Hindi ka pala sigurado, hinayaan mong mahulog sayo ng todo.
Kung kailan hindi na kayang makaahon, Kung kailan hindi na kayang makabangon, Kung kailan wala ng lakas, Dulot ng pusong umibig sa'yo ay wagas.
Mga binigkas na pangako; lahat ay napako,
Inibig mo ngunit bakit agad kang sumuko? Pag-ibig ay hindi basta-basta naglalaho, Maliban na lamang kung ang umibig ay hindi ang iyong puso. Nawa'y maging maligaya ka sa piling ng iba, Sana'y hindi ka na masaktan pa. Dalangin sa Maykapal ang iyong kaligayahan, Desisyon mo sana'y hindi mo pagsisihan Masakit man ang ikay palayain, Ngunit ito ang nararap at gawin. Dinurog mo man ang binuo, Mananatili itong matatag para sa'yo,