You are on page 1of 11

26

Sa mga pananaw ng mga manunulat, masasabing ang kalayaan ay tulad ng


tubig na inilagay mo sa iyong palad at kuyumin mo at ito ay tutulo at pilit na
hahanap ng butas. Ang pang-aalipin ng mga dayuhang Kastila sa mga Pilipino ay
tumagal nang mahigit sa tatlong daang taon. Nabigyang tuldok ang mga pang-
aalipin na ito nang magising ang mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino.
Lumitaw ang mga henerasyon ng mga kabataang namulat ang mga kaisipan sa di
pagkakapantay-pantay ng mga mananakop sa sinasakupan. Ito ang Panahon ng
Pagkakamalay.
Ang panahong ito ay binubuo ng mga henerasyong may damdaming
makabayan na nagnanais ng pagbabago sa pamamahala ng mga dayuhan. Nahati
ito sa dalawang panahon. Ang una ay ang Panahon ng Propaganda at ang
ikalawa ay Panahon ng Himagsikan.
Sa kabanatang ito ay tatalakayin ang naging kalagayan ng panitikan at ang
mga manunulat ng mga akda sa panahong ito.

PANIMULANG HIMPILAN:
Inaasahan sa kabanatang ito ang mga sumusunod:
 Naipapaliwanag at nabibigyang interpretasyon ang mga katangi-tanging
mga akdang sinulat sa panahong ito na nakaimpluwensya sa asal, isip at
damdamin ng mga mamamayang Pilipino.
 Nakikilala ang mga tanyag na makata at ang kanilang mga akda.
 Napapahalagahan ang pagiging isang Pilipino

ARALIN 1:KATANGIAN NG PANITIKAN


Mabilis ang paglaganap ng mga akdang pampanitikan sa pananakop
ng mga Kastila. Ang mga katutubong panitikan ng mga Pilipino ay
nabihisan ng Kulturang Kastila.Mahigpit na gumapos ito sa puso at diwa
ng mga Pilipino hanggang tuluyang sakupin at umabuso sa
kapangyarihan na naging dahilan upang mamulat ang isip at diwa ng mga
Pilipino upang magsulat ng mga akdang bumabatikos sa pamamalakad ng
mga kastila.

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


27

TALAKAYIN NATIN
Batay sa aklat nina Marquez at Garcia (2013), nanatili ang mga
anyo ng Panitikan mula sa patula hanggang sa tuluyan sa panahon
ng propaganda at himagsikan. Ang tanging nagbago sa panitikan sa
panahong ito ay ang layunin ng mga manunulat sa pagbubuo ng bawat
akdang pampanitikan at mga paksaing ginamit nila. Nasusulat ang mga
akda noong panahong ito sa Wikang Kastila at Tagalog.
Ang bawat akda sa panahon ng propaganda at himagsikan ay naglalayon
na pukawin at lubusang mamulat ang mga Pilipino sa katotohanan; ang makilala
ng balana ang kaabusuhang ginagawa ng mga dayuhang mananakop sa sariling
bayang Pilipinas at ang maling paniniwala sa relihiyon at mga namumuno nito.
Nais nilang ihasik sa bawat Pilipino ang damdamin at pagmamalasakit ng isang
tunay na Pilipinong makabayan, makatao at tunay na maka-Diyos sa anumang
larangan ng buhay. Ang bawat akdang pampanitikan at pagtatanghal noon ay
kababakasan ng pagkamakabayan at pagmamahal sa Inang Bayan. Ang mga
akdang pampanitikan gaya ng berso, dalit at iba pang taludtod ay nag-iba ng
hugis. Malaki ang naging papel ng panitikan sa panahong ito. Ang mga makata
ay nagpahayag ng pagnanais na magkaroon ng pagbabago. Sa mga taludtod ng
kanilang tula ay sumisigaw ang damdaming nasyonalismo.
Nabanggit sa aklat nina Santiago, et.al (2009) na ang paniniil at
pagsasamantala ng mga may kapangyarihang Kastila, paghamak sa mga Pilipino,
suliranin sa sekularisasyon at maling pamamalakad ng pamahalaan at simbahan
ang naging sanhi ng pagkabuo at paglaganap ng damdaming makabayan sa
panahon ng propaganda at himagsikan. Mapapansin sa mga akdang nasusulat
ang pagkakaroon ng matinding damdaming makabayan sa lahat ng akda,
mapang-uyam at kung minsan ay garapal ang mga akda sa panunuligsa, matapat
na matapat ang paglalarawan sa mga akda ng reyalidad na pangyayari sa
kapaligiran, kahit propaganda ang karaniwang intensyon ng mga akda,
gumagamit din ng masining na pagpapahayag ng marangal na mga damdamin at
matatayog na kaisipan at kapansin pansin ang walang atubiling pagpapahayag
ng kaisipan at damdamin na pigil nang mga nakaraang dekada.

