You are on page 1of 27

Name: Ayagan, Stephanie I.

Address: Palmayo Resettlement Floridablanca Pampanga


Email address: stephanieayagan3@gmail.com
Mobile #: 09397629874

Personal Information

Date of Birth: February 02, 2004


Place of Birth: Jose B. Lingad Hospital
Age: 19 years old
Civil Status: single
Citizenship: Filipino
Spoken Language: Tagalog, English
Height: 5'6
Weight: 50kg

Educational Attainment:

Senior High School: Floridablanca National Agricultural School


Junior High School: Floridablanca National Agricultural School
Elementary: Malasiqui Elmentary School "Pangasinan"
Name: Ganzon, Krisha Mae L.
Address: Zone 1 Diladila Santa Rita Pampanga
Email address: krishamaeganzon34@gmail.com
Mobile no. 09701411408

Personal information

Date of Birth: November 05, 2003


Place of Birth: Porac Hospital
Age: 19 years old
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino
Spoken Language: Tagalog, Kapampangan, English
Height: 5'5
Weight: 48kg

Educational Attainment:

Senior High School: Becuran High School


Junior High School: Becuran High School
Elementary: Dila-dila Elementary School
Name: Serrano, Christian Jay M.
Address: Purok 1 Mabical Floridablanca Pampanga
Email address: serrano.christian2003@gmail.com
Mobile no. 09196702325

Personal information

Date of Birth: September 24, 2003


Place of Birth: Romana Pangan District Hospital
Age: 19 years old
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino
Spoken Language: Tagalog, Kapampangan, English
Height: 186 cm
Weight: 65 kg

Educational Attainment:

Senior High School: Diosdado Macapagal Memorial High School


Junior High School: Diosdado Macapagal Memorial High School
Elementary: Mabical Elementary School
Name: Sarah Claire I. Ayagan
Address: Palmayo Florida Blanca Pampanga
Email address: ayagansarah@gmail.com
Mobile #: 09558947841

Personal information

Date of Birth: February 2, 2004


Place of Birth: Jose B. Lingad Hospital
Age: 19 years old
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino
Spoken Language: Tagalog/English
Height: 5'3
Weight: 49 kg

Educational Attainment:

Senior High School: Florida Blanca National Agricultural School (Fnas)


Junior High School: Florida Blanca National Agricultural School (Fnas)
Elementary: Malasiqui Elmentary School "Pangasinan"
Name: Manggay, Micaela Jade R.
Address: Consuelo Floridablanca Pampanga
Email address: micaelajade.manggay@gmail.com
Mobile #. 09957293266

Personal information

Date of Birth: 09/21/04


Place of Birth: Romana Pangan District Hospital
Age: 18 years old
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino
Spoken Language: Filipino
Height: 5'4
Weight: 45kg

Educational Attainment:

Senior High School: Basa Air Base National High School


Junior High School: Basa Air Base National High School
Elementary: Consuelo Elementary School
Name: MANAHAN, JOHN RAVEN M.
Address: Pabanlag Floridablanca Pamp.
Email address: johnravenmanahan8@gmail.com
Mobile #. 09357001815

Personal information

Date of Birth: November 17, 2003


Place of Birth: Romana Pangan District Hospital
Age: 19 years old
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino
Spoken Language: Tagalog, Kapampangan, English
Height: 5,8
Weight: 59KG

Educational Attainment:

Senior High School: Floridablanca National Agricultural School


Junior High School: Floridablanca National Agricultural School
Elementary: Pabanlag Elementary School
Name: Sulangob, Jose Marie L. Jr.
Address: lot 104 blk 27 brgy Palmayo Floridablanca Pampanga
Email address: beejay.sulangob@gmail.com
Mobile #. 09052810984

Personal information

Date of Birth: May 24, 2004


Place of Birth: Daet Provincial Hospital
Age: 18 years old
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino
Spoken Language: Tagalog, English
Height: 5'7
Weight: 59 kg

Educational Attainment:

Senior High School: Floridablanca National Agricultural School


Junior High School: Floridablanca National Agricultural School
Elementary: Mercedes Elementary School
Name: Michael Angelo Sabado D.
Address: Dampe Floridablanca,Pampanga
Email address: michaelangelosabado4@gmail.com
Mobile #. 09070656671

Personal information

Date of Birth: August 25, 2004


Place of Birth: Olongapo city
Age: 18 years old
Civil Status: Single
Citizenship: Filipino
Spoken Language: Tagalog/English
Height: 5'1
Weight: 48

Educational Attainment:

Senior High School: I S School Of Technology And Skills Development Inc.


