You are on page 1of 4

4th Quarterly ASSESSMENT

In FILIPINO-6

Name:____________________________________ Score:_________________ Grade &


Section: _________________________ Date:_________________
PAG-UNLAD SA TALASALITAAN:
A. Bilugan ang titik ng kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.

1. Ang aking kapatid ay ilaw na ng tahanan sa ngayon.


a. ina ng tahanan b. ina-inahan c. ina ng paaralan d. ina ng bayan

2. Ito ang kwentong naglalahad kung paano nagsisimula ang mga bagay-bagay
a. pabula b. alamat c. salawikain d. tugma

3. Maraming troso ang binaba sa bundok.


a. halaman b. kagamitan c. punongkahoy d. mineral

4. Hindi nila nakaligtaang handugan ng salu-salo ang may kaarawan.


a. napansin b. naisip c. nagawa d. nakalimutan

5. Pagsapit nila sa paanan ng bundok, namitas sila ng mga prutas.


a. pag-uwi b. pagdating c. pagbalik d. pag-atras

B. Ibigay ang kahulugan ng may salungguhit na matalinghagang salita. Bilugan ang titik
ng wastong kahulugan.

6. Ang bukirin nina Don Pedro ay di-maliparang uwak.


a. ubod ng lawak b. hindi malawak c. ubod ng liit d. makipot

7. Magagasgas ang bulsa ng tatay sa darating na pista.


a. mauubos ang pera b. madudukutan ang bulsa
c. magkakagastos ng malaki d. mananakawan

8. Hindi mabuti ang ugali ng batang may sanga-sangang dila.


a. sinungaling b. tahimik c. madaldal d. mabilis magsalita

C. Basahin ang mga sumusunod na salita. Bilugan ang titik ng salitang maiuugnay rito.

9. Sasakyan: ___________
a. transportasyon b. komunikasyon c. telepono d. liham

10. Uling: __________


a. panggatong b. pagkain c. gulay d. prutas

11. dagat: __________


a. magsasaka b. mangingisda c. mag-aararo d. manananim

II. Suriin ang mga sumusunod na uri ng pangungusap kung ito ay Tambalan, Hugnayan, o
Payak. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

12. Lalong dumarami ang nagkakasakit ng covid -19 sa ating bansa.


a. Hugnayan b. Payak c. Tambalan

13. Ipagpatuloy nating pangalagaan ang ating kalusugan upang hindi tayo magkasakit.
a. Payak b. Tambalan c. Hugnayan

14. Mahirap ang trabaho ng mag-asawa at maliit pa ang kinikita kaya tumutulong si Nancy
sa kanila.
a. Hugnayan b. Tambalan c. Payak

15. Lubos na nagpapasalamat ako sa mga fronliner na nangangalaga sa mga maysakit.


a. Payak b. Tamabalan c. Hugnayan
16. Hindi tayo makakaalis habang malakas pa ang buhos ng ulan.
a. Hugnayan b. Payak c. Tambalan

17. Mahilig mag-alaga ng iba’t-ibang hayop ang kapatid ko at natuto rin siyang magtanim
ng halaman.
a. Tambalan b. Hugnayan c. Payak

18. Maraming lugar ang gusto kong pasyalan pag natapos na ang krisis sa ating bansa.
a. Tambalan b. Hugnayan c. Payak

19. Kapayapaan at kaayusan ang nais ng mga mamamayan sa Mindanao.


a. Hugnayan b. Tambalan c. Payak

20. Dahil masipag at desidido siya, nakapagtayo siya ng sarili niyang negosyo.
a. Hugnayan b. Tambalan c. Payak

21. Kumakain ng almusal si Jon at nagbibihis si Sarah sa kwarto.


a. Payak b. Tamabalan c. Hugnayan

“Kapuri-puring Bata”

Nag-aaral ng leksiyon si Daniel nang marinig niya ang sunud-sunod na katok sa pinto. “Sino po, iyan?”
tanong niyang parang nabigla. “Ang Kumareng Lydia ng nanay mo,” sagot ng panauhin. Binuksan ni Daniel
ang pinto at pinapasok ang panauhin. “Maupo muna kayo, Aling Lydia. Tatawagin ko po si Inay,” magalang na
sabi ng bata. Bago pumasok sa kuwarto upang tawagin ang ina, inabutan pa niya ng pahayagan ang panauhin
upang di mainip.
“Inay… Inay… naghihintay po sa labas ang Kumareng Lydia ninyo,” balita niya sa kanyang ina. “A, ganoon
ba, sige, sabihin mong sandali lang at lalabas na ako,” sagot ng ina. Lumabas ng kuwarto si Daniel at lumapit sa
panauhin na nakita niyang nagbabasa. “Mawalang-galang na po sa inyo, sandali lang po at lalabas na si Inay.”
“Sige, iho, salamat sa iyo,” ganting tugon ni Aling Lydia.