ARALIN 2:PANAHON NG PROPAGANDA:


Mga Manunulat at Akda
Sa araling ito matatalakay ang mga akda at manunulat sa Panahon ng
Propaganda. Ang panahong ito ay binubuo ng mga pangkat ng mga intelektwal na
Pilipino na naghahangad ng pagbabago. Sa panahong ito, panulat ang naging
sandata ng mga Pilipino upang tuligsain ang maling pamamalakad ng pamahalaan
at simbahan.
MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)
28

TALAKAYIN NATIN
ALAM MO BA na sa panahon ng propaganda nabuo ang kilusang
pinamumunuan ng tatlong magigiting na manunulat na sina Jose Rizal,
Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez Jaena? Ito ang tinatawag na
KILUSANG PROPAGANDA.
Ang Kilusang Propaganda ay binubuo ng mga pangkat ng mga intelektwal
na Pilipino na humihingi ng reporma o pagbabago o mga tinatawag na Ilustrador.
Layunin ng kilusang ito ang magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino
at Kastila sa ilalim ng batas, gawing lalawigan ng espanya ang Pilipinas, Panumbalikin
ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng espanya, Gawing mga Pilipino
ang mga kura paroko, at ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag,
pananalita, pagtitipon o pagpupulong at ang pagpapahayag ng kanilang sariling
karaingan.
Batay sa aklat nina Lalic at Matic (2004), Wikang Kastila ang malimit na
gamitin ng mga manunulat sa Kilusang Propaganda. Ayon kay Panganiban at Matute
(1982), karamihan sa mga propagandista ay nakapag-aral o nakapagtapos sa
pamantasan at mga anak ng mga pamilyang may-kaya at makabayan. Nagtataglay sila
ng matatayog na talino, masidhing damdaming makabayan, at dakilang katapangan at
lakas ng loob. Ang pinakataluktok at pinakadakila at nakahihigit sa lahat ng mga
propagandista ay sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez Jaena.

TUNGHAYAN natin ang kanilang dakilang mga naiambag sa Panitikang


Pilipino.

DR. JOSE RIZAL ( Hunyo 19, 1861 – Disyembre 30, 1896)


 Buong pangalan (Jose Protacio Mercado Alonzo Y Realonda)
 Ipinanganak sa Calamba, Laguna
 Mga ginamit na sagisag panulat (Laong Laan, Dimasalang)
 Obra Maestra (Noli Me Tangere at El Filibusterismo)

Mga Akda ni Rizal:


- Noli Me Tangere (Huwag mo Akong Salingin) – Tumatalakay sa sakit ng
Lipunan
- El Filibusterismo (Paghahari ng Kasakiman) – Tumatalakay sa lantad na
kabulukan ng pamahalaan
- Mi Ultimo Adios (Ang Huli Kong Paalam) – Isinulat ni Rizal noong siya
ay nakakulong sa Fort Santiago (Dapitan)
- Sobre La Indolencia delos Filipinos ( Hinggil sa Katamaran ng mga
Pilipino)- Sanaysay na tumatalakay at sumusuri ng mga dahilan ng
palasak na ang mga Pilipino ay tamad.
MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)
29