Junior High School: Gutad National High School
Elementary: Dampe Elementary School
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Commission on Higher Education
Guagua Community College
Sta. Filomena, Guagua, Pampanga

PROGRAMANG ACCOUNTANCY: DAHILAN KUNG BAKIT MAY MGA


ESTUDYANTENG NAHIHIRAPAN NA MAKAPASA SA KWALIPIKASYONG
PAGSUSULIT

Ganzon, Krisha Mae L.


Ayagan, Stephanie I.
Serrano, Christian Jay M.
Ayagan, Sarah Claire I.
Manggay, Micaela Jade R.
Manahan, John Raven M.
Sulangob, Jose Marie L. Jr.
Michael Angelo Sabado D.

Mayo 20, 2023


Mr. Jerome Sampayan
Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


PANIMULA

Ang mga mag-aaral sa accountancy ay nahaharap sa maraming hamon sa kanilang

akademikong paglalakbay, isa na dito ay ang pagsusulit, ang pagsusulit ay isa sa mga

pinakamabisang paraan upang patunayan kung natutunan ba ng isang mag-aaral, o kahit sino mang

nag-aaral, ang mga aralin na kanilang pinagaralan. Nagpapakita ang resulta ng pagsusulit kung

saan hindi nakapag-unawa nang lubos ang mga estudyante at kung ano ang kanilang naintindihan.

Ngunit, nakakatulong ba ang resultang ito sa pagpapabuti ng pag-aaral ng mga estudyante, at paano

ito nakaaapekto sa kanila, lalo na kung ang resulta ay magtatakda kung mananatili sila sa kanilang

napiling kurso?

Ang pagsagot ng qualifying exam ay isang nakakapagod na karanasan para sa maraming

mag-aaral ng accountancy. Ayon sa isang pag-aaral ni Galang at Galang (2019), mataas ang antas

ng pagkabalisa at stress sa panahon ng exam sa mga mag-aaral. Ito ay maaaring magdulot ng

negatibong epekto sa kanilang pagganap at magdulot ng mas mababang tsansa ng pagsusulit ng

exam.

Ang Qualifying Examination o (Kwalipikasyong Pagsusulit) ay ibinibigay sa mga mag-

aaral ng B.S. Accountancy upang masiguro kung qualified silang magpatuloy sa program at

mapabuti ang kanilang academic performance. Ito ay isang polisiya ng paaralan sa lahat ng mga

programa na mayroong board examinations. Isa pang dahilan kung bakit ibinibigay ang pagsusulit

na ito ay para sa mga estudyante na maging handa sa licensure examination na kanilang sasailalim

pagkatapos nilang magtapos ng kolehiyo. Sa pamamagitan nito, maaring balikan ng mga


estudyante ang kanilang mga dating aralin. Makakapagbigay din ito sa kanila ng ibang pananaw

kung ano ang maaaring maging pagsusulit sa board exam pagkatapos nilang magtapos, kung ano

ang mga stress at kung paano nila masusubukan ang kanilang kakayahan sa lahat ng mga ito.

Kung sakali na makapasa sa kwalipikasyong pagsusulit ang susunod naman ay ang board

exam. Ang board exam ay isang mahalagang hakbang para sa mga mag-aaral ng accountancy dahil

tinutukoy nito ang kanilang pagiging karapat-dapat na magsanay bilang mga propesyonal na

accountant. Ang pagpasa sa board exam ay nangangailangan ng mataas na antas ng kaalaman,

kasanayan, at paghahanda, at ang pagkabigong gawin ito ay maaaring nakakapanghina ng loob at

nakakapagpapahina ng loob.

Ang pagsusulit ng lisensya ng Certified Public Accountant (CPA) ay karaniwang

itinuturing bilang isa sa pinakamahirap na mga propesyonal na pagsusulit sa Pilipinas dahil sa

kahalagahan ng sakop nito at lalim ng nilalaman. (Dimaculangan et al, 2016).

