You are on page 1of 10

1

KABANATA 1. PANITIKAN:
Kahulugan, Kahalagahan, Anyo at
Dalang Bisa
Bunga ng malawakang pag-unlad ng siyensya at teknolohiya, maraming
pagbabago ngayon na damang- dama ng pamilyang Pilipino. Ang nasabing
pagbabago na mula sa larangan ng pamumuhay hanggang sa larangan ng
edukasyon at pagtuturo dito isinasabay at isinasagawa ang kakaibang pag-
aangkop sa pagtuturo upang mas lalong maging makabuluhan ang pagkatuto.
Kaya, sa pamamagitan ng modyul na ito gawin nating kawili-wili ang pag-aaral
ng panitikan.

ARALIN 1:KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN


May kaakibat na kahalagahan ang panitikan para sa mga Pilipino.
Isa itong uri ng mahalagang panlunas na makatutulong upang makapagplano ng
sari-sariling mga buhay, matugunan ang mga suliranin at maunawaan ang diwa
ng kalikasan at ang pagiging makatao. Maaaring mawala o maubos ang
kayamanan ng isang tao at maging ang kanyang pagiging makabayan subalit
hindi ang panitikan. Pero ano nga ba ang panitikan? Bakit mahalaga itong
pag-aralan?

TALAKAYIN NATIN
ALAM MO BA KUNG SAAN NANGGALING ANG SALITANG
PANITIKAN?

Ayon kay Jose Villa Panganiban, ang salitang panitikan ay nanggaling sa


unlaping PANG, sa salitang ugat na TITIK at hulaping –AN (pang + titik + an =
pantitikan) na nagiging panitikan dahil sa pagbabago sa morpemang PANG- at
TITIK. Ang panitikan ay katumbas ng literatura sa kastila at literature sa Ingles.

NGAYON, ALAM MO NA ANG PINANGGALINGAN NG SALITANG


PANITIKAN. Tunghayan natin ang iba’t ibang pagpapakahulugan ng mga
dalubhasa.

Ipinahayag nina Alejandro (1991) at Pineda (1978) na ang panitikan ay


bungang-isip na isinatitik. Sumasaklaw ito sa lahat ng uri ng katha na
tumutulong sa ikauunawa ng kahapon, ngayon at bukas ng isang bansa o lahi.

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


Guro: Jeffrey T. Importante
2

Sinabi naman ni Simplicio Bisa (1987), na ang panitikan ay salamin ng lahi.


Nasisinag sa panitikan ang mga karanasan ng isang bansa ang mga kaugalian,
mga paniniwala, mga tradisyon, pangarap at lunggatiin ng isang lahi.

Para naman kay Arrogante (1991) ang panitikan ay malinaw na talaan ng


buhay. Naisasalaysay rito ng tao ang mga pangyayaring naganap, nagaganap, at
magaganap sa kanyang panahon ng pag-unlad mula noong siya ay binhiin,
sumilang, magmusmos, mamulat, magkaisip, matuto, gumulang at mamatay.

Ayon naman sa Bagong Pangkolehiyong Diksyunaryo ni Webster, ang


panitikan ay ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag
sa isang tanging wika ng mga tao; ang mga naisatitik na pagpapahayag na may
kaugnayan sa iba’t ibang paksa o anumang bungang-isip na naisatitik.

Panitikan ding matatawag ang lahat ng uri ng tala na kinasasalaminan ng


pang-araw- araw na pamumuhay ng tao sa lipunan ng kanilang ginagalawan.
Isang lakas itong maaring maging mahalagang bahagi ng pagpapaunlad ng
lipunan at kalinangan (Ramos, 1990).
Bilang paglalahat sa mga nabanggit na mga kahulugan, maaring sasang-
ayon ka sa tinuran ni Sauco (1997) na ang panitikan ay buhay, buhay-buhay,
pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao. Repleksyon ito ng mga karanasan,
kaisipan, damdamin at buhay sa lipunan kabilang na ang mga bagong kalakaran
at kultura ng ibang bansa na ating inaasimila at humuhubog sa ating kaasalan at
pagkatao.

Ngayong alam mo na ang kahulugan ng salitang panitikan, Marahil ay


alam mo na rin kung bakit kailangang pag-aralan ito ng isang mag-aaral kagaya
mo.

