You are on page 1of 3

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga isyung kinakaharap ng ating bansa,

partikular sa edukasyon. Bago pa man magsimula ang pandemya, isa sa pasanin ng


milyun-milyong Pilipino ang problemang pinansyal na dumadagdag sa dahilan kung
bakit lumalala ang problema sa edukasyon. Kung ating titignan ang krisis sa edukasyon
ng Pilipinas, tunay ngang mahahati ang mga mamamayan ayon sa kanilang katayuan
sa lipunan. Ang mga mamamayan na masagana ang pamumuhay o nakatira sa mga
lungsod ay may higit na daan sa kalidad na edukasyon habang ang mga maralita ay
hindi maaaring iwasan na harapin ang kakulangan ng mga silid-aralan, guro, at mga
paraan upang mapanatili ang pinakamataas na pagkatuto.

Ayon sa isang pag-aaral noong 2018 ng Programme for International Student


Assessment (PISA), nasa huling ranggo sa pagbasa mula sa pitumpu’t siyam (79) na
bansa ang mga Pilipino na nasa edad labinlimang (15) taong gulang. Lumalabas na
pang pitumpu’t walo (78) rin tayo sa agham at matematika. Nagpapahiwatig na ang
limitadong kaalaman sa kadahilanang wala silang sapat na kakayahan na makabili ng
gadget at malakas na internet koneksyon na higit na nakakatutulong sa malawak na
pagkatuto sa iba’t ibang aralin ng mga mag-aaral kung kaya’t ang krisis ay nakasalalay
rin sa katotohanang maraming Pilipino ang hindi marunong magbasa o gumawa ng
simpleng matematika.

Malinaw na mayroong dibisyon ng klase sa pagitan ng mayayaman at mahihirap


na estudyante sa bansa. Bagama’t ito ang kaso, ang Pilipinas ay hindi gaanong
binibigyan ng atensyon ang pangunguna sa pag-aaral kumpara sa mga kalapit na
bansa

nito. Sa katunayan, maraming mga pampublikong paaralan ang kulang sa mga


computer at iba pang mga tool sa kabila ng digital age. Dagdag pa, ang kakulangan sa
bilang ng mga guro sa pampublikong paaralan ay isa rin sa mga nangungunang isyu
sa bansa dahil na rin siguro kabilang ang trabahong ito sa manggagawang may
pinakamababang suweldo ng estado. Bukod pa rito, higit sa tatlong milyong mga
kabataan ang nananatiling hindi naka-enrol mula nang isara ang paaralan.

Mas lalo pang nadagdagan ang isyu ng edukasyon sa Pilipinas nang umusbong
ang malawakang pandemya. Maraming kabataan ang hindi nakasasabay sa pag-aaral
sapagkat hindi lahat ay kayang bumili ng gadget at lalong hindi lahat ay may malakas
na koneksyon sa internet. Bagaman may umiiral nang mga alternatibong solusyon
upang makasabay ang mga estudyante gaya na lamang ng modular learning approach
at blending learning na pinasimulan noong Oktubre 2020, hindi pa rin ito sapat dahil
kinakailangan pa rin ng gadget at internet sa mga kumplikadong takdang-aralin.
Samakatuwid, ang teknolohiya ay nakaapekto sa pag-aaral ng maraming estudyante.

Sa isang pananaliksik ng The ASEAN Post, 89% o 1.52 bilyon ang mga kabataang
huminto sa pag-aaral dahil sa COVID-19. Sa Pilipinas, halos apat na milyong mag-aaral
ang hindi nakapag-enrol para sa taong panuruan na ito, ayon sa DepEd. Dahil dito, ang
bilang ng mga out-of-school youth (OSY) ay patuloy na lumalaki, na ginagawa itong
isang seryosong isyu na kailangang suriin upang maiwasan ang mas malalalang
problema sa katagalan.

Mga Pagsisikap na Maisara ang Siwang sa Sistema ng Edukasyon

Bilang pagsasaalang-alang sa dibisyon na ito, ang DepEd tulad ng karamihan sa


mga bansa tulad ng Thailand, India, Europe, North America, at iba pa ay hinalaw ang

mga programang nakabatay sa telebisyon at radyo upang ipatupad ang distance


education para sa mga walang daan sa teknolohiya, lalo na ang mga maralita sa
pamamagitan ng pagbibigay ng pre-recorded na video kung saan maaaring magamit
kahit walang koneksyon sa internet. Bagaman maganda ang naisip ng DepEd na
paraan
sa alternatibong edukasyon ay hindi maikakaila na hindi magdudulot ng kalidad na
edukasyon dahil aalisin nito ang pagkakataon ng mga mag-aaral na makapagtanong at
pumuna sa mga hindi nila maintindihang parte ng aralin. Magiging mahirap din para
sa mga guro upang makagawa ng nilalaman na aaralin ng mag-aaral habang hindi natin
sinasantabi ang katotohanan na hindi lahat ng guro ay digital literate.