Ang isang karaniwang problema na kinakaharap ng mga estudyante ng accountancy ay ang dami

ng materyal na dapat nilang matutunan at panatilihin para sa pagsusulit. Sinasaklaw ng pagsusulit

ang isang malawak na hanay ng mga paksa, kabilang ang financial accounting, management

accounting, pag-audit, pagbubuwis, at higit pa. Nangangailangan ito sa mga mag-aaral na

magkaroon ng matibay na pundasyon sa lahat ng mga lugar na ito at mailapat ang kanilang

kaalaman sa mga totoong sitwasyon sa mundo.

Ang Kwalipikasyong Pagsusulit ay isang pagsusulit na kung saan itinataya kung ang mga may

Kursong accountacy ba ay maaaring ipagpatuloy ang kanilang pag aaral sa nasabing programa. Sa

pamamagitan ng pagsusulit na ito ay makikita rin kung gaano ba kahusay ang pagtuturo ng mga

guro sa mga estudyante. Sapagkat dito mahahasa kung gaano naisabuhay ng isang estudyante ang
mga naituro sa kanya ng kaniyang guro. Ngunit, kapag ang mga estudyante ay hindi nakapasa ay

may kalakip na mabigat na resulta na kung saan hindi na nila maipapatuloy pa ang kanilang

gustong programa. Sa kwalipikasyong pagsusulit maraming mag- aaral ang nakakaranas ng mga

hamon at nakakapagpahirap na proseso sa paghahanda at pagsusulit ng pagsusulit na ito, na

mayroong maraming katanungan at hindi sapat na suporta (Durham, 2018).

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang suliraning kinakaharap sa pananaliksik na ito ay ang dahilan kung bakit may mga

Estudyanteng nahihirapan na Makapasa sa Kwalipikasyong Pagsusulit. Higit na binibigyang

pansin sa pananaliksik na ito ang mga dahilan sa kahirapang kinakaharap ng mga estudyante sa

pagpasa ng kanilang Kwalipikasyong pag susulit.

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang mga posibleng katanungan ukol sa mga suliranin sa

nasabing pag-susulit:

Kakulangan sa paghahanda: Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkabigo sa board exam

ay ang kakulangan sa paghahanda. Maraming mag-aaral ang hindi nakapaglaan ng sapat na

oras para sa pag-aaral at pagsusuri, na humahantong sa mababang pagganap sa pagsusulit.

Anxiety at stress: Ang board exam ay isang sitwasyon na mataas ang pressure, at maraming

mag-aaral ang nakakaranas ng anxiety at stress, na maaaring makaapekto sa kanilang

pagganap at konsentrasyon.

Kakulangan sa tiwala sa sarili: May ilang mag-aaral na kulang sa tiwala sa kanilang

kakayahan, na maaaring maging hadlang sa tagumpay sa board exam.


Limitadong oras: Ang board exam ay may limitadong oras, at maaaring magkaproblema ang

mga mag-aaral sa paghahati ng kanilang oras nang epektibo sa panahon ng pagsusulit, na

humahantong sa hindi kumpletong o hindi tama na mga sagot.

Mga Tanong:
1. Bakit hirap maipasa ng mga Estudyante ng Programang Accountancy ang Kwalipikasyong
pagsusulit?

2. Ano-ano ang nagiging problema ng mga Estudyante ng Programang Accountancy sa


kwalipikasyong pagsusulit?

3. Ano-ano ang epekto sa Kalusugang Pangkaisipan ng mga Estudyante ng Programang


Accountancy kapag hindi nila naipasa ang kanilang Kwalipikasyong pagsusulit?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga at mapakinabangan sa sumusunod na indibidwal o grupo:

Sa mga estudyante. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang mabatid ng bawat estudyante

ang maaring paraan upang mabigyan na dagdag kaalaman ang mga mag aaral sa Kwalipisyong

Pag-susulit. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay mabibigyang linaw ang mga salik na maaring

makaapekto sa pagpasa ng kanilang Kwalipisyon pag susulit.

Sa mga guro – Makaka tulong ang pananaliksik na ito upang malaman ng ibang guro ang dapat

at hindi dapat gawin sa mag mag aaral na malapit na mag exam sa kanilang Kwalipikasying Pag-

susulit.
Para sa Pamilya – mag sisilbing gabay ang pananaliksik na ito upang mapigyan suppporta ang

mga anak na mag tatake nang kanilang Kwalipikasyong Pag-susulit, maggiging gabay din ito para

malaman nila kung ano pag pinag dadaanan at gaano nahihirapan ang mga anak nila pag dating sa

gantong pag-susulit.

