You are on page 1of 2

Sophia Angela R.

Añoza

BSP2B

Panitikang Panlipunan

Reporter’s Notebook: Burak at Pangarap

By Maki Pulido

Ang kwentong ito ay pinamunuan ni Junjun, ang 12-taong gulang na sumisisid sa isang

maruming ilog na may tambak na basura, burak, at abo para makahanap ng kalakal na

pwedeng maibenta. Panglima sa pitong magkakapatid, kinakailangang magbanat ng buto dahil

maging ang kanyang mga magulang ay walang permanenteng trabaho. Para sa musmos,

balewala ang hirap na dinadanas niya sa pagsisid sa ilog ng basura para lamang makatulong

sa kanyang pamilya. Kabilang ang pamilya ni Junjun sa mga informal settlers na nasa danger

zone o delikadong lugar sa Metro Manila. Labag man sa loob ng kanilang magulang ang

pagsisid ni Junjun dahil sa kapahamakan na kaakibat nito, wala rin silang magawa dahil

kailangang-kailangan nila ang tulong ng musmos. Wa;a silang bahay dahil sa sunog na

pumuksa sa ilang mga bahay na kalapit nila at hindi pa kaya ng kakayahan nila na magtayo ng

panibagong barong-baron kaya nama’y yero at kahoy ang nagsilbing dingding at silong ng

pamilya ni Junjun. Kahirapan ang nagtutulak sa mga kabataan katulad ni Junjun na maagang

magtrabaho.

Ang kwentong ito ay hindi piksyon dahil ito ay nangyari at nangyayari sa tunay na buhay.

Kalat ang kahirapan sa anumang panig ng mundo, ngunit isa sa pinakamahirap na bansa ang

Pilipinas. Paano ba naman, ang mahirap ay lalong humihirap; at ang mayaman, patuloy na

yumayaman. Isinalaysay ni Maki Pulido ang buhay ng musmos na si Junjun. Ipinakita niya ang

hirap at kapahamakan na araw-araw dinadanas ng bata. Sa ganitong paraan, nawa’y namulat


ang mga manonood sa pribilehiyong meron sila, tayo, tulad na lamang ng bubong at dingding

na sisilungan kapag mainit at umuulan, pagkain sa hapag, at kamang matutulugan kapag

pagod— ilan sa mga bagay na ipinagkait ng kahirapan sa musmos na si Junjun.

Para sa akin, ang kahirapan ay patuloy na manganganak nang manganganak kung hindi

ito pupugsain. Paano pupugsain? Sa pamamagitan ng pagbibigay suporta ng gobyerno sa mga

informal settlers tulad ng pamilya ni Junjun, pagbibigay oportunidad sa kanilang magulang na

makahanap ng disenteng trabaho na may disenteng sahod upang maitaguyod ang pamilya nila,

at pagkakaroon ng seminar para sa family planning. Ang problema lang sa bansa natin, kung

sino ang nasa taas, nananatiling nasa taas; at kung sino ang nasa laylayan, mananatiling nasa

laylayan.

You might also like