Tunay nga na hindi lahat ay kayang sumabay sa kasalukuyang sistema ng


edukasyon, kahit na gumawa ng aksyon ang gobyerno na magbigay ng mga libreng
kagamitan sa pag-aaral, hindi pa rin ito sapat sa ilang lugar dahil sa limitadong
panustos. Lahat ng ito ay dumagdag sa isyu ng lumalaking alalahanin ukol sa
kasalukuyang sistema. Bagaman ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga ito ay isang
mahusay na unang hakbang upang malaman kung saan tayo maaaring pumasok at
tumulong sa sarili nating mga paraan.

Gayunpaman, ang pagbuo ng isang sistema na nagbibigay kapangyarihan sa


mga kabataan ay nangangahulugan ng pagtulong sa kanila na maabot ang kanilang
buong potensyal. Sa mga panahong ito, kailangan nila ng tulong sa pagtataguyod ng
mga karapatan ng mga hindi gaanong may pribilehiyo kabilang dito ang mga bata sa
lansangan lalo’t higit ang kanilang karapatan na makamit ang dekalidad na edukasyon.
 Problema sa kurikulum
Ayon kay Dr. Milwida Guevara, Chief Executive Officer ng Synergeia Foundation, isa sa mga
dahilan ng mababang grado ng mga mag-aaral sa mga assessment test ay ang mismong
implementasyon ng K-12 program ng DepEd. Hindi umano tiyak ang kalidad ng natutuhan ng
mga estudyante.
Matatandaan na tila minadali ang paglikha ng kurikulum para sa Kto12 Program sa panahon ng
dating pangulong Benigno Aquino III. Ayon kay Guevara, dahil din sa lawak ng naturang
kurikulum, hindi na umano natutukan nang mas malalim ang pagbasa ng mga estudyante. Ang
kurukulum umano ay mas nakatuon sa dami ng mga subject o competency na dapat talakayin.
Dapat pang mapaunlad ang kurikulum upang ang mga kaalamang ituturo ay iyong talagang
kailangan, praktikal, at magagamit sa buhay sa labas ng paaralan. Dapat ding tugunan ang
pagbaba ng pagkatuto sa wikang Ingles na siyang international language sa kasalukuyan.
2. Problema sa kalidad ng edukasyon
Nakakabahala ang pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa bansa batay na rin sa mga pagsusuri at
pag-aaral. Maraming salik ang nakakapagpababa sa kalidad ng edukasyon.

Tinukoy ng Propesor na si Jensen DG. Mañebog na maaaring ang isa sa mga dahilan ng
mababang kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang kulturang “pasang-awa”, kung saan
“pinalulusot” ang mga dapat sana ay bagsak at nakakaakyat sa susunod na antas.
3. Problema sa access sa edukasyon
Ayon mismo sa Multidimensional Poverty Index ng Philippine Statistics Authority, 5 sa 10
pamilyang Pilipino ang walang akses sa basic education.  Hindi kakaunti ang mga ang out-of-
school youth  sa bansa—mga drop-out, maagang nagdalang-tao, nakatira sa malayo sa paaralan,
PWds, at iba pa.
4. Problema sa mga silid-paaralan at mga gamit sa edukasyon
Bahagi ng pang-araw-araw na reyalidad sa mga paaralan, lalo na sa mga pampublikong paaralan
sa bansa, ang siksikang silid-aralan at mga klase na idinadaos sa open
space, corridor, hallway, gyms, ilalim ng puno, at maging sa palikuran na ginawang silid-aralan.
May mga silid-aralan din na sira-sira na ang bubong at dingding at nababasa ang mga mag-aaral
kapag umuulan. Mayroon ding merging o pagsasama sa isang klasrum ng dalawa o higit pang
magkakaibang klase.

Ayon kay Philippine Business for Education Executive Director Lovelaine Basillote, isa sa mga
problema ay ang kakulangan ng oras ng mga guro para turuan ang mga mag-aaral.

Maliban sa teaching load, may dagdag na administrative work pa ang mga guro.
May mga kabataan na ayaw maging titser dahil na rin nakikita nilang “kayod-kabayo” ang mga
guro, abonado pa sa mga gamit pampaaralan, at hindi kataasan ang sahod, kaya’t ang ilan ay
naiisipang magtinda, halimbawa, bilang sideline. 
May mga taon sa nakaraan na ang isang titser sa pampublikong pampaaralan ay may hawak na klase na
binubuo ng 60 hanggang 70 estudyante sa hindi bababa na dalawang shifting  sa isang araw. Napakalaki
nito kumpara sa ideal teacher-student ratio na 1:25 at maging sa 1:40 na opisyal na pamantayan ng
gobyerno. Labis na apektado ang kalidad ng edukasyon kapag malaki ang sukat ng klase

You might also like