Sa mga susunod na mananaliksik. Ang mga susunod na mananaliksik ay mahihikayat na bumuo

ng isang pananaliksik na maaaring may kaugnayan sa pananaliksik na ito at makatulong sa

problemang kinakaharap ng mga mag aaral at sa pagpapa-unlad ng sistema ng edukasyon sa bansa.

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nilimitahan lamang sa mga estudyanteng may programang

Accountancy upang malaman at mapag- aralan kung ano-ano ba ang nagiging dahilan ng kahirapan

na makapasa sa Kwalipikasyong pagsusulit lalo na sa modernong paraan ng pag-aaral o pagbibigay

kaalaman sa kanilang estudyante sa nasabing programa.

Ang pananaliksik na ito ay lilimitahan lamang sa dalawanpung (20) respondante na

nahahati sa dalawang pangkat sampu (10) kalalakihan at sampu (10) kababaihan na kumukuha ng

Programang Accountancy. Magsasagawa ng sarbey upang makuha at magamit ang kanilang

ibibigay na impormasyon sa pananaliksik na isasagawa.


KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Ang pananaliksik na ito na may paksang “Dahilan kung bakit may mga Estudyanteng nahihirapan

na Makapasa sa Kwalipikasyong Pagsusulit” ay ginamitan ng input-proseso-awtput model. Ang

pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang mga pangunahing dahilan na nakaka

apekto sa mga estudyante ng programang accountancy sa kwalipikasyong pagsusulit. Inilahad dito

ang mga kwalipikado sa pagtugon sa sarbey at interbyu. Makikita naman sa proseso frame ang

mga hakbang na gagawin ng mga mananaliksik sa pagkuha ng mga datos na saklaw ang interbyu

at sarbey. Ang awtput frame ay sumasaklaw sa mga nakalap na mga datos ukol sa Dahilan kung

bakit may mga Estudyanteng nahihirapan na Makapasa sa Kwalipikasyong Pagsusulit.

INPUT PROSESO AWTPUT

➢ Mga mag-aaral ng ➢ Paggawa ng ➢ Dahilan kung bakit


programang Questionnaire may mga Estudyanteng
accountancy. ➢ Sarbey nahihirapan na
v ➢ Pagsusuri
v Makapasavsa
Kwalipikasyong
Pagsusulit.
Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral sa dahilan kung bakit may mga estudyanteng

nahihirapan na makapasa sa kwalipikasyong pagsusulit. Malaki ang magiging gampanin ng mga

literature at pag-aaral na nailalahad sa kabanatang ito upang maisagawa at mabuo ang pag-aaral.

Mga Suliranin sa Pamamahala ng Oras sa Panahon ng Pag-aaral:

Ang mga mag-aaral ng accountancy ay kinakailangang sumailalim sa malawak na proseso

ng pagrerepaso bago nila masagot ang kanilang qualifying exam. Ang panahon ng pagrerepaso ay

karaniwang tumatagal ng ilang buwan at kinabibilangan ng pag-aaral ng maraming kumplikadong

materyal. Ayon sa isang pag-aaral ni Macan (2019), maraming mga mag-aaral ang nahihirapan sa

pamamahala ng oras sa panahong ito. Karaniwan nilang naiisip na mahirap balansehin ang

kanilang mga akademikong responsibilidad sa iba pang mga obligasyon, tulad ng trabaho o

pamilya.

Problema sa Pamilya

Natukoy ang mga salik na nakakaapekto sa tagumpay ng mga mag-aaral at ang mga epekto

nito ay maaaring mabago sa pamamagitan ng mga interbensyon: mga inaasahan at pag-uugnay ng

mga magulang, estruktura para sa pag-aaral, pamilyang kapaligiran, disiplina, at pakikilahok ng

mga magulang. Ginamit ng mga mananaliksik ang iba't ibang instrumento, proseso sa pagkolekta

ng datos at pag-analisa ng datos, at iba't ibang depinisyon ng mga pamilyang salik. May
pagkakasunduan tungkol sa mga kritikal na pamilyang salik para sa tagumpay ng mga mag-aaral.