- Filipinas Dentro De Cien Años ( Ang Pilipinas sa Loob ng Isang Daang


Taon) – Sanaysay na nagpapahiwatig na darating ang panahon ng ang
interes ang Europa sa Pilipinas ay mababawasan, samantalang ang
impluwensiya ng Estados Unidos ay mararamdaman. Hula ni Rizal na
kung may sasakop uli sa Pilipinas walang iba kundi ang Estados Unidos
- A La Juventud Filipinos ( Sa Kabataang Filipino) – Tulang inihandog ni
Rizal sa Kabataang Pilipino na nag-aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas
- Junto Al Pasig ( Sa Tabi ng Pasig) – Isinulat ni Rizal noong siya ay 14 taong
gulang.
Iba Pang mga Akda ni Rizal ( Me Piden Versos o Hinilingan nila ako ng mga
Tula, A Las Flores Heidelberg o Sa mga Bulaklak ng Heidelberg, Notas a La Obra
Sucesos De Las Filipinas Por El Dr. Antonio de Morga, P Jacinto: Memorias de
Un Estudiante de Manila, Diario de Viaje de Norte Amerika)

MARCELO H. DEL PILAR ( Agosto 30, 1850-Hulyo 4, 1896)

 Buong pangalan (Marcelo Hilario del Pilar Y Gatmaitan)


 Mga Sagisag Panulat ( Plaridel, Pupdoh, Piping Dilat at Dolores Manapat)
 Nagtatag ng Diaryong Tagalog (1882) – ang pahayagang ito ang
naglalaman ng mga daing ng mga Pilipino laban sa maling pamamalakad
ng mga Kastila sa Pilipinas.
Mga Akda ni Del Pilar:
- Pag-ibig sa Tinubuang Lupa – Salin ng Amor Patrio ni Rizal na nailathala
sa Diaryong Tagalog(Agosto 20, 1882)
- Kaiigat Kayo – Isang pabiro at patuyang tuligsa at tugon sa tuligsa ni P.
Rodriguez sa Noli ni Rizal. Ginamit ni ang sagisag panulat na Dolores
Manapat. Ang Kaiigat ay galing sa salitang igat na isang uri ng isdang ahas
na nahuhuli sa pulitika
- Dasalan at Tocsohan – Akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban
sa mga prayle. Dahil dito, tinawag si del Pilar na Pilibustero
Halimbawa ng isang bahagi:
ANG TANDA

Ang tanda ng cara i-cruz ang ipangadya mo sa amin Panginoon


naming Fraile sa mga bangkay namin, sa ngalan nang salapi at nang maputing
binte, at nang espiritung bugaw, Siya Nawa.

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


30

- Ang Cadaquilaan ng Dios – Ito ay isang sanaysay na hawig sa


katesismo subalit pagtuya o tumutuligsa laban sa mga prayale.
Nagtataglay ito ng mga pilosopiya tungkol sa kapangyarihan ng Poong
Lumikha, pagpapahalaga at pag-ibig sa kalikasan.
- Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas – Isang tulang nagsasaad ng
paghingi ng pagbabago ngunit ang espanya ay napakatanda at
napakahina upang magkaloob ng anumang tulong sa Pilipinas.
- Dupluhan, Dalit, Mga Bugtong – Kalipunan ng maiikling tula at pang-
aapi ng mga pryale sa Pilipinas.
- La Soberana en Filipinas – Isang sanaysay tungkol sa mga katiwalian
at di makatarungang ginawa ng mga pryale sa mga Pilipino.
- Por Telepono
- Ang Kalayaan – isang nobela na di natapos ni del Pilar dahil sa
kanyang pagpanaw. Ito ay naglalaman ng kanyang mga huling habilin
sa mga mamamayang Pilipino hinggil sa kanyang pagbibigay liwanag
sa tunay na kahulugan ng kalayaan.

GRACIANO LOPEZ JAENA (Disyembre 17, 1856-Enero 20, 1896)


 Isinilang sa Jaro, Iloilo
 Isang mananalumpati na nakagawa ng 100 talumpati
 Tinaguriang Demonthenes ng Pilipinas
 Tagapatnugot ng La Solidaridad

Ang Fray Botod ay ang pinakakilala na akda ni Jaena na sinulat niya


pagkatapos ng himagsikan sa Kabite. Ito ay tumutuligsa sa mga prayle na masiba,
ambisyoso at imoral ang pagkatao. Ang “satire” o mapagpatawang bisaya ay
“malaki ang tiyan” o mapagpatawang kuwentong tuligsa sa kasamaang laganap
noon sa simbahan.