BAKIT NGA BA KAILANGANG PAG-ARALAN ANG PANITIKAN?

Sa kalagayan ngayon ng ating bansa, kailangan nating maunawaan at


mapahalagahan ang anyo, nilalaman at hangarin ng pag-aaral ng Panitikang
Pilipino. Kailangan ito sapagkat isa ito ay sa magandang paraan ng
pagpapalaganap at pagbibigay halaga sa ating kultura.
Higit sa lahat, bilang mga Pilipino ay nararapat na malaman natin ang
sariling panitikan sapagkat ito ay salamin ng ating pagkabansa at pagkalahi.

Mga Kahalagahan sa Pag-aral ng Panitikan


1. Upang mabatid ang magagandang kaugalian, tradisyon at kulturang ikinaiba
ikinaiba natin sa ibang lahi;
2. Upang malaman at maipagmalaki na tayo ay may mga mahuhusay na
manunulat na hindi pahuhuli sa mga manunulat ng ibang lahi;
MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)
Guro: Jeffrey T. Importante
3

3. Upang mabasa natin ang magaganda at mahuhusay na mga akdang Pilipino


at nang sa gayon ay matutuhan nating pahalagahan at pagmamalasakitan
ang mga ito;
4. Upang mabatid ang mga sariling kahusayan sa panitikan, gayundin ang ating
mga kapintasan at kahinaan upang maging daan ng pagpapabuti ng mga ito;
5. Upang ating matuklasan ang ating mga kakanyahan at identidad bilang mga
Pilipino.

6. Upang lubusang makikilala at maipadama ang pagiging Pilipino;

7. Upang maipakita bilang mga Pilipino ang pagmamalasakit sa sariling kultura


at panitikan.

Ang kahalagahan ng panitikan sa bawat bansa sa daigdig ay katulad ng


isang walang katapusang daloy ng tubig sa batis. Ito ay magwawakas lamang
kung ang mga nakalimbag na titik ay mawawala sa daigdig at kung ang mga
tao ay mawawalan na ng kakayahan sa pagpapahayag ng kanyang kaisipan,
damdamin at karanasan.

Ngayon ay maliwanag na sa iyo ang kahalagahan ng panitikan. Marahil


napukaw na ang iyong puso at isipan simula ngayon, bukas at sa mga susunod
pang mga taon para maipakita ang pagiging isang PILIPINO.

ARALIN 2: Anyo ng Panitikan


Ang Pilipinas ay mayaman sa iba’t ibang anyo at uri ng panitikan na
tumutukoy sa umiiral, umuunlad at namamayaning mga akdang pampanitikan
na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino.
Sa unang kabanata ay tinalakay ang papel na ginagampanan ng panitikan
maging ang impluwensiya o bisang dala nito sa buong sangkatauhan.
Sa kabanatang ito, dadagdagan natin ang iyong kaalaman tungkol sa uri
at anyo ng panitikan.

TALAKAYIN NATIN
Ang pagsulat ng mga akdang pampanitikan ay nakapagbubukas ng
isipan ng kahit sinong indibidwal. Tumutulong din ito upang malinang ang
kanyang kakayahan at mapalawak ang kanyang imahinasyon sa pamamagitan
ng malikhaing paraan.

Ayon nga kay Arrogante (1983), ang panitikan, nakasulat man o di


nakasulat ay may dalawang anyo, patula at tuluyan.

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


Guro: Jeffrey T. Importante
4

Ano ang Panitikang Patula?