Ibinibigay ang mga rekomendasyon para sa mga sikologo sa paaralan upang madagdagan ang

pagkakataon ng mga mag-aaral na matuto sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga direktang at

hindi direktang serbisyo sa mga pamilya. (Christenson,2019)

Pagkabalisa at Stress sa Panahon ng Exam:

Ang mga sakit sa mental na karamihan ay may mataas na pagsasaayos sa mga mag-aaral

sa unibersidad. Maaaring ang mga unibersidad ay magandang lugar upang magbigay ng ebidensya-

batayang pangangalaga sa pamamagitan ng Internet. Bilang bahagi ng Inisyatiba ng World Mental

Health International College Student, ang sistematikong pagsusuri at meta-analisis na ito ay

naglalaman ng mga datos tungkol sa kahusayan ng mga pampamahalaang interbensyon sa

pamamagitan ng Internet para sa kalusugan ng mga mag-aaral sa unibersidad. Ang mga

interbensyong pang-Internet para sa kalusugan ng mga mag-aaral sa unibersidad ay maaaring

magkaroon ng malaking epekto mula sa maliit hanggang katamtaman sa iba't ibang kondisyon.

Gayunpaman, mas maraming pagsasaliksik ang kailangan upang matukoy kung aling mga grupo

ng mga mag-aaral ang pinakaepektibo ang mga pampamahalaang interbensyon sa pamamagitan

ng Internet at upang masuri ang mga paraan upang mapalakas ang kahusayan ng paggamot.

Apatnapu't walong pag-aaral ang isinama. Dalawampu't tatlong pag-aaral (48%) ang tinantya na

may mababang panganib ng pagka-bias. Natuklasan ang maliliit na epekto ng interbensyon sa

depresyon (g = 0.18, 95% kumpiyansa internal [CI; 0.08, 0.27]), pagkabalisa (g = 0.27, 95% CI

[0.13, 0.40]), at stress (g = 0.20, 95% CI [0.02, 0.38]). Natuklasan din ang katamtamang epekto sa

mga sintomas ng karamdaman sa pagkain (g = 0.52, 95% CI [0.22–0.83]) at pagganap sa tungkulin

(g = 0.41, 95% CI [0.26, 0.56]). Ang mga epekto sa kagalingan ay hindi makabuluhan (g = 0.15,

95% CI [−0.20, 0.50]). Ang heterogeneity ay katamtaman hanggang malaki sa maraming


pagsusuri. Pagkatapos ng pagsasaayos para sa pagka-bias sa paglalathala, hindi na makabuluhan

ang mga epekto sa pagkabalisa.(Harrer,2018)

Kulang na Paghahanda at gana sa pag-aaral

Ang mga resulta ay nagpapakita na ang mga mag-aaral ay nakakaramdam ng pagka-abala,

stress, at pagka-overwhelm. Ang mga masamang kaugalian sa pag-aaral, na may malaking

negatibong kaugnayan sa pagganap, ay kasama ang hindi paggawa ng takdang-aralin, hindi pagsali

sa klase, sobrang panonood ng TV, madalas na pagtingin sa telepono, paglipat-lipat sa iba't ibang

aktibidad, at pagpapaliban. Ang mga mabubuting kaugalian sa pag-aaral tulad ng paggawa ng

takdang-aralin, pagsali sa klase, kakayahang pamahalaan ang oras, pagiging nakatuon, at

pagtatrabaho nang mabuti sa antas ng undergrad ay nagpakita ng malaking positibong kaugnayan

sa pagganap. Maliwanag na mas marami pa ang maaaring gawin at dapat gawin upang suportahan

ang mga mag-aaral na ito sa pagbuo ng mas epektibong mga kaugalian sa pag-aaral.(Foche,2017)

Kawalan ng Motibasyon at Kumpiyansa sa sarili:

Ang paggamit ng mga social media ay nainspirahan ng katotohanan na ang karamihan ng

mga gumagamit ng internet ay nasa edad na 19-34 taong gulang, na humigit-kumulang sa 49.52%

sa kanila ay nag-access ng mga social media ng higit sa 3 oras bawat araw (survey ng APJII noong