Maliban sa tatlong taluktok ng propaganda ay may iba pang mga


Pilipino ang naging tagapagbandila ng kilusang propaganda. Sila ay sina:

ANTONIO LUNA ( Oktubre 29, 1866)


 Isang parmayotikong dinakip at ipinatapos ng mga kastila sa espanya.
 Ginamit niya ang sagisag panulat na Taga-ilog
 Tagapatnugot ng pahayagang “ La Independencia” ang tagapamansag
ng mga manghihimagsik at ng UnangRepublika ng Pilipinas.
Ang mga akda ni Luna ay natutungkol sa kaugaliang Pilipino at ang iba ay
tumutuligsa sa pamamalakad ng mga pamahalaan at simbahan.
Ilan sa Mga Akda ni Antonio Luna:

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


31

- Noche Buena – isang sanaysay na naglalarawan ng tunay na buhay ng


mga Filipino
- Se Divierten (naglilibang Sila) – isang sanaysay na pumupuna sa sayaw ng
mga kastila na halos di-maraanang sinulid ang pagitan ng mga
nagsisipagsayaw.
- La Tertulia Filipino (Sa Piging ng mga Pilipino) Naglalahad ng isang
kaugaliang Filipino na ipinalalagay ni Luna na lalong mabuti kaysa sa
kaugaliang Kastila.
- Por Madrid – Tumutuligsa sa mga kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay
lalawigan ng Espanya ngunit pinalalagay na banyaga kapag sinisingilan
ng selyo.
- Impresiones – Ito ay isang paglalarawan na ibayong kahirapan ang
dinaranas ng isang mag-aaral na naulila sa amang kawal.

PEDRO PATERNO ( Pebrero 27, 1857- Marso 11, 1911)


 Pinanganak sa Sta Cruz, Maynila
 Isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik at nobelista ng kilusang
propaganda
 Unang Pilipino na nakalaya sa sensura sa panitikan noong mga huling
araw ng pananakop ng mga kastila.

Si Paterno ay kabilang sa tatlong panahon: (1) Panahon ng Propaganda, (2)


Panahon ng Himagsikan, at (3) Panahon ng Amerikano. Ang mga paksain sa
pagsulat ni Paterno ay nahihinggil sa relihiyon at lipunan.
Ilan sa Mga Akda ni Paterno:
- Ninay – Ang kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na
sinulat ng isang Pilipino. Tinuturing na nobelang obra-maestra ni Paterno
na naghatid sa kanya ng katanyagan.
- A Mi Madre (Sa aking Ina) – Nagsasaad ng kahalagahan ng isang ina, na
nagiging malungkot ang isang tahanan kung wala ito.

 JOSE MARIA PANGANIBAN (Pebrero 1, 1863- Agosto 19, 1890)


 Pinanganak sa Mambulao, Camarines Norte
 Kilala sa sagisag panulat na “JOMAPA”
 Naging kilala sa pagkakaroon ng “Memoria Fotografica” ang lathalain
na nasulat sa Wikang Kastila.

MARIANO PONCE ( Marso 23, 1863 – Mayo 23, 1918)


MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)
32

 Isinilang sa Baliwag, Bulacan


 Nakasulat ng mga akdang pampanitikan sa tatlong wika: kastila, Tagalog
at Ingles
Ilan sa Mga Akda ni Ponce:
- Pagpugot kay Longinus - isang dulang Tagalog na itinanghal sa liwasan
Malolos, Bulacan at ipinalagay na nagtataglay ng mga katangiang
maipapantay sa kapanahunang dula sa espanya.
-Mga Alamat ng Bulkan – kalipunan ng mga alamat at kuwentong bayan

PEDRO SERRANO LAKTAW


 Unang sumulat ng Diccionario Hispano-Tagalog noong 1889.
 Nagtatag ng Lohiyang Nilad

Sa Kilusang Propaganda, Si Laktaw ang may mithing magkaroon ng


demokratikong pamunuan, gayundin ang pagkakaroon ng kalayaan at karapatan
ng bawat tao. Mithiin din niyang magkaroon ng kinatawan ng kortes ng Espanya
at maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at ang pagkakaroon ng pagbabago.
ISABELO DELOS REYES
 Isang mamamahayag, manunulat, manananggol at pinuno ng mga
manggagawa
 Nagtatag ng Iglesia Filipina Independencia