Ang Panitikang Patula ay ginagamitan ng mga piling salita na nahahati sa
mga taludtud o saknong na maaaring may sukat, tugma at talinhaga o maari namang
wala. Kapag wala itong sukat at tugma, tinatawag itong malayang tula o tula na may
malayang taludturan. Nabanggit sa aklat ni Santiago (2009), may apat na uri ng
anyong patula: tulang pasalaysay, tulang liriko o damdamin, tulang
Pandulaan/Pantanghalan at tulang patnigan.
A. Tulang Pasalaysay ay mga tulang ito ay nagsasalaysay ng mga pangyayari sa
buhay, pag-ibig, pakikipagsapalaran ng bayani o mga bayaning tauhan. Ayon kay
Sauco (1978), ang mga epiko, balad, awit at kurido ay mga halimbawa ng tulang
pasalaysay.
Ang Epiko ayon kay Manuel ay tulang pasalaysay na may di
pangkaraniwang haba at kinakanta o binibigkas na may himig. Ang mga pangyayari
ay di kapani-paniwala o puno ng kababalaghan. Halimbawa nito ay ang
HINILAWOD, epiko ng mga Bisaya.
Ang Balad ay isang tulang pasalaysay na kinakanta habang may
sumasayaw noong unang panahon. Katumbas ito ng komposo ng mga taga-
Panay.
Ang Awit at Kurido ay mga tulang pasalaysay na pumapaksa sa
pakikipagsapalaran ng mga tauhang hari at reyna, prinsipe at prinsesa. Sa sukat,
ang Awit ay may sukat na labindalawang pantig (12) at inaawit nang mabagal sa
saliw ng gitara o bandurya. Isa sa mga halimbawa ng awit ay “Florante at Laura”
Ang Kurido ay may walong pantig (8) at binibigkas sa kumpas ng martsa. Isa sa
mga halimbawa ng kurido ay ang Ibong Adarna.
B. Tulang Liriko o Tula ng Damdamin ang salitang liriko ay nagpapahayag ng
damdamin na maaring damdamin ng sumulat o likha lamang ng mayamang
guniguni ng makata atay o hango sa karanasan. Ito ay nauuri sa mga
sumusunod:

1. Awitin o Kantahing Bayan – karaniwang pumapaksa sa pag-ibig,


kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at
kalungkutan na ang mga taludtud ay may sukat at tugma o malayang
taludturan.
2. Soneto – Tulang may labing apat na taludtud hinggil sa damdamin at
kaisipan.
3. Elehiya – tulang nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa
kamatayan.
4. Dalit – awit na pumupuri sa Diyos o mahal na Birhen at nagtataglay
ng kaunting pilosopiya sa buhay.
5. Pastoral – tulang may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa
bukid.
6. Oda –nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang
damdamin.

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


Guro: Jeffrey T. Importante
5

C. Pandulaan/ Tulang Dula o Pantanghalan – ang mga tulang


pandulaan/tulang dula ay mga tulang isinasadula o itinatanghal na ang usapan
ay sa paraang patula. Kabilang sa mga ito ay ang mga sumusunod:
a. Komedya – dula na ang tunggalian ay nagtatapos sa pagkakasundo ng
mga tauhan.
b. Melodrama – dula na karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang
musikal kasama ang opera.
c. Trahedya – Dula na ang tunggalian ay nagwawakas sa pagkasawi o
pagkawasak ng pangunahing tauhan.
d. Parsa – uri ng dula ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng
nakakatawang pangyayari.
e. Saynete – uri ng dula na pumapaksa sa karaniwang pag-uugali ng tao
o ng pook.

D. Tulang Patnigan – Ang mga tulang ito ay karaniwang nangangatwiran,


nanghihikayat at nagbibigay linaw tungkol sa isang paksa. Kabilang sa mga ito
ay ang mga sumusunod:

a. Karagatan – Ito ay paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa


isang patay.
b. Duplo – Ito ay paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa
ikasiyam na gabi sa bakuran ng namatayan matapos mailibing ang
patay bilang pang-aliw sa mga naulila.
c. Ensileda – Ito ay paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang aliw
sa namatayan. Ito ay ginagawa gabi-gabi hanggang sa ikasiyam na
gabi.
d. Balagtasan –. Ito ay tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula.

Ang ikalawang anyo ng panitikan ay Panitikang Tuluyan.

Ang Panitikang Tuluyan ay nasusulat sa paraang patalata. Kabilang


sa mga akdang ito ang mga sumusunod:
1. Nobela – isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata.
Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa
mahabang panahon. Hal. Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
2. Maikling Kuwento – salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang
pangyayari sa kakintalan. Hal. Sandaang Sapatos, Tata Selo, Impeng
Negro
3. Dula – Itinatanghal sa ibabaw ng entablado. Ito ay nahahati sa ilang
yugto. Hal. Walang Sugat, Kahapon, Ngayon at Bukas.