Isulat ang bilang 1 -5 ayon sa wastong pagkakasunud-sunod nito sa kwentong binasa.


______ 22. Lumabas si Daniel sa kuwarto at lumapit sa panauhin.

______ 23. Inabutan ng pahayagan ang panauhin upang hindi mainip.

______ 24. Binuksan ni Daniel ang pinto at pinapasok ang panauhin.

______ 25. Nag-aaral ng leksiyon si Daniel nang marinig ang sunud- sunod na katok sa pinto.

______ 26. Pinaupo niya ang panauhin, bago pumasok sa kuwarto upang tawagin ang ina.

Panuto: Piliin ang bahagi ng pahayagang angkop sa bawat sitwasyon. Bilugan ang itik ng
tamang sagot.
27. Si. G. Dugeno ay naghahanap ng trabaho. Saang bahagi ng pahayagan niya
matatagpuan ang mga anunsiyo tungkol sa bakanteng trabaho?
a. pangulong-tudling b. pampelikula c. anunsyo klasipikado d. palakasan

28. Palabas na ang pelikula ng paborito mong artista. Anong bahagi ng pahayagan ang
iyong bubuksan?
a. palakasan b. pampulitika c. pampelikula d. pangulong-tudling

29. Gusto mong malaman ang nakuhang iskor ng paborito mong koponan sa basketbol
kahapon. Saan mo ito hahanapin?
a. pampelikula b. palakasan c. obitwaryo d.anunsiyo klasipikado

30. Gusto mong basahin kung ano ang opinyon ng editor tungkol sa isyu ng mga
magsasaka. Saan mo ito makikita?
a. seksyon ng komiks b. editoryal c. pampulitika d. pangulong-tudling

Suriin ang ilang paraan ng pag-oorganisa ng impormasyon o datos. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
31. Inaayos ang mga datos o impormasyon ayon sa wastong pagkakasunod-sunod.
a. Kronolohiko b. Sekwensyal c. Prosidyural d. Tema

32. Kapaki-pakinabang ito pagdating sa mga proseso katulad ng pagluluto o pagtatanim


ng halaman.
a. Kronolohiko b. Sekwensyal c. Prosidyural d. Tema

33. Kapaki-pakinabang naman ito kung gusto mong talakayin ang dalawang panig ng
isang isyu ng walang pagkakampi.
a. kapakinabangan at kapinsalaan b. Prosidyural c. Tema

34. Ito ang karaniwang ginagamit sa pagbabalangkas. Dito inaayos ang impormasyon ayon
sa iba-ibang pangalawang paksa sa ilalim ng isang pangunahing paksa.
a. Kronolohiko b. Sekwensyal c. Prosidyural d. Tema

35. Pinapakita ang impormasyon ayon sa petsa o tiyak na araw o taon. Maaari itong
pasulong o pabalik.
a. Prosidyural b. Sekwensyal c. Tema d. Kronolohikal

36. Pinapakita naman dito ang pagkakapareho at pagkakaiba ng dalawang o higit pang
bagay.
a. Paghahambing b. Sekwensyal c. Prosidyural d. Tema

Isulat ang PS kung pasalaysay. PT kung patanong, PU kung pautos at PD kung padamdam, ang mga
sumusunod na pangungusap.

________ 37. May nakita ka na bang trabaho?

________ 38. Ay, muntik na akong madulas!

________ 39. Dahan-dahan ka at maputik ang lupa.

_______ 40. Hayun na pala ang nanay!

Isulat sa kahon ang ilan sa kapinsalaan at kapakinabangan ng Teknolohiya sa panahon ngayon. ( 10


puntos )

TEKNOLOHIYA
KAPAKINABANGAN KAPINSALAAN
41. 46.
42. 47.
43. 48.
44. 49.
45. 50.

Kilalanin ang mga bagay na sumusunod. Paano nakatutulong ang mga ito sa atin. Ipaliwanag ang sagot. 51-60
(2 puntos para sa bawat isang larawan.)
Prepared by:

Reza V. Dumlao
Subject Teacher

You might also like