2017). Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng STIE Persada Bunda na kumuha

ng kurso sa Management Accounting sa taong pang-akademiko ng 2018/2019. Ang pag-aaral na

ito ay gumamit ng pamamaraang Classroom Action Research na may dalawang siklo ng

pagsasaliksik at may deskriptibong pagsusuri. Bago gamitin ang social media bilang isang midya

ng pag-aaral, ang average na halaga ng motivasyon ng mga mag-aaral ay 60%. Sa unang siklo,

nakamit ang average na halaga ng motivasyon ng mga mag-aaral na 71%. Ibig sabihin, mataas ang
motivasyon ng mga mag-aaral ng STIE Persada Bunda. Sa ikalawang siklo, nakamit ang average

na halaga ng motivasyon ng mga mag-aaral na 82%. Ibig sabihin nito, napakataas ng motivasyon

ng mga mag-aaral ng STIE Persada Bunda. Ipinapakita ng pag-aaral na ito na ang motivasyon ng

mga mag-aaral ay mabilis na lumaki. Inaasahan na ang pagkamit ng mga mag-aaral sa kurso ng

management accounting ay tataas din. (Prihastuti, 2018)

Pamamahala sa Oras

Ang pagka-gusto ng mga mag-aaral sa organisasyon lamang ang salik na may malaking

epekto sa kanilang pagka-persepsyon ng kontrol sa oras, na nakatutulong sa pagbawas ng stress at

pag-aalala. Gayunpaman, nag-ulat ang mga babaeng mag-aaral ng mas mataas na antas ng stress

at pag-aalala kumpara sa mga lalaki. Nag-ulat din ang mga nasa post-graduate na antas ng pag-

aalala ukol sa mga bunga ng pandemya na mas mataas kumpara sa mga undergrad. Upang itaguyod

ang pagka-gusto ng mga mag-aaral sa organisasyon, inililista namin ang tatlong kategorya ng

organisasyon na may kaugnayan sa kaukulang mga estratehiya ng pagpapakumbinsi na maaaring

gamitin sa paglikha ng mga makapagpapakumbabang interbensiyon. Ito ay nagbubukas ng

pagkakataon para sa pagbuo ng teknolohikal na interbensiyon upang mapabuti ang pagka-

persepsyon ng mga mag-aaral sa kontrol ng oras, at sa gayon ay maibsan ang stress at pag-aalala.

(Alhasani,2022)

Kawalan ng tulog:

Ang karanasan sa kolehiyo ay mahalaga para sa mga nagbabagong-adulto upang makakuha

ng kaalaman, kasanayan, at kalayaan na magtakda ng sariling landas, magtagumpay sa paghahanap

ng trabaho, at makatulong sa lipunan. Gayunpaman, ang karanasang ito ay may malaking gastos

dahil sa tumataas na bayad sa kolehiyo at lumalaking utang ng mga estudyante, kaya mahalagang
maging epektibo ang mga taon sa kolehiyo. Ang isang potensyal na hadlang sa pagpapalakas ng

tagumpay sa kolehiyo ay ang mataas na kadalasang pagkakaroon ng antok sa araw, kakulangan sa

tulog, at hindi regular na oras ng pagtulog sa mga mag-aaral ng kolehiyo.

Ang antok sa araw ay isang malaking problema, na nakikita sa 50% ng mga estudyante sa

kolehiyo kumpara sa 36% ng mga binata at babae. Sa hindi bababa sa 3 araw sa isang linggo, 60%

ng mga estudyante ang nag-uulat na sila ay madalasang pagod o antok. Ang antok ay tinutukoy

bilang ang hindi kakayahan o kahirapan sa pagpapanatili ng pagka-alerto sa pangunahing panahon

ng pagigising sa araw, na nagreresulta sa hindi sinasadyang pagkakaroon ng antok o pagtulog.

Mahalagang tandaan na ang antok ay madalas na depende sa mga pangyayari, kung saan maraming

aspekto ng kapaligiran ng pag-aaral ng mga estudyante ang nagpapalala ng antok. Halimbawa, ang

isang lecture na hindi nangangailangan ng aktibong pakikilahok at maaaring ganap na madilim at

mainit na silid-aralan ay maaaring magpapakita ng natatagong antok. Ang kakulangan sa tulog ay

tinutukoy bilang hindi sapat na pagtulog upang suportahan ang sapat na pagka-alerto sa araw.