PASCUAL POBLETE ( Mayo 17, 1857- Pebrero 5, 1921)


 Isang nobelista, makata, mananalaysay at tinuturing na “Ama ng
Pahayagan”
 Nagtatag ng pahayagang “ El Resumen” sa panahon ng kastila at
noong sa panahon ng amerikano tinatag niya ang pahayagang “ Ang
Sigaw ng Bayan”
 Kauna unahang nagsalin sa Tagalog ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal

ARALIN 3:PANAHON NG HIMAGSIKAN:


MGA MANUNULAT AT AKDA
Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng mga
propagandista. Naging bingi ang pamahalaang kastila sa mga kahilingan. Dahil
dito ay nagpatuloy ang mga pang-aapi, pagsasamantala at paghihigpit sa mga
Pilipino ng pamahalaan at simbahan. Bunga ng mga pang-aapi at pagsasamantalang
ito ay nabuo ang pangkat ng mga Pilipinong mapanghimagsik. Ito ang tinatawag na
Panahon ng Himagsikan.
Ang panahong ito ay nahahati sa dalawa. Ang Panahon ng Himagsikan
laban sa mga Kastila at ang Panahon ng Himagsikan Laban sa mga Amerikano.
MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)
33

Sa araling ito ay matatalakay ang mga manunulat at akda sa bawat panahong


nabanggit.

TALAKAYIN NATIN
Alam mo ba na ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nanulat
na rin? Batay sa aklat nina Lalic at Matic (2013), ang mga Pilipino na kabilang sa
Tuwirang Paghihimagsik ay nanulat din subalit hindi kasinghusay ng mga
manunulat na kabilang sa Kilusang Propaganda. Ang mga manunulat na ito ay
nakipaglaban sa kanilang panahong nasasakupan. Nahati ang panahon ng
Himagsikan sa Himagsikan Laban sa Kastila at Himagsikan Laban sa mga
Amerikano. Sa lubhang napakaikling panahon, napakaraming naganap na
makasaysayang pangyayari sa kapuluan. Kabilang sa mga ito ay ang
pagkakaroon ng pagpapalit ng pamamahala sa pamahalaan. Sa panahong ito
naipahayag ang mga damdaming nakuyom ng daan-daang taon. Masalimuot na
damdaming hindi maaaring ipahayag sa pamamagitan ng paghahabi ng
magagandang pananalita. Kailangang ipahayag sa pamamagitan ng tiyakan at
maalab na pananalita upang ang mga mamamayang hindi ganap na nagigising ay
makisangkot sa mga nagaganap sa paligid. Sa panahong ito ay buong dilat na
ipinakikita at ipinadarama ang nararapat na makamit ang kalayaan upang
maging maligaya ang bayan (Casanova et.al, 2001).

Una nating talakayin ang Himagsikan Laban sa mga Kastila.


Sa aklat ni Santiago et. al (2009) nabanggit na ipinatapon sa Dapitan si Jose
Rizal sanhi ng ang La Liga Filipina, isang samahang sibiko ay pinaghihinalaang
samahang mapanghimagsik. Noong gabi nang napabalitang ipinatapon sa
Dapitan si Rizal, sina Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata, ladislao
Diwa, Deodado Arellano at iba pang kasamang may damdaming makabayan ay
lihim na na nagpulong noong Hulyo 12, 1892 sa isang tahanan sa daang Azcaraga,
malapit sa Tondo.
Dahil dito, naitatag ang Katipunan (KKK /Kataas-Taasang Kagalang –
galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Ito ay nagtataglay ng tatlong
layunin:pampulitika –upang maihiwalay ang Pilipinas sa Espanya; Moral –
upang maturuan ng katatagan at kagandahang –asal ang mga Pilipino na
maiiwas sa pagiging panatiko; at sibiko – upang maipagtanggol ang mga
mahihirap at mga naaaping mga Pilipino. Ginamit nila ang La Liga Filipina na
itinatag ni Jose Rizal upang maging kasangkapan sa pagtatag ng katipunan.
Ang bagong pangkat o ang mga katipuneros ay wala nang pag-asang
makamit pa ang kahilingang pagbabago. Ayon na rin sa kanila, wala nang iba
pang pamamaraan kundi ang maghimagsik. Ang mga manunulat na natampok sa
panahong ito ay sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Pio Valenzuela
(Casanova et.al, 2001).

