Professional Documents
Culture Documents
POST TEST - Reading Assessment For Early Grade
POST TEST - Reading Assessment For Early Grade
Para sa Guro:
Ang assessment o pagtatasa na ito ay naglalayong sukatin ang kasanayan ng mag-aaral sa
pagbabasa. Ang resulta nito ay maaaring batayan sa pagdisenyo ng reading remediation at
interbensiyon upang mapabuti ang mga kasanayang dapat taglayin ng mag-aaral.
Sa pangangasiwa ng pagtatasa, kapag nasagutan ng mag-aaral ang unang bahagi, ibibigay ang
sumunod na bahagi. Subalit kung naipakita ng mag-aaral na hindi niya kaya o wala siyang
sagot sa isang bahagi, hindi na kinakailangang tapusin lahat ng bahagi ng pagtatasa.
___dito ___may
___kaniya ___sa
___sila ___ng
___ay ___sino
Ang Regalo
May dala si Tita Nena.
May regalo siya sa mga bata.
Pula ang balot ng regalo.
Ano kaya ito?
Manika ang regalo!
Masaya ang mga bata.
Masaya rin si Tita Nena.
Ang Sumbrero
May sumbrero si Mang Pido.
Gamit niya ito tuwing nagpupunta sa bukid.
Malaki at makulay ito.
Isang araw, nakita siya ni Aling Mila.
“Ang ganda ng sumbrero mo Pido,” wika ni Aling Mila. Maaari
ko ba itong isuot?”
Ngunit tumanggi si Mang Pido.
Nagpapawis kasi ang ulo niya.
Kaya ang sumbrero ay mabaho.
COMPONENT 5: Story Reading (GRADE 2)
5.2 Comprehension
Ipasagot sa mag-aaral ang mga katanungan batay sa nabasang kuwento.
Pag-iskor: Batay sa tamang sagot
4-5 -1
3-0 -0
Mga Tanong:
1. Sino ang may-ari ng sumbrero?
A. Mang Lino
B. Mang Pido
C. Mang Kiko
2. Kailan ginagamit ni Mang Pido ang sumbrero?
A. Tuwing pupunta siya sa bayan
B. Tuwing pupunta siya sa palengke
C. Tuwing pupunta siya sa bukid
3. Bakit ayaw ipahiram ni Mang Pido ang sumbrero?
A. madamot si Mang Pido
B. mabaho ang sumbrero
C. masisira ang sumbrero
4. Ano kaya ang naramdaman ni Aling Mila?
A. masaya
B. nalungkot
C. nagalit
5. Ano ang gagawin mo kung ayaw ka pahiramin?
A. Magagalit ako sa ayaw magpahiram.
B. Kukunin ko ang gamit kahit ayaw ipahiram.
C. Susubukan ko na lang manghiram sa iba.
Pabatid
Sabayang Patak Kontra POLIO
Pabakunahan lahat ng mga batang wala pang
limang taong gulang laban sa polio.
Gaganapin ito sa Mayo 29, 2023 sa inyong lugar
mula 7:00 ng umaga.
Makipag-ugnayan sa inyong barangay para sa
dagdag na impormasyon.
COMPONENT 6: Local Material Reading
6.2 Comprehension
Ipasagot sa mag-aaral ang mga katanungan batay sa nabasang pabatid.
Pag-iskor: Batay sa tamang sagot
4-5 -1
3-0 -0
Mga Tanong:
1. Para kanino ang pabatid?
A. sa mga magulang
B. sa mga bata
C. sa mga guro
2. Tungkol saan ang pabatid?
A. tungkol sa pagbabakuna
B. tungkol sa pag-aaral
C. tungkol sa mga bata
3. Bakit kailangan mabakunahan ang mga bata?
A. para iwas sa sakuna
B. para iwas sa polio
C. para iwas sa mikrobyo
4. Sino kaya ang gagawa sa pagbabakuna sa barangay?
A. kapitan
B. nars
C. tanod
5. Ano kaya sa palagay mo ang maging reaskiyon ng mga bata sa pagbabakuna?
A. Karamihan ng mga bata ay iiyak.
B. Karamihan ng mga bata ay matutuwa.
C. Karamihan ng mga bata ay matutulog.