Hindi malinaw kung gaano karaming tulog ang kinakailangan ng isang batang adulto, pero ito ay

inaakala na 8 na oras. Karamihan sa mga estudyante sa kolehiyo ay kulang sa tulog, dahil 70.6%

ng mga estudyante ang nag-uulat na nagtatamo ng mas mababa sa 8 na oras na tulog. Ang epekto

ng kursong kinukuha sa antok at haba ng tulog ay hindi masyadong napag-aaralan ngunit maaaring

malaking epekto ito. Ayon sa ulat ng isang Eskwelahang Arkitektura sa Midwest, 4% lamang ng

mga estudyante ang nakakakuha ng hindi bababa sa 7 na oras na tulog sa gabi; ang average na

haba ng tulog ay 5.7 na oras, kasama ang 2.7 na "all-nighters" bawat buwan. Sa kabuuan, 82% ng

mga estudyante sa kolehiyo. (Hershner,2019)


Kabanata III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalaman kung paano isinagawa ang aming pananaliksik. Matatagpuan

sa Kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik, pamamaraan ng pagpili ng respondente,

instrumento ng pananaliksik, pamamaraan ng pagkalap ng datos, at istatistikal na pagsusuri ng mga

datos ay lahat ng mga aspeto na dapat isaalang-alang sa pag-aaral at ito ay tatalakayin sa

kabanatang ito.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik.

Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mananaliksik na gamitin ang

“Descriptive Survey Research Design”, na gumagamit ng talatanungan (survey questionnaire) para

makalikom ng mga datos. Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa

paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.

Limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong

ito ay hindi lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan. Kung kaya lubos na

nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa pag-aaral kungsaan maari ring magsagawa

ng pakikipanayam at obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at impormasyon.

Ang disenyong paglalarawan o deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na magiging mabisa sa

pagaaral na ito upang mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananalisksik.


PAMAMARAAN NG PAGPILI NG RESPONDENTE

Upang makakuha ng mga impormasyon ang mananaliksik ukol sa paksang “dahilan kung bakit

may mga estudyanteng nahihirapan na makapasa sa kwalipikasyong pagsusulit” ginamit ang

simple random sampling kung saan ang pagpili ng respondente ay malaya mula sa kinabibilangan

nitong grupo.

Ang napiling respondente sa pagsusuring ito ay ang mga mag-aaral na pag dadaanan palamang

ang kanilang Qualifying examination. Nahahati sa dalawang pangkat, sampung (10) kalalakihan

at sampung (10) kababaihan. Malayang pumili ang mananaliksik nang dalawampu (20) mag-aaral

na maaring kumatawan sa kabuuan ng pag-aaral.

Talahanayan 1.

Mag-aaral at tagasagot ng mga talatanungan na pag dadaanan palamaang ang kanilang Qualifying

examination

KABUUANG BILANG NG
KABUUANG BILANG KABUUANG BILANG
RESPONDENTE

LALAKE BABAE
20
10 10
Ang kabuuang bilang ng mga sumagot ay dalawampu (20) na mga magaaral mula programang

Bachelor of science in Accountancy. Ayon sa kasarian ng mga tagasagot, kalahati o sampu (10) sa

mga sumagot ay lalaki at sampu (10) din naman ng nagmula sa babae.

Ang mananaliksik ay nag bigay ng maikling kaalaamaan tungkol sa pananaliksik sa mga mag-

aaral upang masiguro na nauunawa ng mga sasagot sa mga talatanungan ang bawat bagay maging

ang pagiging kompidensyal ng bawat datos upang maipahayag ang kanilang nararapat at kailang

mga impormasyon.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionaire bilang pangunahing

instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pananaliksik. Ang talatanungan ay

nahahati sa dalawang pangkat: ang profile at ang survey ukol sa paksang pinagaaralan. Ang

survey ay nagbigay ng iba’t ibang persepsyon sa mga mag-aaral kung sa papaanong paraan

upang malaman kung ano ang mga nararansan ng mga mag aaral sa kanilang Qualifying

examination kaya sila ay nahihirang makapasa.

Narito ang sipi ng survey questionaire upang lubos na maunawaan ang komposisyon ng mga

talatanungan na ginamit sa pag-aaral.

Mahal naming respondente,

Kami po ay sumusulat upang magpakilala at humingi ng inyong permiso bilang mga respondente

sa aming pananaliksik. Inaasahan po naming na kayo ay magbibigyan ng kaunting panahon upang

sumagot sa mga katanungan na ibibigay sa inyo.


