You are on page 1of 5

MELC: Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto F5PN-Ia-4

Ang Alamat ng Kawayan

Noong unang panahon, ang puno ng Kawayan ay hindi yumuyuko. Mayabang ito at laging taas-noo. Ipinagmamalaki nito ang
makinis na katawan. Berdeng berde ang kabuuan ng Kawayan. Sariwang sariwa ang kulay nito lalo na kapag nasisikatan ng araw pero
mainggitin ang Kawayan. Lagi at laging naiinis siya kung hindi pinahahalagahan. Kapag nalalaluan siya ng ibang puno at halaman ay
nagtatanim siya ng galit. Masama siyang mapahiya sapagkat tumatawag siya ng kaibigang handang maghiganti upang maiangat lang
ang narumihan niyang pangalan.

May isang pagkakataong naparaan ang ilang kabataan sa kagubatan. Nagpatinga-linga sila. Nang makitang wala man lang
bunga ang kawayan, nilayuan nila ito. Nilapitan nila ang puno ng Bayabas at Santol. Tuwang-tuwa sila sa pamimitas ng mga bunga,
inilapag nila sa damuhan ang dilaw na dilaw na Santol at berdeng-berdeng mga Bayabas. Nilapitan din nila ang mga puno ng Makopa
at Caimito Namitas sila ng bunga. Matatamis at pulang-pula ang mga Makopa. Hinog na hinag na rin ang mga Caimitong kulay lila.
Tuwang-tuwa ang mga kabataan habang ang mga prutas ay pinagsasaluhan. Inggit na inggit naman si Kawayan. Wala kasi siyang
bunga na maipamimigay. Wala siyang silbi kung prutas ang pag-uusapan. Sa galit ni Kawayan ay tinawag niya ang kaibigang Hangin.
Pinakamalakas na ihip ang higanti ni Hangin Nagbagsakan ang lahat ng bunga ng Bayabas, Santol, Caimito at Makapa. Tuwang-tuwa
si Kawayan. Minsan ay may nagawing magkasintahan sa kagubatan. Nagpalinga-linga ang binata. Nang makitang walang bulaklak na
mapupupol sa puno ng Kawayan ay nilayuan nila ito. Natuwa sila nang malingunan ang mga halamang Rosal at Sampaguita. Dali-
daling namupol ng mababangong bulaklak ang binata. Ang mahalimuyak na Rosal at Sampaguita ay handog na nakapagpaligaya sa
dalaga. Dahilan sa magagandang bulaklak ang magkasintahan ay lalong pinagbigkis ng matapat na pag-iibigan Inis na inis na naman si
Kawayan. Wala siya kahit isang bulaklak na maiaalay. Sa pagkapahiya sa sarili, tinawag niya ang kaibigang si Ulan Sunud-sunuran si
Ulan. Upang maipaghiganti ang Kawayan, pinalakas ng Ulan ang kanyang mga patak nasira sa mga tangkay ang magagandang
bulaklak na Rosal at Sampaguita. Palihim na napangiti si Kawayan.
Isang tanghaling tapat ay may dalawang matandang nahapo sa paglalakad. Upang makapagpahinga, naghanap si Lolo
Guillermo at Lola Jovita ng punong may malalabay na sanga. Hindi man lang nila pinansin ang mga sanga ng Kawayan pagka't
makikitid ang mga dahan nito. Natuwa sila nang matanawan ang puno ng Banaba. Talagang malalapad ang mga dahon nito na
masisilungan kung ikaw ay maiinitan ng sikat ng araw. Napansin ito ng nakasimangot na Kawayan.

Nang makaalis na si Lola Jovita at Lolo Guillermo ay tinawag ni Kawayan ang mga kaibigang Tagak. Ipinaghiganti ng mga
Tagak ang inggit na inggit na si Kawayan sa pamamagitan ng pagpigtal sa lahat ng dahon ng Banaba. Nakalbo ang kaawa-awang puno
na lubhang ikinagalak ni Kawayan. Lingid sa kaalaman ni Kawayan, nakarating kay Bathala ang pagiging mainggitin at mapagmataas
nito. Bilang parusa, ang laging nakatingalang si Kawayan ay pinayuyuko ni Bathala kapag hinihipan ng malakas na hangin. Ang
pagguko ni Kawayan ay pagbibigay halaga na anumang biyayang handog ni Bathala ay dapat na pahalagahan. Na ang inggit ay di
dapat mamugad sa puso ninuman. Iyan ang alamat ng mapagmataas na Kawayan.

-WAKAS-

Bilang ng salita s kwento: 529


Gawain: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

A. Panuto: Bilugan ang tamang sagot:


1. Ano ang pamagat ng kwento?
a. Ang alamat ng puno
b. Ang alamat ng Manga
c. Ang Alamat ng Dahon
d. Ang Alamat ng Kawayan
2. Ano ang katangian ng kawayan sa kuwento?
A. Mayabang ito at laging taas-noo.
B. Matangkad
C. Mabait
D. Mataba
3. Saan naganap ang kwento?
a. Sa dagat
b. Sa kagubatan
c. Sa damuhan
d. Sa halamanan
4. Anong puno ang pinuntahan nang mga kabataan?
a. Kawayan
b. Santol
c. Ubas
d. Bayabs at santol
5. Saan napadaan ang mga kabataan?
a. Sa bahay ng kaibigayn
b. Sa hardin
c. Sa mga puno
d. Sa kagubatan
6. Bakit ingit na ingit si kawayan sa ibang puno?
a. Dahil wala siyang bunga
b. Dahil maganda ang mga ito
c. Dahil Masaya ang mgaito
d. Dahil masama ang ugali niya
7. Sino ang tinawag ng kawayan nang siya ay magalit>
a. Ang kaibigang ibon
b. Ang kaibigang apoy
c. Ang kaibigang hangin
d. Ang kaibigang ulan
8. Bakit nilayuan ng magkasntahan ang kawayan?
a. Dahil walang bulaklak ito
b. Walang bunga
c. Walang dahon
d. Walang tangkay

B. Panuto: sagutan ang sumusunod na tanong base sa inyong naintindihan sa kwento:


9-10. Iugnay ang sarili sa nabasang kwento at isulat ang aral na natutunan rito.

You might also like