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


Guro: Jeffrey T. Importante
6

4. Alamat – Akdang natutungkol sa pinagmulan ng bagay, pangyayari,


lugar o katawagan. Hal. Alamat ng Pinya, Alamat ng Bundok
Makiling
5. Pabula – salaysaying ang mga tauhan ay hayop na ang layunin ay
gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahubog ng
kanilang ugali at kilos. Hal. Ang Kalabaw at ang Kabayo, Ang Pagong
at Ang Matsing.
6. Anekdota – Isang uri ng akda na tumatalakay sa kakaiba o
katawatawang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o
tanyag na tao. Maaaring ito ay kuwento ng mga hayop o bata. Hal.
Anekdota ni Jose Rizal, Ang Pilipino ay Mangyan
7. Sanaysay – akdang nagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng may
akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari.
8. Talambuhay – tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring ito
ay pansarili o ng ibang tao.
9. Balita – akdang naglalahad ng mga pang-araw araw na pangyayari sa
lipunan, pamahalaan, industriya at agham, sakuna at iba pang
nagaganap sa buong bansa.
10. Talumpati – Ito ay isang pagpapahayag na binibigkas sa harap na mga
tagapakinig na ang layunin y magbigay ng impormasyon,
mangatwiran, magpaliwanag at magbigay ng opinyon o paniniwala.
11. Parabula – salaysaying hango sa bibliya na ang layunin ay maybigay
ng aral sa mga mambabasa. Hal. Ang Alibughang Anak, Ang
Mabuting Samaritano.
12. Kuwentong Bayan – kuwento na napapaloob sa isang bayan. Hal. Si
Mariang Makiling, Si Felicidad, Si Kapitan Gimo.

ARALIN 3 : MGA AKDANG MAY DALANG BISA


Sa aklat nina Marquez at Garcia (2013), nabanggit na sa kasaysayan ng
panitikan, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa mga bansa sa daigdig ay
may mga akdang pampanitikan na nagdala ng malaking impluwensiya upang
maisulat at mabuo ang obra-maestra ng iba’t ibang bansa sa daigdig. Sa
pagbabasa ng mga akdang pampanitikang ito tayo ay nalilibang habang
natututo,nahuhubog ang ating pag-uugali at napapalawak ang ating kaisipan.
Ikaw? Alam mo ba ang mga akdang ito na may malaking impluwensiya
sa paghubog ng iyong pag-uugali at isipan? Kung hindi pa, alamin mo.

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


Guro: Jeffrey T. Importante
7

TALAKAYIN NATIN
Sa kahit na anong aklat ng Panitikang Pilipino, may labindalawang
(12) akdang pampanitikan ng iba’t ibang bansa sa iba’t ibang panahon na
nagdala ng malaking impluwensiya sa kalagayan sa buong daigdig.
Sa aklat nina Marquez at Garcia (2013), nabanggit na ang labindalawang
aklat pampanitikan na ito ay may dalang dalawang mahalagang kalagayan ng
panitikan sa daigdig: Una, nagpapaliwanag sa kahalagahan ng kalinangan at
kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng akda. At ang ikalawa, sa pamamagitan
ng mga akdang ito ang mga bansa sa daigdig ay nagkatagpo-tagpo sa
damdamin, kaisipan at gayon din, nagkaunawaan bukod pa sa nagkahiraman ng
ugali at pamamaraan ng pamumuhay. Ang mga akdang pampanitikan na ito ay
ang mga sumusunod:

AKDANG PAMPANITIKAN DESKRIPSYON


- Ito ang bibliya ng mga Kristiyano at
nagiging batayan ng kakaristiyanuhan.
Ambag ito sa panitikan ng bansang
Palestina at Gresya.
- Ang kahalagahan ng pagmamahal at
pagpapatawad ang dalang bisa ng banal
na kasulatan.

Banal na Kasulatan/Bibliya
- Itinuturing ito na pinakabibliya ng mga
Muslim na naglalaman ng mensahe ni
Allah sa sangkatauhan.

Koran/Quran
- Mula ito sa Espanya na nagpapahayg
ng katangiang panlahi ng mga Kastila
at ng kanilang mga alamat at
kasaysayang pambansa noong unang
panahon.
- Pinapakita sa akdang ito ang
katangiang pantao gaya ng katapatan,
kasipagan at kababaang –loob. Ang
El Cid Campeador pagtagumpay ng kabutihan laban sa
kasamaan ay lalo ding
pinapahalagahan.