Ang layunin ng pag-aaral na ito ay makakuha ng impormasyon at kaalaman ukol sa isang partikular

na paksa. Ang lahat ng impormasyong inyong ibibigay ay ituring na kumpidensyal at gagamitin

lamang para sa layuning pang-akademiko ng nasabing pag-aaral. Ang inyong mga pangalan at

personal na detalye ay malalagyan ng mga proteksyon upang tiyakin ang inyong kaligtasan at

privacy. Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong pagsasang-ayon at kooperasyon. Ang inyong

partisipasyon ay mahalaga upang maisakatuparan ang aming pananaliksik at makapagbigay ng

mahalagang kaalaman sa larangang ito. Muli maraming salamat po sa inyong pakikiisa at

kooperasyon.

Lubos na nag papasalamat,

[MANANALIKSIK]

PANGALAN: __________________________________________ KASARIAN: _________

ANTAS NG BAITANG: __________________________________

Panuto:

Bilugan ang titik ng sagot na iyong pipiliin. Pumili lamang ng isa.

Mga Tanong:

1. Bakit hirap maipasa ng mga Estudyante ng Programang Accountancy ang Kwalipikasyong

pagsusulit? Ano- ano ang mga nagiging hadlang hadlang nila?

A. Kakulangan sa maayos na silid aralan

B. Kakulanangan sa Pisikal na koneksyon sa guro

C. Kahirapan dahil sa online classes

D. Kawalan ng sapat na kagamitan sa pag aaral


2. Ano-ano ang nagiging problema ng mga Estudyante ng Programang Accountancy sa

kwalipikasyong pagsusulit?

A. Kawalan sa pokus

B. Kawalan ng tiwala sa sarili

C. Kakulangan sa pag hahanda

D. Kawalan sa motibasyon

3. Ano-ano ang epekto sa Kalusugang Pangkaisipan ng mga Estudyante ng Programang

Accountancy kapag hindi nila naipasa ang kanilang Kwalipikasyong pagsusulit?

A. Stress

B. Anxiety

C. Depression

D. Paranoia

Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong malasakit at pagtugon sa aming serbey. Ang inyong

aktibong partisipasyon ay nagbigay-daan sa aming pagkakaroon ng mahalagang impormasyon at

mga pananaw mula sa inyo. Ang inyong mga sagot ay naglalarawan ng inyong kahandaan na

magbahagi ng inyong karanasan at opinyon. Ito ay isang malaking tulong sa aming pagsasaliksik

at nagbibigay ng patunay sa kahalagahan ng inyong mga saloobin.

PAMAMARAAN NG PAGKALAP NG DATOS

Ang mananaliksik ang mismong kumalap ng mga impormasyon upang lubos na maunawaan ang

mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral upang matiyak ang kalidad ng ipipresentang datos.
Ginamit nito ang talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas mapadali sa mga

mananaliksik maging sa mga tagasagot. Ang mananaliksik ay nag bigay ng konting kaalaman sa

pananaliksik sa mga mag-aaral at siniguro ang pagiging kompidensyal ng mga nakakalap na datos

bago ang pamamahagi ng talatanungan upang mas makapagpahayag ang mga sasagot ng tanong.

Ang kabuuang pag-aaral ay nagsimula Mayo ng taong kasalukuyan. Ang pagkolekta ng datos ay

sinagawa ng isang araw kung saan maalwan na oras para sa mga mag-aaral.

ISTATISTIKAL NA PAGSUSURI NG MGA DATOS

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito. Gagamit ng Descriptive

Statistical Analysis ang mga mananaliksik upang ipresenta ang mga datos kung saan gagamit ng

mga graphs upang suriin ang mga datos. Ito ang napili ng mga mananaliksik dahil mas madaling

maintindihan ang mga datos sapagkat nakabuod ang mga datos gamit ang iba’t ibang uri ng talaan

gaya ng talahanayan, tsarts at graphs gayon din ay may pagtatalakay sa mga resulta ng datos.

Sa pagbuo ng interpretasyon at resulta, pinakamaigi at mabilis na maintindihan para mga

mananaliksik ay ang paggamit ng talahanayan at graphs kung sa ganon ay magiging epektibo ang

Descriptive Statistical Analysis sa pag-aaral na ito.

You might also like