ng mga pangunahing

tauhan alang-alang sa pag-ibig.

 Nagtataglay ng aral sa buhay at butil ng karunungan.

 Higit sa lahat, ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay hindi maaaring

mangyari sa totoong buhay.


Hango kina Avila, Maria Aurora E. et.al Ang Ibong Adarna at ang Tatlong Prinsipe, Eferza Academic Publication, Lipa City, Batangas, 2009

Basahin at suriin ang isang uri ng korido

What’s in?

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: : Tanong Ko, Sagutin Mo!


Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba sa iyong sagutang papel.
1. Tungkol saan ang binasa?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Sa paanong paraan kadalasang nagsisimula ang isang korido?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Sino ang inilalarawang tauhan sa binasa?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Paano inilahad ng may-akda ang korido?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Ano ang pananaw ng may-akda batay sa binasa?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
What is it?
Upang mas maunawaan at maging maayos ang iyong paglalahad ng
sariling pananaw tungkol sa bisa ng binasang bahagi ng akda at ang kahulugan
at katangin ng korido basahin at suriin ang isang artikulo tungkol sa kaligirang
kasaysayan ng Ibong Adarna.
Sa pamamagitan ng pagbabasa, natutuklasan ang mga dammdamin, tono,
layunin at pananaw ng manunulat sa teksto o akda. Sinasadya man o hindi,
mababakas ang saloobin at karanasan ng may-akda sa kanyang isinulat.
Matutukoy ang mga ito sa pamamagitan ng mga salitang ginamit sa teksto.

 Damdamin(emotion)- tumutukoy sa saloobing nalilikha ng mambabasa sa


teksto.

 Tono(tone)- tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa isang paksa. 


Layunin(objective)- tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang may-
akda sa kanyang mambabasa.

 Pananaw (point of view)- tumutukoy sa maluwag na pagtuturing o


masasabing ito ay pagtalakay sa isang bahagi ng akda.

Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha
natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig
bawat linya at may apat na linya sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa
pamamagitan ng pakantang pagpapahayag.
Mga Katangian ng Korido
1. Mabilis ang pagbigkas ng korido.
2. Ang korido ay may walong pantig.
3. Ang korido ay ikinawiwili ng mga mambabasa at ang kwento o kasaysayang
nakapaloob dito.

C. Pakikipagpalih Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:


an Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaaring
nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa, galit, tampo o kaya naman ay matibay
na paniniwala o paninidigan sa paksa.
A. asal o pag-uugali B. damdamin C. layunin D. tono o Intonasyon
2. Naghihikayat ng mga mambabasa na pumanig sa opinion o paninindigan
niya. Tinutukoy dito ang suliranin o pangunahing tanong ng akda na nais
solusyunan ng mayakda.
A. asal o pag-uugali B. damdamin C. layunin D. emosyon
3. Maaring madama muna ng may-akda ang pagpapahalaga bago husgahan ang
mga ito.
A. asal o pag-uugali B. damdamin C. layunin D. emosyon
4. Sa pamamagitan nito natutuklasan ang mga damdamin, tono, layunin at
pananaw ng manunulat.
A. pagguhit B. pag-awit C. pagbabasa D. pagsusulat
5. Ito ay nababakas sa isang manunulat kapag naglalahad
A. saloobin at karanasan B. talent at karanasan C. nilalaman at karanasan D.
paksa at layunin
D. Paglalapat What I Have Learned?(Linangin)
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:
Panuto: Punan ng wastong sagot ang tsart.

What can I do? (Assessment) (Isaisip/Tayahin)

Pagtataya :
Gabay sa Pagkatuto Bílang 4:

Panuto:Batay sa mga sumusunod na paksa, isulat ang inyong sariling pananaw


batay dito.

1. Distance Learning ngayong pandemya


________________________________________________________________
_______________________________________________________________2
. Eleksyon 2022
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Bakuna para sa lahat
________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Face to Face Classes para sa mga kolehiyo
________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Hindi pagsusuot ng faceshield sa mga open places
________________________________________________________________
________________________________________________________________

V. PAGNINILAY Panuto: Lumikha ng isang tulang korido na may walong pantig bawat saknong
na tumatalakay sa Paksang: Sistema ng Edukasyon ngayong Pandemya,
Epektibo ba?

Balik-Aral

1.M 2. T 3. T 4. T 5. M
(Suriin/Subukin)
1.C 2. C 3. C 4. A 5. B
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2:
1. B 2. C 3. D 4. C 5. A
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3:
 Ang masasabi ko….
 Ang pagkakaalam ko ay…
 Ang paniniwala ko ay….
 Ayon sa nabasa ko. ….
 Hindi ako sumasang-ayon dahil….
 Kung ako ang tatanugin….
 Maari po bang magbigay ng aking mungkahi?
Mga Katangian ng Korido
1. Mabilis ang pagbigkas ng korido.
2. Ang korido ay may walong pantig.
3. Ang korido ay ikinawiwili ng mga mambabasa at ang kwento o kasaysayang nakapaloob dito.

Inihanda ni:
REJOY P. BACROYA
Guro sa Filipino
Binigyang Pansin ni:
LUISA D. VISPO
Punongguro

You might also like