You are on page 1of 3

2ND QUARTER QUIZ1

EPP-4
Name: ________________________ Date: ___________________
I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tumutukoy sa mga halamang itinatanim bilang pang-dekorasyon at


pagpapaganda ng isang lugar?
A. Halamang Gulay B. Halamang Ornamental C. Halamang
Artipisyal

2. Anong uri ng halaman ang gumagapang sa mga balag, poste at bakod na


umaabot ng ilang metro ang haba?
A. Halamang Baging B. Halamang Palumpon C. Halamang
Dahon

3. Ito ay nabubuhay nang nakabitin sa hangin at hindi itinatanim sa lupa.


Inilalagay sa bunot na may kasamang uling. Anong uri ng halaman ito?
A. Aquatic Plants B. Aerial Plants C.Herbal
Plants

4. Anong uri ng halamang ang hindi gaanong lumalaki, may matigas na sanga
at maaaring gamiting bakod sa bakuran o paligid ng bahay?
A. Halamang Palumpon B. Halamang Baging C.
Punongkahoy

5. Alin sa mga sumusunod ang mapagkukunan ng gamit tulad ng kahoy?


A. Palmera B.Mirasol C. Narra

6. Matapos bungkalin ni Mang Elmer ang lupang tataniman, kailangan niya itong
durugin at pantayin. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang gamitin?
A. Asarol B. Kalaykay C. Kartilya

7. Nais ni Aling Cora na magkakahanay at pantay ang pagtubo ng itatanim na


petchay. Ano ang maaari niyang gamitin bilang gabay sa pagtatanim?
A. Asarol at Piko B.Alambre at Pako C. Tulos at
Pisi

8. Matindi ang sikat ng araw habang nagtatanim si Mang David. Ano ang maaari
niyang gamitin bilang proteksyon?
A. Sumbrero B. Guwantes C. Bota

9. Bakit pinakamainam pagtaniman ang lupang loam?


A. Dahil ito ay pinong-pino, malagkit at madikit kung basa.
B. Dahil mabilis makasipsip ng tubig ngunit kulang sa sustansya.
C. Dahil nagtataglay ito ng sustansya at mineral na kailangan ng halaman.
10. Bakit kailangang lagyan o sapinan ng kaunting buhangin ang paso
bago taniman?
A. Para hindi kumapit ang ugat sa ilalim at madaling mailipat sa ibang paso
B. Para magkaroon ng sapat na sustansya ang halaman
C. Para kumapit ang ugat ng halaman sa paso

II. Isulat sa tamang hanay ang mga halaman ayon sa uri nito. Sundan ang
balangkas sa ibaba.

Rosas Water Lily Acacia Yellow Bell Mangga Avocado


Lagundi Begonia Dahong Maria Oregano Snake Plant Gumamela
Lotus Chrysanthemum Palmera Dama de Noche Cadena de Amor
Halamang Halama
Halamang Halamang Halamang Halamang
Namumula ng Puno
Dahon Gamot Tubig Palumpon
klak Baging

III.Suriin ang mga kaisipan. Iguhit ang araw ( ) kung tama ang kaisipan
at buwan ( ) kung hindi.

_____1. Gumamit ng panakip sa ilong kung magwiwisik ng pesticides sa mga


halaman.
_____2. Marapat lamang na maligo kaagad pagkatapos magtanim.
_____3. Mainam na magsuot ng maginhawa at komportableng damit kung
magtatanim.
_____4. Ang mga kagamitang bakal ay magiging mapurol at kakalawangin kung
papahiran ito ng langis.
_____5. Ilagay sa lugar na madaling makita kapag kailangan ang mga
kagamitan pagkatapos gamitin.
IV. Gumawa ng graphic organizer, diagram o illustration na nagpapakita ng mga
hakbang sa pagtatanim ng halamang ornamental. (5 puntos)

You might also like