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


Guro: Jeffrey T. Importante
8

- Epiko ito ng Pranses na


kinapapalooban ng mga kuwentong
Roncesvalles at Doce Pares. Ito ay
nagtataglay ng kasaysayan ng gintong
panahon ng kakristiyanuhan sa
Pransiya.
- Pinapahalagahan sa epikong ito ang
kabayanihan at ang marubdob na
pagmamahal sa bayan kahit ito ay
Awit ni Rolando/Songs of nangangailangan ng pag-alay ng
Roland sariling buhay.
- Akda ni Homer ng Gresya na
tumatalakay sa mga
pakikipagsapalaran ng mga Griyego
noong kanilang kapanahunan. Ang
ILLIAD ay tungkol sa kuwento ng
pagsakop sa Lungsod ng Troy;
habang ang ODDYSSEY ay hinggil sa
pagbabalik ni Odysseus mula sa
Trojan War.
Illiad at Oddyssey
- Mula ito sa Ehipto na naglalaman ng
Kulto ni Osiris at ng mitolohiya at
teolohiya ng Ehipto.

Aklat ng mga Patay/ Book of


the Dead
- Ito ay epiko na inakda ito ni Dante
Aleghiere ng Italya. Tinatalakay
naman dito ang isang paglalakbay
mula sa langit, sa impyerno at
purgatoryo at nagpapakilala na ang
tao ay huhusgahan sa pamamagitan
ng pamumuhay sa lupa.

Divine Comedy

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


Guro: Jeffrey T. Importante
9

- Ito ay pambansang epiko ng India na


tumatalakay sa kasaysayan ng limang
prinsipe na inagawan ng korona,
ipinatapon s akagubatan at muling
bumalik upang mabawi ang
kahariang inagaw sa kanila.
- Ito ang ng itinuturing na
pinakamahabang epiko sa
daigdig(220,000 taludtud o linya).
- Itinuturo ng epiko ang kahalagahan ng
Mahabharata sakrispisyo, kalinisan ng budhi at
kabanalan. Pinahahalagahan rin ang
pagiging makatarungan ng tao.
- Binubuo ito ng iba’t ibang kuwento na
naglalarawan ng buhay at
pamumuhay ng mgaArabe at
Persyano. Inilalahad dito ang ugaling
pampamahalaan, panlipunan,
pangkabuhayan at panrelihiyon ng
mga taga-Silangan .
- Naglalahad din ito ng mga
impormasyon ukol sa buhay ng tao at
kung paano siya mamuhay sa daigdig
na puno ng karahasan at
materyalismo, kasakiman at
Isang Libo’t Isang Gabi/A kasamaan.
Thousand and One Nights
- Ito ay nobela na sinulat ni Harriet
Beecher Stowe ng Amerika.
Binibigyang diin dito ang pagkaalipin
ng mga itim sa kamay ng mga puti at
siyang naging batayan ng ng simulain
ng demokrasya.
- Ito rin ang naging inspirasyon ni Jose
Rizal upang maisulat at mabuo ang
kanyang dalawang obra maestra, ang
Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
- Ipinapakita sa akda na ito ang
kahalagahan ng pagtitiis, tapat na
paglilingkod, kabutihang loob at
Uncle Tom’s Cabin kabaniyahan.

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


Guro: Jeffrey T. Importante
10

- Kalipunan ito ng mga magandang


kaisipan at pilosopiya ni Confucius na
naging batayan ng pananampalataya,
kalinangan, at kasaysayan ng mga
Intsik na nakaapekto sa mga Pilipino.

Aklat ng mga Araw


- Akda ito ni Geofrey Chaucer ng
Inglatera na naglalaman ng mga
pananampalataya at pag-uugali ng
mga ingles noong unang panahon.

Canterbury Tales

Ngayon, alam mo na ang mga akdang pampanitikan na may malaking


impluwensiya sa buhay at pamumuhay ng bawat tao sa daigdig, marahil ay
alam mo narin kung saan ibinatay ang iyong paniniwala, pananampalataya at
pilosopiya sa buhay.

MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)


Guro: Jeffrey T. Importante

You might also like