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


34

ANDRES BONIFACIO (Nobyembre 10, 1863 – Mayo 10, 1897)


Siya ay kinilalang Dakilang Dukha, Ama ng Katipunan at Ama ng
Demokrasyang Pilipino. Ginamit niya ang sagisag na Magdiwang sa Katipunan. Sa
kanyang mga panulat naman ay ginamat niya ang sagisag na Agapito Bagumbayan
at May Pag-asa. Siya ang unang nagsalin sa Tagalog ng Mi Ultimo Adios ni Rizal.
Si Andres Bonifacio ay lalong kilala sa pagiging dakilang mandirigma
kaysa sa manunulat. Ngunit, mayroon din naman siyang naging akdang
nagpaalab sa himagsikan at naging bahagi ng ating panitikan. Tunghayan natin
ang mga akdang sinulat ni Bonifacio.

Katungkulang Gagawin ng mga anak ng Bayan – Isang kartilya na


nahahalintulad sa sampung utos ng Diyos ang pagkakahanay.

Huling Paalam – Salin sa Tagalog ng Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal

Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa – tulang naging katulad ng pamagat ni


Marcelo H. Del Pilar
Katapusang Hibik ng Pilipinas – isang tula bilang pagpapatuloy sa mga diwang
sinimulan ni Hermenegildo Flores sa kanyang tulang “ Hibik ng Pilipias sa Inang
Espanya” na tinugon naman ni marcelo H. Del Pilar sa kanyang tulang “ Sagot ng
Hibik ng Pilipinas.
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog – ito ay isang panawagan sa kanyang
kababayan na gamitin ang isip at talino upang lubos na makamtan ang
minimithing kalayaan. Ang akdang ito ay naglalaman ng paglalagom ng
kasaysayan ng Pilipino bago dumating ang mga kastila hanggang sa kanilang
pamamahala sa buong kapuluan. Nasasaad dito ang pagkakaroon ng mga
pagbabago sa pamumuhay hanggang sa maging kapaki-pakinabang ng mga
kastila, kaya higit na hinangad ng mga Pilipino na makamtan ang ganap na
kalayaan. Ang huling bahagi ay nagpapahayag ng ganito:

“Mga kababayan, hawain natin ang mga ulap na nagpapadilim sa ating mga isip
at talino, inubos natin ang lahat ng ating lakas sa mabuting hangarin na kakambal ng di
mababali at lubos na pananalig sa tagumpay at sa kaunlarang pinakamimithi ng ating
lupnag tinubuan. Isabog natin sa himpapawid ang ating hangaring maging malaya. Mga
kababayan, magkaisa tayo!”

Katipunang Mararahas ng mga Anak ng Bayan – Ito ay isang panawagan sa


kanyang mga kababayang ihanda ang ang kalooban sa pakiipagtunggali at ang
pag-asang magtagumpay ay makakamtan sapagkat nasa kanila ang katuwiran at
mga kabanalang gawa.
EMILIO JACINTO ( Disyembre 15, 1875- abril 16, 1899)

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


35

 Kinilalang utak ng Katipunan sapagkat siya ang naghanda at sumulat ng


ng mga patalastas, saligang batas at iba pang kautusan ng Katipunan.
 tumayo siya bilang kanang kamay ni Bonifacio
 Ginamit ang sagisag na Pingkian sa Katipunan
 Tagapatnugot ng pahayagang “Kalayaan”, ang pahayagan ng katipunan
 Sagisag Panulat ( Dimas Ilaw)
Ang akda ni Jacinto na Kartilya ng Katipunan ang siyang napiling
maging kautusan ng Katipunan. Tunghayan natin iba pang mga akda ni Jacinto.

Liwanag at Dilim - Kalipunan ng mga sanaysay ni Jacinto na napapalooban ng


mga iba’t ibang mga paksain tulad ng katapatan, kalayaan, pagkakapantay-
pantay, paggawa, paniniwala, pamahalaan at pag-ibig sa bayan.
A Mi Madre ( Sa Aking Ina) – isang madamdaming oda

A La Patria (sa bayang Tinubuan) – Ito ay tula niya sa Kastila na ipinalalagay na


kanyang obra maestra.

PIO VALENZUELA
Sumulat din si Valenzuela ng nakapupukaw na panitik at katulong siya ni
Emilio Jacinto sa pamamatnugot ng Kalayaan. Isang sanaysay na alay sa bayan
ang sinulat niya na pinamagatang “ Catwiran”.

Pangalawa ay ang Himagsikan Laban sa Amerikano.


Sa aklat ni Santiago et. al (2009) nabanggit na patuloy parin ang
pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga makapangyarihang kastila at mga prayle.
Nang panahong ito ay Gobernador Heneral sa Pilipinas si Primo de Rivera. Hindi
niya makuhang mapaliwanagan at makumbense ang mga Pilipino upang makiisa
sa pamahalaang Kastila. Naitatag ang Republika ng Biak na Bato, si Emilio
Aguinaldo ang naging pangulo at si Mariano Trias ang pangalawang
pangulo.Noong Nobyembre 1, 1897, nilagdaan ang Saligang Batas ng 1897.
Naglagdaan ang mga panig ng mga Pilipino at Kastila na kinatawan nina
Pedro Paterno at Primo de Rivera. Ang pagkakatong ito ay naisakatuparan s
atulong ni Pedro Paterno. Dito napagkasunduang sina Emilio Aguinaldo ay
magpapatapon sa ibang panig ng bansa at magbibigay naman ng malaking
halaga sa mga rebelde at mga angkang nangsalanta sa himagsikan si Primo de
Rivera. Ang binalak na ito ay hindi nagtagumpay sapagkat napalitan si Primo de
Rivera ni Heneral Basilio Agustin. Hindi nga niya naipagpatuloy ang mga
ginawa ni Rivera ngunit hindi naman niya nababatid ang mga tunay na
pangyayari. Sa panahong ito, lalong lumala ang ugnayang Kastila –Amerikano
dahil sa mga tunay na pangyayaring naganap sa Cuba noong Pebrero 15, 1898.
Dahil sa pangyayaring naganap, ipinahayag ng amerikano ang pormal na
pakikidigma sa Espanya noong Abril 25, 1898. Bumalik si Aguinaldo buhat sa

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


36

Hongkong ay nagtatag siya ng Pambansang Rebolusyonaryo. Nang sakupin ng


mga Amerikano ang Maynila ay hindi rin pinahintulatang pumasok ang mga
Pilipino. Disyembre 1898, naganap at naisakatuparan ang kasunduan sa Paris na
nagpapahayag na inilipat ng Espanya ang pamamahala sa Pilipinas sa Estados
Unidos. Patuloy parin ang ang paghihimagsik ng mga Pilipino.

Ang mga panulat ay siya paring sandata sa pagpapahayag ng niloloob na


damdaming makabayan ng sambayanang Pilipino. Natampok sa mga manunulat
sa panahong ito sina Apolinario Mabini at Jose Palma. Tunghayan natin ang mga
akda ng mga nabanggit na manunulat.

APOLINARIO MABINI (Hunyo 22, 1864 – Mayo 10, 1903)


Naging pinakakanang kamay ni Emilio Aguinaldo si Mabini nang itatag
ang Republika ng Malolos. Kinilala siya bilang Dakilang Lumpo at Utak ng
Himagsikan. Ang mga sinulat niya ay hindi sadyang pampanitikan, kundi hinggil
sa pulitika, pamahalaan, lipunan at pilosopiya.

El Verdadero Decalogo (Ang Tunay na Sampung Utos) – Ito ang pinalalagay na


pinaka obra maestra ni Mabini. Ang pinakahangarin ng akdang ito ay ang
magpalaganap ng nasyonalismo.

JOSE PALMA Y VELASQUEZ (1876-1903)


Ang pinakadakilang ambag ni Palma sa Panitikang Pilipino ay ang mga
titik ng “Pambansang Awit ng Pilipinas” na sinulat niya sa wikang kastila.
Nilapatan naman ito ng musika ni Julian Felipe. Sinasabing sinulat ni Palma ang
mga titik ng pambansang awit habang ang pulutong ng kawal na kinabibilangan
niya ay nakahimpil sa Bautista, Pangasinan.

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)

You might also like